Magagandang pilikmata, Pantay na kilay,
Ang malalim na itim sa kanyang mga mata,
Tanungin mo man siya kung okay lang siya,
Sagot niya 'Oo, mas okay pa sa okay',
Tumingin siya saakin at nakita ko ang damdamin niya,
Takot, Pangamba, Pagkabigo at Pagkawalang gana,
Alam ko ang sikreto pero ayaw niyang ipahalata ang mga ito,
Ang kanyang mga ngiti ang naglilinlang sa lahat,
Ngunit hindi kayang itago ng kanyang mga mata ang mga ito,
Mugto na saaabihing 'puyat lang ako',
Ang totoo naman ay iiniyakan mo ang problema mo,
'Sinungaling ka' banggit ng aking mga labi,
Napatigil siya kawalan, mga nagbabadyang luha ay parating na,
'Ang mga mata mo'y nagsasabi ng totoo' sabi ko,
Niyakap niya ako at bumuhos ang daloy sa kanyang mukha,
'Patawad, Patawad hindi ko na kaya' ang kalungkutan sa iyong mga salita,
'Kung pwede lang ibigay mo saakin ang mga lubid',
'Kung pwede lang tapusin ang lahat ng ito',
Niyakap kita ng mahigpit, alam ko kailangan mo ako...