Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
060522

Marahil salungat ang lahat sa ating pagsagwan
At baka sinasabi nilang
Naging iba na rin ang ating pamamaraan
Sa pagtuklas ng sining na buhat pa sa nakaraan.

Tila ba nais nila tayong patahimikin
Gamit ang mga balang kinimkim ng ating damdamin.
Hanggang sa tayo’y mabihag sa mga himig na iiba ang ritmo
Sa ninanais nating komposisyon.

Bagamat ito ang landas na payak para sa nakararami —
Ang landas na ang lahat ay handa nang tumaya't sumugal
Ngunit hindi, hindi pala ito para sa ating lahat —
At masasabi nating iba ang sinisigaw ng pulso nati't kaluluwa.

Sa mga pahinang ginuguhitan ng iba't ibang tinta'y
Tanging tayo lamang ang higit na may kakayahang kilatisin
Ang bawat guhit sa ating mga palad
At ang mga mantiyang hindi natin mawari sa simula
Kung saan ba ang pinanggalingan ng mga ito.

At sa muling pagdungaw natin
Sa sisidlan ng ating mga kaluluwa’y
Mahahanap din natin ang mga kasagutan
Sa pakikipag tagu-taguan natin sa mga lunas
Habang makakapal pa ang mga ulap na ating pilit na hinahawi.

Marahil nasisilayan nila tayo sa lente
Kung saan sila'y nakamulat na
Habang tayo'y kumakapa pa sa dilim —
At ang sinasabi nilang gintong mga salita'y
Nagmistulang mga malalaking batong balakid
Patungo sa liwanag at kalayaan
Na nais nating tuklasin nang mag-isa.

Marahil hindi nila tayo maintindihan
Sa mga oras na ang lahat ay abala
Sa pagsuong ng kanya-kanyang mga bangkang papel
Patungo sa tubig na dulot ng di kanais-nais na panahon.

At walang sinuman ang may kagustuhang maguho
Ang binubuo nating larawan sa ating mga isipan
Habang tayo'y pinagmamasdan ng  mapanghusgang lipunan
Kaya tayo'y tumitiklop sa halip na bumabangon nang kusa.

Gayunpaman, kalakip ng ating pagtalikod
Sa samu’t saring mga palamuting
Makinang pa sa ating mga kasuota’y
Doon pala natin maihihimlay ang sarili
Sa rurok na dati’y atin lamang na sinisilip at tinitingala.

Hubad ang ating mga pagkatao
Kung saan ang ating tinig ay hayagang mamaniubrahin
Ang mga kalansay ng kahapong humila sa atin pailalim
Habang tayo'y pansamantalang naging libingan
Ng mga baon nating kadilimang araw-araw nating hinihimay.

Ang ating pagsambit ng mga katagang
Tayo lamang ang nakaiintindi
Ay isa na palang patandaan
Na tayo'y dahan-dahan nang nakakaahon.

Bagamat walang hiyaw na sumasabay sa nais nating tagumpay,
Walang aninong nagbibigay-tulong
Sa bawat kahong ating binubuksan
Ngunit patuloy pa rin tayong papadyak at magpepedal.

Patuloy tayong lilipad higit pa sa ating mga imahinasyon
Kahit tayo mismo’y walang kamalay-malay
Kung saan tayo kayang tangayin
Ng mga saranggola ng kahapon at ngayon
Na ating kusang-loob na inialay na sa himpapawid at kalangitan.

At kung ang pagsagwan man nati’y salungat sa nakararami,
Ay patuloy pa rin tayong magtataya para sa ating mga sarili.
Patuloy na hahakbang at magpapasala sa umaalab na apoy,
At baka sakaling sa paulit-ulit na pagsubok nati’y
Ito na ang maging simula ng muli nating paglipad.

Maubusan man ng balahibo ang ating mga pakpak
Ay walang sawa tayong magbabalik sa simula —
Sa simula kung saan ang pag-asa
Ay tila ba kurtina sa ating mga mata
At waring nag-iisang diyamanteng kumikinang
Na handa nang igawad sa atin ng panahon.

Kung ito ang hamon sa larong alay ng tadhana'y
Tayo mismo ang kusang mag-aalis sa puwing sa ating mga paningin.
Magbibihis tayo hindi gamit ang lumang mga kasuotan
At gagayak na tila ba hindi tayo nasugatan
Buhat sa giyerang ating pinanggalingan.

Bagamat ang mga sugat sa ating katauha'y hindi natin maikukubli,
Ngunit ang mga ito'y magsisilbing baluti't tanda
Ng ating hayagang pagsambit
Na tayo'y nanatiling matatag
Pagkat pinili natin ang pag-ahon kaysa sa pagkalunod.

At hindi tayo mahihiyang tumapak sa papag
Kung saan tayo nagsimulang mag-ipon ng pangarap,
Kung saan ang ating lakas at inspirasyon
Ay buhat sa mga Letrang mahiwaga't makapangyarihan.

Sa mga oras na tila ba mabigat na ng lahat
Ay wala tayong natirang ibang armas kundi ang pagluhod.
At marahil sa ganitong paraan di’y
Mananatili tayong mapagkumbaba.

Muli man tayong nabasag at walang ni isang pumulot
Sa mga pira-pirasong kaytagal nating pinagsikapang mabuo’t pahalagahan.
At ang dugo’t pawis na hindi natin masukat
Sa babasaging garapon ng ating mga palad
Ay nagmistulang gantimpala sa atin ng Kataas-taasan.

Ito na marahil ang Kanyang hayagang paghikayat
Na kaya pa rin pala tayong akayin ng Kanyang mga Pangako
Patungo sa milagrong kaya pang lumipad ng eroplanong papel
Na minsang ginula-gulanit na ng kahapon.

Ang bawat Pangakong iginuguhit Nya sa ating mga puso
Ay higit pa na umaalab sa tuwing dumaraan tayo sa pagsubok.
Dito natin nakikilatis kung sino ba talaga tayo
At kung ano ba ang dahilan ng ating paghinga
Pagkat hindi pa rin tayo humahantong
Sa hindi natin muling pagmulat.

At kailanma’y hindi mauubos
At hindi mapapa-walang bisa ang mga ito
Ng mga ideolohiyang isinaboy ng sansinukob
At sapilitang isiunusubo sa atin
Hanggang sa hindi na tayo mauhaw at magutom pa sa Katotohanan.

Ang ating mga luha’y hindi lang basta-bastang dumaloy
Ngunit tayo’y inanod ng ating kalungkutan,
Ng ating hinagpis at walang katapusang mga katanungan
Patungo sa karagatang muli sa ating nagbigay-buhay.

Tila ba tayo’y muling binasbasan
Na higit pa sa mga tilamsik ng magagaan na butil ng ulan.
Na wala na pala tayong ibang dapat na patunayan.
At bagamat, napagod man tayo ngunit hindi ito ang naging mitsa
Ng ating pagtalikod sa Una nating sinumpaan.

At patuloy pa rin nating nanaising bigkasin
Nang walang bahid ng pagdududa’t pagkukunwari
Gamit ang ating mga palad at ang pintig ng ating mga puso’t damdamin
Ang pinakamagandang leksyon at mensaheng
Nagmistulang medalya ng bawat pahina ng panahon.

At mawawalan na tayo ng dahilan para magduda pa
Kung ano nga ba ang magiging katapusan
Pagkat ang tanging paksa ng ating paghimbing sa mga letra’y
Ang pag-asang darating din ang ating Tagapagligtas.

Ang ating pagyukod
At pagbaling ng tingin sa blangkong pahina’y
Isa palang pagsulyap sa kinabukasang
Makinang pa sa kung ano ang natatamasa natin sa ngayon.

At sa ating pag-angat hindi lamang para sa sarili
Ay 'di natin nararapat na malimutan ang dahilan
Kung bakit nais nating lumipad
At marating ang dulo ng pahina ng sarili nating mga kwento.
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
It'smeAlona Jun 2018
Sa aking lupang tinubuan
Na sinakop ng mga dayuhan noon pa man
Ang una'y mga espanyol na mananakop
Dala daw nila'y kristiyanismo
Upang ipakilala sa ating mga katutubo
Ngunit ang tanging hangarin pala'y manakop at gawing kolonyanismo
Kaya ilang daan taon tayong hawak ng mga ito
Ating mga katutubo walang nagawa kundi ang sumunod at magsawalang-kibo
May ilan ding nagsisipag aklas upang makalaya
Ngunit sa kalauna'y sila'y bigo sapagkat pawang malalakas at makapangyarihan silang mga nilalang
Nariyang si Gat. Jose Rizal na kinulong at binaril sa bagong-bayan
Na tinatawag na natin ngayong (LUNETA/RIZAL PARK)
At si Gat. Andres Bonifacio na hanggang ngayo'y hindi alam kung sino ang pumatay
Ang tanging alam natin sa kanya'y siya ang "Ang Ama ng himagsikan"
Sa kabilang banda'y hindi nagpatinag ang ating mga katutubo
Nagbuo ng mga samahan upang mapag-aralan kung kailan ang tamang panahon para lumaban
Kaya nung dumating na ang tamang panahon upang sila'y magsipag-aklas
Marami ang sa kanila'y naghimaksik upang ang kalayaa'y makamtan
Kaya noong taong Hunyo labing dalawa, isang libo't walong daan, siyam na pu't walo
Nakamtan ng ating mga katutubo ang kalayaan na kanilang pinaglalaban
Sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Kabite
Kanyang iwinagayway ang ating watawat
Sagisag ito ng ating kalayaan sa kamay ng mga mananakop na espanyol
Sa mga nakalipas na taon, tayo'y naging malaya na
Ngunit, ano ba ang kahulugan ng isang malaya?
''Ito ay ang pag-gawa sa isang partikular na bagay ng walang humahadlang o kumokontra sayo at may kakayahan kang kumilos batay sa kung ano ang iyong gusto o nais''
Oo nga't malaya kang gawin ang iyong gusto
Subalit, labag naman ito sa karapatang pantao
At nakapapanakit ka na ng kapwa mo
Marami ang sa ati'y nakakalimot na sa mga paglapastangang ginawa sa ating mga katutubo
Marapat nating pagkatandaan na ang ating kalayaa'y utang natin sa ating mga bayaning nakipaglaban
At ang kalayaa'y dapat igawad sa lahat
Magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang bawat nilalang
Mapa mayaman o mahirap man
Mapa babae o lalaki man
Mapa bata o matanda man
Maging tunay sanang malaya tayong mga pilipino
Hindi lamang sa salita, kundi sa isip at sa ating mga gawa.
051922

Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.

Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.

Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.

Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.

Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.

Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.

At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.

Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.

At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling  makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
112622

Balikan natin ang mga pahina ng kasaysayan
Bagamat may iilang tekstong isinawalang-bahala na.
Mga pahinang hindi na nagawaran
Ng konkretong kalinawagan
Bunsod sa kusang pagpapasakop natin
Sa mga banyagang hayagang dumidikta
Sa ating kultura maging adhikain.

Hindi man natin nalimot
Na tayo’y minsang nakipisan sa mga bahay kubo,
Tayo pa rin ay tumawid sa lubid ng kamangmangan —
Ilang ulit na‘t tila ba hindi na tayo natuto sa mga kamalian ng nakaraan
Hindi lang tayo basta nabitag,
Bagkus rehas ay atin pang ipinagtibay.

Oo, tayo lang naman ang bumihag sa ating mga sarili
Kusang sumiping at nagpatali
Hanggang huli na nang mamalayang
Hirap na pala tayong kumawala
Sa mga buhol na tayo mismo ang may sulsi.

Iniibig natin ang Pilipinas gamit ang ating bibig
Ngunit ang bandilang ating iwinawagayway
Ay hindi na pala ang sariling atin.
Hindi masamang makisabay sa uso
Ngunit wag nating kaligtaan na tayo’y mga Anak ng Bayan.

Hindi rin mainam na tayo’y magpasakop
Sa samu’t saring ideolohiyang inihahain sa atin.
Pagkat hindi porket nasa hapag na’y
Ito’y para sa ating upang nanamnamin.
Wag kang hangal, Inang Bayan!

Isinisiwalat natin na tayo’y tunay na mga kayumanggi
Gamit ang mga sandatang hiram
Ngunit sa ating pakikibaka’y
Hindi ba sapat ang ating armas
At kailangan pang umasa sa kanilang lunas?

Pluma ang naging sandata noon
Ngunit maging ang ating Bayani’y
Hinayaan na nating maging pipi.
Mga lata’y maiingay
Sa araw-araw nating pakikipagkalakal.

Kahit saan tayo sumipat,
Tayo’y natutukso pa rin —
Bumibigay at bumibitaw, nalilimot maging tapat.
Aahon nang nakapikit,
Maging lenggwahe’y pahiram na rin.

At kung tayo ang huhusga
Sa ating walang modong mga nagawa’y
Linisin natin ang sarili nating mga dumi’t
Wag nang hayaang maging pabigat sa iba.

At Bandilang ginula-gulanit
Ay sama-sama nating susulsihing muli
Nang ang mga galos ng nakaraa’y
Maging umaapaw na pabaon sa ating mga iiwan.

Sa pamamagitan ng ating pagbubuklod,
Tayo’y magiging isang buong Pamilya.
At magbabalik ang sigla
Na minsan nating hinayaang kainin ng mga bukbok
At anay ng ating pagkawatak-watak.
Marge Redelicia Jun 2015
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.

pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,  
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.

sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.

hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
nandito lang ako.
happy happy birthday UP, Rizal, and of course, Sofia!
Leilaaa Aug 2015
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.

pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,  
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.

sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.

hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
**nandito lang ako.
Pilipinas, Pilipinas kong Mahal
ni Norfhel V. Ramirez

Pilipinas, Pilipinas kong mahal...
Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal...
Kahirapan ang daing ng karamihan...
Bayan ko kaya ay makaahon pa...

Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan...
puro daing ang binibitiwan...
Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan...
pero paano ang ating bayan...

Politikang sing sangsang pa ng malansang isda
Korupsiyon ang gawi ng iba...
Oh Para magpabango laman tuwing araw nang election
Tanging pakitang gilas, mga buwaya ng lipunan

Bayan koy inaankin na nang mga dayuhan...
Animoy alipin sa sarili nating bayan...
Mga banyaga lumulustay ng ating likas yaman...
para lang yumaman ang iilan...

Bakit nagkagayon aking tanong sa sarili
Rizal, nasaan na ang pinaglaban?
Animoy nalimot na ng karamihan...
Animoy binura nabura naba sa kasaysayan...

Mga sakripisyo nang ating mga bayani
Nag buwis ng buhay para sa ating bayan...
Nasayang lang ba ang buhay nilang naging tapat sa ating bayan...

Sana ating pagnilay nilayan...
Pilipinas, Pilipinas kong mahal
Ngayoy nasaan na...
Naghihingalo sa kamay ng bayan...

Bayang nakalimot na...
Bayang nagsilisan na...
Bayang sarili lang ang inuna...
Bayang tinalikdan na ang perlas ng sinilangan silangan...
(CC BY-NC-ND 4.0)
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan
Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot
Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid
At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan
Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag
Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka

May mga bulalakaw na nagpakita.

Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo
Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato
Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa
Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka
Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa
Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik

Sabay-sabay tayong pumikit.

At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa
Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!"
At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling
Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin
Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan
At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan:

"Kailan kaya ulit mangyayari 'to?"

Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong
Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo
Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa
Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya
Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata
Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan,

Tayo ay masaya.

Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang
Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito
—Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga,
Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay,
Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito—
Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan

Sa huling pagkakataon tumingala tayo.

Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan
Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin
Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo
Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit
Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga
At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata

Hanggang sa huling bulalakaw,

Kaibigan,

**humiling ka.
Read more of my works on: brixartanart.tumblr.com
AUGUST Sep 2018
Sino ba ang modernong vincentiano?
Ano ba ang kanyang pagkatao?
Nagtatanong sa sarili ko
Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay
Kung anong magawa ko
Dito ba sa munting palad nakahimlay
Ang lahat ng kakayahan ko?

Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman.

Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot”
Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot
Dahil sa disiplina tayo y nililok
Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok

Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang,
Mga mababang tao na ating ginagalang,
Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang
Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan

Ang tanggapin ang katotohanan,
At hangganan ng kakayahan
Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan
Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban

Ng walang hinihintay na kapalit
Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent)
Na sa pagtulong ay di napagod
Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod

Salamat sa  Amang nasa itaas
Na nagbibigay ng lakas
Ang lakas na di nauubos
Para sa aming misyon na di pa rito natatapos

Sandata ay ang panalangin
Lakas ng loob at damdamin
Dahil sa Diyos na mahabagin
Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin

Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan
Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan
Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan
Pagkat ating ramdam ang bawat hirap
Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan

Handang makiramay at ibigay ang anuman
Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan
Pagkat sa bawat taong ating natutulongan
gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman

Sino ang gumagawa nito?
Sino ba ang modernong vincentiano?
Isa ba ako sa mga ito?
Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo
Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo
Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Ang tula kong ipinanalo ng first runner up sa isang slam poetry competition ng event na may temang "Ang Modernong Vincentiano" noong September 26, 2018.
wizmorrison Jul 2019
Wika ko ay siya ring wika mo
Tayo ay mga kapwa katutubo,
Pilipino ang ating sinisimbolo
Ano man ang ating kulay at anyo.

Wika ay pagkakaisa ng bawat isa
Pinagbuklod-buklod ang puso’t diwa,
Bukambibig ng maraming dila
Sa pagkakaintindihan siya’y itinakda.

Wika natin ay dapat na mahalin
Hindi natin dapat alipustahin,
Ito ay karapat-dapat na galangin
Ating ipagmalaki at ating tangkilikin.

Wika ay siyang sagisag ng ating bansa
Na binuo ng mga  mamamayang bihasa,
Dilang bihasa sa paggamit ng wika
At mahilig sa mabulaklaking salita.

Wika ko ay siya ring wika mo
Bumubuhay sa ating pagka Pilipino,
Pinapatatag ang ating hukbo
‘Yan ang tibay ng Filipino!
Kelly Bitangcol Nov 2016
Noong Nobyembre 8 2016, magandang araw ang aking naranasan. Lahat ng tao ay naging mabait sa akin, masaya ang mga pangyayari at nakangiti ako buong araw. Nang sumapit ang hapon at ako ay pauwi na galing sa eskwelahan, mayroong ibinalita sa akin ang aking ina. At dahil sa balita na iyon, nasira ang aking mabuting araw, at napalitan ng pagiging miserable. Isang pangyayari na tumatak sa isip ng madaming Pilipino,  isang pangyayari na naghimok sa akin upang magsalita at lumaban. Noong Nobyembre 8 2016, pinayagang ilibing ang dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.


          Bayani ba si Marcos? Siya ay naging presidente ng Pilipinas sa loob ng dalawampu’t isang taon. Alam nating lahat ang kanyang mga nagawa, dahil sa kanya mayroong NLEX, at iba pang mga imprastraktura at gusali. One is to one ang peso at dolyar noong kanyang panahon. Madami siyang nagawa para sa ating bansa. At sabi nga ng maraming Pilipino, ginawa niyang mayaman ang Pilipinas. Pero ano nga ba ang katotohanan? Noong ako ay bata, nasa isip ko rin na si Marcos ay naging magaling na Presidente at pinaganda niya ang Pilipinas. Pero nang ako ay tumanda, nalaman ko ang mga katotohanan na ayaw tanggapin ng karamihan. Bago pa maging presidente si Marcos, mayroon ng malaking oportunidad na magkaroon ang Pilipinas ng economic bloom, at yuon ay dahil sa administrasyon ng mga dating Presidenteng si Magsaysay at Macapagal. Kung mayroong dapat ikredito kay Marcos yuon ay ang pagpapayag niya ng paghiram ng malaki at ang ginawa niyang malalaking utang sa mga dayuhan na dapat kanyang gamitin para sa industrialization at pagpapaunlad. Ngunit sinayang ng rehimeng Marcos ang lahat ng perang ito sa pamamagitan cronyism at katiwalian. Ang hindi alam ng nakakaramihan ay isa siyang kurakot na lider, at ang kanyang mga utang ay babayaran natin magpahanggang sa taong 2025. Oo, madami siyang naipatayong mga imprastraktura at may mga nagawa siya sa bansa, pero hindi ba galing sa mga Pilipino ang pera na iyon? Nasa kapangyarihan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon, malamang sa malamang ay madami siyang magagawa. At hindi ba responsibilidad iyon ng isang presidente? Na paglingkuran ang bansa? Bakit kailangang isumbat iyon? Ang daming bagay na hindi alam ng mga Pilipino at lubos na nakalulungkot ito, ang mas nakakalungkot pa ay ang mga nakalimot sa Martial Law. Pinili ng mga tao na kalimutan ang mga totoong bayani, na nagbuwis ng buhay nila para sa bansa na ito. Nakalimutan nila ang mga libo libong tao na namatay at nasaktan. Nakalimutan nila ang dami ng dugo, at sakit na dinanas ng Pilipino noong panahon ng Martial Law. Ang demokrasyang binura ng administrasyong Marcos ay pilit na kinalimutan ng mga mamamayan ngayon dahil sa kadahilanan na ginawa naman nitong maganda ang bansa. Ang kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipino noon, ang kalayaan na dahilan upang makapagsulat ako ngayon, ay hinding hindi ko makakalimutan. Mga perang ninakaw,  mga Pilipinong lumaban pero namatay at nasaktan, mga karapatan na nayurakan, gaanon nalang ba kadaling kalimutan? P167.636 bilyon na ninakaw, 3,264 na namatay, 34,000 na tinorture at 70,000 na nakulong. Hindi bayani si Marcos, at kahit kailan hindi siya magiging bayani.


       Ang pangyayaring ito ay isang malaking bahagi sa ating kasaysayan at bansa. Sinasabi nila na tayo ay mag move on at magpatawad, pero paano natin ito mabibigay kung wala namang nanghihingi nito? At wala sa kanila ang desisyon kung kailan tayo magbibigay ng tawad. Habang ang mga Pilipino ay pinatay ay ninakawan, ang pamilya niya ang nagsasaya dahil sa kanilang yaman at dahil sa pagiging bayani ni Marcos. Sa pangyayari na ito, parang nabura ang ating kasaysayan. Para nating kinalimutan lahat ng nangyari. “Buti pa si Marcos may bangkay.”, sabi ng isang pamilya na hindi pa nahahanap ang bangkay ng isang Martial Law victim. Paano tayo magmomove on sa isang pangyayari na hindi pa naman nagkakaroon ng maayos na wakas? Ito ay parang paglagay ng asin sa sugat na hindi pa naghihilom. Ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sa katunayan, ay sobrang nakakatakot. Nakikita ko na simula ito ng panibagong panahon na walang demokrasya at pagapak sa mga karapatan. Baka masyado tayong takot sa kasaysayan, pero hindi tayo takot na maulit ito. Pero hindi ako titigil, hindi dapat tayo tumigil, upang ipaglaban ang tama. Tayo ay magsalita, at lumaban para sa ating bansa. Huwag tayong susuko para makamit ang tunay na hustisya.  Hahayaan ba natin na maulit ang madilim na nakaraan? Hindi na muli.

*(k.b)
051022

At sumapit na nga araw ng paghuhusga
Kung saan hindi na pulso ng taumbayan
Ang ating sisiyasatin
Kundi ang puso ng bawat Pilipinong
Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.”

Sabi ng iilan,
“Mahirap raw mahalin ang Pilipinas”
Iniisip ko nga paminsan,
Sapat na nga ba ang pagiging makabayan?

Sapat ba?
Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat
Na ayaw sana nating dungisan
Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto
Sa paningin nating madayang pagpili
Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan.

Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal,
Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila
At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan
Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin.
At marahil ay sasabihin ko na lamang
Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa
Na may demokratikong pamamalakad.

Ngunit sa kabilang banda’y
Binabaling ko na lamang ang paghuhusga
Sa tunay ngang nasa tronong
Hindi na kailangang luklukin pa.

At naniniwala pa rin akong
Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya
Sa sarili nating mga palad
Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t
Babalik din lamang sa alikabok.

Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban?
Sino nga ba ang tunay nating kalaban?
At para kanino nga ba tayo naninindigan?

Baka sa kasisigaw nati’y
Hindi lamang boses ang mawala sa atin,
Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras
Na sana’y ibinabaling natin
Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang
Buhay ang ating Panginoong Hesus
At ang magandang balita’y
Nakadikit sa kanyang Ngalan.

Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan
Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila.
Minsan nga'y nananatili na tayong hangal
Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla.
Ngunit hanggang kailan ba matatapos
Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan?
At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na?

Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin,
Sana mahanap natin ang ating mga sariling
Nananatiling may pananampalataya
Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan.

Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso
Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal
At sana mahanap natin ang halaga natin
Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan.

At dito na rin ako pansamantalang magtatapos —
Pilipinas, gumising nang may pag-asa
Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos!
Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa
At patuloy kitang ipaglalaban
Hindi gamit ang mga armas
Na syang panukso't patibong ng mundo,
Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino —
Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan!
Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
ZT Oct 2015
Masyado kitang minahal
AT masyado mo rin akong minahal
Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan

Kailan nga ba nagsimulang maging lason … ang masyado nating pagmamahalan?
Sa nakaukit sa aking memora’y nahulog ako sa napaka tamis **** ngiti,
Ang mga mapang-akit **** titig at ang napaka lamig na boses na binubulong ng yong labi

Nang ako’y iyong ligawan masyadong mabilis mo akong napasagot ng oo
Kasi napaka laki naman ng amats ko sayo
Kaya nagkaroon agad ng isang “tayo”

Tayo ay nagtagal…. Masyadong nagtagal
Na tila masyado nang napuno ng “tayo”
Nakalimutan na natin ang para sakin at sayo

Masyado nang naging masikip

Bumuo tayo ng napakaraming mga pangarap
Para sa ating hinaharap
Kaya masyado nitong kinain ang ating panahon
Ang dugo at pawis nati’y nilamon

Masyado tayong naging kampante
Na palaging nariyan ang isa’t isa kahit sa oras para sa kanya’y nagkulang ka na
Masyado nang naubos ang ating lakas
Upang mabuklod ang ating bukas
At di na natin namalayan na ang ngayon pala’y naging masyado nang marupok
At ang ating tayo’y.... unti-unti nang nalulugmok

Hanggang sa naging madalas na ang paglabas ng mga salitang nakakasakit na
Ang paglakas ng mga boses na nakakabingi na
Masyado nang naging madalas ang pag-aaway sa kokonting pagkakataon na tayo’y nagkikita

Masyado nang dumalas ang pagtatanong kung bakit pa?
Kung ipagpapatuloy ko pa ba...
Dahil masakit na

Masyado nang dumami
Ang rason ng aking pagsisisi
Hanggan nasabi ko sa aking sarili
Na tama na
Ayaw ko na
Kasi napakasakit na

Masyado kitang minahal
AT masyado mo rin akong minahal
Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan
AT ang sakit nato’y gusto ko nang makalimutan


Kaya hanggang dito nalang ang pag-ibig na binuo ng Napaka at Masyado.
Minsan kung anong pinakamamahal mo siyang mas nakakasakit sayo
VJ BRIONES Jul 2017
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata
kapag nakakakita ng magandang dalaga
na naglalakad sa kalsada
isipin na nating..
maikli ang kanyang palda
maputi ang hita
malaki ang dibdib
teka
tama na
nakaklibog na diba!?
o kaya naman ang pagmamahal
ay parang
yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat
ay nakakapagtindig balahibo
dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak
o ito ba
ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi
kapag tayo ay kinikilig ng lubusan
dahil nga ang sweet sweet niya
kulang nalang magkadiyabetes ang puta
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?

ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung kapag dalawa lamang kayo
nakahiga sa mga damuhan
o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan
habang nilalanghap ang simoy ng hangin
sa taas ng gusali o kaya bubungan
na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin
at sinasabi na ang bituwin na yan
ang parang hugis puso
kahit hindi naman talaga
para masabi kolang na meron tayong pag-ibig
para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa
kahit hindi naman talaga
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung may nakilala kang tao
na wala kang ideya kung sino
na ang inyong bigalang tagpuan
ay hindi niyo naman pinaghandaan
o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao
na tayo ay hindi basta tao
tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan
na kailangan man tayo ay tao
napapagod din
natututong sumuko at bumitaw
sa kapit ng "kaya ko pa"
dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan
para hindi tayo masaktan
ganun ba ang pag-ibig?
ang pagbitaw ba ay pagmamahal?
ang pagsuko ba ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung paguubos natin ng oras
kahit na alam natin na ito ay walang kwenta
pero wala nakong pakialam
dahil nga kasama kita
na ang saya saya natin dalawa
nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan
hinuhusgahan ang mundo
sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto
wala kanang pakialam
kase nga kasama mo ako
na sana
hindi na matapos to
tayong dalawa
ikaw
ako
at ang ating magagandang mermorya
ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko
ganun ba ang pag-ibig?
ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung galak kapag nakikita kita
o kaya yung kapag kasama kita
kapag ako'y ubos na
pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta
andiyan ka palage
nakaaalalay
handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung pakiramdam
kapag tayo'y nagpapaulan
na para bang gusto na nating sumuko
sumuko dahil tayo ay pagod na
sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal
ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa
iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay
sige ibigay mo ang lahat
hindi ako basta basta natutumba
hinihiling na sana magkasama tayo sa huli
sana wala nang huli
sana wala tayong dulo
dahil ayoko, na ito ay magwakas pa
o kaya hindi na natin ito inintindi
dahil ang gulo na ng  isipan
nandun parin ako
nagpapaulan
hinahayan na mabasa ang sarili
walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan
basta ako ay basang basa na
niyayakap ang ngayon
tinalikuran ang masamang kahapon

anung alam natin sa pag-ibig?
meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal?
anung alam natin?

ang unti
ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal
napakaonti
na nagbibigay sa atin ng galak
ng sige gusto ko pa
ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira
dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig
bigyan moko ng pagibig
bigyan moko ng pagmamahal
mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
100221

Nauuna pa tayo sa mga alitaptap
Sa paggayak patungo sa dilim,
At doon sa papag ay sabay-sabay nating iitiklop
Ang ating mga paang napuno na ng alikabok
Para lamang mag-“indian sit.”

Ang ating mga halakhaka’y
Nagmistulang musikang humihele
Sa pandinig ng ating mga magulang
At ito’y mangingibabaw sa liblib na tahanang
Puno ng pagmamahal at pagmamalasakit.

Tunay ngang payak ang ating pamumuhay —
Tayo’y magsisilapit sa ginagawang liwanag ni Itay
Mag-uunahan na parang sigurado na kung sino ang taya,
Kung sino ang mag-aabot ng gas o posporo
Sa tuwing naisasambit ang mga salitang, “Nak, paabot.”

Nais sana nating hindi kumurap
Pagkat tayo’y nakatututok habang pinagmamasdan
Ang nagmimitsa’t nagniningas na apoy.
At ito ang liwanag na aasahan nating
Magbubuklod sa atin papalayo sa dilim
At magkukulob sa nasasakupan
Ng sinag ng ating mga paningin.

Hindi na natin alintana
Ang init na dumarampi sa ating mga balat
At tayo’y mapupuno ng pagkamangha
Sa liwanag na itinuring nating mahiwaga —
Mahiwaga sa ating mga matang
Walang ibang nais kundi magliwanag na.

Hindi na rin natin namalayan ang bawat segundong lumilipas,
Maging ang mga dahong kumukupas
Sa paghimlay nito sa ating mga paanan.
Panahon ay dumaraan ngunit hindi nang palihim;
At panahon din ang susukli
Sa mga alaalang nais nating manatili.
Brownout.. magrereklamo na rin sana ako kay PALECO pero bigla kong naalala noong kabataan namin. Mga panahong masaya kaming nanonood ng pagsindi ni Papa ng petromax.
Nagkalat-kalat na mga lupain
Tayo sa kanya’y mga panauhin
Nangag mula sa isang lipi
Ganda niya’y sa puso namutawi

Oo nga’t siya’y marikit
Mga biyaya sa kanya’y di pinagkait
Minsa’y tinaguriang perlas ng silangan
Nakilala bilang ating Inang bayan

Lupain nang mga datu’t mandirigma
Ng prinsesa’t mandirigmang si Urduja
Mababanaag sa kanyang mukha
Katapatan, respeto’t mga paniniwala

Iningatan ng mga mapagbiling ninuno
minahal at niyakap nang taos sa puso
itong lupang ating pinananahanan
ating pinangalagaang lubusan




Minalas nga’t nilingon ng mga dayuhan
Lupang itinago ng mga karagatan,
Dala daw nila’y kaligtasan at kapayapaan,
Yun pala’y hangad nila ating bundok na yaman

Españang eskultor nang kapalaluhan
Tagapagdala ng mga salot ng kinabukasan
Baboy na mga putting inutil
Mga lapastangang mga kanluranin!




Tinuran nilang Indio’t mangmang
Dinuraan at sa putik ay pinagapang
Pinayuko’t pinaluhod  sa Niñong santo
Santong pinambulagan ng mapaglilong demonyo!

Alipin nila kung pandilatan,
Mga uto utong pinagkikindatan
Likas na mga katutubong maamo
Tiningala silang kaibigang totoo

Nakaambang mga tigre’y inamo’t pinatulog
Pinaamo nang mabagsik na mga kulog
Sa bagsik ng pluma’t itak
Napukaw mga mandirigmang hinamak


Gitlang mga hilaw na labanos
Nagsipag kuha ng mga pistola’t español na naghihikahos
Di inakalang mga Indio’y matututong lumaban
Gumising para sa kapakanan niya’t kalayaan

Estrelya ng pag-asa’y kanilang nasilayan
Sinambot ang kamalayan at kanlurang katuruan
Sa mga ganid na Kastila’y inihain
Balaraw ng karunungang matalim

Ritaso ng nakaraan, ngayon at kinabukasan
Piagtagpi tagpi, tinahi’t tinapalan
Mga pulo’y pinaglapit
Mga puso’t hanari’y naging isa kahit saglit

Epiko ng ating pinagmula’y muling nabuo
Ating lahi’y tumayo’t hinarap ang mundo
Laking galak na lamang natin sa pluma ni gat Jose Rizal
Sa kanyang dunong na nagmula sa Maykapal.
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
Nagtagpo ang ating mga salita
Higit sa isang sandali
Yung isang sandaling hindi panandalian
At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan
Ang sinasabi nilang heto na
Heto na pala ang pangmatagalan.

Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso
Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin.
Kasama ang bawat agam-agam,
Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap
Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap.

Nagtagpo ang ating mga damdaming
Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin.
Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang.
Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap
Ang mga pangakong hinayaan nating
Matunaw sa likido ng galit at pait.

Nagtagpo ang ating mga paningin
Sa hindi inaasahang tambayan
Sa tambayan ng damdaming
Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan
At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon
Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita,
Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon.

Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan
At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita
Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na"
Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala.

Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan
Doon tayo sa magkasalungat na landas
Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa
Na ang aking umaga ay di mo na gabi
At ang aking gabi ay di mo na umaga.
Kung saan ni isa'y di na aalis
At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis.

Baka doon --
Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa.

---

Minsan, napadpad ako sa karagatan
Kung saan ang bawat hampas ng alon
Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan
Na ang dating puting buhangin
Ay unti-unti nang nanumbalik
Akala ko'y isang panaginip
Pero doon ay may subalit --
Subalit na napakaganda.

Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad
Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan
Ay unti-unting inanod
At akala ko'y di na makababalik.
raquezha May 2018
In tagalog…
Nagmahal ka na ng ilang katawan?


Sa lipunang ating ginagalawan 
naranasan mo na bang matitigan 
na para kang hinuhubaran? 
Naranasan mo na bang maging barya? 
Na gagamitin kang panukli 
sa mga kasalanan nila. 
Masarap pa bang mabuhay sa labas, 
kung ang tingin sayo ay 
labasan ng sarap ng loob. 


Nagmahal ka na ba ng ilang katawan?
na ang tingin mo lang sa kanya 
ay panandaliang pulutan.
 na kapag nabulatlat mo na't lahat 
 ay pssst waiter isa pa ngang ganyan, 
 ung malaman para
 kumukulo kong kalamnan. 
 ung makinis, 
 masarap titigan, 
 ung masarap hawakan,
nagsuot lang ng maikli 
ay pinasok mo na agad 
sa makitid **** utak, 
napakabilis ng kamay mo, 
sing bilis ng kabayo. 


Nagmahal ka na bang ilang katawan? 
dahil lang sa ika'y tigang 
dahil lang sa hindi mo mapigilang maglibang. 
Naputokan ka na ba? 
ng mga sumasabog na alispusta? 
dahil lang sa nagsuot ka ng maganda, 
pokpok ka na? 
Lumaki ako na ang tingin sa ari ng babae 
ay parang laro sa perya, 
iyong may itatapon kang matalim 
para ang lobo'y pasabogin
kung ilan ang naputok **** lobo 
ay yun din ang estado mo, 
syempre mas marami 
mas malaki ang premyo. 


Tinuruan ako ng lipunan 
na tratohin silang parang salamin, 
alagaan at mahalin, 
pero pag sawa ka na't nauumay ay babasagin,
na kapag ginawa mo ito 
ay isa ka ng ganap na lalake. 
Na para mapitas mo ang mansanas ni eba 
ay dapat magbalat kayo ka. 
ahas ika nga, 
magbabalat ang katawan 
para sa iba naman. 
para makarami naman. 
Na kapag napaikot mo na't 
sumangayon na sayo 
ay dahan dahan **** ipasok 
ang pagkalalake mo.
Ito ay para humingi ng tawag I 
sa mga babaeng nagawan ko ng masama. 
Sa lipunang ating kinatatayoan, 
sa lipunang ating unti unting binubuo 
para sa darating pang henerasyon 
Magmamahal ka pa ba ilang katawan?
Hanggang ngayon 
maski ang ating lipunan 
ay hindi alam depinisyonwas one 
ng pagiging lalake. 
Pero siguro panahon na 
para tanongin natin ang ating sarili
Kung tama pa ba ang ginagawa natin? 
ito ba ang gusto nating gayahin ng mga susunod sa atin?
Wretched Aug 2015
Ito ako,
Duwag akong tao.
Madali akong matakot sa mga bagay na hindi nakikita pero nararamdaman mo
Tulad ng mga multo.
Mga kaluluwa ng mga sumakabilang buhay
Na nagpapagala gala sa aking isipan.
O kahit ang biglaang pagpatay ng mga ilaw.
Pakiramdam ko ang mundo ay hindi ko na kontrolado.
Na sa onting patikim lang ng dilim,
Katinuan ko ay guguho.
Tapos ayun na.
Dahan dahan ng bubuhos ang iyak galing saking mga mata.
Aaminin kong para akong tanga,
Kasi nga naman,
Simpleng mga bagay pero grabe kung gaano ko kayang aksayahin ang mga luha ko sa kanila.
Parang bata. Duwag. Mahina.
Marami pa akong mga kinakatakutan
Pero lahat ay napawi ng sa buhay ko'y dumating ka.
Binuhay mo ko, oo ikaw.
Ikaw ang nagsilbing unang hinga sa pag ahon ko sa malalim na dagat.
Ikaw ang matagal ko ng hinihiling sa bawat bituin
Ang panalanging ngayon ay akin ng katapat
Na akala **** ating pagtatagpo, tadhana ang nagsulat
Nagliwanag ang gabi nang makilala kita.
Ikaw ang naging rason ng aking pag-gising sa umaga.
Nagmistulan kang isang sundalo.
Nakabantay sa aking mahimbing na pagtulog.
Ipinagtatanggol ako sa mundong puno ng kamalasan at disgrasya.
Ang tapang **** tao.
Ikaw, hindi ako.
Kinayang **** harapin ang mga bagay na kinaduduwagan ko.
Natakot akong magmahal muli pero isipan koy iyong nabago.
Kaso sa sobrang kasiyahan na idinulot ng pagdating mo,
Bumalik ang mga takot ko.
Naduwag ako.
Marami akong mga kinakatakutan
At ika'y napasama na dito.
Natakot ako na baka pag gising mo isang araw
Magbago ang isip mo at
Malimutan **** mahal mo ko.
Kayanin **** talikuran ako.
Dumating ang isang masalimuot na gabi
Bangungot ang kinlabasan ng buong pangayayari
Nagdilim ang aking paligid.
Umalis ka na lang ng walang pasabi
At tumalikod ka nga.
Ikaw ang unang bumitaw.
Ikaw, hindi ako.
Ni walang pagpapaalam na nangyari
Ni hindi mo na ko sinubukang sulyapin muli.
Sabi na nga ba. Ang tanga ko talaga.
Natagpuan ko na naman ang aking sariling Nagaaksaya
Ng balde baldeng luha.
Parang bata. Takot duwag mahina.
Inakala mo siguro lagi na lang akong magiging
Isang prinsesa na kinakailangan lagi ng iyong pagsasagip
Pero mahal, Kailangan **** maintindihan.
Ngayon ko lang aaminin sa sarili ko na
unang beses kong naging matapang
Ng  aking Isinugal sayo itong marupok na puso.
Gumuho ang aking mundo.
Pinatay mo ko.
Ilang araw kong pinaglamayan ang ang aking sarili
Umaasang babalik ka at muli akong lulunurin sa init ng iyong mga bisig
Pinatay mo ko pero sa utak ko bakit parang napatay din kita?
Nagsitaasan ang aking mga balahibo
Kasi nga natatakot ako sa bagay na hindi ko nakikita pero nararamdaman mo.
At nararamdaman pa rin kita.
Pinipilit kitang buhayin
Ikaw na bangkay na sa akin.
Pinipilit kong abangan ang pagmulat ng iyong mga mata.
Ako'y patuloy na naghihintay.
Na malay mo sa araw na ito.
Sa iyong pag-gising, maisipan **** mahalin muli ako.
Mga alaala mo'y nagpapagala-gala sa aking kwarto na
Pumalit sa mga multong inaabangan ang pagtulog ko.
Pinatay mo ko pero
bumangon at babangon ako.
Naisip ko,
Ikaw ang naging duwag sa ating dalawa.
Ikaw, hindi ako.
Umalis ka dahil yun na lamang ang naisip **** solusyon.
Dahil iyon ang pinakamadaling paraan
Para problema mo'y iyong matakasan.
Ikaw ang natakot.
Ikaw ang mahina.
Ikaw,Hindi ako.
Dahil hindi mo kinayang magtagal sa ating laban.
hindi ako prinsesang laging kailangan ng pagsagip.
Mahal, Ako ang giyerang iyong tinalikuran.
At Kung nais **** bumalik
Ipangako **** ako'y hindi mo na muling lilisanin.
Bumalik ka ng walang bakas ng kaduwagan,
na ika'y sasabak muli sa ating digmaan.
Kahit ba iyong buhay ang nakasalalay.
Bumalik kang walang takot.
Hali ka, aking sundalo.
Bumalik ka kung kaya mo ng suungin ang giyerang nagngangalang ako.
This was the piece that I performed for Paint Your Poetry Slam at Satinka Naturals.
Glen Castillo Jul 2018
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Pag-ibig sa tatlong salita (IKAW,BAYAN at DIYOS)
Cedric Feb 2019
Napa-ibig ako sa aking kinakaibigan.
Sa una siguro’y ang pakiramdam ay magaan.
Nagkakilala ng basta-basta, walang dahilan.
Siguro dahil na rin sa  mabuting kapalaran.

Isang araw’y nalaman ko,
Magkapit-bahay lang pala kami.
Lalong nagkalapit ang puso’t damdamin.
Makalipas ang isang taon ng pagkikilala,
Sa dami ng tambay, kain, at gala,
Sa problema ng tropa o kaya’t sa pamilya,
Sa ngiti at ngisi sa bawa’t asaran,
Sa halip na ika’y may pagkasira,
Sa iyong puso na palaging hinihiwa,

Naroon ako sa iyong tabi,
Unti-unting napapangiti,
Napapamahal,
Nahuhulog ang dibdib,
Sa iyong pagkatao’t diwa.

Naaalala ko pa noong ika-siyam ng Mayo,
Bago matapos ang taon ng pag-aaral,
Sa isang buwan magkakahiwalayan na,
Magkokolehiyo na’t iiwan ang mga pinagdaanan.
Umiyak ka sakin habang nakain pa ng pakwan.
Na natatakot lang magsimula ulit,
Na makaranas ng bagong landas,
Na magbago, at maging kung sino man.
Na mahal mo ang iyong mga kaibigan,
Na ayaw mo silang iwanan.

Sinabi ko sayo,
Ika’y minamahal,
Ika’y itinatangi.
Ngunit hindi ko masabi,
Na ako ang magmamahal,
Ako ang magtatangi sa’yo.
Kaya ako’y gumawa ng katwiran,
Na kaming mga kaibigan mo,
Ay naririto lamang.

Ang pag-ibig ay parang nota,
Sa musika ng tadhana,
Sa teatro ng buhay.
Ito’y maligaya,
Upang hikayatin,
Ang ating puso na makinig.
Ngunit hindi kang saya ang ipinaparating.
Kundi’ hirap, lungkot, at paghihinagpis.

Parang emosyonal na gitara,
Na minsan nasisira,
Napuputol ang kwerdas,
Nasasaktan ang kamay,
Nalulumbay sa tono,
Habang humihiyaw,
Kumakanta ng buong puso,
Para sa ating mga sinta.

Dumating ang Agosto,
Miyerkules ng unang linggo,
Sa ika-beintidos ko nalaman,
Na galing pa sa iyong dila,
Na ako’y huli na sa paligsahan,
Na mayroon ng nanalo sa laban.
Ang puso mo’y nasagip na ng iba,
Ika’y nagkwento ng matagal-tagal.
Ang ningning sa iyong mata’y,
Parang ilaw sa entablado,
Nakikita ko ang mga sumasayaw,
Ligaya ang aking nararamdaman,
Habang ang aktor ay ako,
Na iyong tinitigan ng husto.
Pinipilit makinig nang maigi,
Sa kwentong busilak ng pag-ibig.

Ngunit pagkatapos ng kwento,
Naiwan akong mag-isa.
Sumigaw ng wala sa tono,
Sa kanta na puro hiyaw.
Hindi ko inakala,
Na ang kanta ko’y ganito,
Naisulat na ang mga nota,
Ngunit bakit masakit sa tenga?
Sa simula ng ika’y makita,
Nagsimula na ang tugtog.
Ngunit hindi ikaw ang aking kasayaw,
Hindi rin naiwasang mahulog.
Kahit pigilan ko man ang sarili,
Ako’y nahatak ng iyong tunog.
Magaling ka sumagaw,
Kwento mo’y ako’y napaikot.

Napapaisip ako,
Anong nangyari,
Bakit natapos,
Ang ating kanta.
Ng wala man lang paalam.
Ika’y bumula.
Nawala sa aking buhay.
Na para bang multo.
Hindi ko malapitan,
Mahawakan,
Matawag,
Ni mabanggit ang iyong pangalan.
Nawala ang ating teatro,
Nagkahiwalagan ang magkaibigan,
Ang direktor ay lumisan,
Upang maiwasan ang drama.

Napapaisip ako ngayon,
Bakit ikaw pa rin sa ngayon!
Ikaw na multo ng nakaraan,
Ang aking minamahal hanggang ngayon.
A Filipino poem about this girl I became close friends with. Originally a spoken word poetry for other purposes. I decided to post it here because, why not. I’m still in love with her up to this day. Well, it’s only been six months so this will be a long painful process.
Bayani --
Sa tuwing nagtatapo ang aking kanang kamay at ang aking dibdib
Doon ko mas naisasaisip at naisasapuso ang pagiging isang Pilipino
Na hindi ako isang banyagang titirik sa malaparaisong lupain
At panandaliang mabibihagni sa mga likas na yaman
O mismong sa mga modernong Maria Clara
O mga aktibisang nagmistulang mga bayani
Sa kanilang walang pag-imbot
Sa pagsulong nang may paninindigan
Sa kani-kanilang ideolohiya.

Sa araw-araw kong pagbibilad sa araw
At pagharap sa bawat pagsubok na minsang nakapapatid at nakapagpapatalisod,
Ni minsa'y hindi ko pinangarap na gawaran ng salitang "bayani."

Dito sa aking Bayang, "Perlas ng Silanganan,"
Ako'y nahubog maging sanay at buo ang loob
Hindi ng mga kahapong idinaan na sa hukay
At nagsilbing bihag ng kasaysayan at rebolusyon,
Bagkus ng sariling karanasang
Nagbukas sa aking ulirat
Na may iba pa palang pintuan patungo sa kahapon.
At pupwede ko palang matuklasan
Na hindi lamang sa mga nag-alay ng buhay sa sariling bayan
Maihahambing ang katuturan ng mahiwagang salita.

Paano nga ba na sa bawat pagsilang ng araw at pagbukod ng mga ulap sa kanya
Ay maituturing ko ang sarili bilang isang bayani?
Nagigising ako na pinamumunuan hindi lamang ng isang pangulo
Kundi ng mga katauhan na siya ring nagbibigay kabuluhan sa pagrespeto ko sa aking sarili
At sa tuwing nag-aalay ako ng mga hakbang at padyak sa pampublikong mga lugar
Ay nahahaluan ang aking pagkatao ng mga abo ng mga nagtapos na sa serbisyo
At tila ba sa kaloob-looban ko ay may sumisigaw na hindi ko alam kung ano
At sumisira sa mga pintuang minsan ko nang sinubukang sipain
Ngunit hindi naman ako pinagbuksan.

Masasabi kong natuto akong hindi sumuko sa laban ng aking buhay
Pagkat ako rin pala'y may pinaglalaban
Hindi ko ninais na maging talunan sa bawat paglisan ng araw sa kabundukang minsan ko na ring inakyat at pinagmasdan
Akala ko hanggang doon na lamang ako
Na ang buhay ko'y hindi isang nobelang magiging mukha sa salapi
At pagkakaguluhan saan man sila magdako
Ngunit minsa'y limot na ang halaga.

Dito sa aking istorya'y hindi ko maipagmamalaking ako ay isang bayani --
Ngunit sa kabila ng paglaganap ng demokrasya
Ay nais ko pa ring makasalamuha ang kahigpitan ng hustiya
Nang sa gayo'y masilaya't malasap ko ring mahalaga pa rin sa lahat
Ang pagbuwis ng mga buhay --
Silang mga pinagbunyi o silang nilimot ng sarili nilang mga kababayan.

Gusto kong manatili bilang isang Pilipinong may dangal sa aking pagkatao
Na ako'y titingala hindi dahil ako'y nagmamataas
Bagkus sagisag at bunga ito ng paghilom sa akin ng may Likha
At isang grasya ang buhay na hindi ko nanaising itapon sa wala.

Hindi ako magbibigay-pugay sa watawat na walang kamuang-muang
Na ang aking laban ay tapos na.
Hindi ako magpapadaig sa lipunang maaaring bumagsak sa kahit anong pagkakataon
Kapag ito'y nakalimot sa Ngalang higit na tanyag sa kanya.
At kung ito ang magiging dahilan para ako'y maliko sa ibang ideolohiya'y
Lilisanin ko na lamang ang aking pagkatao --
Ngunit ako'y madiing magpapatuloy sa aking lakaring higit pa sa pagka-Pilipino
Kahit na ang mga tungkuling nasa harap ko'y hindi pa lubos na malinaw
Pero pangako --
Hindi ako titigil.

Oo, pupuwede akong magsimula sa wala
Pero ako ay may mararating
At marahil bukas o sa makalawa,
Kung tayo lamang ay magpapatuloy sa pakikibaka para sa ating mga paniniwala'y
Magiging higit pa tayo sa mga bayani.
At hindi mahalaga kung tayo'y limutin ng bukas
Gaya ng paghawi ng masidhing hangin sa mga ulap na emosyonal.

Ayos lang --
Pagkat sa likod ng mga kurtina nang walang humpay na palakpakan
Ay naroon ang tunay na mga bayani
Na hindi sigaw at mga pagbubunyi ang mithiin.
Hindi ginto’t mga pilak ang maibubulsa sa kamatayan
Bagkus ang makapaglingkod sa bayan na may bukal na puso't malinis na konsensya
At kalakip nito ang higit pa sa mga pamanang medalya ng kasaysayan.

Sa muling pagkikita, salubong ng ating mga ninuno
Ay mabubuksan ang ating pagkatao sa isang paraisong patay na ang kabayanihan.
Doon, sama-sama nating lilisanin ang ganid na administrasyon
At hihipuin ang galit ng lambing ng Liwanag na higit pa sa milyong mga lampara
At doon lamang natin lubos na maaakap ang pagiging isang "bayani."
042522

Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw,
At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman.
Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga
At mismong lipunan ang syang magpapasya.

Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas
Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak.
Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa
Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa?

Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas
Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka.
Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta
Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma?

Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan,
Paano nga ba ang ating pagtindig
Para sa sinasabing mahal na bayan?

Pilipinas nga ba ang ating pinipili?
O kung saan lamang tayo kampante
Habang nananatiling namamaypay
At abala sa kabi-kabilang pag-uusig.

Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na,
Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising
Sa dugo nating makabayan?
At sapat ba ang ating paghiyaw
Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas?
Mga bibig natin, paminsan nga'y
Puno lamang ng mga palatastas.

Sapat ba na tayo-tayo na lamang
Ang naghihilaan pababa't paitaas?
Pagkat mismong pananampalataya'y
Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak.

Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan --
Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan.
Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas --
Sana'y mapaninidigan kita't
Hanggang sa huli'y maipaglaban
Pagkat maging aking hininga'y
Pansamantalata't pahiram lamang.

At hindi ito lotto o binggo,
Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino.
Ngunit kung sinuman
Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino
Sana tayo pa ri'y magkaisa
Para sa dangal na nais nating isulong.

Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y
May iisang hindi tayo tinalikuran,
Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran
Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan --
At Hesus ang Kanyang Ngalan!
Bangon Pilipinas!
Inukit ko ang pangalan nating dalawa sa isang puno
Simbolo Ito kung gaano kita ka mahal, mahal ko
Naka ukit sa punong iyon lahat ng ating mga pangako
Mag mamahalan tayo pang habang buhay kahit labag man sa atin pati ang mundo

Sabay tayong nangarap noon
At alam kung balang araw matutupad iyon
Pero tila labag talaga sa atin ang mundo
Mga pangako'y bigla nalang nag laho at na pako

Tinangay ng malakas na hangin ang munting pangarap natin
Tila kahit saan ito tangayin ay kay hirap na itong hanapin
Bakas ang pangungulila at lungkot sa aking mga mata
Dahil kahit katiting na pag-asa'y di ko na makita

Umalis ka at ako'y iyong iniwan
Lungkot at pananabik na sanay babalik ka at hinding hindi na kita bibitawan
Para akung pulubing palaboy laboy kahit saan
Tulad ng pag mamahal natin di ko alam kung saan ang patutongohan

Iyong ngite na parang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko
Pero ang ngiting iyon di ko na nasisilayan kaya biglang nag dilim ang mundo
Mga yakap mo gusto kung madama muli
Mahal ko bumalik kana at alam kung hindi pa ito ang huli

Madalas akung pumupunta doon sa may puno kung saan naka ukit ang ating mga pangalan
Dahil alam ko na doon mo ako iniwan at doon mo rin ako babalikan
Tila buhay ay parang sentonadong guitara
Wala nang direksyon ang mga nota dahil nawala na pati yong kopya

Lumipas ang ilang araw hindi ka parin bumabalik
Mas gustohin ko nalang sumoko dahil dito sa sakit
May bagong pangarap kana ata diyan mahal dahil di muna ako binalikan
Masakit pero sige sisimulan narin kitang kalimutan

Tumanda na ang munting kahoy na ating pinag ukitan
Kay tanda narin ng pag-ibig natin na iyong tinalikuran
Ilang taon na ang lumipas at kay rami na ang nag bago
Pero pag mamahal ko sayo pang habang buhay naka ukit sa punong ito

Ngayon may kanya kanya na tayong sariling buhay
Buhay na pinangarap natin Pero ito'y namatay
Masaya na ako mahal sa buhay kung ito
Sana ganon karin katulad ng nararamdaman ko sayo

Mahal ang punong ito, ay mananatiling simbolo at Manana tiling naka ukit ang ating na udlot na pangako
21st Century Aug 2018
Babalik si Jesus at alam kung hinding hindi niya tayo bibiguhin. Babalik ulit siya para pagtakpan ang ating mga kasalanan. mag bibilang Ako ng hanggang Sampu. isa,dalawa. dalawang hakbang ang inialay niya  tatlo,baka tatlong beses ulit siyang ipagkakaila Apat,Lima hindi siya tumigil sa paghakbang para sa atin
Anim,pito,wallo,siyam,sampo
Hinding hindi ako titigil sa pagbibilang hanggang sa maramdaman niyo na tayo ngayon ay nawawala.At patuloy parin si Jesus sa paghakbang para lang mahanap niya at maipakita niya ang tunay na mukha ng Pag-ibig. Pag ibig na nagdala sakanya sa kapahamakan. Pag ibig na siyang dahilan sa paghihirap niya at sa  sugatan niyang Katawan. Pag ibig na kung saan nag simula ang lahat. At dahil sa sakripisyo niya tayo ngayon ay nandito. Kapatid hindi pa huli ang lahat may mga panahon kapang itama ang iyong nga nagawang kasalanan. maniwala ka. Hinding hindi ka niya pababayaan. Dahil siya ang Diyos at siya ang Diyos ng sangkatauhan.At ito ang sinabi. "Ako si Jesus ang simula ang at katapusan. Ako ang Buhay ang Daan at ang Katotohanan"
Marahil nagtataka ka kung bakit.bakit naging ganyan ang takbo ng buhay mo bakit naging ganyan bakit naging ganito. Kapatid uulitin ko hindi pa huli ang lahat. Tandaan ang balita ng Diyos na mas dapat pakinggan. isa puso, mahalin at higit sa lahat mas dapat tuparin. Wag kang mawalan ng Pag asa. At wag na tayong maglokohan pa. Dahil palagi siyang Nandiyan at hinding hindi siya mawawala para gabayan ka. Alam kung naniniwala ka. At alam kung didinggin niya ang iyong mga panalangin. Kapatid manalangin ka. Kayat hindi na natin kailangam pang humiling dahil matagal na niyang binigay ang ating Kagustuhan at iyon ay ang pagkakaligtas natin mula sa ating mga kasalanan. Alam kong alam mo na. Babalik at babalik si Jesus para sa atin. Ibabalik niya ang kapayapaan sa iyong mundo. Dahil siya ang ating Diyos wala nang iba.
JOJO C PINCA Nov 2017
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan"  - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG



bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas?
oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata.

kung si Komrad Mao sana ang dito ay sumalta, malamang mga Sosyalista tayo ngayon. hindi sana tayo inaalipin ng mga ganid na Kapitalista. siguro sinlakas na rin tayo ngayon ng tsina. malamang walang tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan. walang mga gunggong na pinagsasamantalahan ang taong bayan. walang mayaman na mang-aapi sa masang naghihirap. walang kolonyal na kaisipan na iiral, hindi sana tayo lumuluhod sa mga dayuhan. walang magtatatwa ng sariling wika at manghahamak ng sariling kultura. wala sanang maka-dayuhan na paghanga. wala sanang taksil sa sariling lipi. sapagkat lahat ng mga duming ito ay lilinisin at gagawing dalisay ng Cultural Revolution.

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit si Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, Andrew Tan ang mga panginoon at naghahari sa bansang ito? bakit tayo inaalipin ng mga dayuhang ito? putang ina, inaalipin at inaapi tayo dito sa loob ng sarili nating bayan. bakit sila ang nagpapatakbo sa buhay at bansa natin?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit ang diwang pirata at hindi ang binhi ng kalayaan ang lumaganap dito sa atin? bakit kapitalismo at hindi sosyalismo ang namayani? bakit tayo mga alipin at hindi malaya?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? nakakalungkot isipin na natulad tayo sa South Africa kung saan inalipin ng mga puting dayuhan ang mga katutubong itim. ang Pilipinas ba ang katumbas ng Gaza Strip dito sa South East Asia?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit tayo pumapayag na ginaganito tayo? wala silang karapatan na babuyin tayo at hindi sila ang dapat na nakikinabang sa yaman natin.
Mauubos na naman ang mga pahina ng kalendaryo,
Sabay-sabay nating pupunitin
Kalakip ang bawat pangakong
Akala nating matutupad sa kasalukuyan.


Gayunpaman, ang lahat ng ating tinatamasa’y
Tunay ngang may iisang Tagapagbigay ng Biyaya..
Mag-iba man ang anyo ng Kanyang pag-ibig,
Mag-iba man ang ihip ng hangin,
Maging mitsa man ang mga delubyo
Ng saklolo sa pawang dalampasigan at kabundukan,
Ay Hindi pa rin titigil ang ating pagsamba.

Naubos na ang mga taong nagsasabit ng parol
Sa kani-kanilang tahana’y
Patuloy pa rin ang ating pananampalatayang
Matatamasa natin ang mga pangako Niyang
Gaya ng mga bituing
Pahiwatig Nya Kay Abraham.

Ang bahaghari na naging simbolo ng iba’y
May iisa pa ring pangakong ibinabandera
Sa mga totoong may pananampalataya.
Tayo'y nagpapalit-anyo
Sa bawat pagsipat ng mga pagsubok,
Sa bawat pagsirit ng mga tanikalang
Akala ng dilim ay tutupok sa ating mga lampara
Habang tayo’y naghihintay —
Naghihintay sa pagbabalik ng ating Hari
Na Siya ring kabiyak ng ating kabuuan.

Sa bawat araw na lumipas at lilipas pa’y
Wag nating kalimutang
Ito ang taong tayo’y nagpatuloy
Sa ating pakikibaka sa kadiliman.
At tayo’y patuloy na bumangon
Sa kabila ng mga nakatatalisod
Na paghuhukom ng mundo.
Gwyn Biliran Nov 2016
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta.
Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga.
Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan.
Hanggang kailan ito magtatagal?
Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan.

Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman.
Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan.
Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta.
Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta.
Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit.
Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit.

Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya.
Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama.
Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka.
Halika sa mga bisig ko, mahal.
Panahon natin ay di na magtatagal.
Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit.
Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin.

Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot.
Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap.
Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali.

Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian.
Tayo ay alon at dalampasigan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan.
Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
Ace Jhan de Vera May 2016
Maligayang bati,
Sa aking pagsilang,
Walang bakas ng gunita,
Walang alaala ng nasabing araw.

Nagdaan ang mga taon,
Namulat sa katotohanan,
Na hindi marunong magpatawad ang mundo,
At hindi ito titigil na para lang sayo.

Nagdaan ang mga taon,
Ilang kaarawan ang lumipas,
Andiyan ang pancit,
At ang keyk na nakahanda,
Sa hapag kainan para pagsaluhan,
Mga ngiting di mabakas,
Nagpapasalamat sa biyaya.

Ngunit ito ang unang taon,
Kung saan maghahanda ako,
Hindi para sa iba,
Kundi para sa sarili ko.
At aanyayahan ko kayo,
Nawa'y sana'y makadalo,
Habang unti unti kong inilalapag,
Sa ating hapag, upang ating pagsaluhan.

Maghahanda ako,
Ihahanda ko ang sarili ko,
Na ang puso ko'y tatayuan ko ng pader,
Na papalibot dito,
Dahil pagod na kong masaktan,
At nahahapo na ang aking katawan.

Maghahanda ako,
Na ibaon ang bawat alaala.
Ang tamis nang bawat halik,
Ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan,
Mga labing bumubuhay nang aking kamalayan.

Ihahanda ko din,
Ang aking sarili,
Na unti unti nang humakbang,
Papalayo sa nakasanayan,
Kung ano ang aking kinamulatan,
Sa loob nang mga taong pinagsamahan.

Mga umagang iyong mukha ang bumubungad,
Sa aking mga mata,
Habang ika'y pinagmamasdan,
Sa taimtim **** paghihimlay,
Habang ako'y nagninilay nilay,
Eto na ba ang pagibig na hinihintay?

Kaya mahal sa aking kaarawan,
Kasabay ng pagihip ko nang kandila,
Magpapaalam na ako sayo,
Paalam na sa mga gabing kayakap kita,
Sa mga sandaling magkakapit bisig tayo sa ilalim nang mga bitwin,
Na kung saan langit ang saksi sa ating pagmamahalan,
Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan.

Pipikit ako,
At uulit ulitin ko ang mga salitang;
"Handa na ako"
At hihiling ng lakas ng loob,
At tibay ng sikmura,
Bibilang ako ng tatlo,
Isa,
dalawa,
Tatlo,
At sa aking pagdilat,
Hihipan ko ang kandila,
At magpapaalam na sayo.
JK Cabresos Jul 2016
Oo. Totoo.
Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
na aakyat pa sa rurok ng bundok
para isigaw ang pangalan ko,
at ipahayag ang nilalaman
ng damdaming nagsisidhi,
sapat na sa akin
ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan
na nais kong marinig
mula sa mapang-akit **** mga labi.

Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo
sa sinasabi ng ibang tao,
dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon
para umibig nang wagas
o hanggang sa dulo ng mundo,
hindi sila ang dumidekta
sa kung sino man ang ititibok nitong puso,
hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.
Hindi.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako
na sa lahat ng date na ating mapuntahan
ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo,
o libo-libong litrato ang ipo-post mo,
dahil ayaw ko lang mawala
ang pagiging pribado ng ating relasyon,
sapat na sa akin
ang itago mo ang mga litratong ‘yan,
at titigan pauli-ulit
kapag miss na natin ang isat-isa.

Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba,
hindi ko sila papatulan,
hindi ko sila papansinin,
hindi kita niligawan
nang mahigit isang taon para saktan lang,
wala akong **** sa kanila,
ikaw ang mahal ko,
oo, mahal kita,
at tanggap ko kung sino ka,
kung anong mayro’n at wala sa’yo,
dahil mahal kita.
Mahal na mahal,
hindi mo kailangang ma-insecure.
Hindi.    

Lahat ng bagay, ay aking gagawin,
dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”  
sa bawat letra ng mga salitang
namumutawi sa aking bibig,
hindi ito isang antigong alahas  
na susuotin lamang sa mga piling okasyon,
pagkatapos ay itatago sa kahon,
at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon,
mamahalin kita kahit sa ano mang panahon:
tirik man ang araw sa pagtawa
o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.
Mahal kita.
Mahal na mahal,
at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”
sa mahal lang kita,
kukunin ko ang mga agiw sa ‘yong mga lumang gunita,
pilit kong wasakin ang mga pader
na nakaharang sa ating dalawa.    

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili
sa ‘yong presensya at pagkandili,
sapat na sa akin ang pag-intindi mo
sa mga kamaliang pilit **** binabayo,
mga pagkukulang na pilit **** pinupunan,
at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap
ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay
at hindi mo ito binitawan.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak,
nang mabatid mo ang mga nakasulat,
nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
ililibot kita,
sa aking nakaraan,
sa aking ngayon
at sa aking bukas,
ilalahad ang pag-aasam na makatakas
sa mga kabiguang natanaw.
Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso,
dito matatagpuan ang pag-ibig
na kailanman hindi mabubura,
hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
hindi na kailangan,
dahil alam ko, d’yan sa puso mo,
nakaukit rin ang pangalan ko,
at ang pag-iibigan nating dalawa,
hindi mo na kailangan ipagsigawan pa
dahil alam kong mahal mo rin ako.
Mahal mo ako.  
Mahal na mahal.
Copyright © 2016
Mahal, tanda mo pa ba yung araw ng ating pagkikita?
Kung saan lahat ay ating ginawa upang kilalanin ang isa't isa.
Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako kantahan sa mga gabing tumatawag ka?
Kung saan bawat salita natin ay nakakapagpakilig sa buong sistema.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na tayo ay magkasama?
Kung saan ang presensya ng bawat isa ang sa atin nakapagpapasaya.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na punong-puno tayo ng problema?
Kung saan pilit natin itong kinakaya kahit ang bigat bigat na.

Kay sarap isipin, kay sarap balikan.
Ngunit paano ko ito babalikan kung ako'y iniwan mo ng nag-iisa at luhaan.

Naniwala ako sayo.
Nagtiwala ako sa mga pangako mo.
Hindi ako tumigil kahit nasasaktan na ako.
Nanatili ako kahit alam kong lokohan nalang ito.
Ginawa ko lahat para sa relasyon na ating binuo
Pero mahal, bakit ka sumuko?

Nasan ka na? Nasan na ang mga binibitawan na mga pangako?
Yung pangakong ako lang ang nasa puso mo.
Yung pangakong ikaw lang at ako.
Yung pangakong hindi ka maglokoko.
Yung pangakong kakayanin natin ito.
Yung pangakong tayo lang dalawa hanggang dulo.
Wala na. Naglaho ng parang bula.
Wala na. Dahil may iba ka ng sinisinta.

Sabi mo mahal na mahal mo ako.
Ngunit anong nangyari at nagkaganito?
Akoy iyong ginago at paulit-ulit na niloko.
Ika'y biglang nagbago at unti-unting naglaho.
Bakit mo hinayaang magkaganito?

Pero mahal, alam mo ba?
Mahal na mahal parin kita kahit mukha na akong tanga.
Mahal na mahal parin kita kahit may iba ka na.
Mahal na mahal parin kita kahit alam kong wala ng pag-asa.
Mahal na mahal parin kita kahit tinalikuran mo ako at pinili mo siya.
Pero mahal, pasensya kana dahil ito ay sobra na.
Pagod na pagod na ako kaya pinapalaya na kita.

Ito na ang panahon para piliin ko ang sarili ko.
Ako na nagpakatanga sayo.
Ako na kinalimutan ang sarili ko.
Sarili ko na napabayaan ko dahil sa labis na pagmamahal sayo.

Sana sa araw na ika'y pinalaya.
Hinahangad ko na seryosohin ka niya.
Sana pasayahin mo siya sa araw na kayo'y magkasama.
Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo
Pagmamahal na hindi mo naibigay sa isang tulad ko.

Kaya naman mahal hanggang dito nalang tayo.
Kahit mahirap kakayanin ko.
Kahit masakit titiisin ko.
Paalam mahal, dahil ito na ang huling araw ng pagpapakatanga ko sayo.
AUGUST Nov 2018
NOBYEMBRE 20, 2018
hugis pusong inukit sa munting puno
nagbunga ng matamis itong pagsuyo
sa lilim ng mga sanga, saksi sa’ting pangako
na tayo lang dalawa ang magkasundo

ito ang ating tagpuan, na tayo lang ang may alam
kaya nakalagay ang pangalan,pagkat dito ay atin lang
ang payapang tahanan, ng ating pinagsamahan
sa dahong kanlungan, na puspos ng pagmamahalan

ang dibdib kong umaawit, habang pumipintig
halina’t maging mainit ang dating lamig
oh kay sarap palang kumapit, sa gitna ng ating bisig,
(sa ilalim ng) hugis pusong inukit, simbolo ng dakilang pagibig

may hangin na dumadampi wari’y halik sa’yong pisngi
sa punong mumunti, rosas kang kasing pula ng ‘yong labi
at meron pa bang tatatamis sa iyong mga ngiti
kung tunay ngang ang ‘yong ganda’y nakakabighani

sa punong may lilim, kasama kita aking sinta
wala na kung hinihiling, kaylangan ko’y andito na
sana dito nalang tayong dalawa’y mamalagi
sayo ilalaan ang bawat sandali, at pangakong mananatili
you can also follow me on facebook with the page name August' poems
JK Cabresos Jun 2015
Igapos mo ako
sa lilim na 'yong puso,
at doo'y liliwanag
ang damdaming nakatago.
Na sa gabing alitaptap lamang
ang masulyapan,
tutubuan ng pakpak
ang pag-ibig na natagpuan.

Lilipad kasabay ng mga ulap
at hindi na halos maabot,
sa kulog o kidlat ma'y
hindi natatakot.
Na handang suongin
kahit malakas na hangin,
upang pakpak nito'y nakalatag
pa rin sa papawirin.

Mapadpad man tayo
sa lawak ng dagat,
mga puso natin doo'y
maglalayag.
Na tayo'y sabay dadaong
sa ating mga pangarap,
na sa dako paroo'y
naghihintay at umaandap.
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
21st Century Apr 2020
Gusto kong sabihin na masaya akong isinulat ang liham na ito, at ang nais ko lamang ipairating ay ang mensaheng maaring makakapagpabago ng iyong pananaw sa buhay.

Pero bago ang lahat may tanong akong dapat **** pag-isipan ng mabuti bago ka magpatuloy. Una nais ko lang tanungin kung handa ka nabang makinig sa mga katotohanan? Pangalawa handa ka nabang tanggapin ang mga ito?

Kaibigan, alam kung naguguluhan ka parin dahil sa mga di maipaliwanag na pangyayari sa mundo. Maraming bagay ang hindi pa malinaw sa paningin natin. At hindi sapat ang mga naririnig natin sa iba, dahil hindi rin natin alam kung alin ang tama sa mga pinagsasabi nila.

Ang dahilan kung bakit naisulat ko ito ay dahil sa mga nasaksihan ko. Maski ako ay hindi ko rin maintindihan kung saan umiikot ang mundo natin ngayon, kung tama pa bang mabuhay ako sa panahong puro na lamang  pasikatan at pagpapabango ng pangalan ang tanging ginagawa ng karamihan. Sa tingin ko marami nang mali sa panahon ngayon ngunit hindi lang natin pansin.

Hindi nga ba pansin? O sadyang alam natin pero di natin pinapansin, tayoy bulag sa katotohanan kahit dilat na dilat na.
Ito na ba ang naging kalabasan ng mga sakripisyo ng ating mga bayani? Kung ako ang sasagot diyan, ang kinalabasan ng mga sakripisyo nila ngayon para sa bansa, ay wala.

Dahil hanggang ngayon marami paring namumuhay na hindi alam kung ano ang pinaglalaban nila. Maraming pang iba jan ang hindi alam kung nasaan na ba sila, iisang bansa tayo ngunit watak watak tayo.

Masaya ako kung sasabihin mo saakin kung ano ang naging bunga ng paghihirap ng ating mga bayani. Dahil yun din ang  gusto kong malaman dito sa aking sulat.

Ang ating mga bayani ay hindi lang basta mga bayani dahil lumaban sila para sa bayan. Naturingan silang mga bayani dahil isa silang sundalong handang mamatay sa ngalan ng pag-ibig.
Pag ibig sa Diyos at sa Bayan,
naipangak sila hindi dahil magiging parte sila ng mundo, kundi naipanganak sila para sa isang pangarap na gustong matupad ng lupang sinilangan.
Ito ay ang tahanan ng ating lahi kung saan kinukupkup tayo at tinutulungan.

Kayat kapatid gusto kong malaman mo na hindi pa huli na muli kang mag umpisa, dahil ang lahat ay wala pa sa huli.

Maraming salamat dahil binasa mo ito ng may puso at pag-intindi. Umaasa ako na magiging mabuti kang tao hanggang sa huli.

-PC
mac azanes Feb 2016
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila.
Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama.
Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo.
Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay  at hahanapin ang bawat isa.
Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay.
Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay.
Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal.
Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan.
At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban.
Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin.
Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay.
Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa.
Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka.
Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
John AD Aug 2018
Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi
Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari
Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi
Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi?

Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan?
Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan?
Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa
Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa

Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan
Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran
Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan
Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan

Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal
Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman.
Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan
Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking  inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.

— The End —