Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JT Dayt May 2016
Kapag namimiss kita,
Babasahin ko yung mga old texts natin sa isa't isa,
Makikinig ako ng mga paborito nating kanta,
At yung mga kantang alay natin sa isa't isa ..
Aalalahanin ko ung pagkakataong lagi tayong magkasama ..

lalo tuloy kitang namimiss,
JT Dayt May 2016
Pagbitaw sa aking mga kamay,
Pinapalaki ang maliit na bagay

Pagdikit ng babae sayo
Pangangamba sa ating mga plano

Natitiis **** hindi ako pansinin
Hindi mo na nilalambing


Sa mga dahilan na ito
Unti unti nang lumalayo ang puso ko
Nagtatanong kung totoo pa ba ito?
O baka isang umaga magising na lang ako,

Lumayo na ako
Mas bagay naman kayo
At ang masakit,
*wala ng tayo
trying to ask myself ...
JT Dayt May 2016
I wanted to know how he treats you
I’m wishing I could one day be you
So I’ll know if your assumption is true

I was once like you
I’m assuming without admission from him

But unlike you
I never tried to tell anyone my feelings
I never expected that he loves me too

And unlike you
He fell for me
He chose me
He said he loves me

But unlike you
You can be proud of your feelings
While he keeps me a *secret
written with a jealous heart
JT Dayt May 2016
Natutulog pero ikaw pa rin ang nasa panaginip
Nagtatrabaho pero bigla kang sisingit sa isip
Magkalayo ng ilang saglit pero parang kay tagal nang naghihintay
Hindi ka lang magtext o tumawag feeling ko ang tagal mo nang nawalay

Kahit wala ka sa tabi ko
Kahit iba ang ginagawa at pinagtutunan ng pansin ko
Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko?

Laging ikaw.
Walang iba, kundi ikaw.
I've been waiting for you, thinking of you, worrying about you
I wonder if you feel the same way?
JT Dayt Apr 2016
may mga panahong gusto ka lamang titigan
parang pagtanaw sa mga bituin sa kalawakan

may mga panahong gustong maramdaman
ang yakap mo
lalo na sa malamig na gabi at isiping ika'y katabi ko

hindi ako makapaniwala
na ngayon
ako'y sayo
at
ika'y sa akin


isa kang panaginip na nagkatotoo
isang pangarap na nakamit ko
hindi ko naisip na magiging bagay sa'yo
wala nang maihahambing anuman sa mundong ito

**ikaw lamang ang kailangan ko
makasama sa buong buhay ko
day 43/forever
JT Dayt Apr 2016
Hindi mo malalamang
Nagustuhan kita
Dinaan lamang sa panunukso
Akala ko gets mo na

Hindi mo malalamang
May ibig sabihin
Ang mga ibinibigay ko
Wala ka namang pakielam sa mga ito

Hindi mo malalamang
Kinaiinisan kita
Dahil hindi mo maramdamang
Mayroon na akong feelings sa'yo noon pa

Hindi mo malalamang
Matagal na tayong break
Dahil hindi naman tayo
Ako lang ang nag-iilusyon na masusuklian
mo ang feelings ko

Hindi mo malalamang
Naka-move on na ako
Masaya na ang pakiramdam
Nakalaya na sa nararamdaman

Hindi mo malalaman na
Para sa'yo ito
Dahil kahit kailan
Di ko babanggitin ang pangalan mo
JT Dayt Apr 2016
Nakita ko kung paano mo siya tignan
Mga mata'y masaya't ngiti'y walang paglagyan.

-----------------------------------------------------­---------------------
Nasasaktan ka.
Hindi mo masabi.
Hindi kasi pwede.

Dahil ...

Merong tayo sa ating dalawa
Pero walang tayo para sa iba.
Next page