Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
wala namang magtatanong
o maghahanap
normal naman na ika'y mawala
paminsan-minsan
sumasama ka sa dilim
pero kailan ka mananatili,
kailan ka hindi babalik?
09/10/19
Elmo Cross Nov 2018
Darating kaya ang araw
Na ika'y mahahagkan
Darating kaya ang araw
Na ang puso mo'y aking makakamtan

Mababasa mo kaya
Ang mga tulang isinulat
Masasabi ko kaya
Ang mga salitang matagal nang sinabi dapat

Ang mga papel at tintang ginamit
Masasayang na lang ba
Ang mga kantang inawit
Hanggang sa hangin na lang ba

Hindi ko alam kung kailan ba
Umagang hinihintay darating ba
Dapat bang umasa pa
Sulit pa ba maghintay pa

Kailan kaya tayo pagtatagpuin
Ng mga makukulit na bituin
Sana ito'y dumating
Kailan kaya darating
Kailan ko kaya malalapitan ang iyong puso o giliw.
Neerethak Calina May 2018
Namiss na naman kita
Ikaw lang at wala ng iba

Namiss na naman kita
Mga halik **** kay tamis

Namiss na naman kita
Mga yakap **** kay lambing

Namiss na naman kita
Boses **** nag-iisa

Namiss na naman kita
Pag-ibig **** walang kapantay

Namiss na naman kita
Pero, hanggang kailan maghihintay?
Mahirap maghintay lalo na't walang kasiguraduhan

— The End —