Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
030317

Oo, totoo --
Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako,
Na aakyat pa sa tuktok ng bundok
Para isigaw ang pangalan ko,
At doo'y ihayag ang nilalaman
Ng damdaming nagsisidhi,
Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan.

Mahal kita --
Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas
Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro
Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan.

Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig,
Hindi ko alam kung matatapos ba
Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita"
Pagkat hindi ito isang antigong alahas
Na susuotin lamang sa mga piling okasyon,
Pagkatapos ay itatago sa kahon,
At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon.

Sabi sa kanta,
"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga"
Pero ang sabi ko nama'y
Tirik man ang araw sa pagtawa
O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak,
Hindi ako mauubusan ng dahilan
Para mas mahalin ka pa.
Mahal, kaya ka pala mahalaga
At kaya pala mahalaga --
Ngayon, ngayo'y alam mo na.

Kukunin ko ang mga agiw
Sayong mga lumang gunita,
Pilit kong wawasakin ang mga pader
Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa.

Sa paulit-ulit **** pagsambit,
Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito
Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo
Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay --
Masanay sa bawat pagbigkas mo
Kahit pa sabi ko noo'y ayoko
Kahit pa gusto kong itanggi
Kahit pa gusto kong limutin.

Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo
Sapat na sakin ang pag-intindi mo
Minsa'y di ko maintindihan sa telepono,
Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko
Pero alam ng puso ko:
Narinig ko.

Sa mga kamaliang pilit nating binabayo,
Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan,
At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap,
Doon ko nakitang kaya pala --
Kaya pala nating magpatuloy
Sa paghawak sa kamay ng bawat isa
At kahit pa malayo sa isa't isa'y
Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta.

Minsan di'y nagtanong ako,
Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo?
Bakit kailangang hintayin pa kita?
Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal?
Ba't nga ba minamahal kita?

Mapupuno ako ng bakit
Pero itatapon ko ang mga ito,
Ayoko nang malunod sa pangambang
Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho
O baka malimot ng isa sa atin
Ang iniingatang "mahal kita"
Tatalon ako sa walang kasiguraduhan
Tatalon ako --
Oo, alam kong nahuhulog ako
Nahuhulog sa walang katapusang
"Mahal kita."

Hindi ko gamay ang misteryo nito
Hindi ko mabatid ang mga nakasulat,
Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
Pero ililibot kita,
Sa aking nakaraan,
Sa aking ngayon
At sa aking bukas --
Pagkat hindi tayo nabigo
Ayokong biguin ka.

Kailanman hindi mabubura,
Hindi maglalaho
Para sa nag-iisang ikaw.
Sana magkusa ang araw sa pagbangon,
At bukas makalawa'y maririnig ko na
Ang hinihintay kong "Mahal kita."
Eugene Feb 2016
Lumaki akong namulat na may pagkakaisa,
Pagkakaisang hindi dapat ipinagsasawalang bahala.
Kahit mailap man noong pagbubuklurin ang kapwa,
Nananaig pa rin ito kasama ang pagkakawang-gawa.


Isang simpleng salita, malalim naman ang kahulugan.
Maihahalintulad sa bigkis ng laksa ng magigiting na sandatahan.
Sama-samang lumalaban para sa kapakanan ng bayan,
Upang maisulong ang kabutihan, hatid ay kapayapaan.


Ngunit bakit ngayon, pagkakaisa ay kay ilap?
Parang ilaw sa kabaret, bihira **** mahapuhap.
Takot na ang iba, kinalimutan pang mahagilap,
Dahil nakaharang ang mga buwaya, tinakpan ang pangarap.


Huwag nating hayaang ito ay tuluyang maglaho.
Alisin ang pangamba, buhayin ang karapatang pantao.
Magkaisa sa isang diwa ng maka-masang pagbabago,
Nang mailigtas pati ang mga inosenteng bilanggo.
madrid Feb 2016
totoo and sinasabi nila
na sa segundong mawalan ka
ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong
magpapakita ng pakialam sayo
na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo
biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo
na sa sandaling binitawan mo ang kamay
ng gusto ng makawala
darating ang ibang kamay na hahawak muli nito
ng mas mahigpit, totoo
ang sinasabi nila

tila mahirap lang maniwala
sa sabi-sabi, sa haka-haka
dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila
tiwala

tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin
tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na
kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan
na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa
ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo
ang sinasabi nila

oo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak
sa tuwa, sa lungkot
sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod
dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan
pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa
dahil nandito ako, ako

ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo
kumapit ka lang
sa aking kamay
sa aking balikat
sa aking katawan
na kahit ulanan ng pasa at sugat
ay ibinibigay ko sayo
ng buong buo

uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
na sa gitna ng kawalan
sa gitna ng pagsuko
sa gitna ng pagbitaw
ito mismo ang maghahanap sayo
siya mismo ang maghahanap sayo
darating at darating ang parte nitong kwento
na bubuo sayo
at muli nanamang iikot ang iyong mundo
pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito
habang naghihintay ka pa,
ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay
at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito
dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan
bitawan mo lang
at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako
hindi kita iiwanan, tiwala
magtiwala ka lang

sa huling pagkakataon,
uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
hindi ka nagbubulagbulagan
kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako
ng buong isip at buong puso, ako
ako na nagtiwala rin sa Kanya
ako na hindi umasa, ngunit
humawak sa salita ng aking Ama, ako
ito ang tatandaan mo
para sa mga gabing isinisigaw ang mga kaisipang nagtatago mula sa liwanag
para sa mga bukang liwayway na  nagpupumilit humagap ng init ng araw ngunit hindi mahagip ang tapang upang bitawan ang lamig ng gabi
Marg Balvaloza Jan 2019
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?
Nagsimulang ang mga pangamba ko ay mawala,
nagsimulang pangamba ay mapalitan ng pag-asa't pagtitiwala.
Mga pagluha sa aking mata, ay tila naglaho na
Napalitan ng pagtawa, lumbay ay lumisan na.

Paano nga ba nagsimula?
Mamuhay nang kasama ka
Sa mga araw na kapiling ka—- bawat araw ay puno ng galak at pagsinta.
Tinuruan mo akong, mamuhay nang may saya
Pait ng kahapon ay naitapon na,
mula nang ikaw ang makasama ko, sinta.
Samahang walang papantay, punung-puno ng buhay!
Pag-aalaga ay damang-dama, suporatado ang isa't-isa.

Paano nga ba nagsimula?
Malalim na pinagsamahan
Masasayang ala-ala, na tila hindi maaantala—-
    ng kahit anong problema, sa atin man ay naka-amba
Magkahawak mga kamay, tayo ay hindi bibitaw.

Mga gala at lakad natin, na minsan ay biglaan pa
Mga oras na hindi natin alam, kung paano napagkasya.
Basta't alam nating... tayo ay masaya—- kahapon man o ngayon, at kahit na bukas pa!


Ngunit dumating ang panahon, tayo'y sinubok na ng pagkakataon
Masasaya nating bukas ay nagsimula na ngang kumupas
Hindi alam kung paano, tayo'y biglang nagbago
Tila nalagas na puno, hindi na lumago.

Akala ko ba ikaw ay "KASAMA?"
Hindi lang kaibigan o basta-bastang kasintahan
Kasama sa lungkot at pighati, kasiyahang hindi mawari
Pagkatalo man o pagkapanalo—- tayo pa rin ang magwawagi.


At ngayon...
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?

Nagsimulang mawala ang paniniwala na tayo ay para sa isa't-isa
Nagsimulang matalo sa digmaan at piniling wag na lumaban?
Nagsimulang maglaho ang mga katagang "mahal kita"
Nagsimulang magbulag-bulagan sa katotohanang
b a k a   t a y o  a y  p w e d e   p a ?

Isip at damdamin ay di makaunawa
Hirap pagalingin ang sugat na sariwa
Sugat na iwan ng ating pinagsamahan
Pinagsamahan na akala ko ay aabot sa simbahan

Paano nga ba nagsimula?
Paano at kailan nagsimula?
Nagsimulang matapos ang ating pagmamahalan?

Kahit kailan pinangarap ko, maging ikaw at ako—- hanggang sa dulo
Paano mangangarap kung ako ay gising na?
Gising sa katotohanan na tayo ay
w a l a  n a?


© LMLB
This is a poem I made eight months ago. I think it's the right time to publish it to let the public read it freely, as free as I am right now. Perhaps the feelings have depreciated and that's why I wouldn't mind if someone would read this poem, based solely on my feelings couple of months ago.

There you go, you have it. Read this poem from my broken heart that's already mended now. :)
RL Canoy May 2020
Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.

Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa't kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw.

Subalit ang dusang nakapanghihina,
pilit napapawi ng mumunting saya.
Ang isang bituing kahali-halina'y
naging hugot-lakas niring pusong aba.

Hindi ko mawari noon yaring dibdib,
tuwing binabaybay ang daang matinik.
Anong ubod sayang naglaro sa isip,
ang sinintang Musa ng aking pagibig.

Simula nang ikaw ay aking mamasdan
O! hangad kong tala sa sangkalangitan,
hindi ko malirip at di na maparam
tila nanggayumang lagi sa isipan.

At magbuhat noo'y aking hinahangad;
ang sangkalangita'y aking malilipad,
upang mahahaplos ang talang pangarap
at isang dahilan niring pagsisikap.

Subalit ang hangad wari'y panaginip
at tila'y malabo itong makakamit.
Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit,
at kutad ang pakpak at walang pangsungkit.

Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan.
Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang,
at kung anong siglang sa akin nanahan,
ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal.

Iyon ang gunita't aking kabataan,
doon sa mahal kong ating paaralan.
Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan,
subalit tiyak kong sa puso ay bukal.

Sumapit ang yugtong di ko na namasdan
ang tanging bituing aking minamahal.
Pagkat ay nalayo ako sa tahanan,
upang susuungin ang bago kong daan.

Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago,
paghanga'y aayon at ito'y maglaho.
Tulad ng magapok ang buhay na bato,
kung saan inukit ang puso't ngalan mo.

Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas,
ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas.
Hindi ko maarok na lalong nagningas,
nang muling magtagpo ang ating nilandas.

Kaya ninais kong maipapahayag,
ang mga damdaming sa puso'y nailimbag.
Limang ikot-araw ang mga nagwakas,
magpahanggang ngayo'y laging umaalab.

Ikaw ang bituing aking hinahangad,
isa sa nagtanglaw niring aking landas.
Ang Musa sa puso't tanging nililiyag,
ang umakay niring diwa na sumulat.

At ngayon ay aking naipapabatid,
dito sa talatang nagsalasalabid.
Mula sa paghanga't tungo sa pagibig,
ang hindi maihayag niring dilang umid.

Papalarin kaya itong abang lingkod,
at mula sa langit ikaw'y pumanaog?
Diringgin mo kaya yaring tinitibok
ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog?

At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap,
ipaguumanhin ang pusong sumulat.
Ninanais ko lang na maipahayag,
ang aking pagtangi sa'yo at paglingap.

At kung kasadlakan nito'y pagkabigo,
sa aking paglapit, ikaw ay lalayo.
Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo,
nawa'y di burahin ang mga yapak mo.

©Raffy Love Canoy |March 2020|
Yule Mar 2017
noong una kitang nasilayan
inaamin kong hindi ikaw ang nais kong kamtan
ngunit habang tumatagal,
puso ko’t loob, sayo’y natuluyan

hindi ko rin alam kung bakit
dahil ba sa boses **** nakakahumaling?
o sa mga matatamis **** mga ngiti?
mistulang nawawala ang iyong mga mata
sa tuwing ito’y iyong gawin
di ko alam, pero simpleng titig mo lamang
ka’y laki na ng epekto nito sa akin
hanggang sa palagi na kitang hinahanap-hanap
aba’t ginayuma mo nga ba ako?

ngunit, kung ano't saya ang nadarama
ganoon din ang kapalit nito kapag nandyan ka
sa mga panahon na wala ka sa tabi
pasakit at dalilubho ang naranas
bakit ba hindi ko kayang sayo ay mawalay?
ngunit kailangan kong magtimpi at alamin
kung hanggang saan lang dapat ang hangarin

ngunit aking nagunita,
ikaw talaga ang natatangi sa puso, at tuwina
ngunit kung gusto ko ring makaalpas sa sakit
kailangan ika’y kalimutan
sa gayon ay baka matagpuan ang kalinaw

pero ang alaala ng kahapon ay sadyang bumalik
kahit saan man magpunta, ika’y naka-aligid
kung alam mo lang ang aking tinahak
pagod, at hirap – naranas upang sayo’y makalapit

ngunit ano ba pa ang magagawa?
sa una pa lang, nagmahal ng isang tala
at kung bigyan man ng pagkakataon
mas pipiliing sarili ay ibaon
lahat ng nararamdaman
na hindi mo rin kayang ipaglaban

dahil hindi mo rin naman ako mahal,
mas mahal mo ang iyong pangarap
at hindi ako yun, ito'y tanggap

sakim man sa kanilang paningin
ikaw lang naman ang gusto ko
ngunit, bakit? bakit…
ipinagkait pa sa akin ng mundo?
pero ito ang nagpapatunay
na kahit gaano pa ako kailangan na maghintay
para sayo'y hindi ako nararapat
dahil tunay nga ba ang aking intensyon?
o ginagawa lamang kitang desisyon?
tingnan mo nga, miski ako may pagdududa

kahit man ito’y pag-ibig natin ay isusugal
kahit gaano ko pa ipagsamo sa Maykapal
wala rin naman itong mahahantungan
hindi rin naman ako ang iyong kailangan

kaya't ito'y hahayaang dalhin ng langit,
kung saan mang lupalop ito'y dalhin
pinaubaya sa Maykapal,
antayin na lang maglaho
ito ang aking huling habilin,
bago kitang tuluyang iwan

pero ito'y mananatiling nakaukit
sa puso't isipan,
dahil kaya nga ba kitang kalimutan?

ito’y magsisilbing alaala
ng minsan nating pagsasama,
kahit sa panaginip lamang

ang ipagtagpo ang isang ikaw at ako,
ang mabuo ang salitang 'tayo' –
napaka-imposible…
napaka-imposible.

eng trans:
when I first saw you
I admit you're not the one I yearn for
but as time passes by
my heart, and mind – fell for you

I don't really know why
is it because of your alluring voice?
or because of your sweet smiles?
it's as if your eyes disappear
whenever you do this
I don't know but in your simple stares
it has a big impact on me
until I'm always looking for you
oh my, did you put a spell on me?

but in what happiness I felt
that's what I also feel whenever you're there
in times that you're not beside me
pain and dreading was experienced
why can't I stand being apart from you?
but I have to resist and know
to where I should stand in line

yet I've realized
you're the one that's always in my heart
but if I want to get rid of this pain
I have to forget you
by then I might find peace

but the memories of yesterday kept coming back
everywhere I go, you're there
if only you knew what I've been through
exhaustion, and rigor – I have to face to get close to you

but what can I do?
from the start, I've loved a star
and if given a chance
I'd rather choose to bury myself,
all these feelings
that you're not even willing to fight for

because you don't even love me,
you love your dream more
and it's not me, I've accepted it

it may be selfish in their eyes
you're the only one I want
yet, why? why...
did the world denied + you from me?
but this just proves
that no matter how long I have to wait
I'm not the one for you
because is my intention real?
or am I just making you a decision?
see? even I have doubts

even if I gamble this love of ours
even if I plea from the Creator
this will just go nowhere ++
I am not the one you need

that's why I'll just let the sky take this
wherever in the heavens this will be held
let the Creator take charge
I'll just wait for it to fade
this is my last will
before I will leave you

but this will remain etched
in my mind, and heart
because can I truly forget you?

this will serve as a memory,
of our once encounter
even if it's just in a dream

for you and me to meet,
to form the word 'us' –
it's so impossible,
**it's impossible
+ finding a translation I wanted for this was hard
++ even this //brainfart

suntok sa buwan (from ph; fil.)
lit.trans: hitting the moon; punching the moon
actual meaning: impossible

this was my entry for our "spoken poetry",
though none can relate...

pasensya na, mahal...
unti-unti, ako'y bibitaw na. | 170303

{nj.b}
Eugene Aug 2016
Nagpakapagod ka dahil gusto **** kumita.
Nagpaka-alipin ka upang makaahon ka.
Nagtiis ka sa ibang bansa para sa iyong pamilya.
Nilisan ang bayan dahil trabaho'y pinagkaitan ka.

Ano ngayon kung wala kang pinag-aralan?
Masusukat ba ang tagumpay sa antas ng edukasyon?
Kailangan bang magkatulad ang bawat propesyon,
O tanggapin ang isang marami na ang kontribusyon?

Dumarami na ang populasyon ng ating bansa.
Kakaunti naman ang ating kuwalipikadong manggagawa.
Marami ang tambay sa bahay at walang ginagawa.
Nakapagtapos nga, hindi naman matanggap sa ibang kompanya.

Kaya, ang iba'y nanatili sa bukirin at doo'y nagsasaka.
Hindi matanggap na walang trabahong karapat-dapat sa kanila.
Kahit dalawang taong kursong bokasyonal ang natapos nila,
Naghihintay pa rin sa wala hanggang sa pag-asa'y maglaho na.

Anong uri ba ng trabaho ang katanggap-tanggap sa lipunan?
Ang nakakaangat lang ba ang p'wedeng bigyan ng posisyon?
Paano naman ang walang pinag-aralan, pero pasado sa kuwalipikasyon?
Papansinin ba sila ng gobyerno at bibigyan ng solusyon?

Sa bagong gobyerno, pagbibigay ng trabaho'y bigyan sana ng pansin,
Sa mga manggagawang hanggang ngayo'y walang trabaho pa rin,
Maging ang mga nakapagtapos at magtatapos pa mandin,
Huwag nating hintaying lahat sila ay lumayas sa lupang sinilangan natin.
Pearly Whites Jul 2012
Ang babaeng maganda,
alam ang kanyang hitsura.
Pasimpleng tumitingin
sa anumang pwedeng magsilbing salamin.
Konting suklay, konting pulbo
sa balat, ilang dampi ng pabango.
Kung umiwas sa araw,
parang bampirang malulusaw.
Walang bakas ng pagod,
kilala lamang ay lugod.
Ang babaeng maganda,
Prinsesa.


Ang babaeng maganda,
walang pinoproblema.
Matayog ang lipad ng utak,
daig pa si Icarus na nagkawatak ang pakpak.
Hindi marunong tumingin sa daan,
bahala ka nang mag-ingat, iwasan, huwag siyang tamaan.
Gumuho man ang mundo,
sa kanya lamang walang epekto.
Dahil sa tulong ng lahat,
naititiyak na hindi siya mamulat.
Ganito ang babaeng maganda,
nagmimistulang tanga.


Ang babaeng maganda,
puro na lang demanda.
Walang labis, lahat kulang,
kailangan laging nakalalamang.
Kung nais magpahuli,
pasensya ang hinihingi.
Kapag nangunguna,
“Pagbigyang daan ang Reyna!”
Ito ang tama, ito ang dapat.
Isinusuko ng lalaki ang lahat,
para sa babaeng maganda.
Walang-hiyang maldita.


Ang babaeng maganda,
bukod-tangi kung umasta.
Bawat kilos, sukat
mapaglihim, walang itinatapat.
Walang kupas ang pag-ngingisi,
sa likod ng maskara, naninisi.
Damdaming kahapon,
‘di maasahang mananaig ngayon.
Kay bilis maglaho ng pag-ibig.
Kahit anong lirikong sawi, idinadaig
ng babaeng maganda,
na hindi marunong magtiwala.


Mahirap magmahal
ng babaeng maganda,
dahil alam niya
ang kanyang halaga.


Mahirap magmahal
ng babaeng maganda,
pagka’t siya’y nag-aakalang
walang ibang tulad niya.


Mahirap magmahal
ng babaeng maganda,
kasi hindi niya alam
kung paanong magmahal ng iba.
because DieingEmbers asked for a translation :) this is a bit literal and it's lost the rhyme scheme... Maybe next time I can properly adapt it to English and make a new post, but for now here goes:


A beautiful woman
is aware of her beauty.
She makes subtle glances
at any reflective surface.
Some combing here, a bit of powder there
and a few dabs of perfume everywhere.
She avoids the sun
like a vampire.
She knows no fatigue,
she is always pleased.
The beautiful woman:
Princess.

A beautiful woman
has no care in the world.
Her mind soars in the high heavens
surpassing Icarus, who built but lost his wings.
She never looks at where she's going,
leaving you the responsibility of avoiding her.
Even when the world tumbles down,
she stands unaffected.
With everyone's help,
she is kept oblivious.
The beautiful woman
pretends to be an idiot.

A beautiful woman
is bursting full of demands.
Nothing is too much, all is too little
everything must be in excess.
If she wants to lag behind,
patience is the key.
When she leads,
"Give way to the Queen!"
This is how it should be.
The man surrenders everything
for the beautiful woman.
Shameless and cruel.

A beatiful woman
behaves strangely.
Every motion seems measured,
secretive, never too revealing.
Her smile never fades,
but behind that mask she blames.
The feelings of yesterday
can't be relied upon today.
Her love is quick to fade.
She's beyond any heartwrenching verse,
because the beautiful woman
never learned how to trust.

It's difficult to love
a beautiful woman,
because she knows
her worth.

It's difficult to love
a beautiful woman,
because she thinks
she's irreplaceable.

It's difficult to love
a beautiful woman,
because she doesn't know
how to love someone else.
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.

May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.

Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.

Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.

Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.

Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.

Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.

Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.

Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.

Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.

Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!

(6/28/14 @xirlleelang)
President Snow Oct 2016
Naging ganito ako dahil sayo
Dahil nandyan ka para mahalin ang buo kong pagkatao
Tanging kasiyahan ang naramdaman ko
Ikaw na laging sinisigaw ng puso
Laging nandiyan para iparamdam ang kahalagahan ko

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil ang lahat sa akin ay iyong iyo
Sa lahat ay lumaban ako
Pagmamahalan natin ay pinaglaban ko
Pag iibigan ay inalagaan ng husto

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil sa mga mata mo
Mga mata na iba na ang titig sa mga mata ko
Mga kamay na lumuluwag ang hawak sa mga kamay ko
Mga labi na hindi na ang binabanggit ang pangalan ko

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil sa iyong pagsuko
Ganoon ba kahirap na ipag laban ako?
Ganoon ba kadaling saktan ang puso?
Ganoon ba kahirap na pumasok sa iyong mundo?

Naging ganito ako dahil sayo
Winasak ko ang sarili ko
Tulad ng pagwasak mo sa aking puso
Bakit ba ikaw pa ang minahal ko?
Bwisit na kupido, palapak na pana't palaso

Naging ganito ako dahil sayo
Oo, ikaw na walang ginawa kung hindi saktan ako
Ikaw na madaling sumuko
Ikaw na hindi kayang panindigan ang mga pangako
Ikaw na may pag ibig na mabilis maglaho
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go
Anna Sep 2011
Bakit nga ba kailangan magplano?
kailangan isipin ang kinabukasan
problemahin ang mga susunod na araw

Bakit kailangan tayong pahirapan?
kung mga bagay na naisip mo para sa hinaharap
ay pwedeng magbago at maglaho na lamang
  
Bakit hindi na lang gawing simple ang buhay?
kung san walang hinanakit at paligsahan
at tanging saya ang nararamdaman

Hwag ng magisip
palayain ang mga sarili
sa problemang walang humpay
tara't sumabay na lang sa agos ng buhay
Mister J Jan 2019
Umpisa pa lamang
Alam ko nang gusto kita
Nakita ka pa lamang
Atensyon ko'y nadukot mo na

(From the beginning
I knew I like you
The moment I saw you
You already captured my attention)

Paghawak ng iyong kamay
Pintig ng damdamin ay bumilis
Mga emosyong itinago nuon
Pilit nagpaparamdam muli ngayon

(When I held your hands
Heartbeats in overdrive
Buried emotions in the past
Making themselves felt in the present)

Sa pagpungay ng mga mata
Ako unti-unting nabibighani
At nung akapin sa'yong mga bisig
Tuluyan na kong nahulog

(The way your eyes look at me
Makes me intrigued by the second
And when you wrapped me in your arms
I completely fell, then and there)

Ngunit pag-sinta'y parang walang halaga
Sigla ng unang pagkikita'y unti-unting nawala
Di malaman at mawari ang mga dahilan
Na nang dahil sa nadarama ay pinipilit maintindihan

(But it seemed these feelings hold no value
The passion from our first meeting dwindling
I can't comprehend and identify the reasons why
But because of this love I feel, I still try)

Pilit tinitiis ang mga pighati
Kahit unti-unting nadudurog ang puso
Aanhin ang dignidad na patapon
Kung puso'y hindi marunong umibig

(Enduring the searing pain
Even if my heart is crushed
Setting aside my meaningless pride
If I don't know how to love right)

Siguro'y nagiging makasarili
Ngunit lahat ay binago at binigay
Lahat ay tinitiis damhin
Kahit na lungkot ay di mapawi

(Maybe I'm being selfish
But I changed and gave my everything
I endured all the ill feelings
Even if the loneliness doesn't go away)

Bakit hindi pa yun sapat?
Para ika'y sumugal sa akin?
Nangako ng pag-ibig na di magbabago
Kahit ang mundo natin ay tuluyang maglaho

(Why is it not enough?
For you to take a chance with me?
I promised you a constant, stable love
Even if our world crumbles to dust)

Naghihintay sa iyong pagbalik
Mula sa malayong dako kung san naroon
Ang puso **** labis nang nasasaktan
At takot nang umibig muli

(Waiting for your fateful return
From that far, hidden place where
Your broken and beaten heart is
That lost all hope in love)

Ialay ang pusong nagdurugo
Kapalit ng puso kong gusto kang mahalin
At nang lahat ng sakit ay aking akuin
At nang maibalik natin ang ngiting mailap

(Exchange with me your bleeding heart
With mine that anticipates to love yours
To share with me the burden of your pain
And bring back the elusive smile on your face)

Mahal kita umpisa pa lamang
Mamahalin kita kahit masakit
Lulunukin ang dangal at dignidad
Sa pagsusumamong ikaw ay maging akin

(I loved you from the very beginning
And I will love you still amidst the pain
I will swallow my pride and dignity
In this arduous quest to make you mine)

Sana matapos na ang ating paglalaro
Ang tagu-taguang walang patutunguhan
Panalangin kay Bathala sana'y marinig
Ang pusong nagsusumamo'y sana yakapin muli

(I pray for the little games to end soon
This hide-and-seek that seems meaningless
Dear God, hear my prayers and pleas
Of the heart that yearns be embraced again)
Originally a Tagalog poem
But I made an English translation for the foreigners

I hope everybody likes it!
Happy Reading! Thanks!

-J
Jor Jan 2015
Sana kung gaano kadali ang pag-hinga,
Ganun lang din sana
Kadali ang malimutan ka.

Sana kung gaano kadali bitawan ang lobo,
Ganun lang din sana
Kadaling maglaho ang pag-ibig ko sa’yo.

Sana kung gaano kadali tadyakan ang preno,
Ganun lang din sana
Kadali huminto ang nararamdaman ko sa’yo.
020917

Heto, magsisimula na naman ako sa dulo
Sa dulo kung saan ako mismo ang nagbigay katapusan
Nagbigay katapusan sa sanang "tayo."

Ako naman yung bumitaw
Sa akin naman nanggaling yung mga katagang
"Wag muna, huminto muna tayo."

Pero gaya ng ulan, di ko kayang pahintuin ang lahat
Gaya ng buhangin sa tabing-dagat,
Di ko kayang buohing muli ang sanang "tayo"
Kung ito'y gumuho na sa mismong mga kamay ko.

Parang mas di ko ata kaya --
Di ko kayang wala ka
Di ko kayang mag-isa
Na alam ko namang isa ka sa kalakasan ko.

Gusto kong ibaon ang sarili ko sa buhanginan
Sa buhanginan at magpatangay sa tubig ng dagat
At baka sakaling makabuo tayo ng "tayo"
Baka sakaling maging matatag ang "tayo"
Baka sakaling hindi na tayo sumuko sa isa't isa.

Paulit-ulit kong iniisip kung ba't ko nasambit ang lahat
Akala ko, namanhid ako sayo
Pero yung totoo, di ko man lang masabi sayo
Di ko masabi sayong ayokong bitiwan ka
Na ayokong pakawalan ka.

Gusto kong ihagis ang sarili ko sa dagat
At magpalunod hanggang sa sagipin mo ako
At buhatin mo ako sa pampang
At saka mo muling sabihing di mo ko iiwan
At saka mo sabihing mahal mo pa rin ako.

Gusto kong maggising sa mga bisig mo
Masilayan ka, makita ka, mayakap ka
Kasi di ko alam kung kaya ko pa
Kung kaya ko pang mawala ka ulit.

Pasensya kung nasasaktan kita
Kung nanghihina ako kapag wala ka
Na lagi ko sayong ibinubuhos ang bawat daing ko
Na halos manghina ka na rin dahil sakin.

Pasensya kasi sobrang mahal kita
Na sa halos tatlong taon,
Hindi kita binitawan
Pero ngayon, nagtataka ako
Nagtataka ako sa sarili ko
Ba't ba kita pinakawalan?
Ba't ba hinayaan kong maglaho na lang ang lahat?
Ba't ba pinahihirapan ko pa ang sarili ko?
Ba't ba di ko masabi sayong kailangan kita?

Oo, kailangan kita at oo, mahal kita
Hindi naman ako nagbibiro
At wala sa bukabularyo kong iwan ka at paasahin ka lang.

Di ko mabilang kung ilang beses kong hindi nasalo ang bawat luha
Ang bawat luha sa mga mata kong parang pawis
Parang pawis na dumidilig sa tigang na lupa
Hanggang sa masaksihan kong iba na ang ruta ko --
Na tila ba ang layo mo na
Na tila ba ang layo ko na sayo.

Siguro nga, natuto ka kaagad
Natuto ka kaagad na bitiwan ako
At sobrang sakit
Eh akala ko namanhid na talaga ako sayo
Pero alam mo, ngayong wala ka na
Ngayong wala ka na sa mga kamay ko
Parang mas di ko na kaya.

Ewan ko, basta
Basta lang --
Sana bumalik ka na
Balikan mo naman ako.
Gamaliel Apr 2019
ng maglaho ang buwan
at pumatak ang ulan
umangat dahan-dahan
pait ng 'yong paglisan
zee Sep 2019
isa, dalawa, tatlo
ako'y tatakbo papalayo
'di ko alam kung saan ako tutungo
ang nais ko lang ay makalayo sa'yo

apat, lima, anim
itong damdaming aking kinikimkim
dapat ko ba itong sabihin
o hayaan na lang maglaho sa hangin?

pito,walo, siyam
'di mo pa rin alam;
wala ka bang pakiramdam?
o sadyang wala kang pakialam

matatapos na lang ang bilang
pero ang tagu-taguan ng aking nararamdaman
ay tila wala na atang katapusan

ngunit pagbilang ko ng sampu
nasilayan sa aking pag dilat
ang katotohanang ikaw pala'y
may ninanais nang iba
https://open.spotify.com/track/0FOYt3VRWweAWgN1relGqN
Ja Oct 2017
“Change is the only constant thing in this world.”
‘Yan ang sabi nila
Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang
Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan
Papasok sa eskwelahan upang matuto
Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay
Mga bagay na lumiliit at lumalaki
Mga gusaling nagsisitaasan
Mga paniniwalang binabago ng panahon
At mga damdamin na noo’y binubuo tayo
Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo.
Oo, alam ko.
Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to.
Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya
Andiyan sila
Makikinig siya
Makikinig sila
Ngunit sa susunod ay wala na
Mga pangakong binitawan
Nasaan na?
Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila?
Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin
Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin
Maaring andiyan sila
Oo andiyan sila
Inuulit kong andiyan sila
Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon  walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na
Maglaho na parang bula
Na parang hindi sila nangakong parating makikinig
May dalawang klase ng pagbabago
Mga pagbabagong magpapatag sa’yo
Merong wawasakin ang buo **** pagkatao
Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili
Tatayo ka gamit ang sarili **** paa
Dahil ikaw lang meron ka
Oo. Sarili mo lang ang meron ka
Kaya ikaw, oo ikaw.
Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago
Kagaya ko
Handa ako change
Pinaghandaan ko ‘to
Tinatanggap ko
Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.
aphotic blue Aug 2017
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
©aphoticblue
032217

Ang bilis namang kumupas ng lahat
Yung akala kong aabutin pa ng kinabukasa'y
Kinain na ng alikabok,
Hindi ko na mabasa ang naka-imprinta
Na dati lang, araw-araw kong pinagmamasdan
Na dati lang, parang sabik ka pang maging parte ng araw ko
Na dati lang, sinasabi **** ako ang kumukumpleto nito.

Ang bilis namang maglaho ng lahat
Pumikit lang ako, naiglip lang ako
Parang nagbago na rin ang mundo mo
Iba na ang istilo, iba na ang galaw
Iba na ang sambit, iba na --
Hindi ko na mabasa pa
Hindi ko na nga alam kung nasaan na ba ang "tayo."

Ang bilis namang huminto't sumuko
Na sabi mo'y hindi ka magsasawa
Pero parang kapeng katitimpla lang,
Nanlamig at hindi ko alam kung paanong nawalan ng lasa
Iba na ang nagtimpla,
Ayoko na sana.

Ang bilis naman ng lahat,
Sabi ko pa naman,
"Higitan natin ang tatlong araw"
Oo, sinubukan natin
Nahigitan nga natin at naging "tatlong buwan."

Pasensya, hindi ko kasi matanggap
Na ganito ang bunga nang minsang pinagtayaan ko
Siguro nga ganoon talaga,
Sa huli't huli'y susuko rin ang isa
Bibitaw din at maglalaho ang "tayo."

Pasensya talaga,
Ang hirap tanggapin
Kasi ikaw ang unang sumuko sa ating dal'wa
Ayoko na ring manguna pa
Ayoko na ring ayusin pa
Ayoko na ring bigyang kahulugan pa.

Hindi ko alam kung paano ako uuwi
Kung sasalubungin pa ba ako ng yakap mo
O mag-isa ako uuwi't maghihintay na lang muli
Maghihintay at papara ng iba.

Hindi ko alam kung paano na
Paano na yung mga plano natin
Mga planong napako kahit maaga pa lang
Hindi man lamang umabot sa ninais natin.

Sapat na sigurong itigil ang kahibangang ito
Na minsan, nangarap ako
At ikaw pa ang pinangarap ko.
Nandyan ka man, ang layo mo pa rin.

Kaya siguro, siguro itigil n natin
At siguro nga, hihinto na rin ako sa pagsusulat sayo
Kalilimutan ko na lang ang lahat kahit masakit
Tama na siguro, ayoko na magsulat
Tama na, sumusuko na ako sayo.
mica Jan 2018
sana pinigilan ko ang sarili ko
nang tuluyang mahulog sa'yo
upang hindi na maulit
ang ginawa kong pagpilit
sa aking sarili
sana pinigilan ko

ngunit, sana hindi nalang kita tinigilan
pero kailangan kitang iwanan
kasi hindi lamang ako yung nasasaktan
pati ang damdamin kong pilit kong pakawalan
sana hindi kita tinigilan

sana nakikita ko ay iyong reaksyon
sa likod ng mga hadlang
tuwing tayo'y nagkakaroon ng interaksyon
kahit sa chat lamang
sana nakikita kita

pero bakit kung kailan ilang buwan nalang tayo magsasama
saka muling kumislap ang aking mga mata
tuwing ika'y nakikita
hindi ito tama
sapagkat nangako ako sa sarili ko
na titigilan na kita noon
pero noon iyon
anong nangyari saakin ngayon
bakit biglang ninakaw mo ang aking atensyon
mula sa kanya, patungo sa'yo
sana matagal ko na itong ginawa

hindi kung kailan malapit ka nang mawala sa aking paningin,
hindi kung kailan malapit ka nang maglaho sa aking paligid,
hindi kung kailan bumalik na ulit ang nararamdaman ko para sa iyo...
hindi.

sana nagawa ko nang umamin sa'yo noon
ngunit hindi ko kaya
hindi ko kayang masaktan dahil lamang sa munting damdamin ko na maaaring makasira sa kung anong meron tayo.
oo, magkaibigan tayo.
alam ko yun.
dahil hanggang doon lang tayo.

sana, nakita mo kung gaano ka kahalaga sa paningin ko.
sana...
pero hindi.
kahel Aug 2016
Para tayong nasa isang jeep,
May iba't ibang pupuntahan.
Mayroon doon sa malapit, sa kabilang kanto o sa dulo ng bayan.
Hindi magkakakilala pero iisa lang ang layunin.
Ang makarating sa pinaroroonan.

Para tayong nasa isang jeep,
May nagmamadali, may chill lang.
Naghihintayan at nagmamasid...
Kung sino ang unang magbabayad ng pamasahe.
Kung kanino i-aabot ang pamasahe.

Para tayong nasa isang jeep,
Ayaw umupo sa pwesto malapit sa driver dahil may instant trabaho na agad
Taga-abot. Taga-bigay.
Kailangan sumigaw para marinig.
Kumapit ng mabuti para hindi mahulog.

Para tayong nasa isang jeep na walang ibang ginawa kundi ang makipagtitigan.
Habang ang ating mga mata ay nag-uusap at nag-kikislapan.
Para tayong nasa isang jeep na handa makipagsiksikan para lang makauwi.
Habang ako, sayo ay wala ng espasyo .
Kasya pa ako pero mas pinili **** pasabitin na lang ako.

Na traffic lang tayo saglit bigla ka na lang pumara at sabay baba sa buhay ko.
Na parang nakalimutan mo ilagay sa bag ang baon mo
O kaya naman di ka sigurado sa direksyong patungo
Hindi ko na nakita ang mukha mo dahil sa kapal ng usok na buga ng tambutso
At hindi ko man lang naibalik sayo ang sukli mo,
Nahawakan ang mga kamay mo at napigilang maglaho.
Unti-unti hinahayaan mo lang ako na maka wala sa mga yakap mo
At ako’y tuloyang nahulog ngunit hindi mo naman ako sinalo
Unti-unti humahakbang ka paatras palayo ng palayo mula sa kinatayuan ko
Ako’y naka tayo lang dahil baka sakaling hahakbang ka pabalik at ako’y yakapin mo

Ngunit wala ka man lang ginawa para manatili ako sa piling mo
Subalit hinayaan mo lang ako namawala at ako’y tuloyang maglaho
Pagod na ako dahil ako lang ang lumalaban sa kung anong meron tayo
Mahal kita pero nakakapagod na dahil kaagad ka nalang sumoko

Alam kung masakit dahil mahal pa kita at ayaw kung mawala ka
Pero sapat na ba yong salitang mahal kita kung ikaw susuko na
Alam kung hindi madali na kalimutan kung ano meron tayo noon
Oo hindi madali. Pero susubokan ko at sisikapin ko ulet na bumangon

Akala ko ba matibay tayo dahil sabi mo di mo na ako pakakawalan
Pero isang araw bumitaw ka na at ako’y iyo nalang hinayaan at binitawan
Saan na ba yong pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay
Dahil sa nakikita ko ngayon araw-araw parang unti-unti mo narin akung pinatay
KRRW Jul 2020
Maria Ressa, ano'ng problema?
Ba't hanggang ngayon, mukha pa ring lamanlupa?
Nagkakalat-lagim sa mga balita
Mayro'ng yayari sa'yo.


Ito'y kuwento ng....
....isang BULATE,
TUKMOL sa umaga,
TUOD sa gabi,
Pisngi man niya'y punuin ng kolorete
Mukhang BANGAW pa rin, walang silbi
Ibaon na ang IMPAKTA.


Maria Ressa, ano'ng problema?
Bakit mukha pa ring nayuping pugita
Mga galamay mo panggulo sa media
Mayro'ng yayari sa'yo.


Ito'y kuwento ng....
....mga payaso
fake news sa umaga,
fact-check sa gabi,
mukha nila ay sintigas ng adobe
bungo naman laman ay kamote
Ututin pa ang bunganga


Maria Ressa, ikaw ang problema
Hilig **** magkalat ng maling balita
at kapag sinita biglang magpapaawa
#DefendPressFreedom kuno?!


Ito'y kuwento ng....
....mga bulate
walang voter's I.D.
banyaga kasi
bida-bida, sumasama pa sa rally
wala namang bilang, hindi noypi
i-deport na sa kangkungan


Maria Ressa, walang problema
kahit maglaho pa tulad mo sa media
Marami pang ibang magbibigay ng balita
Walang manghihinayang sa'yo


Ito'y kuwento ng....
....mga bulate!
Date
15 July 2020

Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.

Note
This poem criticizes a public figure, an act that is within the scope of free speech and shall not constitute harassment.
Inspired by Magda of Gloc9/Rico Blanco.
Agatha Prideaux Mar 2020
Pwede ba, na sa bawat pag-gising
At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok
Ang sinag ng araw sa aking bintana
Ay makakalimutan ka na?

Dala na ang kamao **** tila nakabalot
Sa aking pinunong dibdib
Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong
Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba?

Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad
Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating
Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw
Balang araw, sana nga.

Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman
Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon
Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo
Ako'y pagod na.

Pagod nang magparamdam, makiramdam
Makaramdam ng purong pagdamdam
Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman
Tama na.

Kung maaaring mawalay na
Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang
Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo
Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag.

Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha
Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal
Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak
Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan!

At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong
Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita
Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak
Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak.

Gusto sana kitang tanungin
Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati
Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan
Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi.

Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor
Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro
Lahat ng barikan na aking nalalaman
Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman.

Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro
Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing
Nangangamoy alak at naglalasang halik mo
Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo.

Ngayon, ika'y masaya na at kuntento
Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin
Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili
Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil

Tila tintang nakamansta sa puting palamuti
Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin
Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin
Kay hirap nang hubarin at tanggalin

Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang
Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana
Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko
Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso

Pero, sa huli, kinailangang limutin
At iparaya ang damdaming nakakulong parin
Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig
At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim

Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip
Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit
Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay
Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin.

Aking nawalay na sinta
Maaari bang ika'y pakawalan na?
Para sa atin—o baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang
Pwede ba, kakalimutan na kita?
Day 1 of #NaPoWriMo2020. As of now, I'm not yet following the prompts. But here's an entry nonetheless.
cleann98 Apr 2018
Ito na ang aking huling awitin,
Awiting sa iyo'y kakantahin,
Sa tono ng mga alaalang kinalimutan,
Kandirit ng mga luhang pinakawalan,

Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa,
Sa araw araw na ako'y naghahanda,
Sa bawat gabing aking inaalay,
Sa bawat umagang ika'y hinihintay,

Pasan ko sa bawat yapak,
Ilang galon ng alak na nilaklak,
Upang limutin ang ligaya't galak,
Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak,

Na kahit saan pumunta'y di na mahanap,
Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap,
Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap,
Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap...

Sa ganda ba naman ng ating simula,
Sino ba naman ang mag aakala?
Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita,
Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula?

Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala:
Saya,
Lungkot,
Ligaya...
Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot,
Pagdududa,
T4ng*, di na dapat pa akong sumagot!

Nag-kaaway--
Upang magkabati lahat inialay,
Ngunit muli nanamang nagpasaway,
Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay...
...

Kamusta ka na?
Pasensya kung nasaktan kita,
Patawad sa mga galos at pasa,
Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka,
Sana marinig mo huli kong mga nota,
Kahit sintonado kong kinakanta--
Kung maglaho na ako, babalik ka ba?
Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita?
Di ko naman sinasadya...
Na ika'y bigla na lang mawala.
Tulad mo rin ba akong nababalisa?

Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
Langit lupa impiyerno,
Saksak puso tulo ang dugo...

Given inspiration by a game we used to play during my childhood in Zambales, basically just 'tayaan' where the player who is 'it' or 'taya' can't tag the people who step on higher ground or 'langit'. But the people on 'langit' can't stay there for more than five seconds. I can barely remember the rules anymore lel.
Mister J Mar 2019
Nangarap lang naman ng isang pag-ibig
Na kayang magtagal sa aking mga bisig
Ngunit bakit ganoon kadaya ang tadhana?
Parati na lamang naiiwan at namamaalam.

Wagas na pagmamahal ay kayang ialay
Ngunit kahit nilalako na ang pag-ibig
Walang sinuman ang tumatanggap
Walang sinuman ang kayang tumagal

Hanggang dito na lang ba talaga tayo?
Wala na bang pwede pang iareglo?
Pinagdasal na umabot sana sa simbahan
Ngunit mukhang ako lang talaga ang umasa

Ang pinakamasakit sa lahat ng 'to?
Yung naiwan kang nag-iisip na baka
Pwede pang isalba kung anong meron
Pero hindi ka pinayagang gumawa ng hakbang

Kaya 'eto't nagmumukmok sa isang tabi
Iniisip kung ano bang nagawang mali
Kasi ang mga rasong "hindi ikaw, ako"
Ay mas masakit pa sa "may iba ako"

Mas maiintindihan ko pa kung ang pag-ibig
Na kay tagal kong pinaghirapan ay bigla na lang maglaho
Kaysa sa mga rasong malabo namang basahin
At ang mga mala-bugtong na sagot sa aking mga tanong

Namamaalam muli sa pag-ibig na hindi nagtagal
Na kahit anong pilit ang aking gawin, walang nararating
Walang kapangyarihang baguhin ang kasalukuyan
Ang mga pinanghawakan dumudulas sa aking mga kamay.

Hanggang sa mawala sa puso
Isisigaw ang pagmamahal sa'yo
Sambit ng mga labi ang ngalan mo
Hanggang ang pag-ibig ay maglaho.
For "Hera"

It hurts to be at the end.
But I'll endure until the
feelings are gone..

If we do meet one day,
I hope we can try again
After this whirlwind
Of a romance.

Thank you
I'm sorry
I love you

-J
Anne Maureen B Apr 2018
Ganon ka ba talaga? Mahirap magpatawad?
Na Sa tuwing ako'y lalapit ika'y sa iba napapadpad
Ramdam mo ba? Ramdam mo ba ang sakit na pinaramdam mo?
Malamang hindi, kasi kung oo matagal nang bumalik ang dating ikaw at ako


Gusto kong umiyak, gustong gusto
Bakit ka ba biglang nagbago?
Hindi na ikaw yung tao na nakilala ko
Asan ka na ba? Bakit tila yata ang bilis mo maglaho?



Ganon ka ba talaga?  Kasi kung oo tanggap kita
Pero kailangan ba talaga na maging ganyan ka?
Lagi kong panalangin na bumalik na tayo sa dati
Yung masaya lang, yung di ka pa galit bago ang lahat na nangyari
George Andres Jun 2017
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama.

sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko.

nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin.  ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang.

ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan
sa noo.
ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil
takot ako.
lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan.

ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya.
hindi na ako bata.
tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
121816
Kmo Jun 2017
Tulad mo'y isang ulap
Pilit kong pinapangarap
Kahit mataas at mailap.

Pilit kong inaabot,
Mahawakan at maitago
Dahil ayaw na sayo'y malayo.

Init ng araw aking titiisin
Kahit matuyuan pa ko ng pawis.

Di ako mapapagod sa pagkakatayo
Mangawit man ang binti ko.

Di ako hihinto sa paghihintay sayo
Matusta man ang kulay ko.

Gagawin kong lahat para ika'y sumaya
Dahil ayokong makitang umiiyak ka

At maglaho na lang tuluyan
Sa paningin kong bigla.
Jed Roen Roncal Dec 2021
Nagkakilala tayo sa mga panahon na kailangan ko ng saya
Pinaramdam sakin na d ako mag-iisa
At dahil dun ay nahulog ako sayo sinta
Ngunit ako'y nabigo at nawalan ng pag-asa

Tinigilan kong kausapin ka
Sinubukan ko ngunit d ko kinaya
Ang puso ko'y hinahanap hanap ka
Sa isipan ko'y hindi na talaga mawala wala

Kaya aking sinubukan ulit
Kahit na masaktan akin paring pinilit
Mabigo man ulit
Okay lang basta sa babaeng aking iniibig

Ngunit ngayo'y nag-iba, sayo ako'y hindi nabigo
Ako'y iyong binigyan nang pag-asa
Hindi ka sasaktan yan ang aking pinapangako
Sa aking pagmamahal ikaw ay makakaasa

Hindi pa man tayo ganun katagal
Pero sigurado akong tayo'y magtatagal
Kahit minsan relasyon ay tumatamlay
Wag kang mag-alala hanggang dulo hahawakan ko ang iyong mga kamay

Para sa babaeng pinakamamahal ko,
Wag kana sanang maglaho pa sa piling ko
Pangako ko hindi ko sasayangin ang isang tulad mo
Pag-asa ang dala saakin ng isang tulad mo

Hanggang dulo na sana
Pag-iibigan nating dalawa
Wala sanang makagiba
Sa mga pangako natin para sa isa't isa

Mahal, panghahawakan ko ang ating pag-iibigan
Walang hanggang yan ang aking aasahan
Makasama ka hanggang kailanman
Walang gigiba sa ating pagmamahalan

Mahal na mahal kita iyan ang pakakatandaan
Kahit anong mangyari hindi ka iiwan
Sa altar ika'y pagmamasadan
Hanggang salitang "oo" ay iyong mabitawan
Katryna May 2018
Kaya palang palamigin ng salitang "nakakapagod na" ang samahang pinapainit ng araw - araw na pag kikita.

Kaya palang palamigin ng salitang "nakakasawa na" ang samahang pinapainit ng maraming palitan ng salitang mahal kita.

Kaya din palang palamigin ang samahang binalot ng mga yakap,
kinandado ng mga halik,
pinainit ng mga pag ikot sa kama
at samahang matagal ****
Pinaglaban,
Pinaghirapan,
at inalagaan

ng isang salitang kahit kelan hindi sumagi sa iyong isip na bitawan.

Kaya palang patamlayin ang relasyong wala kang ibang alam gawin
kung hindi punuin ng mga tawanan,
biruan at walang iyakan at sigawan.

Kapag wala ng tamis,
at puro na lang pait.

madali na lang sabihin ang salitang, "Sandali lang, hindi pa pala ako handa".

Ganon na lang ba kadaling masira,
mawala,
maglaho ng parang bula.

                                           at isang gabi magigising ka
                                                              ­      wala na sya.
inspired by the movie "12"
Ikaw ang gusto ng aking puso,
Pero ang utak ko ay gusto kang maglaho.
Sila ay nag-aargumento ng parang na sa korte.
Kailan kaya kita maibabalewala,
Katulad ng pagbalewala mo sa mga ginawa ko.

Kinakalimutan ko na mahal kita,
Pero nung ngumiti ka,
Nahulog nanaman ako sayo.
Kailan kaya mananalo ang utak ko sa laban na ito?
Bunny. I'm getting jealous. Stop playing witg my feelings.
Chelsie Dec 2020
Di mo ba napapansin?
Anak mo, sagad na din.
Pasensya, di kinaya,
Inis ka na rin pala.

Sinong gustong malungkot?
Laging nakabaluktot?
Isa lang aking dingin,
Maglaho, kagaya ng hangin.

Saya sa anak ng iba,
Sa akin din, pwede ba?
Magaling, masayahin,
Pag-iisip, normal din.

Kung sumama sa hangin,
Ako sana’y malimot din.
Maging masaya ka sana,
Sa iyong bagong hardin.
poetry is just my emotional outlet tbh
Uanne Feb 2019
puso ko'y lito
pati isip hibang at nagugulo
nais na lang maglaho
yakapin ako na parang tayo hanggang dulo.

hirap akong huminga
mata ko'y pupungas pungas pa
tanging kaba ang nadarama
yakapin ako ng ako'y tumahan na.

laman ko'y nanginginig
mga paa'y di makatindig
di makasabay sa himig
yakapin ako ng di na magligalig.

02.20.19
7:41am
namimiss ko na ang yakap mo.
Sa bawat pitik ng oras
ay isang kahapong nakalampas.
Sa bawat bigkas ng mga letra
ay mga kwentong puno ng saya.
Sa bawat tinig ng iyong mga bibig
ay mga kantang malamig na himig.

Pero paano kung sa isang araw ay bigla ka nalang nawala,

Anong silbi ng pagdaloy ng oras
kung sa alaala na lang kita kasamang lumilipas?
Ang mga letrang binibigkas na sanay para sa'yo
ay nagsilbing sigaw sa kawalan ng aking paghihingalo.
Ang mga malalamig **** halakhakan
ay napalitan na ng nakakabinging katahimikan.

Isang buwan kong tiniis,
itong aking paghihinagpis.
Sa bawat araw ay ikaw ay nakakapit
sa utak at pusong kong masakit
at umaasang di maglaho ang nasimulan
kahit pinutol pa ng isang buwan.
Gemingaw nako nimu.

— The End —