Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Salamat sa humigit kumulang labin dalawang taon.
Sa pagiging isang alaga,
at mapag-alagang tuta.
Salamat sa pagiging bantay,
Ng bahay at  buhay.
Salamat sa pagpaparamdam,
Kung anu ang isang tunay na kaibigan.
Na iniiyakan at napagkukwentuhan,
Na sanay naiintindahan mo naman.
Siguro ngay wala ng pwedeng pumalit sayo.
Sa buhay ng mga taong binantayan mo.
At alam ko naman na ramdam mo,
Na ni minsan hindi ka nila naituring na iba gaya ng tao.
Salamat din kina,Sansa,Chester,Junjun, Panda,
At sa iba na hindi ko na nakilala.
Sa isang kaibigan na din nang iiwan,
Diba nga kahit sa paliguan ay kasama ka pa.
At hindi ka naman paborito,
Kasi nasa kwarto ka pag malamig ang klima.
At ngayon nga na wala kana.
Di mo maiaalis ang pangungulila,
At gabi na si Michelle ay lumuluha.
Salamat muli asong mapagkalinga.
mac azanes
Written by
mac azanes  PHILIPPINES
(PHILIPPINES)   
833
 
Please log in to view and add comments on poems