Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JK Cabresos Jun 2015
Igapos mo ako
sa lilim na 'yong puso,
at doo'y liliwanag
ang damdaming nakatago.
Na sa gabing alitaptap lamang
ang masulyapan,
tutubuan ng pakpak
ang pag-ibig na natagpuan.

Lilipad kasabay ng mga ulap
at hindi na halos maabot,
sa kulog o kidlat ma'y
hindi natatakot.
Na handang suongin
kahit malakas na hangin,
upang pakpak nito'y nakalatag
pa rin sa papawirin.

Mapadpad man tayo
sa lawak ng dagat,
mga puso natin doo'y
maglalayag.
Na tayo'y sabay dadaong
sa ating mga pangarap,
na sa dako paroo'y
naghihintay at umaandap.
VJ BRIONES Dec 2015
ayan ka na naman,
babalik at aalis ng hindi nagpapaalam.
tila ginugulo mo ang aking isipan,
ano ba nag problema mo.
pwede bang tigilan mo na ako.
sige, magalit ka.
ibuhos mo ang lahat ng nararamdamn mo.
Para kang ulan
Biglang dadating At aalis biglaan
Hindi alam kung kailan
Hindi mo mapipigilan
"Isinulat ko ang tulang ito nung bumabagyo samin. Wala akong magawa, painum inom ng mainit na kape kaya naisulat ko ang piyesang ito."
Nagkalat-kalat na mga lupain
Tayo sa kanya’y mga panauhin
Nangag mula sa isang lipi
Ganda niya’y sa puso namutawi

Oo nga’t siya’y marikit
Mga biyaya sa kanya’y di pinagkait
Minsa’y tinaguriang perlas ng silangan
Nakilala bilang ating Inang bayan

Lupain nang mga datu’t mandirigma
Ng prinsesa’t mandirigmang si Urduja
Mababanaag sa kanyang mukha
Katapatan, respeto’t mga paniniwala

Iningatan ng mga mapagbiling ninuno
minahal at niyakap nang taos sa puso
itong lupang ating pinananahanan
ating pinangalagaang lubusan




Minalas nga’t nilingon ng mga dayuhan
Lupang itinago ng mga karagatan,
Dala daw nila’y kaligtasan at kapayapaan,
Yun pala’y hangad nila ating bundok na yaman

Españang eskultor nang kapalaluhan
Tagapagdala ng mga salot ng kinabukasan
Baboy na mga putting inutil
Mga lapastangang mga kanluranin!




Tinuran nilang Indio’t mangmang
Dinuraan at sa putik ay pinagapang
Pinayuko’t pinaluhod  sa Niñong santo
Santong pinambulagan ng mapaglilong demonyo!

Alipin nila kung pandilatan,
Mga uto utong pinagkikindatan
Likas na mga katutubong maamo
Tiningala silang kaibigang totoo

Nakaambang mga tigre’y inamo’t pinatulog
Pinaamo nang mabagsik na mga kulog
Sa bagsik ng pluma’t itak
Napukaw mga mandirigmang hinamak


Gitlang mga hilaw na labanos
Nagsipag kuha ng mga pistola’t español na naghihikahos
Di inakalang mga Indio’y matututong lumaban
Gumising para sa kapakanan niya’t kalayaan

Estrelya ng pag-asa’y kanilang nasilayan
Sinambot ang kamalayan at kanlurang katuruan
Sa mga ganid na Kastila’y inihain
Balaraw ng karunungang matalim

Ritaso ng nakaraan, ngayon at kinabukasan
Piagtagpi tagpi, tinahi’t tinapalan
Mga pulo’y pinaglapit
Mga puso’t hanari’y naging isa kahit saglit

Epiko ng ating pinagmula’y muling nabuo
Ating lahi’y tumayo’t hinarap ang mundo
Laking galak na lamang natin sa pluma ni gat Jose Rizal
Sa kanyang dunong na nagmula sa Maykapal.
Diniligan ng luha
Ang tuyo kong pagsuyo
Bitakan at tikag
Itong aking puso.

Sinilo mo ako’t
Ginawaran ng rehas
Ipinahalik sa araw
Binasa pa ng ulan
Ako’y kinidlatan
Kulog ay nakapapanting
Tainga’y duguan
Halimaw ang tingin.

Aking pag-ibig,
Pagsinta’t pag-irog
Pawang kuro
At puso’y nilatay
Inilibing
Inihatid sa hantungan
Hindi pa man nito oras
At ang binhing kinalinga
Siya ring inanod ng rimarim.

(12/2/13 @xirlleelang)
dalampasigan08 Jun 2015
Unang Kurap

Nagising ako sa isang tahanang walang dingding, haligi o kasangkapan.
Tanaw ko ang mga ulap sa kalangitan at dinig ko ang mga ingay ng mga nagdaraan.
Ninais kong tumayo kaya’t iniangat ang aking ulo
ingat na ‘wag masagi ang mga nagdurugong sugat.
Nanginginig ang buo kong katawan at nanlalambot ang mga kalamnan.
Hindi ko halos maaninag ang kulay ng aking paligid sa itim na usok na nagkukubli nito.
Iginala ko ang aking mga kamay sa pag-asang baka may iilan pang piraso ng tinapay na natira mula kahapon.
Ginalugad ng mga daliri ko ang bawat sulok ng kawalan at bawat supot ng pangarap
ngunit ako’y bigo.
Isang sisidlang kalawangin ang aking nadampot
isang sisidlan ng pira-pirasong awa ng mga taong kahit na papaano’y nakauunawa sa kalagayan kong aba.
Inuga ko ng ilang ulit ang lata ngunit walang ingay ng barya
walang musikang magpapaligaya.
Magsisimula akong humikbi ng paunti-unti na para bang malalakas na kulog sa nagbabadyang pagbagsak ng ulan.
Pipigilan kong maigi ang mga luha hanggang sa mayroong magkamaling sumagi sa aking mga sugat,
saka ko lamang sisimulan ang isang marahang pagluha na magtatago sa tunay na sanhi ng pag-agos nito
kasabay ng pag-inog sa aking isipan ng mga katagang
"sana, hindi na lang ako nagising."
solEmn oaSis Dec 2015
mula sa bintana ng mga katotong tahanan
may pinaghuhugutan balitang pinagkainan
merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao
madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo.

bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon
nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon
sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog
sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog.

ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel
para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel
ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan
mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan

matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado
wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento
bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na
maisulat
sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat

sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran
ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan
dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid
magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid

at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa :
bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla
o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa
pagkaantala?
kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat
*magkakabunga!
Ang bawat simbolo ay sagisag....
palatandaan ng makabuluhang kahulugan!
At ano mang uri ng bantas ay marka,,,
na tatak sa ating utak patungo sa isang palaisipan.
Sa madilim na bahay
Ay! Biglang lumiwanag!
At bigla ring namatay

Ang langit ay umuugong
Ay! Kakila-kilabot!
Parang may mga batong gumugulong

Kulog at kidlat kagila-gilalas
Ay! Baka tamaan!
Huwag nang lumabas.

-06/21/2013
(Dumarao)
*My Stormy Morning Poems Collection
My Poem No. 214
013017

Hindi ako humihingi ng bago sayo
Pero inabutan mo ako ng blangkong papel
Siguro nga, siguro nga wala kang sinabing magsulat ako
Pero heto ako't isinasatitik pa rin ang bawat tulang naging misteryo sa puso ko.

Hindi ako humingi ng espayo sayo
Pero binigyan mo ako ng patlang --
Mga patlang na hanggang ngayo'y walang sagot
Mga patlang na hindi ko alam kung laan ba sakin
O sinadyang ipadaan lamang sa mga kamay ko
Para lang may maisulat ako ngayon.

Hindi nawalan ng tinta ang panulat ko
Pero tila naubusan ito ng dahilan para magsulat sa mas marami pag mga pahina --
Mga pahinang hindi ko alam kung pinunit mo na rin ba
Hindi ko alam kung ginusot mo na ba
O baka naman ipinadaan mo na sa apoy
At oo, natupok na ang lahat
Pero sariwa pa rin sa akin ang bawat linya ng talata
Siguro nga, siguro nga hindi ko kabisado
Sa kung papaano ako nagsimula
O paano ako nagtapos sa piyesang iyon
Pero ang alam ko -- ayoko na.

Ayoko na -- ayoko nang bumalik sa umpisa
At halukayin na naman ang nakaraan
Yung katulad ng dating magmumukmok ako sa sulok
Sasabay ang luha sa pagpatak ng ulan
Sasabay ang takot sa kulog
Sasabay ang galit sa kidlat
At wala -- wala na naman ako.

Ngayon, naisip kong sa dulo magsimula --
Sa dulo kung saan ay bago na ang lahat
Oo, hindi naman nabubura ang sakit
Pero kaya itong lagpasan
Malalagpasan kasi pinalipas na ang panahon
At hinilom na ang lahat --
Oo, napatawad na kita.

Sabi nila, nasaktan na raw ako ng sobra
Wag ko na raw balikan kasi nga baka di ko na kayanin
Tama na raw, kasi nakakaawa na raw ako
Ano raw bang meron sayo na minahal kita
May mas magmamahal pa raw sa akin
Mapapagod lang daw ako
Sasaktan mo lang daw ako.

Pero alam mo, iba ang sabi Niya --
Na patawarin kita
Na binura Niya na ang lahat ng sakit sa puso ko
Na wag akong magtanim ng sama ng loob
Na pinalaya Niya na ako
Na higit na magtiwala ako sa Kanya
Na muli akong magtiwala sayo
Na wag akong matakot magmahal muli
Na wag akong matakot masaktan
Na lagi kitang ipanalangin.

Sa totoo lang, hindi ko alam
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng dahilan
Kasi pag tinanong mo ako kung ba't kitang mahal,
Wala akong masasagot sayo --
Basta, basta mahal kita
At mas mahal ko Siya --
Doon Niya tayo ipinagbuklod ng pag-ibig Niya.
solEmn oaSis Oct 2020
ang kaakit-akit
**** bating-
pangwakas
ang siyang wagas
na nagdala ng madamdaming
mga katanungan
mula sa iyong puso patungo
sa iyong kasintahan,
gamit ang ibabaw ng
mga matikas na alon...
walang pasubali na ipinahayag mo
ang iyong pangmatagalang
paglalarawan sa marami,
bagaman ang mundo
ng magkabilang dako
ay pansamatalang natutulog na
... ang kagandahan niyon
ay mananatiling gising pa rin.
Dahil siya ang natatangi **** daigdig
at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig!
At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula
Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag
habang heto si Ako...mananatili ring tapat
at gaya niya na di nakakalimot sa akin!
Kaya naman sa iyo aking mahal,
Malayo ka man sa akin ngayon,
lagi pa rin namang merong "tayo"
Maulap man ang papawirin
Ating babagtasin
ang araw at sinag nito
hanggang sa isang kabilogan
na lang ng buwan
ang aking pananabikan at bibilangin ko!
Sa pagsapit niyon
matamis na katahimikan
ang siya nating mabubuo!
tanging sa ating pagniniig
nang may buong kasabikan
ang mga himig na maririnig!
mula sa simula hanggang
sa ang wakas ay magsilbing hudyat
na sa langit nating inaasam
ay magigisnan ang malakidlat
na tilamsik ng ating pagsusuyuan
Di-kapara ng naunang magsing-irog
mula sa bukana ng talon ay nahulog
at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog
pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog!
patutunayan nating Hindi tayo
ang tipong mauuwi sa TaLiwaS
dahil sa katunayan nga mahal ko
sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT
labo na nananahan sa pagitan ng tukso
at ng bahay na inaakala nilang
panghabang-buhay na tahanan!
Transferring my feelings
of longingness
from formal norm
into a tagalog love-poetry
kingjay Jun 2019
Sa kumpas ng mga kamay
Yaong mapapanood
Hihinto ang oras
Kasabay ng delubyo
Tila nasa sentro ng mata ng bagyo

Tangan ang manika
na pinatakan ng dugo
Isinuob at ang usok
na umilanglang ay nakakahilo

Malapit na maghating gabi
Habang namumula ang buwan
Isang salita na lng isasambit iyon
Ay ang pangalan
Maghahari ang sumpa na di
Maglulubay

Ngunit sa kahu-huling minuto
Ay ang sandali
Nang pagkamulat sa kapakanan ng minamahal
At di sa pansariling pagkagusto at pag mamay-ari
Kapatawaran sa Diyos ay inihiling

Nang biglang may kulog at kidlat
Kasabay ng malakas na hangin
Parang may nagalit
Gamunggong patak ng ulan sa pisngi
Tila may mabigat na pasanin
Jeremiah Ramos Aug 2016
Isa kang kidlat,
Panandaliang liwanag sa gabi kong maulap,
Ikaw ang bagyong matagal ko nang pinagdarasal na dumaan at manatili,
Istorbohin mo ang kalmadong dagat sa pusong nananahimik,
Ibigay mo ang mga kulog mo na ikakabingi ko, papakinggan pa rin kita,
Ibuhos mo ang ulan mo,
Ang hangin mo, na kayang ipaalala sa'kin kung paano ginawin.
Iparamdam mo ang hagupit ng bagyo mo,
At pangako,
Magiging matatag ako,
Ipagdarasal na manatili ka.
Kumikidlat kasi kanina
elea Nov 2015
Imposible, malabo, walang tiyansa, ano pa? Anong salita pa ang mag lalarawan ng "tayong dalawa".

Parang pag kidlat at pag kulog habang tirik na tirik ang araw,
Parang pag kakaroon ng trentay dos na bilang sa kalendaryo,
Ang pag tubo ng rosas sa malamig na semento
At pag kakaron ng dagat sa isang malawak na disyerto.

Alam kong wala, walang pag asa.
Hindi maari.

Pero tulad ng pag tatagpo ng araw at buwan isang beses sa mahabang panahon.
May pinanghahawakan ako,
Isang araw, Balang araw
Pag tatagpuin tayo ng tadhana
Sa di inaasahang lugar at panahon.
Tibok nalang ng ating mga puso
ang mag didikta na tayo talaga,
ang naka laan para sa isat isa.
#wagAgadbumitaw
Poembornwithfeet-
Taltoy May 2018
Isang maligayang kaarawan,
Sayo o aking kaibigan,
Ligaya sanay matamasa mo,
Sa araw na ito, ang araw mo.

Di sana maipagkait ang mga ngiti,
Mula sa iyong mga labi,
Ploblema'y isantabi,
Magapakasaya hanggang matapos ang gabi.

Sa mundong ito,
Marami nga namang gulo,
Wag ka sanang malito,
Mag-isip ng positibo.

Ang problema, dadaan lang yan,
Kaya magpakatatag ka, sikaping lampasan,
Kalimutan ang nakaraan,
At hinaharap paghandaan.

Sa buhay, di ka mag-isa,
Meron kang kaibigan, kapatid, kapamilya,
Iyong mga sandalan,
Iyong maaasahan.

Kung sakiling ikay madapa,
Umahon ka, tumayo ka,
Hindi pa tapos ang lahat,
Subukin man ng bagyong may kasamang kulog at kidlat.

Pagtibayin ang iyong pagkatao,
Hasain ang utak at puso,
Kunan ng aral ang mga pagkakamali,
Huwag gawing ugat ng galit at pagkamuhi.

Di sana mag-iba ang mabuti **** pagkatao,
Di sana mawala ang mga ngiti sa labi mo,
Sanay buksan mo muli ang iyong puso,
Buksang muli sa tamang tao, sa tamang tiyempo.
Happi burtday. Unta malampasan jud nimo imong mga giproblema recently. Laban lang daii, makalampas jud ka ana. Ahahhaha God bless you.
raquezha Aug 2020
Paulit-ulit na sana baga
Daí ko na kaya, An sarò pang aldaw
Na madangog an kurahaw kan mga kalag
An mahiling an lalawgon kan mga nabayaan
Gurano an hustisya?
Kan mga demonyong dinadaya an ebidensya
Tàno madalion lang para sainda
An kapotan an buhay kan iba
Ta iyo ito an gusto kan diyos-diyosan ninda

Dai kamo makampante
Maabot an aldaw na mabalik saindo
An kulog buot na tinao
Mauran nin hibi
Asin kakakanon kan daga an hawak nindo
Ma-untol pabalik gabos na maraot na gawi
Sisingilon kan kasaysayan
An utang na mayong balak bayaran

—𝐔𝐧𝐭𝐨𝐥, a Bikol poetry
"Sisingilin ng kasaysayan
An utang na walang balak bayaran"

1. Untól; to bounce back
2. https://www.instagram.com/p/CEKDuUjHxhc/
Jose Remillan May 2016
Kung sakaling mapadpad
Dito ang balahibo ng pakpak
Ni Icarus, huwag **** hayaang
Mawaglit sa iyong isip ang bilin

Ko ukol sa ika-10 ng Enero.
Ito ang araw kung kailan nagpasya
Ang buwan na yakapin ang araw,
Hindi dahil sa tiyak na liwanag,

Kundi dahil sa katiyakan ng hiwaga.
Kasabay ng metapisikal na pagniniig
Na ito ang huling hatol ng Daruanak
Sa Binibining nabighani sa binistay

Na luha ng makata.
Makikita pa sa panganorin ang unang
Sulyap sa huling alapaap ng dilim.
Ngunit wala na ang kulog, maging

Ang pagkahulog sa bitag ng ligalig.
Alalahanin mo na lang ang dagat at
Ang pangako nitong kapahingahan
Kung sakaling sa paghahanap natin

Sa bahag-hari ay wala na sa ating
Maiwan kundi mga guho, mga mumo
Ng mga musmos na puso. Ang
Mahalaga lahat ng ito'y nakatalá na

Sa mga tála.
KRRW Nov 2017
Wala na ang dati
ang natira ay pighati
mundo ay nahati
at naglaho ang buwan

Anino ay lumisan
humalo sa kadiliman
ulan ay tumahan
ngunit ‘di ang bagyo

Kulog, kidlat, alimpuyo
tangay ay laman at dugo
mga baling buto
lagusan sa hangin

Naroon ang dating
ngayo'y isang pangitain
bilanggo ng salamin
magdadalamhati

Dahil wala na ang dati
Gabi sa panghabang-panahon
Aasa sa mga bulong
Lalakad, tatalon...
Written
31 October 2017


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
wizmorrison Jun 2019
Napakaitim na ng ulap,
Sumisigaw pa ang kulog,
Hangin ay nangangalit,
Panahon ay tila galit;
Mga mata ko'y nagmamasid
sa nag-aambon na kalangitan
Hinihintay ko itong umiyak—
Luha ko'y hindi na batid
Kapag naghalo na ang aming pighati.
Tila isang dagok ang dumagan sa puso ko habang isinusulat ito at nakikiayon naman ang panahon sa aking nararamdaman.
raquezha Jul 2018
Minsan a kaipuhan ka tawo,
Talinga na migrungog,
Matang nakakabayad ka kulog,
Ngangang diri nag riribok.

Minsan mas maray
na magirongog,
kaysa sa sabayan
a pagsilyak ku pinagaagihan,
kaysa mag ngabil
sa uda man kamalmagan,
sa lugar na uda man iiyanan.

Minsan mas magayon na magtambay
sa lugar na uda pakialamanan,
sa kapehan, usip, surat
Sabay silyak kading mga namamatian.
My poem in Rinconada Dialect.
I'm from Iriga City, Philippines.

Bungog means 'Deaf'.'
solEmn oaSis Jan 2022
sa paglikha ng tuwina kong katha
madama mo din sana ang kakatwa
ngunit nakasanayan ko nang pagtatwa
hinggil sa himpilan ng tagong lubha

naririnig kahit di man pakinggan
nahihilig saglit kundi man tanggihan
inaaliw pilit ang sarili sa kundiman
bumibitiw singkit kong ngiti panandalian

dahil sa dingding lang ang pagitan
hilahil ng singsing dagliang pasakitan
walang pasakalye kang papanigan
humarang pa sa kalye silang marasigan

sapagkat ang magtengang-kawali
sa pangkat ay sadyang balewala rin
kapit sa patalim talagang tatanggapin
kahit pa maitim pawang palipad-hangin

wala kasing malaking nakapupuwing
ika nga nitong napipintong
pagsalubong
niyong yaong paimbulog na daluyong
tila halinghing, pakiwaring
may naduduling

dagundong ng kulog kung maihahambing
ang gulat na sumilay sa mga mata mo
sa halip ang kalakip yaring halukipkip
namulaga't humimlay di nais matamo

yun bang sa kabila ng pagka tulog-mantika
nakuha pang magbuhat ng silya-elektrika
tagos sa buto ang hiwa ng pahiwatig
halos tanto ang tugatog na matigatig

may tainga ang lupa, may pakpak ang balita
ganyan ko maikukumpara Ang Mala - Palara
na sistema ng isang walang muwang na puwang
pag sa sandaling mag-pasaring ang ingay ng kulay

mala-abokado ang sapak' na mau-uLinigan
mansanas sa pagkapula sa kabalintunaan!
mga paksa na may pasak natutunghayan,
tuwing ang kapas ay sawing masasaksihan

" Ang dapat ay isang Wika sa Magandang ibubunga "
pambihira naman ang mga dalahira ,
wari bagang mapupunong inuugatan !
Martes pakatapos ng Lunes ! Linggo lang ba ang pahinga ?
I was suppose to say that
precious or not
misuse or important
I always neglect the fact
of those direct track
coming from the back
of my splitting spit of my pen
symbolically every now and then
kahel Jul 2016
Sa bawat patak, alaalang gumugambala sa utak.
Sa bawat kulog, alaalang hindi ako pinapatulog.
Sa bawat kidlat, mga kamay mo na nakapaikot sakin ng nakaunat.
Sa bawat hampas ng hangin, ikaw na minsan'y naging akin.
Sa bawat pag ulan, napagtanto na ika'y isang malaking kawalan.
raquezha Aug 2020
Mudtū nanaman akong nagisəng
Kwasa lawod na sige panaŋgad
Piripildit kadtong kompyuter
Tambak a  gigibohon pauno
Malang sakit pag naədâan ikang trabawo
Dāwâ unong mag-ābot tinitira
Magka-income sanā nguwan na pandemya
Masakit a pagbuɣay nguwan
Bana niloloko kita ka kanatəng gobyerno

"Urāsâ ayy!" Sabi ni inay
Kwasa kaya nakakape ika malaka mudtū
Pano ka diri iinitan ka tramuya **** iton

Nalingawan ko, paborito palan niya a kape
Ay ta dawa malang ŋisnitan na malaka-pwerte paghigop niya.

Siguro tinutuod kita sa pasakit na tinatao kanatə arog kading gibo ko, nagkakape naman ako dāwâ malaka-mudtū, diretso sa lalawgə̄n ko a sulô galin sa langit, pinipirit na indahon a kulog tas pait, ŋata ta kaipuhan kitang pasakitan kin pwede man sanang ayoson a nasasakupan, ay inda maray pa magkape na sanā.
1. Urāsâ, hot, warmth, sweltering; "Urāsâ ayy!", An experession you say when feel very very hot and sweaty.
2. https://www.instagram.com/p/CDZI4TUHKck
Pusang Tahimik Oct 2021
Ako'y tila papel na madaling tangayin
Dinadala sa kung saan ang ihip ng hangin
Ako'y tila pangarap na nais abutin
Sapagkat mula sa lupa ako'y titingalain

Ako'y nandidilim sa ibabaw ng lupa
At pinipigil ko ang pag patak ng aking luha
Ang aking ngitngit ay kulog na nakabibigla
At kidlat ang lumalabas sa tuwing magsasalita

Dumating ang panahong hindi ko na kaya
Ang bigat ng hirap ay sukdulan na
At ang aking luha ay pumapatak na
Ang lahat ay ibubuhos ko na!

Sa bigat ng paghihirap na pinapasan ko
Ay dilim na tila tinakluban ang pag-asa mo
At kapag naibuhos at umaliwalas na ako
Ang araw ay sisilip na tila pag-asa mo

Riyan sa malayo ako na lamang ay masdan
Sapagkat ako'y di mahahawakan kahit sa malapitan
Ngunit pumarito ka't ipararamdam ko ang kaginhawaan
Dito sa alapaap ng walang hanggang kalayaan

- JGA
raquezha Aug 2020
Tàno kaipuhan pang magrayô
Para hanapon an sadiring na tampó
Tàno ta kaipuhan pang lingawán
An kaugmahan na mayòng kasagkúran
An hagad ko man lang
Katuninongan kan banggi
Sawa na akong kaulayon an sadiri
Ako man sana kaya an nakakaintindi
Mga simbag sa mga kakundian
Mayò, butog man lang an
Basta pinapagian an namamatian
Arog talaga kayan an binabayaan
An pagpadangat na tinao
Kulog an balos saimo
Kan tawong pinili mo
Na pinili man an ibang tawo

—𝐔𝐥𝐚𝐲, a Bikol poetry.
· Úlay:
1. to converse with, to talk
with, to discuss with;
2. to make a deal with;
3. to request something, to appeal for.
tosh Apr 2020
Sige, mag paulan ka lang. Hanggang sa may lumapit sayo at pasilungin ka sa kulay dilaw niyang payong. Aalagaan ka niya na parang kuting na inabando na sa lansangan. Ipaparamdam niya ang pag mamahal, at makakalimutan mo ang pait ng nakaraan. Bubusugin ka niya ng pag mamahal, ilalayo ka sa kapahamakan at kung umulan nanaman at narinig mo ang bawat patak mula sa bubong na inyong sinisilungan, yayakapin ka niya ng mahigpit, pupunasan ang bawat luha na pababa mula sa marikit **** mga mata. Hahalikan ka ng bahagya at ibubulong na “Huwag kang matakot, hindi kana mag isa at hindi kana muling mag iisa.” Kasama mo siya sa lahat ng ulan, kulog at kidlat.

Kasama mo ako, at wala akong balak maging panandaliang silungan mo, kung maaari lang ay manirahan ka sa tabi ko.
Monday
4/13/20
Randell Quitain Jul 2018
ikaw ang matayog na ulap,
dulo ng lingas ay nahanap,
tagapagpatahimik nitong kulog,
bagyo'y naging ambon sa aking pagtulog.
Taltoy Mar 2018
Hinaharap, tadhana,
Kinabukasang sino ang maygawa?
Ano nga bang napapaloob,
Sa bugso ng damdaming may kidlat at kulog.

Lahat, balot ng katanungan,
Lahat, di nauunawaan,
Lahat, walang kasiguraduhan,
Mistulang ang lahat pagsisisihan.

Nakakatakot nga namang magkamali,
Mapait, mapupuno ka ng pighati,
Masusugatan, manghihinayang,
Sasabihing “kung di nalang sana nagpakamang-mang”.

Kabalighuan ba ang magbakasakali?
Ang paghingi sa’yong kamay ay isa bang pagkakamali?
Pagmamahal sayo’y di ba nagbunga ng maganda?
Damdamin ko ba’y nagpagulo sa isip mo sinta?

Ikaw ang nakakaalam nyan,
Ikaw, ang iyong puso’t isipan,
Ikaw ang magpapakalma,
Sa unos na kasalukuyang rumaragasa.
kingjay Sep 2019
Hayaan na na giliwin kita
Sapagkat hihintin sa hangin ang lahat
At pumailanlang hanggang sa panganorin
ang pangarap
Walang saysay ang ibon kung nasa pugad

Tumunghay sa pakpak na gulay-gulay
Sa pagwasiwas ay di kaya umangat
Munting maya sa aratiles
ay kahabag habag nang di makalipad

Ganyan ang aking pagsinta
O Desiree Dawn Dela Peña
musmusin at nasisikil
Huwag sana husgahan
Sinsisipon sa hamog
Madaling manimdim

Iibig ako sa sariling paraan
Ngunit di gaya ng kaparangan
na nakatiwangwang at hayag
Kung ikumpara ay katulad ng liblib na halamanan
Mabubuhay nang saglit at mamatay nang dahil walang nakakalusot ni banaag

At kung masidhi na ang damdamin
Magpaparinig ng aking hinanakit
Gaya ng kulog
na nauulinigan sa ibayo
Umaalingawngaw doon sa ibang baryo
Taltoy Mar 2019
Ano na? Ano na?
Ano na ang susunod?
Saan ba? Kailan ba?
Bat parang nalulunod?

Ako'y walang nagawa,
Bulag na nanonood,
Walang kwenta, basura,
Nakatulala sa pagtama ng kulog.

Nakakapanlumo pero anong magagawa,
Tapos na, nawasak na habang nakatulala,
Huli na ang lahat, paano masasagip,
Huli na ang lahat, huli na nga ba ang lahat?
Kung papasukin mo ang isip ko, mapupunta ka sa isang kwarto na punong puno ng punit na papel ng siphayo at kabiguan- ‘di matapus-tapos na kwento natin, mga salitang gusto kong sabihin pero ‘di ko masabi, mga dapat kong ginawa pero natakot ako. Nangyari ang nangyari dahil tumigil tayo. Paano kung ‘di tayo tumigil? bakit tayo naging ulan na kapag may kulog at kidlat doon lang bubuhos? Babagsak sa bubong ng pangako. Paano kung hindi natin nilagyan ng bubong ang mga pangako? Paano kung hinayaan na lang natin makita ang ulap at araw?
raquezha Feb 2020
Sādi nanaman kitā bitŋa
ku mga unga na ədâ simbag
Nakakabungog na tuninong
a pirming simbag niyā kanakə.

Sārî akō migiyān?
Pirmi na sanāŋ pulang sulô a naagīyan.
Kūnu migpundo a kulog?
Kūnu 'kō migtawā?
Kūnu ko makukuko a simbag
sa ŋāmin na unga sa buɣay 'kō?

Buɣay pa kaya akō...
pagnagābot a simbag
na inəəlat kō?
"əlat" means wait, "nagəəlat" means waiting
Hayan na, heto na! bagyo'y paparating na,
Pero teka, ikaw pala ito na sobrang galit na;
Galit na galit na tulad ng bagyong nagngangalit,
Dalang ulan ay grabe kung sumagitsit.

Dagundong ng iyong kulog ay tunay na nakakasindak,
Malakulog na boses mo'y parang saksak ng tabak;
Bawat salita sa 'yong bibig ay nakakarindi,
Masakit sa tainga at sobrang nakakabingi.

Mga salita mo'y tulad ng ulang nagbabagsakan,
Sinisigaw mo sa'kin ang mapait na salita ng mukhaan;
Basang-basa na 'ko ng ulang dala mo;
Kung kaya't panay sakit ang idinulot nito.

Kumalma ka bagyo, kumalma ka na tulad ng sapa,
Upang ang ating mundo ay tiyak na papayapa;
Paano nga titigil ang bagyong gaya mo?
Kung wala ako na magpapakalma sayo.

— The End —