Cesca May 13

Akala ko nakamove on na ko.
Hindi pa pala.
Nakita lang kita.
Bumalik bigla lahat ng ala ala.

Bakit mo pa ko pinakawalan?
Bakit mo pa ko iniwan?
Sagutin mo lahat ng tanong ko.
Dahil baka mabaliw ako ng tuluyan.

Paano ka nakamove on ng ganun kabilis?
Habang yung mga nararamdaman ko sayo hindi parin umaalis.
Andaya mo naman! Ikaw masaya habang ako nagdudusa pa.
Pwede bang tayo na lang ulit? tayo na lang ulit.

Bumalik ka dito para ayusin lahat ng ito.
Lahat ng mga sinira mo.
Akala ko ikaw na ang bubuo sakin.
Pero ikaw rin pala ang sisira sakin.

Isabelle Jan 11

•••
Narinig ko lang pangalan mo
Kumirot na ang puso ko
Akala ko okay na ako
Akala ko lang pala

Masakit pa rin bes.

Akala ko ikaw na
Akala ko kasi pwede
Akala ko may chance
Akala ko iba ka


Yun pala nauwi lahat sa maling akala

madrid Oct 2015

Para sa ulap na di ko maabot
Para sa pasang di magamot-gamot
Para sa halik na di malilimutan
Para sa akalang hanggang akala nalang

Para sa ibong di makalipad
Para sa pangarap na di ko matupad
Para sa bukas na di ko na masilayan
Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang

Para sa bagyong di matapos-tapos
Para sa hawak na nagmumukhang gapos
Para sa panaginip na di ko mabitawan
Para sa sanang hanggang sana nalang

This one's for you.
madrid Oct 2015
...

oh, I'm sorry
I thought you meant what you promised
silly me

madrid Oct 2015

"for a minute there...

...you were all I ever wanted"

From A Heart Sep 2015

Sinabi ko na nga ba
May hindi ako alam

Malinaw na ngayon
Salamat sa paalam

Sinabi ko na nga ba
Ngayo'y intindi na

'Wag kang mag-alala

Sanay na rin naman akong umasa

huwag mo nang problemahin

— The End —