Oh, kung masakit na sa paningin ang sinag ko
na dapat ay nagbibigay liwanag sayo,
Darating naman ang gabi, iiwas sa realidad, nang kasama mo
Baka mas madali mo makita
ang kinang na hanap mo, kapag madilim at mag isa,
Ako, maghihintay lang na dumating yung oras na nakalaan sa akin para tanglawan mo.
This is my first entry in Filipino . Hello sa mga Pinoy dito sa HP đŸ‘‹
Mahirap din isipin na parang tinutulak mo na lamang ang sarili mo sa isang tao, na di naman hinihingi ang tulong mo. Akala mo ay ikaw ang sandalan nya pero may iba pala syang pinanghahawakan.