Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nasa dulo na ng aking dila,
ang mga hinahanap na kataga.
Maraming nais ibigkas na talata,
pero ang buod ay nasa dalawang salita.


Mahal Kita.
Pj Aug 2017
Noong una hindi ko namalayan, hindi ko pinansin ang iyong presensya
Na mismong dahilan, para iyong kagandahay aking di masilayan
Di nag tagal ikaw ay sakin pinakilala, ngunit ipina-walang bahala dahil ikay  kasamahan lamang
Hanggang sa tinakdang tayoy lubos na mag kakilala
At binigyan ng pagkakataon bilang maging aking kaibigan
Nang nasundan ay aking nasaksihan, ang simpleng ngiti mo pala'y tuluyang nakakahawa
Ako ay sumasaya tuwing sa akiy nasisilayan, ang isang ngiti mo pala'y nag dudulot ng kaligayan
Sa araw araw na ikay aking kasama, ako ay nagbibiro upang aking masilayan
Ngiti **** kay ganda pati na iyong mga mata, hinahanap-hanap sa tuwing ikay aking nakakasalamuha
Di ko napapansin na akoy unti-unting nabubuo at sumasaya, sa mga oras na ikay aking napapatawa
Hanggang sa isang araw biglang napagtantong kulang ako, kung walang ikaw sa buhay ko
Nang pinagtagpong muli, biglang nagpahayag ng aking saloobin
Hindi man masyadong napaghandaan, hindi rin inaasahan ang kinalabasan
Napaka-saya lang, na nag simula ang lahat sa simpleng pag kakaibigan
Lumala at tumibay ang nararamdaman, dahil sa suporta at pang-aasar ng mga kaibigan
Ngunit noon din natin napag pasyahan na tayoy isang ganap na, na magkasintahan
Ipinagpapasalamat sa DYOS ang lahat ng kinahinatnan
Sa umpisa inisip na nag bibiro lamang, pero habang tumatagal napagtanto na ito ay hindi panandalian lang
Dumating ang panahon na parehas nabibigatan, pero sa huli pinili parin lumaban
Hanggang ngayon pinipili pa rin buwagin, ang lahat ng pader na puno ng hindi magandang isipin
Noon ko napagtanto, na ang mga hiniling sa panginoon ay binigay at pinagkatiwala na sa akin.
Pangako hindi mo na sasambitin sa iyong sarili na ikay nakahandusay muli,
sapagkat ako mismo at ang aking mga kamay ay mag sisilbing nakaalalay sayo hanggang huli
Mahal ko (loves ko) gusto kitang batiin ng maligayan kaarawan, palaging **** tatadaan na akoy laging nasa iyong likuran
Makakaasa ka na hindi ka na muling maiiwan, at mula ngayon ang tangi **** mararamdaman ay ang mamahalin ka ng walang kasawaan.
GIFT FOR MY GIRL
kate Feb 2024
ala-singko ng umaga. nakakabingi ang katahimikan ng pagsikat ng araw. walang tigil ang pagtakbo ng oras at tulad ng araw, nagsimula nanaman ang pangkaraniwang siklo ng buhay. patungo sa sintang paaralan na ang bawat yapak ay parang timbang ng daigdig na nakalubog sa aking mga balikat. hindi kayang buhatin kahit pa ng buong mundo sapagkat ako'y nag-iisa sa paglalakbay patungong españa.

sa bawat sulok ng maynila at mga kwento sa mga kalsadang ito, may mga paalala ng mga biyaheng hindi pa nararating at mga pangarap na patuloy hinahanap. sa kanto ng españa't lacson, sa kabila ng paghahanap at pag-asa, hindi natagpuan ang isa't isa. sa magkabilang sulok ng noval at dapitan, ang iyong mga imahe ay tila mga alaala na nakaukit sa pinakaloob ng aking isipan, kumakatok nang palaging handang buksan ang pintuan. bawat hakbang ko ay may kabigha-bighani **** presensya, subalit ang hinahanap kong pagtatagpo ay patuloy na umiwas sa akin, nag-iwan ng hinagpis at naglakbay nang walang direksyon.

"manong para po" ang aking bulong sa jeepney drayber na parang tinik na dumadaloy sa aking lalamunan, humihila at humihila sa mga alaala na tila mga bagyong dumaraan sa aking isipan. bawat sinag ng araw, bawat hagupit ng hampas ng hangin, ay parang himagsik ng damdamin na hindi ko maitago.

sa bawat kanto paikot ng españa, naroon ang mga multo ng ating nakaraan. mga anino ng mga alaala na hindi ko matakasan at sa bawat pagtatanong mo kung may pag-asa pa ba, ang bawat sagot ko ay tila mga punyal na tumatagos sa aking kalooban, nagsasabing wala nang dahilan para muling mangarap.ayaw ko nang lumakad sa landas ng nakaraan, na puno ng  mga bakas na minsan tayo'y nagtahup na patuloy na bumabalik at sumisira sa isipan.

at sa wakas, narito na ako sa dulo ng aking paglalakbay, ngunit ang landas na tinahak ay tila isang malawak na dagat, hindi alintana kung gaano karaming bagyo at baha ang dinaanan. at kung tatanungin mo ako kung pu-puwede pa ba, ang hihilingin ko sa iyo ay mga barya papalayo sa'yo. ayaw ko nang malunod sa unang daan na puno ng kahapon at mga alaalang tila multong ayaw umahon.

at sa bawat paghakbang ko patungo sa hinaharap, ang iyong alaala ay parang banta na nagbubulag-bulagan sa akin tuwing naglalakbay ako. nakakapangilabot. mahal pa rin kita. mahal pa rin pala kita.

hindi na kasingpait ng dati.
pero mahal, masakit pa.
i just love the streets of manila and the feeling of grief and longness without wanting the person back (hindi ako broken HAHAHAHA)
Jan C Mar 2021
Mga mata na sa bituwin mo lang makikita,
Mga labi, na kasing kulay ng mga rubi.
Mali sa mata ng iba, ngunit tayo na ba?
Isang tingin sa iyong mata, ako'y nahuli.

Nakatingin sa ulap umaasang may ikaw,
Ikaw ang hinahanap sa ulan na umapaw.
Ngiti mo ang hinahanap sa pang araw-araw.
Nakita ko ang mata mo at ako'y natuklaw.

Isang Simponia na gawa ng Obra Maestra,
Maski si Paganini ay napapatulala,
Napapahanga si Beethoven sa iyong gawa.
Isang Simponia na gawa ng taong mahal ka.

Pangalan mo'y ginagawan ko ng isang tula.
Sumusulat sa araw at gabi na may kaba,
Isang tula patungkol sa tanong mahalaga.
Ikaw lang ang hinahanap kapag may problema.
raquezha Feb 2019
Ika
Daé mapûngaw,
Daé mapûngot.

Árog kan urán
na makusóg an parós..
Árog kan kitkilat
na makusog an tanóg.
Árog kan bagyó
na tatákoton an kalág mo.

Mapundo man yan.

Núarín ka huríng
naghiling sa salming
asin nahiling an sadíri
na maogmá?

Mapundo man yan
Daé mo na kaipuhan
hanapon an simbag
sa ibang lugar

an kasimbágan na
hinahanap mo yáon na.

Hiling ka sa salming
asin sabihon mo sa sadíri
Nahanap mo na an simbag.

Padángaton an sadíri
Árog kan pagpadángat mo
sa ibá.
rekojeth Jan 2017
Magsisimula ako nang hindi sa umpisa
Magsisimula ako kung nasaan ka
Magsisimula ako sa huli
Magsiisimula ako kung kailan hindi kana uuwi.
Nagsusulat ako hindi dahil gusto kitang ipabalik
Nagsusulat ako dahil gusto kitang ibalik
Sa dating princresa na kilala ko'ng ikaw.

Magsisimula ako sa huli
kung saan wala na talaga,
kung saan ako sayo ay umiibig pa,
at umiiyak habang sinusulat ang aking tula.
Sa huli kung saan gusto kitang ipabalik,
minsan naging desperado ako matikman lang uli ang iyong halik.

Susunod naman ay ang kalagitnaan
kung saan nating ginawa ag lahat ng mabuti
at masama,
dito tayo naging malungkot at masaya,
habang pag-ibig natin ay buo pa.

At mag tatapos ako sa pinaka-una
unang pag sabi mo na "mahal kita"
unang oras na sinabe mo na "hinahanap-hanap kita"
unang tikim ng iyong halik
unang tingin na iyong ibinalik.

Sana na aalala mo pa
noong tayo ay ag dadalawang isip pa
kung anong relasyon ba nating dalawa,
pero masaya tayo na nag sasabi sa isat-isa na "ito na talaga ,mahal kita".

Pinili ko'ng mag simula sa wakas at mag wakas simula.
Nang sa ganun ay kahit papano ay maramdaman ko'ng maging masaya
kahit alam kong patapos na ang aking tula.
inggo Jan 2016
Hindi ko alam kung kailan
Wala akong maisip kung saan
Pero alam kong ikaw ay matatagpuan
Kahit siguro umabot ako sa buwan

Siguro ay hinahanap mo rin ako
Baka sakaling nagkatabi na tayo sa eroplano
Maaaring nakasalubong na kita doon sa may kanto
O baka naman nakasama na kita sa trabaho

Sa ngayon kailangan kong maglakbay
Patungo sa mga lugar na maaaring ikaw ay naghihintay
Hahawakan ko ng mahigpit ang iyong kamay
Ipapapaniwala ko sa iyo na merong panghabangbuhay
Arya Apr 2016
Gusto ko ng bumitaw dahil sa sakit na aking nadarama
Pero hndi ko pa kaya kasi mahal na mahal pa kita
Hanggang kelan ko to titiisin?
Hndi ko na kc madama ang pagmamahal mo sa akin
Hndi na ikaw ang taong minahal ko noon
Asan na ba siya?
Mali, hndi ko siya hinahanap.

Nakakapagod,
Nakakapagod talaga, hndi mo mn lang ako tinulungan.
Grabe ka!
Nakakapagod din kcng intindihin ka
Hndi ko alam kung anong problema kc hndi ka naman nagsasabi ng totoo **** nadarama
Para bang itinatago mo sa iyong bulsa
Bahala na, sabi mo nga sa akin "Bahala ka"
Bahala na talaga.
Bibitawan na kita.
Sa wakas,
Ang pagmamahal ko sayo'y matatapos na.
Ang sakit na aking nadarama ay matatapos na.
Matatapos na talaga.
Ito na, ito na ang huling sasabihin ko para sayo na kasabay ng mga luhang tumutulo sa akin mga mata.
#pag-ibig
#masakit
Taltoy Jun 2017
Hindi makita,
Hindi maalala,
Ang tanging pag-asa,
Tuluyang nawala.

Hindi na alam kung saan pupunta,
Hindi mapakali, natataranta,
Hindi na mapigilan,
Ang damdaming kinakatakutan.

Sa bangin ng kawalan,
Nahulog ng biglaan,
Walang kasama ni kaagapay,
Sa lugar ng pagkakahimlay.

Ngunit bakit nga ba ako narito?
Paano nga ba ako napadpad sa pook na ito?
Hindi ko maalala ang bawat detalye,
Basta may hinahanap akong importante.

Pinipilit kong alalahanin kung ano,
Ngunit baka hindi ano, baka sino,
Kung sino, sino nga ba?
Ang paglalaanan ko ng panahon upang makita.

Ang mga katagang ito ay galing sa isang awitin,
Awiting umantig sa aking damdamin,
Dahil ang sagot ay "ikaw",
Ikaw, ang hinahanap ng puso kong ligaw.
fallacies Oct 2018
sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap,
di ka nakakasama.

sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,
hinahanap hanap ka
ang iyong
presensiya.

sa araw-araw na dumaraan,
sa aking harapan.
panibagong mga araw na siyang,
aking pinipilit na silayan.
hinahanap yung araw
na muli akong sisikatan
ng iyong araw,
ng iyong liwanag,
na siyang magbibigay ng init
sa nanlalamig kong kalamnan.

sa araw-araw na ginugulo ako
ng aking isipan, kung ano
na nga ba ang lagay mo;

ayos ka lang ba?

sana naman oo.

kumain ka na ba?

sabihin mo na oo.

masaya ka ba?

oo? o baka hindi rin siguro.

pero tandaan mo,
nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.

nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.

nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.

dahil nandito na ako,
handa nang makinig sayo,

nandito na ako,
patuloy na maghihintay sayo;

at nandito na ako,
patuloy na magmamahal sayo.
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang araw at gabi na hindi ko naiisip ang iyong kalagayan.
May mga pagmulat sa umaga na tila nananaginip ako,
Iniisip ko na nagbago na ang lahat, na sa wakas ay nalampasan
Mo na ang ang iyong hirap na pinagdadaanan.
Mga pagkabigla ng isipan na para bang naalimpungatan lang.
Subalit laging bumabalik sa mga katotohanan na kailangan harapin.
Mga lungkot at kurot sa pusong tanawin, mga sana at mga
Panghihinayang. Puno ng mga pagbabakasakali at pag-asa,
Hinahanap-hanap ang kasagutan sa mailap na katanungan.
Bakit ikaw? Bakit sa’yo pa nangyari? Bakit nagkaganyan ka?
Wala ako’ng ibang hiling kundi ang maging maayos ka,
Na maging malusog at kaaya-aya ka.
Hindi ko hinangad ang yaman ng mundo,
ikaw lang at ang kapatid mo ay daig na ang lahat ng yaman sa daigdig.
Pero ‘hwag kang mag-ala-ala anak ko hindi kita iiwan,
Kailanman hindi kita pababayaan ako’y laging nandito sa tabi mo.
Haharapin natin nang magkasabay ang buhay.
Naalala mo ba ang naghahabulan na mga alon sa dalampasigan?
Masayang masaya ka habang ito’y humahampas sa iyong katawan,
Ganito ang buhay punong-puno ng mga alon.
Kailangan na ito’y harapin, wala ka’ng ibang gagawin.
Ngitian mo ang hampas ng buhay maliit man o malaki ang dala nitong mga alon.
Habang ako’y nabubuhay sasamahan kita sa pagharap mo sa mga alon,
Hindi ka namin iiwan ng ate at mama mo.
Lalabanan natin ang dagok ng mga daluyong,
Sabay tayong tatawid na karagatan ng buhay,
Umulan man at umaraw lagi kitang yayakapin.
Ganyan kita kamahal aking bunso.
unknown Oct 2017
mukha mo’y paulit-ulit na inaalala,
kasabay ng paulit-ulit kong pagluha,
mata ko’y pasulyap-sulyap,
ikaw ang palaging hinahanap-hanap.

tuluyan na akong nalunod,
at tuluyan na akong inanod,
sa aking bawat pagtingin,
bumubugso ang aking damdamin.

sa oras ng iyong paglingon,
tila naguluhan ako sa sitwasyon,
ang lahat ba ng akala ko ay umaayon?
mahal mo na ba ako ngayon?

sa iyong paglakad, ako’y napatagilid,
sa aking mata’y may luhang nangingilid,
sapagkat sa iba ka lumapit,
at heto ako, tiniis na lamang ang nadaramang sakit.
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
032217

Iniwasan kong tumingin sayo
At ginawa ang mga bagay sa paraan na alam ko.
Akala ko kakayanin ko,
Dahil tingin ko sa sarili ko: malakas ako.

Sa una'y naging maayos ang lahat
Na para bang ang taas ko kung lumipad.
Dahil ramdam ko sa aking mga palad
Ang ihip ng hangin at ang mga ulap.

Sinabayan ko ang ikot ng mundo
Sinubukan lahat anuman ang naisin ko:
Mga bagay na labag sa kalooban mo
Na di mo ninais na gagawin ko.

Ang taas na nga ng aking nalipad,
Malayo-layo na rin ang aking napad-pad.
Ngunit sa puso ko'y meron pa ring hanap-hanap
Siyang bagay na di pa rin natutupad.

Tingin ko'y kaya ko nga ang lahat --
Na kahit mag-isa'y lahat matutupad.
Ngunit sa taas ng aking narating, ako'y bumagsak
At nagtamo ng malaking sugat.

Nalunod ako sa dagat ng pagkatalo
Na akala ko kaya kong manalo.
Na kahit magisa lang ako,
Lahat ay kakayanin ko.

Kinain ako ng sarili kong mundo,
Ng paniniwala kong malakas ako.
Na kahit hindi ako tumingin sayo,
Lahat ng bagay ay makakamtan ko.

Ngunit sa kabila ng lahat ay nandyan ka pa rin,
Tinulungan akong tumayo mula sa pagkakadapa.
Ginamot ang sugat ng pagkabalisa,
Kahit na pinili kong lumakad mag-isa.

Hindi ko pala kaya nang wala ka,
Sa paniniwala sa sarili'y, ako'y naging tanga.
Na ang hinahanap ng puso ko'y nasayo lang pala,
Maraming salamat sa pagmamahal aking Ama.
(c) Argel Viterbo
Jasmin Sep 2015
'Wag **** sabihing mahal mo ako
Kung noong mga panahong hinahanap ko ang yakap mo
Ako'y tinalikuran mo't iniwang nakalutang
Sa pag-asang ako'y iyong babalikan.

'Wag **** sabihing mahal mo ako
Kung ang pagsuyo mo ay mas malamig pa sa yelo,
Ang ulan ma'y bumubuhos
Ang damdamin ko'y nauubos.

Tama na ang paikot-ikot na laro
Wakasan na ang ugnayan na dati'y kay lago
Hiling ko lamang, nawa'y ang ating luha ay matuyo
Sa lakas ng hangin dala ng ating pagtayo.
Para kang ulan.
Kinakatakutan,
at iniiwasan
ng karamihan.

Pero bakit ganito,
iba ang tama ko.
Musika sa mga tenga ko
bawat tunog neto.
Pakiramdam koy
iyong mga tinig
itong aking naririnig.
Para akong batang kinikilig
habang nakikinig
sa malalamig
**** mga himig.

Huwag kang mag-alala,
kahit iniiwasan ka nila,
hinahanap-hanap naman kita.
You may see yourself as a Red Flag,
All I see is Green.
sa mata ng ordinaryong nilalang:
sa kalangitan madalas kayong naghahabulan
nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman.
sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag;
kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan.
ang mga bituin
                                                          ­                ay kumikislap
    patay sindi,                   'di makapirmi
ang mga bituin ay
  madami, 'di nag-iisa,                                    
                                 kun'di nagkalat na 'isa',
                                                                ­          'di isang buo
                                                             ­                     kun'di isang
                                                                ­                          sansinukob ng:
naghalong emosyon,
'di mapiling pagkakakilanlan,
daan daang kasinungalingan
makapagtago lamang;
sa liwanag niya,                                                            ­            
                                              dahil mas importante siya
dahil siya ang iyong tinitingala,
isang malaking bolang mainit,
nag-aalab,
nakakabulag.

isa kang masokista,
pinili mo ang mapanakit niyang init.
isa kang arsonista,
pinili **** makipaglaro sa apoy.
'di ka naman nag-iisa
ngunit martyr ako,
at ikaw ang pinili ko.


siya si sol, ikaw si luna,
ako ang mga bituin,





kayo ang naghahabulan,
ako ang kumikislap/
kumukutikutitap/
kumukurap,
ako ang nagbubugulan.
                                                   ­       

                                                        ­               bituing matagal nang patay
ito na ang tuldok
Sa aking pagiisa alaala mo'y aking kaulayaw

Ang dilim na bumabalot ay ang bisig mo

Ang dampi ng hangin ay ang marubdob **** halik

Hinahanap-hanap ko ang amoy mo

Ang marinig muli ang iyong halakhak

Maramdaman ang marahan **** paghinga

At ang init nitong kumikiliti sa aking leeg

Ang pakinggan ang musikang likha ng iyong dibdib

Sa marahan at maharot nitong pagkabog

Nilalangoy sa bawat tingin

Manaka-nakang mapapapikit

At ikaw nama'y patuloy sa pananaliksik

Lulunurin kita sa aking panunukso

Ikaw nama'y patuloy sa pagsuyo sa aking mga labi

Nilalaro ang guhit sa iyong palad

Inuukit ang ngalan at ang gabing iyon

Nakasanayan na ang paghagod sa iyong buhok

Linya ng pagngiti ay kabisado na

Hinaharana ako sa gitna ng dilim

Kay higpit ng iyong yakap

At ako'y napapasinghap

Bawat bahagi mo ay naging parte ko

At bawat parte ko ay naging bahagi mo

Tayo ay naging sanlaksa

Nanganak ng mga “ako”

Bumuo sa “tayo” ng uniberso



Maayos na ang kobrekama

Malamig ang titig nito

Punyal na tumatarak sa dibdib

Dugo ang bawat paghinga

Bakas ay nilamon na..

Tanging sa isip na lamang kita

makakasama sa tuwina

Nagngingitngit ang aking mga kamay

Mata ay pilit sinasara

Ang katotohana'y ikaw ay malayo na

Pinalaya.

Ikaw sana'y lumago

Ang dilim ang magkukubli sa pagluha

Ang hangin ang bibingi sa sakit

Humayon ka ng mag-isa.
brian bernales Aug 2016
Sa paningin ko'y ika'y parang santo
At ako nama'y parang g*go
Na palaging hinahanap ang mga ngiti sa mukha mo
Masulyapan ka lamang
Masaya na ako
Ngunit pagkatapos ay babalik din
ang sakit sa aking puso
Wala akong magawa kundi masaktan at magtiis
Kaya ako ngayo'y puno na lamang ng hinagpis
Oo late na ako, nasa piling ka na ngayon
Ng isang taong mahalaga rin sa buhay ko
Kaya kahit anong pilit ko
Hindi magkakaroon ng "tayo"

Sa simula pa lang hindi ko naman ginusto
Na muling tumibok ang aking puso
Dahil takot akong maranasan mo
Ang mga pagkukulang at sakit
Na sinapit ng taong dating minahal ko

Hindi ko naman sinasabing uulitin ko
Ang mga pagkakamaling iyon
Hindi lang mawaglit sa aking isip na
"Paano kung magkulang na naman ako?"

Teka, bakit ba ako nag-iisip pa?
E may mahal ka na namang iba
Sige, hanggang dito na lang ako
Titigil na ako, masaya naman na kayo
Tutal bawal naman "tayo"
Uupo na lang ako
Credits sa owner ng title. Hindi ko alam kung kanino pero thank you
Jor Jul 2016
I.
Blangko na naman ang utak ko,
Inuukupa mo na naman ito.
Hindi ako makapagsulat ng husto.
Kahit ano pa ang pilit ko.

II.
Aaminin ko, niyayakap ko pa rin ang unan mo,
At pakiramdam ko’y ika’y nasa tabi ko.
At kahit masakit ang dinulot mo.
Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko.

III.
Hindi ko akalain na may kapangyarihan ang tulad mo,
Kaya **** pabilisin ang tibok ng puso ko,
Kaya mo ring ukupahin ang utak ko,
At kaya mo ring patigilin ang mundo ko.

IV.
Pero hindi ako papayag na manipulahin mo ako,
Kailangan kong makalaya sa kapangyarihan mo.
Kaya simula sa araw na ito’y,
Tatanggalin na kita sa sistema ko.
Crissel Famorcan Oct 2017
Nagsimula ang lahat sa simpleng pag uusap
Hanggang sa dumating yung puntong lagi na kitang hinahanap
Kasa-kasama ka na sa bawat kong pinapangarap
Ikaw ang nagbibigay lugod sa  kalooban Kong naghihirap
Kaya akala ko noon ikaw na ang sagot sa pusong sugatan
Ngunit ginamot mo lang din pala ito ng panandalian
At sa pag alis mo, mas malalim pa ang sugat na iyong iniwan
At ngayon Hindi ko na alam kung sino pang lalapitan
Magagamot pa ba ang sugat na iyong idinulot?
Sa nabasag Kong puso mayroon pa kayang pupulot?
Magawa ko pa kayang kalimutan ang lahat ng sakit
O mananatili na lang sa puso ko ang lahat ng inggit?
Ayoko na.
Ayoko nang mabuhay sa mundong binago mo
Ayoko nang mabuhay sa mundong kinalalagyan ko
Ayoko nang mabuhay pa sa mga pag-asang walang patutunguhan
At Sa mga pantasya't pangakong sinusubukan ko nang kalimutan
Ayoko na.
Hindi na maghihilom ang sugat na idinulot mo
Kahit ilang band aid pa ang ilagay dito
O kahit Ilang taon man ang lumipas
Sakit ay hindi kukupas
Sugat dito sa puso'y mananatiling isang marka.
Na lagi saking magpapaalala
"Nagmahal ako at Nagpakatanga
Para sa pag-ibig na walang pinatunguhang maganda."
JT Dayt May 2016
Natutulog pero ikaw pa rin ang nasa panaginip
Nagtatrabaho pero bigla kang sisingit sa isip
Magkalayo ng ilang saglit pero parang kay tagal nang naghihintay
Hindi ka lang magtext o tumawag feeling ko ang tagal mo nang nawalay

Kahit wala ka sa tabi ko
Kahit iba ang ginagawa at pinagtutunan ng pansin ko
Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko?

Laging ikaw.
Walang iba, kundi ikaw.
I've been waiting for you, thinking of you, worrying about you
I wonder if you feel the same way?
Jun Lit Feb 2020
Ikasampung lagok na
at higit pa
ng mainit **** ala-ala
subalit malapit man
wari kung aking tinitingnan
sa sulok ng napadpad na isipan
sa kabilang ibayo ng mga pananaw
sa malayong dalampasigan ng pagkatao,
hindi ko kayang abutin
ang pinutol kong pusod
na sa puting lampin ay ibinalot,
at ibiniting tila bituin sa mga alapaap.

Maghapon ko mang lakarin
mula sa aking pusong pinabango
ng galapong na bagong giling,
na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan
habang isinasangag ang bawat butil
ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan
mula sa masuyong pinagsikapan,
pinagtiyagaang alagaan -
puno ng liberikang kape
ng lupang sinilangan.

Malayo, malayo na ang Lipa
madaling lakbayin sa malawak na kalsada
na dumaraan na ngayon sa kabundukan
ng Malarayat
na noong musmos pa’y
malayo, malayo, malayo . . .
tanging nakakarating lamang ay mga uwak
at sabay-sabay na lumilipad na tagak
sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag.
Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis
Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis
Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit
At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay
na inaakyat ng mga paslit
napawi na rin ang matayog na tahanan
tila binura ng kapalaran
at mistulang iginuhit ng chalk lamang
sa pisara’y kumupas na larawan.

Natabunan na ng bundok
ng mga alikabok ng ala-ala,
wala na tahanan, o ang lumang pisara
tila nawaglit ang apat na dekada

Malayo na ang lumang Lipa
at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya
makating-masakit at di makakalimutan
ang mga karanasan at mga aral na dala

Kung wala na ang bigas na kinanda
magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa
Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka
kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na
Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa
Ngunit sinisinta
ika’y makakaasa:
     Ang pinanggalingan,
          ang pinagmulan,
               lilingunin tuwina.
Brewed Coffee - 10; 10th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.
Penne Dec 2019
Mga nakatago sa letra
Ang mga sagot

Ang mga sagot ay nasa letra
Ang luha
Ang inis
Ang dugo
Ang init

Ang pintura ng aking maduming brotsa
Ang mga espasyo na akala ay walang saysay
Iyon ang mas nagpapalayo sa katotohanan

Sa siyudad na malaki, pero ang liit
Parang nilakad ko na ang bawat sulok nito

Mahilig ako sa bagay na hindi lang madaanan
O maiwasang daanan

Ang tinta ng aking espirito
Itatak sa iyong santong puso

Malakbay sana magkasama
Ang mga lumulutang na letra
Samantalang ang boses mo na tulad ng awit ay nasa likod ng eksena

Malikhain ang gumuhit sa iyo
Ang larawan **** mabait
Mamantsahin ko
Ng aking bahaghari
Nawa hindi mawari

Wala dapat ang oras
Parang picture frame tuloy ang buhay ng bawat tao
Nandiyan lang
Nakatago, nakatayo, nasa pader---nakapako
Nadadaanan lang
Isang titigan lang

Sa iyo, isang titig ay hindi sapat
May nakatagong ginto
Hindi pangkaraniwang ginto
Ginto na hindi hinahanap ng lahat
Ginto na hinahanap ko

Nagpapawis nang sobra ang aking mga kamay
Maligoy ang mata
Tumitibok nang mabilis pabilis

O Dios, saanman, makasalanang mansanas bumubunga ng sanlibong bulaklak
Tinutuklaw nila ang aking lason

Wala na akong pake sa sagot
Mapaakit ka hanggang mabili ka

Kahit hindi ka muna magsalita
Hindi paliwanag sa mga titik
Ang paru-paro at ang agila

Nilamon ang itim
Namula ang bibig
Puti ang langit
Ubeng mata
Kahel ang balat
Bughaw na dugo
Dilaw na anino
Berdeng ilaw

Bangis ng indigo
Samantalang sila ay abo

Maligo sa aking isip
Taas na tingin sa mababaw na sahig
Ito ang ating luho
Zigzag man ang dating
Kapag nabili na, wala ng tubig parating
Eunoia Aug 2017
Igawa mo ako ng isang istorya,
Ito ang huling hiling ng babaeng iyong pinagtabuyan,
Igawa mo ako ng isang Istorya,
Wala siyang pakielam kahit siya pa ang gawin **** kontrabida,

Igawa mo ako ng isang istorya,
At hahayaan ka na niyang bumuo ng sarili **** tema,
Patayin mo man siya sa dulo,
Hindi man siya ang iyong makatuluyan,

Wala kang maririnig na anumang sumbat,
Tuparin mo lamang ang munti niyang pangarap,
Igawa mo ako ng isang Istorya,
Huwag mo lamang sana itong pagkaitan ng emosyon at oras,

Nakakaiyak, Nakakatakot, Nakakakilig, Nakatutuwa-
Hindi siya magdaramdam,
Basta't gawan mo lamang siya ng isang istoryang may wakas,

Wakas na ipinagkait mo sakaniya sa inyong realidad,
Wakas na kaniyang hinahanap upang makalaya sa hawla ng "Bakit?" at "Paano?"
Igawa mo ako ng isang istorya,
At ako nama'y aawit saiyo ng isang elehiya.
Agust D Mar 2020
bawat segundong lumilipas ay iuukit
serye ng alaalang nakakaakit
lahat ng ito'y iguguhit
kahit ang luha na'y napupunit

lumalalim ang huwad na panaginip
mapaglaro't malilikot na kathang isip
eksena't larawang nabuo sa isang idlip
pilit inaalala't sinusundan ang ihip

binabagtas ang hirayang aguhon
walang depinisyon, walang direksyon
waring nakatali sa matamis na kahapon
pilit kumakawala sa paraang kay hinahon

hinahanap ang liwanag sa dilim
dilim na kumukubli sa isang lihim
sa iyong paglisan, ikalabing-anim
nawa'y makita ka sa takipsilim
Hiraya ng Pag-ibig
Kung pano tayo nahantong dito ay hindi ko alam.
Sa kung paano natuwid ang paa at sa kung pano unti unting nalagot ang yong hininga.
Hindi ko alam kung pano ko nakayang halikan ang iyong kamay habang ikaw ay nakaratay at walang malay.
Hindi ko alam kung pano ko kinayang patigilin ang luhang umaagos sa mga mata habang pinapanood kang hirap na hirap huminga.

Hindi ko alam kung ano ako ngayon habang pinagmamasdan ang pikit **** mga mata.
Hindi ko alam pano ko tatanggaping ang aking nagsilbing ama ay wala na.

Unti unting tumigil ang paggalaw ng paligid ko, sa loob ng apat na sulok ng silid mo,
Unti unti akong nabingi sa mga hagulgol ng pamilyang nagmamahal sayo,
Habang pinagmamasdan ko ang huling pagkumpas ng mga kamay mo, ang paputol putol **** paghinga, at ang unti unting paglabo ng yong mga mata.

Hinahanap hanap nang tainga ko, ang patawag mo sa pangalan ko. Ang mga pagtatampo mo kapag hindi ako dumadaan sa bahay mo. Ang pagtawag mo ng madaling araw kapag kaarawan ko. Ang mga tugtog mo. Ang pagtawa mo sa mga jokes ko. Mamimiss ko ang mga yakap mo.


Ikaw ang umakay sa musmos kong puso at nagpaliwanag kung ano ba ang buhay.
Ikaw ang kakampi sa lahat ng bagay.
Ikaw ang nagturo kung pano magbilang, at sumagot sa assignment kong 1 plus 1.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin,
Na sa mga susunod na araw ika'y hindi ko na kapiling.
Kaya kung saan ka man naroroon, ito sana ay baunin,
Itay, mahal kita mula noon at sa habang panahon.
Salanat sa mga alaala, bagamat may poot mas lamang naman ang galak,
Bagamat ang iba ay lumuluha, mas madami pa rin ang tumatawa.
Salamat itay, itay paalam na.
desolate Mar 2015
Nang una kitang makita at makilala
‘Di ko mailahad ang aking nadarama
Pinagdarasal na lagi kitang kausap
Palaging sinisilayan  at hinahanap

Madalas tinitignan ang iyong larawan
Ika’y ‘di rin nawala sa aking isipan
Sa munting panahon ng ating pagsasama
‘Di ko naiwasang mahulog at umasa

Ika’y hinintay ko, hindi ako napagod
Aking nadarama’y hindi bastang naglaho
Kahit masakit, matagal ako nagtiis
‘Di mo hiningi ngunit ginusto kong gawin

Nagkunwaring manhid ngunit ako ay hindi
Paghihirap ay ‘di ko na lamang pinansin
Pagkat alam ko na sa dulo, ito’y sulit
Inisip ko na ika’y mapapasaakin

Ito ang aking lubhang pinaniwalaan
Hanggang umabot sa puntong ako’y nabulag
‘Di namalayang habang ika’y iniibig
Unti-unting nawala ang aking sarili
062721

Doon sa parteng may tubig sa aming bakuran
Ay natagpuan ko ang hiwaga ng bawat nilalang
Na araw-araw na sumasalubong sa'kin
Buhat sa paggayak sa umaga’t hapon.

Silang mga nakabihis ng puti
Ay sabay-sabay na sisigaw ng aking ngalan
At bagamat hindi ko rin wari
Ang lenggwahe na kanilang taglay,
Ay para bang kampante akong
Sila’y akayin at alalayang maitawid
Sa bawat araw nang may galak sa puso.

Tila ba sa bawat araw
Na itiunuro sa akin ni Tatay noon,
Ay natututo na rin akong
Makiramdam at makialam.
Ito yung tipong kaya ko na rin palang
Arugain ang hindi akin
Ngunit ang bawat binhi
Ay ngayo’y itinuturing ko ng kayamanan.

T'wing nakatirik ang araw
Ay agaran kong kukumbinsihin ang aking sariling
Gumayak na't lisanin ang aking higaan
At kamustahin ang mga ito.

Tangan ko ang kahoy na gawad ni Tatay sa akin,
At balewala ang putikang aking sasadyain.
Bilin nya nga sa aki’y wag ko raw hahayaang
Lubugan na ako ng araw
Bago ko pa yakapin ang responsibilidad
Na iniatang nya sa akin.

Sa yaman ng kalikasan
Ay wala na akong magiging dahilan pa
Upang kalimutan ang aking pagkatawag
At sila’y pabayaan
Sa matatalim na ngipin ng ibang mga nilalang.
Silang sa pagsapit ng dilim
Ay nakabantay lamang at handang sunggabin
Ang bawat naliligaw ng landas.

Sa tubig, sa batis at ilog
Ay akin naman silang aalalayan
Ang galak ko habang sila'y hinahayaang
Busugin ang kanilang mga sarili
Sa berdeng kalupaa’y walang katumbas.
Pagkat dito ko sila nasisilayan
At napagtatantong totoo nga ang sabi sa akin ni Tatay.

Ni hindi ko na kailangang maglakbay
Patungo sa kung saan mang siyudad
Matamasa lamang ang tunay na kaligayahan
Pagkat sa akin ay sapat na
Ang sundin ko ang bilin ni Tatay.

Malayo pa ang umagang
Kami’y maghahawak kamay.
Ang yapos niya’t pagkalinga sa akin
Ay araw-araw ko ring hinahanap-hanap.

At naniniwala akong
Darating ang umagang iyon.
Maghihintay lamang ako
Habang ang kanyang pamana’y
Lubos kong aarugain ng pag-ibig at pag-aalalay.
Kenn Dec 2019
6:40AM...

Oras.
Oras.
Oras...

Panibagong oras ang dumating,
Ngungit di parin nagbabago ang aking hiling,
Unang sulat ng taon,
Parang tubig na umaalon.

Sa sobrang lakas nito,
Ako’y tinamaan sayo.
Tinamaan sa bawat memorya,
Na hinahanap hanap kung nasaan ka.

Mga memorya kung saan bago,
Na alam kong ako’y hindi matatalo.
Pumasok ka pa lang sa buhay ko,
Duon pa lang panalo nako.

Di alam ang mga salita na bibitawan,
Sa sobrang pagmamahal na nakasanayan.

Isa lang ang masasabi ko,

Sa’yo ko lang nakita ang tunay na pagmamahal
na punong puno ng aking dasal.
Na alam kong lahat ng ito ay hindi panaginip.

Maligayang Bagong taon aking Binibini!

Oras na para patunayan kung ano nga ba ang pagmamahal.
Notes of K (1/366)
ESP Jan 2016
Ang daya-daya mo
Sabi mo kasi, mahal mo ko
Sabi mo, totoo
Ang daya-daya ng kalawakan
Hindi niya ako niligtas
mula sa kasinungalingan mo

Ang daya-daya ng mundo
Sabi niya, mayroong isa na nandyan para sa’yo
Sa dinami-dami ng tao
Sa lahat pa ng tao
Ikaw pa ang nakilala ko

Tarantado

O siguro nga,
Hindi pa nga ikaw ang taong hinahanap ko
Sinadya lang na tayo ay ipagtagpo
Para makilala ko kung sino man
Ang taong sa akin ay nakalaan

Pero madaya pa rin ang mundo
Dahil nandito ka sa harap ko
Ang amo-amo
Na akala mo
Wala kang ginawang mali sa tulad ko
Ang sa’ya-sa’ya mo

Ang daya-daya, gago
Nginitian mo pa ko
Kung alam mo lang
Gusto ulit kitang sampalin
At yakapin…

Tangina, ang daya ng puso ko
Ayaw maki-cooperate sa utak ko.
Excerpt from 35 Chapters (initial title)
May mga oras sa aking buhay
Na aking hinihiling na sana'y ika'y hindi nakilala
Sapagkat kung ika'y hindi nakilala
Aking puso'y nananahimik ngayon
Ngunit ika'y nilapit sa akin
Hindi ko napigilan ang aking sarili
Na mahulog sa iyong kabaitan at pagiging iyong sarili
Alam kong kasalanan ko ito
Kung kaya'y ika'y hindi sinisisi
Masaya ako sa piling mo
At sa araw-araw na tayo'y magkasama
Minsan ang sakit
Dahil alam kong sa araw-araw
Ika'y mas lalong hinahanap
At mas ginugusto na makasama
Kahit hindi ko gusto na ika'y maisip
Bakit nga ba ika'y pilit tumatakbo?
Mga katanungan na biglaang papasok
Sa aking isipan ay bumabagabag
Hindi ka ba napapagod?
Hindi ka ba napapagod sa pag antay sa akin na ako'y makasakay?
Hindi ka ba napapagod sa pag protekta sa akin?
Hindi ka ba napapagod sa pakikinig sa akin sa araw-araw?
Bakit? Bakit mo nga ba ito ginagawa?
Hindi mo ba alam na ako'y nahuhulog na sa'yo?
Ang hirap, alam mo ba?
Pero alam mo ba
Ang saya ko kapag kasama kita
Makita lang kita
Aking araw ay buo na
Hindi ko man alam ano ang karugtong ng kasalukuyan
Pero sana ikaw ay parte ng aking kinabukasan
Louise Feb 2021
Bakit ka nag iba?
Meron nabang iba?
Akala ko mga lirico lamang ng kanta
Di ko alam na mararanasan ko din pala

Masaya naman tayo
Ngunit may dumating na iba
Simula nang masilayan mo sya
Nag iba ang turingan natin sa isa’t isa

Nasisira ako malagay ko lamang ang mga ngiti sa labi mo
Hindi ko alam na kaya din pala nyang ibigay sayo
Alam kong hindi na ako,
Ngunit handa akong magpaubaya para sa kaligayahan mo

Mahal kita
Kahit na hindi na ako ang mahal mo
Masaya ako
Kahit na hindi nako ang rason ng mga ngiti mo

Kailangan ba talaga ang magdusa?
Eh paano naman kung nais ko pang umasa?
Handa parin akong mahalin ka
Kahit patuloy kapang mag mahal ng iba

Ikaw yung bumuo sakin sa mga panahong ako'y sirang sira
Ngunit ikaw rin yung taong naging rason kung bakit ako ngayo'y lumuluha
Mga yakap **** binabalik balikan
Sana'y muli ko nang maranasan

Mahal kita
Higit pa sa pagmamahal ko sa iba
Di mo lang nga madama
Dahil atensyon mo'y laging nasa kanya

Ikaw ang aking hinahanap,oras oras, minu minuto
Kahit iba na ang hanap mo bawat segundo
Ako’y mananatili parin sayo kahit unti unti ng nasisira ang iyong mga pangako
Ako'y mananatiling kalmado kahit ang kwento nating dalawa'y unti unting sumasarado

Nag simula lahat sa salitang "kamusta"
Hindi ko inaasahang magtatapos sa "paalam na"
Ikaw ang bumuo ng aking mundo
Ngunit ikaw din pala ang sisira nito

Pangako **** walang iwanan
Pero ikaw din pala ang unang lilisan
Pangakong puno ng kasinungalingan
Hinihiling na sana'y hindi mo nalang binitawan Nang hindi na sana ako nasaktan

Tayong dalawa ang sumulat ng ating istorya, ngunit sa huli kayong dalawa ang lumigaya
Sabi nga ni moira,"ako yung nauna, pero sya ang wakas"
cherry blossom Jan 2018
Ang kailangan ko lang naman ay malaman na hindi ako nag iisa
Na sa layo ng paglalakad ay nandiyan ka pa
Sapat na sa akin ang maging mahalaga
Alam kong ilang beses mo nang nabanggit sa ‘kin ‘to
Pero nasaan ka na ngayon?
Alam kong madalas **** sambitin na nandiyan ka lang
Na hinahanap mo rin ako paminsan minsan
At akala ko kuntento na ako
Hinahagilap ko ang titig mo
Natatakot ako
Na hindi mo mapansin ang pagkawala ko

Ilang beses na rin ako nagpaagos sa alon
Ng walang nakapansin ng pagtangay sa ‘kin
Sagipin mo ako sa nagbabadyang pagkalunod
Hindi na ako magkukunwaring maalam lumangoy
Sagipin mo naman ako

Naiintindihan ko na hindi lang ako ang iniisip mo
Pero sana alam mo na ikaw lang ang kinakapitan ko
01/17/18h
111322

Sa mga lirikong wala pang tono
Ay aking ipamamalas ang Iyong Kagandahan —
Kagandahang ni minsa’y hindi pa nasulyapan
Bagkus kusang hinahanap-hanap.

Ang matatamis **** Salita
Ang aking baon buhat agahan hanggang hapunan.
At mauhaw man ako o magutom sa daan
Ay alam kong Ikaw ang sagot
Sa bawat katanungan at kakulangan.

Ang pagdampi ng bawat lubid sa aking mga daliri
Ay katumbas ng paghehele Mo sa akin sa gabi —
Sa gabing palaging puno ng bituin ang kalangitan
Na pahiwatig ng maigting **** pag-ibig
At walang katapusang pag-iingat
Sa puso kong puno ng galos sa bawat araw.

Ang likidong sining sa aking mga mata’y
Palatandaan na ako’y isang mahinang nilalang
Na nagnanais ng Iyong pagkalinga’t pag-aaruga.

At ako’y uhaw pa rin sa katotohanan
Bagamat ilang beses ko nang nilisan
Ang mga baitang ng edukasyon
Na isang panimula lamang
Sa yugtong ito ng sarili kong kasaysayan.

Takpan ko man ang aking pandinig
Ay hindi ito balakid sa paghirang Mo sa aking ngalan
Na tila ba Iyong hayagang binabanderya
Na ang pagkatao ko’y may halaga
Bagamat ako’y may hindi sapat na pananampalataya.

At sa katunayan pa nga’y
Ikaw ang humihila sa akin pabalik
Sa mga lirikong akala ko noong una’y
Ako ang may akda
Ngunit maging ang hininga ng mga letra’y
Tanging Ngalan mo ang isinisigaw -
Syang salamin sa'king Tula.
Crissel Famorcan Oct 2017
Isa. Dalawa. Tatlo.
Tatlong taong walang pagbabago
Tatlong taon ng pagpapakagg
Kelan ako titigil? Hindi ko alam
Siguro kapag masyado na akong manhid sa sakit
Kapag masyado nang tanggap ng sistema ko ang lahat ng pait
Siguro Kapag natuto na akong paglabanan ang inggit.
Ang gusto ko lang naman maramdaman ang saya
Kahit na ba Oo! Magmukha akong tanga
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba
Basta ang Alam ko lang gusto kita.
At Oo! Alam kong magkaiba tayo ng nadarama
Pero ayos lang! Basta't nandyan ka.
Lolokohin ko na lang ang sarili sa mga pantasya't pangarap
Sa mga pagkukunwaring ako din ang lagi **** hinahanap
Bubuhayin ko sa kasinungalingan ang pusong sugatan
Pasisiyahin ng konti ang mga mata Kong luhaan
Huwag lang mag alala pagkat ginusto ko 'to
Wala kang kasalanan kung nagkakaganito man ako
Basta't huwag ka lang lalayo
At siguradong magiging ayos lang ako.

— The End —