Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bluie Apr 2016
paminsan pangungusap
madalas tanong

paminsan nagmumula sa'yo
madalas nanggagaling sa'kin

paminsan kay hirap sabihin
madalas kay sarap pakinggan

paminsan binibitawan
ng may kasiguraduhan
madalas may kalakip
na pagdadalawang isip

paminsan may kahulugan
madalas hindi maintindihan

paminsan walang bakas ng kasinungalingan
madalas di mahagilap ang katotohanan

paminsan tapat at totoo
madalas hanggang panaginip na lamang
AUGUST Sep 2018
Ikaw lang, (Pangako)

Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit
Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit
Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik
Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit,

Andito na ang iyong sandalang balikat
Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat
Napakaganda mo para saktan, hindi  kita matitiis
Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis

Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti
Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati
Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali
Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi

Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman,
Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan
Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan,
Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang

Hawak ang malambot **** mga kamay
may ibinubulong ang boses **** malumanay
“Andito ka na, di na ko nalulumbay,
di ako sanay na ikaw ay mawalay”

"Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan?
Pinabayaan, at kinalimutan,
Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang?
Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
Congratulation to Aljhon and Marilyn,
090316 #AlphabetsOfLove #SpokenWords

Nag-aral ako't rumolyo ang panahon
Nagbilang ng taon, nabihag ng pag-ibig Niyang pabaon.
Naghalungkat ako ng mga mumunti Niyang Katha
Sa tarangkahang puno
Ng higit pa sa dalubhasang mga Salita.
At heto --
Heto ang Bukas na Liham
Ng pag-ibig ng isang tunay na Mandirigma.
Para sa lahat ng nanghihina't nasawi ng tadhana,
Para sa lahat ng humuhugot
Sa sandamakmak na nagdidilimang mga eskima
Heto, heto nga pala ang ABAKADA ng Pag-ibig.

----

A-alalayan Kita't baka mahulog ka't masaktan pa ng iba. Baka magpasalo ka na naman sa mga bolerong nanunungkit ng pag-ibig -- silang susungkit ng mga bituin para sayo, silang haharana sayo ng kilig, silang magsasabing maghihintay sayo kahit pa sa magkabilang mundo -- silang magdudulot lamang ng matinding pait sa puso mo pag hindi ka pa handa, pag hindi ka pa nahilom at pag hindi pa panahon. Oo, silang muling gugusot ng pagkatao mo.

B-abalikan Kita, hindi dahil Ako ang nang-iwan. Pakiramdam mo kasi'y wala ka nang halaga; yung tipong iniwan ka na ng lahat sa ere't kaunti na lamang ay pabagsak ka na -- yung wala ka nang matakbuhan pa, yung paikut-ikot na lang, yung takbo ka na lang nang takbo -- hanggang sa mapagod ka na lang. Mapapagod at kusa kang hihinto -- yung bibitiw ka na, yung aayaw ka na, yung titigil ka na, yung wala ka nang pakialam. Kaya't --

K-akalingain Kita, di gaya ng pag-ibig na minsang nagpaluha sayo. Nang nasisilayan Kitang magdamagang umiiyak. At kasabay ng bawat teleseryeng pinapanood mo ay luluha ka't hahagulgol ka sa isang sulok. Paulit-ulit sa bawat alaala, parang lirikong sinasabayan mo sa bawat hugot na pasan-pasan mo. Na lahat na lang, tila ba'y konektado sa kanya. Na wala ka nang mapanghawakan pa. Iiyak ka na naman ba? Pero --

D-aramayan pa rin Kita, hindi lang sa mga pagkakataong sawi ka; pero pati sa mga oras na gusto mo siyang balikan. Doon ay papagitna Ako at pipigilin Kita. Gusto kong makita yung totoong ikaw, yung dapat sanang ikaw -- yung ikaw na kahit wala siya'y buo ka pa rin. Yung hindi mo malilimutang mahal -- mahalaga ka para sa Akin.

E-h nasasaktan ka na. Ganyan ba ang pag-ibig na gusto mo? Na siya na ang nagiging mundo mo? Na halos wala ka nang kibo sa roletang dapat sana'y para sayo? Ganyan ba, ganyan ba ang totoong nagmamahal? Na hahayaan **** malugmok ka't madungisan ang sarili ng paulit-ulit at miserable **** nakaraan? Na hindi ka na kikilos, na parang wala ka nang balak bumangon at salubungin ang araw. Na parang hahayaan mo na lamang manlamig ang kapeng itinimpla sayo ng mga higit pang nagmamahal sayo. Pero --

G-agamutin Kita. Lahat ng mga sugat at pasang idinulot sayo ng nakaraa'y pawang aalisin Ko. Ako mismo ang kukuha ng bulak at Siyang papahid at dadampi sa bawat kirot at hapding naiwan sayo ng minsang ipinaglaban mo. Ako mismo ang iihip sa bawat nangigitim at sariwang mga pantal at peklat na bumabalot at kumukubli sa dapat sanang ikaw. Handa Ako at kaya Ko -- kaya kong alisin ang lahat --

H-anggang sa makabangon kang muli't maranasan mo ang pagbabagong ganap. At mapagtanto **** hindi naman siya kawalan sa pagkatao at pagkatawag mo. Masakit man pakinggan pero oo, hindi siya ang buhay mo. Uulitin ko: hindi siya ang buhay mo. Tumingin ka sa mga mata Ko. Pagkat oo, buo ka pa rin at walang nagbago sa paningin Ko sayo.

I-iyak ka paminsan pero ang lahat ay mananatiling alaala na lamang; luha mo'y sasaluhi't pupunasan Ko. Bibilangin Ko ang bawat butil na walang humpay na dumarampi at darampi pa sayong mga pisngi, higit pa sa matatamis na pangako niyang napako na rin kalaunan. Oo, napako ang lahat -- napako ang lahat sa Akin.

L-umaban Ako at patuloy Kitang ipinaglalaban. Tiniis ko ang bawat matitinik na hagupit sa mga balat Ko; maging mga pangungutya ng mundo. Para sayo -- para sayo, lahat ay ginawa Ko na; lahat ay tinapos Ko na at lahat ay iginapos Ko na. Pagkat --

M-ahal Kita at hindi Ako magsasawang patunayan yan sayo. Walang anumang bagay sa mundo na makapagtitibag at makahihigit sa pag-ibig Kong laan sayo. Mahal Kita at mas mamahalin pa -- higit sa mga araw na bilang, higit sa mga oras na ninakaw ng dilim pagka maaga ang takipsilim, higit sa kaibuturan ng dagat na wala pang nakalalangoy -- higit sa mga panahong pipiliin **** mahalin na rin Ako.

N-i hindi Kita iiwan, ni hindi pababayaan. Kaya -- wag ka sanang matakot na buksang muli ang puso mo, pagkat ni minsan -- ni minsa'y hindi Ko naisip na biguin ka. At hindi Ko naisip na paasahin ka gamit lamang ang mga salita, pagkat kalauna'y darating Ako para sunduin ka. Totoo ang bawat pangako Ko at lahat ay para sa ikabubuti mo, kaya't panghawakan mo ito -- hindi gaya ng pagsalo ng tubig gamit ang mga kamay mo. Pero hindi, hindi masasayang ang pag-ibig mo.

O-o, naiintindihan Kita, na nahihirapan kang magtiwalang muli dahil sa sobrang nasaktan ka na. Hindi Kita minamadali at hindi Ko ipipilit ang pag-ibig Ko sayo. Hahayaan Kita -- hahayaan Kita kasi gusto kong kusa ang pagtitiwala't pagmamahal mo. At --

P-apasanin Kita. Gaya ng isang Inahing naglilimlim sa kanyang mga inakay, gaya ng isang Inahing hahagis sa kanila sa himpapawid gamit ang sariling mga pakpak. At Gaya ng isang Inahing sasalo at papasan sa kanila pag nahulog silang muli -- hanggang sa makalipad sila -- hanggang sa makalipad kang muli. At buhat sa ereng pinagtambayan, buhat sa ereng pinagkatakutan mo'y, ngayo'y makakaya mo na. Kahit na sabi mo'y naputulan ka na ng pakpak; kahit pa sabi mo'y hindi ka na muling makalilipad pa. Mali, mali ang paniniwala **** yan pagkat --

R-aragasa ang pagpapala't ibubuhos Kong ganap ang Sarili Ko sayo. Ayokong iniisip **** hindi mo na kaya ang buhay; ayokong mawalan ka ng pag-asa dahil lang umasa ka sa maling tao o maling mga bagay o mga sitwasyon. Sabi mo pa nga, wala nang saysay ang buhay mo. Sabi mo nga, hindi mo na kaya. Oo --

S-asabayan Kita -- sasabayan, hindi lamang sa pag-abot ng mga pangarap mo. At sa bawat lubak na madarapa ka, tandaan **** narito Ako't aagapay sayo, kahit ilang beses ka pang matisod sa pagtalikod o pagkatalisod ay handa pa rin Akong saluhin ka -- sasaluhin at payayabungin.

T-atayo Ako sa harap mo at Ako ang magsisilbing harang sa bawat balang ikaw ang puntirya. Manatili ka lang -- manatili nang may buong pananampalataya at Ako -- Ako ang gagawa ng mga bagay na imposible sa paningin mo -- mga bagay na mistulang imahinasyon mo lang; mga bagay na binaon mo na sa limot pagkat huminto ka, huminto ka dahil napagod ka. Pero tapos na, tapos na ang panahon ng kapaguran. At ngayo'y --

U-nti-unti **** mararamdamang kusa na ang pagyapak mo kasama Ako. Na kaya mo na pala, na nakahawak ka na rin sa mga kamay Ko; na hindi ka na bibitaw pa. Pagkat, kailanma'y hinding-hindi Kita binitawan. Oo, hindi Kita hinila noon pagkat ayokong napipilitan ka pero matagal na -- matagal na akong nakahawak sayo; hindi mo lang napapansin o hindi mo Ako nagagawang tingnan.

W-ag kang mag-alala't alam ko ang kapasidad mo - kung kailan mo kaya at kung kailan hindi. Alam kong minsan mahina ka, pero maging mahinahon ka.

Y-ayakapin Kita, Anak; at kung iiyak kang muli, pwede bang sa mga bisig Ko na lang? Ikaw ang tanging Yaman ko't alay Ko sayo ang lahat. Mahal Kita, at ito'y walang hanggan.

---
Ngayon, magtatapos Ako
Magtatapos ako kahit na sarado pa ang puso mo
Kahit na may iba ka pang mahal sa ngayon
Kahit tila naririndi ka na sa pagkatok Ko
Kahit pa pinagsasarudahan mo Ako
Kahit pa ayaw mo pa Akong tanggapin
Kahit pa sabi mo'y hindi ka pa handa
Kahit pa sambit mo'y sa susunod na lang
O kahit pa sigaw mo'y tumigil na Ako
Pero hindi, ayokong magtapos ng ganito.
Magtatapos Ako't maghihintay sa sagot mo
At sana, sana'y dugtungan mo ang liham ng paanyaya
Dalawang letrang magkatulad lang
Dalawang letra lang ay sapat na
At ito -- ito na marahil ang pagtatapos
Na Ikaw ang Simula.
AUGUST Sep 2018
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa......

Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.

Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?

Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.

Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan

Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa  mimahal ko, na di nahahabag

Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,


Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas makita,
Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid
Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid

Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan **** alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura

Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
pang spoken poetry
Alam ko kaarawan mo nung abril labindalawang at ngayon
Humahabol pa ako sa regalo ko na tula para lang sayo.

Naaalala kita bilang aking best friend nung intermediate palang tayo
Ngayon pati sa facebook konektado pa rin ako sayo

Paminsan-minsan ikaw nagchachat sa kin at minsan ako rin naman
Nagsheshare ng problema at nagbibigayan ng tips kahit papano man

Ngayon dalagita na tayo, marami na rin mga problema sa school at iba kaso
Gusto pa rin kita makausap ng matagalan eh marami lang talagang inaasikaso

Nagkataon nagkita tayo sa mall at ang napansin ko bigla ka tumangkad
Syempre naingit agad, hindi ako pinagpala ng diyos ng tangkad eh.

Natutuwa ako nakilala kita noon at nagkakilalan tayo ng lubos
Kahit malayo tayo sa isa't isa, at saka nagpapasalamat rin ako 

Naging best friend kita at lagi tayo nagtutulungan 
Kung may problema tayong hinaharap.

Kung alam mo lang maeffort ako kung hindi lang natatamad
Lalo na sa pagibig kung pinageffortan dapat masuklian.

Pasensya na kung nahuli ako ibigay ang regalo ko para lang talaga sayo
Nagpapasalamat ako sa lahat ng alaala natin dalawa at sa susunod pa.

Mahal kita dahil naging parte ka na rin sa buong buhay ko!

Happy Birthday! To the 16th girl Vivien Hannah Isabel Estrada!
PS: Sana matuloy yung 18th birthday mo pupunta talaga ako.
Kylie Jenner!
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
“Kaibigan” ang tawag ko sayo.
“Kaibigan” ang turing ko sayo.
Ngunit ang puso ko ay litong-lito.

Iniibig ka paminsan.
Iniibag ka.
Friendzone ang peg?
Marge Redelicia May 2015
ilang oras,
ilang araw, linggo, buwan,
ilang taon
na akong naglalakbay.
nakita't nadaanan ko na lahat.
dito sa masalimuot na lansangan
memoryado ko na ang mga
pasikot-sikot sa mga eskinita,
bawat lubak at hukay sa kalye,
ang mga graffiti at nangangalawang na karatula.

pero kahit kay tagal na ng lumipas na panahon
hanggang ngayon,
di ko pa rin masikmura
ang mga nakakabinging busina at humaharurot na makina
ang nakakasulasok na baho ng usok at nagkalat na basura.

sa una ako'y nangangawit
pero ngayon nangmanhid
na ang mga kamay ko
sa higpit ng kapit sa manibela na
walang sinuman ang makakaangkin dahil
ito ay s'akin lamang,
akin.

puso ko ang mapa:
lukot at punit-punit.
dito ako sunudsunuran at alipin.
kahit alam kong mali,
di ako kikibo, ako'y tahimik.
naghahanap, pero siya rin mismo nawawala.
tahanan lang naman daw ang gusto niya
kung saan lulunasan ng yakap
ang pagod at pait,
kung saan ang mga simangot
ay masusuklian ng ngiti.
pero saan?
saan kaya?


ako ang hari ng daan.
walang kinikilala na batas.
nakikipagkarera sa hangin
sige-sige sa pag-arangkada.
kung may masagasaan,
kahit siya ang duguan,
siya pa rin ang may kasalanan.

dahil paminsan
naiisip ko na baka
mas swerte pa siyang nakahandusay sa kalsada
kaysa sa akin na pagod,
naiinip, naiinis sa likod ng manibela.
malapit nang maubusan ng gasolina,
ang mga gulong ay pudpud na.
'di ko pa rin mahanap ang tahanan
kaya tumungo na lang kaya ako
sa kamatayan?

"para po"
ako'y napalingon.
oo nga pala, may pasahero ako.
inaangkas lang Kita
paminsan umuupo likod
madalas nakasabit sa may salamin
o nakalapag sa harap
kasama ng mga abubot at basura.

"ate, para po"
hindi.
inapakan ko pa ang gasolina.
nagbibingibingihan sa mga bulong Mo.
oo,
alam kong pagod na ako
pero kaya ko 'to,
hindi ko kailangan ng tulong.

"para, diyan lang sa may tabi"
hindi.
hinigpitan ko pa ang hawak sa manibela.
gusto ko lang naman makauwi.
oo,
alam kong nawawala na ako
pero sigurado ako ang ginagawa ko
siguro, sigurado
siguro.

"para"
ngayon
napagtanto ko na
ako'y sawi, ako'y mali.
papakawalan na ang pagkapit sa patalim,
ang pagtiwala sa sarili.
sa wakas
ako ay

bibitaw.

sa Iyo na ang manibela, pati na rin
itong upuan na 'to, and trono.
Ikaw na,
ang gasolina at gulong na nagpapatakbo
ang mapang nagtuturo
mula ngayon hanggang magpakailanman.
Ikaw na
ang Kapitan
ang tagapagmaneho ng buhay na 'to.
wala nang pagkuha, pagdukot, pag-angkin.
mula ngayon,
iaalay ko na ang lahat.
ako ay Iyo.

ilang oras,
ilang araw, linggo, buwan,
ilang taon
na akong naglalakbay
at tuloy pa rin ang biyahe.
ganun pa rin ang kalagayan ng kalye:
malubak, maingay, madumi.
pero kapag Ikaw ang nandyan sa upuan,
para tayong lumilipad.
anumang madaanan
biyahe ay napakabanayad.

puso ko'y nananabik.
saan Mo ako sunod dadalhin?
saan kaya makakarating?

kahit saan man mapadpad,
kahit gaano man kalayo,
'di na ako mawawala.
ako ay nakarating na.
o tahanang tinatamasa,
nahanap na rin Kita.
basta't kasama Ka,
Hesus
*ako'y nakauwi na.
A spoken word performed for Para Sa Sining's Katha: Tula X Sayaw.
Sa  mundo nating ito,

hindi imposibleng makahanap ng kaibigang totoo.

Kaibigang tutulong sa'yo  sa oras ng pangangalaingan

Palaging nandiyan sa tawanan man o iyakan

Ang natatanging mahal mo na hindi mo kasintahan o kadugo

Ang taong nakamarka na sa iyong puso.

ang aking  mga kaibigan ay nagbibigay kulay sa aking mundo.

akoy kanilang ipinagtatanggol laban sa mga masasamang tao.

may mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintidihan,

minsan ay hindi nagpapansinan

ngunit sila parin ang sinasandalan at kinokopyahan.

kahit na hindi ako mayaman  ,

ako parin ay nauubusan ng pagkain paminsan-minsan.

nagtitipid na nga ako

pero ubos parin ang baon ko.






OH! mahal kong mga kaibigan

hindi ko na minsan matiis ang inyong katakawan.

matagal na akong nagtitiis at nagtitimpi

dahil palagi na lang kayong nanghihingi.

dahil mahal ko  kayo at pinahahalagahan

ang pagtitiis ko ay kailangan.
Chris Balase Aug 2018
Sa pagbuka ng liwayway
Kasabay ng sikat ng araw
Na dumadampi sa aking
Mga panaginip na ligaw

Minsan, sa aking pagbangon
Kasabay ng pagbawi ng unos
At paglubog ng ngiti
Ay mga luhang kusang umaagos

Minsan, sa kabila ng aking
Pagtingin at pagtalikod
Ay nawawasak ang aking
Mga matatatag na bakod

Paminsan minsan,
Naalala kita... tayo,
Naalala ko ang bawat lambing
Ng mga binitawang pangako

Minsan, bumubukas ang mga sugat
Minsan, lumalala ang bigat
Minsan, bunabalik ang nakaraan
Minsan, bumabaliko ang daan

Paminsan minsan, nakikita kita
Sa bawat sulok ng aking ala ala.
HAN Oct 2018
Kamusta kana?
Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala.
Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata
Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa.

Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama.
Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina.
Akala ko dati ay di ko makakaya,
ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka.

Mahirap sa umipsa,
Pero nakaya
Mahirap sa umpisa, oo
Parang nilibing at hinampas ng troso.
Ako'y litong lito
hindi alam kung bakit ganito
Kung bat nilisan mo...

"Sana pala pinigilan kita
para ngayon para ika'y kasama parin
at nasa tabi ko padin."
Yan ang aking hiling sa unang linggong
ika'y hindi kapiling.
Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin
Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin.

Mahal wag mag-alala
kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka.
Mas malakas na ako
kaysa sa dating nakilala mo.
Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa
Mas kaya ko na.

Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko
"paano kaya ikaw parin ay nandito?"
"Magiging kompleto kaya ang araw ko?"
Pero ang sagot ng isip at puso
"Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan.
Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan.
Naging makata ka paminsan minsan."
Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan
Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman.

Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan,
"Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan"
Aking huling habilin bago ka lumisan.

Tinanong ko parin ang aking sarili minsan,
"Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?"
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan.
Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan.

Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito.
Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo
Ang pagdurusang pinagdaanan ko
nang mawala ka sa piling ko.
Ang mga pangakong binitawan mo
para bang naglaho
Pero kahit masakit ang ginawa mo
Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko
Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo.

Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal
Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal.
Sadyang ikaw lamang ay minahal
kahit na isang malaking sampal
na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan
na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal
kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan.

At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan.
Sana'y iyong malaman,
na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan.
Sana rin iyong malaman,
ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
thegirlwhowrites Jun 2015
panahon nang sumulat…
muli…
hubaran ang puso’t
bulatlatin ang mga alaala.

para saan pa’t
sa maraming tao’y
inimbak
ang luha
ng nakaraan,
kung ito’y kailanma’y
hindi mapapakinabangan?

kaya’t patawad, puso,
sa aking sayo’y pagpapaluhang muli.
salamat, isip,
sa iyong pagpapaunlak
sa hiling
na paminsan pa’y
isatitik silang kapagdaka’y
lumisan din.

*060915
Louise Oct 2016
Ang gabi ay hindi dapat maging kaibigan ng delubyo. Nangangambang baka sa isang sulok ay may nag-aabang na demonyo. O baka sa likod pa natin mismo.
Saksi ang dagat at bundok sa pananaghoy ng bagong umaga.
At sino ang hindi makakaamoy sa pagsabog ng mga tala?
At nasaan ang gabi, ang inaakalang tanging katuwang?
Kasiping ba ng mga pangarap para sa bayan na siya nang nilamon ng digmaan?
Lumuluha ang bawat lawa at nagtatanong ang mga talon; makakaahon pa ba ang nalunod na tuwa't pag-asa ng kahapon?
O baka ang tuwa ay siya na'ng hinigop ng langit. Pinagtatawanan na tayo ng langit!
Sa mga dugong dumanak at ang naglalakasang pagtatangis na tila ba isang bulong sa bingi, tama nga't hindi ko kaibigan ang gabi.
Ganid ang gabi, palaging uhaw at nasisidhi sa kasawian.
Ang ngalan ng may akda ng munting tula na ito ay "delubyo".
Paminsan minsan maaari nyo ring tawaging demonyo.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sa sulok ay hindi na magtatago. Haharap ako para tingnan ang bawat isa sa inyo sa mata. Sa dangal. Sa diwa. Sa puso. Sa dasal. At kakalabanin nyo dapat ako gamit ang mga ito... hanggang sa pag-usbong ng bagong umaga.

Pula, bughaw at dilaw laban sa kadiliman.
Nationalista
carapher Nov 2015
Oo naaalala kita.
Oo naaalala ko ang bawat oras
na di kita kayakap
sa panahon na handa kong ibigay ang bawat yakap
na ibibigay sakin ng kahit sinong tao at kahit gaano karaming tao para lamang mayakap ka muli
kahit iisang beses lamang.

Oo paminsan minsan bumabalik ako sa dating ako
na hinahanap-hanap ka
sa kahit anong lugar na pupuntahan ko
at porma ko
na tila pupuntang prom
dahil nagbabakasakali makita mo ako
at
malaman mo na ako na pala ang tanging hinihiling mo;
at hindi na siya.

At hindi na ang pangarap mo sa isang perpektong tao.
At hindi na akong nais **** magkaroon ng taong hindi kasing gulo ko.
At hindi na ang hinahanap **** kinabukasan na madali,
na konbensyonal,
na mataimtim, na katulad ng pinangarap ng magulang mo,
na katulad ng ginawa ng mga kapatid mo,
na katulad nalang ng mga nakikita mo sa teleserye at sa libro,
na katulad ng inaasam at hinihiling sayo ng bawat tao.

Hinihiling ko noon na makikita mo ako isang araw
at handa kang bitawan ang lahat ng alam **** tama.

Hinihiling ko na ako ang taong magiging dahilan ng paglawak ng mundo mo.

Hinihiling ko na ako.
Hinihiling ko na hindi siya.

Sino  ba siya?
hindi naman siya totoo eh.
Nasa utak mo lang siya.
Siya ang hinahanap mo pero kailan siya darating?
At alam ko kung darating man siya,
hindi matutumbasan
ng kombensyonal niyang pagmamahal sayo
ang pagmamahal ko sayo
na hindi mo pa nakikita sa kahit anong pelikula o teleserye,
nababasa sa libro,
o nakikita sa mga tao sa paligid mo.

Hiniling ko na ako nalang.

Kaya oo, naaalala kita. araw-araw.
gabi-gabi.
Kada gabi na naguusap tayo
dahil tapos ka na sa araw **** kahahanap sakanya
at sa gabi
kung saan narerealize mo na pagtapos ng araw ako nalang ang mayroon ka
at ako nalang
Ako nalang
Ako nalang
Ako nalang.

Palaging nalang.

Bakit hindi pwedeng ako lang?
pero ayos lang.
Dahil ayos.
Dahil ayos lang saakin ang ganito na hinahanap mo siya
pero ako ang inuuwian mo.
Ayos lang.
Oo naaalala kita,
Hindi ka umaalis sa isip ko.
Naaalala kita
kahit hindi mo ako naaalala.

Naaalala kita at ayos lang ito.
Anonymous Rae Jun 2016
Nakita ko ang sarili kong naglalakad sa pasilyo ng kawalan at makaraa'y sinisid ang karagatan ng katanungan, nasaan ako? hinanap ko ang  kasagutan, mapa o daan sa bawat ingay na binibigkas ng mga tao sa paligid ko. At kahit nasanay na'y natigilan ako, pero kasi hindi pwede 'to.

Nabuo ko na naman ang pangalan mo.

pasensya na pero sa tuwing ako'y nawawala sa landas o nararamdaman kong lumalayo ako binibigkas ko ito sa pag asang ibabalik ako nito sa kaharian na gawa sa mga ngiti at tawa mo na mag-isa kong binuo o simpleng papunta lang sa tabi mo.

Naliligaw ako, hindi ko alam kung saan pupunta o kung may paroroonan man lang ba, pero patuloy akong maglalaboy at tatakbo sa realidad na gusto na kita, tatakbo sa nararamdaman pero lilingon paminsan minsan dahil umaasa ako, kahit walang kasiguraduhan, hinahanap mo rin ako dala ang isang lampara. Umaasa ako na ikaw nga ang mapa, ibubulong ko sa hangin ang mga salita kasabay ng isang malalim na buntunghininga.

*"Asan ka na?"
I tried, thank you hello poetry :)
110315

May iilang mag-aalok sa kanya
Sa isang tila uhaw sa pag-ibig o pagkalinga.
May iilang pipila't iigib,
Pero pagod na siya sa pagbibigay,
Kaya't puros kalawang na lamang ang taglay.
Pero may iilan din namang magtitiyaga't magpapagod,
Bumalik lang sa dati ang bukal na may pag-ibig.

Pag sa hapag-kaina'y nakatambay lang siya,
Nakaabang sa hihingi't pamatid uhaw lang daw.
Pero ba't siya nananatili sa isang katauhan?
At siya mismo ang daan
Para umagos ang buhay mula sa lalamunan.

Siya'y luha ng kalangitan,
Hindi bunga ng galit o anumang pangit na nakaraan.
Natural lang na bumagsak siya,
At kahit na napakasakit nang pagkakalumpo'y
Hahalik pa rin siya sa lupa nang may pagpapakumbaba.

Wari niya'y kaylalim at kaylawak ng kanyang sinasakupan
Pagkat tila lahat ay kanyang pag-aari.
Bagkus, siya'y dinaraanan lamang ng mga sasakyan.
Binubugahan ng kung anu-anong kemikal
At ihahalo sa kanyang malabirheng katauhan.
Kahit siya'y Ina para sa napakaraming mga buhay,
Tagapangalaga ng kanyang sakop.

Minsa'y tatapunan ng dumi,
Tatabuyin niya ito bagkus di niya kaya.
Pagkat yayakain niya ang iilan,
Aakayin at magiging palutang-lutang
Hanggang sa maging saksi ang kalangitan.
Ang iba nama'y papatawarin niya't
Itutungo na lang sa kanyang kalaliman,
Hanggang sa hindi sila makalisan at doon ang kamatayan.

Pag siya'y nagbiro, doon lamang siya papansinin.
Kailangan pala siya, pero sinasayang ang tagas paminsan.
Sinasadya siyang limutin at kaligtain,
Pagkat lagi naman siyang nariyan
Kaya'g ayos lang sa ibang siya'y abusuhin.

Napapagod, nauubos, naninigas, natutunaw,
Paulit-ulit, pababalik-balik kanyang buhay.
Pero pag-ibig niya'y kumot para sa sarili.
042522

Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw,
At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman.
Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga
At mismong lipunan ang syang magpapasya.

Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas
Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak.
Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa
Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa?

Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas
Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka.
Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta
Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma?

Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan,
Paano nga ba ang ating pagtindig
Para sa sinasabing mahal na bayan?

Pilipinas nga ba ang ating pinipili?
O kung saan lamang tayo kampante
Habang nananatiling namamaypay
At abala sa kabi-kabilang pag-uusig.

Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na,
Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising
Sa dugo nating makabayan?
At sapat ba ang ating paghiyaw
Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas?
Mga bibig natin, paminsan nga'y
Puno lamang ng mga palatastas.

Sapat ba na tayo-tayo na lamang
Ang naghihilaan pababa't paitaas?
Pagkat mismong pananampalataya'y
Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak.

Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan --
Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan.
Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas --
Sana'y mapaninidigan kita't
Hanggang sa huli'y maipaglaban
Pagkat maging aking hininga'y
Pansamantalata't pahiram lamang.

At hindi ito lotto o binggo,
Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino.
Ngunit kung sinuman
Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino
Sana tayo pa ri'y magkaisa
Para sa dangal na nais nating isulong.

Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y
May iisang hindi tayo tinalikuran,
Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran
Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan --
At Hesus ang Kanyang Ngalan!
Bangon Pilipinas!
Pearly Whites Jul 2012
Kung sakaling ikaw ay magbalik,
huwag mag-atubiling hanapin ako.
Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik
na buksan muli ang matagal nang sarado.

Bumisita ka sa amin,
kumatok sa pinto at mag-abang.
Kapag hindi ka agad papasukin,
dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang.

Maaaring hindi ko lamang narinig
ang katok **** nag-aalinlangan.
****-usap, huwag hayaang manaig
ang dudang tatlong taong napag-ipunan.

Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako
paminsan-minsan kung may tao sa labas.
Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado
ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas.

Kapag magkasalubong ang ating sulyap
at tayo'y muling sapian ng pagnanasa,
kimkimin muna natin, idaan sa yakap
pag-isipan kung handa nang muling magtaya.

Anumang daan ang tahakin,
pag-ibig nati'y walang kupas
Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin,
mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas.

Kung sakaling hindi ka magbalik,
sisikapin kong maghanap sa'yo.
Aabalahin kita, dahil ako'y sabik
na mapagsaluhan natin ang mundo.
(Sadyang may mga araw na ramdam **** makapaghihintay ka nang kahit gaano pang katagal.)

And hey, I suddenly felt like translating this as well. I apologize, it's lost the rhyme. Here it is:


If ever you return,
don't hesitate to look for me.
I won't bother you, I'm not desperate
to rekindle the spent flame.

Visit my home,
knock at the door and wait.
If no one lets you in right away,
peer through the window, you'll see me there.

Maybe I just didn't hear
your knocks that sound uncertain.
Please, don't allow yourself to be controlled
by three years of collected doubt.

Don't worry, I still look outside
sometimes to see if there are visitors.
I can't forget you, 'til now I believe
that one day our fates shall intertwine.

When our eyes finally meet
and we are taken over by desire,
could we control our urges?
We should ponder if we're ready to take this risk again.

Whichever way we choose,
our love shall not fade
It changes form but remains nonetheless,
this is more definite than tommorow.

If you don't ever come back,
I won't hesitate to look for you.
It may be bothersome, but I can't wait
for us to share the world again.
051022

At sumapit na nga araw ng paghuhusga
Kung saan hindi na pulso ng taumbayan
Ang ating sisiyasatin
Kundi ang puso ng bawat Pilipinong
Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.”

Sabi ng iilan,
“Mahirap raw mahalin ang Pilipinas”
Iniisip ko nga paminsan,
Sapat na nga ba ang pagiging makabayan?

Sapat ba?
Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat
Na ayaw sana nating dungisan
Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto
Sa paningin nating madayang pagpili
Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan.

Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal,
Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila
At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan
Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin.
At marahil ay sasabihin ko na lamang
Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa
Na may demokratikong pamamalakad.

Ngunit sa kabilang banda’y
Binabaling ko na lamang ang paghuhusga
Sa tunay ngang nasa tronong
Hindi na kailangang luklukin pa.

At naniniwala pa rin akong
Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya
Sa sarili nating mga palad
Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t
Babalik din lamang sa alikabok.

Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban?
Sino nga ba ang tunay nating kalaban?
At para kanino nga ba tayo naninindigan?

Baka sa kasisigaw nati’y
Hindi lamang boses ang mawala sa atin,
Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras
Na sana’y ibinabaling natin
Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang
Buhay ang ating Panginoong Hesus
At ang magandang balita’y
Nakadikit sa kanyang Ngalan.

Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan
Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila.
Minsan nga'y nananatili na tayong hangal
Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla.
Ngunit hanggang kailan ba matatapos
Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan?
At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na?

Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin,
Sana mahanap natin ang ating mga sariling
Nananatiling may pananampalataya
Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan.

Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso
Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal
At sana mahanap natin ang halaga natin
Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan.

At dito na rin ako pansamantalang magtatapos —
Pilipinas, gumising nang may pag-asa
Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos!
Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa
At patuloy kitang ipaglalaban
Hindi gamit ang mga armas
Na syang panukso't patibong ng mundo,
Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino —
Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan!
Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
ISAGANI Mar 2019
Kung ang gabi'y magiging tao mananatili siya sa sulok at aantayin ang iyong paglapit

Siya yung tipo ng taong sa tuwing kakausapin mo'y tititigan ka lamang at hindi iimik

Hahayaan ka niyang magsalita hanggang mamaluktot ang iyong dila ngunit katahimikan lamang ang mabibigay niyang kapalit

Hahawakan niya ang iyong palad at ang buhok mo'y kanyang hahaplusin

Pero hindi mo siya kailanman pwedeng mahalin

Hindi siya magsasawang makinig sa bawat hinaing at sinisigaw ng iyong damdamin

Dahil alam niyang iyon ang nais **** kanyang gawin

Paminsan minsa'y makikitan mo siyang ngumiti

Paminsan minsa'y may kasamang butil ng luha ang pagkurba ng kanyang labi

Hindi siya magsasalita

Hahayan niyang ikaw ang magsabi ng dapat niyang maramdaman

Hahayaan niyang siya'y iyong husgahan

Hindi siya kikibo at hindi siya magrereklamo

Hahayaan niyang ikaw ang magsabi kung alin ang totoo

Siya yung tipo ng tao na lahat ay kaya niyang gawin

Basta't para sayo hindi siya magdadalawang isip ihain

Wala man siyang makuha pabalik

Ang nais lang niya'y ngumiti ka at hindi na muling maligaw

Sa tuwing pupunta ka kay araw
Karen Nicole Feb 2018
maaaring ako'y nahihibang na,
dahil alam ko namang wala akong pag-asa
ngunit ano ang aking magagawa,
kung sa masilayan ka lamang ako'y masaya na?

nang dahil sayo muli kong naramdaman,
ang mga paru-paro sa aking tiyan
at ang mga ngiting hindi ko man lang namamalayan,
kapag ika'y dumadaan sa isip ko paminsan-minsan

hindi nais na mailang ka,
kaya nama'y pagtingi'y ginawang sikreto
sinubukan ko rin ang lumayo, baka sakaling damdamin ko'y magbago
ngunit alam naman natin na ito ay malabo,
kasing labo ng minimithi kong "ikaw at ako"
walang titulo, parang tayong dalawa.
zee Aug 2019
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa
aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan
kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan
nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan
na iyong napagdesisyunan

naging mahirap sa umpisa—tanggaping
tayong dalawa ay dumating na sa katapusan
at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan
parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago;
nandito na tayo sa huling pahina ng libro

ngunit bakit nandito pa rin yung
sakit?
sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan
marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait;
nasisiraan na ata ako ng bait
naitanong na naman sarili kung bakit
sa puso ko'y ikaw pa rin ang
nakaukit?
cherry blossom Jan 2018
Ang kailangan ko lang naman ay malaman na hindi ako nag iisa
Na sa layo ng paglalakad ay nandiyan ka pa
Sapat na sa akin ang maging mahalaga
Alam kong ilang beses mo nang nabanggit sa ‘kin ‘to
Pero nasaan ka na ngayon?
Alam kong madalas **** sambitin na nandiyan ka lang
Na hinahanap mo rin ako paminsan minsan
At akala ko kuntento na ako
Hinahagilap ko ang titig mo
Natatakot ako
Na hindi mo mapansin ang pagkawala ko

Ilang beses na rin ako nagpaagos sa alon
Ng walang nakapansin ng pagtangay sa ‘kin
Sagipin mo ako sa nagbabadyang pagkalunod
Hindi na ako magkukunwaring maalam lumangoy
Sagipin mo naman ako

Naiintindihan ko na hindi lang ako ang iniisip mo
Pero sana alam mo na ikaw lang ang kinakapitan ko
01/17/18h
Airam Stark Dec 2016
Paminsan hindi natin alam kung paano natin panghahawakan ang isang bagay na pilit ikinukubli, hindi natin alam kung hanggang kailangan natin magagawang itago.

Alam nating mali sa paningin ng iba, pero madidiktahan ba nila ang isinisigaw ng puso?.

Mali nga ba?
#Forbidden #Tago
aL Nov 2018
Isang pangkaraniwang tao lamang na lumalaban,
Nakikipagsapalaran sa paminsan-misan,
Napapagod na sa araw-araw na pakikipag-baka,
Sa buhay, hangad lang ay kaunting biyaya.
Hirap at napagkaitan ngunit naririto pa rin
Ito ba ay pumupukaw pa sa kanilang pansin
for working class?
112522

Sabihin Sa'kin ang tangan **** pangamba,
Mga alinlangan o maging pagdurusa.
At sa bawat patak ng luhang walang salita’y
Ako mismo ang marahang hahagkan Sayo —

Lalapit nang kusa’t aagapay
Kahit ako mismo ang naghihingalo.
Ihipan man ng Sandali
Ang apoy **** patay-sindi
Ay hindi magmamaliw ang pagtingin ko’t pagkabighani.

At walang ibang nanaisin
Kundi masilip ang Iyong mga ngiti —
Mga ngiti **** simula’t sapul ay nakakakiliti.
Lulan ng iyong mapupungay na mga mata
Ay ligaya sa puso Kong
Tanging ikaw ang pagsinta.

Kaya maging sa pagbilad mo sa araw ay kumikinang ka—
Nag-uumapaw ang kagandahang hindi masakit sa mata.
Sa bawat pitik ay umiindak Ka
Musika ng kahapon ay nasasapawan na
Ngunit ang sining Sayong mukha’y
Namumutawi pa rin sa pagningning.

Ikaw ata ay Bituin
At maging sa umaga’y kumikislap pa rin.
Ligaya ang makapiling Ka
Lalo pa’t ako ang napiling maging Katipan.
Ngunit sa pagkumpas nang paulit-ulit
Ng kamay ng orasan,
Paminsan ay ayaw ko nang lisanin
Ang larawan ng nakaraan.

Unti-unti akong namumulat
Buhat sa pananaginip ng gising.
Pira-pirasong alaala’y
Kusa na namang nababahiran ng dilim —
Dilim sa paningin,
Dilim na walang katapusan ang mithiin.
cherry blossom Sep 2019
wala namang magtatanong
o maghahanap
normal naman na ika'y mawala
paminsan-minsan
sumasama ka sa dilim
pero kailan ka mananatili,
kailan ka hindi babalik?
09/10/19
Caitlin Oct 2022
Nakadungaw ako ngayon sa bintana.
Umiihip yung hangin papasok,
nag-iingay,
tila binubulungan ako ng kalawakan:
“Handa ka ba sa
paparating na katapusan?”

Subalit walang hanggang nakikita
ang kalungkutan na ito.
Sa umpisa palang,
noong sinimulan natin ‘to,
talo na agad ako.

Hinihintay ka na niyang bumalik.
Ako din, mayroong nag-aabang
sa aking pag-uwi.
Hindi nila alam
na nagpapakapasaway tayo.
‘Di nila alam
kung gaano tayo kasaya.

Naaalala mo pa ba yung gabing
bumyahe ako pa-kyusi
para lang makita ka?
Kahit ngayon, habang ako'y nagsusulat,
pinapakinggan ko yung kantang tinugtog mo
nung pagdating ko.
Nasa pinaka-likod ako noon ng inuman, pero
nahanap mo parin ako.
Tapos buong gabi, pasilip-silip ka na —
akala mo di namin nahahalata,
pero yung titig mo’y
sumunog ng landas
patungo sa akin.
Halos binahagi mo ang buong madla.
Sa umagang sumunod,
unang beses mo akong ihatid pauwi,
at unang beses mo rin akong hagkan.

Habang ako’y nagsusulat ngayon,
napapaisip,
hindi ko alam
kung kailan tayo magkikita muli —
Pero sapat na sa akin ang kaalaman na
yinayakap ka niya
tuwing tumutulo ang iyong luha.
Sapat na sa akin
ang makita ang pangalan mo sa telepono
kahit na wala ka namang mensahe.
Sapat na sa akin
na naaalala mo ako,
kahit na paminsan-minsan lang.
Sapat na sa aking ika'y magligaya
kahit na sa dulo ng lahat,
ako yung talo.

Kaya sa ngayon,
maninigarilyo muna ako dito sa bintana,
maghihintay nalang sa susunod na minsang
maalala mo ulit ako.
salamat sa panandaliang ligaya.

— The End —