Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 6
di ko alam kung ako lang ang ganito
o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto.

nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno,
buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig.

isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan
isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.”
isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel
ay magkakaroon ng kahulugan.

oo.
madalas akong ganito.
na andaming gustong sabihin ng utak ko
pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo.

bakit ang dali magsulat?
pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat?

minsan,
nananalangin ako
na sana may taong lalapit dito
para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko.

ngunit kahit meron mang ganung tao,
alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto.
dahil ang mga salita na galing sa utak ko,
na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika
ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta.

kaya oo.
kahit hirap na hirap ako,
na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko,
tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito.

dahil onti onti kong naiintindihan
na ang lungkot, saya, o mapa ano man,
ay iba iba ang kahulugan sa tao.

pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
“Writing.”

This piece represents where I am now in terms of my writing. It’s been an awful couple of months and slowly I’m losing touch.

I keep forgetting that the only thing stopping me is myself. That’s why moving forward, I’ll keep on writing.

Ilalaban ko ang pagmamahal ko sa aking sining.
(I’ll fight for the love of the art.)
japheth
Written by
japheth
235
 
Please log in to view and add comments on poems