Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Amethist Jude Oct 2016
Ang saya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip

Ang saya matulog
Para lang akong nahuhulog
Nahuhulog sa ideyang tayo
Pero di masasabihing totoo

Pagtulog na mag-isa ka
Sa panaginip kasama ka
Naka-ngiti,
Magkahawak ng kamay,
Nakatawa.

Pagkagising mag-isa ka.
Nakahiga sa kama
Malungkot,
Walang kayakap,
Marahil na nagdurusa.

Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo,
Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo.
Naniwala at nagpaloko
Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro

Minsan gusto ko nalang matulog
Kase nakakapagod na mahulog
Mahulog sa kalungkutan
Mahulog sa kasawian

May oras na ayoko nang gumising,
Sa tulog kong mahimbing.
Dahil alam kong kapag ako'y namulat,
Gugustuhin ko ulit sumulat.

Sumulat ng aking nararamdaman,
Sumulat ng bagay na ipinaparamdam,
Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman
At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman.

Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod
Mapapagod sa nararamdaman
Mapapagod sa katangahan
Mapapagod sa kabiguan

Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog
Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan
Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog
Dahil malinaw na ito'y isang katangahan

Sa susunod na pagtulog
Sana hindi na ikaw ang laman
Ng panaginip
At Laman ng puso't isip

Dahil masaya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip
Mala-slam poetry ang nais ko pero fail
w Nov 2016
18
Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan
Pero ang pinaka nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto
Puno ng tunog at salita
Puno ng biruan at tawanan
Pero ramdam **** nag-iisa ka
Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka
Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang
Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
Nakakapagod ano?
Nakakapagod magkunwaring masaya
Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa
Pero alam naman natin
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya
Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam
Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa
Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
Alam ko,  pagod ka narin
Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
Sa mundong malawak at mapaglaro
Sa mga tulang isinulat pero walang laman
Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig
Sa mga matang blanko na walang ningning
Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang
Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon
Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load
Talaga namang nakakapagod ang mundo
Minsan nga nakakagago
Itulog nalang natin 'to, ano?
Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat
Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit
Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban
Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso
Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo
Yung bang dalawang klase ng pagkabigo
Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin
At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot
Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats
Nganga kung nganga
Nada kung nada
Itlog kung itlog
Pero hindi pa tapos ang kwento
Malayo pa ang lalakbayin
May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya
Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din
Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas
Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw!
Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon
Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso
Habang wala pang tugon mula sa itaaas
Salamat sa oras na tibok ng puso
Kakapit muna ako kay Captain Yoo
Sa seryoso pero nakakakilig na ugali,
Sa swabe niyang mga the moves,
Sa grabehan niyang mga titig,
At sa mala-fairytale nilang storya,
Captain, ako nalang please!
Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo
Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.
Erikyle Aguilar Oct 2018
Si tatay,
siya yung tipong gagawin ang lahat,
kahit buong buhay niya ibibigay,
pupunta kahit saan, kahit kailan,
masuportahan lang ang buong pamilya.

Siya rin yung kahit na may mali ka,
pilit pa ring iintindihin ka,
grabe ‘yan kung magalit,
pero pagdating sayo, may pusong mamon.

Ang haligi ng tahanan, ang tagapagbantay,
hahanapin ka pag napapahiwalay,
walang sinumang pababayaan,
hangga’t kaya, ipaglalaban,

Kahit sobrang daming problema,
kinikimkim nalang, hndi pinapaalam,
kasi ayaw niya kayong mapahamak pa.

Kaya ‘tay, kahit marami kang ginagawa,
pinararamdam mo pa ring andiyan ka,
pero ‘tay, kamusta ka na?


Si nanay,
siya ang ilaw ng tahanan, totoo nga naman,
iingatan ka, pakakainin ka, ipagluluto ka,
minamahal ka,
hindi ka niya iiwanan, kahit gusto **** makapg-isa.

Siya yung sa simula palang,
naghihirap na, nasasaktan na, nagtitiis na,
lahat ng ginagawa niya mula sa simula ay para sa’yo,
siya yung kahit madaling araw na, gigising pa rin,
makita ka lang na natutulog nang mahimbing, sapat na,
at kahit walang tulog, pagsisilbihan ka pa rin.

Kahit galit, mahal ka niyan,
“makuha ka sa tingin”, lagi niyang sinasabi,
magbibilang pa siya, kasi mahaba ang pasensya niya sa’yo,
“isa, dalawa, dalawa’t kalahati, magtatatlo na”.

Kahit madalas siyang galit, mas umaapaw pa rin ang pagmamahal niya,
hahanapin ka hanggang makauwi ka, hindi pa ‘yan makakatulog nang wala ka,
makakailang tawag pa sa’yo,
kahit puro “asan ka na?” ang naririnig mo,
mamimiss mo, at hahanap-hanapin mo pag hindi tumawag.

Kahit may pasok, kahit may sakit, kahit pagos,
hindi siya magiging tamad, nagpapahinga lang,
kaya mahal ko ang nanay ko,
kasi siya ‘yong laging nasasandalan ko.

Walang kontrata ang pagmamahal ng mga magulang,
dahil kahit matanda na tayo, tatay pa rin si tatay, at nanay pa rin si nanay.


Si kuya,
siya yung kapatid na hindi mo maintindihan kung paano magmahal,
siya yung kapatid na grabe mangasar, mangulit, at magpahiya,
ganyan naman talaga 'yang si kuya,
ganyan niya pinapakita ang pagmamahal niya sa'yo.

Hindi man siya magsabi ng "I love you",
ipakikita naman niya ito sa pamamagitan ng
pagmamalasakit niya sa kaniyang mga kapatid,
ipapaubaya ang kahit ano,
kahit na mas kailangan niya pa.

Hanga ako kay kuya,
dahil hindi madali maging isang panganay,
lahat ng galit o sermon, sakaniya napupunta,
kahit madalas ang kapatid niya ang may kasalanan.

Walang papantay kay kuya,
kaya kuya.
andito lang ako kung hindi mo na kaya.


Si ate,
bibigyan ka ng atensyon kahit may ginagawa siyang iba,
madalas na nagbibigay ng payo,
mapagsasabihan mo ng mga lihim,
parang isang talaarawan.

Siya ang kanang kamay ni nanay,
kasama sa pamimili sa palengke, kasama sa kusina,
kasama sa pagluluto at pagkakain, kasama sa pagpupuyat.

Aasarin ka niyan, pero mahal ka niyan,
sasabihan ka niyang, "Uy, binata ka na".
o kaya, "Uy, dalaga ka na",
Maiiyak ka sa tuwa sa pang-aasar niya.

Siya ang unang yayakap sa'yo sa kalungkutan mo,
malambing, parang anghel ang boses, mainit ang yakap,
lahat ng init na kailangan mo sa malamig na gabi
ay mabibigay niya.

Parang mga bituin sa langit,
kaya si ate, mahal ko 'yan,
mahal na mahal ko 'yan.


Bunso,
siya yung pinakamakulit sa lahat,
kahit anumang suway mo,
sige, tuloy pa rin sa pagkakalat.

Siya yung nagpapasaya sa bahay,
ang kaniyang paglalaro
o presensya palang ay sapat na.

Siya yung nagmamakaawa,
makamit lang ang gusto niya.

Kahit na pagod na kayo,
tuloy pa rin ang pangungulit,
tuloy pa rin ang kaniyang pagpapatawa,
hanggang sa sumakit ang panga mo sa katatawa.

Ading,
salamat dahil andiyan ka,
salamat sa pangangamusta,
mahal ka naming lahat.
a collab work of Chester Cueto, Jose De Leon, Danver Marquez, Erikyle Aguilar, and Ericka Kalong
Ri Jul 2019
kapag ganitong oras talaga na wala nang magawa kung hindi tumingala sa kisame ay mapapaisip ka nalang ng mga bagay na nais **** marating sa buhay at mga pangakong binitawan sa nakaraan. hindi rin maiiwasan na mapapikit na lamang sa panghihinayang kapag naalala ang mga panahong sana'y maayos pa. sisingit na rin ang mga pangarap na tila'y imposibleng matupad hanggang sa pinanghihinaan na ng loob na magpatuloy pa.

sa lahat ng isinisigaw ng damdamin at pagod na sarili, sumabay sa alon. magpalunod at lumangoy.

darating ka rin sa dalampasigan.
John AD Aug 2018
Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi
Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari
Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi
Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi?

Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan?
Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan?
Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa
Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa

Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan
Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran
Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan
Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan

Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal
Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman.
Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan
Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking  inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
Leonoah Apr 26
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Nath Rye Jan 2016
Isang pinto ang nasa aking harapan.

Pintong gawa sa kahoy. Limang tao ang lapad ng pinto, at dalawan' tao ang taas nito. Dahan-dahan 'kong hinawakan ang nakausling parte.

Hinila ko. Ang bigat.

Isang engrandeng *ballroom
ang itinatago ng pintong aking pinasok. Ang una talagang mapapansin ay ang magarang wallpaper na yumayakap sa pader. Sa pinakaharap, may hagdanan na tila hari't reyna lang ang maaring gumamit. Sa bawat dulo ng hagdanan, may mga nakapatong na gintong mga dekorasyon- mga anghel at mga hayop na makikita lamang sa panaginip. Pero, mapapatingala ka talaga sa larawan ng Diyos at mga anghel na sumasakop sa buong kaitaasan ng ballroom.

Ang amoy naman, amoy ng mamahaling pagkain.
May mga lamesa at mga plato para sa mga nais kumain

Ang unang yapak ko sa loob ay sinalubong ng mga tingin mula sa mga tao sa loob. Lahat sila'y magkamukha...

magkakambal kaya?

Nilapitan ako ng waiter. May dala-dalang alak.
"Ser, gusto niyo po ba ng-"
"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"
Lumabas lang ang mga salita sa aking bibig. Di na ako nakapaghintay.

"Ah... ser, kung gusto niyo po ang kasagutan sa tanong niyo, sigurado akong may makakapagpaliwanag sayo nang mas maayos."

At sabay siyang umalis.

Inikot ko ang ballroom. Kinausap ko ang mga tao. May mga sumasayaw, may mga kumakanta, at mayroon pang mini magic show. May mga nakabarong, iba nama'y naka tuxedo.

Naging masaya ang mga usapan, hanggang itinanong ko ang tanong ukol sa kanilang pagiging magkamukha. Pinapasa-pasa lang nila ang tanong sa mga ibang nasa ballroom. Ika nga, "hindi nila mapapaliwanag nang mabuti."

Ano naman ang napakakumplikadong paliwanag na ito?

Lahat ba, naitanong ko na?

Nanlaki ang aking mga mata. May nakita akong nag-iisa sa dulo ng kwarto. Mukhang matalino. Nilapitan ko.

"Sarap ng pagkain."

Binigyan niya 'ko ng tingin ng pagkagulat.

Makalipas ang ilang segundo, nagsalita na rin siya.

"Ganyan ka ba talaga nagsisimula ng isang conversation?"

"Di eh. Pero masarap naman talaga. Kinailangan ko lang ilabas ang matinding damdamin ko para sa handa."

Tawanan. Pero desperado na 'ko. Gusto ko nang malaman kung bakit.

"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"

"Ah.... ikaw ay tulog ngayon. Nananaginip ka lang. Ang bawat tao rito'y indibidwal na parte ng iyong sarili. Ang iba't-iba **** personalidad, nag anyong-tao."

"Ha?"
Ginagago ako nito, ah.

"Subukan '**** kurutin ang 'yong sarili. Di siya masakit, di ba?"

Tiningnan ko ang braso ko. Kinurot ko, yung masakit talaga.

Wala akong naramdaman.

"Gets? Ako ang parteng nais tumulong sa iba, sa kapwa-tao."

".... Maniniwala muna ako sayo, ngayon. Pero, ibig sabihin ba'y ang lahat ng personalidad ko'y pantay-pantay?"

"Hindi. Ang mga taong nasa itaas ng hagdan, sila ang pinakamalalaking parte ng 'yong sarili. Kaya sila ang mga pinakamakapangyarihan dito sa ballroom."

"At pwede akong umakyat doon?"
Gusto kong umakyat.

"Handa ka bang tanggapin ang iyong sarili? Pa'no kung puro mamamatay-tao pala ang mga nasa itaas? O magnanakaw? O sinungaling?"

"Edi ok, tanggap ko naman na di ako perpekto."

Pero sa isipan ko, natakot ako. Nakakatakot makita ang mga masasamang parte ng sarili mo, na naging sarili niyang tao.

"Edi umakyat ka. Panaginip mo 'to. 'Di akin."

"Sige, salamat pare."

"Geh."

Inakala ko na ang huli niyang sasabihin ay may relasyon sa pag-iingat, o pagkukumbinsi na 'wag na 'kong umakyat. Pero dahil sa isang "geh" na sagot niya, nahalata 'kong wala na akong makukuhang impormasyon kung di ako aakyat.

Nasa harap na ako ng hagdanan. Kung nakatayo ka pala rito, parang nakatitig ang mga gintong dekorasyon sa 'yo.

Isa-isa kong inakyat ang mga hagdan, at sa taas, may nakita akong apat na tao.
  
Yung tatlo, nakikinig at tumatawa sa biro ng isa.

"Hi...?"
Wala naman akong ibang masabi, e.

Bigla silang tumahimik at napatingin sa 'kin.
Alam na siguro nila kung sino ako, dahil nilapitan nila ako at nakipag-kamay.

"Alam mo na ba ang lugar na ito? May nagsabi na ba sa 'yo?"

"Oo. Sabi sa 'kin ng isa na kayo raw ang mga pinakamalaking parte ng aking personalidad."

"AHHH! Mali siya! Nasa impiyerno ka na ngayon. Masama ka kasi eh."

Napatingin lang ako sa kanya.

"Joke lang, 'wag naman masyadong seryoso. Edi madali na lang pala! Sige, pakilala tayo!"
Ngumiti naman ang apat.

Nauna yung tatlo.

"Ako ang parte **** responsable. Alam mo ang mga responsibilidad mo, at maaga mo tinatapos."

Wow. Responsable pala ako.

Ang pangalawa.
"Ako naman ang parte **** madasalin. Malakas ang tiwala mo sa Diyos, kaya mahilig ka magdasal."
Grabe, banal pala ako?

Ang pangatlo.
"Ako naman ang parte **** mahilig sa sports. Mapa-boxing man o swimming, o basketball. Lagi kang handa."
Parang yung bodybuilder ko lang na klasmeyt ah. Napatawa ako.

At ang pang-apat, at ang lider:
"Ako ang parte ng sarili mo na nais makatulong sa ibang tao. Handa kang magpatawa kung kailangan, pero kaya mo naman ring magseryoso. 'Di ka nang-iiwan. Tunay kang kaibigan."

Pero yung tao kanina yung nais makatulong sa ibang tao.... baka ito yung sinungaling. Bahala na.


"Kayo ang pinakamalaki? Natutuwa naman ako."
Nagtawanan lahat.

"Pero may isa pa. Ang pinakamalaki talaga sa lahat."

"Saan?"
Saan nga ba talaga?

"Dito. Halika. Bago ka magising. Para makilala mo."

Pumunta yung pang-apat sa isang dulo ng kwarto. May pinindot siya. May maliit na butas na nagpakita sa pader. Madilim. Nahirapan akong pumasok. 'Di na sumunod ang apat.

Sa gitna ng kwarto, may isang tao. Isa. Nag-iisa, kasama ng mga libro at papel.

"Ikaw ang pinakamalaking parte?"

Tumingin lang siya sa 'kin.

"Ikaw ba talaga? Ano naman sinisimbolo mo?"

"Ako ang katahimikan. Ang katahimikan sa iyong loob. Matatag ang puso mo, at kahit marami kang kinakatakutan, hindi ito nagiging hadlang sa 'yo. Ako ang nagbibigay buhay at enerhiya sa lahat ng mga personalidad mo."

*At ako'y napatahimik. Katahimikan pala ang pinakamalaking parte.
It's 3:44 am woooooooo I started at 3. ps this is in tagalog/filipino. thank you
Engineer Mikay Aug 2016
Una abi ko lain ka
Gale pareho ka man sa ila
Una abi ko ikaw masaligan
Gale puro ka man kabutigan

Una abi ko buot ka
Gale kung tulog ka lang sa kama
Una abi ko ok lang nga layo ko
Gale ang lapit amu gid ang gusto mo

Una abi ko makaya ko ang sakit
Gale tagipusuon ko daw ginalukit
Una abi ko ako lang gid sa kabuhi mo
Gale may ibulos ka kung wala ko

Una abi ko palangga mo gid ko
Gale ako lang ang gapalangga sa imo
Una abi ko ikaw na gid...
Gale sa ulihi mahibi lang ko sa kilid.
Another Ilonggo Poem.. Viva mga Hiligaynon sa Bacolod!
Random Guy Oct 2019
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa
parang natutulog na magkasintahang nagpapalitan ng hininga
kaya nung maghiwalay tayo
ay mas nawalan ako ng tulog sa pagbabakasakaling babalik ka pa
Crissel Famorcan Apr 2017
Buwan ng puso nung una kitang makilala
Chinat mo ako at nireplayan naman kita
Hanggang sa araw-araw, tuwing umaga
Kausap na kita bago pumasok sa eskuwela
Simula nun di ko na natiis na hindi mag-facebook
Imbis na inaatupag ko dapat yung aking mga textbook
Hanggang sa one day, naramdaman ko na merong kakaiba
Then narealize ko nalang---shet !  gusto na kita
Dun ko nabigyan ng kasagutan
Lahat ng nasa isip kong mga katanungan
Kung bakit kapag nakikita ka
Gusto kong lumundag sa saya
Sa tuwing kausap kita
May kakaiba akong nadarama
At kung bakit nga ba?
Madalas,
oo madalas
na naiisip kita.
Kaya tinago ko lahat sa yo
At palihim  na sumisilay sa labas ng room nyo
Pero ng malaman mo lahat ng to
Parang gumuho ang mundo ko
Oo gumuho ang mundo ko!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin
Mananahimik na lang ba o aamin?
Kaya mas pinili ko nalang na sabihin.
Pero shet! yun yung masakit sa damdamin
New year's eve pa nun nung sinabi mo sakin
May gusto kang iba
Ang masaklap dun?
Yung BESTFRIEND ko pa
Yung bagong taon imbis na bagong buhay
Sinalubong ako ng sama ng loob at mga lumbay
Dun ko na realize na ang tanga ko
Para mahulog ako sa isang kagaya mo
Kung gusto mo sya, ano pa bang laban ko?
Sa mga ganyang bagay, kelan ba ko nanalo?
Hanggang ngayon, alam mo ba?
Nag sisisi pa rin ako
Kung bakit hinayaan kong mafall ako sayo
Kaya maalas kapag nagkakasalubong tayo
Umiiwas agad ako.
Umiiwas ako.
Kasi feeling ko
awkward na masyado
Kaya nga siguro madalas **** tinatanong sakin
Kung bakit di kita pinapansin
Sorry pero ayoko nang isipin pa
Ayoko nang umasa pa
Na pagdating ng panahon
may tayong dalawa pa
Pero alam mo ba?
Alam mo bang gusto kobg sabihin na
kamusta ka?
Okay ka lang ba?
Sana maayos ka.
Kumain ka na ba?
Wag kang magpapagutom huh?
Maayos ba tulog mo kagabi?
Hinihiling ko yan araw-araw, gabi-gabi
Pero hanggang dun lang ako.
Hanggang dun lang ako
Kasi nga diba?
Nakuha na ng iba
Yung susi ng puso mo
Kaya hanggang hiling nalang ako.
Hanggang hiling nalang ako
Na sana isang araw,
kumustahin mo rin ako.
Sana isang araw,
alamin mo kung kumain na ba ako
O kung naging maayos ba ang tulog ko.
Sana
kahit minsan
maisip mo rin ako.
Hindi na yung sya nalang lagi yung nasa utak mo!!
Sana isang araw maramdaman mo
Na may isang taong nandito lang lagi para sayo.
Handang maging takbuhan mo,
Hangdang maging karamay sa bawat problema mo.
Sana isang araw,
malaman mo,
Na may isang taong
nagmamahal sa yo,
Kahit na iba yung laman ng puso mo.
Sana malaman mo na nandito lang ako .
Maghihintay sayo.
Handang magsakripisyo kung kailangan mo.
Kahit na kaibigan lang yung turing mo.
Masakit man pero Kailangang tanggapin ko.
Kasi nga diba! ONE SIDED LOVE  lang naman
Ang love story na to.
Rey Tidalgo Jul 2016
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak
Sa landas ng gabing / humahalimuyak
Doo'y tutuparin / ng ating pangarap
Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap

Kata'y aaliwin / ng mga kundiman
At patutulugin / ng hanging mahinay
Pag-ibig ang ating / magiging himlayan
Sa harap ng tala't / mga bulalakaw

Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog
Lilipas ang hirap / lahat malilimot
Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog
Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog

Kata'y maglalampong / nang buong hinahon
Wala ni sinuman / ang makatututol
Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon
Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong

Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin
Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw
Sukat na sa akin / na iyong ibigin
At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw!

Tena at humimbing / sa gabing tahimik
Na nilalambungan / ng nunungong langit
Mga puso'y sabay / na mananaginip
Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
***
Kata - Tayo
Kundiman - Awit ng Pag-ibig
Bungang-tulog - Panaginip
Lipos - Puspos
Maglalampong - Maglalambing
Nanalong - Matulaing anyo ng bumabalong
Mamalasin - Mamasdan
Pintuho - Pagsuyo
Tena - Tara na
Hele - Awit na pampatulog
Stephanie Apr 2019
isinulat ni: Stephanie Dela Cruz

\

isang daang tula.
sabi ko noon ay bibigyan kita ng isang daang tula
mga tulang magiging gabay mo kung sakaling mawala ka man sa akin, o kung ilayo ka man ng ating mga tadhana, o kung paalisin mo na ko sayong tabi,
ngunit pangako, hinding hindi magiging dahilan ang kusa kong pag alis, pangako yan.
itong mga tulang ito ang magiging gabay mo kung sakaling maisip **** ako ang kailangan mo at ako ang gusto **** makasama hanggang dulo
itong mga tulang ito ang magiging resibo mo, magiging ebidensya ito ng kung paano kita minahal ng pagmamahal na hindi mo kailanman naibigay sa akin

isang daang tula.
alam mo bang tula ang una kong minahal kaysa sa iyo
ibinuhos ko lahat ng mga inspirasyon, pag-ibig, luha at pati tulog ko'y isinantabi ko na para sa kanila
dahil ako rin ang mga tulang ito,
alam mo namang isa kong babasaging salamin na paulit ulit na binabasag ng mga taong gustong maglabas ng sama ng loob, ng matinding emosyon, isang salaming kakamustahin kapag gusto nilang ipaalala sa sarili nila na maganda sila at mahalaga at kamahal-mahal at importante...
ako nga ang mga tulang ito, at paulit ulit kong pinaghirapang buuin muli ang aking sarili, ang bawat dinurog na piraso ko'y sinusubukang buuin muli gamit ang hinabing mga tula
itinago ko sa bawat maririkit na salita ang mga lamat na hindi na maaalis pero pipilitin ko...
at sa huli naisip kong hindi ko lang pala gustong sumulat at bumigkas ng tula..
gusto ko rin maging tula ng iba, na mamahalin ako katulad ng pagmamahal na ibinuhos ko sa mga ito

at ayun nga... dumating ka.

ngunit tanong ko pa rin sa aking sarili itong palaisipan...  "naging tula mo ba ko talaga?"


hindi.

dahil hindi ka naman talaga interesado sa mga tula.


alam ko naman kung anong nais mo talaga..

ang gusto mo'y musika.


maganda, masarap sa pandinig, masasabayan mo sa pagsayaw... maipagmamalaki.


hindi naman ako musika... isa lamang akong tula.



isang daang tula.
alam mo bang kung nakakapagsalita lamang ang aking mga sinulat ay sigurado akong magtatampo sila
dahil naisulat na ang tulang bukod tangi sa lahat, tulang pinaka mamahal ko higit sa lahat
ito ay ang bawat tulang isinulat ko para sa iyo..
isa... dalawa... tatlo.. hindi ko na mabilang kung gaano karaming tula na ba ang naisulat ko para sayo
ngunit mas marami ata yung mga tulang isinulat ko nang dahil sayo
at wag kang mabibigla kung sasabihin kong hindi lahat ng iyon ay puro kilig, puro saya, puro tamis ng sandaling kasama kita
dahil sa bawat pagkakataong hindi mo namamalayang sinasaktan mo ako ay sumusulat ako ng tula
may mga pagkakataong ikaw ang dahilan ng mga luhang siyang naging tinta nitong aking pluma na pinangsulat ko ng tula

wag kang mag-aalala, hindi nasasapawan ng kahit anong sakit at pait ang pagmamahal ko sa iyo. :)


isang daang tula.
teka, kailan ba tayo nagsimula?
napakabilis ng panahon, lumilipas na kasing bilis ng pagningning ng mga bituin sa gabi
hindi pa tayo tapos mangarap ngunit tumitigil na... natapos na ang pagkinang.
inaawat na tayo ng kalawakan... o teka... mali pala... dahil ikaw ang umawat sa kalawakan
pinatay mo ang sindi ng pinakamakinang na bituing pinangakuan ko ng wagas na pagmamahal sa'yo habambuhay
wala nang natira.. pati ang mga bulalakaw na nagdadala ng milyong paghiling kong makasama ka hanggang dulo ay wala na, lumisan na
at hindi ko naman inasahan na sasama ka sa kanila
hinihintay kong hawakan **** muli ang aking kamay nang mas mahigpit sa paghawak ko ng kamay mo katulad ng una't pangalawang beses nating pagkikita pero
binitawan mo ako mahal



isang daang tula...












teka muna mahal, hindi ko pa naisusulat ang pang isang daan
bakit ka'y bilis mo namang umalis... hindi mo man lang hinintay na matapos ko ang mga tulang ito na nagpapatunay na minsan may tayo


pero pangako...


tatapusin ko itong isang daang tula at hindi ito magtatapos sa pang isang daan dahil susulat pa ko ng mas marami, susulat ako nang mas marami pa hanggang sa hindi na ikaw ang tinutukoy ng mga salita sa aking tula, hanggang sa hindi na ikaw ang buhay nitong aking pagtula...
ipapaalala ko sa aking sarili na ako ang mga tulang ito at hindi ako magtatapos sa panahong pinili **** umalis kesa basahin ako, pinili **** iwanan ang tunay na nagmamahal sayo, sabi mo iingatan mo ang puso ko ngunit hindi mo ba alam? ikaw ang muling sumira nito kaya't heto... may dahilan nanaman para sumulat ako ng tulang magbubuo ng mga piraso ng aking sarili na dinurog mo... pinili **** saktan ako, pinili **** lumayo para sa sarili mo, pinili **** maghanap ng mas maganda at mas higit sa akin, ang dami dami **** pinili mahal ngunit bakit hindi ako ang isa sa mga pinili mo? ah. alam ko na. dahil nga pala may mas higit pa sa pagpipilian kaya bakit nga ba ako ang pipiliin mo diba?


pero pinapangako ko... isa lamang akong tulang hindi mo pinag-aksayahan ng oras para basahin ngunit balang araw ay magkakaroon din ako ng sukat at tugma, ang mga salita sa aking malayang pagsulat ay tatawaging liriko at kapag ganap na akong maging musika... pangako.... huling pangako ko na ito para sayo kaya't makinig kang mabuti...




mapasabay ka man sa  saliw ng aking musika, kailanma'y hindi na ko ang kanta, liriko, musika, at tulang isinulat para sa iyo.
I miss you so bad but not enough to want you back.
Jeremiah Ramos Apr 2016
Bago ka umalis,
Sana pakinggan mo muna ako,
Pakinggan mo ang mga bulong sa isip ko tuwing nakikita ka
Sana hindi ito maging isang alaalang makakalimutan
Mga salitang papasok at lalabas din naman
At sana dalhin mo 'to sa pag-gising at pag-tulog mo
At alalahanin na para sa'yo to.

Hindi na kita mahal
Hindi na kita mahal
Makinig ka sa'kin.
Hindi. Kita. Minahal.
Hindi. Kita. Minahal

Ilang beses ko man ulit-ulitin sa sarili ko
Na minsan nawawalan na ng saysay ang salitang mahal
ang salitang ikaw, ang pangalan mo sa isip ko
Pero hindi pa din nawawalan nang saysay ang mga alaalang naiwan mga alaalang nakalimutan, at 'di ko alam kung tama bang binabalikbalikan ko
Ang gabing napagtanto ko na nahuhulog na pala ako sa'yo

Hindi na kita mahal
Na kahit lahat na siguro ng tulang sinulat ko ay para sa'yo
kahit lahat na siguro ng metaporang alam ko ay na inahalintulad ko sa'yo
Isa kang bulalakaw, isa kang bituin, ikaw ang buwan
Ikaw ang bumubuo sa ganda ng gabi,
Ikaw ang araw, ikaw ang mga ulap, ikaw ang langit,
Ikaw ang buong kalawakan na hindi ko kailanman pagsasawaan
Ikaw ang karagatan, mahiwaga at kapanga-pangambang sisirin,
Ikaw ang apoy, na nagpapaliwanag at nagpapainit ng gabing malamig
Ikaw ang librong 'di ko kinakailangan ng pahinga
Para intindihin ang bawat salitang nakalimbag sa bawat pahina
Ikaw ang sining ko
Ikaw ang tulang ito.
Para sa'yo at tungkol sa'yo.

Hindi kita minahal,
Kahit na lagi kong inaabangan ang mga storyang kwinekwento mo
Na para bang hinahatak mo ako pabalik kung kailan nangyari ang mga 'to
at sinamahan ako para panuorin natin
Kung sino ba ang nandito at nandoon
Kung nasaan ang mga silya, lamesa, pintuan, at bintana
Ang mga pangalan ng mga minahal mo at nagmahal sa'yo na dapat mo na sigurong kalimutan
Kung saan kayo nagkakilala,
Kung anong naramdaman mo nung nahuli mo siyang nakatingin din sa'yo at nagkasalubong ang inyong mga mata
At sa lahat ng storya mo,
Napagtanto ko na ayoko maging parte ng mga storya **** nakalipas. Na sana ako ang storyang hindi mo kailanman iisipin na bibigyan ng wakas.
At ikwento mo din sana ang gabing ito
Ikwento mo ang bawat paghinga ko sa bawat puwang ng mga salita
Ang pagbuka ng bibig ko para sambitin ng tama ang bawat pantig, ang pag nginig ng mga kamay at tuhod ko,
At kung maririnig mo man, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
Ikwento mo.
Ibulong mo sa pinakamalapit **** kaibigan, para manatiling sikreto.
Ang tinatagong nararamdaman na 'di mo na siguro kailangan malaman.

Tama lang siguro na magkaibigan tayo,
Kasi
Hindi na kita mahal.
Hindi kita minahal.
Pinilit ko lang ang sarili kong mahulog sa'yo
Pinilit lang kitang mahalin
Para makalimot, para iwanan ang dating naramdaman.

Gustohin ko man ulit-ulitin sabihin sa'yo,
Magsasawa ka sa bawat pantig, sa bawat letra.
Kaya ibubulong ko na lang sa sarili ko, para manatiling sikreto
Ang dating nararamdaman na hindi mo na kailanman malalaman.

Kaya bago ka umalis,
Sana pakinggan mo muna ako,
Sa huling pagkakataon pakinggan mo ang katotohanan
Isantabi mo ang mga bulong sa isip ko na napakinggan mo.
At sana tandaan mo na
Dati, at dati lang
Minahal kita.
Para kay __.
isang umaga, susubukan kong bumangon kasabay ng araw
kung kailan namumulaklak ang rosas sa ibabaw.
pangarap kong makita ang Diyos magpinta ng mga ulap,
ngunit ngayon, pabigat nang pabigat ang aking mga talukap.
sa panaginip ko lang muna ‘to lahat masasalubong
dahil sa kasalukuyan, kailangan ko muna ng tulog.
Bryant Arinos Aug 2017
Sarap ng mga ala-ala nating dalawa dati oh. Puyat magdamagan, nagtetext at halong kulitan.
Sobrang sweet natin grabe, halos paggising sa may goodmorning agad at kiss emoticon pa
Di nga maipinta ang mga ngiti sa ating mukha kada umaga kahit pagbangon natin halos tanghalian na.
Pero bakit ganoon? Ano bang nangyari? Nagkasawaan ba? Oo nga hindi tayo pero pakiramdam ko iniwan mo ko.

Madaling araw nanaman panigurado puyat nanaman.
Katulad ng nakaraan paniguradong mukha nanamang lutang.
Apat na oras ang tulog, pagkagising handa ulit para matulog.
Pero dahil ayon nga umaasa, pinilit magising para di mahulog sa kapit ng kama.

Umagang-umaga, umaasang sana reply mo kagabi ang una kong mababasa.
Hawak ang telepono pero nanatiling sawi dahil walang mesaheng dumating at nakita.
Pikit-mata dahil napapaisip bakit nga ba di mo pa rin pansin.
Kulang ba ang emoji at mga puso sa bawat mensahe ko kaya di mo kayang kiligin?

Mayroon bang ibang mas magaling pumuri sa iyong ganda kesa sa akin?
O sadya lang talagang mas gusto mo siyang kasama kumpara sa akin?
Ayos lang naman talaga sa akin kung sasabihin **** niminsan di mo ko nagustuhan.
Kaso hindi eh, pinaghintay mo ko ng kaytagal at pinaasang pasado sa lahat ng 'yong basehan.

Bagsak na nga eskwela dahil pangalan mo ang sagot sa bawat patlang na sigutan ko.
Tapos pagdating sayo bagsak pa rin ako kasi di ko makuha-kuha ang sagot galing sayo.
At ngayon nabago na ang ikot ng mundo ko, pakabila, pasalungat at malabong magtagpo ulit tayo.
Pasalamat na nga lang kay Bathala dahil hinayaan niyang magkakilala tayo.

Halos hirap pa ring paniwalaan, na sa isang pitik ng mga daliri nawala na ang lahat.
Masasayang ala-ala na akala ko panghabang-buhay na, kaso lahat nawala at laglahong parang bula.
Tigas kamao at suntok sa buwan ang tiyansang maibalik lahat ng nasa nakaraan.
Siguradong matinding panalangin ang kailangan para ibalik ni Bathala ang ikot ng orasan.

Mabuti nalang talaga'y unti-unti ko nang natatanggap ang lahat ng mga nangyari ay tapos na.
Konting tulog pa ng maaga mababawi ko na lahat ng nasayang na umaga.
Sa susunod matutulog na ako bago mag alas nuwebe para makompleto na ang tulog at di lutang tuwing umaga.
Ang tagal ko rin tong pinagsisihan na sana tinulog ko nalang yung mga panahong pinagpuyatan kita
alvin guanlao Feb 2011
hiniling ng diwang bumalik sa sinapupunan
sa panahong ika'y hinahainan ng hapunan
lahat ng bagay ay pwedeng iisang tabi
tulog sa paghalik ng umaga sa gabi

di akalaing maipaghahalo ang saya at sakit
kailangan **** mamatay para mabuhay
higop sa kamalayan o kapeng mapait
hibang ang sarili, kaisipang mahalay

babarin ang isip sa likidong tutunaw sa lahat
tikman mo ang iyong dagat na walang kasing alat
manlagkit sa salamin, tapos na ang bukas
hahalik ang umaga sa gabi at wala kang takas

ang katamaran ay humahalili sa kapalpakan
hinayaan **** humalik ang umaga sa gabi
wag kang magdahilan, hindi mo sinubukan
pigilan ang paghalik ng umaga sa gabi
Dark Oct 2018
Araw gabi ikaw ay iniisip,
Bat ayaw mawala sa isip,
Pati pag-tulog ika'y laging nasa isip,
Sa mahihimbing kong pagtulog ika'y laging nasa panaginip.

Masayang pangyayari di mawawaglit sa aking isipan,
Dahil ikaw ang bumobuo ng buhay kong may hangganan,
Kaya't sana iyong tandaan,
Puso ko'y iyong pangalagaan.

Ika'y inaasahan,
Maging kasintahan,
Ika'y aking nagustohan,
Kaya't sa huli ako'y naparusahan.

Pero ang ating relasyon ay isang kathang-isip lamang,
Relasyong aking isinilang,
Dahil sarili ko'y linilinlang,
Ako'y nanghihinayang.
Pia Montalban Aug 2015
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang mga butil ng bigas
Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay
Na bago pa man maitundos sa lupa
May paghahandang dapat na maisagawa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang kailangang palipasin
Ilang mga araw at linggong magdamag
Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo
Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y
Mahabang takipsilim ng pag-aabang
At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig,
Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may panahon ng paghahasa
Ng mga gulok, sundang at karit
May panahon ng paghahawan
May panahon ng paggapas at pag-aani
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may aangkin ng lupang kanila
Batid nilang may panahon ng paniningil
May panahon ng pag-ani ng karapatan
May panahon ng pagkapatas
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay
Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising
Ang oras ng pagtindig
Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
Ace Jhan de Vera Apr 2016
Andiyan ka na sa malayo,
Sa pagtalikod ko nakikita kitang kumakaway,
Ni hindi ko maisip kung paalam na,
O panibagong simula para sa ating dalawa.

Napakasimpleng bagay ng isang pagkaway,
Na bumabagabag sa isip ko kung ano nga ba ang totoo,
Magkikita bang muli kung saan tayo noon nagtagpo,
O ibabaon na sa limot at ibubulong sa unan ang lahat habang nakayapos sa kumot.

Dagliang sasagi sa aking isipan,
Ang mga matatamis na salita na binibulong sa aking tenga,
Yung sa pag tulog ko ikkwento mo sa akin kung gaano mo ko kamahal,
O di kaya uulit ulitin mo kung gaano ka nagpapasalamat na ako'y iyong nakilala,
Dahil binago ko ang takbo ng buhay mo,
Dahil pinatunayan kong may tao pang kagaya ko,
Na totoo,
Na may puso,
Na may pagnanasa para sa isip mo ngunit hindi sa katawan mo.

Biglang magdidilim ang lahat at makikita ko ang iyong mukha,
Namumula,
Nanggagalaiti,
Halos pumutok ang ugat sa kakasambit,
Ng mga salitang napakasakit,
Pero muling kakabigin ng mga bisig,
Na nakasanayan ko nang sa aki'y kumikikig.

Nagmimistulang saranggola,
Na sa ere'y inihitya,
At unti unti tinutulak palayo,
At tinatangay ng hangin,
Papalapit sa mga ulap at malapit ng maabot ang langit,
Biglang hahatakin pabalik gamit ang lubid na nakapalupot sa aking katawan,
Para saan?
Para ulitin kung ano ang nakasanayan.

Kaya para saan ba talaga ang iyong pagkaway?
Mamaalam ka na sana,
Dahil parang araw na sumisilaw sa aking mga mata.
Ang sakit tingnan,
Pero alam kong ikaw ang magbibigay ng init sa nanlalamig ko ng mga laman.
Pero kailangan ko na sigurong kalimutan,
at muling mabuhay sa mundong,
Para lang sa akin,
At hayaan kang maglayag,
Sa karagatang ninanais mo.
Sa hinaba-haba ng tag-init
Ngayon nalang ulit umulan.
Nang malakas. Nang saglit
Di ko mainitindihan ang langit.
Kung paano niyang iniluha
Ang bigat ng bawat kahapon
Ng natuyo niyang pusong
Pinigilang umagos
Sa mahabang panahon.
Tumangis siya
Nang malakas
Dahil di niya maamin
At di niya matanggap
Ang itinakda **** pagwawakas.
Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin.

Ngayong gabi.
Ang kanyang napili
Na ibulalas ang lahat
Sa pag-aakalang
Tulog na ang lahat
Lahat ng mata’y nakapikit.
At wala nang makakarinig
Ng pagtangis
Na mayroong balang-araw
Na katabi mo siyang
Mahihimbing.
Ngunit nagkamali siya.
Saan nga ba tutungo
Matapos niyang iluha
Ang lahat sa lupa
Na aanurin
Patungo sa puso ****
Kinakain ng pangungulila.

Sa hinahaba-haba ng tag-init
Ngayon nalang ulit umulan.
Nang malakas. Subalit saglit
Marahil ay ayaw niya
Nang makasakit.
O gusto ka lang niya damayan
Sa gabing
Wala ka nang ibang inisip
Kung bakit ka niya iniwan
O paano ka niyang nagawang saktan
Kung paano sinira
Ang bawat pangakong
Binitiwan.
At kung paanong di mo masabi
Ang tunay ****
nararamdaman.

Kaya sa susunod
Na iiyak ang langit
Kapag malamig ang gabi
At pangalan niya
Ang tanging kayang bigkasin
Ng mapuputla **** labi
Ay patuluyin mo siya.
Hayaan mo siyang umapaw
Hayaan **** bahain ka
At tuluyang ambunan
Ang natutuyo mo ng puso.
Makipagsayaw ka
Kung kinakailangan
Nais ka lang niyang damayan

*Gusto niya rin ng karamay.
Sy Lilang Jun 2014
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.

May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.

Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.

Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.

Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.

Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.

Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.

Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.

Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.

Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.

Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!

(6/28/14 @xirlleelang)
Ysa Pa Jun 2016
Oo ginawa mo na ang lahat
Binigay mo ang higit pa sa nararapat
Bumangon, tumakbo at tumalon ka na
Nagkandasubsob at nagkadapa-dapa ka pa
Tumawid ng bundok at ng mga karagatan
Ikaw ay nalunod at nasaktan
Nagsunog ng kilay, at kinalimutan ang tulog
Hinarap mo lahat at ikaw ay nagpabugbog
Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo
Ngunit ikaw ay nabigo
Masakit, oo! Walang duda yan
Lalo na kung nalahat na ang iyong kakayahan
Nakakalugmo at nakakadusa
Nakakaiyak at nakakawalang pag-asa
Parang pinagsukloban ng langit at lupa
Parang pinagkaitan ng lahat ng mga tala
Mahirap! Masakit! Oo alam ko
Pero hindi pa ito ang huli o dulo
Maniwala ka sakin, mahirap pero kakayanin
Masakit pero hindi imposibleng gawin
Kung kelan nakasuka ka na ng dugo
Tangina! Ngayon ka pa ba susuko?
Lets just say that something happened...
Dhaye Margaux Sep 2015
Heto ako ngayon, punum-puno ng ngiti
Isang balatkayo na mananatili
Habang ako'y takot, ngayo'y walang lakas
Tahakin, suyurin, maulap na bukas

Masdan mo ang labi na nag-aanyaya
Ng isang masayang puso ko at diwa
Subalit kung masilip ang puso kong pagal
Lakas at tatag ko'y di na magtatagal

Halika't yakapin ang aking alindog
Masdan at lapitan, aking niluluhog
Sana makita mo ang bawat bahagi
Naluray na laman, dito sa 'sang tabi

Durog na ang dibdib, maging ang isipan
May bukas pa kayang sa 'ki'y nakalaan?
Masdan ang palad kong natigmak sa dugo
Halika't subukang gamutin ang puso

Tayo na't maglakbay, ang diwa kong tulog
Panaginip sana'y saya ang idulog
Maging totoo ka't isayaw mo, sinta
Magsaya sa gabing pag-ibig ang dala.
Para sa mga nangangarap... <3 <3 <3
Vn Carlos Dec 2013
Minartsa mo ang entablado na may dalang titulo,
Binaba mo ang mga baitang,
ngunit ibinaba mo rin ang iyong kapangyarihan.

Ngayo't puyat ka maghapon at magdamag,
hindi upang turuan ang mga bata,
kundi upang humikayat,
tulog sa umaga't gising sa gabi,
upang makipagtalastasan:
at para sa kanila'y isang makina ka lamang.
at para sa kanila'y isang boses ka lamang.

**** sana'y paglipas ng panahon ay wag **** kalimutan.
may mahalaga ang bawat araw ng buhay mo,
upang ibangon ang kapwa mo.

Wag **** talikuran ang iyong misyon,
bagkus gawin mo ang iyong obligasyon.
isang makahulugang rebolusyon.
John AD Apr 2018
Gera nang karahasan,Pagyao ng iilan
Kasamaan na meron sila,inosente ang pinupuntirya
Marami na ring nabubulag sa salapi,masyado ng sakim sa kapangyarihan
Kaya pati mga mamamayan,ginagawan ng paraan para kumita sila ng barya

Sakim sa kapangyarihan,umiiyak ang iilan
Wala na ngang laban,Sinasabi nyo paring nanlaban

Tahimik lang akong naglalakad,bukid ang kapaligiran
Ang dami kasing magsasaka,kung magtanim droga ang nilalagay sa tagiliran
Kaya kailangang mag-ingat,magmasid dahil
Hindi lahat ng tagapangahalaga sa bayan ay dapat pagkatiwalaan

Narinig mo na ba yung putok ng baril sa kanluran
Nangangahulugan na nawalan nanaman tayo ng isang pag-asa ng bayan

Inabuso na kasi ang katungkulan,Sulit tuloy ang nakamit na kalayaan
Ang tagal nga imulat ng mga mamamayan ang kanilang isip at matang nagbubulag-bulagan
Ginigising ko na kayo,Tulog pa yata,Lasing sa tinomang alak ng kalokohan,
Tanghali na!Tulog na ang mga manok na naunang nagising kanina habang tayo'y nagbibingi-bingihan.
Gising!
Lance Cecilia Jan 2017
Kumapit ka.

'Wag kang bibitiw mula sa 'king kapit,
Kung kailanga'y dakutin mo ang aking damit.
'Wag nang mag-atubili at ika'y humawak nang mahigpit,
At makinig sa lahat ng aking mababanggit.

Hindi lahat ng pangarap ay nakakamit.
Hindi lahat ng bituin ay naaabot.
Hindi lahat ng bundok ay naaakyat,
At hindi lahat ng kapatagan ay nalilibot.

Hindi lahat ng bukang-liwayway at dapithapon ay romantiko,
Ngunit bakit kaya'y sa bawat pagsalubong ko sa araw ay ikaw lang ang laman ng isip ko?
Hindi lahat ng panahong magkasama tayo ay puno ng kilig,
Pero bakit kaya'y tila nauuwi na yata ito sa pag-ibig?

Hindi lahat ng araw ay puno ako ng tuwa,
Pero salamat nga pala sapagkat ikaw ang dahilan ng aking saya.
Hindi lahat ng tulog ko ay mahimbing at mabisa,
Ngunit dahil ikaw ang aking panaginip, salamat na rin pala.

Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit,
Ang bituing nais maabot,
Ang bundok na iniibig kong akyatin,
Ang kapatagang gustong malibot.

Kapag kasama ka'y ang bawat takipsilim ay nagiging romantiko,
Nagiging matingkad ang kulay ng bawat bahaghari,
Nagiging sabay ang kumpas ng bawat kanta sa tibok ng aking puso,
At nagiging katotohanan ang isang pangarap na nais kong makamit

Ngunit salamat sa pagturo sa 'kin
Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din.
Hindi lahat ng ginawa ko ay kaya **** gawin.
At ang pinakamasakit sa lahat, ay 'di mo pa rin ako kayang mahalin.
sa may dagliang liko
abot ng aking ligaw na sulyap ang
sabungan. matatas ang kanyang
ngalan.

"Cockfighter's Rendezvous" kaunting
lakad lamang pabalikwas sa
MERALCO kung saan isang mahabang
karagatan ng tao ang pilit
na inaalon ng bayarin, kaltas
sa sahod, bulag sa paroroonan.

ayon sa mga akda ay mayroong
Kristo sa sabungan. siya ang
nangangasiwa sa aliwan ng mga
drayber. ang matalas na tari
ng kanilang hagikgikan
ay lumulubog sa haba ng
pantimpalak

naroon daw si Kristo
habang
ang dagundong ng batingaw
ay tulog sa tore.
pitikan ng pitikan ng yosi
kung saan na lamang maisipan
ng pagod na kamay na may samyo
ng dala nitong lansa,
at matapos ay papasok ng muli
sa simbahan kung saan
kasabay ng pag-danak ng dugo
ang pag-kubra ng nag-wagi.

hawak ni Kristo ang patay
na manok,
nasusulat sa tari ang
linya ng dugo.
alam ko naroon si Kristo.

hawak ni Kristo
ang mga baryang kumakalansing.
ilang pirasong pag-asa
para sa pawisang drayber,
para sa parokyanong lasinggero,
para sa baguhan sa aliwan,
para sa llamado.

hawak ni Kristo ang lahat,
at siya ang panuto
sa pagsusulit ng ganid.

pauwi na ako. wala na ang
alingawngaw ng sigawan.
Lunes nanaman at ramdam
ng lahat ang bigat
ng parating na mga araw.
Elizabeth Oct 2015
Kahapon, noong gabi
Noong tulog ang mga ibon
Noong umiiyak ang mga tala
Dama ko ang iyong hiwaga

Ako ay iyong minasahe
Tila binugbog na sibuyas
Mga kamatis na nagdurugo
Palihim mo akong niluto

Dahan dahan ang haplos
Mula apoy hanggang upos
Dala ko ang mga pasa
Ultimo mga halik na basa

Mura lang ang aking binayad
Dumukot sa butas na bulsa
Dinig ko hanggang kusina
Ang tawag ng aking sikmura
Titigilan na kita
Gat-Usig Oct 2013
Mahal ko ang Filipino, pagdiriwa’y walang plano
Malaking palaisipan pag-alala ng gobyerno
Samantalang ‘di naisip prayoridad wala rito,
Pagpapayaman sa Ingles hindi na magkandatuto.

Paggunita anong saysay, pagsasabuhay sa wikà
Makakapagpamulat ba lalo na sa mag-aaral;
Pagsambit sa mga ito maging sa mga parangal,
Ito ba’y nakagugulat isang buwang itinakdà.

Totoo namang ginamit sa pakipagtalastasan
Filipino’y instrumento sadyang hindi matumbasan;
Kahit na karamihan pa napagkakamalang Kanô
Pakikinig sa istasyong bumibilib na napunô.

Ang tanong sa puntong ito, napapayaman ba kayâ?
Sa mga naging konteksto, ang masa ba’y nakukutyâ?
Sa mga nakakarinig, nahalua’y kabaduyan
Maging mga komentaryo, kalaswaa’y kinantsawan.

Kung bastos ang naging dating, anong magiging termino?
Ang mga dapat ilimbag sa papel ng mga dyaryo;
Sa pagbibigay ng aliw,ito’y pulos kababawan
Inisip ng mamamayan, may ganitong katangian.  

Kapuri-puri ang iba, may mahahalgang paksà
Ito’y kinakikitaan na may seryosong diskurso;
Sa kabilang banda pala, ito’y nawalan ng bisà,
Tulog na ‘pag pinalabas, ito’y kadalasang kaso.

Paano papaunlarin kung iba’y pinagpilitan
Tunay na nakalulungkot ito’y naging panambitan;
Sa halip pa ngang gamitin bilang makatwirang midyum,
Sa mga usap-usapan, maging sa mga simposyum.

Ang pagpapaunlad nito ay hindi sa balarila
Hanggang sa pag-uunawa pati ng ortograpiya;
Kinailangang mawala ang mga maling pananaw,
Ito’y nangangahulugang pagkilatis ‘di papanaw.


Ang natanging lingua franca nagbibigay identidad
Sambayanang sumasambit pagka- Pinoy lumalantad;
Sa bansa’y nagbigay-linaw, paggamit ng isang wikà,
Kaysa sa salitang- dayo, nagturan ng hakahakà.

Oo, Agosto na naman, dapat pa bang magkamayan?
Wika nati’y maging ilaw siyang magsisilbing lakas,
Juan, gumising ka naman, kamtan mo’y tuwid na landas;
Kung hindi tayo kikilos, mayroong paglalamayan.
Patay sindi ang ilaw sa kwarto. Bawat pagsindi ay napuputol ang tulog na mga limang minuto pa lamang ang tinatagal. Kaluskos mula sa kisame ay pilit na sinasawalang bahala.

Ang salamin sa aparador sa paahan ng aking kama ay mistulang naggiging larawan. Mayat maya'y nagkakaroon ng imahe ng isang babaeng naka trahe de boda. Balingkinitan ang katawan, bagsak ang balikat, bahagyang nakatungo't walang bahid ng kagalakan sa kanyang mukha. Ilang saglit lang ay mawawala.  Dali-dali akong tumayo at binuksan na lamang ang pinto ng aparador. Ihinarap sa pader ang salamin, sabay balik sa aking kama. Ang loob ng aparador na lamang ang aking nakikita. Wala na ang babaeng nakaputi, di narin nagparamdam muli. Nawala narin ang nakakabahalang kaluskos sa kisame. Ang ilaw ay nanatiling nakasindi.

Alas-tres na ng umaga nang ako ay nakatulog. Nagising ng alas-sais at nagmamadaling naligo't nagbihis. Iniligpit ang gamit sa bag, nagsuklay at napaharap sa salamin. Natigilan. Nakasara na ang aparador.

- March 15, 2010, Vigan
Georgette Baya Sep 2015
Offline nanaman siya. Pwede naman kasing magsabi sya ng wait, para alam kong di ako umaasa.
Madalas kasi lagi syang bigla biglang offline, ayoko namang tanong ng tanong tapos chat ng chat sakanya kasi minsan parang feel ko nauurat na siya. Feel ko lang kasi kahit ako nauurat nadin eh, paulit ulit nalang. Pero okay lang, kailangan ko nang masanay. Sanayan lang naman to.

But he's worth it, I swear he is.

If i would compare him, to a thing..
Probably it would be a Gum.
Sa una lang sweet, sa huli nawawalan na ng lasa. Bow!

Pero mahal ko padin sya kahit ganun sya.

As a girl, marami kaming gusto sa isang lalaki.
Lalo na ang mga Sweet Conversations, that always makes our days.
At ang pinakabest part? Yung mga Long Goodnight and Goodmorning messages, yung tipong gigising kaming mga babae sa isang sweet and blissful morning messages.

Yung tipong,
"Hi alien! Good morning, sorry kung natulugan kita kagabi,
antagal mo kasi magreply eh kala ko tulog kana. Sorry kung nag antay ka man, babawi ako. I love you"

Charot lang kahit wala ng, I love you.
As long as it touches our hearts.

Kumain ka na ng tanghalian oy, wag ka magpapalipas.
Magandang umaga
Yan ang bungad pagbangon sa kama

Kain na
Ang sarap pakinggan tuwing napapasin na ako'y gutom na

Pahinga ka muna
Hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka aking sinta

Mahal kita
Mga salitang hindi nakakasawang marinig mula sa kanya

Tulog na
Lumipas ang isang araw na masaya sa piling ng isa't-isa.

Mga salitang sa akin ay nagpapasaya
Simpleng mga salita na sa akin ay mahalaga
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
Sy Lilang Aug 2016
080416

Para akong sumusuntok sa hangin noon,
Noong bigla kang nagpadaig sa ihip nito.
Sana tinangay na rin pati ang damdamin,
Mas masakit pala kasi iniwan **** may pait.

Para akong sumusuntok sa pader ngayon,
Ngayong sabi **** hindi naman nagbago
Pero ang sakit na ng mga kamao ko,
Nasusugatan ako
Pero pilit akong kumakatok
Sa puso **** malaki ang pader.

Para akong sumusuntok sa punching bag,
Pinipilit kong husayan kahit dumadaplis ako.
Kapag  nangangatog ang tuhod ko't napapaluhod,
Sabay ang luha sa tagaktak ng pawis.
Pero muli akong bumabangon.

Para akong sumusuntok sa unan,
Gusto kong mamahinga
Pagkat pagod na ang puso.
Masakit na ang mga kamao
Naaawa na ako sa sarili ko,
Kaya't pipilitin kong pumikit.

Kailangan ko ng tulog na mahimbing
Oo, iiyak na naman ako
Sinusuntok kita
Hindi dahil galit ako;
Sinusuntok kita
Kasi kahit pagod na
Sayo nais mamahinga.
Nyl Oct 2017
Tulala sapagkat walang ginagawa,
sa maghapong oras ay nagdaraan
Tulala sapagkat napapagal,
buong araw sa trabaho ay inilalaan
Tulala sapagkat sawi,
puso ay humahangos at puno ng pighati
Tulala sapagkat nabigla,
may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti

Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip,
panahon na walang alintana
Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na”
Ang pagtingin sa kawalan ay para ring
mahimbing na tulog sa gabi-
Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin
at itago ang labi
At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw-
Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw

Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa
para gunitain ang pag-ibig
Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip,
isip na puno ng ibang ligalig
Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman
Kung hindi man, ay para saan?

Iwaglit na ang mga sapantaha,
sapagkat ang tulang ito ay nagawa na
Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila
At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag
Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
Danice Feb 2019
ako'y pupungas-pungas
ngunit pinili ang mata'y isarado
pinilit matulog, nagbabakasakaling
ang payapang panagip ay bumalik;

ako'y nasa lugar na nais
sa lugar na lahat ay tunay,
sa lugar kung saan walang madla,
sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama
sa likod ng ngiting pinapakita.

nakaupo sa pino
ngunit puting buhangin,
pinagmamasdan ang tulog na ulap
sa likod ng mga kumikinang na bituin,
at pinapakinggan ang tila walang sigla
na hampas ng alon sa dalampasigan

isip ko'y binabaha
ng mga salitang hindi mailabas,
sa tahimik na lugar na nais
nagtanong sa sarili,
"mayroon pa bang saysay
itong buhay na walang halaga?"

— The End —