Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pwede ba, na sa bawat pag-gising
At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok
Ang sinag ng araw sa aking bintana
Ay makakalimutan ka na?

Dala na ang kamao **** tila nakabalot
Sa aking pinunong dibdib
Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong
Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba?

Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad
Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating
Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw
Balang araw, sana nga.

Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman
Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon
Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo
Ako'y pagod na.

Pagod nang magparamdam, makiramdam
Makaramdam ng purong pagdamdam
Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman
Tama na.

Kung maaaring mawalay na
Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang
Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo
Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag.

Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha
Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal
Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak
Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan!

At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong
Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita
Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak
Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak.

Gusto sana kitang tanungin
Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati
Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan
Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi.

Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor
Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro
Lahat ng barikan na aking nalalaman
Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman.

Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro
Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing
Nangangamoy alak at naglalasang halik mo
Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo.

Ngayon, ika'y masaya na at kuntento
Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin
Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili
Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil

Tila tintang nakamansta sa puting palamuti
Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin
Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin
Kay hirap nang hubarin at tanggalin

Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang
Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana
Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko
Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso

Pero, sa huli, kinailangang limutin
At iparaya ang damdaming nakakulong parin
Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig
At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim

Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip
Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit
Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay
Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin.

Aking nawalay na sinta
Maaari bang ika'y pakawalan na?
Para sa atin—o baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang
Pwede ba, kakalimutan na kita?
Day 1 of #NaPoWriMo2020. As of now, I'm not yet following the prompts. But here's an entry nonetheless.
Meruem Dec 2018
Ilang oras na akong di makatulog,
Paulit-ulit lang naman ang reklamo.
Gusto lang kitang makalimutan,
Gusto na kitang makalimutan.
(c) 6cyclemind

Ganyan mainlove. Ganyan mainlove.
fatima Jan 2018
'wag mo kong kalimutan'
mga katagang sinambit mo
habang pinipilit **** tanggalin ang iyong kamay sa aking kamay

'wag mo kong kalimutan'
mga katagang sinambit
noong panahon na ang mundo natin
ay nagtatagpo sa isang segundo lamang

'wag mo kong kalimutan'
mga katagang nagpaikot sa atin
na ating pinaniwalaan at pinagtibay
ngunit ang tadhana'y mapaglaro

ngayon ang katagang ito
ay winasak tayo
pinaiyak at dinurog
sa isang segundo lamng

ngayon ang katagang ito
ay isang uri na lamang
sa katagang nilimot ng ating panahon
at kinakalimutan  natin ngayon
Taltoy Jun 2017
Ang buhay nga naman,
Puno ng lungkot at kaligayahan,
Subalit wala tayong magagawa,
Tiisin nalang kung ano ang mapapala.

Diyos ko, ako'y tulungan nyo,
Sa aking landas na tinutungo,
Landas na puno ng sagabal,
Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal.

Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi,
Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti,
Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan,
Dahil sa damdamin kong nanlalaban.

Minsan di ko maiwasan,
Na masabi ang tunay na nilalaman,
Ng puso at di ng isipan,
Kaya minsan, ginagawang katatwanan.

Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito,
Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro,
Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan,
Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan.

Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan,
Ang minsang inisip matapos magtawanan,
Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga,
Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga.

Ang binansagan nating pinakamagandang biro,
Ang sa mga luha ko'y nagpatulo,
Tumulo dahil sa kakatawa,
Tawang may kasunod na pagdurusa.

Pagdrusa dahil masakit,
Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit?
Ngunit masasabi ito'y panandalian,
Dahil pagkatapos nitoy masasaktan,

Para bang ang gusto ko'y ibinigay,
Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay,
Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad,
Ako na mismo ang unang naglahad.

Subalit nakakatawa naman talaga,
Sabihan ba naman kita ng "mahal kita",
Tono palang kalokohan na,
Masasai **** baligho ang ideya.

Aminado akong iyo'y kabilaghuan,
Ngunit wala na akong magagawa dyan,
Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan,
Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
Wala masyadong rason bakit ko to sinulat, basta sinulat ko lang. ***

— The End —