Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"anino" poems
Mahal na kilala kita sa simpleng haha Minisage kita kahit di kita kilala Sabi ko sayo hi ganda Di ko inakalang mag rereply ka Sabi mo salamat huh. Sa simpleng batian tayo nag simula Humaba ng humaba mga salita Hanggang sa nakita ko Ay hala mag kabirthday tayong dalawa Mapag biro ang tadhana Mas lalo akong naligaw sa bitag nya Pero sa pag kaligaw ko nahanap kita Sabay tayong na ligaw sa tamis ng tadhana Tapos sabi mo mahal may sekreto ka Mapag biro nga ang tadhana Kasi kng gaanu katamis ang pag mamahal mo Ganun din kasaklap ang katotohanang d pueding maging tayo Di pueding maging tayo kasi may nakatali na sayo Pero kinain ko ang lahat ng pait na to At oo kasalanan ko Ang dating maliit na biro ng tadhana Naging libingan ko Pero ayaw kong bumangon mula dito Pinilit ko,pinilit mo at naging tayo Kahit mapait pinilit natin na patamisin ito At naging okay tayo Ang saya nga ng birthday natin pareho Sinupresa mo ako At sa unang pag kakataon Napag tanto ko na mahal mo nga ako May pa cake kpa mahal at palobo Tumulo ang luha ko Kasi di ko inakala sa magiging masaya ako Magiging masaya ang kaarawan ko Kaya salamat sayo mahal ko Pero habang tumatagal mahal Mawawala na tayo Halos di ko na maaninag ang iyong anino Nalungkot ako Pero bumalik ka mahal At sinabi mo pabalik na siya Ang nakatali sayo Gumuho ang mundo ko Ang dating hukay ngayon ang naging bangin Wala ng takas sa sakit Ang sabi mo aayusin mo mahal Tataposin na ang dapat taposin Pero paanu kng sa istoryang to Ako ang pangalawa Ako ang kirido Ako ang maninira ng pamilya At siya,sya ang una at ang pinakasalan mo sa harap ng dambana. Mahal anu ang laban ko Nasasaktan ako At oo di ko pueding isisi sayo to Kasi ginusto ko din naman. Namalibing sa bangin na ito Pinaglaruan tayo ng tadhana Yung akala kong magiging masaya Nasa binggit na ng kataposan nya Ayaw ko man sana ipilit Pero sa bawat hagupit ng sakit Pangalan mo aking sinasambit Mahal naririnig mo pa ba ako Pag dumating siya panu na tayo Maaalala mo pa kaya ang mga pangako mo Na magiging masaya tayo Kasi kung ganun kakainin ko na din ang pait na ito Ou ako na bahala sa lahat ng pait Basta mahal mangako ka Di tayo aabot sa dulo Pero paanu sakanya ka kasado Ako,pangalawa lang ako Nadudurog na ako Gusto ko na sana taposin ito Pero paanu kng mahal kita Minamahal kita ng todo Ngayon gusto mo palain ako... Pero paanu kng sa bawat paalam mo Sinasambit **** mahal mo ako Mahal mo nga ba talaga ako O mahal mo lng ako kasi binubou ko ang kulang niya sayo Please kng aalis ka umalis ka lng Kasi di applicable sa atin ang kng mag mahal ka ng dalawa piliin mo ang pangalawa kasi sa una pa lng nakatali kana.
0
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 4:08 AM UTC
Pangalawa

Continue reading...
84
Dumating ka sa buhay ko ng hindi ako nakahanda Ni hindi ko inaasahang  mayroon pang nakatakda Akala kong wala na, ngunit humabol pa ang tadhana Pag ibig mo'y wagas, ang wika mo sa harap ni bathala Nagagalak ang aking puso na may halong pagkagulat Ang iyong tagong pag ibig sa wakas iyong siniwalat Pagmamahal na tila sa mundong ito hindi nagmula Pag ibig na wari ko nga ay galing sa ibang planeta Ang kagulat gulat, kaya ko palang magmahal higit sa akala ko Pagmamahal na magagawa kong ihinto ang lahat, para lang sa iyo Gusto ko sanang ipaalam, ipagsigawan at ihiyaw sa buong mundo Na ikaw ay akin at akin lang sana, ngunit maaaring dulot ay gulo Natuto tuloy akong sumigaw ng pabulong Hanggang kelan ko kaya kakayaning bumulong Ang pag ibig ko ngayon tila ay hindi makasulong Ang katagang "mahal kita", tila presong nakakulong Sa ngayon, ang alam ko, NGAYON ang mayroon ako Hindi ko nga alam kung anung bukas mayroon tayo Sa ngayon, ang ngayon lamang ang pinanghahawakan ko Yung ngayong minamahal kita at mahal mo rin ako Yung ngayon na naririto ka sa buhay, sa puso, at isip ko Yung ngayon na sa iyo lamang umiikot ang buong buhay ko Kumikislap ang mga mata at ngumingiti ang mga labi Na para bang sa mga pangarap ay may bukas na hinahabi Sa aking pangarap ang lahat lahat sa iyo'y akin Mula anino, pati iyong diwa'y aking angkin Ngunit paano kung ako'y magising na, lahat magwawakas Ikaw rin ba'y nangarap na para bang tayo'y mayroong bukas? Ang tunay daw na pag ibig ay hindi mapag ari Paano ang gusto kong ika'y aking gawing hari? Nais ko'y akin lang, ang iyong ngayo't iyong bukas Sana'y akin ka hangga't ako'y mayroon pang lakas Darating ang panahon, tayo'y magwawalay Sa oras na yan mundo ko'y malulumbay Sadyang kailangan ko nga lang tanggapin Ika'y hindi kayang tuluyang maangkin Ganap ang dusang nasa akin Dahil ikaw ang aking hangin Ang aking araw, aking langit Aking tala at buwan sa dilim Oo't may dahilan kung bakit ngayon tayo pinagtagpo Kung anumang dahilan isipin pa ay nakakahapo Ni hindi nga natin alam kung hanggang kailan ito Ano kaya bukas? Ikaw pa kaya ay naririto? Alam kong kahit kailan, hindi mangyayari Na sa aking pagtanda, ikaw ang aking hari Ikaw ang kapiling, kamay mo ang aking hawak Aalalay s'aking tungkod, lalakad ng malawak Pakinggan na lamang sana ang aking pangako Kasal-kasalang pauso ay aking inako Wala man tayong mga saksi Basbas ng simbahan o pari Di man nakasuot ng damit pangkasal, wala rin ako pati mga abay Galak ay lubos parin kung ikaw ang kaagapay Ako'y handang maging sa iyo, sa abot ng aking gunita Maging kalaban ko man ang lahat, dahil sa aking panata Akoy gagawa ng altar na aking sarili Upang sa aking bibig sumpa ay mamutawi Pangakong ikaw lang ang mahal sa habang buhay Hanggang sa dumating aking araw ng paghimlay At kung sakaling akoy mabigyan, ng pagkakataong muling mabuhay Kahit sa ibang panahon, hahanapin ka ng puso ko ng walang humpay Upang taimtim na panatang binitawan, ay maisakatuparan Pag-ibig na walang hangganan, pagmamahal na walang katapusan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 4:21 AM UTC
PANATA NG BALIW NA PAG-IBIG

64
Itong tulang ito ay para sa mga taong nag mamahal pero pagod na dahil nabigyan sila ng motibo na bumitaw o lumayo "Mahal kita, pero pagod na ako" Mahal, naalala mo pa ba kung paano tayo nag simula? sa kung paano tayo napapangiti sa mga kwentuhan nating dalawa, sa mga masasaya nating ala-ala, yung malulungkot nating ala-ala, yung mga ngiti mo na pati mata mo napapangiti na rin, Pero naalala mo pa ba ang una kong pag laslas dahil nag selos ako? nakita mo ba yung mga dugo na tumutulo galing saaking kamay na tila parang gripo na walang tigil sa pag daloy? nakita mo ba yung mga luha na tumulo sa aking mga mata na tila hindi na kayang tumigil, nakita mo ba sa mga mata ko kung gaano ako nasaktan nung nakita kang masaya sakaniya, kahit magulo tayo? Naguguluhan ako, naguguluhan ako dahil sabi mo mahal mo ako, pero hindi ko ramdam, hindi ko ramdam yung mga salitang binitawan mo, hindi ko ramdam yung "I love you" mo, hindi ko ramdam na mahal mo ako, Naalala mo pa ba yung mga pangako mo saakin? yung pangako mo sakin na tayo lang? yung pangako mo sakin na ako lang? yung pangako mo na hindi mo ako iiwan? yung pangako mo sakin na hindi mo kayang mawala ako? yung mga pangako mo na pinako mo lang, Alam mo? para kang bubble gum, sa una ka lang matamis, para kang asukal, matamis nga mabilis naman mawala, para kang bula, ang bilis **** nawala, para kang anino, sa liwanag mo lang ako sinusundan, Mahal, Mahal na mahal kita. Pero.. Pagod na ako. Paalam na, Mahal. Ayoko sana itong mangyare, Pero binigyan mo ako ng motibo. Paalam, Mahal.
0
Mar 3, 2017
Mar 3, 2017 at 7:37 AM UTC
Mahal kita, Pero pagod na ako

33
#032317 Saan ka na? Mahal mo pa ba ko? Ano bang nangyari? Galit ka ba? May nagawa ba ako? Nagbago ba? Wala na ba? Sa dami kong tanong, Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan. Ang agang nawala yung sabi nating Sana'y pangmatagalan. Paalam, pero biglaan Hindi ko naman inasahan Na sa ikaapat na pagkakataon Bibitaw ka, mauuna ka na naman. Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali Akala ko kakayanin ko pang maghintay Sa bawat oras na walang pagkukunwari. Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi? Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli? Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa? Tinanong kita, kung may iba na ba? Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba? Bakit nga ba nawala ka? Iniwan mo na ba talaga ako? Naghintay ako ng paliwanag mo Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako? Isa lang naman yung hinihintay kong sagot, Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot? Tumatakbo na lang akong mag-isa; wala ka na kahit sa anino man lang. Hindi ka na nagparamdam pa, Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang. Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko. Parang lahat nagbago na, Pati ako, tila limot mo na. Iniisip ko kung paano yung mga plano natin, Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin. Makakasama pa ba kita ulit? Parte pa ba ko ng buhay mo? O nasabi mo na lang na "tama na." Pasensya, kasi hindi ko ata kaya Ilang beses ka na kasing nawala Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan Bumangon naman ako pero *lagi **** binabalikan.* Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo? Gusto ko nang umuwi at makita ka Pero wala ka na eh, Wala na pati yung pagmamahal mo. Babalik ka ba? May hinihintay ba ako? Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko. Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan Na sana manatili ka naman Na sana kahit ngayon lang naman. Pero wala, naubos na ako Wala na akong laban at talo na ako. Oo, hindi ko tanggap lahat Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako. Nakakapagod na kasing iyakan ka Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa. Na ikaw na yung pinapangarap ko, Pero hindi pa rin pala kita maabot. Hindi naman kita pinakawalan, Pero ba't mo ko binitawan? Sana sinabi mo agad Sana pinaliwanag mo Kasi di ko maintindihan Di kita maintindihan. Pero kung may ibang sana akong hiling: Kung aalis ka man uli, Sana'y magpaalam ka man lang *Sana sabihin mo, para bumitaw na rin ako.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 12:03 AM UTC
Paalam? Pero Ba't Di ka Nagpaalam?

81
Pagpuna ng makatarungang nilalang sa kabila ng lahat ng mga kahabagan ng buhay. Maaaring tanging yaman na maituturing ng iyong tainga na nabibingi na sa karahasan at ingay ng iyong paligid na nilalakaran. Naging libangan na ng iyong mga paa na tumayo sa maling lugar. Masasanay narin ang iyong katawan na maging haligi na lamang ay iyong mga paa. Sa mapangaping buhay na wala nang kasiguraduhan. Nakaakbay ang kaybigan **** kalungkutan, mula sa paggising hanggang sa pagidlip ng mga mata **** pilit na tinatago ang hapis ng mga luhang maari mo sanang ilabas, ibahagi at iluha sa aking harapan. Ako naman ay naghihintay, iyo ako ay tunay na mangiibig, sa iyong pagsibol, sa iyong pamumulaklak at sa iyong pagkalanta, sa kahit anong oras na iyong mapagpasyahan. Ano man ang mangyari ako ay maaari **** sandalan. Ang pagmamahal ay tulad ng isang anino, maaari **** palaging madadala, ngunit kung ang iyong desisyon ay magkulong sa dilim, ako ay wala nang magagawa. Tanging mananatili siguro ay pagtingin kong nakatatak sa kanyang isipan.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 3:06 AM UTC
Anino
Bakit hangang ngayon?!? ... Bakit hanggang ngayon. Ang pangalan mo pa rin ang pinuputak ng bunganga ko Napapagod na ang mga taengang nakikinig Nangangawit na ang dilang ikaw pa rin ang hinihiling Pag kalipas ng isang taon--- Bakit hanggang ngayon? Ang puso ko’y tumatalon, kumikirot, natatakot, nalulungot Marinig lang ang pangalan mo. Makita lang ang anino mo--- At  oo. Nakikita pa rin kita. Sa bawat matang aking pinagmamasdan--- Sa bawat kamay na aking hinahawakan Sa bawat lalaking aking sinubukan ibigin nung tayo’y natapos Hinahanap-hanap ang iyong mahihigpit na yakap Ang iyong bisig na pumulupot sa aking bewang, leeg--- buong katawan Ang matatamis na salita na iyong inaawit at inaawit… at inaawit ng paunti-unti… Paunti-unting lumalapit. Sumusuyo sa pusong nakatago, nakakulong. Bakit hanggang ngayon? Kung saan man ako tumingin. Nandyan ka pa din sa malapit--- Nakiki-usap ako, o aking multo, layuan mo na ako. Tama na. Ayoko na. Pagod na ako sa parati **** pagdating sa hating gabi, ang iyong pagbisita sa aking mahimbing na panaginip Nilulunod ako ng iyong mga huling salita Nag-mamakaawa at humihiling ng kakarampot na pagmamahal At alam ko’y ako  na rin ang syang pumatay Sa iyo--- nung pinag-kait ko ang iyong ninanais na pag-ibig. Dahil ako’y naunahan ng pangamba, ng pag-duda. Eto ba ang iyong parusa? O SIGE NA! IKAW NANG PANALO! Sasabihin ko na ang gusto **** marinig—mga salitang dapat dati ko pa sinabi:           Minahal kita. Mahal na mahal pa rin kita--- Patawad sa aking pag-tangi, Patawad sa sakit at pait. Patawad.
0
May 20, 2015
May 20, 2015 at 11:59 AM UTC
Kailan Ba Ako Matuto?

38
Mga buto ay nagsilbing haligi sa binubuo niyang panaginip marupok ito at bibigay sa mahinang balakid Tahimik nang naunsyami Labing nakadikit, dila'y nakaipit Bigkasin ang salita sa simula niyang wika Sa letra na  naguguluhan din Papipiliting ibibigkas Takot ay bumubulusok sa inaping pangungusap Parang ilusyon, ang paggawa ay ang pagkaroon ng kahit maliit na kabuuan ng loob na hanap ay tagumpay Pero sa paglubog ng araw nagmistulang delusyon Ang mga paa habang humahakbang Panoorin hanggang sa pumanaw sa liwanag, may anino Tingnan ang lilim, lumalakad nang pa-urong Ganyan ang mundo Ikulong na at igapos Sa likod ng matiwasay na paggalaw ay may lihim na naka-agapay Ang maitim na misteryo na nakangiti Ulap na sumasayaw, bungad at gayak ng unang ngisi ng umaga Isabay ang halimuyak sa monasteryo ng prinsesang nagagalak Ang dalangin na nagawi sa hangin Kumpisal ng pag-ibig Kaluluwa ng kasiyahan ng musmusing pipit
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 9:26 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #2
Sana mapansin ang aking ngiti Kasabay ng aking tingin Sana makita ang aking pag-ibig Na alay sa'yong pagkamaibigan. Umaasa na matanaw ang iyong mata Dahil ninanais ang iyong paningin Umaasa, na mapansin Dahil nandito ako nagmamasid. Wag **** kakalimutan Ako'y umiibig sa'yo na parang anino Sa dilim man o liwanag ay nandiyan para sayo Alay ang aninong pag-ibig na ito.
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 7:57 AM UTC
Anino
Paalam sa munting kinang sa kanto ng iyong mga mata. Sa unang alab ng huling araw magpapaalam ang bihag ng tanikala. Walang humpay ang daluyong ng mga ala-ala. Salamat sa unang halik at iyong natatanging labi. Mula sa una at sa huli. Ito na ang huling paalam. Papadayon din ang araw, bukas o sa makalawa, o hindi kahit kailan. Walang luha o sugat na lalatay sa iyong balat. Hindi kailangang manatili sa ala-ala nating dalawa. Mula dito at sa mga susunod na araw, buwan, at taon. Para sa ating dalawa ang paalam na ito. Hindi na kailangan magkubli sa anino ng masaya at masalimuot na nakaraan. Ito ang ating hudyat, ang ating kidlat mula kay bathala. Para sa muling pagkinang ng iyong mga mata. Sa ala-ala ng buwan at ng mga bituin. Sia lahat ng bagay na nagpangiti sa iyong puso at labi. Paalam aking dagat, aking asul na langit. Minamahal kita.
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 11:34 AM UTC
Paalam
Matagal ng panahon ng iwan ka niya. Hanggang ngayon, mahal pa din siya? Lumisan siya bitbit ang pag-ibig mo. Pero di patunay ang pag-ibig na naiwan sa iyo... Oras, Araw, at maraming taon, Inasam na maibabalik ang kahapon. Pilit ipinaglaban ang pag-ibig na wagas Ngunit ngayon, di maaming ito nga'y kumupas Sa paglisan niya, hindi na muling umibig Puso'y inilalaan sa pagdating ng iniibig Ngunit kalungkutan ay hindi kinaya Kaya pinilit magmahal ng iba Ngunit hindi maipilit sa puso ang totoo Na ang tunay na sinisinta, iba na ang mundo Sarili mo'y ikinulong sa anino ng kahapon Ang pag-ibig ng iba'y palaging tinatapon Wala na siya, matagal na, malaya ka na Wala na siya, iniwan ka, bakit pa aasa? Kung sa simula pa lang, talo na diba? Ngayon, heto ka at mukhang aba... Wala na siya, matagal na, bakit ka ganyan? Sa sakit na dulot niya, iba ang iyong sinasaktan... Wala na siya, lumayo, tinupad ang pangarap Hindi ka kabilang, di mo pa din tanggap? Wala na siya, ano mang gawin, di na siya babalik... Wala na siya, sinta, wag ng manabik Wala na si Maria, ang Mariang mahal mo Wala na siya, bakit hindi na lang ako? :(
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:00 AM UTC
Wala Na Si Maria
Kaibigan, Naalala mo pa ba ang masasaya nating kwentuhan? May konting joke lang iyo mo na agad tatawanan, Sumasabay pa ang mga laway **** nagtatalsikan, Na nagkalat sa mukha kong iyo mo pa ngang pinupunasan. Sa kanto, Naalala mo pa ba ang ating istambayan? Nagpapasama ka sa’kin matanaw mo lang ang crush **** dadaan, Ngunit dedma ka, hindi ka nilingon kahit sinigaw mo na ang pangalan, Kaya minsan umuuwi tayong ikay bigo at kung minsan ay luhaan. Sa tabing ilog, Iyo mo rin bang naaalala’t natatandaan? Sa puno ng mangga doon tayo nagtayo ng bahay-bahayan, Dun tayo nagdadala ng pagkain para sabay tayong mananghalian, At dun ko na saksihan ang iyong kakaibang katakawan. Pagkatapos ng bakasyon, sabay tayong pumapasok sa eskwelahan, Kapag break time magkasamang nakikisalo sa mga kaklase, nakikipagburautan, Sa takdang aralin sabay tayong gumagawa at nakikipagkopyahan, At sa pag-uwi sabay din tayong dumidiretso sa komputeran at bilyaran. At nung nagsembreak, Asan ka na nga ba aking kaibigan? Hindi na kita nakita’t matagpuan sa kung saan, Lumingon na ako sa likod, kaliwa at sa kanan, Ngunit ang anino mo hindi ko na matagpuan.
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 3:19 AM UTC
Sembreak
Nasumpungan kitang nakabilad Sa liwanag ng araw, isang imaheng Nakalantad, huwad na anyo ng Ritwal ng pagpupugay. Sa iyong Anino'y nakasilong ang mga lantay Na tayutay ng hungkag na lipunan. Nariyan ang puta, pulubi, butas na lata, Gago't ganid na pulitiko, librong limot, Bendor ng droga, banal na aso... Lahat sila ay mga ”sila" na minsan **** Pinagtangkaang silaba't silain sa sulo ng Mapagpalayang kamalayan. Kamatayan. Nasumpungan kitang nakabilad sa Nakakabagabag na liwanag. Isang buhay Na moog ng kalayaa't kasarinlan, Kanlungan ng mga supremo ng rebolusyon Ng paglikha't pagsilang sa kakanyahang Iginapos sa lumang mundong lalang ng Iyong panahon. Kami na mga gamo-gamo Ng lumang simoy ay patuloy na isisiwalat Yaong hindi masumpungan sa lambong Ng liwanag na pinaningas ng iyong dugo. Nawa'y matagpuan ka nila.
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 6:57 AM UTC
Nasaan ka Rizal?
Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo, may pangangailangang kinukuha sa hamog ng umaga, sa lupang kakarampot, at sa katas ng ibang ugat ng ibang halaman. Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo, nananahimik na namumuhay sa anino ng tunay na sibol ng kalikasan. Ano ang aking silbi kung ang langit na nais kong marating ay hanggang talampakan lamang ng tao? Ano ang aking silbi? Ito pala ang pakiramdam ng ligaw na damo, mabubuhay ng walang halaga, mawawala ng walang sinasambit.
0
Jan 28, 2015
Jan 28, 2015 at 3:59 AM UTC
ligaw na damo
Gising na naman ng alas dos ng gabi Hinihingal at pinagpapawisan ng sobra Mula sa isang bangungot ako’y nagising Nagising sa katotohanang parang bangungot din. Hindi mapigilang bumuhos ang mga luha Puno ng hinagpis mula sa kahapong mapait Bawat hikbi at buntong-hininga pilit pinipigil Habang nagkukumahog hanapin ang nawawala Damdaming nagtitimpi ay biglang pumutok Mga emosyong rumagasa ng walang habas Mula sa nasirang prinsa ng aking puso Umaagos papunta sa mga matang ayaw tumahan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong haplos Pati mga halik na ibinuhos sa aking mga labi Unti-unting nawawala ang wangis mo sa ating kama Ang kamang nilisan mo nung ako’y iniwan mo Gabi-gabing iniisip ang mga dahilan Kung bakit dun pa sa ating kalungkutan Bigla mo na lang akong isinantabi’t iniwan Kahit pa nangako tayo ng walang hanggan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong anino Mga bakas ng kahapong gustong balikan Ngunit kahit kailanman at ano man ang gawin Hinding-hindi ko na muling mararanasan Sana’y naririnig ang mga sigaw ng puso Na nagtitiis sa sakit habang nangungulila sa’yo Sana’y marinig muli ang mga salitang “Mahal kita” mula sa’yong mga labi Kaya nandito pa rin ako sa ating dulo Inaantay ang malabong pagbabalik mo Kahit ang puso’y nawawalan na ng pag-asa Pilit hinihiling ang katuparan ng mga “sana” Pag-ibig ko’y iyo pa rin Nag-aantay sa kamang unti-unting nilalamig Ang mga bisig na ang tanging nais Ang yakapin at hagkan kang muli
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 6:04 AM UTC
Alas Dos
Ano nga ba ang buhay? Isang kahibangan, What is life? A mania, Ano nga ba ang buhay? Isang ilusyon, What is life? An illusion, Isang anino, isang kasinungalingan, A shadow, a lie At ang malalaking biyaya'y maliliit pa rin, And the biggest blessings is still small, Dahil ang buhay ay isa lamang pangarap, Because life is only a dream, At ang pangarap ay pangarap lamang. And a dream is only a dream.
0
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 8:07 AM UTC
Poem by Pedro Calderon
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.” ― Mother Teresa May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin. Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko? Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa? Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.     Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 3:31 AM UTC
MAY PANAHON SA BUHAY

7
#112614 Sinigaw niya ang oras Buhat sa rehas na puno nang aral Tumugon ako't nabigla Pagkat bumantad ang iilang madla Dahan-dahang nilipad ng mga paa Patungong langit naman pala Ngunit naroon pala Ang anino **** may liwanag. Tila ako'y tangan ng hangin Doon sa 'di inaasahang tagpuan Tumalisod ang puso Mabuti't nagising Tuloy lang ang lakarin. Sa pangalawang pagkakataon Winaldas ko ang pagod Hindi patungo sayo Pero sa kabilang ibayong babagtasin. Heto na naman, Parang itim at puti na lang sila At ikaw ang tanging may bahid ng kulay Kumidlat nga't hanggang sulyap na lang Parang wala namang ibig sabihin. Magulong usapan, hindi nga ba? Ang lupon nila'y nilagpasan ko At sa kauna-unahang pagkakataon Ang hangi'y nag-ibang ihip Ngalan ko pala'y iniihip nito. Pangalawang beses Ang eksenang nakalimbag Wala na namang kibuan Ang lapad ng balakid Mula sayo patungo sakin Simple lang naman, Wala namang nararapat na sambitin. Paulit-ulit nga Marahil walang letrang Kinukumpas ng kampana Magulang usapan nga ba? Marahil hindi, Pagkat minsa'y di na kailangan ng salita.
0
Nov 27, 2014
Nov 27, 2014 at 11:16 AM UTC
Magulong Usapan
Ito ang umagang Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit. Kung pwede bang manatili muna Sya At ako'y hayaang pagmasdan Ang kanyang kariktan. Nais kong bumilad sa sinag ng Araw At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay. Nais kong malusaw ang bawat kamalian, Ang bawat pagkukunwari. Pagkat ayoko na.. Ayoko nang magpanggap pa.. Na kaya kong mag-isa Mag-isa na wala ang mga kamay Nya -- Ang mga gabay Nya. Na maging sa gabi'y Nasisilayan ko pa rin Ang kanyang anino sa aking pagpikit, Ang nakasisilaw Niyang Liwanag Na nagiging mitsa ng aking pagluhod. Gusto kong huminto ang Araw, At ako'y makita Nya.. Kahit isang iglap.. Kahit isang saglit lang.. Kung pwede lang, Wag Mo akong iwan Na sa gabi'y Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas At ako'y Iyong yakapin Habang ang Iyong sinag Ang magsisilbing lakas Sa bawat pagbangon ko sa Umaga. Sayo ako magsisimula, At ayokong ito'y magwakas Na para bang hinahayaan ko lamang Na malimot ko ang lahat -- Ang lahat ng mga misteryong Iyong ipinakita na, Iyong ipanaranas na. Ayokong dumating sa katapusan Na ako'y walang muang Na Ikaw ang aking Simula.. Ayokong magtagpo tayo Sa gitna ng aking mga kamalian -- Mga kamaliang hindi ko itinama Kahit na pinagbuksan Mo na ako Sa panibagong Umaga. Kung ang bawat araw na lumilipas Ay siya ring mga pahina ng aking buhay, Bakit pa.. Bakit ko pa hahayaang Dilim ang magsilbing umaga? Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat.. Kung landas ko nama'y Kayang-kaya **** bigyang liwanag At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata Ay simbolo ng Iyong paghahari. Lilikumin Mo ang lahat Gamit ang Iyong Liwanag. Ang Iyong mga Salita'y Hindi na mangungusap pa, Ngunit Ikaw na mismo ang darating. At buhat sa Iyong bibig, Ang lahat ay handa nang makinig.. Nang buong puso.. Na may tunay na pagpapasakop. At ang lahat ng mga naggising Buhat sa pagkakahimbing At mga bangungot na tila walang katapusan Ay sabay-sabay na babangon At lalakad sa Liwanag na Iyong hain. Masisilayan ko rin ang mga ngiti Ng pagpupunyagi at tagumpay Na walang balot ng anumang pagkukunwari, Walang tampo't galit. Kung saan hubad ang lahat Ngunit tanggap Mo Ang bawat kamalian. Ang Iyong paghuhusga ay darating -- Darating nang patas; Patas at pawang katotohanan. Ang lahat ay darating sa katapusan, At Sayo ay handang magpaubaya. Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag Ay kusang sisibol at uusbong Nang may papuri At hindi parang mga paupos na kandila Na nauubusan rin ng lakas. Ngunit sila'y tila mga tanim Na Iyong dinidiligan sa bawat araw -- Mga ginintuang araw Na hindi gaya ngayong kukupas din.. Balang araw, ang lahat ng salitang Mamumutawi sa bawat labi'y May iisang sigaw May iisang palamuti na ibabandera At susuko sa Iyong kabutihan. Ang bawat nilalang Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian At hindi na.. Hindi na mauubusan pa ng Liwanag, Ikaw mismo ang magkukusang Punasan ang mga matang lumuluha, Lumuluha buhat sa paghihintay.. Pagkat nariyan ka na.. Nariyan na ang Iyong kaligtasan. Ikaw, sa bawat oras Sa bawat sandali'y Ikaw pa rin ang maging dahilan Ng pagtibok ng aking puso Ang magiging sigaw Ng aking napapaos na lalamunan. Ikaw ang maging dahilan.. Ng aking pagtaas ng kamay At sa ere'y hindi Mo ako iiwan, Ni hindi Mo ako kinalimutan.. Ikaw, ang Araw at Gabi.. Sayo ang aking papuri!
0
Jan 11, 2021
Jan 11, 2021 at 11:29 PM UTC
Parating Na

117
Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 6:10 AM UTC
Saranggola sa Hating gabi
Nangako ako sayo na poprotektahan kita kahit anong mangyari Nagsinungaling ako Dahil noong araw na pinulikat ka habang nasa gitna ng dagat Na sobrang lalim na hindi mo na makita ang ilalim Hindi kita nasagip Nangako ako sayo na iingatan kita ng di nagdadalawang-isip Nagsinungaling ako Habang naghihingalo ka at humihingi ng saklolo Wala akong nagawa kundi tignan ang paghampas ng mga alon Pinapamukha na bakit ba kasi hindi ako marunong lumangoy Nangako ako sayo na hindi kita papabayaan mag-isa Nagsinungaling ako Hinayaan kita malunod at hatakin pababa ng iba't ibang lamang dagat Hinayaan maubos ang hangin hanggang sa huling hininga Pinanood lumubog ang mga matang kasing ganda ng mga perlas Pasensya ka na at nagsinungaling ako Dahil akala ko matatakasan ko ang sariling anino Pasensya ka na at hindi kita nailigtas Hinayaan ko na may ibang sumagip sayo dahil kung ako 'yon Baka pareho lang tayong lumubog at malagay ka lalo sa panganib Pasensya ka na at lumutang ang mga pangako Na sabay lalanguyin ang lawak ng buhay Sisisirin ang lalim ng ating mga pangarap Sasalubungin ang mga problemang dadaong Iiwasan ang mga dikya na dulot ng nakaraan Kaya patawad dahil ngayon lang napupuno ang pagkukulang Wag ka mag-alala,matututunan ko din tumalon ng walang alinlangan Susubukan maabot ang dagat na tinatahak mo kahit gaano pa ito kaalat Pero sa ngayon, pasensya muna unang nagpakilala ang takot kaysa sa lakas ng loob Pasensya dahil tinangay tayo ng alon palayo sa isa't isa
0
Oct 15, 2016
Oct 15, 2016 at 4:33 AM UTC
CPR
habang naglalakad ako sa lupain ng mga sirang pangarap, mayroon akong pangitain sa napakaraming bagay. ang mga paghihinagpis tila baga'y tumutulong upang madagdagan ang aking pasan sa mundo. aking napagtanto na ang kaligayahan ay isang kalinlangan lamang. sa aking pagkalumbay at pakiramdam ng disorientasyon, buong buhay ko'y nabuhay sa takot. ang mundo'y pinamumunuan ng mga batas ng poot na matatagpuan sa iba't ibang dako. kaya naman ay ang mga nakararanas ng dalisay na kaligayahan ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari. sa bawat araw ng aking paghihirap, umaasang makakaahon sa ilang butil ng kasaklaman ngunit sa kaibuturan ko, wala akong ibang makikita kungdi ang kasuklaman ng buhay. patuloy akong naglalakad sa mga anino upang maghanap ng liwanag ngunit aking napagtanto'y malinaw kong nakikita na wala nang ibang paraan upang makalabas pa sa suliraning ito. sa aking buong pagkabuhay, dala-dala ko ang mga basag na pag-asa't mga tipak na salamin. ang tanging sinag ng araw ang natitirang kislap ng aking mga masidhing lunggati sa rurok ng tagumpay. kung iyong titignan ang marikit na lilim ng gintong apoy na nagngangalit sa kanluran, ito ay ang aking mga minimithi na nakalilim sa puwang ng kalangitang asul. nais kong lumipad nang malaya tulad ng isang ibon sa kalawakan. sa mga kislap ng mga tala'y nakatingin, hinihiling na sana ang panagimpan ko'y dinggin. lahat ng iya'y hindi makakamtan sapagkat ako'y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible. pinapanood malunod ang aking sariling mundo mula sa aking bintana'y natatanto, mga pangarap ko'y dahan-dahang inaanod. sa araw-araw na aking paglalakbay sa mga repleksyon ng kadiliman, isa lang ang aking katanungan, isang ilusyon lamang ba ang kapayapaang aking matagal nang inaasam?
0
Apr 21, 2022
Apr 21, 2022 at 6:29 AM UTC
isang kislap ng pangarap

4
*pagod na ako kakalakad palayo sa iyo kakatakbo pabalik sa iyo pagod na ako maghintay ng kahit ano maghintay ng anino mo pagod na ako sa mga paghingi mo ng tawad at sa aking pagpapatawad pagod na ako pagod na ako sa iyo pagod na ako sa sarili ko*
0
Apr 25, 2017
Apr 25, 2017 at 11:25 AM UTC
Pagod na ako
May mukha ba ang pag-ibig? May boses ba siya? Yung may arok na isigaw ang nadarama Yung patas ang silakbo ng damdamin. May mga paa ba ang pag-ibig? Na kayang lakbayin maging siglo na ang usapan Yung walang kapagalan sa kabila ng distansya. May hangganan ba ang pag-ibig? May pinipili ba? Sa gintong kutsara at sa nagdarahop At maging uhaw sa pagkalinga. Buo ba ang pag-ibig? O hindi sapat na umiibig lang? Dapat bang manlimos ng kapalit? Ang pag-ibig Tila nga lumang salita Tila nga may anino sa bawat madla Bagkus, ito'y patapong ibinabahagi. Nasaan nga ba ang halaga? Kung mismong mga kataga'y Nawawalan na rin ng sariling katauhan Kung saan ang mensahe'y gumagapang na Pag-ibig nga naman.
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 10:28 AM UTC
The Love Challenge
040120 Hinga, buga Hinga, buga Ganyan nga Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo, Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo, Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo, Mga pangakong ilaw mo sa dilim Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap Na sinusundan mo ng tingin. Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay Ay napapawi nito ang sakit Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan — Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman. At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta Hindi Basta-bastang buhay lamang At nagtatago sa dilim. Hindi ko hinayang madala ka ng dilim Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig. Huminga ka na may gayak, Huminga ka nang May pag-asa. Hinga, buga Hinga, buga Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo Ibuga mo ang iyong mga kamalian Ibuga mo ang iyong mga kasalanan — Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo Pabalik sa kadiliman Mga kasalanang minsan mo nang iniwan Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan, Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,” Ngunit nariyan ka pa rin, Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik Tama na, tama na Anak. Hinga, buga Hinga buga, Naghihingalo ka na At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na Naghihikahos ka na — Ngunit wag **** isiping napapagod ako Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan Ay napapagod na rin akong gamutin ka. Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka, Na sa tuwing sinasabi ko sayong Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi **** “Ama, narito na ako.” Hinga, buga, Hinga, buga Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili Ngunit buo ang aking pagpatawad At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan Naririnig ko na Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam **** Sanang alam **** Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo, Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang. Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na Nakauwi ka na sayong tahanan. Hinga, buga, Hinga, buga Tayo na anak, Sa akin ka na mamahinga.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:50 AM UTC
PaHINGAhan

78
Putik na nabuo mula sa luha at alikabok. Bulaklak ng damo na tumubo sa puntod. Isang  munting uod. Isang butil ng pulang buhangin. Bato sa kabundukan na tinutunaw ng hangin. Pulubi sa daan na namamalimos sa mga matang piniringan. Asin sa basong walang takip. Panyo sa upuan na pinakupas ng tubig-ulan. Munting ilaw na sumisilip sa silid-piitan. Isang sulat ng pamamaalam na nakaipit sa pintuan. Pahina ng kalendaryo na nakaligtaang pihitin. Kandila sa dilim na nakikipaglaro sa mga anino. Kabibe sa tabing-dagat na walang laman. Mga tunog na walang huni at nagsisilbing musika para sa mga bingi. Hibla ng buhok sa ibabaw ng gitara. Antipara na nakapatong sa lamesa. Pakpak ng tutubi na tinupok ng gasera. Isang tuyong dahon na sumabit sa bintana. Langaw na nabitag sa sapot ng gagamba. Kutsara sa tabi ng basag na pinggan. Mga basang uling sa hulmahan. Katahimikan. Usok na humahalik sa kalawakan.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:22 AM UTC
Lakbay-Diwa