Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Michael Joseph Nov 2018
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinadamdam mo ang lamig ng kahapon, ang paglisan
minamasdan ko sa layo ng araw ang iyong halina

Mahirap mag-intay sa ilap ng mga sulyap,
tanglaw sa tuwing naghahanap-kayakap
sa mapangakit na halina ng mga ngiti sa labing
malabong magdikit kahit sa pangarap

Sana’y sapat na ang mga awit
ng mga tulang binigkas sa hangin,
nagbabakasakaling maipadama ang lalim
at tugma ng pag-ibig na nilihim

Sa gabi, mag-isa na naman at dama ang lamig
yakap ang unan, hawak ang kumot
nag-iilusyong kasama ka

Sana’y maulit muli ang sumpa
sana’y walang takot sa halina
‘pagkat sanay na tayo sa lamig ng gabi
alam na natin ang ingay o init
at takot na tayong mabighani

Sa umaga, mag-isa na naman at dama ang init
masaya na sa halik ng kape sa labi
nag-iilusyong kasama ka.

Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinamdam mo ang lamig ng kahapong kaysakit
ninamnam ko ang tamis ng kalayaan sa pasakit

sana’y tanghali nalang tayo nagkapiling
sana’y di pa sanay o manhid sa pag-ibig.

Tadhana
Michael Joseph Aguilar Tapit
6/19/2016
Michael Joseph Nov 2018
Hindi na ako muling uulit sa mga saglit ng pagiging makata
sapagkat mahapdi sa tenga ang magkaroon ng isang bagong awit
kahit pa walang mabulaklak na salita ang paliparin
dinig pa rin ay ang bulaang himig ng pagiging batang ganid

Sapagkat musmos pa, at isinumpang maging mahina
dapat na laging maniwala sa mga sabi-sabi
sumunod sa paikot-ikot na pagkirot na dulot ng pagiging salot
naniniwalang kami’y uod ganid sa mga pangarap na dulot ng paglaki
Ngunit ang totoo’y hangad lang namin ay lumipad, at maging malaya

Bakit nga ba ganid at mapangangkin ang tingin sa mga makata?
dahil ba ang kanilang mga awit ay tungkol sa pagbibigay laya?
Bakit nga ba mayabang at mapagmataas ang tingin sa mga bata?
dahil ba sa kanila’y nag-aabang ang panibagong bukas?
O lahat ay dahil sa mga sabi-sabi ng mga matatanda.

Ito na nga ang huli kong awit
Sapagkat ang pagiging makata
At ang pagiging bata
Ay ang pagbabakas
ng bagong paniniwala.

Nagsalita na Naman ang Baliw
Michael Joseph Aguilar Tapit
Michael Joseph Nov 2018
Sa tag-init tayo nagkatagpo dala ang uhaw
nais mapawi ang pagkatuyot sa tag-araw
mga lalamunang di nadadaluyan
hanap ay tubig, mga umiibig sa lamig
sa daloy ng awit ng mga Ipil
at sa mga aalalang nabuo
sa bawat paglagok, sa bawat isa
mga alaalang nabuo sa tag-araw.

alaala pa ang pagpalakpak ng mga dahon
minsan lang masiyahan sa pagpapalit-panaog
ng tag-araw at tag-ulan
panga-pangakong binuo sa ilalim ng araw
pinagdarasal ng mga kahapon
di pa rin nalilimot,
mga tuyong ugat ng mga pusong sawi
sa pag-ibig na tubig sa tag-init
minsan lang magkaniig

dahil ikaw at ako ay minsan ng nanirahan dito
bumuo ng mga alaaalang impit na itinago
sa ilalim ng mga punong saksi sa mga uhaw na puso,
sa marahang pag-indayog ng mga dahong maririkit
sa bawat pag-ihip ng hanging mainit
sa katawang binalot ng mga sala
at sa bawat pagbabalik sa alaala
ikaw pa rin ang tanging nakikita
sa bawat paglampas ng liwanag
sa maririkit na butas ng kahapong
sa ilalim ng ipil nakatago

Heto na naman ang tag-init
hudyat ay muling pag-udyok
sa uhaw na pusong may pangangailangan
tuyot ang daloy sa bawat paghinga
sa bawat pag-ihip  kulang ang haplos
bawat hagod ay paos.


Alaala ka sa mga sinag ng araw
umaalpas sa mga dahon ng ipil
mga hapong napawi ang init ng tag-araw
nakakulong pa rin sa mga alaala
sa ilalim ng punong puno ng pagmamahal
sa kahapon at ako na di pa rin nagsasawa

sa ilalim ng mga Ipil
maghihintay sayo

Sa Ilalim ng mga Ipil
Michael Joseph Aguilar Tapit

04/11/2016
Michael Joseph Nov 2018
Ito ang huling hapon ng mga alaala,
kupas na larawang sinikap maipinta
mga araw at gabing lipas na ng panahon
sa pag-indayog ng abo, at pagkaway ng damo
paalam sa mga nakaraang siphayo
paglubog ng araw, at ang buwan ng pag-ahon
sa hapon, at sa paglamon ng dilim sa liwanag
ang pagwaksi sa sariling naging duwag

Tapusin na ang dalita sa iyong gunita
Mga araw na unos ng paghihikahos
pagkapaos sa bigong pagsusumamo
sapagkat ito ang oras ng pag-agos
pagdaloy ng tubig, pagpawi sa kapos
sa agos, sa pagpaparaya, sa mga alaala

Bagamat tayo ay binuo ng mga pagsubok
at may mga lamat ng pagkapusok
alalahanin, tayo ay mga piraso
ng isang buong sining ng Maylikha
pagsamasamahin, tayo ay buo
magkakahiwalay man ay nabubuklod
hangaring mabuti ang maglingkod.

Simula
Michael Joseph Aguilar Tapit
Michael Joseph May 2018
Let the colors fall off
a deep unbecoming
of a hundred stories
ended with a dot.

a black blot consuming
deep in the heart
let petals feel the wilting
like a dying art

death is unbearable
though a hundred masks worn
each faces wilt, with smiles undone
for a soul has never been alone

this was a story inside of this cage
of a hundred tales untold
visions of death and mourning
now knowing fear uncalled

with a thousand chants to pray at night
let this troubled heart be brave
with a thousand chance to fear the grave
be the hand that lead my fate
Rosewilt
11/02/2016
Michael Joseph May 2018
hinahanap pa rin kita
sa bawat araw na lumipas
mga gabing kaakap ang lamig
sa mga nakatagong larawang kupas
pinamarisan ng mga alaala
nakapinid sa’king damdamin
hinahanap pa rin

ang mga haplos at yakap
nakakulong sa mga kahapong
naglaho kasabay ng mga ulan,
at sa pag tila ng mga patak
ay siyang pag-agos ng aking luha
para sa mga alaalang
hinahanap kita

sa simoy ng tag-ulan
sa mga bakas ng agos ng luha
sa malamig na hanging dulot
ng mga madidilim na ulap
at sa mga naiwang alaala
hinahanap kita

kahit saan man mapunta aking mga paa
sa pag-iisa at sa paghahanap-karamay
sa walang hanggang agos ng kalungkutan
hinahanap pa rin
ang mga alaala
ng kahapong

hahanapin din
sayo.

Michael Joseph Aguilar Tapit
04/07/2017
This is an entry for my post-baccalaureate degree in Creative Writing. I am planning to take a new step in poetry.
Michael Joseph May 2018
Friendly were their smiles, they do not bite,

They stay and fly and lie until they might;

Till they choke you they will hear your song,

Crimson black, a heart as dark as gold.


Lonely and their chantings made me sway,

In my heart and mind I let them play,

The bleeding: stays forgotten and in vain,

The winged: still fly and not even in pain.


True lies lies through a fooling craft:

A blade, a word that strikes the back

Eye the lonely scarecrow-no grace in fall

-pity not the act but help my soul.


Now the black winged seized the day,

Chase another living song to play;

Still moments still chase my stolen dreams:

This is death bound to eternal pain.


Friendly were the crows they do not bite,

Only make you bleed your life, and die.

Will I grow tired of pain, will I grow old?

I rest embraced by death, embrace the cold.


The Day I Bid the Crows Goodbye
11/11/17
This is a poem written when I was feeling berated by my thesis partners.
Next page