Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dahong" poems
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

Continue reading...
75
NOBYEMBRE 20, 2018 hugis pusong inukit sa munting puno nagbunga ng matamis itong pagsuyo sa lilim ng mga sanga, saksi sa’ting pangako na tayo lang dalawa ang magkasundo ito ang ating tagpuan, na tayo lang ang may alam kaya nakalagay ang pangalan,pagkat dito ay atin lang ang payapang tahanan, ng ating pinagsamahan sa dahong kanlungan, na puspos ng pagmamahalan ang dibdib kong umaawit, habang pumipintig halina’t maging mainit ang dating lamig oh kay sarap palang kumapit, sa gitna ng ating bisig, (sa ilalim ng) hugis pusong inukit, simbolo ng dakilang pagibig may hangin na dumadampi wari’y halik sa’yong pisngi sa punong mumunti, rosas kang kasing pula ng ‘yong labi at meron pa bang tatatamis sa iyong mga ngiti kung tunay ngang ang ‘yong ganda’y nakakabighani sa punong may lilim, kasama kita aking sinta wala na kung hinihiling, kaylangan ko’y andito na sana dito nalang tayong dalawa’y mamalagi sayo ilalaan ang bawat sandali, at pangakong mananatili
0
Nov 20, 2018
Nov 20, 2018 at 12:05 AM UTC
Puso Sa Puno
Sa tag-init tayo nagkatagpo dala ang uhaw nais mapawi ang pagkatuyot sa tag-araw mga lalamunang di nadadaluyan hanap ay tubig, mga umiibig sa lamig sa daloy ng awit ng mga Ipil at sa mga aalalang nabuo sa bawat paglagok, sa bawat isa mga alaalang nabuo sa tag-araw. alaala pa ang pagpalakpak ng mga dahon minsan lang masiyahan sa pagpapalit-panaog ng tag-araw at tag-ulan panga-pangakong binuo sa ilalim ng araw pinagdarasal ng mga kahapon di pa rin nalilimot, mga tuyong ugat ng mga pusong sawi sa pag-ibig na tubig sa tag-init minsan lang magkaniig dahil ikaw at ako ay minsan ng nanirahan dito bumuo ng mga alaaalang impit na itinago sa ilalim ng mga punong saksi sa mga uhaw na puso, sa marahang pag-indayog ng mga dahong maririkit sa bawat pag-ihip ng hanging mainit sa katawang binalot ng mga sala at sa bawat pagbabalik sa alaala ikaw pa rin ang tanging nakikita sa bawat paglampas ng liwanag sa maririkit na butas ng kahapong sa ilalim ng ipil nakatago Heto na naman ang tag-init hudyat ay muling pag-udyok sa uhaw na pusong may pangangailangan tuyot ang daloy sa bawat paghinga sa bawat pag-ihip  kulang ang haplos bawat hagod ay paos. Alaala ka sa mga sinag ng araw umaalpas sa mga dahon ng ipil mga hapong napawi ang init ng tag-araw nakakulong pa rin sa mga alaala sa ilalim ng punong puno ng pagmamahal sa kahapon at ako na di pa rin nagsasawa sa ilalim ng mga Ipil maghihintay sayo Sa Ilalim ng mga Ipil Michael Joseph Aguilar Tapit 04/11/2016
0
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:34 PM UTC
Sa Ilalim ng mga Ipil
Batong niluluto, tinutunaw, tinuturok Dahong sinisinghot, hinihithit, pinapausok Dukhang nahuhumaling, hinuhuli, pinapatay Mayamang sinungaling, tumatakas, kumakampay #ChangeIsComing ngunit wala namang binago Ang mahirap ay tumba, ang mayaman ay nagtago Inosenteng nadadamay, diniktan ng karatula Bangkay na nakahandusay, hindi na bibigyang hustisya. Halina, doon sa bago kong tahanan Ang tawag ay kulungan ngunit marami do'ng libangan. Pinuno, leader ako ng sindikato Kung tawagi'y bilanggo ngunit sinusunod ang luho. Mga alipin ko'y parak Mg bataan ko ay trapo Pamilya'y bilyonaryo Ang negosyo'y protektado. Unlimited supply—'yan ang tunay kong pangako Subok kong mga suki, wala pa rin namang nagbago Tuloy lang ang bentahan, dito tayo sa taas Ngunit tatandaan: kikitilin lahat ng Hudas. Ako'y panginoon at walang katalo-talo Agimat ko ay tsapa, baril ang gamit kong rosaryo Ako ang humuhuli sa sarili kong buntot Ang mahina **** kokote ay aking pinapaikot.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 1:57 PM UTC
Tugisin Ang Mga Adranika
Aanhin pa ang tula kung tuyo na ang tinta? Sa hangin pakakawalan, palalayain sa Hangganan Handog ng ulirat na wala mang tinig, sumisigaw Nakabalot sa liwanag ng itim na araw Isinilid sa baul na pinalubog sa dagat Balang-araw, lulutang dala ang luhang may alat. Para saan ba ang tula kung walang nakaririnig? Marahil... para sa mga dahong sumasayaw sa tubig Mga bangkang naghihintay ng kahit kaunting ihip Mga kamay na kumakawala mula sa gumagapos na lubid. Aanhin pa ang tulang nakakulong na sa bibig? Aanhin pa ang tulang iwinagli na ng isip? Paalam sa mga tulang tinangay na sa himpapawid Paalam, mga saranggolang inari na ng langit.
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 4:46 AM UTC
EKLIPSE
Pagod... Pagod na ako Sa bawat Segundo na lumilipas Sa patuloy na pagtakbo ng oras Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas Natatandaan mo pa ba? Kung paano tayo nagsimula Kung papaano ko hindi napigilan na ang puso’y sayo’y tumibok na lang bigla Naging tungkulin ko na ang mahalin ka Simula ng sambitin mo sa akin ang mga katagang mahal kita Ang mga ngiting umaabot sa ating mga mata Ang mabubulaklak na salitang nagpapakilig sakin sa tuwina Ang mga yakap na nagdudulot ng ginhawa Tila yata isang ala-ala na lamang na unti-unting nawawala Pagod na ako… Pagod na pagod na ako Gustong gusto kong sumuko Gusto kong burahin ka sa buhay ko Gustong gusto kong ibalik ang panahon na hindi pa kita nakikilala Pero anong magagawa ko? Baliw tong pusong to. Handa akong ipagpalit lahat bumalik lang ang dati Ang mga panahong ang halik at yakap mo ang gamot sa aking sakit Ang ngiti at tawa mo ang nagpapagaan sa bigat na nararamdaman Ang presensya mo lang sapat na upang maging dahilan Pero ngayon paulit-ulit na sumasampal sa akin ang katotohanan Pagod na ako kaya kailangan ko ng tigilan Ikaw parin ang mahal ko Ikaw at ikaw parin ang nasa isip ko Pero gustong sabihin sayo na hindi sapat… Hindi sapat ang meron tayo para tanggapin ko ang lahat Napagod ako noon pero pinilit kong lumaban Napagod tayo sa kung anong meron satin, pero isinalba ng ating pagmamahalan Pinilit kalimutan lahat ng sakit Ginawa ang lahat para hindi mawala ang ating kapit Pero lahat ng nararamdaman ko sumabog na tila isang bomba Sakit, hirap, bigat sa kalooban, lungkot, panghihinayang at pagod Pagod na kahit ilang beses **** hilingin na magpahinga Hinding hindi na kayang burahin na parang isang permanenteng tinta Pero hindi ko na talaga kaya ang aking dinadala Hindi ko na kayang pigilin ang pagbuhos ng aking mga luha Hindi ko na kayang humakbang pa at umabante Hindi ko na kayang hawakan ang iyong mga kamay at bumalik sa dati Nauubos na ang natitirang lakas Mga sugat sa puso ko ngayo’y nababakas Mahal ko pero masakit na.... Gusto ko pa pero nakakasawa na.... Sa bawat Segundo na lumilipas Sa patuloy na pagtakbo ng oras Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas Mahal Ko… Patawad… pero dito na natatapos ang ating storya Pinangarap man nating maging hanggang kamatayan pero ngayo’y natapos na Dalawang salitang noo’y kilig ang dulot Ngayo’y isang matilos na patalim na saking puso’y gumabot Pinapalaya na kita… Pasensya at napagod ako sinta
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 7:44 AM UTC
Pagod

57
*Araw araw ako'y naglalakbay Sa jeepney at tryk, nakasakay Madalas naglalakad sa tulay Nakasilong sa dahong makukulay Nang dumilat ang ulap at nagmasid Aral sa buhay ko'y dumarami Bilang ng tao at hilaw na kapatid Ako'y saksi sa kanilang pasanin Matatandang panot, hayop na pilay Batang walang saplot, naka-bitay Babaeng may sanggol na alay Kumakatok, nanlilimos ng karamay Binuksan nila ang mga mata ko Sa katotohanang pilit tinatago Mga bangungot sa bawat kanto Nabubulunan sa hiram na piso Sa bawa't yapak ng aking lakbay Dama ang kayamanan ng tao Higit pa sa laman ng aking bulsa Ang gintong binuo sa katauhan ko* Taya!
0
Oct 13, 2015
Oct 13, 2015 at 11:25 AM UTC
Jueteng shed
#071816 #3:18PM #RobPalawan Muling mauutal ang puso Buhat sa naantalang pagtatapat. Ninais ko noong lisanin ang paghihintay At magbakasakaling Panahon na ng pag-ani ng pag-iibigan. Ni minsan, Hindi ka nagpadaig sa pana ni Kupido, pagkat marahil may lamat kanyang gintong palaso. Patuloy akong magbibilang ng bawat dahong nalalagas, Aaninag sa araw na siyang minsang pumipiglas, At sisenyas sa hanging hinahawi ang kawalan -- Kawalang hindi tunay, Pagkat pag-ibig, aking buhay. Ilalaan ko sa kalawakan Ang talatang tila walang saysay, Makikipagbalagtasan sa pagkitil Ng mga linyang nahihimbing. Ako'y saksi sa malawak at malalim Na mahikang di naglalaho, Sa eksperimentong walang kemikal Bagkus puro't siyang natural, Sa paglalambitin ng mga bombilyang Hindi papupundi, At mga tuldok na hindi katapusan. Yayariin ko ang klima ng pusong hindi kalmado, Bituin ng pagtatapat ay aangkinin, Pagkat halaga nito'y Wagas na pag-ibig. Hindi ako susuko, Tatagpiin nang kusa Ang liham ng sagrado kong pag-irog.
0
Jul 19, 2016
Jul 19, 2016 at 4:44 AM UTC
Puzzled Feelings
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

34
Sa isang hardin ako ay may namataan Isang dahong nakatungo at tila may dinaramdam Matagal kong pinagmasdan subalit di ko maunawaan Kaya naman nilapitan at nagsimula ng isang usapan…. Munting dahon, aking bungad, ikaw ata’y matamlay Sukli nya’y ngiting may  kahalong lumbay At napansin ko ang pighati sa kanyang mata Hanggang tuluyan nang umagos ang saganang mga luha… At sinambit nya… “Oh ang rosas na puno ng ganda Lahat sa kanya ay nahahalina Subaling akong palagi nyang kasama Ni minsan di nabigyan ng importansya" Dagdag nya... "Ako’y nanliliit sa aking sarili Lahat ng suporta, sa iba ay ibinahagi Kay rosas, kay tangkay, sila ay aking tinulungan Sa abot ng makakaya, sila ay aking dinamayan Subalit sa malakas na ihip ng hangin Dulot ng bagyong kayhirap pahupain Tila yata akoy’ nag-iisa at nalulugmok Ako ba’y pagkain lang ng uod na gutom?” Oh kaibigan, akin na lang nasambit Huwag kang bibitaw at higpitan ang yong kapit Ang mundo ay di perpekto, ang laban ay di patas Panalangin sa Taas, gawin **** sandata at lakas. Kung ikaw ay susuko, tagumpay ba'y makakamtan? Ang iyo bang paglisan ay kaligayahang inaasam? Tumayo ka nang matatag at sa buhay ay lumaban Ano ba't ang lumbay ay sadya ren paparam...
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 6:06 AM UTC
Ang Matamlay na Dahon
#06092021 Ang damdamin ng poot at lambing Ay mga mekanismong humahalo sa saya Ng pusong gustong kumawala Sa diktador na sumara ng lagusan patungo sa liwanag. Hindi maipinta ang mga sandaling naging hayag Sa kung papaanong paraan ba hinabi ang sarili Sa banig ng karamdamang tumupok sa pangarap -- Sa pangarap na masilayan ang araw At madampian ng liwanag ang buo nyang pagkatao. Sa mga nanlilisik na matang mapanghusga, Tila ba ang pagkutya ay naging agahan sa malamig na umaga, At ang kapeng mainit ay binuhusan ng malamig na tubig Sa gabing walang pasabi kung lumisan na ba ang araw O nanatili itong nakatirik sa tanghaling tapat ngunit mapag-usig. Ang bawat pagtulog nang patagilid At paulit-ulit na pagbangon ay sadyang nakakasawa. Samantalang sa kanyang pagpihit sa debateryang may impormasyon, Ay naghalo ang sining ng iba't ibang kwentong Sana nga'y kanyang hayag na natatamasa. Ang mga butil buhat sa sisidlan ng kanyang liwanag Ay tila ba wala nang lalagyan pang sasalo Sa mga binasag na oras ng mapanghinang delubyo. Tila ba nagbibilang na lamang sya Ng mga yapak na walang mukha, At mga katok na nanatiling multo sa apat na sulok ng kanyang paghinga. Maging ang bawat larawan ay nagsilbing alaala na lamang Na hindi na mauulit pa kung bumukas man ang liwanag At mag-alok ito ng pagsakay Sa hamong hindi nya na maaabutan pa. Tila ba nahuli na ang pintig ng bawat kalabit sa kanyang damdamin, Tila ba ang nakikinig ay nawalan na rin ng boses sa paligid. At ang kahon na kanyang tirahan Ay pansamantalang naging palamuting Binudburan ng mga nagsasayawang bulaklak At naglalagasang mga dahong walang nagwawalis.
0
Jun 8, 2021
Jun 8, 2021 at 10:36 PM UTC
TIWALAg (Departure)

36
100221 Nauuna pa tayo sa mga alitaptap Sa paggayak patungo sa dilim, At doon sa papag ay sabay-sabay nating iitiklop Ang ating mga paang napuno na ng alikabok Para lamang mag-“indian sit.” Ang ating mga halakhaka’y Nagmistulang musikang humihele Sa pandinig ng ating mga magulang At ito’y mangingibabaw sa liblib na tahanang Puno ng pagmamahal at pagmamalasakit. Tunay ngang payak ang ating pamumuhay — Tayo’y magsisilapit sa ginagawang liwanag ni Itay Mag-uunahan na parang sigurado na kung sino ang taya, Kung sino ang mag-aabot ng gas o posporo Sa tuwing naisasambit ang mga salitang, “Nak, paabot.” Nais sana nating hindi kumurap Pagkat tayo’y nakatututok habang pinagmamasdan Ang nagmimitsa’t nagniningas na apoy. At ito ang liwanag na aasahan nating Magbubuklod sa atin papalayo sa dilim At magkukulob sa nasasakupan Ng sinag ng ating mga paningin. Hindi na natin alintana Ang init na dumarampi sa ating mga balat At tayo’y mapupuno ng pagkamangha Sa liwanag na itinuring nating mahiwaga — Mahiwaga sa ating mga matang Walang ibang nais kundi magliwanag na. Hindi na rin natin namalayan ang bawat segundong lumilipas, Maging ang mga dahong kumukupas Sa paghimlay nito sa ating mga paanan. Panahon ay dumaraan ngunit hindi nang palihim; At panahon din ang susukli Sa mga alaalang nais nating manatili.
0
Oct 2, 2021
Oct 2, 2021 at 10:22 PM UTC
Sa Dulo ng Liwanag: Ang Mahiwagang Petromax
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga at marahang tinahak ang dausdos pababa, Dumampi siya sa malamig na agos ng batis, sumisigaw ng hapis habang tumatangis, Binagtas ang ‘di maiwasang larawan ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan, tumama sa mga batong nakaharang na umagaw sa diwa ng kaligayahan, Sumambulat ang isang malalim na bangin na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin, sumaboy ang pirapirasong damdamin ng wasak na dahong ‘di matanggap at 'di maamin.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:35 AM UTC
"Kasawiang 'di Maamin"
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

58
Ang bawat salitang bibitawa’y Mistulang mga butil ng ulan. Dahan-dahang tutuksuhin ang damdaming Hindi mawari kung saan nga ba lulugar. At unti-unting magtatago at maglalaho, Gaya ng mga imahe sa panaginip Na minsa’y nagigising na lamang -- Kupas na ang mga alaala. Naglaho at nagbago, Tulad ng gabing mapanlinlang. Tulad ng pag-aalinlangan Kung bubuhos na ba ang unang patak ng ulan O mananatili’t makapaghihintay Kung sino ang taya; kung sino ang handa na. Hindi ko lubos maisip Na ang tadhana pala ay may katapusan, At ito’y matagal nang dumaong Sa kawalan ng tiwala. At gaya ng mapanuksong dahong Sumasalo sa luha ng langit, Siya rin pala'y bibigay at mapapagod -- Mapapagod at lilihis hanggang pangako'y mapako. Naubusan ang bawat katauhan Ng sandatang  mas masakit pa sa ligaw na bala. Hindi na rin nila naggawang humanap ng paraan Para likumin ang minsang mga butil Na ngayo'y karagatan na. Naubusan na rin ng mga salitang maibibigkas Pero minsan din naman nilang sinambit, Na “ako’y handa na." Nagtuturuan at nagtutulakan, Kung sino ba ang may sala. Ang rosas na alaala, ngayo'y tinik na sinusuka. Humahampas ang agos ng nakaraan Sa mga pusong nanamlay habang naghihintay. Marahil, napagod nga sila O talagang naubos na ang alas Sa kani-kanilang mga baraha. Naulit nga lang ba ang nakaraan? O ito ang katapusan ng kanilang sumpaan? Pagkat minsan na ring nalumbay Buhat sa distansyang pumagitan sa kanila Ngunit sa pagitan ng “oo” at “hindi,” Hindi na nila nagawang sumabay. Ang bigat na kargo ng isa’y Hindi na kinayang pasanin ng isa pa. At sa sabay na pagtalikod Ay namutawi ang poot at tampo. Hanggang sa dulo ng sinasabi nilang “simula” Ay naging hangganan na. At naputol ang pulang lasong itinali nang sabay. Sabay nga silang nangarap, Ngunit sabay din silang naubos.
0
May 22, 2021
May 22, 2021 at 3:07 AM UTC
Pulang Laso

53
Akala **** hindi mo na makikita pa kahit kailan. Ngunit iniluwa siya ng gabi. Unang beses sa mahabang pagkakataon, kinumbinsi mo ang sarili at kinumbinsi siyang samahan kang maglakad ng mabagal sa maiksing kalsada. Hindi siya pumalag. At sa dulo, inalis niya ang tuyong dahong nakasabit sa buhok mo. At gaya ng dati, hindi siya magpapaalam. Ibabalik mo siya sa gabi, ika labing isang minuto makalipas ang alas onse, iniisip kung sinong magmamay-ari sa kanya balang araw. Uuwi kang mag-isa, wala nang traffic sa EDSA, wala na ring lumbay. Sa iyo ang huling halakhak pero ngingiti ka na lang at magbubuntong hininga.
0
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 6:32 AM UTC
labing-isa:labing-isa
hawakan ang namumutlang bulaklak at ibahagi ang lungkot na dinaranas nito yakapin ang mga dahong nakakalimot na at halikan ang sarili gamit ang mga labing puno ng ala-ala't pagdududa Translation: hold onto this pale flower and share stories of its sadness embrace the leaves that have forgotten and kiss thyself with lips full of memories and doubts
0
Jul 28, 2019
Jul 28, 2019 at 6:19 AM UTC
A poet of culture
( Episode 1- Putong ) Poong may Kapal Kalong po'y Dasal Noong ako'y pagal Tulong mo'y Bukal KulOng pa naman at sakal dahong binasbas ay banal Payong ay bukas sa lokal Balong iniigiban ay moral kay tagal sinasalubong ng daluyong Kay bagal umusbong ng Kamagong Dumatal na at lumipas rin ang dagundong Kumintal pa rin sa akin hampas ng bagumbong Ngayong patayo na nga si Pangulong Digong Tayong mga Pinoy pa din ang pihong bayong may layong muling maLulan ang panibagong pinunong Mayroong Tapang sa Pagsulong ng Totoong PagkanLong Mala-Antonio Luna ang dila,,,hinding-hindi umuurong Andres Bonifacio naman kung sumugod,,pag itak ang umiiral Samantala tila Apo Lakay kung umakay ng talino sa pag-usbong At buwis benepisyo sa sarili ang ikararangal kapara ni Jose Rizal Sa ngalan ng ama na naging kasing-tatag ng bumbong.,.. Paupo na nga at buong pagpupunyagi sa pagitan ng tipikal kontra kritikal... Ang anak na itinakda walang iba kundi si Presidente Bongbong... Ang ika-Labing pitong Pangulo ng Pilipinas , sa inang-bayan ay mapagmahal !!! © June 8, 2022 Pen by soLemn oaSis it is not emergency but so merging epic getting-in to " T M A L M " episode 2 were reminiscing and heading on the way too, right inside the ride where i picked packed boom, as i rewrite my old poem entitled tic tac toe wears a single syllabication of chosen words' lyricism narrated from start to end and bears a no beware bars set up until i care to dare the bottom bares on top ! fear neither nobody nor elses foes and heaven knows good son who does one hell of a bad near unproven bundled doses of unrhymed lines made by those unarmed farmers gonewild with unarmored poetries . T E A R ! ! ! h r r e r a r p o s i e u u v a g r e t h e s s
0
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 7:46 AM UTC
" To merge and Let merge "

61
Hindi mo na maririnig, tugtog ng lumang gitara, awit ng batang kwerdas na kinulbit pag bagot na ang mga talata’t salita, hindi mo na mababasa sa tagtuyot na darating, tila mga dahong nalanta, malalaglag, maiiwan lamang ay kupas na ala-ala Di na matutupad, muling pagkikitang pinangarap, sa mundong ibabaw, panahong tangi’y sasang-iglap buhay na wari’y walang wakas, maglalahong ganap Ganunpaman, hayaang lumipad ang aking paghikbi 'ka'y naging bahagi, kaputol ng pusod sa aking wari Magpahinga ka na’t napagod kang anong tindi Aalalahanin ka tuwina, kapatid na alalay ang ngiti.
0
Aug 29, 2021
Aug 29, 2021 at 8:18 AM UTC
Kaputol (Para Kay Goras)