Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Vincent Liberato Mar 2018
Ang mutya ng kaarawan
Sana'y muling masulyapan
Tinig mo'y may dalang katotohanan
Sana'y labis kong mapakinggan

Hiling na sana'y magkausapan
Ang araw na 'yun ay 'di makalimutan
Taimtim na umaasang magkakitaan,
Upang ika'y pasalamatan

Pagca't ako'y muling nabuhayan
Nagapi ang nanlulumong kamatayan
Sa loob ng masidhing kalooban
Ikaw ang nagdala ng matinding kagalakan

May isang sumpang wagas
Kahit na ang araw ay mag wakas
Sa puso ko'y ikaw ang binibigkas
Tuwing ako'y naghihintay sa labas.
A Feb 2016
Ikubli mo ang kasinungalingan
Sa ilalim ng mga basang unan
Dinusta ka na ng ilan
Ano ba ang katotohanan?

Nakangiti ka sa umaga
Ngunit pakiramdam mo'y gabi pa
Tila inaantok pang kaluluwa
Katawan ay naka kadena sa kama

Hindi sapat ang init ng kape
Maski awit ng paghele
Sa silid na madilim
At mga bulong na nakaririmarim

Nakakalulang bangin
Nagpatihulog sa hangin
Pakpak ang maskarang nakatapal
Alay sa mga palalong pabanal
Akala koy ako lang
pero ako pala yung kaibigan lang
yung akala koy ako ang dahilan sa bawat tawa mo
pero ang totoo ay siya pala yung nagpapatawa sayo
Yung mga masasayang pagkakataon
na naging alaala na nabaon mo sa limot
na Akala koy minahal mo ng totoo
pero puso koy pinaglaruan mo
Akala koy totoo ang lahat ng pinakita mo
pero ginamit mo lang pala ako
Yung akala koy mag-isa lang ako
Pero di ko alam na may kakambal ako
Puso koy lumundag nang masilayan ka
pero ang pagsilay mo ang pagbulag sa mga mata ko
Nagbubulag-bulagan sa mga katotohanan
Katotohanang di ko gustong paniniwalaan
Yung Ikaw at Siya ay naging KAYO
akala ko Ikaw at ako para magiging tayo
Pero bakit Naging K yung T?
Yung akala koy ako ang kasama mo sa mga pangarap mo
Kasama nga ako pero bilang taga hanga mo
Akala koy ako ang hahawakan ng iyong mga kamay habang naglalakad patungong altar
ngunit.....
Yung nasa likod ko pala ang yung hahawakan mo
at isa lamang akong bisita sa kasal ninyo.
at sa kahuli hulihang tingin mo sakin nabasa ko saiyong mga bibig ang mga katagang na
"Salamat dahil tinulongan mo ako,iingatan ko siya at pangako di ko sasaktan yung bestfriend mo"
Taltoy Apr 2017
Nandito't nag-iisip,
Dinadama ang hanging umiihip,
Pinagngingilayan tong mga saloobin,
Mga saloobing di sinabi't inangkin.

Pagkat ayaw ko nang mabigo,
Makaramdam ng mga panibugho,
Kahit alam kong di pa 'to ang katapusan,
Ayaw ko na sa kalungkutan.

Ngunit di ko naman hawak ang lahat,
Walang kapangyarihan, di sapat,
Kaya makukuntento na lamang,
Pagkat ako'y mayroon ring pagkukulang.

Kaya heto't nagbabakasakali na lamang,
Sa mga pagkakataong minsan minsan lang,
Upang masabi ko ito sa iyo,
Ang tunay at tanging nais ko.

Nais ko na malaman mo,
Kasama ang tunay na katapatan ko,
Na ika'y mahal ko na,
Huwag ka sanang mabibigla.

Pagkat ito ang katotohanan,
Pagkat ito ang aking nararamdaman,
Ngunit alam ko naman ang tama,
Kaya naisipang naisin at hindi ipakita.
Because I'm a Filipino.
kingjay Mar 2019
Sa panaginip anaki'y nagliwaliw
nakahanap ng pansamantalang aliw
Lumikmo sa tumba-tumba
Pikit ang mga mata, nag-iisip na kung ano ang mangyayari kapag ang lahat ay umayon

Sa madilim na sulok ay inaalala
mukha na walang bahid ng hapis
ang hagap malaya't may kumpiyansa
Wala sa huli ang susuyuin pagkatapos niya

Kapag lumagpas na sa kabataang edad
ang mga buhok ay mangamuti
ang labi'y lumitak
buti pa ang pagka-ulyanin ang unang gumanap
sapagkat sa hilahil ay hirap

Di-pangkaraniwan ang diwa
Labas sa katotohanan huminggil ang wika ng isip
Tulad ng hari sa luklukan
pumapatnugot sa mga kabanata

Ito'y kalutasan ng pagpapanibugho
Tumataghoy sa loob, luha'y bumabalong
Sa init ng dugo sa ugat ng puso, ang buhay nadudugtong
Ang imahinasyon na tila sapala - walang limitasyon
kingjay Dec 2018
Sa siglaw ng pagkapanaw ay lumamlam ang ilaw
Sa dibisyon ng dalawang kaharian ay ang larawan na inalis sa pananaw
na pumitlag-pitlag

Mas malamig pa sa yelo ang istorya kung dadamdamin ang ipinapalitaw
Ang dulo ng kidlat na ipinukol ng langit ay gumawa ng sugat
na dahilan ng antak

Ang mala-tanso niyang buhok paano kakalawangin
Gumaganap ang pag-ibig nang palihim
Darangin sa apoy ng katotohanan sa pagsisinungaling-
nang hindi pagsabi na talagang umiibig

Nahimlay sa kamposanto
Di malikmata ang natatanaw na santilmo na umaalab
Tanglaw sa salamisim na siyang nagrereplek-balik

Ang dyamanteng hikaw ay pawang tala ikinabit sa kanyang tainga
Kariktan ay lalong nadadagdagan
Bumuyo para magnakaw ng halik
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang araw at gabi na hindi ko naiisip ang iyong kalagayan.
May mga pagmulat sa umaga na tila nananaginip ako,
Iniisip ko na nagbago na ang lahat, na sa wakas ay nalampasan
Mo na ang ang iyong hirap na pinagdadaanan.
Mga pagkabigla ng isipan na para bang naalimpungatan lang.
Subalit laging bumabalik sa mga katotohanan na kailangan harapin.
Mga lungkot at kurot sa pusong tanawin, mga sana at mga
Panghihinayang. Puno ng mga pagbabakasakali at pag-asa,
Hinahanap-hanap ang kasagutan sa mailap na katanungan.
Bakit ikaw? Bakit sa’yo pa nangyari? Bakit nagkaganyan ka?
Wala ako’ng ibang hiling kundi ang maging maayos ka,
Na maging malusog at kaaya-aya ka.
Hindi ko hinangad ang yaman ng mundo,
ikaw lang at ang kapatid mo ay daig na ang lahat ng yaman sa daigdig.
Pero ‘hwag kang mag-ala-ala anak ko hindi kita iiwan,
Kailanman hindi kita pababayaan ako’y laging nandito sa tabi mo.
Haharapin natin nang magkasabay ang buhay.
Naalala mo ba ang naghahabulan na mga alon sa dalampasigan?
Masayang masaya ka habang ito’y humahampas sa iyong katawan,
Ganito ang buhay punong-puno ng mga alon.
Kailangan na ito’y harapin, wala ka’ng ibang gagawin.
Ngitian mo ang hampas ng buhay maliit man o malaki ang dala nitong mga alon.
Habang ako’y nabubuhay sasamahan kita sa pagharap mo sa mga alon,
Hindi ka namin iiwan ng ate at mama mo.
Lalabanan natin ang dagok ng mga daluyong,
Sabay tayong tatawid na karagatan ng buhay,
Umulan man at umaraw lagi kitang yayakapin.
Ganyan kita kamahal aking bunso.
Itsyellabeau Jul 2019
Hindi ba ko karapat dapat  ipaglaban— daing ng pusong nahihirapan.
Iniisip ang nakaraan, na ang nilaanan mo ng pagmamahal hindi kayang makipag sapalaran, ni hindi ka kayang ipaglaban. Sa ungos ng gyera laban sa pag iibigan, sumuko ka’t iniwan akong sugatan. Sumama sa iba na walang pag aalinlangan, “hindi mo ba ko kayang balikan?” Sambit ng pusong naguguluhan. Iniisip na ang ating relasyon ay isang malaking kasinungalingan lamang.
Sa tagal tagal ng ating pagsasamahan, unti unti na kong nalilinawan.
Na hindi mo ko minahal, ginamit mo lang ako sa tuwing kailangan **** maibsan ang init sa iyong katawan, tenga na mapagbubuntungan sa tuwing ika’y  nasasaktan.
Nabulag ako sa katotohanan, kalayaan unti unti kong naasam.
Pero bakit mo ko ginamit— ang patuloy na gumugulo sa aking isip.
Dahil ba madali akong magpatawad, na sa isang halik mo lang maayos na ang lahat. Sana ang nararamdaman ko na gusto kong balikan ka, ay kasing dali rin sa gusto kong kalimutan ka.
Gusto kong mahalin ka, pero mas gusto kong kalimutan ka.
Hindi madali, pero kakayanin, uungusin, kakailanganin. Hindi para sa iba kung hindi para sa akin. Siguro panahon na, para ako naman ang piliin hindi ‘mo’.
Kung hindi ng aking sarili.
Taltoy Apr 2017
Sa apoy  nagpaliyab,
Sa puso ko'y nagpaalab,
Mistulang isang mitsa,
Nitong muling pagkamakata.

Ika'y aking kaibigan,
Naging sandigan,
Ngunit sa di inaasahan,
Ika'y nagustuhan.

Di ko sinasadya,
Itong kaginsa-ginsang paghanga,
Ngunit ngayon, huli na ang lahat,
Mula noong ako'y nagtapat.

Pagkat di ko kinaya,
Ako'y nahulog nang talaga,
Ika'y nagustuhan ko na,
Nang di ko inaakala.

Ito ang kasalukuyan,
Ito ang katotohanan,
Ang mundong ginagalawan,
Katoto ko, ako sayo'y may katanungan.
Pagkat walang magagawa ang paghihintay at pag-asa, ngunit ako'y isa ring duwag na minsa'y makapal ang mukha, di ko rin alam kung ika'y matatanong nga.
Minsan nang naging utal
Ang dilang
Pait lang ang nalalasap
At isang kalansay
Sa malamig na sansinukob.

Dumi ng iba’y
Singkong duling
Heto ako’t
Isang krikitiko
Sa mapanglait kong titig.

Minsan nang
Naging kasapi
Ng pagluray sa bayan
matatas ang pananalita
Tangan ko pala ang madla.

Saksi ako
Pati silang kapwang
Panay bulag
Lahat sila
Minsan ding nanibugho
Sa taglay kong kagalingan.

Ibinandera ang sarili
Sa mga lapastangang dayuhan
Ngayo’y sila na
Ang yumuyurak
Ang pumapalakpak
Sa pagsalipadpad
Ng mga letrang
Ibig isuka’t ilabas.

Mapusyaw ang kulay
Ng aking pagbubunyi
Pagkat bibig nila’y
Kandadong mga
Walang susi
Walang kusang palo
Talusira sa katotohanan.

(11/29/13 @xirlleelang)
katrina paula May 2015
Pipigilan ko
Ang bulong ng tadhana
At gagapusin ang tumitibok kong puso
Dahil alam kong ito'y isang paghanga lamang
At napupunan mo lamang  ang aking kursyosidad (sa ngayon)
Ipauubaya ko muna ang daluyong ng 'king damdamin
Sa katahimikan, ibabaon ko ito
Hihintayin kong pumanatag ang rigidon
Dahil walang dahilan para ibigay sa'yo ang pagsinta
Sapagkat ito ang katotohanan sa tadhana nating dal'wa.
*feb 2015
Bluie Apr 2016
paminsan pangungusap
madalas tanong

paminsan nagmumula sa'yo
madalas nanggagaling sa'kin

paminsan kay hirap sabihin
madalas kay sarap pakinggan

paminsan binibitawan
ng may kasiguraduhan
madalas may kalakip
na pagdadalawang isip

paminsan may kahulugan
madalas hindi maintindihan

paminsan walang bakas ng kasinungalingan
madalas di mahagilap ang katotohanan

paminsan tapat at totoo
madalas hanggang panaginip na lamang
inggo Jul 2015
Sabi mo ako ay iyong mahal
Pero nagsinungaling ka ng sobrang tagal
Nagmukhang tanga at walang kamalay malay
Ang mga mata mo sa iba na pala sumusubaybay

Sabi mo ay ako lang at wala ng iba
Tuwang tuwang ako at sobrang saya
Wala palang katotohanan ang lahat
Isa lang ang ating puso, hindi ba yun sapat?

Sabi ko ay kaya kang patawarin
Ang nagawa mo ay hindi na iisipin
Ngunit ayaw **** tanggapin at pilit pinagtabuyan
Dahil ba ang puso mo sakanya na nakalaan?

Sabi ko ay kakayanin ang lahat ng sakit
Titigil na at hindi na ipipilit
Kahit ang dugong dumadaloy na ay alak
Tuloy ang buhay at luha'y hindi na papatak
Rafael Magat May 2015
Hindi ko na kaya
ang nararamdaman
umaapaw, sobra na
sa pag-indak ay nais ilabas
ang pagkahumaling sa
katotohanan na hindi ko na masukat
kung gaano kalalim ako nahulog
*sa iyo
solEmn oaSis Aug 2020
Katorse de Agosto
Ngayong kambal-taon
kaganapan di na wasto
para bang koraL sa taLon

Pinigilan kong huwag humawak ng pLuma
ngunit sadyang malapit sa akin ang tugma
na tila ba regalo Lulan sa loob nitong papel de hapon
Ako'y napasulat at tuluyang humugot sa mahiwagang kahon

A-kinse na pala, akin ngang namalayan
Alas-dos impunto nang relo aking tiningnan
Bagamat nga dahil sa ang hapag-sulatan ko ay kapos na
Hindi naman ito ang kataposan para sabihing ang tula ko ay tapos na...

Makandadohan man tayo sa pintoan ng kapalaran
At itrangka sa atin pati na ang bintana ng tadhana
MagiLiw pa rin akong bumabati sa bawat isa na makababasa
sa tulong nitong teknolohiya sa panahon ng pandemiya...

Kamusta na po ba kayo?
sa bagong normal na pamumuhay
Ikaw, ako, siLa... Lahat tayo !
Gawin pa rin nawang pormal itong ating buhay

Hindi man nga natin ngayon nakikita yaong kalaban...
Kinikita pa rin naman maituturing nating kaibigan !
" Siya ang Liwanag, ang tamang daan sa katotohanan at ang  B U H A Y  "
hanggang dito na lamang, hanggang sa muLi, nagmamahal... TULA~Y

© 08/15/20
solEmn oaSis
in times of pandemic
merely don't panic
for there is harmony
in every U N I T Y !
Agust D Jan 2022
ikawalong baitang nang ika'y makilala
isang diwatang nag-anyong dalaga
tila'y isang biyayang hatid ni Bathala
handang maging alipin na itinalaga

isang reynang naligaw sa isang kaharian
ako'y iyong kawal na handa kang pagsilbihan
ikinagagalak kong ako'y 'yong manduhan
walang mali sa 'yong kagustuhan

ngunit kasabay ng paglipas ng bukang-liwayway
tadhana nating dalawa'y biglang nabalutan ng lumbay
nagsimula tayong matatag at dalisay
ngunit ang daan nati'y nagkahiwalay
at tuluyang nabalot ng kulimlim ang huwad kong buhay

sana'y noong una pa lamang ay niligawan na ang Paraluman
nang hindi sa isang mahapding katotohanan
na ngayo'y pilit na binabalikan
ang pagsikat hindi na muling mahahagkan

kung iadya man ni Bathala na ika'y maligaw
sa isang kahariang mapurol at maginaw
hahanapin ko ang kaisa-isang kaharian na ang reyna ay ikaw
Tatlong Daan at Animnapu't Limang Tula para kay Mayari: Ikaunang Pahina
Stum Casia Aug 2015
May paligsahan ng palakasan ng palakpakan sa Batasan Complex.
May pabuyang naghihintay
sa mapuputulan ng kamay
kakapalakpak kahit palpak at sablay.  
Pabayaang maglaway ang mamamayan sa kaunlarang  ibabandila.
Hayaang mabilaukan ng kathang-isip ang mga pasilyo,
wawalisin na lang ito mamaya
o bukas kapag iba na ang usong balita.  
Kapag kasuotan na ang pinag-uusapan.

Madulas kayong lahat sa nasayang na laway.
Naghahanap ng away ang hindi pupuri.
Ang hindi sasamba.

Ang ayaw sumama sa pagsimba sa katedral ng kasinungalingan
pagugulungin sa labas ng bulwagan.
Walang puwang ang katotohanan kaninong palad man ito nakasulat.  
Kaya’t huwag itong iladlad.
Huwag itong itambad.

Huwag hubaran ang matagal nang nakahubad.

Ibibilad kayong mga bastos.
Iiwas sila sa pakikipagtuos,

dahil mas matigas pa sa mukha nila ang inyong katwirang
huwag sumali sa paligsahan.

Dahil ang masigabong palakpakan ay nakalaan sa sambayanang lumalaban.
Eugene Sep 2018
Kuntento na akong hanggang sa mga text na lamang ko maipaparamdam
na mahalin ka kahit alam kong kabundukan at karagatan ang sa atin ay namamagitan.
Kuntento na ako na kahit hindi tayo nagkikita nang personal,
alam ko sa sarili kong minahal kita kahit distansiya ang naging malaking hadlang.

Ngunit...

Bakit tila ba ang pagiging kuntento ko ay may kaakibat na kaba sa aking kaibuturan?
Nagsasabi ka ba ng katotohanan o ang mga hinabi **** salita ay pawang walang katotohanan?
Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing ikaw ay nag-aalinlangan
sa mga tanong kong naghihintay lamang ng iyong mga kasagutan?

Bakit hindi mo sabihin na lamang na ikaw at ako ay hanggang dito na lang?
Bakit hindi mo sabihin ang mga katagang wala namang tayo kahit noon pa man?
Bakit hindi mo sabihin sa akin na ako ay bahagi na lamang ng iyong nakaraan
at pinuputol mo na ang ano mang sa atin ay namagitan?
Taltoy May 2017
Tila papatak na,
Mula sa'king mga mata,
Matang kay lungkot,
May pinipilit ilimot.

Silakbo nitong puso,
Pusong nagdurugo,
Di alam ang dahilan,
Di alam ba't nasasaktan.

Pinukaw ng sakit,
Kalungkuta'y iginiit,
Di alam kung bakit,
Ganito pala ka pait.

Ang katotohanan,
Ang sagot sa katanungan,
Ang tanging nagdulot,
Ng poot na sa puso ko'y nanuot.

Paano ko ba papakawalan?
Kapag wala nang maramdaman,
Huli na ba ang lahat?
Ito ba ay nararapat?

Ito ba ang mapapala ko?
May nadadama pa ba ako?
Ang sagot ay isang "Oo",
Patunay ang mga luha kong dumaloy muli dahil sa'yo.
Eugene Feb 2018
Tama na! Tama na ang mga pagtangis.
Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso.
Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon.
Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta!

Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba?
Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan?
Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan?
Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang?

Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin,
at bigyan ng pagkakataong
patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon?
Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito?

Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin?

Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila!
Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko.
Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit.
Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako.

Tama na!
Tama na ang mga baluktot na katwiran!
Tama na ang mga salitang iyong binibitawang
Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan.

Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba,
Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila?
Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba
kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan?

Saan ka nga ba nagkamali?
Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo?
O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita
Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
She-wolf May 2019
Sa bawat oras na kayakap kita,
Piling mo'y palagi kong ina-alaala.
Sa bawat oras na nagsasalita ka,
Mga ibinibigkas mo'y pawang musika sa aking tenga.

Sa bawat oras na tinitigan kita,
Para akong nasa langit nakatulala.
Pero lahat na ito, totoo nga ba?
Hindi ba tayo nilalaro ni tadhana?

Gugustuhin ko man maniwala,
Ano pama'y aking magagawa?
Kung lahat na ito'y isang panaginip na gawa-gawa?
Nagmamaka-awa ako ****-usap ko'y dinggin niyo na.

Sa bawat oras na kasama kita,
Palagi kong itinatanong sa Maykapal,
Ito na ba talaga?
Ikaw na ba talaga iyan?

Ngunit noong hinawakan ko ang kamay mo,
Bigla akong nagising sa katotohanan.
Lahat lang pala iyon ay isang panaginip lamang.
Ah, tama ang hinala ko.

Hindi nga talaga pwede na maging tayo.
Kase alam ko na ang ikaw at ako.
Ay isang kalokohan na gawa-gawa ko.
Isang walang kwentang kathang-isip na gawa ko.

Ah, kaya pala nagising akong luhaan.
Dahil binigyan ako ng isang magandang kasinungalingan.
At sa pagmulat ng aking mata,
Binigyan ako ng isang mapait na katotohanan.

Bakit ko pa ba napaniginipan iyon?
Kung alam ko na sakit lamang ng puso ang makukuha ko.
Hay naku! Ang sakit ko namang managinip.
Isang napakasakit na mapag-isang panaginip.
Jeremiah Ramos May 2017
Sabi nila, kapag napapaginipan mo ang isang tao,
iniisip o naaalala ka nila o kaya sila ang naiisip at naaalala mo.
Pinili kong hindi maniwala sa mga sabi-sabi
kasi napapaginipan kita tuwing pinipilit na kitang kalimutan.
Tila bang pinapaalala ng mundo kung anong nawala sa'kin.

May mga gabing hindi sumasagi ang pangalan mo sa isipan ko bago matulog
Ngunit ipapaalala muli sa panaginip,
ipapaalala kung gaano ako kasaya tuwing makikita ka,
ipapaalala kung gaano tayo kasabik ikuwento ang araw ng isa't-isa,
ipapaalala ang mukhang natutunan kong mahalin.

At sa isang iglap, magigising ako, alas-kuwatro ng madaling araw,
kasabay ng pagmulat ng mata, ang mabilis na tibok ng puso at tumatagaktak na pawis na parang kakatakas lamang sa isang bangungot.
At kasunod nito ang malalim na buntong-hininga.

Ibang klaseng katahimikan ang sasalubong sa'yo kapag alas-kwatro ng madaling araw,
Rinig ang bawat segundo sa orasan,
ang bulong ng mahinang volume ng TV na iniwanan **** bukas.
Walang mga busina, walang humaharurot na motorsiklo,
at walang boses na magtatanong kung binangungot ka ba.
May mga katotohanan din na parang mas nagiging totoo,
Halimbawa, ang katotohanang hindi mo na ako napanaginipan simula noong gabing ako'y iyong nakalimutan.

Sa kabila ng dilim at katahimikan,
Naiwan akong nakatulala
Iniisip kung alin nga ba ang mas gugustuhin
ang panaginipan ka tuwing makakalimutan ka
o makalimutan ka hanggang sa panaginip.

Nalaman ko ang sagot
sa mga gabing sinusubukan kong kalimutan ka.
Dapat hindi ko talaga isusulat 'to.
shet
Taltoy Feb 2018
Taong dalawang libo't labimpito,
Sa ika-14 ng Pebrero,
Ako sayo'y nagtapat,
Mga kinikimkim, isiniwalat.

Ang sabi ko noon,
Hinahangaan kita,
Ang sabi ko noon,
“sayo ako'y nahalina”.

Ang sabi ko pa,
Mas mabuting iyong isawalangbahala,
Ngunit isang mali ang ‘king inakala,
Inakala kong ako'y madededma.

Sa isang taong nagdaan,
Ano kaya ang nagbago?
Sa isang taong nagdaan,
Sino ka na nga ba sa paningin ko?

(Mag-ingat at Iyo sanang ipagpaumanhin ang mga susunod na kataga ay rated SPH, sobrang patay huya. Ahahahah)

Sayo, may sasabihin akong sikreto,
Alam mo bang hulog na hulog na ako sa'yo?  (Haaaaaaayst)
Di ko na alam kung ang lahat nga ito'y paghanga,
Dahil ngayon, ika'y minahal ko na yata.


Alam kong tila maling sabihin ang katagang “mahal”,
Sapagkat walang nakatitiyak ng tunay na kasagutan,
Ngunit sa isipan ko, di ka na matanggal,
Ano pa ba ang kahahantungan?

Sa isang taong lumipas,
Di ako nagsisi,
Sa isang taong lumipas,
Nagpapasalamat ako sa mga nangyari.

Sa simple kong pagtatapat,
Nang damdamin koy aking isiniwalat,
Pinatay man ako nga kaba,
Ayos lang, bastat para sayo sinta.

Ang isang taon koy naging makulay,
Ang isang taon koy napuno ng katuturan,
Ang isang taon koy nabigyang buhay,
Sa muling pag pintig ng puso kong nasayo na nang di ko namamalayan.

Mapait man ang katotohanan,
Walang “tayo” sa kasalukuyan,
Subalit puso ko'y tumitibok parin para sa'yo,
Kaya kung papayagan mo, maaari ba kitang masuyo?
Pintig, pintig ng puso kong umiibig
Nat Lipstadt Mar 2014
a fair question, deserving of thought,
goodly soft care and hard consideration,
strangely, instantly and undeniable,
one worldly, word achieves *******

whether first or foremost,
après ma raison d'être,
cannot list, nor rank or certain state,
yet my heart repeats, nation, nation,
my understanding, instant and complete

worthy journey to self-fulfillment,
contentedly unhappy to be permanently,
one poem short on the one continuum,
the-road-trip to salvation,
my end, my finality / our self-acualization

aking pagtatapos, ang aking katotohanan
my einde, my realiteit
fen m 'yo, reyalite mwen
akhir saya, realiti saya
ma fin, ma réalité
M
write of the ifs of a man's life,
and come aboutface to conclusions,
instant and long in the making,
there are willing ears on this globe,
welcoming me open armed, opened lipped,
knowing firstly this open-eyed greeting,
welcome poet, tell us

for we are one nation, everywhere invisible,
indivisible with liberty and justice inherent,
creation our common good, in fact it is our
lifelong wares and goods, letter by letter composing,
we sell for the price of free

This then single common currency,
our ouro, derivation of
languages multi and mellifluous here spoke,
this my/our nation where birthright and
citizenship ego-and-geo boundless,
my loves, continentally arrayed,
to whom I pledge until last breath
utter all, guttural devotion

when one of us creates,
good manifests, I care not
in what tongue,
for our tongues
intertwine and intertaste
this one flavor,
communitas,
meine gemeinschaft, meine gesellschaft
where spoken
goodness all the days of life,
it has goodly gotten me to you...
inspired by an overheard conversation on Facebook between two poets, and this article about Robert Frost asking, can bad people write poetry.

This poem is dedicated to the so, so many good friends, in my life now attained, on continents near and so far away, of you I thought first, first, when this question, self-imposed interrogatory,  demanded answers.

http://online.wsj.com/news/articles/SB10001424052702303650204579376813629376986?KEYWORDS=Robert+frost&mg;=reno64-wsj

if you cannot open the article, I will send if one asks..

Filipino, Afrikaans, Haitian Creole, Malay, French
Lev Rosario Mar 2021
Hindi ko tinatanggap
Ang aking katawan
Hindi ko tinatanggap
Ang aking isipan

Panginoon, ibalik mo ako
Sa loob ng aking ina
At muling buoin
Buoin ng tama

Hindi ko naiintindihan
Ang mundong ginagalawan
Hindi ko naiintindihan
Ang sayaw ng magkasintahan

Panginoon, bigyan mo ako
Ng bagong pagkakataon
Na mabuhay ng matiwasay
Na makasabay sa mga alon

Hindi ko maiwasan
Na umiyak sa kalye
Hindi ko maiwasan
Na manalangin ng mali

Panginoon, bigyan mo ako
Ng tahanan
Kung saan ako'y mabubuhay
Sa aking katotohanan
Ang matinis na tinig ng isang libong nagkakalampagang bakal na maninipis ang tumili mula sa gilid ng 'yong ulunan,
Umaga na naman.
Mauuna ang pagbangon mo mula sa kama kaisa sa pagmulat ng iyong mga mata't pag-gising ng iyong diwang pagal sa 'di maalalang panaginip.
Ang hangin ay umihip--
Mula sa bintanang kumakaway gamit ang mga kurtinang bughaw sa paglisan ng gabi sa pagkamusta ng masalimuot na umaga.

Pumipihit na naman ang oras.

Pinanonood mo ang pagputok ng bawat bulang nabubuo mula sa pag-ugong ng kaldero buhat ng initsigan,
Bagay na 'yong kinaiinggitan.
Ang natatanging paraan para mapainit mo iyong umaga ay ang paglaklak ng kapeng 'sing pait ng pagiisa.
Tapos maliligo ka,
Pipihitin mo ang gripo para bumungad sa'yo ang nagyeyelong tubig na kumikitil sa 'yong kakayanan makaramdam.

Sana kumukulo rin yung tubig.

Pinanonood mo ang pagdating at paglaho ng mga pangitain ng isang 'di makatarungang siyudad ng maralita't dukha.
Paano pa nila nagagawang ngumiti?
Ika'y naririndi sa malalim na pag-ungol ng mga sasakyang minamaneho ng mga diwang humihiyaw sa pagkakakulong,
Sa pagkaubos ng oras.
Sinusulit mo ang ilang saglit na ang tanging suliraning iyong sinusumpa ay ang pagkahuli sa klase't mga responsibilidad.

Pagkakataon na naman ng buwan.

Huminga ka ng malalim bago mo nilapat ang 'yong palad na 'sing gaspang ng gasgas na pinto ng iyong bahay,
At dahan-dahan mo itong tinulak.
Nilanghap mo ang kulob na amoy ng hanging 'di magimbala sa segundong umapak ka sa loob ng yung 'di maturing na tahanan,
Isinara mo ang pintuan.
Kasabay nito ang pagsara mo ng iyong sarili sa buong mundong tanging inaalala lamang ang kanilang mga sarili.

Bumuhos ang iyong mga luha.

Ang iyong katawan ay nanginginig, ang isip ay nangingimbal at ika'y nangingimi sa kawalan ng katotohanan--
Ng 'yong pagkatao.
Maririnig **** umuugong ang iyong bulsa't napagtantong may nangangailangang marinig ang iyong boses,
Tumatawag si Mikoy.
Sa pag-sambit niya ng iyong pangalan ay napawi ang bumubagyong luha't naglaho ang unos ng 'di maintindihang lungkot.

Sa pagkakataong iyon, saka mo lang sinabing nakauwi ka na.
Check out more of my works on: brixartanart.tumblr.com
Cathleen Sy Jul 2018
Hustisya para sa amin,
Pakinggan ang aming mga dalangin.

Pera ang nagmistulang daan para mamulat sa katotohanan,
Na ang aming kinakasama sa araw araw ay nagbabalat kayo.

Ipinangako at ibibigay ang lahat para sa’yo,
Ngunit nasaan na nga ba ang ito?

Ngayon pinagsisihan na ang lahat,
Marahil hindi na alam kung sino sa kanila ang tapat.
Eindeinne Moon Sep 2020
Ang kalayaang ipinagkait sa akin ng tadhana,  
ang kalayaang gumala na naglaho parang bula.  
Singlayo ng mga tala, hindi maabot,  
nawala dahil sa isang pagkakamali—  
isang pagkakamaling hindi sinasadya.  

Ngunit ang pagkakamaling iyon,  
nauwi sa paulit-ulit na pagkakasala,  
hanggang naging bahagi ng bawat araw.  
Dalawampung taon akong nabuhay  
sa mundong walang tiwala  
mula sa aking mga magulang.  

Ilang beses kong binalikan  
ang mga tanong,  
nagbabakasakaling hanapin ang sagot.  
O, kalungkutan, lubayan mo na ako!  
Naririnig ko ang ulap, umiiyak,  
pumapatak ang luha nito.  

Ang kanilang tingin sa akin—  
isang nilalang na walang halaga,  
isang pagkakamali na kailanman  
ay hindi mababawi.  
Hawak ko ang katotohanan—  
ang katotohanang natatakot akong tanggapin.  
Balang araw, tatawagin akong salot sa lipunan.  
Milyon-milyong mata, tenga, at bibig  
ang naghusga sa akin,  
tila alam ang bawat lihim ng aking pagkatao.  

Sa pagitan ng pag-alis at pagbalik,  
paaralan man o klinika ng espesyalista,  
ang paghihintay ay tila isang habambuhay.  
Limang taon kong idinalangin sa Diyos  
na tupdin ang aking hiling,  
at nangyari nga.  
Ngunit kahit nakakulong ka na,  
hindi ko magawang maging masaya.  
Pagkakamali nating dalawa ito,  
ngunit ikaw lamang ang pinarusahan.  

Ikaw ang naging katahimikan  
sa maingay kong mundo.  
Ngunit nang muli kitang makita,  
sa presinto, harap-harapan,  
tila apoy ang bumalot sa kapaligiran.  
Tanim na poot at galit  
ang bumalot sa aking puso.  

Sa pagtulog ko,  
rinig ko ang tiktak ng relo.  
Minsan, nilaro ako ng panaginip—  
kasama raw kita.  
Gising, natutulala ako,  
nalulunod sa lalim ng iniisip.  

Sa gitna ng pagbalik-tanaw,  
nananatili ako sa kama,  
hinihintay ang sagot  
sa mga tanong ng aking isipan.  
Sapagkat ang buhay,  
tulad ng gulong—  
minsan nasa itaas,  
minsan nasa ibaba.
Marg Balvaloza Jul 2018
Sinong mag-aakala
Na doon, tayo ay magkakakilala
Una kang masilayan,
Wala akong ibang naramdaman
Sa gilid ng aking mata
Ika’y aking nakikita
Halos magkatabi
Iisang upuan lamang ang pagitan.
Sinong mag-aakala na tayo ay iisa;
Iisang Diyos pinaglilingkuran, iisa ang pinaniniwalaan
Sabay umawit, nagpuri sa Panginoon
Na alam nating tapat mula noon hanggang ngayon.
Sinong mag-aakala na sa paglipas ng isang linggo
Sa dating lugar, tayo'y muling nagtagpo
Walang muwang, mga hakbang ko'y patungo pala sa'yo
Labi nati'y ngumiti nang ang mga mata natin ay nagsalubong.
Lumipas mga araw,
Ika’y akin paring natatanaw
Nakasama, nakausap, at higit na nakilala
Ikaw ay maalam,
Nabigyan ng kakayahan
Magsalita, mangusap tungkol sa katotohanan.
Sinong mag-aakala na damdamin ko’y makukuha mo
Ang aking atensyon ay hindi na maialis sa’yo
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo,
Tila ang tinig mo’y nagsisilbing musika sa pandinig ko.
Sinong mag-aakala na ika'y gugustuhin ko,
Makasama sa tuwina,
Galak, tanging nadarama
Tunay nga’t ang pinagsamahan
ay hindi nasusukat,
sa kung gaano na katagal magkakilala.
Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ikaw pa rin ay kasama ko
Sa panahon at oras na minsa'y gipit na gipit na ako
Tinuruan, nag-iba ang pagtingin ko sa mundo
Naging positibo sa lahat ng aspeto.
Sinong mag-aakala na ikaw ay aking makikilala
Landas na nagtagpo nang dahil kay Bathala
Panahon ay susulitin, hindi mamadaliin
Upang sa huli ay hindi tayo mabitin!


© LMLB
"Sa gilid ng mga mata tinitignan kita."
-
Can't believe I met you exactly a year ago and I'm so happy to say that I'm still with you. For more years to come! Thanks for the companionship. I'm going to keep it, just this way. // 04.03.18
aL Feb 2019
Malaya ang iyong kaluluwa na makasama ang mga naturing **** bahaghari ng iyong buhay, magpakasagana ka sa katuwaan, ngunit huwag palilinlang.

Mga mata **** huwag sana paaalipin sa hindi makatarungang kanilang nakikita. Higit pa sa makikita mo sa salamin ng iyong pagkatao, ang unang hakbang ay iyong pagkilala sa iyong sarili. Ngunit huwag palilinlang.


Kamay mo nawa ang siyang unang magaakay saiyo sa paggawa ng tama, magtatapon rin nawa ng lahat ng bakas ng kasamaan, at huwag kang palilinlang

Ang iyong isip ay gawing mapanalig sa pawang makatarungan lamang, ilayo ang iyong sarili at bigyan ka nito ng kasarilan nang hindi ka malinlang.

Kapwa, isa ka sa kaunting dahilan ng ating pagsibol. Magsisimula sa iyo ang pagbabago. Huwag nang hanapin pa ang katotohanan, sapagkat nariyan na sa iyong harapan.

Huwag itapon ang biyaya at karapatang maka-kita ng tama, maka-tutol sa kamalian, maka-pigil sa nangaapi at maka-gawa ng mabuti.
elle Sep 2024
sino nga ba satin ang uto-uto?
madaling naniwala sa tukso  
‘kay lambing at malumanay
subalit iyong mga pangako'y
hinulma sa matinik na katotohanan

sino nga ba satin ang uto-uto?
napaniwala sa pantasya
ng pagmamahalang
dapat na mapagpalaya

ako ba ang uto-uto?
isinumpa ng mga tendensiya
ng uring pinagmulan
isang kabalintunaan
sana’y mabalikwas
ngunit matigas ang aking ulo

ikaw ba ang uto-uto?
pero  
ikaw lamang ang makakasagot
sapagkat ito’y sulat sa hangin,
mga hinanakit at
sumpa na di makakaabot
sa iyo

ako yata ang uto-uto
napaniwala sa iyong
malalambing na tukso
dahil kahit ako'y nabudol
ng isang pagmamahalang mapagtaksil
ika’y hindi
mabitaw-bitawan
di ko alam kung sapat na sakin ang ganito dahil gusto ko pa maramdaman ang iyong mga kamay sa aking mga pisngi
111322

Sa mga lirikong wala pang tono
Ay aking ipamamalas ang Iyong Kagandahan —
Kagandahang ni minsa’y hindi pa nasulyapan
Bagkus kusang hinahanap-hanap.

Ang matatamis **** Salita
Ang aking baon buhat agahan hanggang hapunan.
At mauhaw man ako o magutom sa daan
Ay alam kong Ikaw ang sagot
Sa bawat katanungan at kakulangan.

Ang pagdampi ng bawat lubid sa aking mga daliri
Ay katumbas ng paghehele Mo sa akin sa gabi —
Sa gabing palaging puno ng bituin ang kalangitan
Na pahiwatig ng maigting **** pag-ibig
At walang katapusang pag-iingat
Sa puso kong puno ng galos sa bawat araw.

Ang likidong sining sa aking mga mata’y
Palatandaan na ako’y isang mahinang nilalang
Na nagnanais ng Iyong pagkalinga’t pag-aaruga.

At ako’y uhaw pa rin sa katotohanan
Bagamat ilang beses ko nang nilisan
Ang mga baitang ng edukasyon
Na isang panimula lamang
Sa yugtong ito ng sarili kong kasaysayan.

Takpan ko man ang aking pandinig
Ay hindi ito balakid sa paghirang Mo sa aking ngalan
Na tila ba Iyong hayagang binabanderya
Na ang pagkatao ko’y may halaga
Bagamat ako’y may hindi sapat na pananampalataya.

At sa katunayan pa nga’y
Ikaw ang humihila sa akin pabalik
Sa mga lirikong akala ko noong una’y
Ako ang may akda
Ngunit maging ang hininga ng mga letra’y
Tanging Ngalan mo ang isinisigaw -
Syang salamin sa'king Tula.
AL Marasigan Jul 2016
"Noong ikaw ay unang makilala, mundo ko ay nag-iba
Isip ko ay umariba, puso ko nama'y tumaba.
Sa ganda **** taglay, ako ay napalupaypay.
Titig ng iyong mata'y, binura ang dala-dalang lumbay.
Buhay ko ay lalong sumaya nang makita kita,
Pero ano itong nadarama, pag tumingin sayo'y natutulala.
Hinanap ko ang dahilan at sa wakas ito'y natagpuan.
Ang inaasam-asam na katotohanan ay aking nahanap.
At nang ito ay nahagilap, nabigla ako't napakurap.
Sa sandaling bumukas ang mata ko'y, ikaw ang nakita.
At doon ko napagtanto, gusto na pala kita."
-A.M.
Pusang Tahimik Mar 2020
Halika't dadalhin kita sa palasyo
Ipagbibihis kita't ipagluluto
Ang lahat ay tatalima sayo
Sapagkat ikaw ang reyna sa palasyo

Walang suliranin na darating sa atin
At ang lahat ay magiging atin
Ang lahat ay magagawa natin
Maging ang oras ay susunod sa akin

Lilikha ako ng maraming bituin
Ang lahat ng iyon ay kaya Kong bilangin
Madali kahit maging ang buhangin
Dahil hawak ko ang oras natin

Hindi ka luluha at masasaktan
Dahil tatangalin ko ang kamatayan
Hinding hindi kita pababayaan
Kahit magising pa sa katotohanan

Halika na at tayo na ay uuwi
Sa kaharian kong ako ang hari
Pangakong hindi ako hihikbi
Sa pagka gising ko sandali.

-JGA
021816

Minsan, nagsasalita ang mga lata
Napakaingay at mistulang sirang plaka.
May yugyugan pa
Ng mga baryang hindi mabilang-bilang.

Ang latang nanahimik, kikibo rin pala
Pag tinapunan ng barya,
Kakalansing siya.
Hawak ng nanlilimos ng simpatya,
Ngunit sino siyang taya?
Waring nagsisipilahan pa sila
Sa pagtapon ng sentimo
Na tila baga lahat ay uhaw sa pansin.

Kapag binigyan mo,
Kakapit sila sa damit at magmamantsa
May bakas ng mga kamay
Kaya't sila'y wagi sa panlilimos.

Kaya't minsan, hindi ako naaawa sa kanila
Pagkat pagbubulaslas nila'y walang kasiguraduhan.
Saanmang anggulo,
Hindi masiyasat ang katotohanan.

Sila mismo, gulung-gulo sa kabuuan
Ni hindi tiyak ang nilalaman
At kuwento'y niyupi-yupi,
Buhay sa kanya-kanyang kalupi.
Tunog-lata nga naman.
Grabe ang away sa social media ngayon ukol sa LGBT at kay Pacman. Dagdagan pa ng mga maling anggulo na gugulo sa isipan ng bawat Juan. Minsan nga naman, kapag tumayo ka sa tama, titirahin ka.

Social media nga naman, syempre para kumita sila. Ipagdasal natin ang bayan natin.
kingjay Jan 2019
Pagkat isang malaking duwag, hindi umaamin at nagpapaliwanag
May pagkulog at pagkidlat sa isang oras
Di nasabi ang katotohanan
Paano pa kaya ipaglaban

Ang kasalanang pampag-ibig
ay habambuhay dadalhin
Tulad ng lumalagos na liwanag sa salamin
Uyayi para sa puso na maghihimbing
sa kawalan
Dalawang paru-parong itim ay naintindihan - ang namayapang ama at pagsinta

Nang kinabukasan nasilayan pa ang bituin
na nagpuyat sa kadiliman
Ang susunod na silahis ay iba na ang ipapahiwatig

Nagtungo sa bundok ng Maida-as
Nagtawid ng ilog at kaparangan
Nasunog ang talahib  na dinaanan
Sa yungib gaganapin ang totoong anyo ng kasalanan
Maging karahasan ay pumipigil sa mga hakbang

Doon nagtapos ang talambuhay - talampag-ibig
Sa kapasyahan na ang dilim ay siyang maghari
Ang pagkukulam ay balak isagawa
Sa kalauna'y di itinuloy
Ara Mae Apr 2020
Napakatamis ng mga umaga na ang bumubungad sayo ay ang kaniyang magagandang ginawa, at sa gabi baon-baon mo ito hanggang sa paghimbing.

Nang natutunan ko ang tunay na halaga ng pagsamba, natuto din ako puso na tumibok at magmahal ng totoo.

Nagmamahal ako kaya ako nakatayo ngayon sa inyong harapan, pero bago ang lahat ng ito, may nagmahal muna sakin kaya ko nakayanang tumayo rito.

Sa paglipas ng buhay, ng dahil sa pagmamahal na nag uumapaw at hindi mapantayan, lahat ng salita, kilos, gawa o akda hatid ko ito sakaniya bilang pagsamba.

Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsayaw, hindi lang sa pag tayo rito sa kinatatayuan ko ang tunay na pagsamba, dahil ang tunay na pagsamba ay mula sa ating ginagawa na ating isinasapuso para sakaniya.

Maraming paraan para ang Diyos ay ating mapasaya, kaya huwag kang mag alala, malambot ang puso niya basta’t lumapit ka lang ng may pusong mapagkumbaba.

Magtiwala ka, dahil nakikita niya ang bawat galaw, naririnig niya at bawal salitang iyong sinasambit kapag ika’y nagdarasal o kahit umaawit.

Minsan tayo’y nahihirapan sumamba lalo na kung ang ating puso ay punong puno ng galit, sakit at mga tanong na bakit na dahilan ng ating paglayo sakaniyang piling pero mali, bakit tayo lalayo sakaniya kung alam nating siya lang ang makapag pa paalis ng galit, makapag pa pagaling sa sakit, at makaka sagot sa mga tanong na bakit, pero kung hindi mo alam to, sinasabi ko sayo, totoo, huwag kang mahiyang lumapit sakaniya dahil nakikita niya ang lahat ng ito.

Alam mo, tatanggapin ka parin niya kahit minsan inisip **** tumalikod sakaniya, kahit minsan, mas pinili mo pang makasama ang barkada, buhat buhat ang mabigat na problema diyan sa iyong puso, iniisip mo ito ang sagot sa problema mo pero hindi. Mas dapat piliing lumapit sa pinagmulan ng iyong liwanag sa buhay dahil siya lang ang makagbibigay ng ilaw kapag ang iyong buhay ay nagdidilim na.

Ang lahat ng ito’y nararapat lamang para sakaniya, dahil inalay niya ang kaniyang buhay, naglakad ng duguan, ipinako sa krus kahit walang kasalanan. Hindi siya sumuko, hindi siya huminto, ipinagpatuloy niya ang lahat ng ito para ilagtas ka, ako, tayo.

Ang pagsamba, hindi lang sa ginagawa ko sainyong harapan, ito rin ay ang pagtitiwala sa Panginoon na siya’y magbibigay ng kasagutan sa ating mga kahilingan.

Nasasabi ko lahat ng ito dahil binuksan ko ang aking puso’t isipan sa bagong kaalaman, hindi tungkol sa matematika, dahil pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo ...... namulat sa katotohanan at nagkaroon ng pagbabago sa buhay, ang Diyos ay nakilala, at binigyan ng kulay ang aking buhay.
Eugene Jul 2018
"STOP THE CAR!" hindi siya nakatingin sa akin nang mga sandaling iyon.

"Please, Amira! Makinig ka naman sa akin. Please?" patuloy pa rin ako sa pagmamaneho ng sasakyan habang nagmamakaawa sa kaniya na pakinggan ako.

"At ano pa ba ang kailangan kong marinig sa iyo, Auther? Sawang-sawa na ako! Stop the car!"  hindi ko siya pinakinggan. Ramdam na namin ng mga oras na iyon ang biglang pagbuhos ng ulan at kakaibang ihip ng hangin.

"Hindi kita susundin hangga't hindi mo ako pinapakinggan, Amira. Please!" at dahil mapilit ako, ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho pero bigla niyang hinawakan ang manibela.

"Mababangga tayo sa ginagawa mo, Amira."

"Kung ito lamang din ang paraan para sundin mo ako ay gagawin ko!"

Nakipag-agawan na siya sa manibela sa akin, kaya nagpagewang-gewang ito. Pilit kong kinokontrol ang kamay niya. Inihaharang ko ang aking kanang kamay dahil inaabot niya ang manibela habang ang aking kaliwa ay sinusubukang iayos ang takbo ng sasakyan.

At dahil madulas ang kalsada dahil sa ulan at patuloy si Amira sa pag-aagaw sa manibela, sa kaniya na lamang natuon ang aking paningin. Hindi namin namalayan ang pagdaan ng isang malaking truck na ilang metro na lamang ang layo sa amin. Nagmadali akong iliko ang sasakyan upang hindi kami mabangga ngunit hindi ko inasahang dederetsi kami sa bangin.

Inapakan ko ang preno nang ilang beses pero mukhang nawalan yata ng preno. Bago tuluyang tumalon sa bangin ang sinasakyan namin ay agad kong hinila ang kamay ni Amira. Hindi ko na hinawakan ang manibela dahil nawala na rin naman ng preno ito. Mahigipit ko na lamang niyakap ang babaeng mahal ko.

Damang-dama ko ang malakas na pintig ng kaniyang puso at hindi na rin mapakali ang isipan ko sa nangyari kaya naibulong ko na lamang ang mga katagang kanina ko pa sana sinabi sa kaniya.

"Humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko, Amira. Hindi ko sinadyang malaman mo ang katotohanan tungkol sa totoo kong pagkata--na bakla ako. Kahit na hindi mo alam ang buong kwento, ninanais ko pa ring sabihin sa iyo na kahit bakla ako ay naging tapat naman ako sa iyo. Ikaw lang ang babaeng una at minahal ko sa buong buhay ko. Mawala man tayong dalawa ngayon ay masaya akong mayakap ka at masabi sa iyo ang mga katagang--mahal na mahal
na mahal kita, Amira."


Matapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya sa akin. Doon na rin namin naramdaman ang paggulong-gulong ng sasakyan pababa. Hindi ko siya binibitawan kahit pa pareho naming napapakinggan sa loob ang unang tatlong linya  sa liriko ng kantang Passengers Seats ni Stephen Speaks.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car

Sa huling paggulong ng sasakyan ay nasa ibabaw ko na si Amira at muli naming niyakap nang mahigpit ang isa't isa hanggang sa isang matulis na bagay ang tumusok sa likurang bahagi ng aking puso na tumagos sa puso ng pinakamamahal kong si Amira.
Monique Pereda Aug 2022
Kahoy na inaanay
Barko na butas
Lumulubog ng marahan
Kinakain ng dagat

Sugat na nagnanaknak
Balat na inaagnas
Nauubos na dugo
Sinisipsip ng linta

Prutas na nabubulok
Nabubulok ang lamang loob
Malansang amoy na umaalingasaw
Uod na lumalamon sa laman
Tahimik na pumapatay
Ngumunguya ng palihim
Sinisira ang malusog na anyo
Ang anyo ng huwad na katotohanan

Nakasusuklam, nakasusuya
Nakasusuka, mapait na lasa sa labi
Ngunit walang luhang itatangis
Hindi maghihinagpis
Hahayaang mabulok
Hahayaang mamatay

— The End —