Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
21st Century Jul 2018
Sa mga gabing tahimik kinakausap ko ang iyong natatanging larawan at sa  aming paguusapan na
i-kwento ko sa kanya ang aking nararamdaman mga lihim at mga masasaya nating mga ala-ala dahil sa paraang ito alam kung papakinggan mo ang aking mga tugon at mga panalangin

ngunit bakit sa  tuwing Hawak ko ang nag iisa **** larawan napakaraming "Bakit" na  gumagambala, mga tanong na naghahanap parin ng kasagutan sa aking isipan.

At kung sakali man na masagot ang aking mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Kung sakali man na mapakinggan ang aking nga tugon at mga panalangin sana handa kana sa mga hamon ng buhay at Higit sa lahat sana handa kana sa nabuo nating pagmamahalan. At wag kang magaalala maniwala ka  na "Mahal kita". Dahil kung mahulog man lahat ang mga bulalakaw sa kalawakan hinding hindo ako hihinto sa paghiling. At kung hindi na lumiliwanag ang buwan at ang mga bituin ako ang magsisilbi **** liwanag sa gabing madilim at sa gabing ikaw ay nag iisa. Hindi ako magsasawang ipaalala  sayo kung gaano ka kaganda hindi ako titigil sa pagsabi sayo na mahal kita kahit na sa bawat pagbanggit ko sa mga salitang ito ay sakit ang naaalala mo. Ngunit pasensya na kung hanggang salita nalang ako sa nag iisa at natatangi **** larawan na  hawak hawak ko ngayon at hindi na kayang hawakan pa ng nagdurugo kung mga kamay
ZT Apr 2020
Di ko mawari kung bakit mas masakit
Ang mga katagang "mataba kana"
Pag sa bibig mo galing ay mapait
Gusto ko lang sana'y madama
Na sayo ako'y may halaga
Ngunit imbes na matatamis na salita aking madinig
Ang pagtaba ko lang iyong bukambibig
Kung sa ibang tao ay kayang palampasin
Pero pag ikaw ang nagbitiw,
Kaya akong inisin

Oo, maari
Sa timbang akoy nadagdagan
Aba'y sa quarantine nga naman
Oras di mo na malaman
Minsan di mo na nga namamalayan,
Dalawang beses kana palang nag hapunan.

Pero kasalanan ba talagang maituturing
Ang makailang beses kong pagkain?
Eh sa may kaya kaming ihain
Afford po namin
Ang ilang beses na mag saing

Mas pinipili ko kasi magluto
Kasi la pa ako lakas ng loob mag TikTok

Lalo pa ngayon nasabihang mataba
Aba aba
Hampasin ko yang pangit **** baba

Pero joke lang kasi mahal kita, kahit na bash moko miss pa rin kita
Kaya hayaan mo ako magtampo ng konti
Bukas baka humpa na ang inis
Kasi di kita matiis
Ikaw ay aking miss
Marupokpok paminsan minsan. O baka madalas.
M e l l o Aug 2019
mahirap makipagsapalaran
sa sitwasyon na alam mo
umpisa pa lang ikaw ang talunan
mga bagay na dapat dina dahan dahan
sabi ko sayo wag mo masyadong galingan
pwede naman tumigil muna saglit
wag papadala sa sobrang galit
huminahon ka at mag isip
baka sakaling mawala ang inip
Poem of the day. Aug 10. Been dealing with a lot stress lately. Kaloka.
Maria Leslie Apr 18
if everything is true
I don't want to wake up
If everything is just nonsense,
I want to wake up,

I don't want to get hurt by anything,
But I hope when I wake up,
I will be with the right person for me
The right time
To make me happy.

Even if I tell you that I want you
Even if I tell you that I love you
Even if I want to be with you
Even if it's just for a moment
If every moment is forever
I will be hurt
Because everything will be gone

I will still never forget you.

If the day comes
All that will be thrown away
And gone away
Like lightning along with
what I feel for you
But here I am in reality, "me"

I wasn't born to be a princess
But I'm full of dreams
With My father dominates.

If forgetting is a medicine
To break up with failure
I promise I won't let you down
Because I know
I'm with an impossible person.

If I love you
Whatever it takes
To be with you
As far as I can go
All I can do
To love you

If there is no way to get in love
If there’s nothing to fall in love
If our love story is over
If all that's left is love
To set you free
For a new chapter
To live and be happy again

I love you but
I am only this way
Only up to this point
My love was only this way
Only up to that point


*******


"π•‚π•¦π•Ÿπ•˜ 𝕄𝕒𝕙𝕒𝕝 π•‚π•šπ•₯𝕒 β„π•’π•Ÿπ•˜π•˜π•’π•Ÿπ•˜ π”»π• π• π•Ÿ β„•π•’π•π•’π•Ÿπ•˜ π•π• π•Ÿ"

kung totoo man ang lahat
ayoko nang magising
Kung kalokohan lang ang lahat,
Gusto kong gumising,

Ayokong masaktan ng kahit ano,
pero sana pag gising ko,
Makakasama ko ang tamang tao para sa akin
ang tamang pagkakataon
para maging masaya ako.

Kahit sabihin ko sayo na gusto kita
kahit sabihin ko sayo na mahal kita
Kahit gusto kong makasama ka
kahit saglit
Kung ang bawat sandali ay habang buhay
akong masasaktan
Dahil mawawala ang lahat

Hindi parin kita makakalimutan.

Kung darating ang araw
Lahat yan ay itatapon
parang kidlat kasabay ng nararamdaman ko sayo
pero heto ako sa realidad na ako, "ako"

Hindi man ako pinanganak para maging isang prinsesa
ngunit ako ay puno ng mga pangarap
Sa aking ama ang nangingibabaw.

Kung ang paglimot ay isang gamot
para makipaghiwalay sa kabiguan

Pangako hindi kita bibiguin
dahil alam kong nasa isang imposibleng tao ako.

Kung mahal man kita
Kung ano man ang kaya marating
Para makasama ka
Kung hanggang saan lang
Ang kaya kong maabot
Para mahalin ka

Kung wala ng daan para sa umibig
Kung nagtatapos na ang kwentong pag ibig
Kung ang natitirang pag ibig nalang
Ay ang palayain ka
Para sa panibagong kabanata
Upang mabuhay at maging masaya ulit

Mahal kita pero
Hanggang dito nalang
Hanggang doon nalang yon.
πš†πš›πš’πšπšπšŽπš—: 𝟷𝟷.𝟸𝟸.𝟸𝟢𝟸𝟹
Akvpoems Sep 2019
Kailan mo kaya mapapansin
Ang isang katulad ko
Parati na lang hanggang tingin
Ang abot kaya ko

Makausap ka'y di ko magawa sapagkat nahihiya
Maraming tao ang nakapaligid sayo
Isang tingin, isang iglap
Ika'y maglalaho
#crush
JD May 2018
Dati-rati kanta lang yan
Kantang pinaka pinanghuhugutan
Magdadala sayo ng kalungkutan
Magbibiga'y ng bigat sa kalooban.

PAGSUKO isang salita
Na nagpabago sayo ng sobra
Simula ng iniwan ka nya
Naging mas matibay kana.

PAGSUKO, nag iiwan ng mga katanungan
" Bakit nya ba ako iniwan? "
"May nagawa ba akong mali para iyong saktan?"
"Bakit di mo sagutin ang lahat ng yan?"

Puro ka lang salita
Hindi mo pala magagawa
Iniwan mo ko basta basta?
Kasi ano? Kasi sabi mo nahihirapan kana?!

Napakadami **** dahilan
Pero PAGSUKO lang pala ang kahahantungan
Bakit di ka lumaban?
Mas pinili **** ako'y saktan.

Simula ngayun wag kanang magpapakita
'Wag kanang babalik pa
Kasi iba na ako alam mo ba?
Di mo na ko mapapaikot sa'yong mga salita.
XIII Jun 2015
GM
"Pat. Alam mu ba, hindi ko talaga alam kung gusto kita, o gusto kita kasi un yung dapat.
Naguguluhan ako nun, everynight iniisip ko kung makikipag hiwalay ba ko sayo para hanapin ang sarili ko. Kasi hindi ko na alam.
Hindi ko talaga na alam, gusto kong lumayo. Mapag-isa.

Pero alam mu, akala ko mahal kita. Akala ko gusto kita. mahal na mahal pala kita , ikaw yung gusto ko. Ngayon. Bukas. At sa mga susunod pang araw.I love you honey :') hindi ko alam kung panu titigil ung puso ko na mahalin ka.
HAHAHA
Mugto na mata ko
HAHAHA
can't wait to see you tomorrow.
Promise mas mamahalin pa kita hangga't pwede.
Hangga't ok.
Thank you. i love you. I love you hon!

Gm 'to.

Hahaha drama lang

#pat<3<3<3
#Iloveyousuper!
#saranghe"
GM ng partner ko na binabalik-balikan ko. :)

*GM - group message
ilang beses ko din sinubukang agawin ang iyong pansin
ngunit kahit bahagya ay hindi ka napatingin
matagal-tagal ko din itong kinimkim
hanggang ngayon ay natatakot pa rin
na baka sa huli,
sa huli ako'y iyong balewalain

gayunpaman
sa kadahilanang meron akong pagkakataong aminin
giliw
ako, sayo ay may lihim na pagtingin
Jamie G Nov 2015
Hindi na ako natuto
Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo
Minsan ako'y tutulungan
Minsan ay hahayaan

Para kang isang elevator
Dadalhin mo ako sa 13th floor
Tapos iiwan mo ako doon
Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button

Ang gulo-gulo na ng aking isip
Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal
Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas
Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa aking pagmamahal

Ikaw yung paborito kong patibong
Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong
......***
aL Jan 2019
Hanggang saan pangaabutan?
Ang mga salitang inilaan
Mga titik na pilit pinagtagpi-tagpi
Na tanging ako lang ang nakaiintindi

Sa kasing layo ng pinaglulubugan ng buwan
Aking aking hangad na marating ng aking kasulatan
Para sa aking nagiisang sinisinta
Na sa akin ay wala na atang paggunita
Pag-ibig kong tunay, sayo inialay
                                             o irog kong mahal    
                                             na siyang aking buhay pag-ibig ko
                                             Sayo ay di maglalaho sapagkat
                                             minamahal kitang totoo.
                                             Ngunit bakit mo ako sinaktan ng lubos
kulang ba ang pag-ibig na ibinuhos?
Ngunit bakit kailangan mo aking iwanan,
Saan nagkulang at ika'y nagkaganyan?
Puso ko'y nagdurusa at umiiyak
Dahil sa sakit na aking kaakibat
Nasan ka na upang punasan ang luha,
Na tumutulo dahil sa sakit na nadarama
Nais kong ibalik lumipas na taon
Upang hilumin ang sugat ng kahapon
ngunit maibaalik pa ba ang noon
Kung baon na sa limit ngayon?
Kung pano tayo nahantong dito ay hindi ko alam.
Sa kung paano natuwid ang paa at sa kung pano unti unting nalagot ang yong hininga.
Hindi ko alam kung pano ko nakayang halikan ang iyong kamay habang ikaw ay nakaratay at walang malay.
Hindi ko alam kung pano ko kinayang patigilin ang luhang umaagos sa mga mata habang pinapanood kang hirap na hirap huminga.

Hindi ko alam kung ano ako ngayon habang pinagmamasdan ang pikit **** mga mata.
Hindi ko alam pano ko tatanggaping ang aking nagsilbing ama ay wala na.

Unti unting tumigil ang paggalaw ng paligid ko, sa loob ng apat na sulok ng silid mo,
Unti unti akong nabingi sa mga hagulgol ng pamilyang nagmamahal sayo,
Habang pinagmamasdan ko ang huling pagkumpas ng mga kamay mo, ang paputol putol **** paghinga, at ang unti unting paglabo ng yong mga mata.

Hinahanap hanap nang tainga ko, ang patawag mo sa pangalan ko. Ang mga pagtatampo mo kapag hindi ako dumadaan sa bahay mo. Ang pagtawag mo ng madaling araw kapag kaarawan ko. Ang mga tugtog mo. Ang pagtawa mo sa mga jokes ko. Mamimiss ko ang mga yakap mo.


Ikaw ang umakay sa musmos kong puso at nagpaliwanag kung ano ba ang buhay.
Ikaw ang kakampi sa lahat ng bagay.
Ikaw ang nagturo kung pano magbilang, at sumagot sa assignment kong 1 plus 1.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin,
Na sa mga susunod na araw ika'y hindi ko na kapiling.
Kaya kung saan ka man naroroon, ito sana ay baunin,
Itay, mahal kita mula noon at sa habang panahon.
Salanat sa mga alaala, bagamat may poot mas lamang naman ang galak,
Bagamat ang iba ay lumuluha, mas madami pa rin ang tumatawa.
Salamat itay, itay paalam na.
inggo Nov 2015
Makasama ka lang kahit sandali
Kakayanin maghintay ng matagal
Nais ko lamang na ikaw ay mapangiti
Maiparamdam sayo lahat ng aking pagmamahal
Old poem :)
maps Mar 2011
sa twing dumarating
aking napapansin
pasulyap **** tingin
habang paparating

hindi ko na malaman
ang aking gagawin
baka himatayin
sa bigla **** pagtingin

ikay magdahan dahan
baka di na mapigilan
puso'y nilalabanan
upang di mo to malaman

pintig ng pulso ko
isandaan bawat segundo
gnyan kadeds sayo
o diba ang gwpo mo?

di ko rin tlga malaman
bakit ka natipuhan
kahit sinasabihan
marami jan, wag na yan

kung itoy malaman
wag mo sanang iiwasan
ikaw ang kaligayahan
wag mo sanang tuldukan
kahel Jan 2020
Hindi ko na kilala ang mga sugat na β€˜to.
Kung saan ba 'to nanggaling o
paano ba 'to nangyari
Nandito na tayo sa parte ng magulong mundo
na hindi na alam ng mandirigma kung
nasa hilaga ba o nasa timog ang binabaybay.
Kung sino ba ang tunay na kakampi sa hindi
Saan ba gagapang palayo?
Saan itatago ang natitirang pagkatao?

Hindi ko na marinig ang bawat katinig
at patinig ng bawat salita dahil sa ingay.
Kanino ba nanggagaling ang hinaing
Saan nagsimula ang pasaring?
Paano nga ba tayo nakarating dito?

Alam mo, dahil sa’yo.

Gusto kong ipako lahat ang sisi sayo.
Ikaw β€˜to. Kasalanan mo. Sinabi ko naman sayo.
Ganyan ka. Mali ka. β€˜Di mo maintindihan.
Ikaw; Ikaw lang ang mali.
Alam ko ang bawat kanto
nitong pinasok nating pangako.
Kabisado ko ang bawat pintong nakasarado
Mga pinakatatagong sikreto
Hindi tulad mo.
Hanggang ngayon naliligaw pa din
Kaya tama ako.
Mali ka, tama ako.
Tama ako?
Tama na.

Pero ito β€˜yung parte ng laban
na hindi na tayo pwedeng sumuko.
Hindi pwedeng tumakbo
palayo at takasan ang katotohanang
nilakbay natin 'to ng magkasama,
narating natin β€˜to sa sarili nating mga paa.
Dahil magkabuhol na
ang mga sintas ng pagkatao natin
at imposibleng ipangalan lang
sa isa ang kasalanan.

Hindi na natin kailangang magpanggap pa
dahil tanggap na
Nadapa tayo. Hindi lang ikaw. Hindi lang ako.
Tayo. Nagkamali tayo.
β€˜Yun lang ang tamang hinaing
para maitama natin β€˜to.
VJ BRIONES Jul 2017
siguro akala mo hindi kita kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa akin
siguro kung inisip mo lang na ikaw talaga ang nakatadhana para sa akin
siguro akala mo hindi kita kailangan sa paraang kailangan mo ako
alam mo
hindi ako makakahanap ng tao na kayang intindihin ako
gaya sa paraang nagagawa mo

bumalik kana..
dito kalang..
hinahanap parin kita sa hirap at saya
hinahanap parin kita sa lungkot at ligaya
hinahanap parin kita kapag itim na ang gabi at asul na ang kalangitan
pero tinatanong ko parin sa sarili ko naiisip mo parin kaya ako kagaya ng pagiisip ko sayo

sa oras na maisip mona kailangan kita
nandito parin ako
naghihintay sa iyo
sa oras na ito
hanggang sa pagdating mo
"Di na kita mahal, tapusin na natin 'to"
"Tama na, di na ikaw ang lamn ng puso ko."
Mga salitang huling naring mula sayo
At dahilan para bumagal ang ikot ng mudo

Masakit , dibdib ko sumisikip
ginawa ko lahat
pero puso ko iyong winasak
ang gulo, bakit ganito?
anong nangyare at bigla kang umiba ng landas
at sa relasyong ito kumalas
Buggoals Aug 2015
Ikaw yung tipo ng babae na walang arte
Yung hindi nahihiyang magdala ng kapote
Maliit ka nga, boses nama'y boses lalake
Ang ganda mo. Lalo na't ika'y simple.


Sana tayo'y muling magkita
At muling magkaroon ng isa pang pagkakataon.
Pasensya kana sa sinayang na panahon.
Pero sana'y batid **** mahal na kita.

Sa t'wing ika'y aking nakikita,
Hindi ko maitago ang aking saya.
Hindi mo ba ito pansin sa aking mga mata?
Sabagay, siya pa din kase mahal mo.. diba?

Noon pa'y alam kong talo na ako
Pero sige, ipaglalaban ko ito.
Please lang. Saluin mo ako.
Heto na ko, nahulog na sayo.
Ang gulo ng poem ko hahahahaha
RLF RN Feb 2018
Masakit na nakaraan,
tayo'y kapwa mayroon.
Syang dahilan ng ating takot,
Huwag ng balikan, bagkus
Sa isa't isa halina't kumuha
ng bagong lakas,
ng bagong simula,
at ng bagong pag ibig.

Tila sinadya ng tadhana,
Tayo'y sinaktan at tinuruan muna,
Upang sa araw ng pagtatagpo,
Kapwa tayong nakahanda.
May dahilan ang lahat, ika nga.

Ilang sulok na ba ng mundo,
Ang ating nilakbay?
Ilang tao na ba ang sinubukan
kilalanin at sinugalan?
Gaano karaming luha na ba,
ang pumatak at naubos?
Ilang beses na ba?
At ilang beses pa ba?
Nandito na ako, hindi ba?
Nandito ka na rin,
Nandito na tayo,
Palalagpasin pa ba?

Sa malayuan, mananalangin na lang ba?
Sa malayo, mangangarap na lang ba?
Aasa na lang ba sa malayo?
Magmamahal na lang ba sa malayo?
Hanggang sa malayo na lang ba ang lahat?

Humawak ka lang sa akin,
Pangako, hindi kita bibitawan.
Buksan mo ang iyong mata,
ang ganda ng bagong pagkakataon,
pangako, ipapakita ko sayo.
Maaari ka rin pumikit,
Damahin mo ang aking haplos,
pangako, ikaw lang ang mamahalin
pangako, sa iyo, ako'y tapat.

Huwag ka ng matakot, mahal ko.
Tayo'y magtiwala sa Diyos,
Sapagkat Siya ang may akda,
Ng istorya ng ating pagtatagpo,
Ng kwento ng ating pagmamahalan.
Huwag kang sumuko, mahal ko.
Huwag tayong susuko, mahal kita.
Karen Nicole Feb 2018
maaaring ako'y nahihibang na,
dahil alam ko namang wala akong pag-asa
ngunit ano ang aking magagawa,
kung sa masilayan ka lamang ako'y masaya na?

nang dahil sayo muli kong naramdaman,
ang mga paru-paro sa aking tiyan
at ang mga ngiting hindi ko man lang namamalayan,
kapag ika'y dumadaan sa isip ko paminsan-minsan

hindi nais na mailang ka,
kaya nama'y pagtingi'y ginawang sikreto
sinubukan ko rin ang lumayo, baka sakaling damdamin ko'y magbago
ngunit alam naman natin na ito ay malabo,
kasing labo ng minimithi kong "ikaw at ako"
walang titulo, parang tayong dalawa.
mac azanes Aug 2017
Salamat sa humigit kumulang labin dalawang taon.
Sa pagiging isang alaga,
at mapag-alagang tuta.
Salamat sa pagiging bantay,
Ng bahay at  buhay.
Salamat sa pagpaparamdam,
Kung anu ang isang tunay na kaibigan.
Na iniiyakan at napagkukwentuhan,
Na sanay naiintindahan mo naman.
Siguro ngay wala ng pwedeng pumalit sayo.
Sa buhay ng mga taong binantayan mo.
At alam ko naman na ramdam mo,
Na ni minsan hindi ka nila naituring na iba gaya ng tao.
Salamat din kina,Sansa,Chester,Junjun, Panda,
At sa iba na hindi ko na nakilala.
Sa isang kaibigan na din nang iiwan,
Diba nga kahit sa paliguan ay kasama ka pa.
At hindi ka naman paborito,
Kasi nasa kwarto ka pag malamig ang klima.
At ngayon nga na wala kana.
Di mo maiaalis ang pangungulila,
At gabi na si Michelle ay lumuluha.
Salamat muli asong mapagkalinga.
From A Heart Nov 2015
Pasensya na kung akala mo ayaw kong makipag sayaw kasama ka.
Sadyang hindi lang ako karapatdapat na ma-pares sayo.
ugh.
Kenn Dec 2019
6:40AM...

Oras.
Oras.
Oras...

Panibagong oras ang dumating,
Ngungit di parin nagbabago ang aking hiling,
Unang sulat ng taon,
Parang tubig na umaalon.

Sa sobrang lakas nito,
Ako’y tinamaan sayo.
Tinamaan sa bawat memorya,
Na hinahanap hanap kung nasaan ka.

Mga memorya kung saan bago,
Na alam kong ako’y hindi matatalo.
Pumasok ka pa lang sa buhay ko,
Duon pa lang panalo nako.

Di alam ang mga salita na bibitawan,
Sa sobrang pagmamahal na nakasanayan.

Isa lang ang masasabi ko,

Sa’yo ko lang nakita ang tunay na pagmamahal
na punong puno ng aking dasal.
Na alam kong lahat ng ito ay hindi panaginip.

Maligayang Bagong taon aking Binibini!

Oras na para patunayan kung ano nga ba ang pagmamahal.
Notes of K (1/366)
JD May 2018
Simula nung may minamahal kana
Iniwan ko na yang kataga
Nandito Ako, sana iyong maalala
Nandito lang ako pagnasasaktan kana sa kanya.

Simula ng umamin ako sayo
Hindi na ako umasapang pagmamahal ay ibabalik mo,
Dahil sabi mo nga sya ang iyong gusto
Sya na nagpatibok ng 'yong puso.

Sana palagi kang masaya
Pero once na malungkot ka
Andito lang ako para lungkot mo'y pawiin na
Kahit ako'y patuloy na umaasa.

Kahit sumasakit ang puso ko
Tuwing magkasama kayo
Patuloy parin akong iibig sayo
Hanggang sa maunawaan kong "Hindi talaga tayo"
John AD May 2018
Malamig ang hangin , kumukulog
Mga taong tulog sa pagilid aking napapansin
Malalakas pa naman sila dati pero napagod nadin
Dating masasama ang motibo , naliwanagan ng positibo

Simula pagkabata trato sayo hindi makatao
Marangyang pamumuhay noon , isa na lamang litrato
Naalala ko pa nga ang boses na galit at imahe nito
Ako'y inis na inis subalit mali ang pagsagot ng apo

Madalas ako mapagalitan siguro matigas nga ang aking ulo
Kung dati madalas ko silang marinig sa mundong ito
Ngayon tila isang panahon na lamang ang pagpaparamdam nito
Lagi nalang silang nagpapahinga para matagal pa namin silang makasama
Isabelle Apr 2016
Matuto kang magmove-on
Matuto kang mag-let go
Matuto kang bumitaw
Dahil minsan, kapag ginawa mo 'yan,
May biyaya palang naghihintay sayo..
Tagalog, Share lang po ;)
Ang lalim ng 'Yong pag-unawa'y
Higit pa sa mga nakapilang karagatang
Nagsasapawan patungong Silangan at Kanluran.
Umaapaw ang 'Yong pagkalingang walang ibang nais
Kundi ibuhos ang 'Yong katapatan sa aking kakulangan.

At gaya nga ng mga ibong walang sawang sumisipol,
Ay gayundin naman ang 'Yong pag-ibig
Na hindi ko mabigyang pamagat
Gaya ng mga tulang kinakatha ng puso't pag-iisip.

Sa bawat bigkas ng bibig,
Sa bawat tuldok na simula ng pagguhit,
Sa bawat pintig ng pusong tanging Sayo ang papuri..
Ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin,
At malaya kong ihahagis ang mga kamay sa ere --
Kung saan ang langit ay panandaliang masisilayan.

Maghihintay sa araw ng paghayag ng liwanag,
Ang boses **** sa mga letra lamang nabibigyang-buhay
Ay balang araw ding hehele't magpapatikom
Sa mga armas ng kadiliman.
At balang araw, masasabi ko ring,
"Nagbunga ang paghihintay."
052120

Ito ang gabing
Ako mismo ang sisira sa pangako ko β€”
Sa pangako kong ililibing ko ang sandaling
Mistulang nabihag ang buo kong pagkatao
Natapos ang mga petsang hindi ko na mabilang pa.

Panaginip β€”
Ika-11 ng gabi, naggising akong muli
Nasilayan kita
Nasilayan ko syang humahakbang papalapit sayo
Natakot ako, siguro nga
Wala naman kasing nagbago.

Natatakot pa rin akong hindi tayo magtagpo
Sa aking paghihintay sayo.
Ni hindi ko maitali ang sarili sa pagsambit ko ng β€œoo.”
Siguro nga, nag-aabang pa rin ako gaya ng dati β€”
Siguro nga isa na lamang akong
Gamu-gamong alaala ng kahapon
Na sa paupos na kandila’y
Tuluyan na ring maglalaho.
JOJO C PINCA Nov 2017
masahol ka pa sa puta
dahil ang puta katawan n'ya lang
ang kanyang kinakalakal.
ikaw ibenibenta mo ang katawan
at buhay ng ibang tao.
sinasalaula mo ang dangal
ng ***** bayan; ibinubugaw mo
ang mamamayan sa mga dayuhan
hayup ka.

masahol ka pa sa magnanakaw na nasa kalsada
siya konti lang ang nakukulimbat
ikaw dinadambong mo ang kaban ng bansa
ibinubulsa mo ang pondo na para sa mga mahihirap
hindi kapa mamatay

masahol kapa sa sugapa sa droga
ang trip mo kasi mamerhuwisyo ng buong bayan
wow heavy bigat mo talaga sir

masahol kapa sa hayup
kahit ang baboy maluluma sa kasibaan mo
pati ang buwitre mahihiya sa pagkadayukdok mo
ang buwaya at pating walang binatbat sayo

kaya sa darating na halalan hindi kita iboboto.
Naiilang ako sayo
Wag mo akong tingnan sa mata!
Takot na takot na ang puso
Sayo ba'y muling aasa?
Natataranta itong isip
Nais ko na munang maidlip
Ngunit sa aking pag gising,
Ramdam ko pa rin  ang pagkalasing
Sabihin mo nga!
Ilang bote pa ba ng GIN?
Mister J Sep 2017
Ilang linggong puro nakaw ang sulyap sa'yo
Ilang araw na walang hinangad kundi pansinin mo
Ilang beses nang nilalapitan at pilit na nagsusumamo
Ilang beses pa bang magpapapansin para sa atensyon mo?

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula
Hindi ko rin alam kung lahat ba ng ito ay tama
Ang tanging pinanghahawakan ay ang lakas ng loob
Ang aking hiling ay tanging maging sa'yo

Sa bawat araw na hinirang ng Maykapal
Sa bawat pintig ng puso, ngalan mo ang sinisigaw
Sa impyernong ito na ating ginagalawan
Ikaw ang tanging langit sa aking buhay na kawalan

Ako'y sa'yo, nais kong malaman mo
Ako'y sa'yo, sana'y pagbigyan ako
Ako'y sa'yo, hayaan **** ibigin kita
Ako'y sa'yo, sa lungkot at sa ligaya

Tanging sa'yo, lumipas man ang mahabang panahon
Tanging sa'yo, sa bawat pagdapa at sa bawat pagbangon
Tanging sa'yo, magunaw man ngayon ang mundo
Tanging sa'yo, at sa'yo lamang ang puso ko

Ikaw ang ilaw sa madilim kong landas
Ang parolang gabay sa bagyong malakas
Ikaw ang laman ng damdaming puno ng lakas
Ikaw din ang kahinaan, ang pag-ibig na wagas

Tandaan mo na kahit saan man mapunta
Kahit saan mapadpad at ako man ay maligaw
Sa libong tula at liham na aking isusulat
Tanging ngalan mo ang laman, tanging ikaw

Ang gusto lang makamit ay ang 'oo' **** matamis
At mamahalin kita sa habang buhay ng labis-labis
Hindi man perpekto, magkaron man ng mga mintis
Basta't ikaw ang kasama, lahat ng problema'y matitiis

Ako'y sayo, aking uulit-ulitin
Ako'y sa'yo, ika'y kukulit-kulitin
Ako'y sa'yo sa hirap at ginhawa
Ako'y sa'yo, dahil mahal kita
Second Tagalog poem. Feels a bit rushed though.

— The End —