Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“You must live in the present, launch yourself on every wave, and find your eternity in each moment. Fools stand on their island of opportunities and look toward another land. There is no other land; there is no other life but this.”

― Henry David Thoreau

Nalulungkot ako dahil nasayang ang buhay mo. Huli na ang lahat nasa dapit hapon kana, palubog na ang araw mo, wala na itong umagang darating pa. Nalulungkot ako dahil nagpadaig ka, tinalo ka ng lungkot at kinain ka ng sistema. Pati tuloy ang sining (photography) na iyong minahal ay tinalikuran mo. Nalulungkot ako dahil alam kong kahit nagkaganyan ka ay marunong kang magmahal, na kahit kelan hindi mo ako sinaktan, na lagi kang nand’yan kapag kailangan kita. Bakit kaba kasi nagkaganyan?

Nalulungkot ako dahil sinayang mo ang panahon para lang alagaan ang galit na nakatanim d’yan sa dibdib mo. Niyakap mo na parang unan ang kalungkutan, sana ay itinakwil mo ito. Nalulungkot ako dahil naging rebelde ka hindi lang sa iyong sarili kundi pati dun sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa’yo. Sinaktan mo sila na handang umagapay sayo. Nalulungkot ako dahil lumikha ka ng sarili **** bangin, isang malalim na hukay kung saan ikaw ngayon ay nakabaon.

Nalulungkot ako dahil hindi pinakinggan ng diyos ang mga dasal ko para iligtas ka, ang mapagmahal at mahabagin na diyos ay walang awang pinabayaan ka. Nasayang lang ang aking mga pagsamo sa kanya. Paano ka n’ya aagawin sa apoy ng Impeyerno kung dito pa lang sa lupa ay pinabayaan kana? Nalulungkot ako dahil kapos ang aking pang-unawa at pagmamahal. Nalulungkot ako dahil wala akong nagawa para suklian ang mga kabutihan mo sakin.

Nalulungkot ako at pumapatak ang luha ko habang sinusulat ko ang tulang ito. Nalulungkot ako dahil hindi na maibabalik ang nakaraan, dahil wala ng bukas na darating para sa’yo at sa ating dalawa. Nalulungkot ako dahil dahil pareho tayong nabigo. Oo, kapwa tayo talunan. Pareho tayong pinagtaksilan ng ating mga paniniwala at mga pangarap. Nalulungkot ako dahil patuloy kang naghihirap noon magpahanggang ngayon.

Nalululungkot ako pero alam ko na ang lahat ay may katapusan, lahat ay magwawakas pati na ang mga paghihirap. Kaunting panahon na lang matatapos din ang lahat ng dusa at sakit mo. At pag dumating ang araw na ‘yon hindi kana nila kailanman masasaktan. May kakaibang katahimikan at hindi maipaliwanag na kapayapaan na makikita sa mukha ng isang bangkay.
Maxwell Nov 2015
Pangako, hindi ka namin kalilimutan.
Bibigyan ng oras, gagawan ng paraan.
Ako naman, naniwala sa inyong kasinungalingan.
Ngayon tuloy, ako ang nasasaktan.

Ang pangako ay hindi sinabi upang ipako.
Sa halip, ito ay sinusunod.
Ikaw mismo ang nagsabi nito, alam mo ba?
Ngunit bakit hindi mo nagawa?
Lynne Pingoy May 2016
Ang pag-ibig ko sa iyoy walang hangganan.
Magkalayo man tayong magkasintahan.
Buong buhay nating pahahalagahan,
Ang sumpaan natin magpakailanman.

Ngunit aking mahal ikaw ay lumisan.
Iniwan mo ang aking pusong sugatan.
Nasaan ka na at ako ay iyong balikan.
Upang malunasan, damdaming nagdaramdam.

Ikaw nga ay bumalik, ngunit may kasamang iba.
Ngayon tuloy, damdamin ko'y lumuluha.
Pinapasan ang sakit na naramdaman.
Dulot ito ng iyong kataksilan.

Ang iyong pagmamahal ay nawala na,
Sigaw ng puso ko ay bahala na.
Hanggang sa huli ito ang iyong tandaan.
Minahal kita higit pa sa iyong nararamdaman.
Sylvina Brave Feb 2018
Katulad ko, ang tao’y sadyang mapaglinlang kung minsan
Hindi lubos maisip na kayang gawin ng sino man
Sa mga nagtitiwala sa iyong karunungan
At ito’y maging sanhi ng sugat sa munting tahanan.

Ang mga nakapaligid ay apektado rin naman
Ngunit hindi kailanman na mas binibigyang-pansin
Ang mga mapanglait at mapanghusgang katauhan
Kaysa hinagpis ng mga nagmamahal na magulang.

Ako di’y nasasaktan sa kanilang pagdaramdam
Salitang binitiwan ng mga taong malapit man
Ang lakas ng loob ay unti-unting napapawi rin
‘Tsaka mag-isang nagkukubli sa loob ng tirahan.

Hirap mang unawain aking naging karanasan
Hirap ding tamuhin na ika’y kanilang tanggihan
Bunga ng kasalanan ay buong-pusong tanggapin
Akin ring susuurin kung ano man ang nailaan.

Natitirang lakas at tapang ay aking gagamitin
Tuloy pa rin ang laban sa likod ng kabiguan
Hanggang masalimuot na pangyayari’y maliwanagan
Namnamin pati ang nalalabi pang kasiyahan.

Taos-puso kong panalangin sa iyo, Panginoon
Na ipagkaloob ang hinihinging kapatawaran,
Ipinagdadasal ko ang minimithing kapayapaan
At ipagdiwang ang dalisay na bagong kabuhayan.
#reflection #failure #remorse #isolation #pain #pray #forgiveness #peace
Crissel Famorcan Dec 2017
Value.
Madalas lesson sa math at related sa piso
Pero minsan pwede rin naman nating  iugnay sa tao
Parang ako.
Matagal - tagal ko na ring hinahanap
yung halaga ko sa mundo
Ipinanganak ba ako para maging sino at ano?
Sa paglaki ko, dun ko natuklasan
Na ang halaga ng tao nakabatay sa sitwasyon
Yun bang kapag kailangan ka lang nila
Saka ibibigay yung hinihingi **** atensyon.
Yun bang kapag MAHALAGA KA LANG saka ka kukulitin
Yung kapag kailangan lang ng tulong mo saka nila hihingin
Kaya madalas tuloy napapaisip ako
Ni minsan kaya naging mahalaga ako?
O nagkaroon man lang kaya ng halaga
ang isang tulad ko
Dyan sa puso mo?
Alam kong wala ako sa lugar para itanong ang mga  bagay to
Kase una sa lahat, magkaibigan lang naman tayo
Pero pagod na akong itago yung nararamdaman ko
Pagod na akong Magsinungaling
At magsabi ng di naman totoo
pagod na akong lokohin ng paulit-ulit yung sarili ko
Pagod na pagod na ako.
Kaya sa mga sandaling ito
Sasabihin ko na ang lahat
Lahat ng nasa puso ko
At sana kahit saglit
pakinggan mo naman ako.
Sana lahat ng sasabihin ko
Tumatak dyan sa isip mo
At maging mahalaga
Yun bang paulit-ulit **** maaalala
Parang lyrics ng paborito **** kanta
Na maingat **** tinandaan at kinabisa
Para lang wag **** makalimutan
O makaligtaan.
Sana ganun din ako, maging mahalaga
Kahit  ilang minuto, ilang segundo
Ilang oras
Kahit saglit lang,
gusto kong maging mahalaga
Katulad nung paborito **** sapatos at damit
Na kahit luma na iniingatan **** pilit
Kase nga mahalaga
at ayaw **** mawala
Gusto kong maging Importante
Pero parang malabo at imposible naman yung mangyari
Kase kahit magkaroon man ako ng halaga
Yung puso mo naman, hawak na ng iba
Kaya heto ako,nilalabas ang nadarama
Sa pamamagitan ng mga tula
At sisiguraduhin Kong Hindi ito ang magiging una at huli Kong katha
Na tungkol sayo
Dahil habang nabubuhay ako
Lahat ng tula at akda na gagasin ko,
Exclusive lang para sayo.
kahel Nov 2016
Ano nga ba ang layunin ng oras?
Mas matimbang ba ito sa mga makikinang na alahas?
O mas mapula pa sa pag usbong ng mga sariwang rosas
Ito ba talaga ay nagbibigay lakas?

Hindi sapat ang pagluha upang makabawas
Para saluhin ang mga masasakit na hampas
At sa mga sugat na walang lunas
Na nag iiwan ng mga malulungkot na bakas

Kung saan lumaban at nakipagsapalaran ka naman ng patas
Ngunit pakiramdam mo sa bandang huli ay ikaw pa din ang olats
Dahil ba biglang bumida ang mga mapalinlang na ahas?
Na pumupulupot sa leeg na parang isang kwintas

At pumipigil sa mga kasinungalingang pwedeng ibigkas
At inaakalang wala ng pag-asa upang makaligtas
Kulang pa ba ang kinaing bigas?
Harapin ang mga ito ng walang kaba at di pag iwas

O kaya naman gawing posas para masiguradong walang takas
Sa mga bagay na iniingatan magkaroon ng maliliit na gasgas
Hirap tuloy matukoy kung ito ba ay pagkakataong maging swerte o malas
Pwedeng maghintay, wag ka nga lang masobrahan at baka di mamalayan na lumampas

Ang bawat segundo ay hindi tulad ng pera na basta lang winawaldas
Hinay-hinay lang dahil hindi na maibabalik ang bawat minuto na lumipas
Ang maganda dito ay wala itong sinusunod na anumang batas
Dahil ang oras ay isang pinakamumunting regalo na walang hinihinging katumbas
Na pwedeng i-alay sayo ng isang taong nagmamahal ng wagas
solEmn oaSis Dec 2015
nagmula sa lupa
magbabalik ng kusa
Di ko magagawa ang
kaaya-ayang nakalipas
" kung walang nakikitang "
mga tamang nagsisi-alpas
hindi ito isang panaginip
ito'y bunga ng pagkainip
Hindi pa sana ako maghahanap sa iyo
ngunit "SILWETA", pumasok ka sa isip ko
sa puso ko, ikaw nga ay aking pinagbuksan
"tuloy po kayo? taka!" bagamat nag-alinlangan*
aking pag-iisa'y naibsan
sa ganda ng nakapaligid
di ko alintana nilalakaran
sa liwanag,ako'y nakapinid
samantalang hawak-kamay
diwa at puso ko'y marilag
kaibigan kang sakdal-dilag
nawa'y muli kang makalakbay !*


© copyright 2015 - All Rights Reserved
hindi lahat ng krus may nakapako,,,
dahil ang tutoo,may nakapa 'ko....
sa liwanag at hindi sa dilim!
at magpa-hanggang ngayon
magka-dikit etong mga binti
habang may sinasalo sa likod
ang aking dalawang kamay!!
Masakit maiwan dahil sa isang paglisan
Mga bagay na di maiwasang masaktan
Mga alaala pilit kinalimutan
Dala nito ay bigat na nararamdaman

Mga patak ng luha hindi mapigilan
Dahil sa mga bigat na dala ng nakaraan
Kung saan matagal maghilum ang sugat ng kahapon
Na minsan ikaw mismo nahirapan itapon

Kaya sa pagsikat ng araw ay hudyat ng bagong umaga ng paglalakbay,
Ito ay nagsasabing tuloy lang ang buhay
Na maaaring gumawa ng mga bagong alaala,
Para sa isang bagong kabanata

Kasama sa unti-unting pagbangon,
Ang mga tamang pagtugon
Sa mga bagay na kailangan tanggapin,
Para ang sarili muling hanapin.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan,
Ang mga natirang sakit ay tuluyang nahugasan
At di naglaon ito ay tumila,
Lumabas ang bahaghari dala ay pag-asa

Kasama nito ang simoy ng hangin, na nagmulat sa paningin
Na ang pagiging masaya ay sadyang pinipili,
At hindi masamang magmahal muli
Makita ang pagmamahal na para sa'kin hanggang sa huli

Kaya isa lang ang aking dalangin, matupad ang aking pangarap
Na ikaw ay aking mahanap
Di na sa panaginip kundi sa mundong tinatahak
Sana dumating ka na
Di sa isip kundi sa harap ko at nakikita ng dalawa kong mga mata
Sana makita ko na yung ngiti mo
Mga ngiti na magsasabi sa akin na  maging masaya lang dapat ako
Sana mahawakan na kita
Para di ko na maramdaman ang lungkot at pangamba
Sana mayakap na kita
Para maibsan yung sakit dulot ng aking mga problema
Sana dumating ka na
Para maramdaman ko ang sayang matagal ko ng hinahanap

At kung nandyan ka na
Sana hindi tayo ipaglayo ng tadhana
Dahil ngayon masasabi ko na ako'y "Handa"
Handa na akong magpakulong muli sa rehas ng pag-ibig, at para iyong malaman
Ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan
Dahil ako'y handang susuko
Kahit life time sentence sa piling mo.
10/23/17
Taltoy May 2017
O kay lungkot,
Nakapagpapasimangot,
Ang dala nitong lamig,
Kung dumampi sa'king mga bibig.

Kasabay ang pagdaloy,
Ng mga luha sa mata ko nang tuloy-tuloy,
Walang tigil, walang humpay,
Sa bugso ng kalooban, tila sumabay.

O, bakit huminto?
Bakit huminto itong naturang bugso?
O ulan, ba't di ka nagtagal,
Iniwan mo ba ako dahil di mo ako mahal?
winnerrdrop Jun 2015
Naisip ko na parang buhay pasada ang ating istorya.

Ikaw ang pasahero, ako ang tsuper.

Ganito ang senaryo; nakita kita sa kalsada di alam san pupunta.

Ako naman si tanga hinintuan ka kahit dika naman pumara.


Sumakay ka; gaya ng iba.nasa mukha mo yung salitang "Bahala na".

Diretso lang ako sa pag maneho. di mo parin sinabi kung san ka pupunta.

Kita naman sa karatula kung san ang aking ruta, inisip ko baka alam mo na.

Sa gitna ng byahe, mukhang nalibang ka na, kaya pasikat ako sa arangkada.


Halatang bago lang sayo yung dinadaanan, may tingin at may pangangapa.

Ayos lang yan sabi ko. Kabisado ko to. ako'ng bahala.

May mga sandaling napapakwento ka, Siguro dahil na rin sa palagay ka na.

Mukhang nakalimutan ko na yung ibang pasahero. Pakiramdam ko tayo lang dalawa.


Sa wakas, naitanong ko kung san ka ba talaga pupunta?

Kasi, 'haba na ng byahe mahirap na baka maiuwi kita.

Biglang Nawala yung ngiti mo sa mata. Para kang may naalala.

Dimo ako sinagot. Bigla kang pumara.


Di ko alam kung natakot ka ba? o ang pamasahe mo e kulang pa?

Ayos lang naman akong ilibre ka. Basta maihatid kita.

Aaminin ko, nung tinanong ko kung san ka pupunta,

Napadasal ako ng konti na sana sabihin mo, "Ikaw, saan ka ba?"


Naiwan ako nakahinto sa kalsada. kasi nagulat ako nung tumakbo ka,

Tinawag kita pero lumiko ka na sa madilim na eskinita.

Napakamot ako sa ulo at napailing. Ako ba ang may problema?

Di ko tuloy alam kung babalik ka. kasi kaya kong mag intay pa.


Pinaandar ko ulit yung jeep. nagmaneho, nag maniobra.

umikot, luminga linga. wala ka na.

Hahanapin kita. madilim na.. bukas baka bukas.

Kung san kita nakita nung una, baka doon ka pumara.
Written in Filipino
Yule Feb 2017
matagal ko na rin 'tong iniisip
hangga't maaga pa, ako'y bibitaw na
dahil alam ko una pa lang
sa huli ako'y masasaktan

masakit man para sa akin
pero bakit ba hindi ko kayang tanggapin?
na ako at ako lamang ang nagmamahal
na ako lamang ang maghihintay ng ka'y tagal

alam kong dapat hindi ko 'to iisipin
dapat wala na akong dapat hangarin
na higit pa sa dapat kong damdamin
dahil kahit kailanman
alam kong hindi mo ito maibabalik

pilit man kitang layuan
ako yung mas nahihirapan
bakit ba ganyan ang iyong mga titig?
lalo tuloy akong nasasabik...

bakit nga ba hindi ka pwedeng maging akin?

eng trans:
I've been thinking about this for a while
As soon as possible, I should let go
Cause from the start, I know
I'll get hurt in the end

It hurts for my part
but why can't I accept it?
that it is me, and only me that keeps on loving you
that it is only me that will have to wait for too long

I know I shouldn't be thinking of this
I shouldn't even yearn for more
for something greater than I should feel
Because I know that you'll never return it

I tried to keep my distance
But it is me that's suffering
Why are your stares like that?
I'm getting more eager...

**why isn't it possible for you to be mine?
I am yours but you're never mine
Ako'y sayo pero hindi *ka sa akin*

*kita pagmamayari* is a better translation for this...
also, translating this is kinda hard

{nj.b}
Daniela Amor Nov 2015
Ang aking nadarama ay lumalala
O, sinta, bakit ganito na lang bigla
Puso ko tuloy ay tila nagwawala
Bumibilis lahat 'pag lumalapit ka

Sabi ng iba ay hindi tayo bagay
Ngunit sabi mo tayo ay hanggang dulo
Malagot man ang hininga at mamatay
Ikaw lang ang pinaniniwalaan ko

Maghihintay, hindi ka paaasahin
Lahat ng pagsubok ay handang tahakin
Para sa iyo hindi ako susuko
Pinanghahawakan kong mahal mo ako
japheth Apr 2019
di ko alam kung ako lang ang ganito
o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto.

nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno,
buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig.

isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan
isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.”
isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel
ay magkakaroon ng kahulugan.

oo.
madalas akong ganito.
na andaming gustong sabihin ng utak ko
pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo.

bakit ang dali magsulat?
pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat?

minsan,
nananalangin ako
na sana may taong lalapit dito
para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko.

ngunit kahit meron mang ganung tao,
alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto.
dahil ang mga salita na galing sa utak ko,
na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika
ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta.

kaya oo.
kahit hirap na hirap ako,
na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko,
tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito.

dahil onti onti kong naiintindihan
na ang lungkot, saya, o mapa ano man,
ay iba iba ang kahulugan sa tao.

pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
“Writing.”

This piece represents where I am now in terms of my writing. It’s been an awful couple of months and slowly I’m losing touch.

I keep forgetting that the only thing stopping me is myself. That’s why moving forward, I’ll keep on writing.

Ilalaban ko ang pagmamahal ko sa aking sining.
(I’ll fight for the love of the art.)
Allan Pangilinan Aug 2016
Lagi ka na lang
tourist spot na ayos picture-an,
handa pag may birthday lang,
extreme sport na masayang subukan,
gown pag debut, dress pag kasalan,
leap year pag pinagpala,
blue moon pag may himala,
lakad ng barkada kung tuloy ang aya.
One time, big time.

Kailan ka kaya magiging
tambayan anuman ang dahilan,
kanin sa kahit anong ulam,
basketball na laging andiyan,
t-shirt, shorts, pants na 'di pangmayaman,
a-kinse at a-trenta pag minalas,
new moon, full moon at lahat ng quarter,
fixed date.
Big time, all the time.
JT Dayt Nov 2015
Salamat!

Ilang buwan na akong nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan

Ang dami ng bagay at tao ang ginamit mo para ako ay malinawan

Pero iba pa ring tinig ang aking pinapakinggan

Yung mensahe na ang nais sabihin na ika'y layuan



Kahapon natagpuan ko ang sagot sa katanungan

Ang puso ko ay parang yelong inilabas sa freezer at natunaw

Akala ko ang manhid ay forever nang hindi tatablan

Lalambot rin pala sa kalaunan


Salamat at hindi mo sinukuan ang tulad ko

Na walang ginawa kundi umiyak at isiping kawawa ako

Ang akala ko nga mensahe mo’y  tapos na

Ngayon ay may pahabol ka pa pala



Una ang sabi mo'y lumapit sa’yo at kausapin ka

Palalimin ang ating relasyon at ibigin ka

Ngayon pinaalala mo naman kung paanong mabuhay sa mundong ito

Na ikalulugod mo at ikabubuti ng tulad ko


Paano bang hindi ka mamahalin?

Eh ang dami mo nang ginawa para sa akin

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin

Iaalay nalang sayo ang buhay at damdamin

Salamat sa pag-ibig **** walang kapantay

Sa akin nagpapaalala na masarap ang mabuhay

Dahil mayroong nagmamahal ng tunay

Ang buhay niya para sa akin ay inialay
*note to God
inggo Jul 2015
Sabi mo ako ay iyong mahal
Pero nagsinungaling ka ng sobrang tagal
Nagmukhang tanga at walang kamalay malay
Ang mga mata mo sa iba na pala sumusubaybay

Sabi mo ay ako lang at wala ng iba
Tuwang tuwang ako at sobrang saya
Wala palang katotohanan ang lahat
Isa lang ang ating puso, hindi ba yun sapat?

Sabi ko ay kaya kang patawarin
Ang nagawa mo ay hindi na iisipin
Ngunit ayaw **** tanggapin at pilit pinagtabuyan
Dahil ba ang puso mo sakanya na nakalaan?

Sabi ko ay kakayanin ang lahat ng sakit
Titigil na at hindi na ipipilit
Kahit ang dugong dumadaloy na ay alak
Tuloy ang buhay at luha'y hindi na papatak
JT Dayt May 2016
Kapag namimiss kita,
Babasahin ko yung mga old texts natin sa isa't isa,
Makikinig ako ng mga paborito nating kanta,
At yung mga kantang alay natin sa isa't isa ..
Aalalahanin ko ung pagkakataong lagi tayong magkasama ..

lalo tuloy kitang namimiss,
Ambiguous Frizz May 2019
"Nakalimutan ko na ba?"
Yun ang pangamba
Nakalimot na nga ba?

Sino ka?
Saan ka pupunta?

Ilang araw din
Ilang oras sa madilim
Sa malabo
Sa magulo

Tuloy, nakalimot nga yata ako?

Matagal na panahon
Ang nilaan
Sa paghahanap
Nang kung saan
Nang kung sino
San nga ba tayo tutungo?

Pagtapos ng lahat
Ng isang mahabang panaginip
Ang mga mata’y muling nakasilip

Naalala ko na ulit
Nakalimutan ko lang saglit
Pero nagbabalik na muli

..ako
pagkaraan ng mahabang paghihintay, sisilay ay liwanag
jhaaaake May 2019
ikaw lamang ang nakaganito ko
sana’y pakinggan mo
mga dahilan kung bakit kita gusto
hindi ka man yung tipong lalaki na pinapangarap ko
pero ikaw yung umakit sa damdamin ko
madaling tawanan pero seryoso ang pagtingin ko
alam kong isang katoto mo lang ako
pero bakit mas higit pa dun ang nararamdaman ko
nag simula sa pang aasaran hanggang sa may nag kagusto
ilang araw akong nagmasid at nagisip kung paano
paano ako humantong sa ganito
hanggang sa sinabi ko sa isa rin nating katoto
naging tayong tatlo hanggang sa dulo
pero nag tapos din pagkatapos ng kaarawan mo
isang gabi humiling ako
sa oras na ika’y makita ko
pero yun din pala ang simula ng tukso
humakbang tayo sa isang grado
unang araw ngingitian mo ako
at dun na nag tapos ito
pero hindi ako nawalan ng pag asa
na maibabalik pa natin ang tayo
at nangyari ilang beses ito
pero malabo pa rin ang mga ito
masakit pero gumaan ito
takot akong kausapin baka ako’y mabigo
hanggang sa dulo etong relasyon ay naging malabo
at humantong na naman ulit sa panibago
eto yung dati ko pang hinihiling sayo
at hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwala sa sarili ko
nananaginip na ba ako?
kasi dati hiniling ko lang ito
pero ngayon nag kakatotoo
sana ay hindi na maputol ang kasiyahang ito
at sana’y mag patuloy tuloy ito
salamat at ikaw ay naging insipirasyon ko
salamat dahil kung hindi dahil sayo
hindi mangyayari sa akin ito
ang insipirasyon ko
salamat at dumating ka sa buhay ko
aL Jan 2019
Balik nanaman sa pangkaraniwang buhay
Ang paglisan ay nahaluan ng kaunting lumbay
Tutungo na uli sa sari-sariling paglakabay
Ngunit sa pinagmulan parin hihingi ng gabay

Hindi mapaliwanag ang nararamdaman
Kahit mga nakaw na mga saglit lang ang napagsaluhan
Masakit parin iwan ang naging masayang minsan
Ang agos ng buhay ay di nga mapipigilan
Papagorin ka't pupuyatin,
Hangga't utak mo'y mapupod.
Gumising ka, kaya pa natin,
Bawal ka mapagod.

Tanong mo sa sarili, 'para san nga ba?'
Para sa kitang di mapagkasya?
Tanong mo sa sarili, 'tuloy pa ba?'
Hanggang san nga ba ang kaya?

Mga imortal na manggagawa,
Kahit bagyo di ka kaya,
Pigilan, subokan,
Babangon pa din kinabukasan.

Tanong mo sa sarili, 'para san nga ba?'
Para sa kitang di mapagkasya?
Tanong mo sa sarili, 'tuloy pa ba?'
Hanggang san nga ba ang kaya?

Kaya ayokong napupuyat,
Kung ano ano ang nasusulat.
Pero ito lang panghuli na,
Pikit ka na, bukas maaga ka pa.
Gothboy Feb 2020
Taengina ang kulit
Ni ate girl every minute
Share a post,shitpost ang libangan
Pero kyut nya
Trip kong ligawan

One time
Post syang di ko maintindihan
Limang HAHA gusto kong pusuan
Timang ata
Kapag ginawa

Walang magawa
Gusto kana ata
My day,change dp,shitpost,at shares
Di ko pina palampas
React agad

Kasalanan ko bang mainlove ako sa **** poster girl
Kakatamad
Tuloy kumain kapag ol ka
Greendot na bilog
Sana sambutin kapag nahulog

Nag cha chat na tayo
Nang lumipas ang ilang linggo
Minsan malamig pa sa pasko
Convo natin
Kaso di kita pipilitin
Mag reply asap
Di nako mag ti tinder o bigo
Anjan kana kasi pangarap
Kong di ko makukuha......
Tahimik na kalangitan
Buo ang mga ulap
Maaliwas, o kay sarap pagmasdan
Maliwanag, walang dilim na maaninag

Mga ibong humuhuni malaya't maligaya
Linilibot ang kalangitan punong puno ng kalayaan, sinasariwa ang preskong hangin'g bigay ng kalikasan.

Sanay inyo ring marinig ang mga huni ng mga ibong nawalan ng tirahan,
Sa pagputol nyo sa kanilang pinapangalagaang tahanan.
Na sa bawat pagbuka ng bibig ay ramdam ang bigat na kanilang dinadala't, dinaranas
Sana'y pagbigyan kahit minsan lamang
Ang hiling ng bawat nilalang.

Ang buhay ng tao ay tulad din ng mga ibon sa kapaligiran, malayang pumili,malayang maglakbay, malayang piliin ang gustong tahakin sa kani-kanilang buhay. ngunit may ibang ipinagkaitan labag man sa kanilang kalooban tuloy padin ang laban tungo sa magandang kinabusan.

Sana'y imulat nyo ang inyong mga mata
Pakingan ang mga hinaing ng mga taong pi'lit makamtan ang magandang umaga. Ngunit may narinig ka ba? Hindi ba't wala?! Hirap man, pagod, at walang makain. Pero ito ba ang basihan? upang sila'y pagkaitan ng pag-asa.

Tulad din ng mga ibon sa malawak ng karagatan, gaano man ito kalawak, gaano man sila katagal maghanap,
Magtyaga't, maghintay, magtiwala ka lang dahil ang bukas ay hindi natatapos ngayon, kundi magsisimula pa lang ulit bukas.

Humayo ka't ipagaspas ang iyong pak-pak, lumipad ka't abotin ang iyong mga pangarap. Lipad munting ibon huwag kang huminto't ibangon muli, ang minsan mo ng nasirang tahanan

Tulad din ng isang ibon, maging malaya ka't maging masaya.
Maraming mga bagay sa mundo
Na di mo pa dapat
Naririnig,
Nakikita,
At nahahawakan
Ngunit dahil sa salitang "TRENDING"
Nakikiuso ka na din

Mga bagay na ito
Na nakalilito
Di tuloy natin alam kung saan hihinto

Napaka bilis ng iyong takbo
Ni di na lubos maisip kung saan naparirito

Hinay lang at mararating din
Ang pinakamagandang hardin
Konting
Sipag,
Tiyaga,
At hintay lang natin
Ang kasiyaha'y iyong masasalamin
Huwag kasi mag mamadali... may panahon para sa bawat aksyon... Masyado pang bata ang ating mga isip at di pa sapat na impormasyon ang nakalap...
blythe Jan 2015
In this wicked world, she sojourn
Facing every hardships and pains
Continuously, she endures
Hoping that one day all those will soon pass.

People tried to pull her down
But she remained still and tough
Life goes on no matter what,
She will be strong happen what may.

This world may be cruel
But she will not give up;
With a courageous and strong heart,
She will fight until the very end.

~×~×~

Ang mundo'y pawang puno ng hinagpis
Mga suliranin, laging nararanasan
Walang nagawa kundi ang magtiis
Nananalig na lahat ay kayang malampasan.

Hinahamak man ng iba
Hinding hindi siya magpapadala
Tuloy ang daloy ng buhay
Magpapakatatag siyang tunay.

Madilim at magulo man ang mundo
Hindi siya susuko
Lalaban ng buong puso
Magpapatuloy hanggang dulo.
My second poem written in Tagalog with an English translation :)
Reimers May 2024
Nakahiga, tulala na naman sa kisame
Tuloy ang daloy ng panahon
Ngunit ang mundo ko'y nakatigil
Kamay sa mukha, luha'y pinipigil

Inaalala ang mga sandaling puno ng kulay
Paligid ko'y umaapaw sa tawa't saya, dahil nariyan ka pa
Ngayo'y nagpaalam na tayo, ngunit puso ko'y nakakapit pa
Libutin man ang sansinukob, ikaw pa rin ang nais makita

Kahit anong pagsusumikap na limutin ka
Lalong lumalalim ang sugat sa bawat alaala
Sa bawat pintig ng puso, hapdi ang nararamdaman
Umaasang ang ating landas muli'y magtatagpo
It's rare for me to write in my own language. But this is the best way for me to freely express my raw emotions.
JT Dayt Dec 2015
Minsan lang magkaitim ang puti
Parang matagal ng itim ang kulay
Di na nakita ang puti
Gusto na tuloy magsumbat
Magbilang nang nagawa para sa inyong lahat
Hindi na nga naibalik nang tama ang sobrang serbisyo
Maapi pa sa minsang pagkakamali mo


Minsan talaga .. nagiging madalas ang minsan
random ranting
Isabelle May 2016
Pag mulat ng mga mata
Mukha mo ang nakita
Sandaling nagkatitigan
Natalo, inalis aking mga mata
Samantalang ika'y patuloy sa pagsulyap
Hanggang sa nakababa kana pala ng bus
Paglingon ko'y wala kana
Lumingon sa paligid, anino mo'y di makita


Ako'y nagsisi
Sana ako'y ngumiti
Nauna ang hiya
Tuloy ika'y nawala
Hindi ko alam
Kung bakit ganoon aking pakiramdam
Ng ika'y biglang nawala
Hindi ka man lang nakilala
Ito ay para sa lalaking naka dilaw sa bus. Ng ako ay magising sa pagkakaidlip at dahil narin malapit na akong bumaba, mga mata nya ang tumambad sa akin. Assuming lang ako, pero ramdam ko may kuryente. Hahaha. Pero sa totoo lang, ang tagal nya kasi nakatingin, para bang kilala nya ako at kilala ko din sya. Since that day, bigla ko na lang syang maiiisip tapos napanaginipan ko na din sya. Sino ka nga ba??
zee Oct 2019
pilit at pilit na sinusupil
ang karasahan na kumikitil ng buhay
ng mga taong na wala namang kasalanan
ngunit tuloy pa ring pinagdidiinan
hindi dapat tayo masanay na ang trato sa bawat isa'y 'di pantay-pantay
lahat tayo ay may karapatan at dapat lang na ito ay ating ipaglaban
lalo na sa panahon ngayon na kung saan
ang hustisya'y para na lang sa iilan
imbis na paglingkuran ang samabayanan,
kinukurap ang mga pera sa kaban
ng mamayang dugo't pawis ang inilaan
nagmimistulang mga mang-mang sapagkat wala silang kaalam-alam
na ang kanilang panginoong pinaglilingkuran
ang siyang kumakamkam sa kanilang mga pinaghirapan
Inang Bayan, kailan kaya makakamtan ang kalayaang inaasam?

09.21.19
Jun Lit Oct 2021
Maliwanag ang tanawin sa obrang larawan,
naging aking durungawan -
naroo’t buhay pa –
lumilipad nang matayog ang mga saranggola
ng libong mga Pepe at Pilar, tuloy-tuloy na abakada
ng kinalimutang kasaysayan. Sa likod ng paanyaya
ng luntiang bukirin, kung saan ang manunugtog ay tila
may alay na lumang paulit-ulit na harana,
pilit sumiksik sa tinataklubang ala-ala
ang mapait na wakas ng isang sa himig ay kasama,
sa panahon ng ating ngayon, wari ko ba’y kani-kanina.  

Sa isang sulok ng pinutol na puno
nakasilip – ang malungkot na kuwento
Ang gitara ng isang bilanggong lider-obrero:
          Tunay na marahas
          ang kanyang naging wakas.
          Pinaghinalaang droga isinuksok.
          Sa narinig na kaluskos sa loob
          ng iyong dibdib na kahoy, dinurog
          ang lahat ng ala-alang kinukupkop
          Labing-isang taon ka nang kanugnog,
          kakosa sa pagtulog
          sa isang iglap, daig pa ang binugbog
          Pantugtog ay tinokhang ng mga tanod.
          Sa ‘yong bagting na sumaliw sa koro
          Kahit nilagot ng karahasan at maling akala
          Lubos pa ring nagpapasalamat ang madla.

Ako’y nagsusumamo sa kudyapi ng malayang ninuno
Ang mga tula, awit at mga huni ng mga ibong katutubo,
sabay sa tudyuhan ng mga kulilis at palaka sa ilog at puno.
Ang ating kalikasan ay pamayanang may kalinangan
nawa'y manatiling singsigla ng tapis na tinalak sa parang.
May pangako ang mga bagong usbong sa pinutol na lauan.
Ang noon at ngayon ay tila magkatipan –
Sa tipang bagong tunog – na sa baybayin ay tinuran,
para sa kinabukasan ng bayan.

Halina’t kahit putulin ang kwerdas ng kalakarang malupit
At nakakulong ang mga ibong marikit
Kailanma’y hindi mapipigilan kahit saglit
Patuloy tayo sa malayang pagtula’t pag-awit
Hanggang Kalayaan ay ating makamit.
Mga kaisipang pinadaloy ng Obra ni Egai Talusan Fernandez
at kwento ng gitara ni Oscar Belleza, bilanggong pulitikal

Originally posted as a comment entry to San Anselmo Publications Weekend Poetry Challenge 10/3/2021

Translation:
Eulogy for a Slain Guitar and Prayer to An Ancestor Zither
(Thoughts Inspired by a Painting by Egai Talusan Fernandez and the Story of the Guitar of Oscar Belleza, a political detainee/labor leader)

The painted canvas is an open window.
I see a bright landscape, a vision -
there, still alive
flying high, three kites of a thousand Pepes
and Pilars, reciting the native alphabet
of a forgotten history. Behind the inviting
green rice fields, where the musician seems
to offer an old repeating serenade,
a memory being concealed, squeezes through –
the bitter end of a musical comrade,
in a time that is now, just a while ago, it seems.

In the corner of a stump of a fallen tree
there peeps – one very sad story
The guitar of a labor leader, behind bars, unfree:
Violent indeed
was the end of that dear instrument.
Accused of concealing drugs in a sachet.
And with the faint rustle from the inside
of its wooden chest, they crushed
all the mem’ries it had sacredly kept.
Eleven years, it had been the bedmate,
a comrade in the struggle to have a decent sleep.
In an instant, its fate more dreadful than beaten.
The musician’s hugged box extrajudicially killed
by the guards. The tightened strings that blended
with the chorus, now broken by harsh social realities
and wrongful judgment. This is a belated eulogy –
the people, the masses, are eternally indebted in gratitude.

I now fervently pray to that zither in the portrait,
like our free ancestor. That the poems, songs, the chirps
of indigenous birds alongside the loud debating cicadas
and frogs in the rivers and in tree canopies may forever live.
Our Nature is a community tattooed with its own oneness
and may it stay alive like the woven tinalak wrap in the fields.
The buds shooting out of the buttresses of fallen lauan trees
whisper a promise. The ancient time and today are on a date –
a covenant of a new sound – carved in the baybayin script,
The future lies there, our people are not asleep.

Come and even if the cruel system cuts our singing strings
And imprisons the red-plumed bird that sings
They can never block even for a minute
As endlessly we’ll sing and chant our verses and beat
Until the Freedom we want is reached.
John AD Mar 2019
Lungkot ng sistema , Pag-gising sa umaga tulala ang eksena
Nakasanayan na ang pagpatak ng tubig sa mata, Basang-basa na ang tela
Pinipilit ko kasing punasan ang sakit , pagkalumbay , dala ng kalungkutan
Alaala mo na di mawawala,lumipas man ang panahon dala dala ko ito sa libingan

Kahapon lang ngiti mo'y hindi maipaliwanag , yun na pala ang huli nating pagkikita
Di man lang ako nakapagmano at nakahalik sa iyong mga noo , hanggang mawalan na ng hininga
Ang Nais ko pa naman sana maabutan ka ng magiging apo mo sa hinaharap , upang makita mo sila
Pero huwag magaalala , ituturo ko naman lahat ng bagay na natutunan ko sayo lola

Paalam lola , Hindi ko man lang nasulit na ika'y makasama
Wala na tuloy magkwkwento sakin nung ako'y bata pa
Wala ding kasabay kumain kapag ako'y magisa na
Nakakalungkot pero kailangang tanggapin , ang buhay natin ay sakanya

Salamat , Alam kong maaliwalas na ang iyong pakiramdam
Nakatakas ka na kasi sa parisukat na mundo na kasuklam-suklam
Payapa na ang sistema , darating din kami dyan

Ang mga rosas ay nalanta , at may uusbong muli na maganda...
RIP Lola Rose
Sep 24 1955 - March 3 , 2019
Xilhouette Aug 2018
Isa, dalawa, hanggang sampu.
Bilang sa daliri ko
Ang bilang ng araw na umuwi
Ako na hindi lasing

Sa pagpasok pa lang
Uwi na ang hinahanap
Para makapiling
Ang kanais nais kong kama

Ngunit bago sa pagalis
Ay may karamdamang
Hindi kakaiba
Hindi nakapagtataka

Ang pagtawag ng cervesa at tabako
Ng aking utak para sa aking katawan
Ay dumadagumgdong
Sa kaluluwa kong mahina

Isang bote isa pa isa pa
Isang kaha isa pa tama na
tuloy tuloy ang daloy ng alak
Sunod sunod Ang buka ng usok

Sa pagtulog ubos na ang pakiramdam
Ni-pandinig ay sumuko na.
Amoy na lang ng amats
Ano na ba anng kinahihinatnan

Isa

Dalawa

Tatlo

Hanggang sampu

Bilang sa aking kamay
Ang araw na Hindi ako lasing
Ang sigarilyong hindi naubos
At ang mga araw na humihinga pa ako
Joshua Feb 2019
Naalala ko pa yung araw na napagdesisyunan kong kumain sa McDo.
Kasi wala lang, trip ko lang.
Hindi naman ako gutom, hindi rin pagod.
Pero nag-McDo ako.

Noong panahong yun,
Saka ko lang narealize yung sinasabi nilang "Self Worth."
Pahalagahan ang sarili, mahalin.
Bagay na hindi ko nagawa sa nakaraan.
Kaya ayun, nagwakas, natuldukan.
Paano naman nga ba kasi magpapahalaga sa iba
Kung sarili ko nga di ko mapahalagahan.

Umorder na ko ng fries at Big Mac
Syempre kasama ang paborito kong McFloat.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagnguya
Nung nagtanong ka
"May nakaupo na po ba?"
Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha
Umiling nalang ako.
Nagtataka rin kasi ako bat sa harap ko pa naisipan **** umupo.
Yun pala, wala na talagang pwesto sa McDo.

Binasag mo ang katahimikan sa pagpapakilala mo sa akin.
Bigla atang lumamig ng hangin
Lalo na nung nakita kong nakangiti ka sakin.

Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan.

Ikaw ang nagsilbi kong Happy Meal
sa araw-araw na paggising ko.
Hindi ko na kailangan ng Happy Meal toy
Kasi makasama ka lang enjoy na ako.
Ikaw yung chicken fillet na
sa sobrang lambot ng pisngi mo nanggigigil ako.
Ikaw yung Hot Fudge na mas matamis pa
sa Dairy Milk kasi sobrang sweet mo.
At para kang gravy ng McDo
na hanggat di ubos yung ulam magrerefill ako.

Hanggang isang araw, inaya mo ko mag-McDo.
Masaya akong sumama kasi minsan lang yun.
Ako naman ililibre ng taong madalas ilibre ko.
Feeling ko tuloy sasagutin mo na ako.
Nagpresenta kang ikaw na o-order
At ako nang bahala sa uupuan.
Hindi ko alam bakit pagkaupo ko palang
Nakaramdam na ko ng kalungkutan.
Natakot ako bigla sa di malamang dahilan.

Buti dumating ka na, at
Buti nakangiti ka.
Ngunit ako ay nagtaka na
Ang pagkaing binili mo ay hindi para sa dalawa.
Agad **** sinabi saken na saglit lang,
May pupuntahan ka lang.

Pagkaalis mo, kinain ko na ang binili mo.
Pero nagulat ako
Matapos kong i-angat ang burger na inorder mo.
"Hindi pa pala ako handa."
Nakasulat sa sticky note na nilagay mo.
Di ko alam ano ibig **** sabihin
Kaya nagdecide akong ikaw ay hintayin.
Mahal, sabi mo saglit.
Pero bakit hindi ka na bumalik?
Iniwan mo na ako.
Iniwan mo gamit ang isang sticky note,
Kasama ang favorite kong McFloat.
Kurtlopez Jul 2020
Nagsimulang pumatak ang ulan
Mula sa maitim na ulap at kalangitan
Binuksan ko ang aking payong
Upang mula sa ulan ay sumilong
Aking kapote ay isinuot
Upang damit ko'y manatiling tuyot
Naglakad lamang ako ng patuloy
Sa kabila ng buhos ng ulan na tuloy tuloy
Ang buong akala ko ay hindi ako mababasa
Dahil sa kapote at payong na aking inihanda
Ngunit 'di ko napansin na ako'y naglalakad na,
Naglalakad sa gitna ng baha
Tulad ng pagibig ko sa iyo na pilit kong itinanggi, iniwasan
Na buong akala ko'y di na ako maaapektuhan
Pero sa huli ako pa rin ay lumusong, nilamon,
Sa huli ay hindi na ako makaahon.
Kailan ba itong baha huhupa?
Kailan ba itong ulan titila?
Sa sariling sikap nagtapos ng abugasya
Naging pangulong senador mula pagkapsikal
Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa
Sa sariling wika itinuro pagmamahal.

-12/17/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
My Poem No. 287
Engineer Mikay Jun 2022
Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo
Kung papaano mo sayangin ang gabing ito
Napakasaya mo habang nilalaklak ang limang pitsel ng beer
Habang yung mga kasama mo ay walang pakialam sayo
Pinagmamasdan ka lamang ng asawa mo
Habang binibigyan ka niya ng perang pantagay mo
Huling gabi na to na kasama sila ang paalam mo
Huling gabi na sana…
Kasi pupunta ka na sa inaasam-asam **** Amerika
Minamasdan ka lamang ng asawa mo
Kung paano ka sinipa sa mukha ng Arabo
Sa laki at bigat ba naman ng sapatos nun
Basag tuloy ilong at ngipin mo
Pagmamasdan ka lamang ng asawa mo
Sa kung ano na ang mangyayari sayo?!
Bibitiw ka sa trabaho tapos ano?!
Papaopera ang makapal **** mukha?!
Ilang operasyon pa ba sa mukha ang dapat mo matikman?!
Para pagiging lasingero mo ay matigilan?!
Maawa ka naman sa asawa mo
Lahat na iniintindi dahil sa pagmamahal sayo!

Tangenang alak na yan!!! Kelan ka ba tatanda?! Huwag mo na sanang hintayin na pagmamasdan ka na lamang namin… sa burol mo!
Sa aking panaginip
Ikaw ay nasilip
Doon,
Tayong dalawa ay magkalapit
Nakahiga,
Magkayakap ng mahigpit
Masayang nag-uusp
Sinusulit ang bawat saglit
Lumipas ang ilang oras
At tayo'y bahagyang napapikit

"Psst,Psst"
Aking unang sambit
Nagtaka kung bakit hindi ka umimik
"Psst,Psst"
Aking muling inulit
Natigilan, napaisip
"Bakit tila ayaw niyang marinig"

"Gusto na kita"
Ang sunod ko sanang nais mabanggit
Ngunit pambihira
Naalimpungatan, biglang nagising
BITIN!
Badtrip.
Ang tagal mo kasing umimik
Pati tuloy panaginip, nainip

icm
Katryna Mar 2018
Sinong makakapagsabi na kaya ko palang iaalay ang kantang ito sayo.

Nakalimot ako,
Masyado kong nilunod ang mga oras ko kakaisip sa mga pighating dala ng imahinasyon ko.

Nilamon tuloy di lang ng pagkatao ko kung hindi pati ang puso ko.
Nakalimutan kong ikaw pala ang nagpapatibok nito.

Sabi nga sa kanta, "this heart it beats, beats for only you".
Pero nasaan ako?

Ito, nilulunod ko ang sarili sa mga luhang hindi mapawi pawi.
Nakalimutan ko na bago sya o sila dumating, ikaw ang unang lumapit.
Nakalimutan ko na bago ako sa kanila umasa, hiningi ko muna sayo ang mga bagay na aking natatamasa.
Nakalimutan ko na bago ako sa kanya o sakanila kumapit, kamay mo muna ang unang kumalinga.
Nakalimot ako, na bago ako manlimos ng atensyon nya, o nila
Binigay mo ito ng buong buo.

Oo alam ko, naging matigas ako.

Ilang beses mo na akong niyakap pero pilit akong pumipiglas.
Oo alam ko, na sa tuwing nag iisa ako at lahat ng tao ay tinalikuran ako.
Ikaw ang kahit hindi ko nakikita pero alam ko, andyan ka lang sa tabi ko.

Inaalay ko ang kantang ito, dahil oo tama ang mga liriko nito.
Hindi ko kaya ng wala ka.

Ikaw na nagsilbing hanging payapa sa puso kong binabagyo ng galit,
pangamba
at kung ano ano pa.

Ikaw na nagsisilbing huling hininga ko,
huling pag asa ko.

Pakiusap, wag kang mapapagod na yakapin ako.

Isayaw, ang puso ko hanggang muling matutong magmahal.
Isayaw, ang puso ko, tulad ng puso mo na walang ibang alam kung hindi ang magpatawad.

Isayaw, ang pagkatao ko,
At ibalik ako sa dating ako.

Patawad nakalimot ako.
Published last October 1, 2017. Christian life program
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito
Ang alam ko lang ay nagseselos ako.
Nagagalit ako pag nakikita ko magkasama kayo.
Nagseselos ako dahil sa pagmamahalan niya.

Hindi ko maalala kung kalian pa kita minahal.
Pero tuwing nakikita kita, ang takbo ang oras ay kay bagal.
At tuwing nakikita kitang may kasamang iba, ako’y nasasakal.
Tuloy, galit sa aki’y umiiral.

Bakit ba ako sa iyo’y patay na patay?
Kapag ako’y nagseselos para akong lantang gulay.
Sa iyong ganda, ako nabubuhay.
Sa pagkaselos sa inyo, ako’y namamatay.

— The End —