Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"alamin" poems
Bakit 'di pa tanungin ang aking ngala't numero at 'di lang ang petsa't anong sinabi ng **** Bakit 'di pa alamin ang pintig ng puso kong inip na inip nang maghintay sa iyo? Bakit hanggang tingin? Bakit hanggang ngiti? Aking pag-ibig, sinta, batid mo na ba rin? Bakit umiiwas; bakit natatahimik - bakit sa tuwina'y lagi kang walang imik? Para kay seatmate na 'di ako pansin. 'Di mabatid, 'di mabalingan ng tingin. 'Di mo ba alam na sa bawat wanfort na ihinihingi *ay naitatangay nang utay-utay ang aking puso't damdamin?*
0
Oct 7, 2015
Oct 7, 2015 at 8:44 AM UTC
Para Kay Seatmate
012817 Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap Natangay man ng hanging habagat Ito'y iyong ulitin Pagkat sa kamay mo nakasalalay Ang imahe na magsisilbing litrato Ng iyong mapaglarong isip. Kumpas ng kamay Na tila nagpapagalaw ng mga butil Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw Sa madilim na kwarto Na sya ring nagbibigay kulay At naiisakatuparan ang mga munting nilikha Sa ibat iba nitong linya. Ngayon, ikaw ay dumating Wag **** sasabihing huli na ang lahat Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo, Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip. Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa Dahil Diyos ang nagbigay ng talento Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap. Magdiwang dahil kagaya ko, Siya ang magbubuo ng iyong pangarap. Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya. Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:32 AM UTC
Buhanging Mga Kamay
Minsan ako'y nanalangin, diwa ko'y nag-aalanganin. Di alam ang uunahin, di alam ang sasambitin. Gusto sanang alamin ano bang plano sa akin? Sana naman ako'y dinggin at wag nang pagisipin. Ang hirap kasing baybayin, lalo na kung hihimayin. Puso ko'y tila nakalambitin, nakalutang sa hangin. Pilit kong aalalahanin mga bilin mo sa akin. Mabigat man ang damdamin, alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
PANALANGIN
Buwan ng puso nung una kitang makilala Chinat mo ako at nireplayan naman kita Hanggang sa araw-araw, tuwing umaga Kausap na kita bago pumasok sa eskuwela Simula nun di ko na natiis na hindi mag-facebook Imbis na inaatupag ko dapat yung aking mga textbook Hanggang sa one day, naramdaman ko na merong kakaiba Then narealize ko nalang---shet ! gusto na kita Dun ko nabigyan ng kasagutan Lahat ng nasa isip kong mga katanungan Kung bakit kapag nakikita ka Gusto kong lumundag sa saya Sa tuwing kausap kita May kakaiba akong nadarama At kung bakit nga ba? Madalas, oo madalas na naiisip kita. Kaya tinago ko lahat sa yo At palihim na sumisilay sa labas ng room nyo Pero ng malaman mo lahat ng to Parang gumuho ang mundo ko Oo gumuho ang mundo ko! Hindi ko alam kung ano ang gagawin Mananahimik na lang ba o aamin? Kaya mas pinili ko nalang na sabihin. Pero shet! yun yung masakit sa damdamin New year's eve pa nun nung sinabi mo sakin May gusto kang iba Ang masaklap dun? Yung BESTFRIEND ko pa Yung bagong taon imbis na bagong buhay Sinalubong ako ng sama ng loob at mga lumbay Dun ko na realize na ang tanga ko Para mahulog ako sa isang kagaya mo Kung gusto mo sya, ano pa bang laban ko? Sa mga ganyang bagay, kelan ba ko nanalo? Hanggang ngayon, alam mo ba? Nag sisisi pa rin ako Kung bakit hinayaan kong mafall ako sayo Kaya maalas kapag nagkakasalubong tayo Umiiwas agad ako. Umiiwas ako. Kasi feeling ko awkward na masyado Kaya nga siguro madalas **** tinatanong sakin Kung bakit di kita pinapansin Sorry pero ayoko nang isipin pa Ayoko nang umasa pa Na pagdating ng panahon may tayong dalawa pa Pero alam mo ba? Alam mo bang gusto kobg sabihin na kamusta ka? Okay ka lang ba? Sana maayos ka. Kumain ka na ba? Wag kang magpapagutom huh? Maayos ba tulog mo kagabi? Hinihiling ko yan araw-araw, gabi-gabi Pero hanggang dun lang ako. Hanggang dun lang ako Kasi nga diba? Nakuha na ng iba Yung susi ng puso mo Kaya hanggang hiling nalang ako. Hanggang hiling nalang ako Na sana isang araw, kumustahin mo rin ako. Sana isang araw, alamin mo kung kumain na ba ako O kung naging maayos ba ang tulog ko. Sana kahit minsan maisip mo rin ako. Hindi na yung sya nalang lagi yung nasa utak mo!! Sana isang araw maramdaman mo Na may isang taong nandito lang lagi para sayo. Handang maging takbuhan mo, Hangdang maging karamay sa bawat problema mo. Sana isang araw, malaman mo, Na may isang taong nagmamahal sa yo, Kahit na iba yung laman ng puso mo. Sana malaman mo na nandito lang ako . Maghihintay sayo. Handang magsakripisyo kung kailangan mo. Kahit na kaibigan lang yung turing mo. Masakit man pero Kailangang tanggapin ko. Kasi nga diba! ONE SIDED LOVE lang naman Ang love story na to.
0
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 5:51 AM UTC
O.S.L. (spoken word poetry)

Continue reading...
92
Paano kaya? Mahal ko ang pilipinas. Sobra. Mahal ko ang bansang aking kinalakhan. Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko! Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa? Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan. Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila. Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika. Paano kaya? Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata. Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin. Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin. Paano kaya? Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw. Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan. Paano kaya? Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan. Paano kaya? Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman. Paano kaya? Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito? Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa. Alam kong katangi tangi parin ito. Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa. Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat. Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay. Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at  kahit may taning na ang buhay. MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
0
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 1:39 AM UTC
Sa Kabila

28
Peace be upon you Peace be upon you. The moment you were born were summoned to Earth far from heaven. Far no more, no more heaven is now an open door close to the believers' souls! Peace be upon you Peace be upon you. The moment did you dip your toe in this mortal soil. Mortal no more, no more it becomes sublimely the most beautiful of all! Peace be upon you Peace be upon you. The moment you breathed life your perfume stirred the water the meaning of life is obscured no more, no more it’s all clear like the full moon! Peace be upon you Peace be upon you. East to the west you are the best. The leading light shines at the fore. 'Rahmatul lil Alamin' Mercy to the world. for the mankind for the evening star and the morning rose you brought peace to all!
0
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 3:18 PM UTC
Commemorating The Birth of Prophet Muhammad (PBUH)
Ang unang pahina: Para sa kauna-unahang nilalang na mabubuo sa aking sinapupunan Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang na ika’y aking papangalanang “tao” Dahil alam kong dadating ang panahon na iyong susubukang alamin ang kahulugan ng itinatawag sa iyo At nais ko na sa iyong paghahanap ay iyong maungkat ang balde-baldeng mga salitang nakalimutan na ng ating lipunan Sabay nating tutuklasin kung sino ka nga ba sa isang mundong mapangdikta Na sa bawat pagsabi ng “Magpakalalaki ka nga!” Alam mo na upang maging isa ay kailangan **** maging tao muna At sa unang araw na ika’y magpapaiyak ng sinuman sa ngalan ng “pagiging lalaki”, Ay sisimulan ko ang pag-uukit ng mga linya sa iyong mga palad Upang sa tuwing padadapuin ang kamay sa sinuman sa ngalan ng karahasan ay una kang masasaktan Anak, Gusto kong malaman mo na kahit di ko pa alam kung ano ang iyong paboritong kulay Alam ko na ang nasa kaibuturan mo Dahil tulad ko, ika’y isa rin lamang nilalang Pupunuin ko ang kwarto mo ng libu-libong salamin Dahil alam kong darating ang panahon na bubulungan ka ng kung anu-anong mga korporasyon na nagsasabing ika’y kulang pa Kinukutsya ang bawat aspeto ng katawan **** di sakto sa kanilang imahe sayo At nais ko na sa iyong pagising at pag-uwi ay di matatakasan ang tignan ang sarili sa salamin Umaasang maaalala ang ipinangalan sa iyo ng nanay **** nakatayo rito ngayon Tao, Isang araw ay itatapon kita sa mundo Hindi iiwan pero hahayaang mamili para sa sarili Tandaan ang pangalan mo at unawain na hindi lahat ng likha ng tao ay tama Balikan mo ako sa iyong unang galos.
0
Jul 23, 2016
Jul 23, 2016 at 3:20 PM UTC
Unang Anak

25
Pipigilan ko ba kung hindi ko na kaya? Hahayaan ko na lang bang umagos ang mga luha? Tatahimik na lamang ba ako at hindi magsasalita, Kung puso ko ngayon ay mabigat na mabigat na? Ano ba ang kasalanan ko at ako ay pinagkaitan? Nagkamali ba ako, kaya pasan ko ang kapighatian? May magagagawa pa ba ako kung dalawa na kayo ang nang-iwan, At isisigaw na lamang sa hangin ang lahat ng aking pinagdaanan? Tinutusok ang puso ko, nadudurog na parang yelo. Nanghihina ako, kulang na lang ako ay mag-deliryo. Ano ba kasi ang kasalanan ko at ako ay pinaghiwalay ninyo? Nasaan ang pagmamahal na matagal kong hinintay na maramdaman sa tunay na ina ko? Tatlong dekada akong nagtiis sa pag-aakalang tama kayo. Tatlong dekada akong naghirap para maiahon ko kayo. Tatlong dekada akong nagbigay ng purong pagmamahal para ipagmalaki ninyo ako. Pero bakit kailangang itago ninyo ang katotohanan sa tunay na pagkatao ko? Sinubukan kong tuklasin pero pinagbawalan niyo ako. Tinangka kong alamin pero ayaw ninyo. Nang tangayin ang pag-asang mayroon ako, Hindi niyo sinabing may tunay na kapatid pala ako. Hahalikan ko na lamang ang hangin. Pakikinggan ko na lamang ang boses ng kalikasan. Sasayaw sa tunog ng kalembang sa kung saan, Hanggang sa buhay ko ay tuluyan maparam.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 1:57 AM UTC
Pinagkaitan ng Pagkakakilanlan
Lumapit ka sa akin kapag nasasaktan ka na Hindi ko tatanungin kung alin Hindi ko hahanapin kung saan Lalong hindi ako mag-aaksayang alamin kung pano Yayakapin lang kita Mainit na yakap na hindi mo naramdaman sa kanya Mahigpit na yakap na hindi mo mararamdaman sa iba Na sana kahit papano ay Makapagpapaalis ng kirot At magpaalala na nandito pa rin ako Leigh Herondale  October 1, 2015
0
Oct 1, 2015
Oct 1, 2015 at 1:59 PM UTC
Yakap
Ang ilog ay salamin ng itinagong kasalanan na ngayon ay naniningil Hindi umiimik ito sa pagdaloy Kahit sa linaw ay nagpalahaw Tahakin ang landas ng pagkapoot Ituring kaaway ang kinabukasan Ang saplot ng nakalipas ay isuot Ang kasalukuyan ay kalunos-lunos Birheng rosas ay huwag pitasin Sa matutulis na tinik nito'y alamin Na ang kaakit-akit sa plorera ay ito rin ang mabagsik Ang nalalantang talulot Matamlay na tangkay ay namamaluktot Ang ligaya ay sa isang bahagi lang Nilalamon ng kalumbayan Sa ikatlo ng buwan Gasuklay na hugis ay kakaiba Habang ang kanluran na binabagtas ay may alay na pansamantalang kaginhawaan Itawag sa mga buwitre ang Kasukdulan, Pamamaalam Walang hangin sa baga nilubos-lubos pa Sinipsip ang buhay hanggang sa lumisan Kukuyugin ng uod Lalasapin nang pagkalugod Tatabunan ng lupa magsilbing pataba nang dadalawin minsan ng mga bulaklak
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 5:58 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #9
nadala ako sa talang , may hawak ng buwan at bituin na di hamak walang sinabi ang mga mamahaling bagay gaya ng singsing nadala ako sa karagatan punong puno ng bagay na di pa natutklasan na kung san gusto kong sisirin mga kayamanan, mga kasaysayan, mga inpormasyong dapat pang alamin kaya ipagumanhin mo sana kung ako'y hirap tumingin ng diretsuhan sayong mga matang puno ng kabubuluhan dahil takot lang akong mawala sa mga titig **** kung san san akong puedeng idala sa mga nakalipas na araw, alam kong napansin mo na sa lahat ng mga sinalihan ko ay lagi lang akong talo kaya sa ika-28 ng Marso aking napagtanto na gusto kong maligaw sa mga titig mo sinasabi ko sayo, makamit lang ang iyong oo, katumbas na ito ng isang milyong pagkapanalo
0
Mar 4, 2016
Mar 4, 2016 at 5:05 AM UTC
Untitled
Bakit pa ako nandito? Inuulit ko ang tanong mo. Alam mo ba kung bakit? Nandito parin ako kase hindi pa ako natutulog ng mahabang panahon at nagpapakapuyat buong gabi para lang alamin ang sagot sa iyong katanungan. Nalaman ko na ang pag-iyak ay mas importante pa kaysa sa pagpapaalam. Nandito parin ako kase naaalala ko pa ang mga panahong sigurado ako sa ibang bagay. Pero ngayon, hindi ko na alam. Bilang ba ito?
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 11:26 AM UTC
tula: "bakit nga ba"
ano ang pinakamaling ipilit sa kalawakan? ang naisin ang paglaho ang pagkasabik sa destinasyon ang madaling paglisan mga maling kamay na kanlungan ilang beses na tayo nagbabakasakali sa 'di mabilang na pagpapasubali sa mga bahay na akala natin ay tahanan sa mga taong ilang beses napaghandaan sa mga _baka sakaling_ hindi tayo iiwan o ang _tiwalang_ hindi tayo lilisan mga ilang beses pa dapat umulit ang palabas? may magbibigay ba ng kasiguraduhan? dahil isa lang ang sigurado ngayon ang walang pag-aalinglangang pagod ang pagsuko ang sunod-sunod na pagkalunod ang ilang beses na pag-iyak sa walang katuturan mga walang katuturan, _dapat_ pinilit nating manatili bigyang sagot ang mga tanong sa nasirang haligi tignan mo ang mga bituin isa tayo sa kanila o ang mga bulalakaw, mga bato na pinagliyab ng damdamin tignan natin ang ganda mamaya na natin alamin ang kasinungalingan nila mamaya na natin pag-isipan na ang mga liwanag na ito'y nakaraan na pagmasdan natin ang ganda mamaya na natin pag-usapan ang pagkawala matapos ang pagbagsak 'wag na nating itatak sa mga munting isipan ang nagbabadyang katapusan dahil alam na natin ang kahihinatnan sa maling paglusob sa gyera ng kalawakan at ang pagsalungat sa mga propesiya na minarkahan hintayin na lang natin ang katapusan.
0
Feb 20, 2018
Feb 20, 2018 at 9:02 AM UTC
Untitled
ang hangin ay merong hatid na amoy at pawang init naman ang nasa apoy sa tubig, mayroong ahon pag nalulunod sa lupa, may bangon yaong mga na-talisod Bilangin Nawa Tagong Bituin ,,,, upang hiling wagas makapiling !!! buhangin din tila pumag-ibig ,,, lutang ngunit saganang alamin !!! Tulak ng bibig kabig ng dibdib kung ayaw daw maraming dahilan Puspos o kapos, bawas o Tigib kapag gusto raw, merong Paraan para umigi kapupuntahan,,, lingonin lagi pinanggalingan sampuan man 'tong pagpapantigan, Takaw-dinggin sa naninindigan !!!
0
Apr 16, 2022
Apr 16, 2022 at 6:43 AM UTC
"Sabado de Gloria"
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig? Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig? Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig? Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay, Sa pagsuway. Hindi ito ang tamang pagmamahalan 'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako. Ngayon kaibigan Maaari mo na bang sagutan Ang aking katanungan Ang talata sa unahan
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:07 AM UTC
II. Tunay Na Pag-ibig
'Wag muna nating tuldukan Ang paglalakbay sa dilim Kung saan ito patungo Alamin muna natin bago gumabi Malay mo sulit pala ang lahat ng luha at tula Ang mga pakikinig sa ulan Ang mga bakanteng titig sa kawalan Ang madalas na pagpigil sa sariling tumakbo palayo Palayo sa hapo Sa sakit na medyo sobra na Sa pilit na bulong na 'kaya pa' Siguro, siguro... Palapit na ang bituin at buwan Magsisimula na ang sayaw ng mga alitaptap Kaya dito muna tayo Wag muna nating tuldukan.
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 12:47 AM UTC
Tag-a-long
m a h i l i g a k o sa mga bituin sa malamig na hangin sa matamis na awitin kay sarap dinggin lalo kung para sa 'kin. n g u n i t m a s h i l i g k o mga mata **** tila bituin mga mapungay na tingin tuwing nakatitig sa akin (para 'kong tutumba sa hangin--) ikaw at ikaw pa rin. t u l a d n a l a n g n g h i l i g k o sa mga bagay na hinihiling mga bagay na 'di para sa 'kin ang alamin bagay na nararapat lang sa dalangin mga bagay na maaari lang hingin pero hindi kailanman angkinin.
0
Jan 7, 2020
Jan 7, 2020 at 10:22 AM UTC
mga hilig