Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Raf Reyes Mar 2018
Natuyo na ang kaalatang pumapalibot sa kanyang mga mata

Ilang papel na ang nasira sa pagtulo ng mga basang kalungkutan sa mga salitang pinagsikapang idikta't ibuga
Umaasang, balang araw
Ang sakit na kinikimkim ay tuluyan ding
maiibsan

Ngunit

Lumipas ang mga buwan, humina ang katawan
Nagkulong sa loob ng sariling kasakiman't kadiliman sa takot na muling masaktan.

Pero tama na.

Sa wakas, dumating na ang realisasyong matagal nang inaasahan: Nakakasawa nang magtiis matulog sa mga basang unan.

Panahon na para ito’y labhan.
I've been trying to write more poems in my native tongue. Lately, I've been falling in love with its rythmic flow. I hope that the people who got so used to my english poems can appreciate this new direction.
HYA Nov 2017
Patawad kung  ang aking mga likha ay hindi masasaya
Patawad kung ang aking mga piyesa'y hindi nakakatawa
Patawad kung hindi magaganda ang aking isinusulat
Patawad kung ginagawa ko ang mga iyon habang ang mga mata ay hindi nakamulat

Hindi ako magaling ngunit pinipilit ko
Pinipilit kong sumulat upang maipalabas ang nararamdaman
Ang mga pighati na noon pa nakakulong sa isipan
At kung ito lamang ang nag-iisang paraan

Subalit ang aking mga sulat ay mananatiling sulat lamang
Kung wala namang nag-aabang
Kaya salamat na rin pala
At binasa mo ang aking mga salita

Dahil sa iyo, nabibigyan sila ng halaga
Ang mga sinisimbolo ng bawat letra
Iba't ibang kahulugan ang iyong nabibigay
Iba't ibang kahulugan kung bakit ito nabubuhay

Kaya salamat at pasenya
Ngunit ito ay ang aking hustisya
Kung ayaw nyo na, sana'y wag ninyo ng ipilit
Sana ay may naramdamang bago saglit

Pasenya, mambabasa
Ngunit hindi ko babaguhin ang mga piyesa
Ako ay isang makata
Makatang meroong sariling hustisya
Hahahahaha emoooo

— The End —