Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tiwala" poems
PAG-IBIG, NAPA-KOMPLIKADO MO NAGBUBUHOL-BUHOL ANG UTAK KO MAPAGKUNWARI PA MINSA’Y SUSULPOT WARI’Y NAGPAPANGGAP NA SUOT MAPANGAHAS KA, AT WALANG PINIPILI MATAPOS UMASA, PUSO’Y NASAWI O MAPAGPANGGAP NA PAG-IBIG! KAILAN KA MAKAKATIKIM NG GALIT? TIWALA’Y NILAAN PAGKATAPOS AY IIWAN SUKDULANG HAPDI KATUMBAS AY PIGHATI HINDI MO BA NALALAMAN KUNG GAANO KASAKIT MASAKTAN? HINDI MO MANLANG BA TUTULUNGANG MAG-HILOM ANG PUSONG NASAKTAN? TATAWANAN MO NALANG BA ANG PUSONG NAPILAYAN? HABANG SA IYONG HIGAAN IKA’Y SARAP NA SARAP SA PAG-HIMLAY? O MAY AWA PA BANG NARARAMDAMAN? SA PUSONG MINSA’Y MINAHAL KAHIT HIBIK LAMANG NG BALIKAT AY HUWAG SANANG IPAGKAIT SA PUSONG MINSA’Y INIBIG
0
Mar 28, 2015
Mar 28, 2015 at 1:51 AM UTC
Pag-ibig ba't ang lupet mo? (TAGALOG)
Simula noong ako'y bata pa, Iba ang iyong pagpapahalaga, Paulit-ulit kong itong nadarama, Isang pag-aaruga, Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga, Sa panahon na ako'y nagkakasakit, Ako'y iyong pinipilit, Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit? Manalangin sa Maykapal ng mahigpit, Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait. Di mo man sa akin sabihin, Ito'y aking napapansin, Di mo man banggitin, Alam kong ika'y nasasaktan din, Nahihirapan, Puso mo'y lumuluha, Kaya't ang tangi kong dalangin, "Panginoon ako'y inyo na lamang kunin." Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin, Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin, at kanyang babalikatin. Papa ika'y mahalaga sa akin, Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin, Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin, Ang halik mo sa akin, Kaysarap damhin! Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin! Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin, Habang buhay kong gugunitain, Himig ng pagmamahalan natin! O kaysarap dinggin! Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin, Bagkus ko itong pagyayamanin, Hinding-hindi ko ito sasayangin, Habang buhay ko itong pupurihin, Hanggang sa ito ay magniningning! 100 na tula alay ko sayo! Ika'y isa sa magiging pahina nito, Laman ka ng aking nobela, Na hindi maipagkakailang----- Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
100 Na Tula Para Kay Papa
Alam kong pagod ka na sa ikot ng iyong mundo Maging sa iyong taun-taong pagkatalo Sa isang masikip na lungsod ay mistulang preso Hindi mo talagang nais na maparito Anim na taon sa malaking syudad Umani ng napakaraming kaalaman Alam mo naman ang iyong mga hangad Ang pangako lamang ang pinanghahawakan Nadudurog na tiwala mo sa sarili Sa iyong isipan, huwag kang paaapi Tagumpay ay malapit mo nang mawari Dahil siya ay ang iyong nasa isip at tabi. Pagasa ay wala sa malayo Nasa paligid ang mga kaibigan mo Na magsasabi sa iyo ng totoo ~ Tunay kang nagaantay Tunay kang magtatagumpay
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 1:10 PM UTC
Para Sayo,
The State of My Tagalog: Stuttering. Guess that's what you can call it. The insecure prose that curls downward On my notebook. It reeks of bit And piece And syllable. Singular Because language After language After language Enter my mind And slip it Just as quickly, Leaving only Fragments. Oh, the frustration As I ask For loose change From My sister cashier. I can't even ask for The right amount In Tagalog nowadays. "Singkwenta." "Bente." That adds up to 75, I think. Passing score on my Report card too. My self-graded Filipino class. Don't even know How I managed To spell "Ibarra," "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway..." I'd sing and not spell, If they never caught At the bottom of my throat. ------------------------------------------- Ang Kalagayan ng Aking Tagalog: Nauutal. 'Yan ang pwede **** sabihin sa ‘kin. Walang tiwala sa sariling gawa, Patunong pababa ang mga salita Sa aking kwaderno. Ito’y sumisingaw ng piraso At bahagi At pantig. Nag-iisa Dahil wika Bawa’t wika Bawa’t wika Ay pumapasok sa aking kalooban At umaalis Ganun ding kabilis, Naiiwan ang mga Kaputol lamang nito. O, kay inip Habang ako’y humihingi Ng barya Kay Ateng Kahera. ‘Di ko nga kayang Humingi ng tamang halaga Sa wikang Pilipino ngayon. “Singkwenta.” “Bente.” Ito ay pitompu’t lima, ata. Pasang awa rin Sa aking report kard Sariling pagmamarka sa Filipino. ‘Di ko nga alam Kung paano 'kong Naisusulat ang “Ibarra.” "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway…" Nais kong kantahin at huwag lang sulatin, Kung ‘di lang man silang sumasabit Sa ilalim ng aking lalamunan.
0
Sep 22, 2014
Sep 22, 2014 at 10:31 AM UTC
The State of My Tagalog (Dual Language)

Continue reading...
79
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

76
Dalawang taon na ang nakalipas Ang aking unang nakitang liwanag, Isang liwanag na ako’y nasilaw At nahimala sa ‘king natagpuan, Ang ilaw na ito ay mahalaga, Mas mahalaga pa sa milyong pera, At hindi ko ito inaakala Na ito pala’y aking makikita, Isang araw ako ay may tiwala, May tiwala na magiging akin s’ya, Itong tiwala ay isang tadhana, Tadhanang ika’y mapapahimala, Itong ilaw ay aking binitawan, At pinagpalit sa ibang liwanag, At ito ay aking napagsisihan, At bumalik sa ‘king unang liwanag, Nung ako ay nakabalik sa ilaw Hindi ko ulit ito mabibitaw, At ang aking problema ay gumaan At hindi ko ulit ito iiwan Ang tula na ito ay maliwanag At di kailangan ng paliwanag, Itong tula ay isang kwento lamang At ito ay nagsisimula palang, Kapag ako’y na sa gitna ng dilim Ikaw ay nandoon para saakin, Para ako ay kumintab sa dilim Tuwing ang araw ay ‘sang makulimlim, Ako’y natutuwa sa ‘yong itsura Tuwing ikaw ay naging masaya, Pati ako ay nagiging masaya Ang iyong saya ay nakakahawa, Kung ika’y nakita kong nakangiti Ang damdamin ko ay gustong ngumiti, At maraming taong gustong humingi Nang iyong tuwa sa iyong pagngiti, Dahil sa’yo, hindi ko mapigilan Na tumingin sa iyong kagandahan, Na hindi ko kayang makalimutan Ang kagandahan na ‘king minamasdan, Sa ‘yong ugali ay ‘king nagustuhan Dahil sa iyong pagka-orihinal, At sa ‘yong magandang kaugalian Na di kayang magaya ng sinuman, Ang iyong mata ay isang bituin Dahil sila ay magandang titigin, Na walang plano para lang tumigil Kahit ito’y nasa gitna ng dilim, At isang araw na nakita kita Ikaw ay ang aking naging tadhana, Kahit pinakaunang pagkita Ikaw na agad ang aking nadama, Kahit hindi pa tayo magkaibigan tangi ‘kaw na ang aking nagustuhan, Na walang kahirap-hirap maghanap Sa iyong nakatagong kagandahan, Sa ilang taon na aking pasensya At ito ay sulit na hintayin kita, Dahil ikaw ay walang kasing halaga Nang kahit anong halaga ng pera, Ikaw ay isang tunay na liwanag Dahil ang aking buhay ay kuminang, Na walang tigil para lang kuminang Para Makita ang aking daanan, Ilang taon ko na itong tinago Para lang ikaw ay hindi lumayo, Na sa aking pag-iisip sa iyo Na damdaming ito ay di matuyo, Di ko ipipilit ang ‘yong pagmahal Na ako ang iyong karapat dapat, Na mahalin, para sa iyong buhay At ako’y may respeto sa ‘yong buhay, Ang aking nakatagong pakiramdam At ito ay para sa iyo lamang, Ako ay swerte nawalang kaagaw Dahil ako ay mag-iisa lamang, At ako ay hindi titigil dito Dahil ito ay para lang sa iyo, At wala kang kaagaw para dito Dahil ako ay para lang sa iyo, Sa puso ko’y hindi kita mabibitaw Dahil para sa ‘kin ika’y espesyal, At ikaw ay hindi mapapahamak Dahil ako ay naririto lamang, Ako ay nakapili ng seryoso At hindi nagkakamali sa iyo, At ikaw ang aking sariling mundo, At hinding-hindi ko ‘to magugulo, Kung ikaw ay wala, ako’y madilim Hindi magbabago ang ‘king damdamin, Sapagkat ito ay hindi titigil Dahil ikaw ay ang aking bituin, Kahit malawak ang ating paligid Tayo ay magkikita pa rin ulit, Dahil ito ay ang aking damdamin At ‘tong damdamin ay para sa atin, Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng pag-asa, At ito ay nagamit ko ng tama, Hindi ako palaging umaasa Dahil ito’y bihira lang tumama, Tuwing ako ay may nalilimutan Ikaw agad ang aking natandaan, Kahit ikaw ay ang aking iniwan Ikaw ang lumabas sa ‘king isipan, Ang tula na ito ay magwawakas Ngunit ang damdamin ko’y walang hanggan, Tatlong saknong nalang ang katapusan Dahil ito ang huli kong sagutan, Para saakin ikaw ang liwanag Kung ika’y wala, ako’y isang bulag Tuwing kumintab ang ‘yong kagandahan, Ang mga bulaklak ay namulaklak, Ilang taon ko na itong hinintay, Para lang ang damdamin ko’y malabas, Itong pagkakataon ang dumaan Para malaman **** ‘king naramdaman, Hindi ko inakala ang ‘yong ganda Na ang ibang tao ay di makita, Ito na ang katapusan ng tula, At salamat sa iyong pagbabasa.
0
Dec 13, 2019
Dec 13, 2019 at 6:02 AM UTC
Liwanag ng Aking Buhay

120
*parang pag mamahal ko sayo walang "end point" hindi ko alam kung bakit pero kailangan **** gumawa ng kababalaghan para magkaroon ng end point ang bilog kong pagmamahal sayo bakit? hindi pa ba sapat sayo ang tapat at buo kong pagmamahal? hindi pa ba sapat ang walang end point kong pagmamahal para sayo kaya mo nagawang mag sinungaling sakin? katulad mo, pagod na din ako pagod na akong umintindi kahit gusto kong pilitin, ayoko na sayangin oras ko dahil binigyan kita ng second chance pero hindi mo pinahalagahan oo, life is full of second chances pero hindi ako yung tipong tao na sobrang bait na mas pipiliin bigyan ng isa pang pagkakataon ang ibang tao para lang mapasaya sila sa punto na alam naman niya na hindi siya masaya sa magiging desisyon niya simula palang ng relasyon natin, ikaw inuna ko lagi isipin bago sarili ko kahit may mga oras na gusto ko bumitaw, inisip ko muna mararamdaman mo kahit nahihirapan na ako intindihin ka pero may faith at tiwala ako sayo na magbabago ka, na magiging tapat ka sakin, na ang ibibigay mo lamang sakin ay wala kundi ang katotohanan pero nagkamali ako nagkamali ako na pinagkatiwalaan kita nagkamali ako na nagkaroon pa ako ng faith sayo lagi ko tinatanong sa sarili ko nun "dapat pa ba kitang pagkatiwalaan?" sagot ko laging oo, dahil ang pagmamahal ko sayo ay lamang sa mga pagkakamali mo pero pinatunayan mo na mali ang sagot ko   kahit alam ko pagkatao mo, binigay ko sayo buo kong tiwala pero sinira mo wasak na wasak sa landas na hindi na kita kayang balikan dahil ayoko pumasok sa isang relasyon kung wala akong tiwala sa isang tao pagod ka na? mas pagod ako nasaktan ka? mas nasaktan ako binigay ko sayo buong puso ko pero binalik mo ng durog salamat salamat sa pag pasok sa buhay ko at nag silbi kang isang aral sakin salamat sa masasayang araw natin na parang kaya ko pa bilangin sa aking mga daliri.*
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 7:25 AM UTC
Bilog

37
totoo and sinasabi nila na sa segundong mawalan ka ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong magpapakita ng pakialam sayo na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo na sa sandaling binitawan mo ang kamay ng gusto ng makawala darating ang ibang kamay na hahawak muli nito ng mas mahigpit, totoo ang sinasabi nila tila mahirap lang maniwala sa sabi-sabi, sa haka-haka dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila tiwala tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo ang sinasabi nila oo darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak sa tuwa, sa lungkot sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa dahil nandito ako, ako ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo kumapit ka lang sa aking kamay sa aking balikat sa aking katawan na kahit ulanan ng pasa at sugat ay ibinibigay ko sayo ng buong buo uulitin ko, totoo ang sinasabi nila na sa gitna ng kawalan sa gitna ng pagsuko sa gitna ng pagbitaw ito mismo ang maghahanap sayo siya mismo ang maghahanap sayo darating at darating ang parte nitong kwento na bubuo sayo at muli nanamang iikot ang iyong mundo pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito habang naghihintay ka pa, ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan bitawan mo lang at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako hindi kita iiwanan, tiwala magtiwala ka lang sa huling pagkakataon, uulitin ko, totoo ang sinasabi nila hindi ka nagbubulagbulagan kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako ng buong isip at buong puso, ako ako na nagtiwala rin sa Kanya ako na hindi umasa, ngunit humawak sa salita ng aking Ama, ako ito ang tatandaan mo
0
Feb 26, 2016
Feb 26, 2016 at 11:40 AM UTC
Pag-bitaw

66
Mga pangako **** nakakaakit, Mga pangako **** nagpapangiti saakin. Ang pangako mo saakin na "Hindi kita iiwan." Ang pangako mo saakin na "Hindi kita kayang saktan." Ang pangako mo saakin na "Tiwala lang sabay tayong tatanda." Ang pangako mo saakin na "Tayo'y magpapakasal pa at bubuo ng masayang pamilya." Ang pangako mo saakin na "Ikaw lang at wala ng iba." Ngunit bakit? Bakit lahat ng pangako mo ay napako? Nasaan ka nung mga panahong nahihirapan na ako? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng atensyon mo? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng iyong oras? Pasensya na kung maraming tanong na sumasagi sa aking isipan. Pagkagising ko may iba ka na pala di mo manlang nabanggit saakin sobra akong nalungkot nung mga panahong iyon. Napakatanga ko dahil ako'y naniwala sa mga matatamis **** salita. Napakatanga ko dahil minahal pa kita. Napakatanga ko talaga! Bakit pa kasi kita nakilala? Ang hirap kalimutan ng mga masayang ala-ala nating dalawa, Napakasakit! Sobra parang tumigil ang aking mundo simula ng ika'y nawala. Naalala ko pa noon lagi mo akong pinapangiti sa tuwing ako'y malungkot. Lagi mo akong dinadamayan sa aking mga problema. Lagi mo akong kinukulit at nilalambing. Miss ko na ang mga panahong iyon, Yung mga panahon na napakasaya nating dalawa para bang wala na tayong pakealam sa mundo. Bakit ganon? Bakit sa isang iglap bigla nalang itong nawasak? Bigla ka nalang nawala ng parang bula. Bakit naging kabaliktaran ang lahat? Bakit bigla mo nalang ako iniwan ng walang dahilan? Hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mga mata. Bakit kasi iniisip pa kita? Bakit hindi ko parin matanggap ang nakaraan? Bakit hindi parin kita makalimutan? Ang hirap hirap **** kalimutan! Bakit? Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon nagpapakatanga parin ako sayo! Masaya ka na sa piling ng iba diba? Hindi ko na guguluhin pa. Kitang-kita ko sa iyong mata kung gaano ka kasaya sa piling niya, Kung gaano mo siya kamahal, Kung gaano mo sya iniingatan. Katulad ng pagtrato mo saakin dati. Bakit kasi ikaw parin? Ikaw parin yung taong mahal ko? Diba dapat na kitang kalimutan katulad ng paglimot mo saakin? Kelan ba kasi ako mamumulat sa katotohanan na wala na tayo? Kelan ba ako makakalimot? Hanggang ala-ala nalang ba ang lahat?
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 11:28 PM UTC
Pangako

mga tao sa kasalukuyan mga dayukdok sa kapayapaan pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan hatid na bigat ng ating kapaligiran oo, patuloy ang progreso nating mga tao taon-taon may mga bagong mapangusad na mga plano unti-unting nasasagot mga sigaw ng pagbabago ...kahit papano kahit gaano ito katagal lahat ng baraha para dito'y handang isugal pagkat lahat ng mga dumadaan na pagsusulit ang bawat paglagpas at wakas nama'y lubos ito na sulit sa ginagalawang mundo na abala sa munting paglabas, di na maiwasan ang pagalala bawat pilak parehong pang-hulma at resulta para sa mga gyera marami namang mas makahulugan pa upang igasta bilyon-bilyon na mga pera panloob na kapayapaan sa paghanap nito'y isang paghahanap sa karagatan lumulutang lamang ay katanungan kung ito'y katotohanan o isang kasinungalingan makakamit ba hangga't may natatapakan o madadama lamang ba pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian sumisikip, napupuno mga kulungan sumasagitsit ang mga bulong-bulungan kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan humihinga pa aking paniniwala sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala pagkat hindi pa ito ating wakas patuloy mabubuhay ang pagasa hangga't may nabubuhay na umaasa simulan sa sarili, wag sa iba i-asa pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa di kahinaan ang pagtakas minsa'y kinakailangan din nating maghilom, kumalas sa mapangwasak na mundo, patunayang ika'y mas malakas hindi upang ipakita'y pagkamanhid kundi magkaroon ng sapat na lakas upang kayanin pang hatakin sarili't ibang tao pataas
0
Oct 21, 2019
Oct 21, 2019 at 1:32 PM UTC
panloob na kapayapaan

56
Ako’y modernong karpintero Sa henerasyong baon sa utang, Hindi pa man isilang, Ang kamalaya’y limot at simot na. Puros kalyo ang latay Sa pares na kamay Na ang sigaw ay pagbabago Diktahan man kahit demokrasya pa, Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika. May direksyon ang pagdisenyo Pahalang sa kapwa-tao, Samantalang ang kabila’y Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa Patungo sa ulap at bituin Kung saan naroon raw ang Maykapal. Narito ako sa kanilang tagpuan Tatawid sa kalyeng hindi masilayan Bingi sa sanlibutan Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman. Narito ako, Sa sentro’y may hanap-hanap Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin. Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan Ramdam maging sa tadyang Na akin daw ay pinagmulan. Kung mararapatin lamang Ng lupang minsa’y naging gintong bayan Na pang-habambuhay siya’y lisanin At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag. Walang karapatan ang takipsilim na uminda Pagkat ang Haring Araw Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal, Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan. Niyapos ko ang buhok At pinahid sa mansanas, sa mangga’t Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan. Ako’y tumakas Tangan ang sandata ng buhay; Pakuwari ko’y walang himagsikan Ang siyang muling sisiklab Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man. Puting papel at plumang walang tinta Ang iniwan sa akin ng Ama Hindi ko mawari sa paanong paraan ba Maililimbag ang isusulat nitong pluma. Ngunit ang tukso Na madungisan ang pahinang puti Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari, Alam ko, balang araw Mapupunan ito, hindi ng salita Bagkus ng larawang sa sansinukob Ay hahagkan ang bawat nilalang Itatas muli ang bandila - Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago. (5/23/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
Ang Modernong Karpintero at ang Pintor ng Pagbabago

55
Heto't nag-iisa, Malungkot at walang kasama, Hinahanap ang ligaya, Nabulag ng lungkot, saya'y di na makita. Sapagkat hinahanap yung makakaagapay, Sa mga panahong lumbay ang kaaway, Kaya nga kay lungkot ng bakasyon ko, Takot na ako'y limutin mo. Ako sayo'y nangungulila, Ang aking nag-iisang tala, Ang hinahangad na makita, Sa gabing kay dakila. Sayo, di gustong mawalay, Ang laman ng damdamin kong tunay, Ayaw kong ako'y mapang-iwanan, Mapang-iwanan at makalimutan. Ako'y takot sa katotohanan, Na sa buhay, walang pang walang hanggan, Na ang lahat ay may katapusan, Na ang lahat ay pwede kang iwan. Walang magagawa, yung ang totoo, Kaya damdaming ito'y itatago ko, Kaya ang tiwala ko'y ibubuhos ko sa'yo, Tiwalang ako'y maaalala mo, kaibigan ko.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 12:23 PM UTC
Pangungulila
Sa bawat hakbang ng paa, saan ka nga ba pupunta? Kadiliman, takot at aba, yan ang siyang nadarama. Anong mali? Anong masama sa lahat ginawa ko? Bakit sa huli, iniwan pa din ako. Tiwala sa sarili ay nawala. Landas na tatahakin, tila naglahong bula Sino pa kaya ang pagkakatiwalaan sa mundong ito? Bakit kailangan na pagdaanan ang mga ito? Mula sa malayo, ako'y iyong tanaw. Luha, wala man, batid **** bibitaw. Nadama mo ang aking damdaming tila manhid na Manhid na nga ngunit sakit ay siya noong nadadama. Luha ko'y pinawi, pinalitan mo ng ngiti. Puso kong nasaktan, iningatan **** muli. kamay kong kupkop, iyong hinawakan. Niyakap akong sinasabi na hindi mo ko iiwan. Araw, oras, panahon man ang lumipas na Takot ay nawala maging sakit pati na luha tiwala sa sarili muli kong naibalik At ang makita ka ay siyang tangi kong pananabik. Sandaling panahon, marahil, tama sila Ngunit ang sandali'y sapat na para ang sugat ay maghilom na Bakas ng nakaraan, kaya ko ng tawanan Sapagka't pasalamat ako dahil ikaw ay nariyan. Muli akong tumayo at lumakad at naglakbay Batid kong di mag-isa, ikaw ay aking kaagapay yakap mo't mga dasal sa akin ay nagpatatag ikaw ang handog ng Diyos bilang kalasag Salamat Mahal, ngayon ako'y maayos na. Kaya pala dumilim para lang makita ka. Kaya pala kailangan na ako'y masaktan Upang malaman na ang tulad mo'y nandiyan
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:19 AM UTC
Kaya Pala
Nagising mula sa maingay na telepono Tinig na bumabati ng isang maginoo Maligayang kaarawan saad ni Piccolo Bumangon ka na riyan at pumarito Katawan ay nakapako pa sa higaan O, bakit ba kay lambot nitong aking unan? Ang bumangon ay tila palaisipan At ang panaginip ay nais pang balikan Ngunit tatayo na upang mundo ay harapin Sa labas ng pinto katotohana'y malagim Sa likod nito ay papanhik pa rin Sapagkat ang tumanggap ay natutunan ko na rin Sa lugar kung saan ang lahat ay gaganapin Lahat ng handog at pagbati ay tatanggpin Ngunit tila nasa gubat at nag-iingat pa rin Sapagkat maging sa mga banal ay may ahas pa rin Sa wakas ang araw ay natapos na rin Bulong sa sarili na tila ba aantukin Ang araw na ito'y tiyak na lilimutin Nang taong sa tiwala'y may suliranin
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:55 PM UTC
Tiwala'y Suliranin
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

86
Kapag ang lupa'y nag-alay na ng huling hininga, Alalahanin mo yaong sayo'y sumamo ng tiwala, Humimbing ka sa mga nalabing labi ng karumalan, Ilubog mo ang sarili sa pusod ng kawalan. Tama kaibigan, ito na nga ang kamatayan. Death When the earth has breathed its last, Remember the people who gained your trust Then, sleep  with the ruins this monstrosity has created Plunge yourself in deep desolation Yes my dear friend, this is no longer an illusion.
0
Oct 1, 2013
Oct 1, 2013 at 9:27 PM UTC
Kamatayan
Kung binigyan mo lang ako ng isa pang sandali maaring ngayon ay may bukas na ngunit tila ang araw ay naging gabi at ang gabi ay ikaw ang nota ay ang paulit-ulit **** paglisan sa gitna ng tahimik na alingawngaw ng dilim nang malapit na ang araw sa madali at nang ang tiwala ay natutulog pa sa kuna umalis ka. pagkatapos ng iyong mga nagsusumamong halinghing ng mga umiiyak na “mahal kita” at ng mga bulong ng pangangailangan umalis ka. kasabay ng aking pagsuko sa iyong mga iyak at kung kailan ang pagtangis ng puso ko ay mahal na din kita umalis ka. Sa gitna ng gabi kung kailan paparating pa lang ang araw umalis ka. kung binigyan mo lang ako ng isa pang sandali at inantay mo ang umaga, sana ngayon sa akin ay may bukas na.
0
Aug 23, 2016
Aug 23, 2016 at 12:01 PM UTC
hatinggabi
Malagim ang karanasan ng batang musmos na iniwan ng pagmamahal ng kanyang mga magulang, Mga Magulang na inisip ang sariling kapakanan,Nagmahalan,nagkasakitan humanap ng iba iniwan ang bunga na sanhi ng pagkasira ng buhay ng kabataan, Kelan ba matututong magmahal ng isa ang isang nilalang? Habang buhay bang may masisirang pamilya na nagdudulot ng kalungkutan sa ating pamayanan , Pilit parin bang hahanap ng kaligayan na sisira sa kasiyahan ng sarili **** anak , " Ipinagpalit mo lang ang inaalagaan kong tiwala sa isang nilalang na kung tawagin ay hampaslupa ".
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 4:41 PM UTC
Pa-mil-ya
Sa irarum ku kanimong matam-is na pagrukot naintindihan ko kung uno ibig sabihon ku pagkapot mo ku kanakong kamot, ku mga text **** malang siram ulit-ulitong basahon, ku magrani ka mga labi mo sa labi ko, guru-gab-i ko nababayad a magayon **** mga mata, maganting talaga a mga bituon, pigdara ko kanimo ku panahon na nauuda ako, diri kabisado a lugar nag tangad sana ako tapos tig sundan paiyan kanimo. Kaiba ko ika sa irarum ko mga bituon, nakatangad sana kita tapos pigsisilngan su bulan na malakabilog, nag ayat sa pabor na sana... sana... bayaan na su nangyari ku kadto, mig puon sa panibago, gibohon na sanang ekpersyensya su dating nangyari ku kanatong mga deperensya. Utro, puon sa uno, nguwan diri ko na tutugotan na mabayad ta ulit su puro. Isi mo dawa kadakol na buwan su naglipas diri nagbago su tiwala ko kanimo. Lang siram na payabaon ka, Ika sana, uda na iba. Kanakong Prinsesa na diri mig uban magiging Reyna.
0
Nov 23, 2017
Nov 23, 2017 at 11:34 PM UTC
Pagbayadan ta ulit
061017 Hindi pa kita kayang harapin Na sa bawat pagkakataong nariyan ka na'y Pilit pa rin akong lilihis ng landas Habang kinakalma ang sarili ng mga salitang: "Wala kang nakita. Ayos ka lang." Sa ilang beses kong pagpapalipas ng oras Sa paglimot sa pagbungad ng kahapon sa ngayon, Ginapi ako ng pasa sa buo kong pagkatao. Namanhid ang puso, Kakaiba ang hiwaga pagkat nabuhay pa rin ako. Nang sa kahit isang saglit man lang Ay nanatili pa rin akong pipi ngunit hindi bingi Na parang nalimot ko na kung paano bang magsalita Ngunit ako'y inugatan na Sa paghihintay sa sagot na sayo lamang hinihingi. Na para bang noon, Ang lahat ay may bayad. Parang lahat ay bawal, Kaya nagnakaw ako ng tingin sayo. Oo, hindi lang isang beses O dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, pito, walo, siyam at sampu. Naubos na ang pagbilang ko sa bawat sandali, Na inabot sa iilang taon -- Hindi ka pa rin bumabalik. Doon ko kusang naintindihang: Kalakip ng bawat pagnakaw ng panahon Ay ang bawat bitak sa pusong noo'y wala pang lamat. Napuno ito ng alikabok sa hindi ko pagsisiyasat Kung may buhay at pag-asa pa bang mabuo ang larawan ng tayo. Na sa bawat pagpunit ko ng bawat larawan sa aking isipa'y Paulit-ulit lamang akong nakakatikim ng pagkatalo. At sa huli, ako rin pala ang darampot sa mga ito At isa-isang ipagtatagpi sa kabila ng matinding pagkapagod. Nang ilang beses akong dumistansya sayo Isang dipa, isang kilometro, Ilang munisipyo at ilang mga isla. Bagamat nagtangka pa rin akong Bumusina ng katapatan sa pintong paulit-ulit **** pinagsasarhan. Nang muling mabahiran ng kakaibang ningning Ang aking mga mata Na tila may mahika ang bawat **** ngiti At muling nagkakulay ang puso kong dating kaydilim. Nang mapagtanto ko ngang: hindi kita nakalimutan, Hindi ako nagmahal ng iba, Naghintay ako -- Kahit may iba ka pa. Dumungaw ako sa ngayon At dito ko nasaksihan ang hiwaga ng paghihintay. Na sa pag-aakala kong paulit-ulit ang nasa kalendaryo'y Mauubusan din pala ako ng dahilan -- Dahilan para magtanong kung babalik ka nga ba. Nang mahalin mo na rin ako nang buo Nang kusa **** ibigay ang tiwala at katapatan mo. At sa minsang pagyakap mo'y Gusto ko na munang huminto At magpasalamat pagkat narito na ang sagot -- Pagkat narito ka na at hindi na ito isang panaginip. Na hindi ko maipaliwanag na ikaw ang dahilan Ng bawat butil sa mga mata ko noon. At ang dahilan Ng bawat kirot na mas maingay pa sa mga kuliglig pag gabi At pilit kong pinatatahimik sa aking pagtulog. Parang kailan lang nga -- Pero ayoko nang magkunwari pa Ayoko nang magtago sa madilim na mga ulap Na pilit na kumukubli sa pag-ibig ko sayo. Tama na, pagkat nahulog ako sa sarili kong patibong At ngayon -- Ngayon nga'y mas mahal na kita.
0
Jun 10, 2017
Jun 10, 2017 at 9:23 AM UTC
Parang Kailan Lang

73
Tanging hiling sa hangin na sana'y tangayin Ang mainit na bugso ng damdamin Bawat paghampas at kumpas, Hindi ko alam kung saan dadalhin Pinasok natin ang buhay ng isa't-isa Walang kamalayan sa ating pakakahantungan Sa mundong hindi perpekto at walang sigurado, ang tanging pinanghawakan ko lang ay may ikaw at ako. Nangungulila sa mga mata **** nangungusap Na sapat ng pagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman Ang mga mata **** sumilaw sa madilim kong isipan Kailan ko kaya ulit ito matatanaw Madaming hindi pagkakaintindihan Nauuwi sa sakitan Hindi mabilang ang kapintasan Na bumabalot sating samahan Tila bagyong walang dala kundi pinsala Pagmamahalan nating puno ng pangamba Mga mata mo lang ang tanging naging sandigan Panangga sa kalamidad, silong sa kadiliman Isang gabing hindi ko mabura sa ala-ala Nakatatak sa puso't ispian Binaybay ng mga kamay mo ang bisig ko Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan Pinagdasal na sana'y wala ng katapusan H'wag na sanang sumikat ang araw Dahil walang ibang nais kundi ang namnamin Ang bawat minuto sa iyong piling Marami ang hindi kayang unawain Ang ating kumplikasyon na dala ng depresyon Ano bang alam nila? Bukod sa kutyain tayo Sabi nila baliw tayong dalawa Hindi inalintana ang sinasabi ng iba Malaki ang tiwala ko sa'yo, sa akin, Sa ating dalawa Ngunit naging malupit ang mundo, marupok ka at mahina ako. Hindi na kita kilala Hindi mo na ko tinitignan sa mata Tinalikuran ang sarili kong giyera at pinaglaban ka Patuloy kong sinasabi sa'yong, "Mahal, andito lang ako. Kumapit ka." Nagbingi-bingihan, pasok sa isang tenga Labas sa kabila Pinagtabuyan palayo pero sabi ko sa sarili, hindi ako susuko. Tuwing ipipikit ko ang mga mata, hindi maiwasan ang pagtulo ng luha. Sinisigaw ng puso, kayanin ko pa. Pero ang tanong ng utak, para san pa? Gusto kitang hagkan sa bawat sulok ng katawan, gustong akuin ang sakit na iyong nararamdaman. Naging manhid ka saking sakripisyo, Patuloy akong pinagtabuyan. Hanggang sa naubos na ang pasensiya at pag-unawa, halos isuka na natin ang isa't-isa Pagmamahal nalang ang nakita kong dahilan kung bakit patuloy parin nating sinubukan Hindi lilipas ang isang araw na walang bangayan Ang haplos **** nung una'y malumanay naging mahigpit at puno na ng galit Nauntog sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal lang Naglaho ang kislap ng mata na nung una'y sapat na kahit wala ang mga salitang, "mahal kita" Anong ginawa natin sa isa't-isa? Mag pag-asa ba talaga ang pagmamahalan ng dalawang taong sira?
0
May 13, 2016
May 13, 2016 at 8:24 AM UTC
Pagmamahalang sira

68
Yan ang unang salita na biglang pumasok sa aking utak Kapag narinig ko ang iyong pangalan na noon akala ko isang bulaklak Akala ko ikaw ang nag-iisang napagandang bulaklak sa hardin na malawak Pero nung nakuha kita di ko akalain na ako pala’y iiyak Mahal, saan ba ako nagkulang? Minahal kita ng sapat pero bakit ako’y iyong sinaktan? Ako ang iyong iniwan Pero bakit ako itong luhaan? Nasasaktan ako tuwing na-alala ko ang magandang pagsasama Kulitan doon, tawa dito, hatid-sundo, at loob ko’y nakuha mo na Hanggang sa binigay ko sa’yo ang aking tiwala Pero di ko inasahang itatapon mo lang ‘to ng bigla-bigla Binigyan mo ako ng madaming motibo Pinakita mo sa’kin na masaya ka kasama sa piling ko Ipinaramdam mo sa’kin na importante ako sa’yo At higit sa lahat sinabi **** ako’y mahal mo Mahal, oo Mahal mo ako Mahal mo ako tuwing walang kasama Mahal mo ako tuwing wala kang kalaindian na iba Mahal mo nalang ako tuwing may kailangan ka Oo, kasi madali lang sa’yo ang sabihin ang salitang “MAHAL KITA” Mahal, isa kang napakalaking PA-A-SA PA – pagmamahal na akala ko nasa’kin na A – akala ko abot ko na ang pangarap ko sinta pero SA – sakit lang pala ang idinulot mo at puso ko’y namamaga kaya paalam na sa’yo Mahal kong PAASA
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:34 AM UTC
PA-A-SA
tulungan mo 'ko sayo ay muling magtiwala wag mo na ko bigyan ng rason upang magduda, hindi naman masama maging tapat diba? hindi rin masama magmahal ng isa. kung si Eba ginawa para lamang kay Adan, si Adan ba ay ginawa para sa dalawang Eba? nagkamali ba ang Diyos sa disenyo Nyang ginawa? tulungan mo 'ko, sinta na sayo ay muling magtiwala. sabi nga ni Chito Miranda, "ang tiwala parang tsokolate" pag natunaw na, di na mababalik sa dati nitong itsura, sa dati nitong sarap. ***babalik ako sayo, hindi dahil bumalik ang tiwala ko babalik ako sayo, dahil tumitibok pa ang puso ko babalik ako sayo, sana tama ang pinili ko babalik ako sayo, dahil pinili kong magtiwala ulit sayo.***
0
May 28, 2015
May 28, 2015 at 10:09 PM UTC
second chance
#080316 Hindi ako Yung taong *matapos **** iwa'y* *Pupwede **** balikan* kung kelan mo lang gusto. Hindi ako Yung porket may nararamdaman pa sayo'y Ihahain ang pag-ibig nang katulad ng dati. Hindi ako Yung mananatiling martir Na kahit nasasaktan na'y iibigin ka pa rin. Hindi ako Yung papatawarin ka na lang ng bigla Buhat sa napakalalim na sugat na iyong iniwan. --- Hindi ako Pero sa pagbalik mo'y Kaya pa rin pala kitang yakapin Nang may buong pagtitiwala. Hindi ako Pero patuloy kong nilalatag ang sarili sa Ama Nang maging tama ang puso't Masunod ko lamang Siya. Hindi ako Pero tiwala ako sa Kanya Kaya't patuloy ka pa ring minamahal. Hindi ako Pero ang paghilom Nya'y walang kapantay. Oo, hindi ako At nagpapasalamat ako sa Kanya Na patuloy akong binabago. Hindi kasi ako perpekto, Hindi rin perpekto ang pag-ibig ko sayo. At may takot akong mahalin ka, Pero sa pag-ibig Niya, Naroon pala ako.
0
Aug 2, 2016
Aug 2, 2016 at 8:08 PM UTC
Hindi Ako
Iligaw ang tukso ni Lusiper sa diwa na siyang naghari Magmuni-muni sa ibaba ng mundo Sampung beses pagtimbangin ang mga gawi Lampas sa katotohanan ang layon Anyo ng mundo ay di magkatugma sa panaginip Ikumpay sa apoy hanggang sa lumaki Tiwala sa sarili, magtiwalag man sana'y di lumayo Sa labas ng sanlibutan ay nagmasid May mga dagim na nagtabon sa buwan Nang nasilayan ang diklap sa alangaang na sumambulat sa noo ay sumingaw ang depresyon Mapagkunwaring uwak na dumausdos sa ere Simpleng kilos niya'y nakakaaliw Humapon sa troso para magpahinga Sa kanyang aparisyon makikita ang unos na dinadala ang dahilan ng pagdarapa Naglaon na kuwento ay nagparinig ng alingawngaw noong unang pag-usbong ay umani ng kahihiyan Naging balat-sibuyas na tubo humihikbi nang patago
0
Dec 17, 2018
Dec 17, 2018 at 5:55 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #14