Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
X Oct 2014
Alam mo bang ikaw ang tanging nais ko?
Hindi na ako hihiling pa...
Bakit pa nga ba?
Sinasabi **** hindi ka kaibig-ibig,
Ngunit iba ang aking nakikita.
Lahat ng lumalabas sa iyong bibig
Ay aking tinatago
Para pakinggan sa oras ng kalungkutan.
Ang iyong mga ngiti,
Hindi ko pagsasawaan.
Kahit na ayaw **** tinititigan ka,
Hindi ko mapigilan.
Kay gandang pagmasdan
Ng aking musang
Handa kong ipaglaban.
John Emil Nov 2017
Malungkot talaga yan
Hinahabol ka kasi nyan
Wag mo namang bilisan
Baka di ka nya maabutan

Gusto ka lang nyang kausapin
Nang malinawan ang isipan
Tuluyang maibsan ang kalungkutan
Ang iyong lakad pakibagalan

Hahabulin ka ng maabutan
Saan ka mang daan
Siguradong kakausapin ka nyan
Malungkot na kasi yan
Jun Lit Mar 2021
Ang bayrus ng COVID ay tila makasalanan.
Katulad s’ya ng isang halimaw sa katahimikan,
o isang ministrong mataas ang katungkulan
na aliping tagasunod ng kanyang among si Kamatayan.
Kahit anino pa lamang n’ya’y dulot
ay lubos na takot, katulad ng pinakamadilim
sa mga gabi, o sulok ng guwang
o pinakailaliman ng karagatan.
Kumakatha sa isipan
ng mga kakila-kilabot na nilalang
at pinagagalaw sila ng sabay-sabay
nakaambang silain, lamunin
ang bawat kaluluwa, ang mga dibdib binabaklas
upang nakawin ang mga pusong malinis at wagas -
hinihigop ang lahat ng dugo, bawat patak
sinasaid ang bawat pintig ng natitirang lakas..

Malupit itong coronavirus,
isang haring espada ang batas, ang utos.
May kumakalat na ulop, ang madla’y binabalot;
walang kamalay-malay nilang nasisinghot,
orasyong buhay ka pa’y loob mabubulok.
Sa pintuan, naririnig ang katok:
isang panauhing di-kanais-nais ay gustong pumasok,
isa na namang payapang tahanan,
ang kanyang natuklasan.
Wari’y may samurai na iwinawasiwas
doon, dito, nananabas, walang habas
kapagdaka, lahat ng tila nasugatan, mga biktima
lupaypay, bagsak ay sa ospital, lugmok sa kalungkutan,
kinakapos ng hininga, unti-unting nalulunod mistula,
ng sa baga at lalamunan, ay naiipong sariling plema.

Ang pandemyang ito’y isang salaan
salamin ng lipunan,
isang digmaan, kung saan
mailap ang tagumpay at katapusan
at bawat laban, laging anong sakit, talunan.
Lahat ng uri at sinsin ng pangsala ay taglay:
pusong may kabaitan, sa walang puso’y inihihiwalay
maayos na pag-iisip, ibinubukod sa mga lutang at walwal
matatapat, angat sa mga kurakot sa mga larangan
prinsipe’t pulubi, pilosopong tunay
at mga tagasunod, makata’t mga mang-aawit.
Salaan
ng mga malubhang pagkakamali
ng nakaalpas na pagkakataon
ng mga leksyong dapat pang matutunan
ng mga landas na hindi nakita, at maling tinahak
ng daan tungo sa kaligtasan, anuman ang kanyang kahulugan,
anuman ang halagang kabayaran.

Ang pagkakaliit na bolang ito ay mamamatay na payaso
mapanghati, katulad ng isang salaming nanlalansi, nanloloko
pinag-aaway:
Hilaga laban sa Timog
Silangan laban sa Kanluran
pinakamahihirap sa mga mahihirap
itatapat sa angkan ng kamahalan
at ng mga bago’t biglang-yaman
at ang nasa gitna: Aba! Aba! Isang iglap ay sigaw
“Saan ang Hustisya?”
at hindi naambuhan ng ayuda
kayamanang munti sa panahon ng taghirap
na nang panahon ng sagana’y inismiran, sabay irap
sila umanong nagbubuwis,
bakit ngayon ay nagtitiis?
Parang sina Cain at Abel naghinagpis
Nahihiya ako. Nahihiyang labis.

Ito ang krisis. Takot ay inihahasik.
pinagsasama-sama sa iisang inayawang bayong
ang tila abuloy na pamatid-gutom
na nakamaskara bilang rilip na tulong,
lahat ng kinatatakutan -
pagkawalay,
                         pag-iisa,
kapanglawan,
                                          ­        diskriminasyon,
matinding kalungkutan,
                         pagkakasakit,
                         kamatayan . . .

Labis akong nag-aalala.
Labis akong natatakot.
Ang pagsasalin ko sa Tagalog ng aking tulang Covidophobia
[My translation into Tagalog of my poem Covidophobia] - pp. 92-94 in Kasingkasing Nonrequired Reading in the time of COVID-19 Alternative Digital Poetry Magazine Issue No. 4 (April 2020)
kate Nov 2020
umuulan nanaman pala.
paglipas ng takipsilim ang akin isipan ay patuloy na binabalot ng kadiliman. ilang oras nang naninimdim sa gabing lumalalim. kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag agos ng mga luha na dulot ng kalungkutan, umaasa't naghihintay pa rin sa iyong muling pagdating. naiinip at  kung minsan pa'y napapailing, kailan kaya muling makakapiling? ilang nakaraan na ang lumipas subalit ang puso'y patuloy pa ring kumakaripas. naiwan sa 'king isipan ang mga bakas **** pilit kong tinatakasan. mga alaalang bumabalik sa mga yakap at halik mo'y patuloy akong nananabik.

umuulan nanaman pala.
kasingtulad mo ang isang paparating na ulan; darating, magpaparamdam at pagkatapos ay mawawala lang din pala. hindi ko maiwasang hindi maging malungkot sa sakit na iyong idinulot.  ang paglakas ng ulan ay siya ring pagkirot ng sugat na iyong iniwan. nakagapos pa rin ako sa iyong mga pangakong napako, gabi-gabi pa ring nararamdaman na para bang nakapaloob sa sako.

umuulan nanaman pala.
maalala ko na naman ang sugat na aking napala. luha ko'y patuloy na sumasabay sa pag agos ng ulan subalit lungkot ko'y hindi pa matangay. nararamdaman ko ang lamig ngunit mas nararamdaman ko ang muling pagyanig. mahal pa rin kita, sinta. ngunit gusto kong ika'y kalimutan na. subalit paano? sa tuwing umuulan ay ikaw ang aking naaalala. paano ba matatapos ang paghirap na nadarama? kapag kaya sa wakas, ang ulan ay tumila na? matagal na rin pala. siguro'y panahon na upang sarili ko naman ang aking unahin at palayain. para sa ikalalaya ng aking pusong iniwan, para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan.

sisimulan ko na— sisimulan ko nang makalimot.

pero teka lang muna—

umuulan nanaman pala.
'wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala.

huwag naman sana dahil—
dahil—
maaalala na naman kita.
John AD Feb 2018
Huwag igaya ang sarili sa mga nakaraang bayani,
Nag aklas laban sa gobyerno para saan? para sa sarili?
Ngayon ang lungkot nang mga nangyayari dapat parin bang manatili?
Kahit san ka lumingon walang tama sa isip nang nakararami

Hinila ka pababa , masaya kaya sila sa kanilang ginawa
O Hindi parin tanggap ng kanilang ulo na wala naman silang nagagawa
Na tama , puro hangad ay kapangyarihan na patuloy umuusbong
at nagiging lason sa isip nang karamihan kaya ang buhay natin ay hindi magkasalubong

Minsan nga napagtanto ko na rin kelangan kong magpanggap
Humihiling na maging masaya sa gitna nang kalungkutan
Kahit na ganito ang sitwasyon sa aming bayan,
Pero ayos lang Kami kaya ang masasayang tao pag dating sa labas nang tahanan

Kaya nga minsan itinago ko nalang ang damdamin sa aking silid
At kahit anong sisid mo o pagmamasid sa aking isip ay hindi mo makakapa ang sinulid
Patungo sa tunay na nararamdaman ko at kung mga tao lang sa ating bayan
ang hindi makaunawa,wala na ba tayong magagawa? at habang buhay nalang silang maniniwala.
Buksan muli ang ating mga mata upang makita ang mali nang ugaling kanya-kanya
Taltoy Apr 2017
Nandito't nag-iisip,
Dinadama ang hanging umiihip,
Pinagngingilayan tong mga saloobin,
Mga saloobing di sinabi't inangkin.

Pagkat ayaw ko nang mabigo,
Makaramdam ng mga panibugho,
Kahit alam kong di pa 'to ang katapusan,
Ayaw ko na sa kalungkutan.

Ngunit di ko naman hawak ang lahat,
Walang kapangyarihan, di sapat,
Kaya makukuntento na lamang,
Pagkat ako'y mayroon ring pagkukulang.

Kaya heto't nagbabakasakali na lamang,
Sa mga pagkakataong minsan minsan lang,
Upang masabi ko ito sa iyo,
Ang tunay at tanging nais ko.

Nais ko na malaman mo,
Kasama ang tunay na katapatan ko,
Na ika'y mahal ko na,
Huwag ka sanang mabibigla.

Pagkat ito ang katotohanan,
Pagkat ito ang aking nararamdaman,
Ngunit alam ko naman ang tama,
Kaya naisipang naisin at hindi ipakita.
Because I'm a Filipino.
mori Oct 2015
Isang puting panyo ang'yong iniabot pampahid-luha,
sa mata'y bumabalot
kalungkutan ko tulo'y tila naglaho
kahit sa'yo'y lubha pang naninibago

a white handkerchief you gave to wipe away the tears
covering my eyes
my sadness seemed to disappear
even with you it still feels new
it's hard to translate it but i think i got it (?)
Agust D Jul 2021
panahong kay init at samot-saring pangyayari
ilalabas ang kwaderno't magsusulat ng hirayang bahaghari
iba't ibang mukha, ngingiti't tatawa kunwari

sa galaw, pananalita, at sa pagsulat ng kamay
pagkaguho, pagkawasak, at araw-araw na pagsasablay
sa mga bagay-bagay na 'di maiakbay
salungat sa sinyales na aking hinihintay

biglaang pagkalito, gan'to na ba ang takbo ng mundo?
kamay na animo'y tinanggal
paang singbikat ng bakal
hininga'y laging nasasakal
makakawala pa ba sa kasulukuyang estado?

nais nang kumalas, sa hindi nakikitang rehas
walang depinisyon, wala ring direksyon
hikbing palihim, kalungkutan sa takipsilim
naliligaw, nababaliw, sa indak na hindi inaral ngunit nakabisa pa rin
Mga Tulang Sinulat sa Dilim
Crissel Famorcan Mar 2018
Hahabi ng mga bagong tugma para sa bagong libro
Sa mga bagong pahina nito,may pag-ibig na kayang mabubuo?
O mga kasawian na naman ang tanging  isusulat ko?
Kalungkutan na naman ba ang uubos sa tinta ng aking pluma?
O sa malinis nitong papel,may pag-ibig nang magmamarka?
Maisulat ko kaya ang kuwentong inaasam
At sa matayog **** isipan,magawa ko itong ipaalam?
Posible kayang mapansin mo ang iaalay kong regalo
Kahit na ba di mo pa alam ang pangalan ko?
Wala naman kasi akong balak na magpakilala sa iyo!
Kahit madalas man tayong magkatagpo—
Magkakasya nalang sa mga nakaw na tingin
Sa mga simpleng sulyap na ginagawa ng palihim
Patuloy akong magmamasid mula sa malayo—
Malayo sa iyong tabi,
Pagtatagpi-tagpiin ang mga tugmang kapares ng iyong ngiti
Hindi ako lalapit at patuloy lang na magkukubli,
Pagkat alam kong kapag ika'y nakaramdam—
Wala akong magagawa kundi humulmang muli ng paalam.
Aris Apr 2016
Blankong papel
Ano na naman ba ang isusulat?
Eto na naman tayo sa walang kamatayang drama
Pasensya kana
Ikaw na nanahimik ay ginagambala
Ng pagtangis ko buhat sayong pagkawasak.
Sinisigawan na ako ng utak ko
Na kesyo tama na
Suko na
Di na yan babalik
Tumigil kana
Nililinlang mo lang ang 'yong sarili
Sa patuloy na paghahangap
Sa taong alam mo namang
Matagal ng namaalam.
Sana kaya kong itigil
Ang paglathala ng kalungkutan kong di matapos tapos
Sana kaya kong lipulin itong sakit na nararamdaman ko na di maubos ubos
Sana pala'y sinama ko na sa hukay ang lahat ng sentimiyentong ito
Nang sa gayon ay di ako nalulunod sa luha bungad ng pagkawala mo.

Blankong papel ano naman ang saiyo'y isusulat,
Hayaan sanang dugo ko naman ang tumulo sayo at yumakap.
𝙰𝚗𝚗𝚎 Feb 2018
hindi naman talaga ako marunong magsulat
pero nang dahil sa'yo
nasimulan ko

hindi ko din alam kung paano ito tatapusin
pero nang dahil sa'yo
nagawa ko

paano nga ba magsulat?
unang letra, pangalawa, pangatlo
hindi ko namalayan na sa unang pagtingin ko
sa unang paglapat ko ng papel sa lamesa
sa unang paggalaw ng panulat ko

...dumaloy na ang mga salitang
hindi ko akalaing manggagaling
sa mismong mga kamay ko

"isang araw..."
diyan din naman tayo nagsimula
diyan tayo unang nagkita, nagkausap at nagkatinginan
lahat naman nagsisimula sa isang araw hindi ba?

at magtatapos din sa "wakas"
ang wakas kung saan magiging masaya na ang lahat
ang wakas na hindi na pwedeng madugtungan pa
ng kahit anong problemang magbibigay kalungkutan

pero bakit?

kahit alam kong wakas na
kahit alam kong tapos na, tigil na, hinto na
bakit hindi ko pa din mapigilan
ang paggalaw ng kamay ko sa itaas ng papel?
ang pagagos ng mga letra sa utak ko
na para bang ako'y lalamunin na?

"nasasaktan ka na"
bulong ng utak ko sa puso ko
"kaya ko pa"
sagot naman ng puso ko pabalik
"di ka pa ba pagod?"

mga huling salita na nagsasabi sa'king tumigil na
mga salitang matagal ko ng hinihintay
mga salitang dapat matagal ko nang napagtanto
at hudyat na dapat itigil ko na

akala ko ba, nang dahil sa'yo, magiging madali na lang?
akala ko ba, nang dahil sa'yo, mahihinto ko agad?
bakit parang bumaliktad?
bakit parang, nang dahil sa'yo mas humirap

nang dahil sa'yo
humirap magsimulang muli
humirap maghanap ng panibagong papel
na pagsusulatan ko ng bagong kabanata
humirap ihinto ang mga pangungusap
na aking nasusulat nang ako'y nagsimula

kailan ba 'ko hihinto?
pati ba naman itong tula ay hindi ko matapos
dahil hanggang dito, ikaw pa din ang dahilan
ikaw ang dahilan kung bakit ko ito sinimulan sinulat, dinama, pinagisipan

alam ko...

alam ko darating ang araw na mararating ko din ang wakas
ang wakas kung saan wala ng "dahil sa'yo"
ang dulo kung saan mahihinto ko na ang pagsusulat ng kabanatang ito
ang kabanatang nagbigay sa akin ng ligaya, ngunit masakit na karanasan
ang kabanatang hanggang nakaraan na lang

at pag dumating ang araw na iyon
muli ko nang mararamdaman ang saya sa pagkuha ng bagong papel
ang saya sa paglinis ng aking panulat
at…
ang saya kung saan mababanggit ko na ang katagang, "sawakas"

masasabi ko na din ang pasasalamat ko sa iyo,
na nagbigay sa akin ng papel at
matitingnan ko na din ng maayos
ang panulat na ikaw mismo ang nagbigay.
Miss na miss na kita
Ang aking minamahal
Nang parang ito'y sugat
Basag na salamin sa sa aking paa

Nang nawawala ka
Ay dinulot ng tuwa
Kalungkutan, mabigat na bulsa
At notebook na puno ng tula at minsan pera

Noon ubos ang pera sa aking bulsa
Piso, rosaryo, medalyo at picture mo
Ngunit ngayon ay idinulot mo ang sakit sa bewang
Parang may UTI o palo ang iyong dala

Bulsa, pantalon at zipper
Kinalimutan mo na ba?
Kung gaano katagal na tayo magkasama?
O minamahal ano pa ba?

Mamatay lang ako huwag lang mahulog ang aking pantalon
Buhat ang labing limang taon ng pagsasama
Sinturon, nasaan ka na?

(DEDICATED SA AKING ITIM NA SINTURON)

MAY YOU REST IN PEACE KAHIT SAAN KA MAN
dalampasigan08 Jun 2015
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga

at marahang tinahak ang dausdos pababa,

Dumampi siya sa malamig na agos ng batis,

sumisigaw ng hapis habang tumatangis,



Binagtas ang ‘di maiwasang larawan

ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan,

tumama sa mga batong nakaharang

na umagaw sa diwa ng kaligayahan,



Sumambulat ang isang malalim na bangin

na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin,

sumaboy ang pirapirasong damdamin

ng wasak na dahong ‘di matanggap at 'di maamin.
Nyl Nov 2016
Ako ay mag-isang naglalayag
Sa malawak na karagatan
At ika'y nasilayang
Kumakaway sa dalampasigan

Ang iyong ngiti
Ay parang sa sinag ng araw

Kaya't nang ikaw ay umalis
Maihahalintulad
Sa paglisan ng buwan
Sa madilim na gabi

At doon ko nalaman
Ang kahulugan ng
Kalungkutan
cherry blossom Sep 2017
at muli kitang nasilayan,
tumingin ng walang pakundangan
walang makitang pagsisisi sa mga sulyap ng nakaraan
pumikit at nagkunwaring hindi ako muling nawalan

at hindi, hindi ako nawalan ng kamay na makakapitan
hindi isang kanlungan na una **** inalok noon sa ulan
naaalala pa noong handang handa kitang awitan
nawiwili ka sa himig ng aking kalungkutan

isang awit na sa akin ang una **** kinuha kasabay ng iyong pag-alis
isang kulay sa espektrong makitid
kasabay ng pagdiin sa mga naghihilom na sugat
at ang pag-apak sa araw na pasikat sa guhit-tagpuan

sa lahat ng iyong tinangay sa paglisan
maraming bubog ang iyong nakaligtaan
mga patalim na ilang taon nang iniiwasan
binigyan ng rason para limutin ang pag-asang kinapitan
Para sa tilamsik na akala ko ay dagat
09/16/17
twenty-six May 2019
kaliwa't kanan ang tingin
naghahanap lagi sa dilim
ang iyong buhay na puno ng lihim
ngayo'y ayaw kang patahimikin

kaliwa't kanan ang naririnig
sa mga tunog na hindi naman himig
mga salitang tila nakakayanig
ng pagkatao mo dito sa daigdig

kaliwa't kanan ang nararamdaman
ang saya na napalitan ng kalungkutan
unti-unting nababalot ng kahirapan
ang dating tayo'y puno ng kasiyahan

kaliwa't kanan akong humihiling
sana'y bumalik ka sa aking piling
bumalik tayo sa masaya at puno ng lambing
sana'y ikaw talaga ang para sa akin
kahit isang hiling, sana'y tuparin
cherry blossom Jan 2018
Takot akong mag-isa
Takot akong harapin ang apat na dingding na makakasama ko sa gabi
Narinig na nila akong kumanta
Ng mga sinasayawan ng kalungkutan na himig
Takot akong kamustahin ng mga unan
na nabulungan na ng mga kasalanan
Ng mga kumpisal ng mga pinakatatago kong lihim
Naulanan na sila ng mga luha
Na resulta ng ilang beses na pagtalalo
Na nagaganap sa utak ko

Hindi ko rin maintindihan

Walang nakakaalam
Na sa tuwing gabi
na tanging ang hininga ko lang ang naririnig
tanging ang puso na lang ang may ganang magdagdag ng segundo, paulit-ulit

walang nakakaalam
kung gaano kalalim
ang nilalakbay ng isip,
kung gaano kadilim
ang suhestiyon ng mga boses na nagtatakda
madalas na akong nakikinig sa kanila
pinipilit kong bugawin
ngunit mas malakas sila sa ‘kin

natatakot akong mag isa
natatakot ako sa mga gabing ako lang ang nagpapatulog sa sarili
natatakot ako sa mga susunod pa

hindi ka ba natatakot sa mga boses na nagpapatulog sa 'yo tuwing gabi?
01/17/18
minsan na akong natalo at wala na akong maipapangako.
Ang ibon na lumilipad ng mataas
Sumasabay sa ihip ng hangin
Tumatabi sa dalampasigan
Umaawit ng sariling awitin
Ipinupundar ang mga hampas ng tubig na hindi kumukupas

Minsan nang sumayaw ang ibon
Sa tabi ng dalampasigan
Natukso ng init ng hangin
At lamig ng karagatan

Sa isang sayad ng kanyang balahibo
Hinatak ng aplaya ang bisig ng mumunti
Nagsisigaw hanggang sa mawalan ng kibo
Nangamba na hindi na makakalipad muli

Ang buhay ng ibon
Tila isang kuwit
Tumigil at nanahimik
Naghihintay ng kasunod

Ngunit ang kuwit ay magpapatuloy parin
Hindi tulad ng tuldok na katapusan ang hantungan
Sa gitna ng pagbagsak at kalungkutan
Tayo, katulad ng ibon, ay makalilipad muli
Atheidon Mar 2019
Anong oras na’t puno na naman ng puwang at kalungkutan?
Mga saya na bigla na lamang naglaho sa kawalan.

Sa paglipas ng oras,
tila ba’y nawawalan ako ng lakas at para bang gusto ko na lamang tumakas—
tumakas sa rehas na aking dinaranas.

Tahanan — ang palatandaan ng aking katauhan.
Dulot ng bigat ng kursong pinili sa kolehiyo,
ako ngayo’y malayo sa palatandaan ng aking katauhan.

Nakakamiss.

Malayo sa palatandaan ng aking katauhan,
katauhan na binabalot ng kalungkutan,
at hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kawalan.

Paano nga ba ito?

Sa kabila ng nararamdaman,
patuloy akong lalaban at patuloy na paniniwalaan
na ang panghihinang  nararanasan,
ay pansamantala lamang.

patuloy kong tatandaan,
na ang kawalan ay panandalian lamang,
at ang palatandaan ng aking katauhan ay akin ding mahahawakan
dahil bukas, higit kong pagsisikapan
na aking pangarap ay makamtan.
Raf Reyes Mar 2018
Natuyo na ang kaalatang pumapalibot sa kanyang mga mata

Ilang papel na ang nasira sa pagtulo ng mga basang kalungkutan sa mga salitang pinagsikapang idikta't ibuga
Umaasang, balang araw
Ang sakit na kinikimkim ay tuluyan ding
maiibsan

Ngunit

Lumipas ang mga buwan, humina ang katawan
Nagkulong sa loob ng sariling kasakiman't kadiliman sa takot na muling masaktan.

Pero tama na.

Sa wakas, dumating na ang realisasyong matagal nang inaasahan: Nakakasawa nang magtiis matulog sa mga basang unan.

Panahon na para ito’y labhan.
I've been trying to write more poems in my native tongue. Lately, I've been falling in love with its rythmic flow. I hope that the people who got so used to my english poems can appreciate this new direction.
inggo Apr 2017
Siguro ay hindi mo na ako kailangan
Unti unti mo na natatagpuan ang kasiyahan
Masama bang hilingin na sana magpatuloy ang iyong kalungkutan?
Nang sa gayon ay lagi mo pa rin ako lalapitan.

Ako muli sana ang magiging dahilan
Ng iyong pagngiti at kaunting tawanan
Ngunit akin namang maiintindihan
Kung unti unti mo na akong makakalimutan

Sana ay patuloy **** makamit ang tunay na kasiyahan
Ako ay nandito lang, palagi mo yan tatandaan
Tatawagin mo lng naman ang aking pangalan
Subukan kitang puntahan kahit saan pa yan
Eindeinne Moon Sep 2020
Ang kalayaang ipinagkait sa akin ng tadhana,  
ang kalayaang gumala na naglaho parang bula.  
Singlayo ng mga tala, hindi maabot,  
nawala dahil sa isang pagkakamali—  
isang pagkakamaling hindi sinasadya.  

Ngunit ang pagkakamaling iyon,  
nauwi sa paulit-ulit na pagkakasala,  
hanggang naging bahagi ng bawat araw.  
Dalawampung taon akong nabuhay  
sa mundong walang tiwala  
mula sa aking mga magulang.  

Ilang beses kong binalikan  
ang mga tanong,  
nagbabakasakaling hanapin ang sagot.  
O, kalungkutan, lubayan mo na ako!  
Naririnig ko ang ulap, umiiyak,  
pumapatak ang luha nito.  

Ang kanilang tingin sa akin—  
isang nilalang na walang halaga,  
isang pagkakamali na kailanman  
ay hindi mababawi.  
Hawak ko ang katotohanan—  
ang katotohanang natatakot akong tanggapin.  
Balang araw, tatawagin akong salot sa lipunan.  
Milyon-milyong mata, tenga, at bibig  
ang naghusga sa akin,  
tila alam ang bawat lihim ng aking pagkatao.  

Sa pagitan ng pag-alis at pagbalik,  
paaralan man o klinika ng espesyalista,  
ang paghihintay ay tila isang habambuhay.  
Limang taon kong idinalangin sa Diyos  
na tupdin ang aking hiling,  
at nangyari nga.  
Ngunit kahit nakakulong ka na,  
hindi ko magawang maging masaya.  
Pagkakamali nating dalawa ito,  
ngunit ikaw lamang ang pinarusahan.  

Ikaw ang naging katahimikan  
sa maingay kong mundo.  
Ngunit nang muli kitang makita,  
sa presinto, harap-harapan,  
tila apoy ang bumalot sa kapaligiran.  
Tanim na poot at galit  
ang bumalot sa aking puso.  

Sa pagtulog ko,  
rinig ko ang tiktak ng relo.  
Minsan, nilaro ako ng panaginip—  
kasama raw kita.  
Gising, natutulala ako,  
nalulunod sa lalim ng iniisip.  

Sa gitna ng pagbalik-tanaw,  
nananatili ako sa kama,  
hinihintay ang sagot  
sa mga tanong ng aking isipan.  
Sapagkat ang buhay,  
tulad ng gulong—  
minsan nasa itaas,  
minsan nasa ibaba.
JE Aug 2018
Lumayo kana sana,
Sa mundong ito Kalahati ng mga hiling sa tala,
Ay ang mawala ka
At ng sana'y makahanap na ng kapayapaan ang iyong nabiktima

Ikaw, ikaw yung tipong makasarili
Na kahit ano nalang ang iyong kinukuha, bale wala na kung anong possibleng mangyari
Biktima mo’y walang pili
Sa mga mata mo’y para kaming mga pera Naghihintay na magamit pambili

Ikaw yung tipong nakakadismaya
Isa kang bagay na walang ibang dala Kundi kapahamakan ng iba
At kalungkutan na habang buhay ay di mawawala

Bawat binitawang salita
May katumbas na kapalit ng iba
Bawat yakap nilang madarama
Isang bagay na naman ang mawawala

Halaman, aso, pusa, bata, matanda lahat ay walang kawala,
Lahat kami ay maaaring ma biktima
Sa inihandog **** mga parusa
Kahit ano pang kweba ang mapagtaguan sa mga kamay mo kami ay bihag pa

Ngayon, naranasan ko na ang mapalapit sayo
Ang landas natin ay pinagtagpo
Sa oras na di ko inaasahan
Pero bat kailangan mo pang idamay ang mundo ko
J Nov 2020
Sa panandaliang pagtigil ng mundo,
Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan,
Na para bang mga sasakyan sa EDSA,
Buhol buhol at walang kaayusan.

Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan,
Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan,
Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan,
Bitawan ang sakit na nararamdaman,

Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba,
Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya,
Mga gabing puro luha at kalungkutan,
Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan.

Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan,
Mga memoryang hanggang isipan nalamang,
Pulutin at dalhin sa susunod na kwento,
Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
Huminga ka kaibigan.
Sa pagnanais kong mapasaya ka kahit ikalulungkot ng puso ko sinasakripisyo ko na,makita lang kitang masaya.Kahit ang  rason ng tawa't halakhak mo ay sa iba na.
Ninais kong malibang ka pero d mo namamalayan napapalayo kana.
Minsan ni tapunan ako kahit sulyap hindi na magawa.
Sa sobrang pagkalibang mo ni hindi mo na namamalayan na ako pala ay nasa tabi mo.
May pagkakataon na kaylangan ko pang kalabitin ka para malaman ****,ay andito pala ako.
Pain
Spadille Feb 2021
Sabi nila di ka tunay na manunula kung ang sulat mo'y di tugma
Kaya napatingin ako sa aking mga tula
At nagtanong sa aking sarili kung ang aking iniisip ay tama
O tunay nga ba ang aking duda
Hindi nga ako isang makata
Marahil ang gawa ko'y di makatutugma
Dito ay kalungkutan ang aking nadama
Dahil sa kasinungalingan ng aking paniniwala
Di tugma ang aking kinurbang salita
Gamit ang makabagong pluma
Luha't dugo ko'y na baliwala
Dahil lang sa sinabi ng isang makata
Kaya't gumuho ang aking mundo't pag-asa
Galit at pighati ang gumising sa aking gabi, mulat ang parehas na mata
At ako'y umiyak at lalong nagduda
Sa aking talento't kakayahang tumula
Prince Allival Mar 2023
HULING PAHINA

Nababalot ng kalungkutan
Nalulunod sa kabiguan
Nilalamon ng kadiliman
Pinapatay ng nararamdaman

Patak ng luhay palatandaan
Emosyon ay di mapigilan
Sugat na iyung iniwan
Humilom man ay may peklat parin ng nakaraan

Pag kabigoy di malilimutan
Sa gawa **** isang huwad at mapaglinlang
Ikaw ay isang timawong nilalang
Mapag kunyari at nagbabalat anyo sa mga pangakong kay bilis **** bitawan
Ngunit niisa ay walang napatunayan

Walang gamot ang kasalukuyan
Para mag hilom ang sugat ng nakaraan
Nag iwan ka ng peklat at pangit na karanasan
Sa inalay kung tapat na pagmamahal nasyang dapat **** kaluguran.

Pagtataka'y diko maiiwasan
Sapagkat ginawa ko lahat ngunit ako'y iyung pinag taksilan
San ako nag kulang,,ang aking buongpag mamahal ay sayo'y aking ibinigay
Walang limitasyon at walang pag aalinlangan pagmamahal ay aking isinaalang alang
Pati aking kaligayahan ay sayo narin nakasalalay

Binigyan mo ng katapusan
Ang tayo na akala ko'y walang hanggan
Inalisan moko ng kasiyahan
Pag mamahal ko'y sinuklian mo ng kalungkutan

Nakakatawa bagamat alam kung nong una palang ay wala na
Pero bakit paba ako umasa
Sa salitang baka sa kaling pede pa
BAKASAKALING pede pa ang tayong dalawa
Ngunit kahit na ipilit ko pa
Ay wala na talaga
Dahil ikaw ang nagbigay proweba
Na ang tayong dalawa ay mananatili nalang ala-ala
At ang ating istorya ay nagtapos na dito sa huling paghina kung saan iniwan moko mag isa....
Angel Jun 2019
Nagising ng Alas tres ng madaling araw tila wala ng araw na sisilaw
Iniisip ang mga salita na binigkas mo sa araw na hiniwalayan mo ako
Bakit hindi napansin ang iyong mga galaw
Na ayaw mona at pagod ka na kaya nag-paalam
Nabigkas mo ang mga salitang hindi ikaw ang dahilan kundi ako sinta  
Mga sandaling kay saya napalitan ng lungkot at luha
Nakita ang luhang sanhi ng kalungkutan na nagmarka sa aking unan
Na tila magmamarka na rin sa aking puso at isipan
Bakit hindi napansin na hindi ka na pala masaya aking sinta
Lumipas ang ilang araw, linggo at mga buwan
Nakita kitang masaya at hindi na lumuluha kasama ang aking kaibigan  
   Ako'y parang isang tangang tumatawang humuhikbi
Basang basa sa ulan na umuwi  
Parang wala ng humpay ang sakit
Gusto ng mawala sa mundong puno ng pait
Kailan kaya ako makakakita ng isang taong hindi ako ipagpapalit
Na magiging masaya kung ano ako at kung ano ang meron kami
This is only my imaginations hope you like it
Xeril Zapanta Sep 2019
Isang madilim na kalungkutan
bumabalot sa aking isipan na para bang may
Nagpapahiwatig na mawawala na ako sa mundong ito

Sa huling gabing sandali na aking nararamdaman
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika’y ang namamayani

Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang patungo sa kamatayan
At nakatingin sa kalangitan

Sumilip ang pulang buwan sa kalangitan
Na hudyat ng kamatayan
At tuluyang bumukas na ang pintuan
J De Belen Mar 2021
May ka chat ka nag hi at nag wave pa
Ikaw naman 'tong si desperada mag ka jowa
Napapikit bigla at sabay sabing
Lord eto na ba?
At dali-daling dampot ng phone
Ma-replayan lang siya ng bongga
Hindi pa man nagiging kayo'y may call sign nanaman
Tulad lang yan sa una ****  nakatawagan
Pero sa huli, di rin naman kayo nagtagal.

Kaya eto ka nanaman aasa
Aasa na baka eto na
Aasa na sana siya na
Aasa na baka sa huling pagkakataong ito ibigay na sa akin ng mahal na bathala ang aking mga dasal na   sana dumating na siya
Pero tulad ng karamihan,sa una lang talaga masaya
Sa una lang siya magaling
Sa una kalang niya pakikiligin
Pero pag dating sa huli
Di ka rin naman niya iibigin.

Sabagay kasalanan mo rin nsman
Nag "hi" lang iniisip mo,may gusto na siya sayo
Binati kalang halos maihi ka na sa kilig
Binanatan kalang ng mga linyang "babe kain kana" iniisip mo mahalaga kana sa kanya
Hinawakan lang niya mga kamay mo
At sinabihan ng mga katagang "ikaw lang,walang iba" iniisip mo mahal kana
Di ko rin naman nilalahat
Pero mas madalas,mas tama pa yung kutob  sa mga bagay na posibleng mangyari.

Kaya wag **** isisi lahat sa kanya,
Sa kanila
Kung nasaktan ka at nahulog ka sa kanya
Kasalanan mo rin naman,dahil nagpadala ka sa mga messages niyang puro pambobola na magpapaasa sayo ng sobra
Mga messages niyang magpapakilig sayo dahil alam niya na dun ka niya makukuha
Mga messages niyang walang kwenta
Pero aminin mo,kinilig ka
Mga messages niyang patuloy ka paring umaasa na baka? siguro? Totoo na

At sa mga messages niya na dahilan ng pagkalugmok mo sa kalungkutan na walang ibang nakaka alam kung gaano kasakit ang pagsabaying dibdibin sa iisang araw lang ang dalawang bagay ng iyong nararamdaman ngayon
Ang maiwan ng walang dahilan at
Masaktan ng wala kang anumang karapatan.

Ang maiwan ng walang dahilan dahil hindi mo naman siya naging pag-aari kailan man
At masaktan ng wala kang anumang karapat
Dahil kahit kailan hindi ka naman niya talaga minahal
Dahil pinaasa at pinasakay kalang
Dahil alam niyang dun ka bibigay
At dahil nagtagumpay siya,gagamitin niya itong armas para paglaruan ka
Kaya mag ingat ka sa mga mabulaklak na mga salita ng mga taong gagamitin ang iyong nadarama, sumaya lang sila.
John AD Mar 2019
Lungkot ng sistema , Pag-gising sa umaga tulala ang eksena
Nakasanayan na ang pagpatak ng tubig sa mata, Basang-basa na ang tela
Pinipilit ko kasing punasan ang sakit , pagkalumbay , dala ng kalungkutan
Alaala mo na di mawawala,lumipas man ang panahon dala dala ko ito sa libingan

Kahapon lang ngiti mo'y hindi maipaliwanag , yun na pala ang huli nating pagkikita
Di man lang ako nakapagmano at nakahalik sa iyong mga noo , hanggang mawalan na ng hininga
Ang Nais ko pa naman sana maabutan ka ng magiging apo mo sa hinaharap , upang makita mo sila
Pero huwag magaalala , ituturo ko naman lahat ng bagay na natutunan ko sayo lola

Paalam lola , Hindi ko man lang nasulit na ika'y makasama
Wala na tuloy magkwkwento sakin nung ako'y bata pa
Wala ding kasabay kumain kapag ako'y magisa na
Nakakalungkot pero kailangang tanggapin , ang buhay natin ay sakanya

Salamat , Alam kong maaliwalas na ang iyong pakiramdam
Nakatakas ka na kasi sa parisukat na mundo na kasuklam-suklam
Payapa na ang sistema , darating din kami dyan

Ang mga rosas ay nalanta , at may uusbong muli na maganda...
RIP Lola Rose
Sep 24 1955 - March 3 , 2019
Isa akong hamak na kabataan na pinagkaitan ng mapaglarong mundong ito. Sa isang madilim na bodega ako matagal nang nananatili. Mabaho at walang pagkain, araw-araw ay tinitiis namin ang kalam ng aming sikmura.
      Mahigpit na ipinag-uutos sa amin na pulutin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa loob ng tambakan na ito. Sinusunod namin ito ng maayoa ngunit tila ang pangakong binitiwan ng taong dumampot sa amin sa kalsada, na kami ay pag-aaralin, ay naglaho nang parang bula.
      Sa bawat sandali ng aking buhay, wala akong naging karamay kundi ang malaking salamin na nakabitin sa dingding ng malawak na silid na ito. Na at patuloy na nagsasabi sa akin ng pag-asa. Pag-asa na siyang matagal ko nang gustong makamtan.

      Sa tuwing titingin ako sa silid na aking kinalalagyan, halos mamatay na ako sa kawalang kalayaan na ito. Minsan pinipilit kong kumawala sa silid na ito kasama ng ibang kabataang inalipin na ng takot. Ngunit suntok at hagupit ng tubo ang aming natatamo sa tuwing nanaisin naming tumakas sa silid na ito. Hindi ko talaga lubos na maisip ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko. Kung ito ba ay totoo o isang panaginip lamang.
      Tumingin ako sa salamin at isa lang ang sinasabi ng aking wangis, hanggang kailan ko pagmamasdan ang mukhag nahihirapan at punung-puno ng kalungkutan? Mabuti pa ang salamin na ito. Sa or as na siaikat ang araw, lagi niyang ipinadarama ang panibagong pag-asa.
Jun Lit Jul 2019
[isang pagsasalin sa Tagalog, batay sa orihinal na
"When tomorrow starts without me" ni David Romano]

Kapag nagsimula ang bukas na di ako kasama,
at ako’y wala roon upang makita;
Kung sisilayan ng araw ang iyong mga mata,
na puno ng luhang para sa akin, Sinta;
Labis kong nais na hindi ka lumuha,
katulad ng sa araw na ito’y iyong ginawa,
habang inaalala ang maraming bagay at salita,
na hindi nasabi o hindi nawika.

Batid ko kung gaanong kamahal mo ako,
kasingsidhi ng pag-ibig kong tanging sa iyo,
at sa tuwinang ako’y iisipin mo,
Alam kong hahanap-hanapin mo ako;
Subalit kung ang bukas ay magsimulang wala ako,
nawa'y pakaunawain mo,
na isang sugo ang dumating at tinawag ang aking ngalan,
at ang kamay ko’y kanyang hinawakan,
at wika’y handa na ang aking paglulugaran,
sa malayo’t mataas na kalangitan,
at kailangang lumisa’t talikdan,
tanang sa aki’y mahal, lahat ay iiwan.

Subalit pagtalikod kong palayo,
Isang patak ng luha ko’y tumulo,
pagkat buong buhay, lagi kong kinukuro,
Ayokong mamatay.
Maraming dahilan para ako’y mabuhay,
maraming gagawin pang mga bagay,
Tila imposible, hindi kailanman,
na ikaw mahal ko’y iiwan.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga araw na nagdaan,
ang masasaya’t ang mga kalungkutan,
Pumuno sa isip ang pag-ibig nating pinagsaluhan,
at lahat ng ating galak at kaligayahan.

Kung sa kahapo’y mabubuhay akong muli,
kahit man lamang kaunting sandali,
Magpapaalam ako’t hahagkan ka
at marahil, makikita kong ngingiti ka.

Ngunit lubos kong napagtanto,
na hindi na kailanman mangyayari ito,
sapagkat pagkawala’t mga ala-ala na lamang,
ang sa aki’y papalit at maiiwan.

At nang maalala ko ang sa mundo’y mga kasayahan,
na bukas ay di ko na matitikman,
ikaw ang naging laman ng isipan,
at puso ko’y napuno ng kalungkutan.

Ngunit pagpasok ko sa pinto ng kalangitan,
Ramdam ko’y ako’y nakauwi sa tahanan.
Pagdungaw ng Bathala’t ako’y nginitian,
mula sa kanyang gintong luklukan,

Wika’y “Ito ang Walang Hanggan,
at lahat ng pangakong sa ‘yo’y inilaan".
Sa araw na ito, natapos ang buhay sa lupa,
ngunit dito ngayon ang simula.
Di ko ipapangako ang kinabukasan,
ngunit ang ngayon ay magpakaylanman,
at dahil bawat araw ay pareho lamang,
ang nakaraa’y hindi na kasasabikan.

Ngunit ikaw ay naging matapat at naniwala,
tunay at totoo, lubos na nagtiwala.
Kahit may panahong may mga hindi tama,
na alam **** hindi dapat ginawa.

Ngunit ikaw ay pinatawad na
at ngayon sa wakas ay malaya na.
Kaya’t kamay ko ba’y hindi mo hahawakan
at sa buhay ko, ako’y sasamahan?

Kaya pag sumulong na ang bukas at wala na ako,
huwag **** iisiping nagkalayo tayo,
dahil sa tuwinang iisipin mo ako,
Nandito lang ako, diyan sa puso mo.
My translation into Tagalog of David Romano's "When Tomorrow Starts Without Me" -
"When tomorrow starts without me,
and I'm not there to see;
If the sun should rise and find your eyes,
all filled with tears for me;
I wish so much you wouldn't cry,
the way you did today,
while thinking of the many things,
we didn't get to say.

I know how much you love me,
as much as I love you,
and each time that you think of me,
I know you'll miss me too;
But when tomorrow starts without me,
please try to understand,
that an Angel came and called my name,
and took me by the hand,
and said my place was ready,
in heaven far above,
and that I'd have to leave behind,
all those I dearly love.

But as I turned to walk away,
a tear fell from my eye,
for all life, I'd always thought,
I didn't want to die.
I had so much to live for,
so much yet to do,
it seemed almost impossible,
that I was leaving you.

I thought of all the yesterdays,
the good ones and the bad,
I thought of all the love we shared,
and all the fun we had.

If I could relive yesterday,
just even for awhile,
I'd say goodbye and kiss you
and maybe see you smile.

But then I fully realized,
that this could never be,
for emptiness and memories,
would take the place of me.

And when I thought of worldly things,
I might miss come tomorrow,
I thought of you, and when I did,
my heart was filled with sorrow.

But when I walked through heaven's gates,
I felt so much at home.
When God looked down and smiled at me,
from His great golden throne,

He said, "This is eternity,
and all I've promised you".
Today for life on earth is past,
but here it starts anew.
I promise no tomorrow,
but today will always last,
and since each day's the same day,
there's no longing for the past.

But you have been so faithful,
so trusting and so true.
Though there were times you did some things,
you knew you shouldn't do.

But you have been forgiven
and now at last you're free.
So won't you take my hand
and share my life with me?

So when tomorrow starts without me,
don't think we're far apart,
for every time you think of me,
I'm right here, in your heart."
Joshua Feb 2019
Naalala ko pa yung araw na napagdesisyunan kong kumain sa McDo.
Kasi wala lang, trip ko lang.
Hindi naman ako gutom, hindi rin pagod.
Pero nag-McDo ako.

Noong panahong yun,
Saka ko lang narealize yung sinasabi nilang "Self Worth."
Pahalagahan ang sarili, mahalin.
Bagay na hindi ko nagawa sa nakaraan.
Kaya ayun, nagwakas, natuldukan.
Paano naman nga ba kasi magpapahalaga sa iba
Kung sarili ko nga di ko mapahalagahan.

Umorder na ko ng fries at Big Mac
Syempre kasama ang paborito kong McFloat.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagnguya
Nung nagtanong ka
"May nakaupo na po ba?"
Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha
Umiling nalang ako.
Nagtataka rin kasi ako bat sa harap ko pa naisipan **** umupo.
Yun pala, wala na talagang pwesto sa McDo.

Binasag mo ang katahimikan sa pagpapakilala mo sa akin.
Bigla atang lumamig ng hangin
Lalo na nung nakita kong nakangiti ka sakin.

Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan.

Ikaw ang nagsilbi kong Happy Meal
sa araw-araw na paggising ko.
Hindi ko na kailangan ng Happy Meal toy
Kasi makasama ka lang enjoy na ako.
Ikaw yung chicken fillet na
sa sobrang lambot ng pisngi mo nanggigigil ako.
Ikaw yung Hot Fudge na mas matamis pa
sa Dairy Milk kasi sobrang sweet mo.
At para kang gravy ng McDo
na hanggat di ubos yung ulam magrerefill ako.

Hanggang isang araw, inaya mo ko mag-McDo.
Masaya akong sumama kasi minsan lang yun.
Ako naman ililibre ng taong madalas ilibre ko.
Feeling ko tuloy sasagutin mo na ako.
Nagpresenta kang ikaw na o-order
At ako nang bahala sa uupuan.
Hindi ko alam bakit pagkaupo ko palang
Nakaramdam na ko ng kalungkutan.
Natakot ako bigla sa di malamang dahilan.

Buti dumating ka na, at
Buti nakangiti ka.
Ngunit ako ay nagtaka na
Ang pagkaing binili mo ay hindi para sa dalawa.
Agad **** sinabi saken na saglit lang,
May pupuntahan ka lang.

Pagkaalis mo, kinain ko na ang binili mo.
Pero nagulat ako
Matapos kong i-angat ang burger na inorder mo.
"Hindi pa pala ako handa."
Nakasulat sa sticky note na nilagay mo.
Di ko alam ano ibig **** sabihin
Kaya nagdecide akong ikaw ay hintayin.
Mahal, sabi mo saglit.
Pero bakit hindi ka na bumalik?
Iniwan mo na ako.
Iniwan mo gamit ang isang sticky note,
Kasama ang favorite kong McFloat.
Jay Victor Pablo Dec 2018
Tumutugtog sa iisang saliw
Buhay na gustong ipabatid
Imbis na magbigay ng saya at aliw
Kalungkutan at pighati ang siya nitong hatid
Mga tonong nagbibigay buhay
Sa kanta ng ating buhay
Na sabi nila, isang uri ng tagulaylay
Ngunit parang hindi ito tunay.
Sabi nila ang tono ng isang kanta ay iba-iba,
May mataas at mayroong mababa
Ngunit para bang ang kanta ko ay iba
Lagi na lamang nasa mababa
Nasa mababa nga ba talaga
O sadyang ang boses ko’y sintunado lang talaga
Baka naman kailangan ko lang talaga
Itono ang boses kong tunog lata
Para maramdaman ko ang tunay na ganda
Ng kantang iyong nilikha
Binuo mo kasama ng tuwa at ng luha
Para maramdaman ko ang iyong mga salitang:
“Anak, Mahal na Mahal kita”.
Kaya nais ko sanang iparating sa iyo, aking Sinta
Salamat sa Iyo, o aking Ama
ESP Nov 2020
Balisa, sa lawa ng pag-iisa
Sa gitna ng hatinggabi at umaga

Mga aninong dumaraan
Hihigupin ang kamalayan

Maiiwan ka sa dilim
Malulunod sa kawalan

Susubukang tumayo, iiwas sa demonyo ng kahapon,
ng ngayon,
at kung darating man;
ng bukas

Balisa, sa lawa ng pag-iisa
Sa gitna ng hatinggabi at umaga

Basang basa sa hinagpis at pag-iiyak
sa lahat ng mga bagay na hindi tiyak

Tatakbo palayo't susubukang lumisan sa kaibuturan,
sa kalungkutan,
at sana dumating pa:
ang kaliwanagan

Balisa, sa lawa ng pag-iisa
Palagi nang inu-umaga
May pait na dulot
ang lubos na pag-iisa
From a prompt, "may pait na dulot ang lubos na pag-iisa".
Naglalakad ako pauwi
Ninanamnam ang hangin na pilit humahampas sa aking muka
Tinitiis ang mga talaro na tila nasa paa ko

Hinintay kita
Doon sa tagpuan na sinabi nating pagtatagpuan
Doon sa upuan sa tabi ng liwasan
Doon sa “Dito ang lagi nating kitaan”
Na ngayon ay “Siguro mas mabuti mo na akong iwanan”

Kaya naglakad ako pauwi
Nilibot ang mga pilak at bato sa kalsada
Ang mga tutubi at mga langaw na kinakain ang aking kaluluwa

Umaasa parin ako na darating ka

Pero ang dumating ay ang pananamlay
Ang kalungkutan
Kinuha ako at itinago sakanyang mga braso
Pilit akong kumalas at humiwalay
Dinala niya ako sa kanyang tahanan
Pinunit at ginahasa ang puso ko

Naglalakad ako pauwi
Hawak ang puso kong namumutla
Ang utak kong kumikirot

Hinintay kita
Euphrosyne Feb 2020
Katabi kita
Masaya tayo ngayon
Sabay tayong kumain
Sabay tayong pumasok
Sabay tayong humihigop ng kape
Sabay tayong umuwi
Nagtatawanan tayo
Akap akap kita
Para matanggal lahat ng kalungkutan mo
Pinagsasabihan mo ako ngayon
Tungkol sa mga binebenta ko
Tinutulungan mo akong
Mapukaw lahat ng kalungkutan ko
Ngunit
Lahat ng ito'y
Imahinasyon nalamang
Dahil parang mga mata ko nalamang
Ang tayo dahil
Malabong mangyare na muli lahat ng iyon
Sana sa susunod maging totoo na lahat ng ito diane miss na kita.
Shaina Placencia Mar 2021
Isang madaling araw, sa hulog ng himbing ng aking pagtulog ay dagli akong ginising,
mulat ang mga mata na tila ba hindi pa nagpapahinga, sabay ang pagkarinig sa sunod sunod na bulong, tanong...

Nag-uunahan sila na kahit na walang kasagutan, ay gigil na nagsusumiksik sa aking isipan, ako'y naguguluhan nanaman pagkat wala akong alam, hindi ko maintindihan ang rason ng kanilang pagkatok sa aking pintuan, kalungkutan... ninanakaw nanaman ako sa aking katinuan.

Walang ganang bumangon, sinundan ang mga tahimik na paghikbi, at doon sa may malaking salamin ay aking nasaksihan ang tahimik na pagtangis ang isang batang luhaan,

Walang tigil sa pag-iyak, bakas ang pagod sa kanyang mga mata, pagkagutom, pagkauhaw, pawisan na para bang malayo pa ang kanyang pinanggalingan, tahimik akong umupo sa kaniyang tabi... at doon muli ay unti-unti ko s'yang sinabayan.

Naghalo ang pareho naming kalungkutan, kaguluhan ang dala ng pagsasama naming dalawa, ngunit walang magagawa, sapagkat sa isang madaling araw ay s'ya lamang ang natatangi kong bisita.

— The End —