Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"buto" poems
Sa probinsiyang kinalakihan ko, Bata man o matanda ay nagtatrabaho. Sa lugar kung saan marami ang tanim na tubo, Lahat ay maagang gumigising at nagbabanat ng buto. Sa malawak na lupain sinimulan nilang magtanim, Mula umaga, tanghali, at hanggang pagsapit ng dilim. Hindi inaalintana ang init, sakit, at hapdi na kinikimkim, Maitawid lamang sa gutom ang pamilyang pinatitikim. Kahit kapiranggot man ang kanilang kinikita, O minsan wala talagang may madudukot sa bulsa, Ngiti sa kanilang labi'y hindi mawala-wala, Pagka't pamilya ay tunay na mahalaga sa kanila. Puso ko'y nahahabag, nalulungkot, at nagsusumamo, Sanay mapansin sila ng mga tao sa gobyerno, Dagdagan sana nila ang kita ng mga manggagawang sinsero, Sa pagtatrabaho nang buong puso at may totoong prinsipyo. Magsasaka man sila, **** haciendero, o barbero, Pantay-pantay sana ang pagtingin natin sa mga ito. Kung wala sila, paano ang bansa natin aasenso? Manggagawa po sila, nilikha ng Diyos bilang tao. Nawa'y mapakinggan bawat nilang gusto, Itaas ang kita ng manggagawang Pilipino. Kumilos na sana ang ating gobyerno, Huwag nilang hayaang sila'y magpakalayo-layo.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:28 PM UTC
Manggagawa
Napabuntong-hininga na lamang Tila ba tumatakbo ang bubutil na pawis sa noo niya Sasabak na naman si Tatang sa gyera Pilit binuhat ang sakong mas mabigat pa sa kanya Marupok na ang mga buto Ngunit hindi ang puso Ang wika nya, "Walang hindi gagawin para sa apo." Si Nena, sampu na ang anak Hindi na magkanda-ugaga Iiyak ang isa, gutom naman sa kabila Sa sususunod na buwan, malapit na siyang manganak Ang ama ng mga bata, naroon sa kanto nagpapakalunod sa alak Sabi nga nila, walang hindi gagawin ang magulang para sa anak. Tanghaling tapat na, almusal pa rin ang hinahanap Natulala na lamang si Nena nang malaman, ang tatay niya'y patay na -Tula X, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:22 AM UTC
Tula X
Unang gabi sa huling sandali Nag-aagaw ang ilaw at dilim Katahimika'y namamayani. Nakatayo sa gilid ng bangin Isang hakbang tungo sa libingan Nakapikit ngunit nakatingin. Sumilip ang buwan sa kalangitan Hudyat ng katapusan ng duyog Tuluyang bumukas ang pintuan. Lumiyab ang bawat alikabok Mga alitaptap na dumadapo Sa bawat sugat nangingimasok. Buhok ay nagsimulang lumago Sabay sa pag-ikli ng hininga Nagpupumiglas sa bawat pulso. Isang bulaklak na bumubuka Dugo at ginto ang tanging dilig Usbong sa hungkag at tuyong lupa. Buto at laman ay nanginginig Balat ay nagsimulang uminit Halik ng apoy sa pulang tubig. Umuungol sa bawat pagpunit Likuran na may bagong pasanin Ngipin na sukdulang nagngangalit. Nakalutang sa payak na hangin Kamay ang nagsisilbing kandila Maglalakbay sa tulay na itim. Isang sulyap bago kumawala Ibinuka ang pakpak na pilak Huling yugto ng pakikidigma.
0
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
ELUSIDASYON / GARGUWALYO (Gargoyle Terza Rima 1)
Mga buto ay nagsilbing haligi sa binubuo niyang panaginip marupok ito at bibigay sa mahinang balakid Tahimik nang naunsyami Labing nakadikit, dila'y nakaipit Bigkasin ang salita sa simula niyang wika Sa letra na  naguguluhan din Papipiliting ibibigkas Takot ay bumubulusok sa inaping pangungusap Parang ilusyon, ang paggawa ay ang pagkaroon ng kahit maliit na kabuuan ng loob na hanap ay tagumpay Pero sa paglubog ng araw nagmistulang delusyon Ang mga paa habang humahakbang Panoorin hanggang sa pumanaw sa liwanag, may anino Tingnan ang lilim, lumalakad nang pa-urong Ganyan ang mundo Ikulong na at igapos Sa likod ng matiwasay na paggalaw ay may lihim na naka-agapay Ang maitim na misteryo na nakangiti Ulap na sumasayaw, bungad at gayak ng unang ngisi ng umaga Isabay ang halimuyak sa monasteryo ng prinsesang nagagalak Ang dalangin na nagawi sa hangin Kumpisal ng pag-ibig Kaluluwa ng kasiyahan ng musmusing pipit
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 9:26 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #2
"Nagbago ka na" salitang pagbinitiwan ng mga taong mahalaga sayo sobrang laki ng epekto kadalasan huhulaan ko pa kung masama ba ang pagbabagong nakikita nila sa pagkatao ko o maganda ba naman ang dulot nito hindi masabi ng harapan kaya idinadaan na lang sa maliliit na komento ibubulong kuno para kahit paano hindi marinig at iwas argumento pahapyaw lang pero tagos hanggang buto ang tanong, mali bang magbago? mga pagbabagong sinanay ng panahon pagsubok sa pananampalataya at temptasyon sa huli ay natuto din ng mga leksyon pero kahit ano pa sabihin niyo kung kilala niyo talaga ako ako pa din naman 'to may ilang nagbago pero lahat naman tayo dumaan sa ganito hinahanap yung totoong silbi ng buhay na 'to? Oo nagbago na ako. Nahanap ko na kasi ang sagot sa huling tanong ko.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 11:34 AM UTC
Nagbago Ka Na
isang musmos na lahi isang munting nasyon parang itinanim na buto itinakdang sumibol at lumago sa paglaon ng panahon nag-aabang, naghihintay puno nang sabik pero kay tagal dumating tayo ay nainip tadhana nating tagumpay kailan kaya makakamit kasi apat na raang taon hanggang ngayon lulong pa rin sa putik nangangapa, nadadapa sa dilim mga butong nanginginig sa lamig mga isla pitong libong isang daan at pito ito ang ating lupang sinilagan, tahanan ng ating lahi pero nga bahay ba ito o burol? mga pangarap na masilayan ang mga sinag ng araw at mahagkan ang malayang langit mananatili lang bang panaginip dito sa bayang natutulog o kaya namang natutulog lang kunwari tanggapin mo na lang na humikbi, humagulgol, ibuhos mo man ang iyong luha walang darating kumayod ka man at magdamag magsikap diligan mo man ang lupa ng pawis wala pa ring mangyayari kasi dugo dugo lamang na dumaloy mula sa mga palad ni Hesukristo kung ang Kanyang pag-ibig ay babaha sa lupa ng parang delubyo ito ang nag-iisang paraan ang nag-iisang sagot: dugo dugo lamang na ibinuhos ang tanging makakatubos makakaahon makakaligtas sa atin
0
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
dugo lamang
Ang sarap hindi na bumalik sa kung saan ka nanggaling. Ang lupang nagbigay sa akin ng kunting ligaya ngunit puno ng masasakit na alaala. Ilang luha ang nilabas nitong hapong mga mata? Ilang impit at sakit nitong pusong nagdurusa? Haggang kailan ako maggitiis? hanggang kailan ito matitikis? Mga tao sa paligid ay mapanuri, mapanghusga't mapanglait. Unti-unti kang sinasakal, bawat mali'y laging maturingan. Pangako ko sa Maykapal na gawa nila'y babaunin at pati buto ko sa libingan ay hindi sila malimutan. Itong kirot ewan ko hanggang kailan ito, gagawin ko na lang itong isang malaking hamon at inspirasyon. @Wizards_Pen
0
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 12:36 PM UTC
L A B A N
Sayang, Magaling ka sana Kaya lang Wala kang itsura. Di ka kamangha-mangha tingnan sa unang tingin, Di ka nabiyayaan ng kagwapuhan, Di ka ka rin gaanong katangkad, Ang buhok mo'y gulo-gulo na para ka laging galing sa suntukan, Ang mga ngipin mo'y 'di pantay-pantay, Ang kamay mo'y kasing gaspang ng mga bato, Ang payat mo na halos kita na ang iyong mga buto, at mga ugat sa katawan mo na bakat na sa'yong balat at nagpupumilit lumabas sa katawan **** tila bang nanglalamya na sa buhay. Ang kulay ng iyong balat na sinunog ng araw dahil pinili **** maglaro sa labas habang tanghaling tapat. Huhusgahan kita, Huhusgahan kita kahit hindi kita kilala Kasi 'eto ang sinabi ng kaibigan ko, Eto ang sinabi ng mundo, Pagkat di ka libro na dapat basahin at intindihin Tao ka, Tao kang may balat at katawan na pwede kong pagdiskitahan. Magaling ka sana Kaya lang 'Di ka sapat 'Di ka sapat para paghangaan ng tao 'Di ka sapat para sa malupit na mundong 'to 'Di ka sapat sa kanya. Sayang, Mahal ka na din sana niya, kaya lang, ganyan ka lang kaibigan ka lang niya. Kaya diyan ka lang sa baba, Ibaon mo ang sarili mo kabilang ang panghihinayang Kasi kahit kailan man, 'Di ka magiging sapat. Sa mundo at sa kanya.
0
Jul 31, 2016
Jul 31, 2016 at 10:58 AM UTC
Panghihinayang
sa dagliang pangangalawang ng buto dala ng bawat patak ng ulan. ang pinapaling lakas ng hangin palihis sa kurtina ng pag-iisa, itong kamay na palupot ng pagkalugmok, hapung-hapo sa paghabol sa pag-uumaga ng mga sandali. napababalikwas sa tuwing banaag    ang hinaharap. hubad ang bughaw na katawan ng mundo    ang kulay ng karagatan ay pula – dala ng silakbo    ng damdamin; magtatampisaw sa tubig   hihiga at lulutang       kasabay ng tagistis ng alaalang walang ibang hangad                    kundi ang umusad.
0
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 3:41 AM UTC
Dagat, Alaala
Niccolo di bernardo di Machiavelli Ang taong may pera ngunit di makabili Ng mga bagay para sa kanyang sarili Inuuna parati ang bisyong pambababae Ngunit kelan ba ang araw na nagkaroon ka ng ***** Akoy nagtataka dahil Pogi ka naman di lang halata Nakikita kitang laging sawi, Ang sagot mo “sa susunod nalang babawi” Paulit ulit at parati, di ka nagsasawa laging may pili Niccolo, Niccolo, ang buhay mo man ay magulo May makapagbagbagbagbag damdaming kwento Tagus sa balat at sagad buto Hanep ang yong liriko, liriko Niccolo, Niccolo, ang isipan **** magulo Sa larangang paborito Kakaibang istilo mo, Niccolò Babangon Ilang beses man madapa, Ang pangarap mo ay makukuwa Pagkat ang sipag moy di matutumbasan Apak apakan ka man ng sino man, Walang kang pake alam, bastat deretso kalang At sa iyong pananaw, prinsipyong di maagaw Isip Di mababaw, pagkat ayaw mo ng hilaw Dahil.... Niccolo, Niccolo, ang buhay mo man ay magulo May makapagbagbagbagbag damdaming kwento Tagus sa balat at sagad buto Hanep ang yong liriko, liriko Niccolo, Niccolo, ang isipan **** magulo Sa larangang paborito Kakaibang istilo mo, Niccolò
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 9:02 AM UTC
Niccolo di Bernardo di Machiavelli
patawad patawad kung natakot ang mga balikat ko. kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo. alam nilang mangangalay sila at baka hindi ako patulugin sa sakit, sa pangamba, sa pag-aalala. nababahala ang kanan, ang kaliwa silang dalawa kaya patawad; patawad kung inalagaan ko ang lamya hindi mo makakapitan ang mga buto dahil sa rupok dahil sa walang kasiguraduhan dahil takot sila sa pusok hindi kongkreto ang pundasyon at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo. kaya patawad; patawad kung walang tamis ang mga pangungusap. tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan at wala silang balak na bumalik. iniwan kang nakalutang sa ere; nag-iisip, nanabik sa ginhawang mailap. kaya patawad; takot lang ang mga balikat na ito na maging makasarili. ayaw lang nilang sumandig ka sa pader na nagdadalawang-isip. kaya kapag dumalaw muli ang gabi na kailangan **** ihilig ang sarili mo, handa na sila sumandal ka't makikinig ang mga ito.
0
Jun 7, 2020
Jun 7, 2020 at 9:27 AM UTC
Sandal
Sa kasaysayan ng aking bukas na pagkamulat Hindi lamang kaalamang pang-ibabaw kundi pati panloob nami’y binulabog Hindi lang hinayaang sumakay sa bangka kundi pati pagsagwa’y itinuro Binuksan ang inaakalang hindi na mahihigilap o matatagpuan man Pero higit pang liwanag ang iyong ipinadama, at ipinahamon sa dilim na nagtuturo Binusog mo kami ng kasaganaang higit pa sa inaasahan Sa yakap ng pag-irog, pang-unawa at pagtuklas Pamilyang naging karamay sa bawat hirap, gutom at pagsubok Tunay na tahanan ng mga propeta, tunay na naging huwaran sa aming kalagitnaan Hinubog mo kami ng may pagkakakilanlan buhat sa aming pagkakaiba’t iba Kinalampag mo hindi lamang ang aming tenga, bibig at mata Ngunit buong pandama nami’y iyong ginigising Pati ang kaibuturan ng aming mga laman at buto Inilubog kami sa karanasang nakakapagpabago Upang konkretong sumaksi na may tapang at dangal At dahil dito, sama-sama’t magkaagapay tayong kumikilos Nakikiisa sa tanging layon ng Kristong sinusundan Ang bukal ng kasaganaan at kahulugan ng buhay Patuloy na bibigyang kulay at padadaluyin sa ugat’ dugo ng pakikibaka Hayagang ipalalaganap at isasabog sa buong sangnilikha Na may pagkilala sa Diyos na Buhay, ng Kasaysayan, Kaayusan, at Pag-ibig Pagpupugay sa Tahanan ng mga Propeta, Union Theological Seminary! Sa Sampung Dekada at Labindalwang Taon “Masaganang Nananahan, Buong Diwang Sumasaksi, Bukas-palad na Naglilingkod!”
0
Nov 21, 2019
Nov 21, 2019 at 4:16 AM UTC
Masaganang Nananahan, Buong Diwang Sumasaksi, Bukas-palad na Naglilingkod (Dweeling Abundantly, Witnessing Boldly, Serving Generously)
gusto kong masaktan ulit hindi ito yung tipong hiling ng nakararami pero gusto kong masaktan ulit gusto ko yung sakit na talagang mararamdaman ko mula ulo hanggang sa dulo ng mga paa ko gusto ko yung masakit talaga na tagos sa buto at kaluluwa yun bang sa sobrang sakit, aayaw ka na pero hindi ka susuko dahil gusto mo pa gusto mo pa kahit nanghinina ka na gusto mo pa kahit alam **** mali na gusto mo pa kahit sabihin nilang ikaw ay tanga pero hindi mo pipigilan pa na makadama ng sakit hanggang sa huling hininga gusto mo pa kahit ang sakit sakit na hindi alintana kung sugatan at duguan ang mahalaga ay mayroon kang nararamdaman kahit masakit... masarap... ang sarap sarap dahil sa kabila ng lahat ng sakit at sakripisyo alam **** ikaw itong nagmahal ng totoo hindi ka naman maaapektuhan ng lubusan kung hindi tunay ang iyong naramdaman kaya gusto kong masaktan ulit ng todo sa pamamagitan nito, alam kong nabubuhay pa ako gusto kong masakatan ulit ng todo dahil gusto kong magmahal muli ng totoo
0
Jul 27, 2017
Jul 27, 2017 at 12:18 AM UTC
*********
tuluyan ka nang naupos tulad sa kandila. unti-unting natunaw ang buhay mo. dahan-dahan itong kinain nang imbing kamatayan. isang pahingalay sa tulad mo'ng nagtiis ng malubhang karamdaman. buto't balat ka na lang at laging dumadaing, buhay na patay kung ika'y pinagmamasdan. sa wakas hindi kana maghihirap. wala na ang kirot na saksakan ng lupit. wala na ang sugat na bumubulok sa'yong likuran. hindi kana mapapagod sa paghabol ng iyong hininga. hindi kana pagpipistahan ng mga lamgam. wala na ang diaper na kailangan palitan. alam namin na pagod kana, kailangan mo nang magpahinga. paalam na sa mga tusok ng karayom na hindi makita ang tamang ugat saiyong katawan. paalam sa mabaho at mainit na ospital. hindi na lilipas ang maghapon na puno ng bagut. wala na ang mapapait na daing 'twing madaling-araw. dumating na ang mga sundo, kukunin ka nila at di na muling ibabalik. tinatawag ka na ng hangin papalayo sa amin, inagaw ka ng liwanag sa kalaliman ng gabi. sa huling hantungan mo ay tatanawin kita. aalalahanin ko ang kabataan ko na kasama kita. babalikan ko ang lumipas na may lungkot at saya. may mga umaga na hindi na darating, pero may mga kahapon na 'pwede pang balikan. walumpot-limang taon sa mundong ibabaw, at marami-rami ka na ring narating. siguro nga wala ka nang hahanapin pa, sapat na marahil ang layo ng iyong nalakbay. kaming mga naiwan mo hindi maglalaon ay tutugpa din na gaya mo. ang hindi lang namin alam ay kung kailan, paano at saan. paalam po at salamat sa mga ala-ala.
0
Dec 3, 2017
Dec 3, 2017 at 6:23 PM UTC
NAUPOS NA ANG KANDILA
tuluyan ka nang naupos tulad sa kandila. unti-unting natunaw ang buhay mo. dahan-dahan itong kinain nang imbing kamatayan. isang pahingalay sa tulad mo'ng nagtiis ng malubhang karamdaman. buto't balat ka na lang at laging dumadaing, buhay na patay kung ika'y pinagmamasdan. sa wakas hindi kana maghihirap. wala na ang kirot na saksakan ng lupit. wala na ang sugat na bumubulok sa'yong likuran. hindi kana mapapagod sa paghabol ng iyong hininga. hindi kana pagpipistahan ng mga lamgam. wala na ang diaper na kailangan palitan. alam namin na pagod kana, kailangan mo nang magpahinga. paalam na sa mga tusok ng karayom na hindi makita ang tamang ugat saiyong katawan. paalam sa mabaho at mainit na ospital. hindi na lilipas ang maghapon na puno ng bagut. wala na ang mapapait na daing 'twing madaling-araw. dumating na ang mga sundo, kukunin ka nila at di na muling ibabalik. tinatawag ka na ng hangin papalayo sa amin, inagaw ka ng liwanag sa kalaliman ng gabi. sa huling hantungan mo ay tatanawin kita. aalalahanin ko ang kabataan ko na kasama kita. babalikan ko ang lumipas na may lungkot at saya. may mga umaga na hindi na darating, pero may mga kahapon na 'pwede pang balikan. walumpot-limang taon sa mundong ibabaw, at marami-rami ka na ring narating. siguro nga wala ka nang hahanapin pa, sapat na marahil ang layo ng iyong nalakbay. kaming mga naiwan mo hindi maglalaon ay tutugpa din na gaya mo. ang hindi lang namin alam ay kung kailan, paano at saan. paalam po at salamat sa mga ala-ala.
Continue reading...
37
1. Kamay Heto, kung mararapatin lamang. Ipagkakatiwala ang sandali tungo sa laman ng salita. Heto, kung ipagdaramot lamang, at ipagsasawalang bahala ang dambana ng iyong katawan. 2. Kurba Kung abot-kamay lamang din naman ang buwan ay ipagdaramot na lamang ang natitirang liwanag. Sa palad ko nakahimlay ang talim ng iyong buto. Hindi na mangingiming pang ibalik pa sa tahimik na daluyong ng oras ang mga kamay na ito na walang pagpapatawad. 3. Mata May tupok na anghel na bagong hirang sa loob ng malaking puwang. Walang paglalagyan ng ligalig, marahang pagiingat lamang, kung tatanaw sa kabilang kuwarto ng halinghingan na para bang nagtatalik ang nais sa hindi maangkin nangungusap nang walang karampatang pagmamalabis.
0
Mar 26, 2016
Mar 26, 2016 at 11:36 PM UTC
Iilang Mga Parte
*minahal mo ako na parang asong sabik sa buto. kahit tira- tira ng mga taong mahal ko, kinakagat mo.*
0
Nov 12, 2015
Nov 12, 2015 at 8:58 PM UTC
Rabis
Wala na ang dati ang natira ay pighati mundo ay nahati at naglaho ang buwan Anino ay lumisan humalo sa kadiliman ulan ay tumahan ngunit ‘di ang bagyo Kulog, kidlat, alimpuyo tangay ay laman at dugo mga baling buto lagusan sa hangin Naroon ang dating ngayo'y isang pangitain bilanggo ng salamin magdadalamhati Dahil wala na ang dati Gabi sa panghabang-panahon Aasa sa mga bulong Lalakad, tatalon...
0
Nov 5, 2017
Nov 5, 2017 at 7:35 AM UTC
Wala Na Ang Dati
sa paglikha ng tuwina kong katha madama mo din sana ang kakatwa ngunit nakasanayan ko nang pagtatwa hinggil sa himpilan ng tagong lubha naririnig kahit di man pakinggan nahihilig saglit kundi man tanggihan inaaliw pilit ang sarili sa kundiman bumibitiw singkit kong ngiti panandalian dahil sa dingding lang ang pagitan hilahil ng singsing dagliang pasakitan walang pasakalye kang papanigan humarang pa sa kalye silang marasigan sapagkat ang magtengang-kawali sa pangkat ay sadyang balewala rin kapit sa patalim talagang tatanggapin kahit pa maitim pawang palipad-hangin wala kasing malaking nakapupuwing ika nga nitong napipintong pagsalubong niyong yaong paimbulog na daluyong tila halinghing, pakiwaring may naduduling dagundong ng kulog kung maihahambing ang gulat na sumilay sa mga mata mo sa halip ang kalakip yaring halukipkip namulaga't humimlay di nais matamo yun bang sa kabila ng pagka tulog-mantika nakuha pang magbuhat ng silya-elektrika tagos sa buto ang hiwa ng pahiwatig halos tanto ang tugatog na matigatig may tainga ang lupa, may pakpak ang balita ganyan ko maikukumpara Ang Mala - Palara na sistema ng isang walang muwang na puwang pag sa sandaling mag-pasaring ang ingay ng kulay mala-abokado ang sapak' na mau-uLinigan mansanas sa pagkapula sa kabalintunaan! mga paksa na may pasak natutunghayan, tuwing ang kapas ay sawing masasaksihan " Ang dapat ay isang Wika sa Magandang ibubunga " pambihira naman ang mga dalahira , wari bagang mapupunong inuugatan ! Martes pakatapos ng Lunes ! Linggo lang ba ang pahinga ?
0
Jan 30, 2022
Jan 30, 2022 at 5:55 AM UTC
e s p a s y o
sa paglikha ng tuwina kong katha madama mo din sana ang kakatwa ngunit nakasanayan ko nang pagtatwa hinggil sa himpilan ng tagong lubha naririnig kahit di man pakinggan nahihilig saglit kundi man tanggihan inaaliw pilit ang sarili sa kundiman bumibitiw singkit kong ngiti panandalian dahil sa dingding lang ang pagitan hilahil ng singsing dagliang pasakitan walang pasakalye kang papanigan humarang pa sa kalye silang marasigan sapagkat ang magtengang-kawali sa pangkat ay sadyang balewala rin kapit sa patalim talagang tatanggapin kahit pa maitim pawang palipad-hangin wala kasing malaking nakapupuwing ika nga nitong napipintong pagsalubong niyong yaong paimbulog na daluyong tila halinghing, pakiwaring may naduduling dagundong ng kulog kung maihahambing ang gulat na sumilay sa mga mata mo sa halip ang kalakip yaring halukipkip namulaga't humimlay di nais matamo yun bang sa kabila ng pagka tulog-mantika nakuha pang magbuhat ng silya-elektrika tagos sa buto ang hiwa ng pahiwatig halos tanto ang tugatog na matigatig may tainga ang lupa, may pakpak ang balita ganyan ko maikukumpara Ang Mala - Palara na sistema ng isang walang muwang na puwang pag sa sandaling mag-pasaring ang ingay ng kulay mala-abokado ang sapak' na mau-uLinigan mansanas sa pagkapula sa kabalintunaan! mga paksa na may pasak natutunghayan, tuwing ang kapas ay sawing masasaksihan " Ang dapat ay isang Wika sa Magandang ibubunga " pambihira naman ang mga dalahira , wari bagang mapupunong inuugatan ! Martes pakatapos ng Lunes ! Linggo lang ba ang pahinga ?
Continue reading...
42
may araw ang mga patay e paano naman ang mga buhay? hindi na pala uso ang nangangaluluwa treat or trick na ang "in" ngayon. tara dalawin natin ang mga mahal nating namayapa na kahit ang totoo hindi na sila mabubuhay pa. ang sementeryo na tahanan ng mga bangkay pag araw ng mga patay nagiging pugad ito ng mga lasenggo, mandurukot, imbi't tarantado at parang mall na rin ito ngayon kasi kumpleto: may Dunkin, Mcdo, Jollibee at Pizza Hut na rin. wag kalilimutan ang bulaklak at kandila linis lapida, papintura pati na ang paglilipat ng mga buto pero tandaan lahat ng ito may bayad sabi nila mahirap at mayaman lahat mamamatay din pero kahit sa huling hantungan hindi sila magkapantay kasi may nasa apartment at may nasa memorial lawn.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:53 AM UTC
Araw Ng Mga Patay
tulak ng bibig, kabig ng dibdib damdaming ikinukulong itinanim ang punla diniligan ng mga mapagbalatkayong salita namulaklak, namunga tulak ng bibig, kabig ng dibdib iyong pinitas ang bunga kinagat, nilunok ang dagta at katas muling itinanim ang buto diniligan, namulaklak, namunga tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang hardin ay naging gubat, mapanglaw na kakahuyan kung saan lahat ay nawawala nilalamon ng lupa, pinipiga ang katawan iniluluwa ang kaluluwa tulak ng bibig, kabig ng dibdib bumuhos ang malakas na ulan dumagundong ang kulog gumuhit ang kidlat sa langit, tumama sumiklab ang apoy, kumalat abo na lamang ang natira
0
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:28 AM UTC
tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Nakaupo ako sa isang upuang nakalagay sa gitna. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Pero parang binibiyak sa sakit ang aking ulo. Umiikot na rin ang paningin ko nang mga oras na iyon nang mapansin kong unti-unting lumalapit ang magkabilang dingding na gustong dumikit sa akin. Isa... Sinubukan kong tumayo. Dalawa... Hindi ko mailakad ang aking mga paa. Tatlo... Ilang dipa na lamang ang layo ng mga dingding sa akin. Apat... Hindi ako p'wedeng mamatay dito sa maliit at masikip na espasyong ito. Lima... Pinigilan ng dalawa kong kamay sa kaliwa at kanan ang dingding. Anim... Wala na akong lakas. Maging ang mga paa ko ay kusa na ring nanghina. Pito... Tanging mga braso ko na lamang ang pumipigil. Walo... Ramdam ko na ang unti-unting pagpisa ng mga buto ko sa katawan. Siyam... Nabali na ang mga buto ko. Tumilamsik na ang mga dugo sa aking katawan. Sampu... Tuluyan nang sumabog ang bungo ko. Mistulang kulay pulang pinturang dumikit ang mga utak ko sa dingding na iyon.
0
Aug 11, 2017
Aug 11, 2017 at 2:46 PM UTC
Masikip na Espasyo
oras ko na inilaan kay daling nalimutan panahon na isinugal sa pagmamahal na wala palang katiyakan ngayo'y nanagnaghoy na sana'y wag **** iwan oras ko na inilaan mga bagay na kay dali kong binitawan na walang pag alinlangan para mapasaya ka lang huli na nang malaman pinaglaruan mo lang para sana sayo to pero ang dali **** tumalikod naglakbay ka sa kabilang daan at bigla na lang naglaho na parang bula hindi man lang nagbabala sana nagpasabi ka nang ako mismo naghatid sayo hindi na sana ako nagbigay ng labis ngayon ako'y naghihinagpis sa pag ibig na ipinilit kong ihandog sa taong hindi naman ako ang kailangan sana nagpasabi ka nang mabawasan man lang ang pagtitiis sa panahon na halos buong buhay ko akalain **** kay dali kong ibigay para sayo kung sana man lang umalis ka ng mas maaga nang hindi pa gaano kalalim ang nadarama nang maagapan ko pa ang sugat na ngayo'y hanggang buto tagos sa kaluluwa ang pagdurusa sana matapos na ang araw gusto ko na magpahinga
0
Jan 3, 2020
Jan 3, 2020 at 2:40 PM UTC
Dapit Hapon
Ika'y ibibilanggo, Babaliin 'yong buto, Hanggang di makatayo, Hanggang di makalayo.
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 9:53 AM UTC
Tanaga #6: bitag
Hindi mo namalayan, nagiging abo na pala ang iyong buhok na dati-rati ay sing-itim ng iyong mga matang ngayo'y unti-unti ng nanlalabo; at sa dati makinis na balat umusli ang buto at ugat na tila nalalantang katawan ng kapayas.
0
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:37 AM UTC
Katawang Tao
Hindi mo namalayan, nagiging abo na pala ang iyong buhok na dati-rati ay sing-itim ng iyong mga matang ngayo'y unti-unti ng nanlalabo; at sa dati makinis na balat umusli ang buto at ugat na tila nalalantang katawan ng kapayas.
0
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 12:37 PM UTC
Katawang Tao