Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
katryna Jul 2018
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan
Minsan malayo,
Minsan maulan,
Madalas walang oras.
Pero kailangan natin puntahan.

                 Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin
                 Para madaling magdahilan.
                 Pero kapag puso ang tumawag,
                 Kalinga ang nangailangan
                 Pag unawa ang nais maging hantungan.

Iniisip ko,
Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan.
Binabalik ako sa katotohanang,
Wala na.

                                     Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.
                                          Madalas mangamusta.
                                              Madalas­ magsabing magpataba ka.
      
                 Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,
                 Kahit kailangan na.

                                          Marahil ito nga.

Dinadala ako sa ibang direksyon,
Sa ibang tahanan,
Sa tahananang walang ibang tao.
Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo.
Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso.
Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.

                                        Marahil ito nga,

Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala
Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama.
At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita.

Ang mga tinago kong munting ala-ala
In loving memory of Mr. Wally Nocon, I know you know how much I miss you. Sana :) Nakakarating naman ung mga message ko diba?, sipag nga po ng messenger ko eh :)
J Aug 2016
Ilang buwan na ang lumipas,
Ngunit bakit ganoon ang puso ko patuloy parin kumakaripas,
Ang iyong matamis na ngiti,
Sa mga tingin mo palang alam kong hindi ako makaka-hindi.

Mga alaala na bumabalik,
Sa mga yakap at halik mo ako'y nasasabik,
Nakakatawa dahil sa bawat sulok ika'y naririnig,
Boses **** nakakaakit at sobrang lamig,

Hindi ko maiwasan hindi malungkot,
Siguro dahil sa sakit na naidulot,
Pero okay lang, dahil tapos na akong umiyak,
Tapos na ako sayo at dito ako'y tiyak.

Salamat nga pala sa lahat ng iyong nagawa,
Siguro nga kung hindi ka nagsawa,
Nakagapos parin ako sa iyong mga pekeng pangako,
Gabi gabi parin nakabalot sa mga yakap na para akong nasa loob sako.

Grabe pala ang aking naranasan ng dahil sa pag-ibig,
Gusto ko magmura at gusto ko iyong marinig,
Puta, nag-iwan ka ng lamat sa aking mga kamay,
Gago, dahil ang puso ko muntikan mo nang mapatay.
aL Feb 4
Sa minamahal **** mga puting pahina
Inuukit ang guhit, mga pinagtabing letra
   Maibsan lang ang nangungulit na pangungulila
Upang pansamantalang mawala sa mga alaala;

Saradong puso na nais sanang muli ay madalaw
Ngunit ang susi tila'y tuluyan nang nagpaagaw
Marahil sa tulad kong naghintay sa pagikot ng mundo
Para lang masulyapan ang magandang ngiti mo
__
Hilaw na pagtingin, hindi na mapagbibigyan
Sa iisang hiling na ikaw ay mapakiusapan
Tanging hangin nalang ang mahahagkan
Habang ikaw ay nasa aking magulong isipan

Sa minsanang aking pagkakamali
Mas nakilala ka
warning: bit of edgy

-metaphorical
.
Nymeriari Jan 25
malamig sa isang silid
may kasamang pighati, saya at lungkot
sa bawat paghinga,
ramdam ang pagbagsak ng luha.

magkakahiwalay na tayo
sakit na tila kinukurot ang puso
sakit na walang ibang lunas,
kundi ang pagsasamahan nating nabuo.

sinulat ko ang tulang ito
para kahit ako'y lilisan na
maaari ko pang balikan lahat.
lahat ng alaala at samahan,

mga alaala na hindi ko makakalimutan,
katulad ng...
habang tayo'y naghihintay ng ticket
habang tayo'y nagbabasa ng email thread
habang tayo'y nakaupo sa isang silid

nagkukwentuhan,
nagtititigan,
nagmamasid,
naglalaro ng moba,
nanonood ng youtube,
nakahawak sa mga selpon.

na tila bigla bigla tayong natinag
sa mga boss na dumadaan
na kahit sa dami natin sa area
nagawa parin tayong turuan
at pag tiyagaan nila sir at ma'am.

napaka-lungkot lang isipin,
na ang ating samahan,
sa kathang-isip na lamang.

alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan

pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat
yung puno ng tao sa isang silid.
puno ng tunog at salita 
puno ng biruan at tawanan
pero ramdam **** maiiyak ka
ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka

sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang 
kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
nakakapagod mag-isip.

pero alam naman natin
ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga 
ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama

ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya

ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam

iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa

yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
alam ko, napapagod rin kayo
sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
sa mundong malawak.

pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao,
na nakikita ko mula sa inyo.
ngiting kay gaan sa pakiramdam,
na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti.

Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti.
Na nakakapawi ng pighati,
Salamat,
Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
#TSG #OJTdays
aL Jan 29
sa kanyang magulong sanlibutan
kay daming naghahanap ng kamusmusan
tila ang pagkabata ay hindi natikman
walang tigil ang pagkulo ng tiyan
sa gutom na hindi maibsan
ng kahit ilang pagkain na nasa pinggan.
ang nalalabing alaala at kaalaman
ay natapon sa maagang katandaan
Ron Peter Dec 2018
ito ay isang liham na isinulat ng buong tapat
para sayo at para sakin

maaring pag lipas ng panahon
ay makalimutan ko ito
at maaring mag laho
ang liham na ito ng tuluyan

nakalaan ang liham na ito
sa taong mag tatago ng ating mga alaala habang
siya ay nabubuhay

simula ng makilala kita
ay naakit ako sa maaaring
maging sanhi at bunga nito

sa simula, inakala ko ang katuparan ng aking mga pangarap ang bunga

hindi nag tagal naisip ko ang paulit ulit natin pag uusap ay siyang bunga nito

pagkatapos non'

naniwala ako na ang simula ng aking bagong buhay sa ibang mundo ang bunga

ngayon ko lang napag alaman kung ano ang tunay na bunga

kung ang sanhi ay
ang pagkakaroon
ng lihim na pag mamahal sayo,
ang bunga ay ang pagka-wala ng lahat sa buhay ko

ang kinabukasan ko,
ang panuntunan ko,
ang mga taong malapit sa buhay ko,
at maging ikaw

hindi ko natitiyak ang mga mangyayari mula ngayon

tuluyan na ba natin makakalimutan ang bawat isa?

kung magpapatuloy ang mga alaala at habang buhay na
pag durusa

isa lamang ang hihilingin ko

ang manatili ka sa puso at isip ko

dahil katumbas ng walang hangang nararamdamang sakit ang mapag kaitan ng mga alaala mo

at para sayo kung sakaling mabasa mo ang liham kong ito

isa lamang ang dalangin ko,
nawa'y hindi mo na malaman na ito ay para sa iyo.
HYA Nov 2017
Ikaw.
Yung unang lalaki na sa akin ay nagpatili
Ikaw.
Yung unang lalaking nanatili sa aking tabi
Ikaw.
Ang unang lalaki na nagpasagot sa aking ng 'oo. '
Ikaw.
Ang unang lalaking nagpasabi sa'kin ng 'father,  yes I do.'

Kaya bakit naman kita makakalimutan?
Sa aking isip at damdamin,  hinding-hindi ka mapapalitan
Sa iyo ko naramdaman ang sensasyong akala ko'y imposible
Sa iyo ko nalaman na merong mga bagay pala na pwedeng mangyari

Kapag tayo'y magkasama
Higit pa ang aking saya
Minsan nga lang ay nalulungkot
Ngunit napapatawa rin naman sa iyong pag-utot

Hanggang sa pagputi ng ating mga buhok
Hanggang sa pagkalbo ng lahat ng bundok
Hanggang sa aking huling salita
Tandaan na ang iyong pangalan pa rin ang isasamba

Ikaw.
Ikaw lang ang kinakailangan.
Kinakailangang maglapat ng labi sa akin.
Ang pwedeng sumigaw upang ako'y gisingin.
Ang maaaring yumakap sa mahinang bewang
Kahit na parang nababali na ang noo'y masiglang balakang

Ikaw.
Ikaw lang ang aking hahanapin.
Sa aking pagtulog hanggang sa paggising
Sa pagpikit ng mga matang ikaw lamang ang nakikita
Sa pagdilat ng mundong puno ng pagkakasala.

Sa ating pagtanda,
Tayo pa rin ang magsasama
Magkahawak kamay at ngingiti sa isa't isa.
Ako'y iyo at ika'y akin
Mga pangako'y di na dapat bawiin.

Sana,  ikaw din ang huli
Na sa akin ay magpapatili
Ikaw din ang huli
Na mananatili sa aking tabi
Pangako,  hanggang sa dulo ng aking 'oo'
Hindi maglalaho sa alaala ang iyong mga katagang ako lamang ang iyong gusto.

Sa ating pagtanda,
Alalahanin mo sana
Na ikaw ang mahuhuli sapagkat ikaw din nauna.
Wis and I wrote this for our grandparents. STAY STRONG!
Dark Oct 2018
Sino nga ba ang pipiliin?
Ako'y nalilito sa babae'ng mamahalin,
Parehas na inaangkin,
Sino nga ba ang mamahalin?

Sila'y parehas na mahal,
Parehas na espesyal,
Parehas na minamahal,
Sino nga ba ang orihinal?

Puso'y nalilito,
Ang puso ko'y magulo,
Sino nga ba ang paborito?
Sino nga ba ang gusto?

Parehas na ayaw mawala,
Pinipiglan ng masasayang alaala,
Pagmamahal sa ka nilang dalawa gusto nang mawala,
Upang dina makagawa ng malaking pinsala,
Sa muling pagsibol ng umaga
Asahan **** di na maibabalik pa
Mga masayang alaala
Nang kahapon nating dalawa

Sinikap ko namang ipaglaban ka
Umasang baka pwede pa?
Ngunit pinili mo siyang makasama
Dahil mas masaya ka sa kaniya

Ako nalang pala ang lumalaban
Damdamin ko'y nahimlay na ng tuluyan
Dulot ng kabiguan sa pag-ibig na iyong sinukuan
Puso ko'y kailangan ka ng bitawan

Maari na bang lumakad palayo?
Magsisimula na ulit ng panibagong yugto
Ibaon na sa limot ang mga pangako
Ating nang palayain ang mga puso
Tula para sa taong iniwan o sinukuan sa di malamang dahilan. Malaya ka na. Hindi mo na kailangan pang umiyak dahil sa sakit na dulot niya.
M e l l o Jul 11
Nakatingin na naman
sa malayo
habang tahimik
na tinitingnan
ang palubog na araw
dito sa tagpuan natin
ako'y nag-iisa na naman
Mga alaala mo
tahimik na sumasabay
sa ihip ng hangin at
sa unti unting pagbaba
ng araw sa parang

Hanggang kailan ako aasa
sa posibilidad na bukas
ay muli kang makakasama
Hanggang kailan ako
maghihintay
Kasi unti unti na kong
nalulumbay
matagal pa ba?
ako'y naiinip na
pakisundo na lang
ako pag oras ko na

Araw araw
walang mintis
dumadalaw dito sa tagpuan
masuyong hinahaplos
pangalan mo'ng nakaukit
sa bato
mga naggagandahang
bulaklak na gusto mo
ay dala dala ko
bukas ulit
andito na naman ako

Sana nung nagpaalam ka
pinigilan kita
kung hindi lang ako tanga
sana naagapan ko pa
hindi ko alam
yun pala ay huli na
Huling pagkakataon na
makita ka
Huling pagkakataon
na makasama ka


Matagal pa ba?
ako'y naiinip na
pakisundo na lang
ako pag oras ko na
Another poem of the day.
M e l l o Jun 11
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ating kwento.
Hindi ko din alam kung kaya ko bang ikwento.
Pero eto ako kahit ayaw ko sige pa din sa pagsulat, inilalabas lahat nang nakatagong kwento,
mga alaala mga pagkakataon na pilit kinakalimutan ng utak pero ayaw lumimot ng puso.
Ganun na lang ba palagi?
Tila lagi na lang nagtatalo yung puso at isip pagdating sayo?
Ang swerte mo naman puso’t utak ko gumugulo pero ako ba sa’yo ay ano?
Tatlong taon.
Tatlong taon na ginugulo ng pangalan mo ang mundo ko.
Na tila ba parang ayaw kang bitawan ng sistema ko.
Siguro ay dahil nasanay na ako.
Ano pa bang magagawa ko? Eto talaga yung totoong nararamdaman ko. Pero ano?
Tatlong taon din na binabalewala mo. Baliw na yata ako.
Ayaw ko na.
Pagod na ako.
Dahan dahanin ko na yung paglayo ko sayo.
Oo.
Lalayo ako at pipilitin kong umahon mula sayo.
Ang pagmamahal kong ‘to nagpapalubog sa sarili ko.
Kailangan kong bumangon at sa pagkakataong ito hindi na ako iiyak.
At kailanman hindi na bibisitahin ang mga alaala mo.
Tama na.
Sa pagkakataong ito ay ako naman.
Papahalagahan ko na yung sarili ko na sinayang ng ilang taon sayo.
Babawiin yung mga luha sa pamamagitan ng pagngiti sa paparating na mga araw na ito.
At unti unting kakalimutan ang pag ibig na binasura mo.
Mahirap sa simula.
Pero pipilitin ko.
Lahat ng puyat ko sayo babawiin ko sa pagtulog sa darating na mga gabing din ito.
Eto na yung huli.
Eto na din ang bagong simula.
Nang bagong ako.
Chanty P Mar 21
Meron kang siya, meron pang isa
Paano pa magkakasiya?
Sa kwento ng buhay mo
May linya ba ako?

Nung mabasa ko ang isinulat mo
Akala ang tinutukoy ay ako,
Nawala ako sa isang sandali
Isang sandaling nagbakasakali

Hinigop ako ng mga salita
Damdaming buhay lang sa mga letra
Nagsusumigaw at nais kumawala
Ngunit sa takot kumakalma

Mga imaheng sa isip ko'y rumagasa
Habang binabasa ang iyong tula
Mga pagkakataong tumutugma
Lumitaw sa aking alaala

May kwento ang isinulat para sa nagsulat
Meron din ang nagbasa sa nagpabasa
Mga kwento na maaring makasugat
Kung ang mga bida ay magkaiba

Meron kang siya, meron pang isa
Maari pa kayang sumama
Sa kwento ng buhay mo
Sana may kabanata - ang ikaw at ako
Triste Nov 2018
Ang tula ay isang wasak na puso
At isang nababagabag na isipan
Na lumalakad sa mga bubog ng alaala
Duguang mga paa, saan ka pupunta?
Lumuluhang mga mata, ano ang iyong nakikita?
Kung ang kahapon ay nilisan na, sa pagsikat ng araw mananatili ba?
Kung ang sana ay isang mahigpit na yakap, kakapit ka ba?
Kung ang mga halik ay matamis na panaginip, gigising ka pa ba?
Kung ang kanyang mga kamay ay pangako ng isang umaga, bibitiw ka ba?
Ang tula ay mga salita ng unang pagkikita at mga yapak ng paalam na.
Meruem May 4
Kalungkuta'y nakakalat na sa mapa,
At tiyak mas malalim pa sa sapa.
Kahit magdasal pa sa dalawang Allah,
Laging nakatatak itong mga alaala.

Hindi na makitaan ng ngiti
Kahit magsipilyo ng Hapee,
O kahit kulitin ng Shopee,
Kaligayaha'y tila hindi na maibahagi.
May 5, 2019 - 00:25

Maligayang kaarawan, Papa. Maligayang Pista, Sta. Monica. Ako, maligaya ba?
khartlopez Mar 7
Kakayanin ko ang limutin ka.
Kakayanin ko kahit mawala ka pa, kahit mawala na ang lahat ng ating pinagsamahang tayo ay naging matalik na magkaibigan.

Kakayanin kong bitawan na
Ang pinanghahawakan kong pag-asa,
Pag-asa at paniniwalang maililigtas ko pa
Ang aking sarili sa masasakit na alaala
Ng nakalipas na sa aking isipa'y hindi ko mabura,
Sa lahat ng sakit na dumurog sa natatanging pag-asa
Na kaya kong magmahal pang muli,
Lalo pa noong nakilala kita.

Marahil sa panahong handa na akong muli,
Ay sadya ngang hindi ka pa handa.
Marahil sa panahong mahal na kita
Ay talagang hindi mo pa kaya.
Marahil sa panahong handa na akong sumugal muli at harapin ang sakit,
Ay hindi mo pa alam kung para saan ang iyong pusong labis **** pinakaiingatan.
Hindi pa man nagsisimula ay nadudurog na ang puso kong matagal hinilom ng panahon at tadhana.

Hindi ko makakaya.
Hindi ko makakaya na sa ikalawang pagkakataong ako'y magmamahal nang totoo,
Ay mawawasak lamang ito
Nang hindi natin batid pareho
Kung ano ang totoo.

Hindi ko makakaya na sa muling pagbubukas ng aking puso
Ay pawang kadiliman ang babalot at bubulag sa paniniwala ko
Na tanging pag-ibig lamang ang hihilom at muling bubuo sa nawasak na ako.

Hindi ko makakaya na sa muli't muli,
Ako'y luluha sa kadahilanang hindi pala sapat ang pag-ibig lamang
Para sumibol ang isang pag-ibig na nararamdaman lamang
Ng dalawang pusong tunay na nagmamahal.

Hindi pala sapat ang pagmamahal,
Kung mismong ang iyong sarili ang iyong kalaban.

Hindi ko kaya,
Na ipagkatiwala sa'yo ang puso kong kaytagal na napinid at namanhid,
Kung sa isang iglap ay iyo lamang bibitiwan at wawasaking muli,
Nang dahil lang sa hindi ka pa handang umibig.

Hindi ko kaya.

Kaya muli ko nang binabawi ang inumpisahan kong kabanata.

Hinihiling ko lamang na sa panahong handa na ang iyong puso,
Sana'y huwag maduwag o magpatalo sa anumang tukso.
Sana'y matagpuan mo ang totoong hinahanap ng iyong puso,
At huwag na huwag susukuan hanggang sa dulo ng mundo.

Matatanggap ko,
kahit hindi ako.
AgerMCab Jul 12
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling
Sa aking gunita, alaala mo'y hiling
Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala
Kung sa langit kasama ka na ng mga tala

Hindi man lang kita nasilayan
Mukha mo ay hindi rin namasdan
Bisig ko ay hindi ka nabuhat
Init mo'y di ko manlang nadama

Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak?
Musika ba sa akin ang iyong halakhak?
Maliliit **** kamay, nais kong hawakan
Habang mga titig mo'y di pakakawalan

Sa diwa ko'y yakap yakap kita
Habang ako ay may heleng kanta
Sa gayon sa iyong mga labi
Mayrong hatid na maamong ngiti

Aking anghel, dito sa puso ko
Mananatili bawat pintig mo
Dito sa aking diwa at isip
Habang buhay kitang iuukit
Sebastien Angelo Oct 2018
unti-unting dumidilim
gabing walang mga bituin.
iyong mata'y walang kislap,
isip ay nasa alapaap.

kung sakali mang ayaw mo na
at 'di ako'ng para sa'yo,
wala akong magagawa
kung tadhana na ang sumusuko.

kung sakali mang pagod ka na
at 'di na 'ko ang 'yong lunas,
patawad aking sinta,
ayoko man pero pwede na...

pwede ka ng umalis
kung 'yun talaga'ng 'yong nais.
pero bago ka lumisan
mayro'n akong kahilingan...

'wag mo sanang iwanan ang lahat.
'wag sanang kalimutan ang
mga alaala nating masaya.
'wag mo sana akong kamuhian
dahil sa'king mga pagkukulang.
'di man kayang ibigay ang kalawakan,
buong-buong inalay sa'yo ang buwan.
'wag mo sanang bitawan.
theivanger Jun 10
Hindi alam kung pano sisimulan,
nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan,
Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan,
Ilapat sa mensaheng
ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan.

Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula,
Itoy dili iba't hindi inaakala,
Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan,
Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan.

Mga pagsubok biglang dumarating,
Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin.

Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan.

Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod.

Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob.

Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
ikalawang tula nagawa para sa kaibagan. Hindi ako makatang tunay kayat iyong pagpasenyahan.
Meruem Sep 2018
Habang sinusulat ko itong talata,
Ikaw ang aking naaalala.
Kung ito man ay iyong mababasa,
Sana'y mag-iwan ng magandang alaala.

Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso, iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari,
Iyo sanang mawari.
Na ikaw ay laging mananatili,
Sa puso kong ikaw lamang ang nagmamay-ari.
Langga, sorry kaayo sa mga kasalanan ko sayo. Pinagsisisihan ko lahat. Hayaan mo, hindi ka na iiyak ulit. At wag ka ring mag-alala. Sa pag-alis kong to, lagi kong bitbit yung mga magagandang alala at bagay na binigay mo sakin. Kahit san man ako magpunta, ikaw pa rin yung nagbibigay ng dahilan sakin para maging mas mabuting tao, para alagaan ang sarili ko. Sana hindi mo ko makalimutan. Sana maging masaya ka. Alagaan mo sarili mo. Mahal na mahal kita, at sobrang mamimiss kita. ~

Ps. Patuloy lang akong magsusulat ng tula para sayo. Kapag masaya o malungkot, dito nalang kita kakausapin. Dito ko nalang ilalabas lahat ng gusto kong sabihin.
zee 17h
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa
aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan
kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan
nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan
na iyong napagdesisyunan

naging mahirap sa umpisa—tanggaping
tayong dalawa ay dumating na sa katapusan
at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan
parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago;
nandito na tayo sa huling pahina ng libro

ngunit bakit nandito pa rin yung
sakit?
sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan
marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait;
nasisiraan na ata ako ng bait
naitanong na naman sarili kung bakit
sa puso ko'y ikaw pa rin ang
nakaukit?
Stephanie Dec 2018
Kung may pluma lamang ang puso
Isusulat nito ng malaya ang mga salita
Na hindi mabigkas ng mga labing tikom
Sapat ang tinta nitong pluma
Pamalit sa takot na pumipigil sa sarili

Kung may pluma lamang ang puso
Hindi na kailangan pang pagtakpan ng ngiti ang bawat sakit
May buhay ang plumang ito
Alam niya ang kanyang silbi, ang maghatid ng katotohanan

Kung may pluma lamang ang puso
Isusulat nito ang bawat pagkakataong nais niyang tandaan
Mga alaala na dala ng kasaysayan

Kung may pluma lamang ang puso
Maipaparating niya ang bawat pintig
Ng ligaya o sakit
Malaya ang plumang ito
Walang magbabawal kung ano ang dapat at hindi
Walang pipigil sa pagkawala ng tunay na kulay ng bawat pintig nito

Kung may pluma lamang ang puso
Ito'y susulat ng tula na magsasabing ikaw lamang ang magiging papel na nais nitong sulatan

Kung may pluma lamang ang aking puso,
Ikaw ang nanaising maging papel
Malaya ang plumang ito at ikaw ang kanyang pinipili
Buhay ang tinta ng plumang ito
At sa iyo, bilang papel, nailathala ang pinakamagandang kasaysayan ng pag-ibig
Na binigyang buhay ng
isang pluma at papel
kingjay Dec 2018
Puno ay tumatanda
Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga
Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa

Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo
Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto
Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga

Espiritung gala, isipin ang kalagayan
ng katawang lupaypay
Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan
Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan

Hawakan ang kamay na nanginginig
Matamlay na  anak Niya'y sa aruga salat
Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat
Habaan ang sandali na may hininga't sarap

Pawis na  nakabilad sa hamon ng buhay
Mararanasan ang init at pait
Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais
kaakibat ay lumbay

Paruparong itim magkatambal sa paglipad
May babala man huwag isaisip
Pusang tumawid sa harapan
Ibaling ang paningin
Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan
khartlopez Mar 26
Ala-alang nagdaan kay sarap balikan
Lalo na't kung ikaw ang nilalaman
Ngunit ngayon ako'y nasasaktan
Pagkat wala ka na kahit sa ala-ala
Ala-ala na ating iningatan
Ngunit ako ngayo'y kinalimutan
Ano ba ang kasalanan?
Nang pusong ikaw lang ang mahal
Panahong lumipas
Na tila di makaalpas
Sa mga ala-alang
Tanging ikaw ang nagwakas
Lae Jul 23
Papalubog na ang araw. Nakatutok ang mga bata sa harap ng gadget nila. Mga chismosang naninira ng kapwa nila. Lahat ay masaya sa kalayaang nadadama nila.

Lingid sa kaalaman nila ay may isang babaeng nakamasid lamang sa isang sulok.. Dala-dala nito ang alaala ng masakit na kahapon.



ISANG madugong nakaraan- mga bayaning dumanak ng dugo para sa lupang sinilangan. Mga iyak- sigaw at kapighatian ng mga pilipinong inapi nang mga dayuhan. Mga sakripisyong tiniis at inalay nila para sa kalayaan ng bayan.

Nasasaktan ang babaeng iyon. Nasasaktan ang ating Inang Bayan.
Michael Joseph Nov 2018
Sa tag-init tayo nagkatagpo dala ang uhaw
nais mapawi ang pagkatuyot sa tag-araw
mga lalamunang di nadadaluyan
hanap ay tubig, mga umiibig sa lamig
sa daloy ng awit ng mga Ipil
at sa mga aalalang nabuo
sa bawat paglagok, sa bawat isa
mga alaalang nabuo sa tag-araw.

alaala pa ang pagpalakpak ng mga dahon
minsan lang masiyahan sa pagpapalit-panaog
ng tag-araw at tag-ulan
panga-pangakong binuo sa ilalim ng araw
pinagdarasal ng mga kahapon
di pa rin nalilimot,
mga tuyong ugat ng mga pusong sawi
sa pag-ibig na tubig sa tag-init
minsan lang magkaniig

dahil ikaw at ako ay minsan ng nanirahan dito
bumuo ng mga alaaalang impit na itinago
sa ilalim ng mga punong saksi sa mga uhaw na puso,
sa marahang pag-indayog ng mga dahong maririkit
sa bawat pag-ihip ng hanging mainit
sa katawang binalot ng mga sala
at sa bawat pagbabalik sa alaala
ikaw pa rin ang tanging nakikita
sa bawat paglampas ng liwanag
sa maririkit na butas ng kahapong
sa ilalim ng ipil nakatago

Heto na naman ang tag-init
hudyat ay muling pag-udyok
sa uhaw na pusong may pangangailangan
tuyot ang daloy sa bawat paghinga
sa bawat pag-ihip  kulang ang haplos
bawat hagod ay paos.


Alaala ka sa mga sinag ng araw
umaalpas sa mga dahon ng ipil
mga hapong napawi ang init ng tag-araw
nakakulong pa rin sa mga alaala
sa ilalim ng punong puno ng pagmamahal
sa kahapon at ako na di pa rin nagsasawa

sa ilalim ng mga Ipil
maghihintay sayo

Sa Ilalim ng mga Ipil
Michael Joseph Aguilar Tapit

04/11/2016
WizardsPen Oct 2018
Ang sarap hindi na bumalik sa kung saan ka nanggaling. Ang lupang nagbigay sa akin ng kunting ligaya ngunit puno ng masasakit na alaala. Ilang luha ang nilabas nitong hapong mga mata? Ilang impit at sakit nitong pusong nagdurusa?

Haggang kailan ako maggitiis? hanggang kailan ito matitikis? Mga tao sa paligid ay mapanuri, mapanghusga't mapanglait. Unti-unti kang sinasakal, bawat mali'y laging maturingan. Pangako ko sa Maykapal na gawa nila'y babaunin at pati buto ko sa libingan ay hindi sila malimutan.

Itong kirot ewan ko hanggang kailan ito, gagawin ko na lang itong isang malaking hamon at inspirasyon.

@Wizards_Pen
Wala, naglalabas lang ng sama ng loob. Yakang-yaka ko 'to. Fighting!!

— The End —