Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bianca Tanig Nov 2016
"hindi pa pala ako handa"

yan, yan ang mga katagang binitawan mo sakin 'nung gabing ika'y nagpasya
nung gabing ika'y nagpasyang manatili na lamang tayo sa pagitan ng magkaibigan at hindi magka-sinta

parang isang hampas ng alon na lumunod sa'kin mula sa dalampasigan na tila nagpahinto sa aking paghinga,
tulad ng ihip ng hangin na pumapatay sa apoy ng kandila,
ang siyang pagbitaw mo sa mga salitang
"nasanay na ata akong mag-isa"

parang isang eksena sa isang pelikula na tila gusto **** palitan ng mga bagong linya,
na para bagang nais **** gawan ng panibagong wakas,
ang siyang pagsambit mo sa ilusyong hindi kapa ata handang may makasama

oo, ilusyon
ilusyon kong maituturing ang hindi mo na paniniwala sa minsang inakala nating walang hanggan
sa minsang inakala kong hindi mo bibitawan
at susukuan,
tulad ng  noo'y pagkapit mo sa mga palad ko sabay sabi ng "walang iwanan"

naalala tuloy nung minsang sinabi mo
na darating ang mga oras na magiging mahina ka
na baka maguluhan ka,
o matakot ka,

at sa mga pagkakataong 'yon,
ang sabi mo sa'kin,
sana 'wag kitang bibitawan
sana 'wag kitang  susukuan

sinubukan ko,
sinubukan ko naman
sinubukan kong ilaban
sinubukan kong ipaalala ulit sa'yo lahat ng mayroon tayo,
kung gaano katotoo bawat sandali at minuto sa piling mo

ngunit siguro nga'y tama ka sa minsang sinabi mo na lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan

na kahit gaano pa katibay ang pag-ibig na nasimulan at nabuo,
hindi ito magiging sapat para ilaban ang isang bagay na ikaw mismo ay bihag;

bihag sa isang rehas na kumupkop sa puso **** tila nasanay ng mag-isa

manhid na sa kahit anong pakiramdam at tila may mga nawawalang piraso

hindi alam kung saan naiwan o saan hahanapin,
hindi mawari kung gusto nalang hayaan o gusto pa bang buuin,
tanging tiyak na lamang sa ideyang hindi pa handang manindigan sa isang pag-ibig na minsang ginusto mo ring ilaban

hanggang dito na lang nga siguro tayo,

'hanggang dito nalang tayo",
tulad ng kantang likha niyo na hindi ko inakalang ako ang magiging bida dito

na para bagang isang bangungot na tila nagkatotoo ang "bigla" **** pagpili na manatili na lamang "sa pagitan" ng ikaw at ako at lisanin ang pagiging tayo

salamat,
salamat sa maiksing panahon ng pagpaparamdam mo sa akin ng walang hanggan

at sa pinaka-huling pagkakataon,
hayaan mo sana akong sambitin ang mga salitang to
hayaan **** ipabatid ko sa'yo ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong mangyari sakali mang pagtagpuin ulit tayo sa panibagong yugto

na kung sakali mang sa  panahong 'yon ika'y handa na,
handa nang magmahal muli ng buo at walang takot,

pakiusap,
yakapin mo ang pagkakataong 'yon para subukang muli ang pag-ibig na minsang naging atin

kung sa panahong 'yon ay may natitira pa
akong puwang dyan sa puso mo,

pakiusap, sa panahong 'yon ay ilaban mo na ako tulad ng minsang paglaban ko sa pag-ibig ko para sa'yo



"hanggang dito nalang tayo"
hanggang sa muli,
rebelde ka at ako ang iyong sundalo.
renzo Jul 2020
Gumuhit ng tula at sa bote'y inilagay,
Inilapit sa dagat at sa alon ay isinibay.
Sa langit umasa na iyong matangay,
Itong apat na taludtod na sa'yo ay inalay.

Ako ay humihiling, na sana'y 'yong malaman,
At kahit na bitin, aking panghahawakan,
At aking dadamdamin ka at ipaglalaban,
Alon man ay dumating, ako ang makakapitan.

Bundok ay tatawirin, kahit na masugatan,
Dagat ay lalanguyin, pipilitin kong lumutang
Ikaw lamang ay marating, at aking masilayan
Sa mukha mo'y may ngiting, abot sa kalawakan.

Ikaw ay sasagipin, hindi ka pababayaan.
At kahit na palihim, ako'y maaasahan.
Sa'kin ay tumingin, ikaw ay maniwalang,
Na tuwing dumidilim ang karagatan, ikaw ang s'yang liwanag.
isabay mo ang buhay mo sa agos, kumalma't sakyan ang alon.
Sinasalipadpad* ang mga *kalat sa pulitika
Umaalingasaw ang baho ng iilang kandidato
Sa modernong botohan
Tila may iilang selyo,
May mga balotang sanay
Sa may agnas na kandado.

Binaha ang pila ng nanghihingi ng boto
Istratehiya ng isa'y musika sa mga bingi
At may mga bulag na nabibili ang dangal
Iisa lang sana ang daan
Pero may nagwawagayway ng limang daan.

Sa Pula at sa Dilaw
Andaming banderitas.

Alam nyo, kapwa ko
Magising tayo
Mamulat na tayo
Tama na ang bawian-buhay.

Itong Hari ng mga Pula
May tandem na Itim
Dugo't budhi ma'y kayrumi
Hindi kasi pinapansin
Ang Itim ang Hari ng Droga
Panay ang kalat sa Puerto Princesa
Ang Pula ang taga-walis
Tila anghel sa bawat sigaw ng masa
Naglipana kasi ang salapi
Mula sa bulsa niyang binulsa lang din
Nagkabaun-baon sa utang
Itong siyudad na wala noong bahid.

Binayaran pati ang dangal
Hindi lamang ng mga naturingang mangmang
Eh kasi pati yung may rango
Nagpatiwakal na rin
Nanlimos ng barya ng bayan.

Buhay mga kinitil
Kung ang salita ay bibitiwan,
Barilin nyo kami nang talikuran
Habang may hinagpis
Kaming Inang Bayan.

Magwagi ka man Pula
Hindi papayag ang Hari ng Sanlibutan
Patas siyang lalaban sa Bayan
Pagkat siyudad niya ito,
Kaya nga "City of the Living God."

Marami mang pakulo ang partidong Pula
Sana'y Ama, dinggin mo ang mga Anak
Kami'y maralita
Palimos ng pag-asa
Lalaban para sa hustisya.

Mga kamay Mo ang yumapos sa bayan
At basbas Mo'y sa Dilaw
Pagkat ang puso ang Iyong tinitingnan
Hindi ang pagkilos nang walang pagtingala Sayo.

Ikaw ang Maghari Ama
Dhaye Margaux Mar 2016
Salamat sa malasakit, sa araw at gabi
Sa mga oras na kailangan ko ng kakampi
Sa mga sandali ng aking paghikbi
Palagi ka lang narito sa aking tabi

Salamat sa pag-asa, sa patuloy na paggabay
Sa mga sandali ng aking paglalakbay
Hindi ako nag-isa, mayron akong kasabay
Sa hirap at ginhawa, ikaw ay kaakbay

Salamat sa mga salitang aking kalakasan
Naging inspirasyong ituloy ang buhay
Mga mata'y namulat sa katotohanan
Ang mundo'y kayganda at mayroong kulay

Salamat sa lahat ng kabutihan mo
Mayroon ng lakas na mula sa iyo
Anuman ang hamon ng mapaglarong mundo
Maliit man at hamak ay lalaban ako

Salamat, salamat, aking kaibigan
Pag-ibig na busilak aking iingatan
Hanggang sa pagtanda, hanggang kamatayan
Pagkakaibigan ay walang hangganan.
For a true friendship....thank you!
Minsa’y nadako ako sa Kalye Pag-ibig
Marahil walang karatula
Ang mayroon lamang ay iilang linyang puti
Salungat sa kalsada
Siya rin palang tulay sa’ting tagpuan.

Bawat butil ng Kanyang mukha’y
Kumakapit at humihilik sa balat
Sa’king palad, umaapaw ang mga ito
Hihinto pa ba?
Pagkat hindi handa
Ang yerong gawa sa plastik
Na syang bihis-bihis ng kabilang palad.

Maraming yapak, aking naririnig
Ngunit alam kong ang berdeng kulay
Pawang hindi para sakin at sayo.
Ang bawat kasuotan nila’y
Tila pustura lang, ako’y nanatiling walang kibo.

Unti-unti kong binagtas ang eskinita
Makitid doon ngunit alam kong ito’y tama
Tila kayrami pa ring paninda
Ngunit ang lahat, hindi naman kabili-bili
Pagkat minsanan lang ang pag-ibig na totoo
Ni hindi ito kinakalakal.

Hindi ko man mabili ang nais ko ngayon
Masilayan man kita, bagkus likod lamang
Ni hindi ko nga matanto ang itsura
Basta’t sigurado ako
Sa paglingon mo’y parehas na tayong handa.

Malayo pa ang lalakbayin
Ng pawang minanhid na mga paa
Pagkat ang direksyon nati’y
Sa ngayo’y alam kong
Hindi pa para sa isa’t isa.

Ikaw na siyang iniirog
Aking hihintayin
Hanggang ang oras ay tumiklop
At umusbong ang panibagong bulaklak
Saka natin pagmasdan
Mga paru paro’t iilang kulisap, maging alitaptap.

Tatandaan ko ang ating tagpuan
Kung saan ihihimlay natin ang kinabukasan
Buksan mo ang pusong minsang winarak
Bubuuohin muna iyan ng Nasa Itaas
At saka na natin isulat ang makabagong alamat.

Sa Kalye Pag-ibig, tandaan mo, irog
Tayo’y babalik at muling mangangarap
Bubuo na panibagong larawan
Na may tunay na ngiting
Hahalimuyak sa mas Nakatataas.

Sa Kalye Pag-ibig,
Doon tayo magkita.
Dahil kahit saan ay Kalye ng Pag-ibig.
“Naaalala mo pa ba ako?”
Iyan ang pangungusap na maaaring itanong sa’yo ng mga laruan mo noong iyong kabataan.
Mga laruang naitabi’t nakalimutan na at maaaring nasa talampas na ng mga bagay na malapit nang mailagay sa tapunan.
Mga nagsilbing matalik **** kaibigan noong ika’y talagang nangangailangan.
“Naaalala mo pa ba ako?”
Tanong na hindi mahirap sagutin ngunit sakit lamang ang maibibigay.
Naalala mo man ngunit hindi na nabigyan ng pansin at tuluyan nang nawalan ng taglay
Tanong ng mga laruan mo na tuluyan nang nakalimutan at hindi na nabigyan ng hanay


Kung ang mga laruan mo ay makakapagsalita, ano kaya ang sasabihin nila sa’yo?

“Kaibigan, naalala mo pa ba noong tayo’y magkasamaa? Noong ako at ikaw lang ang natatanging tao sa mundong ating tinatayuan. Noong araw araw pag uwi mo galing sa paaralan ay hahanapin mo agad ako at kakausapin. Hindi napapansin na ako ay pinaglalaruan mo lamang. At iyon ang natatanging silbi ko. Isang laruang posibleng mapalitan pag nakahanap ng katapat na mas karapat dapat… Masakit maging laruan.”

Siguro nga hindi nakapagsasalita ang mga laruan. At iyon ang tanging rason kung bakit sila naimbento; para magsilbing panlibang sa mga naiinip. Pagdating ng panahon ay itinakda silang ipamigay o kaya nama’y kalimutan na at itabi sa isang madilim na kahon ng walang hanggan.

Ang mga laruang minsann nang itinakda na maging panangga sa kainipan. Masakit maging laruan.

Pero bakit ako na hindi laruan ay napapatanong na rin? “Naaalala mo pa ba ako?” Kasi minsan nagtataka na ako kung pumapasok pa ba ako sa isip mo. Tuluyan na ba akong nawalan ng taglay na hindi mo na ako maihanay sa oras **** mamahalin? Alam ko na hindi ako itinakda na maging panangga sa kainipan pero bakit ganoon na ang aking nararamdaman? Tuluyan na nga bang nakalimutan? Ako na natatanging andyan tuwing ika’y nangangailangan, ngayon naging laruan na di man lang masulyapan.

Masakit maging laruan

Masakit mapaglaruan

Masakit na gumawa ng sakripisyo kung hindi mo rin naman ito bibigyan ng pakinabang. Kung magsisilbi lang ako na libangan tuwing iyong kailangan. Mahirap umasa sa mga bagay na matagal nang hindi nagpapakita. Pero kahit na minsa’y napapatanong narin ako… Nagbubulag-bulagan ako dahil… Mahal kita

Mahal kita kahit na matagal mo na akong itinambak sa kahon kasama ang mga papeles na mayroong mga walang saysay na salitang nakalimbag.
Mahal kita kahit na ginawa mo akong laruan sa panahon na ika’y nangangaliangan.
Mahal kita kahit na ni isang sulyap ay hindi mo ko mabigyan.
Mahal kita kahit masakit na.

Pero minsan, napapatanong na rin ako;

Naaalala mo pa ba ako?
This is a filipino poem.
073016

Tag-ulan
Umuulan ng alaala
Nagpaparamdam ang pag-ibig,
Siyang pag-ibig na naantala,
Pag-ibig na ikaw mismo ang kumitil.

Taglamig
Lumalamig maging mga kamay,
Nais kang basahin,
Sa mga linyang **walang umaagapay.
Wag mo nang simulan ang pag-ibig sa lenggwaheng hindi naman maintindihan. Hayaan **** maging saksi ang sanlibutan sa pag-irog na tunay na pag-asa ang laan; hindi paasang pag-ibig. Napakasakit ng mga alaala.
Robert Biene Mar 2018
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko
Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko
Sinulat ko to kahit di mo gusto
Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo
Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya
Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan
Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko
Sinulat ko to para sayo, aking sinta.

Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan
Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot
Di ka ba napapagod
Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot
Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya
Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto?
Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay.

Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha
Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama
Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan
Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana
Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya
Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan
Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang
Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay

Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya
Handa kang hintayin kahit gano man katagal
Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita
Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta.

Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap
Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay
Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso;
Para sa lalake di uso ang laro

Sa bawat bigkas na taludtod
Pangako sayo di mapupudpod
Puso **** naupod napagod
Di na mauulit ang pagkakataon na iyon
Sayo'y di kahit kelan mapapagod
Intidihin ka sa bawat pagkakataon
Respeto at pangunawa ang aahon
Para sa panahon sa muling pagkakataon
Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
Isang libong tansan dating takip sa bote ng alak
Isang drum ng luhang walang galak
Maubos man ito't tuloyang matuyo
Ikaw rin naman ay nasa malayo

Tama na 'to, tama na po
Tanginang pag-ibig kelan ba susuko?
Tama na 'to, tama na po
Paalam na, mahal ko'ng sumuko

Kape sa umaga, iyak sa gabi
Ako ba ito? Hindi ko mawari
Sa kama ko'ng dati kitang katabi
Tutupiin ko na, at itatabi

Tama na 'to, tama na po
Tanginang pag-ibig kelan ba susuko?
Tama na 'to, tama na po
Paalam na, mahal ko'ng sumuko

Wala na akong maidudugtong,
"Paalam Shin Hye" sinigaw ko'ng pabulong
George Andres Jul 2016
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang
Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang!
Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman
Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang
At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan
Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang
At di kayang punan ang puso kong kulang kulang

Nais kong umibig sa kalayaan
Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan
Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap
Sa buhay kong kay tagal di hinagap

Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo
At agawin ka man ng kahit kanino
Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo
Dahil ikaw ng pinili kong ibigin
Sa sibat o bala handa kang sagipin
Ialay ang boses na para sayo lamang
At walang ibang magkakamkam

Ikaw lamang ang hindi mamamatay
Na maski pagkaraan ng daan taong namatay
Ay muli ring mabubuhay
Kung mawala ka man saakin o aking giliw
Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw
Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas
Ay kahangalan ng isang batang mapangahas
O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas

Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man
Hindi ka nila maaagaw o kalayaan

Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan
Ubos ang laman, ginahasa't binayaran
Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan
Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan?
Di pa sapat ang aking kamalasan
Binaligtad aking katotohanan
Maging ang pagkapantay pantay
Na siya rin mismo ang pumatay
7816
Anton Aug 2018
hindi mo alam kung gaano kahirap
ang pinagdaanan nya bago sya magdesisyon.
hindi mo alam kung anong impact
sa kanya ng desisyong ginawa nya.
hindi porket sya ang nang iwan
hindi na sya nasaktan.
may mga bagay na hindi masabi ng direkta
kaya itatago na lang sa salitang "ayoko na"
pero ang totoo may malalim na dahilan
kung bakit ka nya binitiwan.
may malalim na dahilan bakit ka nya iniwan.
hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao
base sa pinakita o pinapakita nya.
Hindi lahat ng nang iwan walang pinaglalaban.
hindi lahat ng nang iwan sarili lang nila ang dahilan.
sa totoo lang mas masakit dun
sa side ng taong nang iwan sayo na
may malalim na dahilan kesa sayong binigla ng di mo inaasahan. alam mo kung bakit?
kasi sya buong buhay nyang dadalhin yung sakit
kasi nag Letgo sya kahit ayaw nya.
oo andun na sa "kung mahal mo ipaglalaban mo"
quit that **** concept. hindi all the time
pag mahal mo ipaglalaban mo.
hindi sapat yung mahal ka nya para manatili sya. maraming bagay ang hindi mo alam pero
mas pinili nya talagang hindi ipaalam.
Kase ayaw nya na ikaw ay mas masaktan pa.
hindi mo alam kung gaano kasakit sa kanya
yung iwan ka ng ganon ganon lang.
pero mas masakit kung mananatili sya sayo
kung ikasasama mo naman. hindi lahat ng nang iiwan
sumuko na. hindi lahat ng nang iwan napagod na.
Hindi lahat ng nang iwan wala ng pakealam.
Hindi lahat ng nang iwan hindi nasaktan.
at hindi lahat ng nang iwan hindi kana mahal
kasi may mga bagay na mas mabuting bitawan
na lang kesa panghawakan parin kahit alam natin na
mag eend-up din ng parehas kayong masasaktan.
Lecius Dec 2020
Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, sasambitin ko sa kan'ya na alam mo ba, ikay isang batang maraming talento. Mapapahanga sa'yo ang mga tao nang dahil sa pag-kanta mo.

Hahanap-hanapin nila boses na napakaganda, mistulang anghel ang umaawit kapag narinig na. Lahat ng kanilang mata'y sa'yo titig kapag inumpisahang umawit, 'di sila kukurap kahit saglit.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
papayuhan ko s'ya na marami kang makikilala kaibigan man at kaaway, mayroong mananatili at aaalis, may mamaalam at 'di na muling babalik.

May makikilala ka na isang pag-ibig, mamahalin ka niya. Gabi't araw  ka niyang ipapanalangin na sana maayos kalagayan mo. Siya sa'yo mag-aalala kung kumain kana ba o may sakit ka.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
Ipapaalam ko sa kan'ya na kay raming paghihirap ang dinaranas mo, pero sa kabila nito ay hindi ka sumusuko, parati mo kinayakayanang lampasan.

Isa kang napakatatag na babae na hindi agad aatras sa ano mang pag-subok sa harap, parati kang nag-papatuloy na may bitbit na ngiti sa mukha na hindi basta-basta mabubura.

Kung makakausap ko man ang batang ikaw,
babanggitin ko sa kan'ya na huwag kang mag-alala ang hinaharap mo ay nasa maayos na kalagayan. Kasama n'ya iyong pamiya at minamahal siya.

Huwag kang mag-alala sa kinabukasan, pag-tuunan mo ng pansin ang kasalukuyan, sulitin mo ang bawat araw para maging masaya, dahil ang kinabakusan ay malayo pa ang kasalukuyan ay nasa harap na.
poetman24 Oct 2017
Naulit na naman ang paalam
(poetman_24)

Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito
ngunit pagkatao ko'y laging ganito,
namutawi na naman ang paalam sa aking puso
bakit pag-ibig kayhirap **** matamo?

Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas
nagbabadya nang pagpatak na walang wakas,
wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas
napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas.

Bakit naman ganyan ang pagsubok
mga tinta'y naghihimutok,
ano ba ako sa pintig nang pagtibok
ako ba'y sawi sa bawat paglunok?

Hindi pala sapat ang likha kong tula
kaya lulukutin ko na lamang ang talata,
mauuwi na naman ang aking bigong diwa
sa 'di matatawarang luha.

Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin
nasasayang lamang ang taglay na damdamin,
nais kong isuko ang pagkatha sa hangin
sana masagot pa ang aking panalangin.

Makatang walang taglay na panulat
mga tinta'y mantsa sa'king balat,
nasasawi ako nang hindi ko alam
isa ba akong tampalasan?

Kung masasaktan ka sa aking piling
layuan mo na lamang ako giliw,
itanim mo na sa akin ang pasakit
tatanggapin ko kahit anong pait.

Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala
at alalahanin na ikaw ay may halaga,
kalimutan mo na lamang ako sinta
kung 'yan ang palagay **** tama.

Babalik na muna ako sa sa karimlan
itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan,
ililibing ko na lamang sa diwang hagap
na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
Angelito D Libay Mar 2020
Ali ra gud paminawa, ang kagabiehon anaay gisulti sa atoa.
Matulog na daw ta, kay ang paglaum moabot ugma inig hayag na.
Bitbit ang saktong kalipay na mohulip sa pait ug walay lasa na kalaay.
Katawa na dili mahopay, ug ang kasadya sa atong kinabuhi maoy atong lintunganay.

Akong mga mata mopiyong, apan ang dughan nako nagapadayon na ikaw ang gihonghong
Matulog ko karong gabieha na dili masulob on, nagahandom na ikaw mao ako damguhon.
Tulog na ta, apan ang akong paglantaw sa imoha dili pa.
Dili mohopas ug dili mawala, bisan pa ug mahinanok natang duha.
#bisaya
Angelito D Libay Jun 2020
Sa imo ra nipitik ning akong dughan
Buntag, udto, ug gabieng tanan
Na bisan ug namalandong ko sa makadaghan
Dinasaysay gihapon niini ang imong ngalan.

Sa imo ra nitotok ang akong mga mata
Sa matag pilok niini, imong nawong ang makita.
Ug bisan paman ug motan-aw ko sa ubang dalaga
Ikaw raman jud akong makit-an na gwapa.

Sa imo ra nilupad ang akong hunahuna
Nagahandom na makauban ka sa matag takna
Nahigam ko, lisod jud ning mahigugma
Magpanikad sa adlaw na makaanha ko sa imoha

Ug sa imo ra iukit ang akong ugma
Hugot sa pagtoo na dili ko sa imo mawala
Ubanan teka sa kasakit, hilak, ug pagmaya
Hangtod kitang duha husgahan na niining kalibotana.

Sa imo ra.
Taltoy May 2017
Di ko alam kung paano ko gagawin,
Ako'y di mapakali, aking inaamin,
Dahil ako'y kinakabahan,
Mga ginagawa ko'y di mo magustuhan.

Dahil ito lang aking makakaya,
Sa kasamaang palad ito lang talaga,
Itong aking mga kalatas at tula,
Ito lang at wala nang iba.

Damdamin ang naging panulat,
Inspirasyon ang syang nagtulak,
Musika ang sa aki'y umalalay,
Sa katahimikan ng umagang walang kapantay.

Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak,
Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak,
Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay,
Upang mapasaya ka ng tunay.

Kay rami nga ng aking naiisip,
Mga "sana", parang panaginip,
Inaasam, nais makamtan,
Kahit yung man lang, mapagtagumpayan.

Sana ikay napasaya ko,
sana napangiti ka kahit papano,
Sana naunawaan mo,
Mga sanang tulad nito.

Sana tanggapin mo,
Sana paniwalaan mo,
Sana pagpasensyahan mo,
Sana, sana, sana, hay nako.

Sana man lang naramdaman mo,
Ang damdaming ikinubli ko,
Sa mga salita ng aking tula,
Na sana, sa puso mo'y tumama.

Sana man lang ika'y aking naantig,
Sana man lang ika'y aking napakilig,
Sapagkat di kaya ng aking mga bibig,
Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig.

"sana" na higit sa aking pang-unawa,
Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga",
Ngunit iyo'y parang isang malayong tala,
Hanggang tingin lang, mata ko lang ang nakakakita.

Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba,
Liniligawan na ba kita?
Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo,
Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto.

Ako'y natatawa,
Ang landi ba naman nitong binata,
binatang naghahangad na sana,
Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama.

Ang pinapangarap nyang dalaga.
elea Sep 2016
Ano na gagawin natin?
Pagod kana ba?
Mag papahinga ba muna tayo?
O pag-ibig ang magiging pahingahan natin?

Apat na natatanging sagot na hindi ko masagot.
Ngunit kailangan ko.

"Gusto mo na ba mag pahinga?" Aniya.

Hindi ako napapagod.
Ayoko lang mapagod ng husto.

Mahal, hindi ako titigil.
Hindi naman kita kakalimutan,
Kailangan lang talaga natin mag pahinga.
Ipahinga ang mga puso nating kinatatakutan kong mapagod.

Ayokong maubos ang pagmamahal ko.
Kailangan ko lang muna maging buo.
Kailangan bumalik tayo sa dati.
Kailangan natin ulit maging bago.

Yung gaya ng tayo noon.
Walang kahit ano at sino ang nakakapag pa hinto.
Hindi na tatakot sumugal.
Hindi iniisip ang mangyayari na pano kung ganyan,
Na paano kung ganito.

Ayokong aalis ako kung kelan wala na.
Yung matapon ang dating puno.
Maging abo ang dating nag aalab.
Mag papahinga lang ako habang mahal padin kita.

Mahal, wag ka masanay na wala ako.
Wag **** kakalimutan na sayo at saiyo parin uuwi at igagapos ang mga braso.
Tanging mga labi mo padin ang hahanapin ko.

Babalik ako ng buong buo,
Handa na muli sa kahit ano.
Babalik ako ng hindi nag babago ang ritmo ng puso.
Babalik ako na Ikaw parin ang tanging kanta na aawitin nito.

Mag kikita tayong muli.
Mag hahawak ng kamay.
Ngingiti at tatawa.

Mahal, ayoko lang mapagod kung kailan malapit na tayo sa dulo.
Ayokong masayang ang lahat.
Ayokong mawala ang Ikaw at ako.

Babalik tayo.
Kasi ayun ang mangayayari.
Naka tadhana na iyon.
Tayo naman lagi.
Tayo lang palagi.
9/8/16 pbwf
- Ikaw lang palagi.
Ikaw naman lagi. -
Cepheus Feb 2019
Ang swerte mo
Inggit ako sa'yo
Parang na sa'yo na ang buong mundo
Pero hindi dahil sa pera o sa yate mo

Kasi na sa'yo siya

Pansin mo ba ang kinang sa kanyang mata?
Tuwing siya ay ngumingiti
Kung pa'no pumoporma ang mukha n'ya 'pag tumatawa?
O ang lambot ng kanyang buhok 'pag ito'y kanyang hinahawi?

Kung pa'no s'ya maglakad, tumayo o umupo?
'Pag seryoso na s'ya sa trabaho?
Ang ekspresyon n'ya 'pag sya'y nagki-kwento?
Pati paraan ng kanyang pag-ubo?

Eh yung kapag medyo tinamaan na s'ya ng alak?
Na parang ang sampung bote'y 'di pa sapat
Kulang pa nga ang pulutan
'Pag tutumba na s'ya'y mapapatakbo ka para alalayan

Ang ganda n'ya 'diba?

Kung tutuusin nga 'di na n'ya kailangan ng kolorete pa
Yung itsurang pagod n'ya kakaiba
Para ka na lang mapapatulala
Habang nakanganga

Lalo na 'pag naiinis na s'ya sa'yo
'Pag napipikon na s'ya kakaasar mo
Pero nakakatuwa kahit puno ka na ng palo
Kahit pa s'ya lagi ang dapat panalo

'Pag naglalambing s'ya
Kahit gusto mo pa magalit, wala
Mapapangiti ka na lang at hala
Galit mo'y naglaho na

Yung mata din n'yang namamaga
Kasi kakaiyak lang n'ya
O kakagising lang kasi
Iba pa rin eh

Kasi nakikita n'ya yung akala mo walang makakakita
'Pag nagtatampo ka na pero ayaw mo ipahalata
Yung gula-gulanit **** kalupi pinalitan pa n'ya
May iniwan pang sulat nung nawala ka

Nung nagkasakit ka, s'ya'ng nag-alaga
Alam n'ya kung pa'no ka pangitiin hanggang sa ika'y tumawa
Para nga'ng pati mga iniisip mo, alam na n'ya
Pati siguro yung katotohanang nahuhulog ka na

'Diba ang swerte mo?

'Yun lang kasi pwede kong iuwi
Para sa aking sarili
Kasi nga sa'yo s'ya
Do'n wala akong magagawa

'Di ko nakikita kung pa'no n'ya isiping mahal ka n'ya
Na ayaw ka n'yang mawala
Na ikaw na yung naiisip n'ya na habangbuhay makasama
Yung kinabukasan n'yong kayong dalawa

Kaya swerte ka Kuya Wil
Na sa'yo kasi ang 'di mapapasa'kin
Kaya ingatan mo s'ya't mahalin
Dahil kung hindi, baka sya'y aking dagitin
Euphrosyne Feb 2020
Buhay pa ba ako?
Pakiramdam ko kasi
Sa tuwing nakikita kita
Parang kinukuha na ako
Ng Panginoon.
Oh paraluman
Kakaiba ang iyong taglay
Kalmahan mo lang
Ayokong atakihin sa puso ayokong mabaliw,
Ayokong mapatulala nalamang sa ganda mo,
Ayokong saktan ka
Dahil una palang
Malayo na diyan
Ang intensyon ko sa iyo.
Ginagawa kitang inspirasyon
Sa lahat ng gagawin ko
Ikaw yung gabay
Na para bang pampalakas
Sa tuwing may pagsubok sa buhay ko
Ikaw yung taong asa likod ko
Yung susuporta hanggang dulo
Oh paraluman hindi ba't
Napaka ganda pakinggan iyon?
Oh paraluman
Hindi ako titigil sayo
Walang titigil
Tuloy lang ang laban
aantabayanan parin kita
Tuloy tuloy lang ang paghintay
Oh paraluman
Sana'y sa susunod
Na panahon
May pag asa na ako sayo.
Dahil paraluman
Ikaw ay isang
Nabubuhay na
Kayamanan at
Hulog ng langit.
Oh paraluman
Mahal kita.
Kahit madaming temtasyon sa paligid ikaw parin ang paraluman sa aking mata't puso.
kingjay Jul 2019
Kasabay ng patak ng ulan
Ang luha kong umaagos nang marahan
Damdamin ay nasasaktan
Panibugho kong di tumahan

Bakit ako'y pinagpalit
Palagi naman sa iyo ay mabait
Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman
Pagmamahal na iyong pinabayaan

Ikaw ang aking pinipintuho
Kahit sasalungatin ng bagyo
Di ako mapapadaig
Delubyo man ang maging dulot nito

Ang putik sa mga paa kong dumidikit
Ay parang pumipigil sa paghakbang
Kahit mabubuwal sa daan
Patuloy pa rin sa paglakad

Sa tuwing iniisip ka
Nalulungkot ako't humihikbi
Ang pait ng dagat
At ang alon ay sampal sa pisngi
sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari

Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon
Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit
Habang sa silong nag-iisa
Nalulumbay ako nang inaalala ka

Ipikit ko man ang mga mata
Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan
Sapagkat maaliwalas gaya ng batis
Ang kagandahan mo na nagniningas

Kaya pagkatapos ng ulan
Sa silong ako'y pabayaan
Iniwan mo sa akin ang awitin
ng damdamin kong umiibig
Neil Harbee Sep 2017
Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita
Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga
Pero ano ba talaga ang problema?

Sa bawat oras na magkasama tayo, ikaw ang nasa isip ko
Sa bawat oras na magkasama tayo, walang ibang tumatakbo sa utak ko
Sa bawat oras na magkasama tayo, labis na ligaya ang nararamdaman ko
Pero ano ba talaga ang problema?

Sa tuwing kasama kita, iba ang nasa isip mo
Sa tuwing kasama kita, ibang tao ang tumatakbo sa utak mo
Sa tuwing kasama kita, iba ang nararamdaman mo
Ito ba? Ito ba ang problema?

Ang problema, nandito naman ako pero iba ang hinahanap mo
Ang problema, nandito ako sa tabi mo pero ibang tao ang nais mo
Ang problema, NAGPAPAKATANGA AKO KAHIT NA ALAM KO
Oo alam ko… Na siya ang gusto mo
Anton Jun 2020
-Binibining_Enilra

nakatulala sa kawalan
malayang naglalakbay ang isipan
luha ay nagsisimula nang mag unahan
di alam kung dapat na bang punasan

bakit akoy lubusang nasasaktan?
di alam kung  ang hahantungan
tanging ikaw lang ang laman
kahit damdamin ko'y nahihirapan

Mahal,patawad ng ika'y aking nilisan
lubos ko itong pinagsisihan
di kona inisip kung ikaw ba'y masasaktan
basta't ang alam ko lang ito ang tanging paraan

simula ng umalis ka't di na nagparamdam
lubos akong nag nakakaramdam ng agam-agam
kung bakit hindi mo man lang nakuhang magpaalam

nahihirapan nakong unawain ka
lalo na yung mga panahong sayo'y balewala na
kinukulit kita ; sinusuyo
bakit tila mas lalo kang lumalayo

araw araw akong naghihintay iyong mensahe
na baka mabigyan moko ng oras na walang bayad at libre
kase alam ko hindi sayo pwede
subalit di na bale

Mahal naman kita,kaya
kaya kung magtiis para sating dalawa
kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal
lahat ay kaya kung isugal

dahil mahal kita!

ngunit isang araw nagising ang aking diwa
nagising na may luha na saaking mga mata
naisip na baka wala na talaga
walang nang pag-asang muling magbalik ka
kung paano tayo nagsimula tulad  nung umpisa

kaya mahal , patawad!
ako na yung unang sumuko
dahil hindi kona alam kung kakayanin ko pang labanan
ang tukso
di ko na alam kung may puwang paba ako dyan sa puso mo

ngunit ng dahil sa pinaggagawa ko
mas lalo lang palang naagaw ang aking trono
mas lalo ko lang palang sinasaktan ang sarili ko
umiiyak;lumuluha
labis akong nagdurusa

dahil kasalanan konaman
kung bakit pako nag desisyon ng hindi ka kasama
labis akong nagsisi kung bakit
iniwan kita

pasensya!
pasensya kung makapal ang aking mukha
nakuha ko pang humiling
na bumalik ka sa aking piling
na baka sakaling muli kitang mahagkan
kahit sa panaginip lamang

sana'y muli **** pakinggan ang aking panalangin
bumalik ka sana sakin
at muli akong tanggapin
dahil diko na alam ang gagawin
hindi ko na alam kung paano kakayanin
kung tuluyan na nga natin itong tatapusin.

mahal patawad kung ako'y naging makasarili
inisip na baka hindi talaga tayo sa huli
patawad kung lagi akong wala sa iyong tabi
patawad kung di kona kinayang manatili

sana'y palagi **** tatandaan na mahal kita..
kahit wala na tayong dalawa

#ManunulatPH
#Repost
kingjay Dec 2018
Mahal kita

Di ko maintindihan
Ako ay lagi **** iniiwasan
Simula lang noong inamin
ang pag-ibig na matagal ko sa iyo nilihim

Bigay kong mga rosas sa akin ay ibinalik
pati ang puso ko na aking inihati
Nang hindi na sumugpong ang isang piraso
Nalaman ko na kay sakit pala mabigo

Tatlong beses nanalamin
Hinanap ang sariling kapintasan
Buo kong kalooban ay naranasan
na madurog nang lubusan

Ngayon nagmukmok sa loob ng madilim na kwarto
Liwanag ng buwan ay tumungo sa silid
at nakapagsulat ako gamit ang hinanakit

Mahal, ang una kong salita na  magdudugtong ng aking pagsinta
Kita, ang kasunod para malaman mo na ang saklaw ng aking mundo ay tayo lang dalawa

Di magtatatapos sa tuldok ang mga huling taludtod
at ang ningning ng estrelya
ay susundo sa wikang pampag-ibig
na puno ng mga ninanais

Nais kong tanggapin mo ang aking pag-irog
at malaman mo na sa iyo lang ito nakalaan
Ikaw ang pinipintuho ng mga ulap at sa ibaba ako'y makikipagsapalaran

Nais kong kipkipin mo ang mga rosas
na minsan nahiya
Dalawang puso natin na sabik
Nais ko rin basbasan ito ng langit

Gusto ko tumaglay ng katangian na sa iyong mga mata ay kagigiliwan
Di man matipuno, may galaw sana akong magalang

Nais ko sa isang kubo tayo ay mamituin
Sa labas ng bintana, sabay natin ipanalangin
na ang pag-iibigan ay pagpalain

Tulad ng pananalamin ng mga letra
gayun din ang pangyayari sa unang apat na saknong ay kabaliktaran ng aking mga kagustuhan
At ang huling mga salita
Ang Hiling sa Pasko na tula ko'y pakinggan
Ika'y aking inaantay
Sa gitna ng kawalan at mayroon
Kahit ako'y nahihirapan
Ngunit ika'y aking minamahal
Kaya't kakayanin ko hanggang sa dulo
Sapagkat naniniwala ako na ikaw ay karapatdapat
At aking pinipili at binibigyan ng kapangyarihan
Na ako'y saktan mo, gusto mo man o hindi
Eugene Feb 2018
Tama na! Tama na ang mga pagtangis.
Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso.
Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon.
Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta!

Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba?
Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan?
Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan?
Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang?

Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin,
at bigyan ng pagkakataong
patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon?
Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito?

Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin?

Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila!
Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko.
Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit.
Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako.

Tama na!
Tama na ang mga baluktot na katwiran!
Tama na ang mga salitang iyong binibitawang
Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan.

Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba,
Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila?
Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba
kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan?

Saan ka nga ba nagkamali?
Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo?
O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita
Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
Jo Organiza Nov 2019
Mga buwak hilig gayod kini sila mamakak,

gakson raka sa tunok sa kainit sa ilang mga hagakhak,

ug dayun ikaw nga wala'y mabuhat

kung 'di mutagik nalang ug mga balak,

dula-dulaan ang mga pulong,

ug ihapon ang mga silaba,

lantawon kung sakto ba ang kutaw,

ang pagkutaw sa silaba sa mga pulong,

gibira sa pagtuo nga ikaw ang buwak

buwak nga nagpataliwala sa mga tunok,

ug ako nga wala'y mabuhat kung 'di

magpadala nalang sa katam-is na labtik sa imong dila.
Balak- A Bisaya Poem.
Twitter: @JoRaika
Crissel Famorcan Mar 2018
Sinabi ko noon,di na ako magsusulat pa
Ngunit iba pala ang nagagawa ng lungkot at pag-iisa
Kaya heto ako ngayon,muling nagda-drama
Ginigising ang plumang natulog sa mahabang panahon
At bumubuong muli ng tula—na sayo lang nakatuon,
Sinungaling ako—
Tanda ko pa nang aking sabihin
Di na kita gusto't nagbago na ang damdamin
Pero ang Totoo,Hindi ko lang maaamin
Ayokong aminin!
Na hanggang ngayon? Walang iba't ikaw pa rin.
Oo,Sinungaling ako—
Kahit ipagsigawan pa sa buong mundo
Sinu—
Sinungaling ako?
Ang tangi ko lang namang ginawa'y itago ang pag-ibig ko,
Ilihim ang pag tingin sayo
Dahil alam kong mali at wala pa sa panahon
Pero,ang gusto ko lang naman ay ang iyong atensiyon
Magkano ba ang isang sulyap? ang isang tingin?
Ituro mo naman sakin kung san ko yan pwedeng bilhin,
Kahit gaano yan kamahal susubukan kong bumili
Gusto ko kasing masilayan muli ang iyong mga ngiti
Hindi ko na kasi magawang mahuli pa ang iyong kiliti—
Lagi tayong nag-aaway
Magbabati ng saglit at sa isang kumpas lang ng kamay
Hayun at tila may pader na bumaba at humarang
Sa pagitan nating dalawa,
Hindi ko namalayan na sa tabi ko, wala ka na pala!
Masakit isipin na ang bilis **** bumitaw,
Pero wala naman akong magagawa pagkat ikaw ang umayaw
Hindi ko lubos maisip kung bakit ang lumilitaw
Ako ang masama?
Kahit na sa ating dalawa ikaw ang nagpabaya?
Minahal kita ng higit sa kaibigan—alam mo yan!
Pero kung wala talagang pag-asa
Handa na akong palayain ka,
Kahit wala naman talagang TAYO
KAHIT HINDI KO ALAM ANG ATING ESTADO
Palalayain kita.
Palalayain kita para ako naman ang sumaya.
ZT Nov 2015
Sa tagal ng ating pagsasama
Wala na akong ibang mahihiling pa
Kundi ang magkaroon ng isang masayang pamilya
Pamilyang bubuohin ko kasama ka

Pagkatapos nang tayoy ikasal
Araw araw kong pinagdarasal
Na aking hiling ay maibigay na ng maykapal

Ang tanging biyaya na kukumpleto
Sa buhay mo at buhay ko
Ang mabiyayaan sana tayo
Ng isang munting bersyon ng ikaw o ako

Kaya di kayang sukatin
Ang sayang naibigay mo sakin
Nang sa iyong sinapupunan
Ay mayroon na palang namamahayan

Sa wakas ay dininig na
At ikay buntis na pala
Pero anong sakit ang aking nadama
Nang malaman kong di pala ako ang ama
Dahil habang tayo ay nagsama
Naghanap ka pala ng iba
Ivy Morilla Feb 2017
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT
SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS.
TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT.
KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS,
KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN.
KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO.
PARA KA TALAGANG ULAP,
KASING GANDA MO ANG ULAP.
NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA.
MASAKIT PERO MASAYA.
MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG,
YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS.
PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW.
KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS,
KAHIT MABASA AKO NG ULAN,
ANDITO PARIN AKO.
TINITINGNAN KA SA MALAYO.

KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG
“PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.”
DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA.
DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO
SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO ****
IBUNTONG SA ISANG TAO.
TANGA PAKINGGAN DIBA?
SABI NILA SAKIN
BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN,
BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW
KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG.
OO NGA TAMA SILA.
NAPAKA TANGA KO.
DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN,
AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA.
ULAP.
KAHIT SAAN NAKIKITA KITA.
IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
A Feb 2016
Ikaw* ang alon at ako ang karagatan
Sa bawat paghalakhak mo nagkakaroon ako ng kahulugan
At sa pagkalma mo, mas lumalalim ang pagtingin ko sa mundo

Sa marahan **** pagrolyo
Gumagaan ako
Huwag ka ng lumisan
Dito ka na lang sa tabi ko

Ang Bathala, ika'y kinalulugdan
Sa mahinhin **** paghampas sa dalampasigan
Kasabay ng ngiti **** pinatitingkad ng sinag ng buwan

Sa marahan **** pagrolyo
Gumagaan ako
Huwag ka ng lumisan
Dito ka na lang sa tabi ko

Ngunit sa t'wing ika'y darating aasa akong muli
Na 'wag ng lilisan bagkus ay manatili
Hindi ka na papakawalan
*Dahil ikaw ang alon at ako ang karagatan
Domina Gamboa Jan 2018
Lilingon sa kanan, lilingon sa kaliwa.
Lilingon sa itaas, lilingon sa ibaba.
Kahit saan ipako ang aking mga mata,
Alaala mo ang tangi kong nakikita.

Sa kanan- naroon ang munting librong bigay mo para sa aking kaarawan.
Sa kaliwa- may tsokolateng madalas **** ilagay sa sisidlan.
Sa itaas- nakasabit ang asul na bag, iniabot mo noong kapaskuhan.
Sa ibaba- naroon pa at nakatago mga mensaheng iyong iniwan.

Ano ba? Bakit ba? Paano ba? Ano na?
Ang daming tanong na wala namang kasagutan.
Mananatili na lang ba itong palaisipan?
O maglalakas loob akong tanungin ka?

Ano nga bang mayroon tayo para sa isa’t-isa?
Kasi ako? Nahuhulog na nga yata.
Damdamin mo’y hindi ko mawari,
Tugon mo sana ay iyo nang masabi.

Ang hirap kasing manghula.
Nagmumukha akong tanga.
Kung sabihin mo na kaya?
Ako’t ikaw ba’y may pag-asa?

Hindi ka ba napapagod sa pagtakbo sa isip ko?
Ang tagal mo na ring nakatambay dito sa aking puso.
Ilang taon na ba tayo? Isa? Dalawa? O tatlo?
Wala nga palang tayo, ang meron lang ay…ikaw at ako. ☹

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang tula.
Kasi ang kwento natin ay 'di pa nagsisimula.
Palaisipan pa rin ito sa kabilang banda.
Bukas-makalawa, ako pa rin ay makata.
#litonglito #malabo
Lovely Seravanes Oct 2019
ikaw at ako

pagsamahin mo
at ito'y makakabuo ng isang salitang tayo
oo tayo na inakala ko  hanggang dulo
pero salamat,dahil sa puno palang
Ginising mo ako sa katotohanan
na ang dulong pinangarap ko'y
mag isang lang pala ako
dahil ang isang tayo ay meron palang kayo
oo kayo at hindi na tayo
salamat nakalaya ako sa isang tayo
na kailanma'y hindi nmn pla totoo
oo hindi totoo,dahil ito'y puno ng panloloko

puno, oo aun hitik na hitik ang mga bunga
bunga na mga salitang iyong sinambit
sumanga,yumabong na sa kalaunay nalanta

oo nalanta
pero hindi ko na pinangarap na isalba pa
dahil alam kong ikaw mismo ang lumason

sa masanga at mayabong na puno ng tayo
dahil mas gusto mo palaguin ang puno na meron kau..

pero salamat
dahil ang punong nilason mo
ay binigyan aq ng binhi
oo binhi,binhi ng pag-asa
panibagong buhay
panibagong ako na walang nang tayo
na ilalaan ko, para sa isang taong
kayang payabungin
ang binhi ng pag-ibig namin hanggang dulo..
President Snow Dec 2016
Masama ba ang maging martyr?
Masama ba ang umasa sa wala?

Masama ba ang maghintay sa walang kasuguraduhan?
Masama bang sabihing nasasaktan pa rin ako?

Masama ba ang hilingin na sana ako ang kayakap mo?
Masama ba ang hilingin na sana ako ang nasa panaginip mo?

Masama ba ang hilingin na sana ako ang nasa likod ng pagtawa mo?
Masama ba ang hilingin na sana ako nalang siya?

Masama ba ang masaktan habang ikaw ay masaya?
Masama ba ang mahalin ka kahit may mahal ka ng iba?

Masama ba ang sabihing mahal pa rin kita kahit sorang sakit na?

Masama ba ang tawag doon?

*Kung ganun, sobrang sama ko pala.
Sobrang sama ko pala
Jor Sep 2016
I. Kilig
Unang kita ko palang sa'yo—
Gusto na kita maging parte ng buhay ko
Sinong hindi kikiligin sa tuwing
Ngumingiti ka rin,
Sa tuwing ngumingiti ako sa'yo.

II. Kaba
Sa tuwing kakausapin kita,
Nauutal ako.
Nagbubuhol-buhol ang mga salita—
Na enensayo ko pa kaninang umaga.
Kasi araw na ‘to ipagtatapat ko na—
Ang tunay kong nadarama.

III. Saya
Dahil sa wakas nasabi ko na!
Hindi ko akalain na pareho ating nadarama.
Sinong hindi sasaya?
Kapag nabigyan ka ng perbilehiyong—
Magkaroon ng “tayo” sa pagitan ng
Dating “ikaw” at “ako” lamang.

IV. Galak
Alam ng Diyos kung gaano nagagalak
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata.
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo.
Sa tuwing magkausap tayo magdamag
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Nung simula kang maging parte ng mundo ko.

V. Inis
Naramdaman ko rin ang inis
Sa tuwing binabalewala mo ako,
Sa tuwing iba ang kasama mo,
At hindi ko namamalayang
Nagseselos na pala ako.

VI. Pangamba
Nangangamba ako,
Sa tuwing aalis ka ng walang permiso.
Sa tuwing hindi ko alam kung sino kasama mo.
Nangangamba ako,
Sa anong pwedeng gawin mo—
Sa tuwing nagkakaroon tayo ng pagtatalo.

VII. Takot
Takot ako na magsawa ka sa gaya ko.
Takot ako na baka makahanap ka ng iba
Yung kayang higitan ang isang tulad ko.
Takot na baka isang araw—
Hindi na ako ang iyong mahal mo.

VIII. Lungkot
Madalas malumbay na gabi ko.
Sabik na sabik ako —
Sa mga yakap mo,
Sa mga dampi ng mga halik mo,
Sa mga magagaan na haplos sa ulo ko.
At sa mga gabing natatakot ako.
Gusto ko lang na nandirito ka sa tabi ko.

IX. Pangungulila
Dumaraan ang mga araw, linggo at buwan
Na wala ka nang oras sa akin,
Gusto sana kitang puntahan
Ngunit alam kong—
Na mas importante ka pang gagawin.
Naiintindihan ko naman
Pero anong magagawa ko?
Nangungulila ako sa’yo.
solEmn oaSis Nov 2015
salamat at may isang ikaw ?
na sa akin ay siyang pumukaw,
upang ang prutas sa hardin ng balik-tanaw...
maingatang mainam ang pagpitas nitong balintataw !
oo Ikaw na Aking KAIBIGAN
na siyang aking sinusundan!
"when meaning, treated as a hurt and empty
anything might be gone, even madness and beauty"
....at kanyang BABAHAGINAN
ang napiling KABABAIHAN
na magiging DAHILAN
upang ang PARAAN
,,ay MAISAKATUPARAN
"sapagkat ang likas na lakas ng isang pasya
ay siyang pinagmumulan ng naka-akdang propesiya"
SO IT WAS WRITTEN SO IT SHALL BE DONE
**na para bang tayo sina Eva at Adan
AT NAKITA KO...MALAPIT NA ANG HANGGANAN.
YAONG ISINILANG SA MGA BUWAN NG ALAKDAN!
Jeff Santana May 2015
Babalik pa ba?
Ako pa ba'y aasa?
Na ikaw ay babalik kapag ako ay nag-antay

Kay hirap tanggapin
Na ngayon ay hindi ka na sa akin
Nakasandal, nakatabi buong magdamagan hanggang mag umaga

Ipaliwanag mo kung bakit ba
Dahil ako ay umaasa pa
Na ika'y mahagkan, makayakap
Muling makausap
Bawat sandali

At kung makita kang kasama siya
'Di maiwasan na ako'y manghina
Magmamanhid ang katawan
Gulong-gulo na ang aking isipan

Babalik pa ba?
Alam mo namang ikaw lang ang aking iniisip
Mula pag gising at pag-sapit ng dilim

Tila suntok sa buwan
Hinahanap ka kung san-san
Na lang ako napapadpad ngunit di ka parin matagpuan

Babalik pa ba?
George Andres Jun 2016
Hindi matigas lahat ng bato
Hindi lalago ang halamang nakatago
Pero kung bubunutin din naman
Anong silbi ng pagkakakilanlan?

Itaas ang kamay kung ginawa mo ito:
Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo,
Kung gayon, ito ay duwag at gago,
Tingnan bilang presong kulong sa kandado

At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo,
Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo
Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma
Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!"

Putang ina, lahat iyon ay narinig mo
Hindi na kaya ng sentido mo
Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo
Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito

Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan
At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan
Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig
Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig


Tomboy, bakla, bayot, tibo
Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho
Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan
Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam

'Mahalin mo ang 'yong kapwa'
Banggit at turo ng May Likha
Pero bakit may galit ata
Nagpahayag nito't nagsalita?

Hindi ba itinuturing na kapwa sila?
Na kasama **** lumaki, magdalaga?
Kalaro ng chinese garter baga,
Kahit alam **** lalaki naman talaga siya

Ang saya na dulot niya di mo naalala
Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya
Sapatos lang daw at k'onting barya
Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa

Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya?
Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?'
Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama?
Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba?

Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na?
Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga
Pero 'wag mo naman sanang isiping
Naisip niya minsang ika'y makasiping

Alisin na natin ang malawakang pag-iisip
Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip,
Lalawak ang saradong takip
Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip

Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap
Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap
Matapos na ang inis at galit
Pagmamahal ang pumalit
62816
LDR
lumipas ang mga Oras at Buwan,Ng hindi natin namamalayan. Lalo pa pala Tayong napapalapit sa isa't isa,at sa pag kakalapit lalo pang nahuhulog ang damdamin nating Dalawa.
Pilit inaalisa kung paanong ang simpling pangangamusta nauwi sa Tayo Na.
LDR na parang hindi naman.kasi kahit magkalayo ang agwat  sa isat isa,Isang tawag ko lang sasagot Ka na.Isang lambing mo lang,pangungulila ko'y nawawala na.Isang "I Love You" mo lang kalungkutan ay napapawi na.
Walang kasawaang kulitan,tawanan na walang humpay,at hindi maubos-ubus na usapan.hangang sa hindi namamalayan ang oras na nag-daan.
kung dati pag inantok na itutulog ko na.Pero ngayon kahit anong antok  pipigilan Ko,makausap lang Kita. kahit wala namang kwenta ang pinag uusapan pero para sakin,bakit ito ay Mahalaga.Tipong marinig lang ang mabining Tinig  mo at tawang walang pakialam,Kontento na Ako.At kahit may pagkakataon na natutulugan Mo Ako dahil sa mag damag na Harotan at kulitan,wala lang sakin 'to,Basta naririnig ko lang ang mahimbing na pagkakatulog mo ok na ako.
Ngayon lang ako Nakuntento ng ganito.Minsan nga napapatanong na lang ako "Bakit ang Swerte ko Sayo".Simpling tao lang naman ang gaya ko at may simpling Pangarap na gustong makamit.Pero ng dumating ka sa mundo ko gusto ko pang taasan pa  ang Pangarap ko yun ay  ang makamit ka at makasama sa araw-araw na pag suong sa takbo ng  realidad ng buhay ko.
Hindi man ito ang Oras at Panahon para makasama kita,Darating at darating din tayo sa puntong Gigising akong ikaw ang unang makikita,sa bawat pag dilat ng mga Mata ko.Ngiti mo ang sasalubong sa bawat pag uwi ko galing sa mag hapong wala sa tabi Mo.At yakap mo ang mag-aalis  ng Pagod sa katawan at isip ko.
Ikaw na ata talaga  ang Kapahingahan ko sa nakakapagod na Mundong Ito.
Mahal ingat ka.

ingat ka mahal dahil baka madapa ka sa paulit ulit **** pagtakbo sa aking isipan

halos malibot mo na nga ang diwa kong kay sukal na parang kagubatan

at sa patuloy **** pagtakbo sa isip, baka hindi ko mamalayan

na tanging pangalan mo na lang pala ang aking nasasambitan.


ingat ka mahal, lagi kasi akong nag aalala sayo.

e hindi naman sa lahat ng pagkakataon nandyan ako sa tabi mo.

kung pwede ngang ako na lang ang mag ingat sayo, gagawin ko

Mahal na mahal kita, higit pa sa inaakala mo.


sabi ko mahal mag-ingat ka, pero hindi mo ginawa

nabundol ka tuloy hay nako mahal.

Nagpalamig lang naman ako sa tabi upang tiyaking ligtas at hindi magulo ang iyong isipan

mahal, kulang ba ang ginawa kong pagpapaalala?

hindi ba sapat ang pagpapakita ko sayo at ang pagsinta kaya’t ninais **** umiwas sinta?

Ngunit,

dahil mahal kita, at ang gusto ko lang ay makita kang maligaya.



ingat ka pa rin mahal

nag-aalala pa rin kasi ako sayo

maghihintay, umaasa sa muling pagbabalik mo

mahal pa rin kita, kaya mag ingat ka mahal

Dahil sa muling pagbalik mo iingatan na kita lalo

At hindi hahayaan na mabundol at masugatan

ang mahiwaga **** ikaw.

Kaya mahal ingat ka.
Ps. Nakikinig ako sa bawat kwento mo at nagaalala ako lalo kaso natatakot akong iwasan mo lalo. - hideonhell

— The End —