Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hardin" poems
papano ba mapaparating ang nararamdaman? kaya ko bang sasabihin saiyo ng harapan? kung meron lang sana akong lakas ng loob sa tamang hinala ng maling kutob bakit sayo lang nagkaganito sa bituwing tunay na may ganda bakit sayo, tuluyang nagbago may paghanga, meron ding pangamba sinta, di ko sinasadya may kusa itong paghanga tadhana ang nagbadya kaya wala akong magagawa kung sana kaya kong umilag kung sana di ako nalalaglag kung sana kaya kung pumalag kung sana ang puso di takot mabasag paano ka ba makikilala kung di ko kayang lumapit saan ba to mapupunta hangarin kailan ba makakamit marahil masaya na sana ako na aking madinig matamis na sagot ng malambing **** tinig ano bang gagawin, di makalapit at di makalalayo papano kakausapin,kung di masambit ang nais ng puso sana bigyan ng tapang, ipadama ang pagsuyo dahil itong naaramdaman di ko kayang isuko hawakan mo aking mga kamay dito sa gitna ng yakap humimlay wag nang malumbay,pangako ko habang buhay sayo lang iaalay ang pagibig kong tunay hayaan nating mga mata'y makiusap sa mga titig **** nakikihiram ng kislap bakit dito, kung saan ako nakatinag larawan mo ang bukod tanging lumiliwanag tulad ka ng rosas sa pula ng labi tulad ka ng anghel sadyang nakakabighani sa mahabang buhok, kutis **** malambot, at tamis ng yong ngiti wala kang katulad, anyong namumukudtangi nilalang na tulad mo BIYAYA kang mamahalin sa hamak na tulad ko SUMPA kitang iibigin oh Nadine, meron pa akong dapat na hiling kung dinig na ng diyos ang aking panalangin oh Nadine, bulaklak ka sa hardin wag mo sanang hayaan ako'y hanggan tingin na sana'y pakinggan ang aking hinaing pagkat di ko kayang mabuhay ng wala ka sa akin
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 4:42 AM UTC
"TORPE"

Continue reading...
46
Dahil ginusto **** igawa kita ng tula, Tulad ng nararamdaman ko, Igagawa kita ng tulang nananaghoy, Tulad ng pag tangis ko sa gabi, Igagawa kita ng tula, Tulad ng mga rosas na pinitas ko sa hardin, dahil wala akong mapag-alayan, Bukod sa puso kong namatay na, Igagawa kita ng tula na nahahapis, Tulad ng pag daloy ng ulan saking mukha, Dahil hindi mo hinayaang mahalin kita, Ni hindi mo binigyan ng tsansa, Kaya igagawa kita ng tulang banayad, Banayad tulad ng nabasag na salamin, Igagawa kita ng tula, Tulad ng nag iisang bituwin na tinatabingan ng ulap... paalam na..
0
Sep 26, 2016
Sep 26, 2016 at 10:02 AM UTC
Nagmahal, Umasa, Nasaktan!!
Ang hele sa duyan Awit ng magulang na nakapagpagaan sa hangin sa tuwing nauulinigan Ang mga punongkahoy doon sa palayan Na nagwawagayway sa mga dumadaan May matimyas na kuwento noong sila pa'y mga munting halaman Paru paro  na sa hardin na dumadapo sa bulaklak sila rin ay may pinagmulan -galing sa alamat Ang magandang tanawin Baryo pa dati kung pangalanan Magandang buhay ang binabati Ng damo't kawayan Ang paggising ng araw mula sa Silangan Nagbibigay pag-asa ang matingkad niyang liwanag At noong dati Nang minsa'y nagmahal mahiyain sa kaibigan ayaw sabihin sa kaklase Hanggang ngayon bibig ay parang itinahi Bakit nahalina sa pag-ibig Kung malaya lang ang umibig Di na sana pinili
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 3:45 AM UTC
Kung Malaya ang Umibig
Ang monasteryo ay pugad ng dasal ng maya Nasa tono ang plawta, umiirog na nota Ang natatanaw na inakalang bukang-liwayway  ay magandang kasintahan Harana ng kalawakan, nakakabinging bulong alulong ng multo na nanahan Sundin ang pagkabigo Sapagkat ang harmonya'y bihasa sa pagbibilanggo Ang kinikimkim na rosas ay lumulubo Ngunit nakagapos ang mga ugat Nakapanlulumo man ito'y totoo Nabubuhay ang bulaklak sa hardin na nakatago Itigil ang kahibangan ng bahaghari Pagkatapos ng pag-iyak ng kalangitan puso'y nagdadalamhati Kahit gaanong tingkad ng kulay sa himpapawid Malaking imahinasyon lamang ang makisabay sa pana ng anghel Iwaksi ang pagtitibok Ang mga konstelasyon ang patunay Guhit ng relasyon sa hangin ialay Papalayo, hindi mamamatay paulit-ulit na mabibigo Ang samyo ng damuhan ay may kaluwalhatiang hatid Sa paraiso nakasandal ang mga balikat at pighati Malayang pag-iisip, paglalakbay ng diwa Lunas sa damdaming mahapdi
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 8:05 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #3
hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya nakangiti hindi ikaw ang unang una niyang maiisip sa unang pagbukas ng kanyang mga matang nakapikit; hindi ikaw ang kanyang unang kakausapin sa tuwing siya'y masaya, malungkot, nagdudusa, at nasasaktan hindi rin ikaw ang unang taong kailangan niya tuwing siya'y nakakaramdam ng pagiging mag-isa hindi talaga 'ikaw.' ang ikaw na palaging siya ang iniisip unang pagmulat pa lang ng mata sa umaga ang ikaw na bukambibig ang pangalan niya kahit ang iba'y rinding rindi na ang ikaw na palaging nag-aabang sa pinto nagbabakasaling babalik siya at ang ikaw na naghihintay kahit nakakagago na hindi rin ikaw, at hinding hindi magiging ikaw ang 'siya' na gusto niya ang siya na importante sa buhay niya na kahit ano mang pagsubok, ay siya at siya pa rin ang siya na palagi niyang binabati ng magandang umaga ang siya na ang mundo niya at ang siya na kahit kailan ay hindi magiging ikaw hindi ikaw, hindi talaga ikaw ang huli niyang maiisip bago niya ipikit muli ang kanyang mga mata hindi ikaw ang masayang kaganapan na maaalala niya tuwing siya'y nalulungkot at hindi ikaw ang isang pulang rosas na kanyang pinili sa hardin ng iba't ibang bulaklak kahit kailan naman ay hindi naging ikaw hindi naging ikaw ang "siya" at "tayo" na iniisip niya hindi naging ikaw ang pinaplano niyang masayang panimula pagkatapos ng masakit na katapusan hindi naging ikaw, at hindi magiging ikaw dahil iba ang "ikaw" at "siya" ang siya na pilit niyang kinukuha ang atensyon at ikaw na pilit namang kinukuha ang atensyon na hindi para sayo.
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 11:16 PM UTC
Hindi Ikaw

37
Yan ang unang salita na biglang pumasok sa aking utak Kapag narinig ko ang iyong pangalan na noon akala ko isang bulaklak Akala ko ikaw ang nag-iisang napagandang bulaklak sa hardin na malawak Pero nung nakuha kita di ko akalain na ako pala’y iiyak Mahal, saan ba ako nagkulang? Minahal kita ng sapat pero bakit ako’y iyong sinaktan? Ako ang iyong iniwan Pero bakit ako itong luhaan? Nasasaktan ako tuwing na-alala ko ang magandang pagsasama Kulitan doon, tawa dito, hatid-sundo, at loob ko’y nakuha mo na Hanggang sa binigay ko sa’yo ang aking tiwala Pero di ko inasahang itatapon mo lang ‘to ng bigla-bigla Binigyan mo ako ng madaming motibo Pinakita mo sa’kin na masaya ka kasama sa piling ko Ipinaramdam mo sa’kin na importante ako sa’yo At higit sa lahat sinabi **** ako’y mahal mo Mahal, oo Mahal mo ako Mahal mo ako tuwing walang kasama Mahal mo ako tuwing wala kang kalaindian na iba Mahal mo nalang ako tuwing may kailangan ka Oo, kasi madali lang sa’yo ang sabihin ang salitang “MAHAL KITA” Mahal, isa kang napakalaking PA-A-SA PA – pagmamahal na akala ko nasa’kin na A – akala ko abot ko na ang pangarap ko sinta pero SA – sakit lang pala ang idinulot mo at puso ko’y namamaga kaya paalam na sa’yo Mahal kong PAASA
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:34 AM UTC
PA-A-SA
Paunawa sa babasa: Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito. “Nauuhaw ako” Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika: “Nauuhaw ako” Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito. “Nauuhaw ako” Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya. “Nauuhaw ako” Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit. “Nauuhaw ako” Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo? “Nauuhaw ako” Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 3:28 AM UTC
"NAUUHAW AKO"

14
Kay tamis ng iyong ngiti Sadyang kay ganda ng iyong labi Ika'y lubos na nakakahumalig Sayo ako'y tunay na umiibig Mata mo'y kumikinang na parang bituin Ikaw ang anghel ng aking panalangin Regalo ka ng Diyos aking sinta Sayo ang puso ko'y napapakanta Kislap ng iyong mata saakin ay nagpapatunaw Pagmamahal ko sayo'y lubos na nangingibabaw Ika'y rosas sa hardin ng Diyos Tatawirin ka sa kahit anong unos Mahal ko, bahaghari ka sa pagdaan ng ulan Kasing ganda ng pagsikat ng araw sa silangan Pagmamahal ko sayo'y inspirasyon sa aking Buhay Tayong dalawa'y kailanma'y di mawawalay
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 10:42 AM UTC
Aking Iniibig
salamat at may isang ikaw ? na sa akin ay siyang pumukaw, upang ang prutas sa hardin ng balik-tanaw... maingatang mainam ang pagpitas nitong balintataw ! oo Ikaw na Aking KAIBIGAN na siyang aking sinusundan! "when meaning, treated as a hurt and empty anything might be gone, even madness and beauty" ....at kanyang BABAHAGINAN ang napiling KABABAIHAN na magiging DAHILAN upang ang PARAAN ,,ay MAISAKATUPARAN "sapagkat ang likas na lakas ng isang pasya ay siyang pinagmumulan ng naka-akdang propesiya" SO IT WAS WRITTEN SO IT SHALL BE DONE na para bang tayo sina Eva at Adan
0
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 7:57 AM UTC
"TANGKILIK"
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

34
Tulad ng isang magandang bulaklak na nalanta sa hardin ng mahal kong lola May bagay na hindi tumatagal gaya ng ating inaakala. Isang paru-paro ang nakita kong  nakadapo sa nag hihikahos na puting rosas ang naka lagay sa kanyang paso. Napaisip ako, pano kapag ako naman ang nawala? May mga tao bang magbibigay pansin? May mga dati bang kaibigan na dadating? May mga tao bang iiyak dahil sa aking pag lisan? O ang mga mata ko ang luluha dahil sariling multo ko lang ang nakiramay.
0
Jan 31, 2016
Jan 31, 2016 at 9:26 PM UTC
Pagpanaw
082121 O giliw at ginintuan kong bayan, Sa mga galamay ng may burdang hinagpis Ay ‘di patitinag ang katapatan kong sayo’y itinatangis Panaghoy ko’y ‘wag sanang lisanin Ang pangako nating hanggang sa dulo’y mananatili. Hindi man sa ngayon Ang paggawad ng medalyang kailanma’y hindi mangangalawang, Ako’y magtitiis sa muling paglipad Ng kalapating pilit na itinatali’t ikinakahon Sa mga islang tanging anino na lamang ang kasarinlan. Kung mamarapatin lang ng may Likha Na ako’y tupukin na lamang ng apoy na hindi nakasusunog At ako’y ayain sa hardin nang walang kamalayan Kundi pagpuri sa Kanyang kagandahan. Ngunit kailanma’y hindi ako mangingimasok Sa kung anumang inilatag sa aking harapan. Gustong lumuha ng dugo Ng aking mga matang may iisang tinitingnan. Sa mga kamay Niya’y Hahayaan ko na lamang na dumungis ang mga butil At ang Kanyang pagkalinga’y Magsilbing panlaman-tiyan. Kung makararating man sa lahat ng mga pinili Na ang aking pananatili’y hindi pansarili lamang Kundi ito’y aking pagpasyang piliin pa rin Ang tahanan bagamat ito’y pinagtaksilan ng karamihan. Sa mga pulong walang kapanatagan At walang kapaliwanagan ang may kapangyarihan, Ay naniniwala akong hindi paglisan ang solusyon. At kung takot at pangamba ang kanilang mga naging dahilan, Ay hindi ko kokonsintihin Ang puso kong anumang oras Ay kayang piliin na rin ang paglisan.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:50 PM UTC
Panaghoy
Ako'y minsan ng naligaw, Sa ilalim ng kalangitang bughaw. Isang napakalawak na hardin, Na agad pumukaw ng aking paningin. O, Mirasol! Namumukod tangi ang tanglaw. Sinubukan ko itong pitasin, Itinuring na sariling akin. Sa lakas ng ihip ng hangin, Di ko namalayan na ito'y tatangayin. Sinubukan ko itong sagipin, Ngunit sa huli, ako pa rin ang salarin.
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 12:00 PM UTC
Mirasol.
Sa isang hardin ako ay may namataan Isang dahong nakatungo at tila may dinaramdam Matagal kong pinagmasdan subalit di ko maunawaan Kaya naman nilapitan at nagsimula ng isang usapan…. Munting dahon, aking bungad, ikaw ata’y matamlay Sukli nya’y ngiting may  kahalong lumbay At napansin ko ang pighati sa kanyang mata Hanggang tuluyan nang umagos ang saganang mga luha… At sinambit nya… “Oh ang rosas na puno ng ganda Lahat sa kanya ay nahahalina Subaling akong palagi nyang kasama Ni minsan di nabigyan ng importansya" Dagdag nya... "Ako’y nanliliit sa aking sarili Lahat ng suporta, sa iba ay ibinahagi Kay rosas, kay tangkay, sila ay aking tinulungan Sa abot ng makakaya, sila ay aking dinamayan Subalit sa malakas na ihip ng hangin Dulot ng bagyong kayhirap pahupain Tila yata akoy’ nag-iisa at nalulugmok Ako ba’y pagkain lang ng uod na gutom?” Oh kaibigan, akin na lang nasambit Huwag kang bibitaw at higpitan ang yong kapit Ang mundo ay di perpekto, ang laban ay di patas Panalangin sa Taas, gawin **** sandata at lakas. Kung ikaw ay susuko, tagumpay ba'y makakamtan? Ang iyo bang paglisan ay kaligayahang inaasam? Tumayo ka nang matatag at sa buhay ay lumaban Ano ba't ang lumbay ay sadya ren paparam...
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 6:06 AM UTC
Ang Matamlay na Dahon
100521 Humihikab na naman ang kalawakan, Natutulog ang mga bituing Patay-sindi kung magparamdam. At ang bagong-gising na buwan ay sumisigaw Na parang mga pinag-samasamang alikabok At syang isinaboy sa garapon ng buhay. Kusang nagtutuklapan ang mga nakahilerang pader Na pinino na parang mga buhangin sa dalampasigan. Habang paisa-isang nagbabato ng galit Ang mitikolosong likido na tumataboy Sa mga ekstranghero ng sanlibutan. Nagsisimula na ring gumapang ang pananim Na ang binhi'y hiningahan ng kariktan. At sa malalambot na mga ulap Ay magtatapat ito ng kanyang paghanga. Hinahawi na parang mga bagong pitas na rosas sa hardin Ang bawat bungang muling ihahasik sa pagsapit ng dilim. At sa ikalawang pagbangon ng binhing pinagmulan ng lahat Ay masasaksihan ng bawat nilalang Ang sinasabi nitong liwanag na bubulag sa lahat.
0
Oct 4, 2021
Oct 4, 2021 at 11:58 PM UTC
Binhi
Marahan niyang pinitas ang Huling gumamela sa hardin. Kasama ang liham at lihim Ng puso, inialay sa paralumang Matagal-tagal ding itinangi, Itinangis sa tadhana, ng walang Hanggang paghilom at pag-asa. Anuman ang mangyari, patuloy na Idadako ang paningin sa pagtingin, Hindi sa hapóng damdamin, hindi Sa mga lamat ng puso, bagkus Sa alamat ng bagong pagsuyo, Paulit-ulit mang danasin ang guho.
0
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:21 AM UTC
Nang Magkamali si Kupido
Sinta pasensya, Pasensya dahil Hindi ko agad napansin Ang pag usbong Ng nasasalat mo Patungo saken, Ngunit Sinta dama ko Nadadama ko Nadadama ko lahat Hindi ko lang pinapahalata Dahil mas nauna sa aking isipan Na ako'y matatalo agad Dahil malalaman **** gusto kita Marahil Mahal na rin kita Pasensya sinta Tinago ko lahat ng ito Lahat ng nadarama ko Alam kong may pagasa pa At hindi ako mawawalan Ng pag asa Dahil naniniwala ako sayo Kahit karampot nalamang Ang tsansa sayo At handa akong isugal Lahat ng iyon Para sa pagusbong natin Subalit Sinta ngayon Hindi ko na papalagpasin pa Hindi ka na mabibigo pang muli Ibibigay ko lahat ng lakas ko Para sayo sinta Para sa pagusbong muli ng pagibig mo Ibibigay ko lahat Basta't huwag kang mawawala. Muli pasensya sinta Ngayon hayaan mo akong bumawi Dahil disidido akong Maging hardin ang ating pagmamahalan.
0
Feb 19, 2020
Feb 19, 2020 at 6:08 AM UTC
Binhi
Maraming mga bagay sa mundo Na di mo pa dapat Naririnig, Nakikita, At nahahawakan Ngunit dahil sa salitang "TRENDING" Nakikiuso ka na din Mga bagay na ito Na nakalilito Di tuloy natin alam kung saan hihinto Napaka bilis ng iyong takbo Ni di na lubos maisip kung saan naparirito Hinay lang at mararating din Ang pinakamagandang hardin Konting Sipag, Tiyaga, At hintay lang natin Ang kasiyaha'y iyong masasalamin
0
Mar 19, 2015
Mar 19, 2015 at 4:46 AM UTC
Mga takip-silip na mata
Nais kong yakapin ang aking sarili Bigyan ng mainit na gatas At patulugin sa malambot na kama Huwag kang matakot Tao ka lang at tao rin lang sila Hayaan **** managinip ang iyong kaluluwa Tandaan mo ang iyong kabataan Ikaw ay minamahal Ikaw ay ginto Ikaw ang tagabuhat ng umaga Ang kanta ng mga matatabang maya Ang almusal sa puso ng iyong pamilya Pag gising mo, huminga ka nang malalim Mag jogging ka sa iyong hardin At ibigin ang init ng araw sa iyong mukha
0
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 10:23 PM UTC
Nais kong yakapin ang aking sarili
052824 Sa tuwing hinahagis ko Ang aking sarili Sa’yong harapan, Ay nais kong isakatapuran Mo rin Ang bawat pangakong inilathala’t Ipinagtibay ng dugong dumanak sa Krus. Sa tuwing kumukulimlim na Ang aking mga mata’y Gusto kong magtago Sa’yong lilim At doon ang aking pahinga. Isisigaw ko ang lahat ng aking pangamba At lulusawin ng pag-ibig Mo Ang bawat tinik na pumipigil sa’kin para huminga. At kung pupwede lang Na patigilan Mo ang bawat ritmo ng oras Upang panandaliang maibsan ang aking pangungulila — Kung pwede lang sana. Sa mga buhangin ng aking pagkukunwari’y Kusa Mo akong aanyayahan Sa malalim at malawak **** karagatan. At kailan nga ba ako matututo? Kailan nga ba kita masisilayan At massasabi nang aking mga mata’y Ikaw ang tanging totoo? Nasasabik ako Sa tuwing sasalubungin Mo ako ng pag-asa At kalakip pala ng pagtiklop ng bawat umaga’y Ang yakap **** mainit Na tumatawag sa’kin na mas piliin pa ang malalim. Taliwas sa aking sariling prinsipyong Binahiran ng mga haka-haka Ang kapangyarihan ng tunay na pananampalataya. At Sa’yo pala mawawalang bisa Ang bawat kuro-kurong Hinayaan kong magsilbing masasamang damo Sa hardin ng aking pagkatao. Ngayo’y bubuksan kong muli Ang aking pintuan At wala nang iba pang makagagapi Sa Tinig **** ginawa ko nang pader At pugad ng aking bukas Na Sa’yo ko lamang iniaalay.
0
May 28, 2024
May 28, 2024 at 7:08 AM UTC
The Garden of Faults
tulak ng bibig, kabig ng dibdib damdaming ikinukulong itinanim ang punla diniligan ng mga mapagbalatkayong salita namulaklak, namunga tulak ng bibig, kabig ng dibdib iyong pinitas ang bunga kinagat, nilunok ang dagta at katas muling itinanim ang buto diniligan, namulaklak, namunga tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang hardin ay naging gubat, mapanglaw na kakahuyan kung saan lahat ay nawawala nilalamon ng lupa, pinipiga ang katawan iniluluwa ang kaluluwa tulak ng bibig, kabig ng dibdib bumuhos ang malakas na ulan dumagundong ang kulog gumuhit ang kidlat sa langit, tumama sumiklab ang apoy, kumalat abo na lamang ang natira
0
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:28 AM UTC
tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Ibubulong sa hangin ang hiling na paghilom Sikip ang mga alaala sa iisang kahapon Maglalakbay sa hardin kung saan nagtagpo Nais nang tumalikod ngunit paano Dadapo na parang isang paru-paro Sa mga talulot na nasa palad mo Iidlip sa ugoy ng hanging malamig Liwanag ng ‘yong ngiti’y baon sa pagpikit Tinatangay ng agos ang bawat hibla ng alaala Ngayong gabi ika’y talang tinitingala Hihimbing kaya ako sa aking pahinga Kung kabisado pa rin ang hulma ng iyong mukha
0
Mar 22, 2020
Mar 22, 2020 at 5:00 PM UTC
Untitled
Di mo ba napapansin? Anak mo, sagad na din. Pasensya, di kinaya, Inis ka na rin pala. Sinong gustong malungkot? Laging nakabaluktot? Isa lang aking dingin, Maglaho, kagaya ng hangin. Saya sa anak ng iba, Sa akin din, pwede ba? Magaling, masayahin, Pag-iisip, normal din. Kung sumama sa hangin, Ako sana’y malimot din. Maging masaya ka sana, Sa iyong bagong hardin.
0
Dec 4, 2020
Dec 4, 2020 at 9:21 PM UTC
"Hardin"
The  roughness signifies my pain my struggle my Grind in this life. One way or another I continue to climb.   The proverbial  ladder of life! Isn't  it amazing how our bodies can physically  reflect our pain and Internal  wellness. My knits and Cuts, scrapes and burns reminds me of what I've overcome and how far I still need to go I take my time though and treat myself well and learn to be gentle *** life has a way of reflecting pain and happiness. All u have to do is look closely. The signs are right in your hands.
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 11:45 PM UTC
HANDS by Candice Hardin February, 2016
Ako'y kakatok sa pintuan ng Diyos Dala-dala ang mga kasalanang inipon Sa paglalakad Tangan-tangan ang pagsisisi At labis na pangamba Na baka sa bakod pa lamang ng hardin Ay tanaw ko nang sarado ang Pintuan ng Maykapal Ako'y tatangis na parang paslit Sa mga panahong alam kong gawin ang tama Pero ipinilit na mali Ako'y nagsusumamong pakinggan Ang mga panalangin para sa kamag-anak Gabayan sana ang minamahal na nahihimbing Naghihikahos kong ipinagdarasal Ang aking kaluluwa Kasama ng bawat putik at sangsang na nakadikit Bawat pintas at kahambugan Ako sana'y pagbuksan muli ng pinto O Diyos na makapangyarihan
0
Jun 25, 2020
Jun 25, 2020 at 7:39 AM UTC
Munting Samba