Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Sa bawat pag gising
Tila ang umaga'y hindi kasing tulad dati
Ang akala kong magpapatuloy
Ay may hindi inaasahang paghinto

Sa bawat paglipas ng araw
Tulad ng paglaho ng oras
Lumalaho na rin ang aking pag-antay
Pag-aantay sa kawalan

Sa bawat paglubog ng araw
Sinasama nito ang sakit na
Aking nadarama tuwing dapit-hapon
Kung kailan kita naaalala

Sa bawat pag usbong ng buwan
Ako'y nakakakita ng bagong pag-asa
Pag-asa ng kinabukasan na
Magkakaroon ng kasagutan ang lahat

At sa bawat pag kinang ng mga bituin
Naaalala ko pa rin ang nakaraan
Ang lahat ng masasayang alaala
Na sana'y napagpatuloy hanggang ngayon
Sa aking pag kaway
Nagpapahiwatig ng aking pag paalam
Hindi namalayan na iyon na pala
Ang huling pagkikita

Akala ko'y panandalian lamang
Ang pag hinto ng mundo
Ngunit 'yon na pala ang simula
Nang pag tigil ng buhay

Nag-isip, nag-iisip
Sa lahat ng nangyari
Bago ang kasalukuyang pangyayari
May hindi pa ba ako nagagawa?

Sa unti-unting paglaho ng mga araw
Tumama sa akin ang realidad ng buhay
Tunay ngang maiksi ang buhay
At hindi alam ang kasunod

Napatulala
Nalungkot
Napaiyak
Napagod

Hinahanap ang nakasanayan
Mga araw-araw na gawain
Mula sa pag gising ng maaga
Hanggang sa patulog na pasikat na araw
As i awoke to a heavy downpour
I felt a chill down my body
Coldness wrapping against my skin
Ice cold feet beyond my blanket

Turned around to see
A white wall against my face
Touched with my warm hands
Warm hands turned cold

As i hear the rain drops fall
My tears also did the same
Petrichor, it reminded me
Of the days shared with you
I miss my sunset
Reminding me of the days
I used to love, to see
At each passing time
How i wish it would never stop

Every moment with you
Every sunset with you
Is the most beautiful scene
And memory i obtain
Never will i wish to fade

All those dinner dates
Laughters and smiles
We exchange everyday
As the moon meets the sun
And the sky lights up with stars

I miss you everyday
Every sunset without you
Makes my heart ache a bit
I wish you see the same sunset
As i see, and reminds it of me

I want to be your sunrise
In every waking moment
I will be there with you
As how you will be with me
As the day ends for us
Sa pagsapit ng dapit-hapon
Binabati ng kalangitan
Ang dumarating na buwan
At paalis na araw

Nabatid ng aking isip
Patapos na ulit
Ang sumapit na maghapon
Nawa'y dapat na magpahinga

Ngunit sa buhay ngayon
Hindi na matanto kung
Dapat ba, nararapat ba
O may karapatan pa ba

Makaramdam
Magpahinga
Makahinga
Mag-isip

Kahit ano pa man ang
Nangyari, naganap, naramdaman
Kailangan pa rin natin bigyan
Ng oras ang ating mga sarili

Sapagka't hindi ito isang
Kagustuhan lamang
Kundi ito ay isang kailangan
Kailangan ng lahat
in the midst of the difficult world
in your presence, a comfort i long everyday
the arms that wrap around me
when you know i need it most
the silence we share
in the quiet corners of your room
a sudden laughter, echoing
for your spontaneous jokes
and annoying yet sweet conversations
your smile that lifts up
my restless being
every unexpected touch
as if it is saying you'll always be here
through the good and bad
of what we have and will
in you, i have found a home
a home that i wish to live on
for the coming days
and rest of my life
sa malayong kalawakan
'di mo matatanaw ang dulo
ngunit tayo'y umaasa pa rin
makita kung ano ang nag-aantay

tayo'y umaasa
kahit ito'y walang kasiguraduhan
patuloy tayong naglalakbay
hanggang sa marating natin ang dulo

at kapag narating natin ang dulo
hindi natin alam kung ito'y maganda o hindi
pero sa huli'y tatanggapin
tatanggapin lang nang tatanggapin
Next page