Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2017
Naglalakad ako pauwi
Ninanamnam ang hangin na pilit humahampas sa aking muka
Tinitiis ang mga talaro na tila nasa paa ko

Hinintay kita
Doon sa tagpuan na sinabi nating pagtatagpuan
Doon sa upuan sa tabi ng liwasan
Doon sa β€œDito ang lagi nating kitaan”
Na ngayon ay β€œSiguro mas mabuti mo na akong iwanan”

Kaya naglakad ako pauwi
Nilibot ang mga pilak at bato sa kalsada
Ang mga tutubi at mga langaw na kinakain ang aking kaluluwa

Umaasa parin ako na darating ka

Pero ang dumating ay ang pananamlay
Ang kalungkutan
Kinuha ako at itinago sakanyang mga braso
Pilit akong kumalas at humiwalay
Dinala niya ako sa kanyang tahanan
Pinunit at ginahasa ang puso ko

Naglalakad ako pauwi
Hawak ang puso kong namumutla
Ang utak kong kumikirot

Hinintay kita
Kurt Christian B Tubera
1.3k
   Lior Gavra
Please log in to view and add comments on poems