Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2017
gusto kong masaktan ulit
hindi ito yung tipong hiling ng nakararami pero
gusto kong masaktan ulit

gusto ko yung sakit na talagang mararamdaman ko
mula ulo hanggang sa dulo ng mga paa ko

gusto ko yung masakit talaga
na tagos sa buto at kaluluwa
yun bang sa sobrang sakit, aayaw ka na
pero hindi ka susuko dahil gusto mo pa

gusto mo pa kahit nanghinina ka na
gusto mo pa kahit alam **** mali na
gusto mo pa kahit sabihin nilang ikaw ay tanga

pero hindi mo pipigilan pa
na makadama ng sakit hanggang sa huling hininga

gusto mo pa

kahit ang sakit sakit na

hindi alintana kung sugatan at duguan
ang mahalaga ay mayroon kang nararamdaman

kahit masakit...

masarap...

ang sarap sarap

dahil sa kabila ng lahat ng sakit at sakripisyo
alam **** ikaw itong nagmahal ng totoo

hindi ka naman maaapektuhan ng lubusan
kung hindi tunay ang iyong naramdaman

kaya gusto kong masaktan ulit ng todo
sa pamamagitan nito, alam kong nabubuhay pa ako

gusto kong masakatan ulit ng todo
dahil gusto kong magmahal muli ng totoo
Written by
Her Alter Universe
Please log in to view and add comments on poems