Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Aug 31 · 112
Kabanata
Sy Lilang Aug 31
083021

Lumilipas ang mga araw
Na tayo’y waring mga plumang
Nauubusan ng tinta.
At habang tumatagas ang huling patak sa ating mga timba’y
Ayaw pa rin nating magmadaling gumayak
At magpatangay sa mga sinag ng araw.

Sa unang mga paglisan ay nauubos ang ating mga luha
Ngunit sa mga sumusunod na kabanata’y
Tayo’y minamanhid ng tadhana.
Kasabay ng pag-usbong ng mga buhok na luma'y
Kumukupas ang mga larawan dati'y araw-araw na pinupunasan.

Ang bawat batiang noo'y nakatagas ang ngiti'y
Magiging pasalubong na may ibang palamuti.
Kaya naman ang hamon sa nalalabing panahon,
Ay ating sabayan ang agos habang ang lahat ay nakadilat pa.
Pag-ibig na laan at bihis sa ati'y
Maging kumikinang na sasalamin at aakap sa iba.
Aug 21 · 318
Panaghoy
Sy Lilang Aug 21
082121

O giliw at ginintuan kong bayan,
Sa mga galamay ng may burdang hinagpis
Ay ‘di patitinag ang katapatan kong sayo’y itinatangis
Panaghoy ko’y ‘wag sanang lisanin
Ang pangako nating hanggang sa dulo’y mananatili.

Hindi man sa ngayon
Ang paggawad ng medalyang kailanma’y hindi mangangalawang,
Ako’y magtitiis sa muling paglipad
Ng kalapating pilit na itinatali’t ikinakahon
Sa mga islang tanging anino na lamang ang kasarinlan.

Kung mamarapatin lang ng may Likha
Na ako’y tupukin na lamang ng apoy na hindi nakasusunog
At ako’y ayain sa hardin nang walang kamalayan
Kundi pagpuri sa Kanyang kagandahan.
Ngunit kailanma’y hindi ako mangingimasok
Sa kung anumang inilatag sa aking harapan.

Gustong lumuha ng dugo
Ng aking mga matang may iisang tinitingnan.
Sa mga kamay Niya’y
Hahayaan ko na lamang na dumungis ang mga butil
At ang Kanyang pagkalinga’y
Magsilbing panlaman-tiyan.

Kung makararating man sa lahat ng mga pinili
Na ang aking pananatili’y hindi pansarili lamang
Kundi ito’y aking pagpasyang piliin pa rin
Ang tahanan bagamat ito’y pinagtaksilan ng karamihan.

Sa mga pulong walang kapanatagan
At walang kapaliwanagan ang may kapangyarihan,
Ay naniniwala akong hindi paglisan ang solusyon.
At kung takot at pangamba ang kanilang mga naging dahilan,
Ay hindi ko kokonsintihin
Ang puso kong anumang oras
Ay kayang piliin na rin ang paglisan.
Aug 20 · 267
Palay at Abo
Sy Lilang Aug 20
082021

Inuusig niya ang mga talang kumikinang
At tumatabon sa mga parating na bulalakaw.
Ang mga mata ng santelmo’y
Hindi na lagim ang ibinubuntong hininga
Kundi liwanag na humahabol
Sa bawat paghikab nang nakatihaya.

Hati-hati sila sa papag
Sa kung sino ang taya sa pagsilang ng araw
At sa pinintang dilim
Na hindi na bangunot ang pasalubong
Kundi pag-asang makapagsalu-salong muli
Sa hapag-kainan sa panibagong kalendaryo.

Habang nagniningas ang mga baga’y
Guguhitan nila ang pisngi ng bawat isa
Gamit ang bawat kwentong agimat ng kahapon.
At mapupuno ng halakhakan ang bawat kurtina
Na para bang sila’y nasa entablado
Ng sarili nilang istoryang sila rin ang nagbigay-buhay.

Ang bawat butil ng bigas
Ay katumbas ng pawis na alay nila sa palayan
Habang ang kirampot na tuyong walang sawsawan
Ay sining na makulay sa kanilang mga mata.

At sila’y magtatampisaw
Sa putikan ng kanilang hanapbuhay
At ni isa sa kanila’y ni minsa’y
Di ginambala na ang bukas ay magiging sakuna.

Isa, dalawa, tatlo..
Sunud-sunod ang mabibilis na butil
Na ni isa’y di mailagan.
Ang mga butil ng palay
Ay nagmistulang mga basura sa lansangan
Na nilalangaw at pinag-aagawan
Ng mga itim na ibong gahaman sa kapangyarihan.
Aug 20 · 354
Pamaypay
Sy Lilang Aug 20
082021

Mas malalim pa ang gabi
Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta.
Ang mga kulisap at kuliglig
Ay nagtatagisan ng mga boses
At sabay-sabay na nakikipagtalastasan
Kung kanino ba papanig
Ang buwang hugis pamato sa larong kalye.

Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib
Noong panahon pa ng mga Hapones.
Kaya’t nagbakasali akong
Kaya ko silang paniwalaan
Pagkat ni minsa’y hindi naman ako
Nakapagpantig ng mga salitang
Nakakahon sa iisang pangungusap.

Natatandaan ko pa ngang
Sa tuwing tumatanghod ako
Sa aming bintana sa umaga’y
Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho
At nambabato ng dyaryo
Patungo sa aming pintuan.

Si Inay ay gagayak para sa bagong balita,
Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong
At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas.

Habang sya’y papalapit
Ay kusang malalagas
Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas
At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw
Sa pabrika ng kanyang kaklase noon
Na anak-mayaman.

Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin
Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan
At bigyang buhay ang mga papel
At baka sakaling,
Maging bihasa rin ako gaya ng iba.

Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin
Ay kusang maglalaho
Kasabay ng aking mga panagip.
Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy
Ay maya-maya ring magpapalamon
At magpapaubaya
Sa kadilimang bunsod ng panahong
May paulit-ulit na panimula’t katapusan.

Sabagay, ang lahat nama’y
Magmimistulang pandagdag lasa na lamang
Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam.

Naubos na ang bawat pahina
Ngunit di ko man lamang nagawang simulan
Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay.
Saan nga ba ang aming magiging tagpuan?
Saan at kailan nga ba ang hangin
Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
Aug 20 · 226
Amo
Sy Lilang Aug 20
Amo
082021

Nabibilang lamang sa aking mga daliri
Ang mga buwan na tiniklupan ng mga ulap
Nang sa’king mga bisig,
Ang yakap mo’y nagmistulang kumot
Sa balat kong sumisigaw sa alat
At anghang ng aking pakiramdam.

Sa titig mo’y ako’y nakalilimot
Na ang pangalan ko’y nagbagong bihis na rin.
At kasabay ng paglilipat silid at bubongan,
Ay ang paglisan ko sa unang tahanang
Humagkan sa aking pagkakakilanlan
At bumuhos sa akin nang di masukat na pagmamahal.

Ang mga ngiti **** pumapawi sa’king paghihintay
Sa maghapong masuklian naman
Ang pansamantala kong pangungulila’y
Nagsisilbing matatamis na tsokolateng
Hindi naman pala nakamamatay.

At sa ganitong pagpatak ng mga segundo
Na parang mga barya sa alkansya mo,
Ang tanging hangad ko na tunay na pag-aaruga’y
Iyong pabaon na araw-araw kong sasalubungin at pagbubuksan.

Nakalimutan ko na rin atang humanap pa ng iba
Di gaya ng panata ko noon sa mga rehas
Kung saan gusto kong kumawala.
Pagkat sa’yo pa lamang ay abot-langit na
Ang aking mga ngiti’t pagsintang
Lulan ng iyong mga hagkan
At walang pag-imbot na pag-aalaga’t pagkukusa.

Kung kaya ko lamang pigilan ang sarili
Buhat sa pagtikom ng aking bibig
Ay nais ko sanang ipagsigawan
Sa apat na sulok ng ating tahanan
Ang pangalan **** ni minsa’y hindi ko naintindahan.

Bagamat sa bawat pagkilos mo’y
Hindi ko maipagkakailang
Ako’y tunay mo ngang mahal at pinakaiingatan.

Hindi na ako manlilimos pa,
Ng pagmamahal o atensyon sa mga tauhang
Lilisan sa kani-kanilang panahon at kagustuhan.
At pipiliin kong masanay na makipagsayawan
Sa mga mata **** tanging lilim ang laan sa akin.

At kung ito man ang una’t huling sulat
Na ikaw mismo ang pumataw ng mga kahulugan
Ay hayaan mo ring masambit kong
Sa araw-araw, ikaw ang nanaisin ko pang makapiling.
Para sa aking amo..

Nagmamahal,
Luna the Frenchie
Aug 17 · 193
Takas
Sy Lilang Aug 17
081721

Bagamat dumadaplis lamang sa atin
Ang mga palaso ng kalaba’y
Hindi moog ang ating mga damdamin
At hindi rin bulag ang ating mga pananaw
Sa hayag na pagsasalitan ng mga balang ligaw.

Gaya ng durungawang nakasilip
Ay bukas na rin ang ating mga isipan
Sa mga di kanais-nais na mga patibong
Na ilang ulit inilagan sa katahimikan.
Bagkus, ang mga ito’y nagmistulang mga laruang papel
Na madaling napunit at bumigay
Buhat sa walang awang pamimihasa
Ng mga ahas at linta sa lipunan.

Tila sila’y nakasilid na lamang
Sa kahong hindi de-baterya
Habang tayo’y nagsisilipat
Sa tuwing nagsusulputan ang sari’t saring palatastas.

At habang tayo’y nananatiling panatag
Buhat sa ating mga kinatitirika’t kinalalagyan,
Kasabay naman nito ang pagyurak sa mga dangal
Buhat sa mga ideolohiyang kumikitil sa mga pangarap
At nagsisilbing diktador sa kani-kaniyang mga tahanang
Wala nang makita pang ibang dahilan upang tumahan pa.

Ang mga luhang hindi natin makayang punasa’y
Nagmimistulang mga tinik na lamang sa’ting mga pagkatao.
Syang susulpot at tutusok sa pakiramdam nating
Minsan nga’y malapit lamang tayo sa isa’t isa
At sana’y kaya nga nating patahimikin
Ang walang himpil na pag-usok sa kanilang ipinagbabaka.

At sa ating paghimlay sa ating mga kumot
Ay sabay din silang mangungulila
Sa mga akap at lambing ng kanilang mga mahal sa buhay
At hihilinging huminto na lamang ang mga sandali’t
Makatakbo sila’t makalisan nang walang nakakapansin.
Aug 17 · 259
The Space Between Us
Sy Lilang Aug 17
081721

Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag
Na dumarampi sa aking mga pilik-mata
Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit
At pag-agos nang marahan
Ng pawis na pilit kong ikinukubli
Sa bawat pagtiklop ng hapon.

Walang oras o segundong hayag
Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw
Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli.
Ni hindi ko magawang lumapit
Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin
Na para bang nais Nitong hingahang muli
Ang buo kong pagkatao.
Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso
Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang
Minsang kumatok at pinagbuksan.

Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang
Walang ibang hiling
Kundi sumapit ang takdang araw
Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo
Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan
Ng mga bulalakaw sa langit
At may iba’t ibang kapaliwanagan.

Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis
Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian
At sa pastulang aking minsang sinuklian
Ng Kanyang mga balak
At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon
At akin nang inaani nang may galak.

Dumudungaw sa lente ng aking mga mata
Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag.
At tunay ngang ang mga luha'y papawiin
At wala nang ibang maibibigkas pa kundi
Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari
Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap
Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman.

"Bubuksan Ko ang kalangitan,
Maging ang buong kalawakan,
Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo.
Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya
At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo.
Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob
At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik.
Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan
Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang
Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin.
Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag
Sa pagsapit ng itinakdang oras..
At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad
Sa landas kong laan para sa'yo.
Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian
Ay bukas para sa lahat,
At ang dugong dumanak
Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus
Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban.
Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong
Syang gagabay sa'yong mga pasya't
Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay
Na tanging pang-langit lamang.
Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo,
Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob..
At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko
Ang lahat ng aking mga anak
Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop
At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos.
Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
Aug 11 · 271
Lalim at Lilim
Sy Lilang Aug 11
Gustuhin ko mang makipagsapalaran
Sa mga letrang nakalutang sa himpapawid
Ay binabalot ako ng pagtatantya
Kung ito na ba ang tamang oras
Para kunin ang aking panulat
At iguhit ang silakbo ng aking damdamin.

Humihinto ang mga oras sa bawat pag-uusig
At tinitimbang ko pa rin
Ang mga barkong pumapagitna sa akin.
Nais kong kumawala at lumisan na lamang
Ngunit ang dulot ng aking pagpapaalam
Ay mas magdudulot lamang ng dilim.

Gusto kong maniwala na ang solusyon
Ay sa pagitan ng mga iginuhit na linya
Ngunit ang aking puso'y nagtataglay ng apoy
Na maaaring makasunog sa mga barkong ito.

Hindi ko mapigilan ang nagniningas sa aking kaloob-looban
At ang boses na mas lalo pang lumalakas
Kasabay ng pagtambol ng aking hininga.
Gusto Nitong tupukin ang lahat
At sakupin ang bawat naglalayag
Sa kani-kanilang mga direksyon.

Pumikit ako at tumalon sa karagatan ng aking imahinasyon --
Imahinasyong masasabi kong tunay na engkwentro.
Patuloy kong nilalaban ang mga ugat sa aking mga braso
Na sa bawat pulso ng aking pagkatao'y
Pilit na kumikitil sa aking pagpapasya
Na mas sumisid pa sa mas malalim.

Napahinto ako sa aking pagpupumiglas
Pagkat narinig ko ang tinig na nagsasabing,
"Manatili ka lamang,"
At ako'y kusang sumabay sa ritmo ng Tinig na iyon
At unti-unti kong nasilayan na naglaho na
Ang mga agiw sa aking mga mata
At kusa ko nang nararamdamang
Mas kaya ko nang huminga sa mas malalim pa.

Ito ang aking hantungan,
Ito ang sinasabi kong liwanag.
Ito ang aking kapanatagan,
At sa Kanya ang aking lilim ng kaliwanagan.
Aug 11 · 231
Istatwa
Sy Lilang Aug 11
Nangungusap ang mga mata
Kasabay ng paglagas ng mga utal-utal na salita
Walang kuwit, walang tuldok
Pilit na binubuksan ang mga pusong nililok ng galit at tampo,
Walang katapusan ang kani-kanilang mga pangungusap.

Nababalot tayo ng hiwaga
At ang ating mga puso'y napupuno ng mga lasong
Sinulsi ng kirot ng kahapon.
Lumipas na --
Nilipasan na tayo ng ilang mga umaga
Napuno na tayo ng mga agiw sa paghihintay.

Iniisip natin sa kung papaanong paraan ba
Maihahayag ang mga palamuti sa ating imahinasyon.
Paano ba natin masasabayan ang lumalagablab na galit?
Na ibinubuhos sa atin gaya ng may kumukulong tubig sa takure.
Paano nga ba tayo mananataling walang pakiramdam
Hanggang matapos ang delubyo ng poot at paghihiganti?

Umiiwas tayo sa hanging mapanakit
Ngunit tila ba hinahabol tayo kahit tayo'y nakapikit na.
Walang hikbi at walang kamalay-malay tayong minamanipula
Ng mga pagkakataong tumutukso na tayo'y talunan na.

Ngunit sa lahat-lahat ng mga ito'y
Pipiliin nating tumayo pa rin
Bitbit ang ating mga bandila
At kahit pa sa ating pananahimik
Ay kusang sisigaw ang mga tala para sa atin
At mas magliliwanag pa ang mga ito.

Ang mga makakapal na ulap
Ay makakaya na nating hawiin
At magsisilbi itong palatandaan
Na tayo'y  hindi magpapalupig
Sa dikta ng tadhana at panahon.
Pipiliin pa rin nating maging tama
At ang lahat ng mga pasakit ng nakaraan
Ay magsisilbing pabaon natin
Sa kinabukasang henerasyon.

Kaya ko, kaya mo --
Kakayanin natin,
Kaya natin, kasama ang Panginoon!
Jul 30 · 130
Patuloy
Sy Lilang Jul 30
072921

Nag-uumapaw --
Nag-uumapaw ang Iyong pag-ibig at pagkalinga
Sa pagsilang ng araw.

Ang Iyong mga yakap na hinahagis ng hangin
Na dumadampi sa aking balat
Di ko masukat kung gaano kalawak ang karagatan
At ako'y nabihag; ako'y nabighani Sa'yong kagandahan --
Kagandahang mismong ang Iyong mga nilikha
Sa kanila ko nasisilayan
Sa kanila ko nararamdaman
Ang pag-ibig na sinasabi **** walang katulad,
Walang pamagat, walang sukat.
Walang kung anumang lalim.

Sa'yong pag-ibig, hayaan **** matuklasan ko
Hayaan **** masilayan ko
Ang nasi sambitin
Sa mga pahina na nakasulat --
Iyong Isinulat noong nakalipas pa.

Sa bawat paglagas ng mga dahon
Pra itong bumubuhos sa'king mga paa
At sa tuwing ako'y titingala
Gusto kong saluhin ang lahat nang paisa-isa
Saluhin lahat ng mga biyaya
Ng bawat pag-ibig
Ang bawat pagkalinga Mo
Na hidni ko malaman kung saan nanggagaling.

Hindi ko matansya
Kung bakit hindi nauubos ang Iyong pag-ibig.
Pero salamat, salamat Panginoon
Salamat sa walang hanggan --
Sa walang hanggan dahil sa pag-ibig Mo,
Inbialay Mo ang Iyong anak na si Hesus.

Hesus na syang lunas ng anuman --
Anumang sakit, anumang delubyo,
Anumang pagkukunwari, anumang pag-aalala
Anumang walang pagtitiwala..
Anumang poot at sakit na nararamdaman,
Nananatili man yan sa puso o sa isipan
O yung mga taong nakasakit sa'yo
Mga taong nasaktan mo..

Dahil sa nag-iisang pangalan,
Kaya nitong tupukin ang lahat
Kaya nitong bawiin ang lahat ng nawala sayo
At dahan-dahan,
Dahan-dahan kang ngingiti
Hindi lamang ang Iyong mga labi
Ngunit kundi ang puso mo
Na ang hantungan ay doon sa kalangitan
Sa kalingatan kung saan sa trono
Ang trono ng Liwanag ay patuloy na kikinang
Patuloy na mamumutawi ang kagandahan
At sabay-sabay nating masisilayan
Ang pagbabalik ng hinihintay ng lahat
Salamat at patuloy tayong maghihintay
Patuloy na iibig
Patuloy na mananampalataya..
Patuloy lang, patuloy lang..
Jul 30 · 315
Patungo Sa'yo
Sy Lilang Jul 30
072821

Hayaan **** magsimula ako
Kung saan ang mga salita'y wala pang ugat
Kung ang lahat ng salitang ibinibigkas,
Ipinipintig ng puso't damdamin
Ay nagmumula Sa'yo.

Gusto kong sabihin Sa'yo nang harapan
Lahat ng nararamdaman
Gusto kong sambitin
Yung bawat tugma ng salita
Na pilit na kumakapit, kumakalas, gustong kumawala
Sa katauhan kong hindi alam
Kung saan nga ba papunta.

Hindi ko masilayan kung saan nga ba ang mga bituin
Ngunit siguro ako na ang Norte'y mararating din.

Sa paglalakad ko,
Patuloy na nangungusap ang Iyong mga matang
Hindi ko pa nasisilayan.
Ang mga mata **** luha'y ibinubuhos ng kalangitan
At sa bawat pagpatak nito'y
Pilit kong iniaabot ang bawat butil
At sinasabi ko sa sariling,
"Balang araw, wala ng luhang matitira pa."

Maging sa pagkilos ng mga bituin
At pag-ihip ng hangin,
Ay masasabi kong panandalian lamang ang mga ito.

Wala Akong gusto at iba pang hangarin
Kundi paliwanagin ang mga nakikita ng iyong mga mata.
Gusto Kong patuloy kang tuamakbo,
Patuloy kang mangarap
Kahit na pakirtamdam mo'y ikay nag-iisa.

Ngunit sa paniniwala **** iyon
Ay dahan-dahan Kitang aakayin at tutulungan --
Tutulangan papunta.. Patungo tayo
Sa pangarap Kong laan sa'yo.

At kung Ako..
Kung Ako man ang pinipili mo,
Hayaan **** ika'y bihisan ko --
Bihisan nang walang pag-aalinlangan.
Yung pag-aalinlangan mo sa sarili **** hindi mo kaya,
Yung pag-aalinlangan **** wala nang pag-asa,
Na 'yung sinimulan mo noo'y tapos na.

Pagkat sa bawat pahina,
sa bawat letrang inihahagis sa Akin patungo sa'yo
Na para bang ito'y pulang laso
Na patuloy Kong ikinakabit sa puso mo --
Sa puso **** patuloy na lumalayo..
Patuloy na nanganagmba
Sa kinabukasang hindi mo naman makita.

At sa kurtina ng Liwanag
Kung saan masisilayan ang tronong kumikintab
Ginto at pilak at kung anu-ano pang makikinang ay balewala
Pagkat sa presensya Mo'y tanging lahat
Ay masasabi kong may lunas na.
Ang liwanag ng Iyong pagtitiwala sa akin
Ay nasilayan ko na.

Salamat, salamat Ama.
Salamat Panginoong Hesus
Dahil sa krus tayo'y nagtagpo.
Patungo ako, tumatakbo sa kung saan man --
Sa kung saan mang lupalop na hindi ko maintindihan
Na lahat ng bagay sa mundo'y patuloy na dumadampi sa akin
Patuloy na pinipilit na sila yung makita 'ko.
Na sila 'yung magliwanag sa mga paningin ko.
Ngunit sa pagku-krus ng ating landas,
Ay masasabi kong,
"Masaya ako, guminhawa ang buhay ko,"
Yung pangarap Mo, sana ay pangarap ko na rin..
Yung kagustuhan Mo, sana magustuhan ko rin..
Sa na'y maisunod ko ang mga yapak ko..
Patungo Sa'yo.
Nagsimula akong mag-record ng spoken word poetry after devotion.
Lahat impromptu; lahat random at kung ano lang ang masambit ko. Yun na yun. Salamat, Panginoon!
Jul 16 · 323
Silaw
Sy Lilang Jul 16
Ang lalim ng 'Yong pag-unawa'y
Higit pa sa mga nakapilang karagatang
Nagsasapawan patungong Silangan at Kanluran.
Umaapaw ang 'Yong pagkalingang walang ibang nais
Kundi ibuhos ang 'Yong katapatan sa aking kakulangan.

At gaya nga ng mga ibong walang sawang sumisipol,
Ay gayundin naman ang 'Yong pag-ibig
Na hindi ko mabigyang pamagat
Gaya ng mga tulang kinakatha ng puso't pag-iisip.

Sa bawat bigkas ng bibig,
Sa bawat tuldok na simula ng pagguhit,
Sa bawat pintig ng pusong tanging Sayo ang papuri..
Ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin,
At malaya kong ihahagis ang mga kamay sa ere --
Kung saan ang langit ay panandaliang masisilayan.

Maghihintay sa araw ng paghayag ng liwanag,
Ang boses **** sa mga letra lamang nabibigyang-buhay
Ay balang araw ding hehele't magpapatikom
Sa mga armas ng kadiliman.
At balang araw, masasabi ko ring,
"Nagbunga ang paghihintay."
Jun 30 · 205
Pastulan
Sy Lilang Jun 30
06272021

Doon sa parteng may tubig sa aming bakuran
Ay natagpuan ko ang hiwaga ng bawat nilalang
Na araw-araw na sumasalubong sa akin
Buhat sa aking pag-gayak sa umaga’t hapon.

Silang mga kulay puti ay sabay-sabay na sumisigaw ng aking pangalan
At bagamat hindi ko rin wari ang lenggwahe na kanilang taglay,
Ay para bang kampante akong sila’y yakapin
At alalayang maitawid ang bawat araw nang may galak sa puso.

Tila ba sa bawat araw na itiunuro sa akin ni Tatay noon,
Ay natututo na rin akong makiramdam at makialam.
Ito yung tipong kaya ko na rin palang arugain ang hindi akin
Ngunit ang bawat binhi ay ngayo’y itinuturing ko ng kayamanan.

Twing nakatirik ang araw
Ay agaran kong kukumbinsihin ang aking sariling
Gumayak at lisanin ang aking higaan
At kamustahin ang mga ito.

Tangan ko ang kahoy na gawad ni Tatay sa akin,
At balewala ang putikang aking sasadyain.
Bilin nya nga sa aki’y wag ko raw hahayaang lubugan na ako ng araw
Bago ko pa yakapin ang responsibilidad na iniatang nya sa akin.

Sa yaman ng kalikasan, ay wala na akong magiging dahilan pa
Upang kalimutan ang aking pagkatawag
At sila’y pabayaan sa matatalim na ngipin ng ibang mga nilalang.
Silang sa pagsapit ng dilim, ay nakabantay lamang
At handang sunggabin ang bawat naliligaw ng landas.

Sa tubig sa batis at ilog
Ay akin naman silang aalalayan
Ang galak ko habang silang hinahayaang busugin ang sarili
Sa berdeng kalupaa’y walang katumbas
Pagkat dito ko sila nasisilayan at napagtatantong
Totoo nga ang sabi sa akin ni Tatay.

Ni hindi ko na kailangang maglakbay
Patungo sa kung saan mang siyudad
Matamasa lamang ang tunay na kaligayahan
Pagkat sa akin ay sapat na ang sundin ko ang bilin ni Tatay.

Malayo pa ang umagang kami’y maghahawak kamay
Ang yapos niya’t pagkalinga sa akin
Ay araw ko ring hinahanap-hanap.
Naniniwala akong darating ang umagang iyon,
Maghihintay lamang ako habang ang kanyang pamana’y
Lubos kong aarugain ng pag-ibig at pag-aalalay.
Jun 30 · 136
Blossom
Sy Lilang Jun 30
06302021

Saan nga ba tutungo ang mga salita?
Mga salitang mitsa ng mga ngiting abot-langit.
Mga salitang noon pa sana'y nabitawan
Mga salitang matagal na hinintay at ipinagdasal.

May mga alaalang akala ko'y nanatiling abo na.
At sa aking pagbabakasali noo'y
Baka nga kaya pang mag-krus ang mga landas
Sa daang ilang mga ekstranghero na ang nagdaan.

Sa bawat sandalyas na hindi tiyak ang pinagmulan,
Nangusap ang pusong wag muna't maghintay.
At habang nagbibilang ng mga rosas na pula'y
Mayroong nag-iisang puting isinaboy buhat sa kalangitan.

Sambit ko nga'y sana'y sapat na ang mga panahong binilang
Ngunit ang mga pahina sa kalendaryo'y tila ba naglagasan --
Naglagasan nang walang pasabi't
Nag-iwan ng mga luhang nag-uumapaw.

Natuklasan kong sa buhay na minsang ma'y lumilisan,
Minsan di'y may ilang babalik nang kusa.
Gaya ng tagsibol, ay magsisimulang mamulaklak muli
Ang mga rosas na akala kong nahimlay na sa libingan.
Jun 26 · 436
Equinox
Sy Lilang Jun 26
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas
Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig
Ang mga balitang may madalamhating panimula.
At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma
Sa kahon at sa lilim ng Malacanang,
Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya.

Ginuguhit ko sa aking isipan
Ang paulit-ulit na malalaking tuldok
At ang kani-kanilang dugtugngan
Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan
Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi
Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan.

Natatandaan ko pa noong elementarya,
At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan
Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito
At sabay-sabay na susugod at lulusob
Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito.

At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili
Ang mga imahe sa realidad
Ay wala naman akong kakayahan
Para pigilan ang tadhana sa pagkitil
Ng kanilang mga pinaglumaang orasan.

Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon
Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal
At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto
Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan
Ay magsisilbi namang pamana
Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban.

Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan
Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala
Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat.
At marahil bukas o sa makalawa'y
Sabay-sabay din tayong magbunyi
Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
Sy Lilang Jun 25
The clouds whispered,
“You’re the Name above all Names.”
The oceans shouted the last words
He has always bear in his mind,
With no second thoughts,
But just a glimpse of the future.
The zeal of his being
And the beginning of everything that sprouts.
He declares, “You are worthy of it all.”

The words that once shattered for the fallen,
Those words that lingered in the mighty sleepers,
The words that have been longing to be found
To be kept and to be lived more than anything else.
And it became more than itself,
More than the splashing bequeathing eternal scent,
More than the salty waters
Caught in every beholder of light,
In the brimming goblet of healing and revival.

The man walked and no one has seen his shadow yet.
The spell of the dearest with a glorious crown
Is as irrefutable as his ethereal beauty.
Oh, the waiting shall be over soon..
The soldiers have been holding their fire for a long time.
They whose chariots have fiery horses in the sky.
In the pages of time, here comes the unveiling of truth
Every day he whispers; clinging and longing to be restored
Like sunbeams on the dying nights with mellow feelings.

Oh the joyous submerge in the arms of the Splendor —
The grandeur of hope, far beyond each hitting arrow.
The outpouring of the bows from heaven
In the form of lightning and thunder,
The resemblance of mercy in the resurrection of a throne.
Calling the united, He who strolls in the beginning
Shall be heard and be laud with praises and anthems.
Let every voice form one speech, one tongue, one language.
And the scattered shall be whole once again.
Jun 13 · 427
Pamato(l)
Sy Lilang Jun 13
Napuno ng tsokolate ang kanilang mga pisnging walang pakiramdam,
At ang awit sa tabing estero’y maingay pa sa pag-iri ng mga metal na may susi.
Unti-unti na rin silang naglabasan
Na tila mga gagambang handa nang pagpiyestahan
Ang mga bihag sa kahon ng posporo.

Narinig ko ang malulutong na mga papel
Na sabay-sabay ang pagpaubaya sa hanging umiihip ngunit mahiyain.
Ang mga palad na kanina’y nakatikom sa mga tela’y
Agarang nagsilikas at humalik sa mga lukot-lukot na papel.

Narinig ko rin ang mga latang may mukha
Buhat sa kani-kanilang sisidlan na kanina’y may makukunat na goma.
Ngayo’y isa-isa silang ipinatumba
Na para bang sa mga napapanood kong pelikula ni FPJ.

Hindi ko matantya kung ano ba ang ibig sabihin
Ng kakaibang sining sa mga mata nilang tila ba santelmo.
Maghuhulaan ba kami sa kanilang mga bolang kristal
O huhubarin na rin nang paisa-isa
Ang mga alagad nito’t maibubunyag ang aking pamato.
Jun 13 · 160
BGYO
Sy Lilang Jun 13
Malalim na ang gabi
Habang sumisimangot ang alaala.
Ngunit magka ganoon ma’y
Kaya itong patahimikin
Ng pabulong na paghikbi
Ng ulang isinalin sa garapon.

Ang alat ng karagata’y
Syang sumalo sa mga binhing magagaspang.
At nagmistulang mga pamaypay ang mga alitaptap
Sa kanilang pagsalubong
Sa pira-pirasong bangkang nilamon ng dagat.

Ang kumot na walang hangganan
Ay nagsilbing maskara
Upang pansamantalang hilumin
Ang tinaboy at isinuka ng naglalagablab
Na hindi nakasusunog.

At ang apoy na taglay nito’y
Sya ring naging panghilamos
Ng pininta ng kidlat at kalangitan
Na syang sumuklob sa kanyang pamumuno.

Walang numerong mailimbag
Buhat sa sapilitang pagnanakaw
At pataksil na paglisan
Ng mga abong naging multo.

At doon naging pamatid-uhaw
Ang mga halik na ipinagtagpi-tagpi
Ng mga luhang maalat at walang direksyon.

Tila ito na ang pagmartsa
Ng kani-kanilang mga multo
Patungo sa libingang walang mga pangalan.
Silang mga walang mukha
At tanging abong ipinag-isa sa karagatan.
Jun 9 · 647
TIWALAg (Departure)
Sy Lilang Jun 9
06092021

Ang damdamin ng poot at lambing
Ay mga mekanismong humahalo sa saya
Ng pusong gustong kumawala
Sa diktador na sumara ng lagusan patungo sa liwanag.

Hindi maipinta ang mga sandaling naging hayag
Sa kung papaanong paraan ba hinabi ang sarili
Sa banig ng karamdamang tumupok sa pangarap --
Sa pangarap na masilayan ang araw
At madampian ng liwanag ang buo nyang pagkatao.

Sa mga nanlilisik na matang mapanghusga,
Tila ba ang pagkutya ay naging agahan sa malamig na umaga,
At ang kapeng mainit ay binuhusan ng malamig na tubig
Sa gabing walang pasabi kung lumisan na ba ang araw
O nanatili itong nakatirik sa tanghaling tapat ngunit mapag-usig.

Ang bawat pagtulog nang patagilid
At paulit-ulit na pagbangon ay sadyang nakakasawa.
Samantalang sa kanyang pagpihit sa debateryang may impormasyon,
Ay naghalo ang sining ng iba't ibang kwentong
Sana nga'y kanyang hayag na natatamasa.

Ang mga butil buhat sa sisidlan ng kanyang liwanag
Ay tila ba wala nang lalagyan pang sasalo
Sa mga binasag na oras ng mapanghinang delubyo.
Tila ba nagbibilang na lamang sya
Ng mga yapak na walang mukha,
At mga katok na nanatiling multo sa apat na sulok ng kanyang paghinga.

Maging ang bawat larawan ay nagsilbing alaala na lamang
Na hindi na mauulit pa kung bumukas man ang liwanag
At mag-alok ito ng pagsakay
Sa hamong hindi nya na maaabutan pa.

Tila ba nahuli na ang pintig ng bawat kalabit sa kanyang damdamin,
Tila ba ang nakikinig ay nawalan na rin ng boses sa paligid.
At ang kahon na kanyang tirahan
Ay pansamantalang naging palamuting
Binudburan ng mga nagsasayawang bulaklak
At naglalagasang mga dahong walang nagwawalis.
Jun 3 · 253
The Story of Time
Sy Lilang Jun 3
06022021

Hayaan **** ilahad ng mga pahina ang misteryo ng nakalipas,
Ang mahikang bumabalot sa guhit ng mga palad
Na hinulma sa salamin ng liwanag,
Ang dugo ng kasaysayang naging pantatak ng kahapon, bukas at ngayon.

Ang pagsirit ng kandila sa lumalalim na gabi
Ay gaya ng pakikipagbuno ng kalangitan sa lumalagablab na araw.
Hindi man lamang napagod ang lumikha ng bahaghari,
Pagkat buhat sa simula hanggang dulo'y kaya nya itong pagmasdan --
Kaya nya itong sabayan hanggang sa pagtiklop ng mga ulap.

At gaya ng mga ibong malaya na walang humpay ang pagkampay patungo sa lilim,
Ay gayundin ang mga imahe ng putik na ginawaran ng damdamin.
Ang kanilang pakikipagsapalaran sa modernong makinarya ng paglusong at pag-ahon,
Na may dalisay na pagdinig sa lilim ng kapatawaran at kaligtasan.

Walang sinuman ang kayang kumitil sa mga paupos na kandila --
Silang ang pagluhod ay simbolo ng kalakasan at pagtitiwala.
Silang may dunong at sa bukal ng buhay ay may hiram na sandali.
Maliban na lang kung sya'y magpaubaya para lumisan nang walang paalam.
Ngunit kumatok man sila,
Ang huling habilin at pagsilip sa bintana sa hapag
Ay walang katiyakan pawang sa oras at magiging tahanan.

Di hamak na may kaalaman ang sining na paghinga ang naging buhay,
Kaysa sa mga yumuyukod na mga punong
Mayroong nalalagasan na mga pakpak sa bawat dapithapon.
Di gaya ng dagat na lumulunod sa sarili
Na hayag sa kalangitan ang pagkunot at paghinahon.

Ang pawis sa mga pisngi'y gaya ng mga butil ng perlas
Na higit pa sa mga ginto't dyamanteng ibinigkis para ikalakal.
Walang humpay ang pagkapa madatnan lamang ang liwanag
Sa iskinatang walang inihain kundi pait at karamdaman.

At katulad ng pagpapagal nito sa apoy upang mailimbag ang sarili'y
Kusang babalik ang mga ito sa hiningan ng sandali.
Kung saan wala nang ni isang mananatiling "misteryo,"
Kung saan lahad at hubad na ang lahat ng pagpapanggap.

At kung saan ang huling pahina ay pupunitin,
Ang himagsikan ay makikitil hindi nang panandalian lamang.
Magiging malaya ang pagpapaubaya ng mga kamay sa hangin,
Malaya ang mga pusong walang ibang nais kundi magpuri.
May 28 · 934
Dextrose
Sy Lilang May 28
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin,
Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin.
Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis.
At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis.

Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya
Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga?
Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero
Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla.

Sinisipat ang mga bulsang walang laman,
Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan.
May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig.
Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit.

Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y
Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa.
Sila sana ang pinakamakapangyarihan
Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan.
Sila sana ang pinapalakpakan,
Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan.

Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema.
Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din.
Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba
At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila.

Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag,
Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat
Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita.
Ano nga ba ang laban nila?
Ano nga ba ang tagumpay na maituturing
Sa labang tanong din ang katapusan?

Samu't saring lahi na may iisang kalaban
Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan?
May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan.
May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang.
Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin,
Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
May 26 · 236
Wonders and Awe
Sy Lilang May 26
To see You in victory
Regardless of my brokenness,
For You are my one thing.

--------------------

The war is a good language;
For in every war, there's always a victory --
A victory in a Name who's above all other names.

The Name who's good in defending,
Who's good at perfecting,
In drawing closer those hearts that are calling for help.
Those who plead and trust only Him.

The strengthening of the Lord covers all ages,
It's a transformation from inside out
And it's through the breath of life.

We listen in His voice like lullabies in our ears.
We need not pretend that we are strong by ourselves,
To stop taking the first steps
But instead, allow Him to take us to His ways.

For when John saw the revealed Jesus;
He no longer is the wounded One,
But He is seen as the resurrected One.

Maybe we've been trying out too many schemes
And our strategies always lead us to an end --
The dead-end of our lives.

But tonight, God wants to remind you
That your ending is the new beginning
And that Jesus already died for you and me.

His death became the beginning
Of exchanging meaning of what "victory" is all about.
A beginning that sprouts like a new leaf;
A beginning living in His testimony.

He says, "Come up here and see."
See it for yourself;
Because the Lord already prepared a banquet.

Jesus has an invitation to see Him,
To experience His salvation, His blessings
And so we can be filled with wonders and awe once again.
God is just waiting.
May 25 · 208
Handa, Tula, Awit
Sy Lilang May 25
05222021

Hindi ko mapigilan ang himig na humihele kasabay ng Iyong tinig.
Kumakatok ang Iyong presensya sa puso kong walang laman kundi ang pagkauhaw --
Nauuhaw buhat sa mundong mapagbalatkayo.
Sa mundong sapat na ang musika ng mga palamuting may hangganan.

Sa aking pagpikit ay umuusad ang Iyong mga pangungusap,
Bagamat walang tinig sa paligid
Ay namumuo pa rin ang habilin **** tangay ng hangin.
Maging mga kulisap ay walang naggawa't nanahimik na lamang.

Batid ko ang Iyong alok na ako'y tuluyang lumapit sa Iyong paanan,
Ang trono **** ni minsa'y hindi pa nasilayan
Bagkus hanap-hanap ng puso kong pagal sa paghihintay.
At kung ito ma'y panaginip, hayaan **** ako'y manatili.

Kinabig ko nang saglit ang parteng kaliwa ng aking dibdib,
Baka sakaling ang sarili'y natuluyan nang mahiwalay sa aking katawan.
At baka ako'y hinagip na rin kung saanmang lupalop --
Kung saan sa Iyong presensya'y mananatili akong akap.

Nais ko pa ring abutin ang pangarap **** inilaan
Ang sinasabi nilang imposible
Bagkus Sayo'y natagpuan ko ang katuturan.
Ang hiwaga na hindi maipaliwanag,
Ang hiwaga na tanging Sayo lamang nahanap.

Sa bawat pahinang hindi ko kayang tapusing maisulat
Ay nais kong habiin ang aking nararamdaman,
Itong pakiramdam na hindi ko masukat;
Pagkat Ikaw ang aking Pahinga, Sayo ang paghinga.
May 25 · 84
This Moment
Sy Lilang May 25
At this very moment,
I can feel Your healing hands in our wounded world.
You died for us to live
And living in such a time like this is a challenge of faith.

I can see Your desire raging from above,
I am soaring high like an eagle humbled by You
And no matter the altitude I am battling in,
No matter how heavy my burdens are,
I can see myself victorious in Your might.

I may not be able to finish this race perfectly,
But I can say, Your perfect love has completed me.
That I know to whom my soul belongs
And it is not for this world but for You alone.

Who am I that You see me now?
Who am I that You still see me worthy to be died for?
Oh Lord, Your mercy is undying
Your grace overflows and it’s unending.

The world may fade its glory
But there You are, like an unstoppable incense within me
Your greatness, let it be seen in me
And whatever I do, may it bring You glory.

For I am nothing without You,
My boasting is only up to the end of my life
But when You humble me down,
It brings me to eternity
And forever, I can settle and rest with You.
Psalm 113:3-4 (NIV)

From the rising of the sun to the place where it sets, the name of the Lord is to be praised. The Lord is exalted over all the nations, his glory above the heavens.
May 22 · 434
Pulang Laso
Sy Lilang May 22
Ang bawat salitang bibitawa’y
Mistulang mga butil ng ulan.
Dahan-dahang tutuksuhin ang damdaming
Hindi mawari kung saan nga ba lulugar.

At unti-unting magtatago at maglalaho,
Gaya ng mga imahe sa panaginip
Na minsa’y nagigising na lamang --
Kupas na ang mga alaala.

Naglaho at nagbago,
Tulad ng gabing mapanlinlang.
Tulad ng pag-aalinlangan
Kung bubuhos na ba ang unang patak ng ulan
O mananatili’t makapaghihintay
Kung sino ang taya; kung sino ang handa na.

Hindi ko lubos maisip
Na ang tadhana pala ay may katapusan,
At ito’y matagal nang dumaong
Sa kawalan ng tiwala.

At gaya ng mapanuksong dahong
Sumasalo sa luha ng langit,
Siya rin pala'y bibigay at mapapagod --
Mapapagod at lilihis hanggang pangako'y mapako.

Naubusan ang bawat katauhan
Ng sandatang  mas masakit pa sa ligaw na bala.
Hindi na rin nila naggawang humanap ng paraan
Para likumin ang minsang mga butil
Na ngayo'y karagatan na.

Naubusan na rin ng mga salitang maibibigkas
Pero minsan din naman nilang sinambit,
Na “ako’y handa na."
Nagtuturuan at nagtutulakan,
Kung sino ba ang may sala.
Ang rosas na alaala, ngayo'y tinik na sinusuka.

Humahampas ang agos ng nakaraan
Sa mga pusong nanamlay habang naghihintay.
Marahil, napagod nga sila
O talagang naubos na ang alas
Sa kani-kanilang mga baraha.

Naulit nga lang ba ang nakaraan?
O ito ang katapusan ng kanilang sumpaan?
Pagkat minsan na ring nalumbay
Buhat sa distansyang pumagitan sa kanila
Ngunit sa pagitan ng “oo” at “hindi,”
Hindi na nila nagawang sumabay.

Ang bigat na kargo ng isa’y
Hindi na kinayang pasanin ng isa pa.
At sa sabay na pagtalikod
Ay namutawi ang poot at tampo.

Hanggang sa dulo ng sinasabi nilang “simula”
Ay naging hangganan na.
At naputol ang pulang lasong itinali nang sabay.
Sabay nga silang nangarap,
Ngunit sabay din silang naubos.
Sy Lilang May 18
My roots may have adapted for years —
Many celebrate when I’m in victory
But I found no one In the long run of misery.

And this pace was tiring,
It has left me hanging —
Clueless of what’s ahead,
Murky days ahead,
It’s as if.. combing the strands of my hair in white,
With a gentle touch from my weary fingertips.

And maybe, just maybe
You know I’ve been lying to myself lately.
If I could just retire for a moment.
A moment that could snap towards the future,
A moment that could bounce me back to the past,
Or even freeze me like Captain America.

If I could just pull myself up from the mirror,
And maybe exchange names with somebody else.
Someone better than me,
Someone good enough,
Someone whose best
Could fit in this demanding society.

I still can’t get over such thoughts,
I can’t even recover
From the pain that haunts me
Every time I try to seek the light.

“It’s easy,” they’ll tell you
But their absence was the only constant thing
To be present all this time.

Like I said: it was a long run —
Of resisting this agenda in my head,
“I’m not good enough.”
How I wish to be torn between two lovers,
But it was between the old and new me.
How could I love myself then?
May 18 · 391
The Sun Bids Goodbye
Sy Lilang May 18
05212020

Like the wind,
Like the sand —
My heart is hopeful.
To witness Your undying beauty.

I took a picture of the mountains,
And then the oceans
And those people lingering their thoughts
While serving as the highlight of the background.

I can’t deny its raging beauty
But I search for more —
I search for the Sun each day
For what boasting I could have?

I’ve been to the beach so many times,
And in different seasons.
You take me to the shore
And I’m always in awe —
Not by the beauty itself
But by who You are.
Oh, how could I stop praising You?
May 11 · 95
Until We Meet Again
Sy Lilang May 11
The sound of the rain becomes one with my thoughts.
And now, I dance with the melody of my soul that was once lost.
I can hear the echoes of my past,
Beating what’s inside me,
Trying to battle the hope that is burning in my spirit.

Sometimes it still murmurs the pain of losing —
Reminding me the intensity of its debris
That still lingers in the shadows behind me.
But I was not the same me like the old, old days.
Maybe he doesn’t know that he too, has weaknesses
To ponder about and to transfer his energy instead.

As I shutter the light in me,
I come across in the interior of my own “building.”
The facade that I tried to replace with aesthetics
Cannot be compared to what will last in the near future.
And I know, it’s so soon.

The clouds may still hide the glory that is to come,
And yet the hopeful ones are ready
To be harvested like the flowers on the lawn.
The diverse scenario of picking flowers,
Of watching the sunrise again..
I do hope that everyone understands the depth
Of what it really means to “rise from the dead.”

If only we could feel the power that runs in His blood,
Maybe we’ll all get access to the vision He has left us with.
But that power that raised Him from the dead
Is also the power that is in you and me
To conquer the battles with our daily bread.

Today, we shiver with the taste of life,
And I always push myself to have better ears than bitter tears.
I know that one day, we’ll come to the best ending of our lives.
But on that day, I hope we are one in spirit and truth.
For only the truth will last forever.

I hope we don’t mind if our standards of “truth”
May come into halt..
And that’s to bring out the best version of us,
To the better you and me!
‘Til we meet again!
May 1 · 130
Why Fishermen?
Sy Lilang May 1
04052021

And so I had a vision:
To sail a boat of my own..
Let me tell you a story..
That one God impressed to me.

Watchin’ the raging waves,
I pondered with a question of..
“Why did Jesus chose fishermen?”
Then his goal isn’t just to save the lost
But to gather them in unity.

I remember the rich man
Who failed in his test..
For he cannot leave his riches behind,
After boasting that he has done everything
For his the salvation of his soul.

Fishermen have simple lives
They fish as their living;
One “nothing has been caught”
Might end a life worth-saving.

But these fishermen understood
The essence of being disciples of Jesus;
They became fishers of men —
From island to another one.
May 1 · 89
Temporal
Sy Lilang May 1
04192021

Healing hands, kneeling soul
Shaking —
My body’s been shakin’
Yet I know He can make it
And He will lead me all through it.

I have these thoughts
Of exchanging the worries
With renewal of mind,
Bartering what’s temporal
With what I long for eternal..

When I’m weak,
I look at myself —
Oh, I’m that small..
And figured all things out..
That, Oh..
My God’s so, So big.

When I’m in my worst,
I dance with sorrow as well
Like normal being,
Lost, who keeps wandering away..
But in my worst,
In the dust in the desert,
I find the waters
May 1 · 321
Healing
Sy Lilang May 1
04192021

Gusto ko nang gumaling —
Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko
Paulit-ulit kong panalangin.
Pero naisip ko rin,
Kaya ko bang gumaling nang walang gamot?

Sa paghihintay kong hindi nakapila,
Sa paghihintay ko sa oras kong itinakda —
Sa oras ko nang pagsalang..
Gusto ko naman sanang
“Magaling na ako
Bago ako mag-undergo ng test.”

Naisip ko, sa ganitong estado pala’y
Gaya pala ito ng paghihintay
Sa pagbabalik ni Hesus..
Na ang nais ko lamang
Ay matagpuan Nya akong “magaling na”
Sa anumang sakit at sumpang dumapo sa akin.

Sa bawat pagsikat ng araw
At sa bawat pagsipat ko sa bagong buhay,
Ang tanging lunas pa rin
Ay ang presensya Nya..
Walang ibang kasagutan
Sa paghilom ng aking pagkatao
Kundi Sya’t Sya pa rin naman talaga.

Hindi ko naman pwedeng madalian
Ang oras ko tapos hindi pala ako handa
Hindi pala ako naghahanda
Sa pagbabalik Nya.
Yung wala pala akong ginagawa
Habang naghihintay ako sa pagdating Nya.

Isinasariwa ko kung ano ba dapat
Ang laman ng puso ko.
Dapat kasi hindi ako maligaw ng landas
Lahat kasi ng “dapat” maggawa ko..
Pero hindi eh..
Gusto lang ng Panginoon
Na maging totoo ako sa sarili ko,
Maging totoo ako sa Kanya..
Hindi ko kailangang itago
Yung mga kamalian ko sa buhay,
Walang pagpapanggap.
May 1 · 191
Written
Sy Lilang May 1
02042021

Write —
As if the sky wasn't blue
And every day
Is as upside down as the next.

Write —
In colors,
Then write
In black and white.

Write —
Because you can;
It’s your freedom.

Write novels that span pages upon pages Bound together by leather
Or some short words.
May 1 · 94
Who Knows Me Better
Sy Lilang May 1
02042021

For every time I write,
I sing the hymn of my spirit.
And every time I speak,
It’s You’re breathe that moves the mountains.

I thought my heart and my head know me better
Than any person ever will..
There’s not much to say,
But there’s so much to be written —
It’s like You talking to me..
May 1 · 206
Pangarap
Sy Lilang May 1
02032021 #Unfinished

Naubos na ang aking pangambang
Ikinahon ko noon na may maliit na bintana,
Kumikinang ang lahat sa muli kong pag-ahon
Na para bang ako’y iba na.

Iba na sa kanilang paningin
Na tila ba, kaya ko ring hatiin ang karagatan
Hindi gamit ang sarili kong lakas
Ngunit habang ako’y nakapikit
Na inaalala ang pag-asang
Dumudungaw sa aking mga bintana
Ng aking nakaraan.
Sy Lilang May 1
01032021

I left my past behind me
Not because it’s unimportant.
It’s just that —
It’s so true that nothing can be compared w/ Jesus.

We have choices to make each day,
And we always have something to rant about
We even share secrets and
We’re too human,
At times, I’m hating myself too.

Doing this and that
Makes us crazy in some ways
We’ve been so busy w/ what’s temporary
We lie to ourselves.. and so on.
Sy Lilang Apr 27
When Jesus rose again,
He didn’t look for the rich men;
He looked for his disciples —
To whom he made a promise.

There was no spirit of condemnation,
There were no words of:
“Why did you go back to your old life (fishing)
while you know I was gone for a while?
I even told you that I will be resurrected
And so here I am..”

He just asked them,
“Do you love me more than these?”
Jesus gave them a tricky question,
Since he already knew their answer
With their decision of fishing again.

It was again God’s love —
His grace for the world to be saved.
It was another chance for his disciples
To regain what was lost
And to restore them
From where Jesus led them to
Before dying in the Cross.

It’s like Jesus saying,
“Here I am and I have died for you to live;
And since I was resurrected back to life
And so are you —
You have a share of eternal life.

It’s like assuring them
That if they leave everything behind
For the cause of God’s mission,
The rest will follow; as their submission.

His disciples never knew
That their obedience “that time”
Was the reason why we know
What the Gospel is.
They never dreamed to be fishers of men;
They badly dreamed to simply survive.

I had this conversation on the island,
One told me, “I’ve tried reading the Bible but it’s hard to comprehend.”
As I told her how to start it and encouraged her,
I felt what they actually need —
They need firm spiritual support.
Sy Lilang Apr 27
03312021

As I set my foot on the shore,
Even the oceans tell me how uncounted the strands of my hair,
How unknown the future is,
And how life remained borrowed.

The waves just turned red —
Into anguish, into anger, into distress..
As if the battle has just started
And that the white flag has been waved already.

I pleaded for a discerning heart
To uproot the cause of such severe pain,
To make me pause & think a li’l bit,
‘Bout things I haven’t pondered before.

If I set my foot on the rock
Despite of the raging waters that communicates,
The uprooting of adversities..
Would I remain in peace?
Would my words turn into praise?
Would I still sing the hymn of my soul?

I stroll into the depths of myself
As if I’m diving the open seas —
Being a recipient of the open skies,
As my skin tastes the bitter rain.

I hear the oceans sprinkling its tears,
The weight upon his invisible shoulders,
Devouring my thoughts —
Captivating what I can.. what I must do.

I surrender as I sink in,
The words that comes from my mouth..
The words that I should have spoken..
The words that I resisted..
For all of these —
Seemed have never existed.

I forgot what I’m up to
And why I fought with my own will..
I surrender with the thoughts unclear,
With questions unanswered..
And it’s not “just” by faith —
It is by FAITH!

For every time I renounce my flaws,
The searching goes on —
Searching the presence of my Beholder.
And every time my “wrong” fruit is pruned,
It’s not that easy like resisting the oceans.

For if dying to self means reliance to the Rescuer,
Then I let myself float & not fight back.
My will I understand that it’s not my own —
At the very beginning, it has never been mine.

Let these crowns & jewelries of life
Be taken away from me;
But the joy, the peace, the love..
Let these remain.

Let Godly things remain; not just the “good” things..
So I can fully devote myself
To the process of surrender,
To the waiting & to being still.

His grace is sufficient to me,
Just like the waters that never runs dry..
As I also witnessed the waters coming out from nowhere,
When He uttered, “Pour the bowl with waters..”

May His provision manifest
In the ways I have not expected
Like the moving of the mountains,
Like having faith that is unshakeable.

Now I know, that my heart belongs to nowhere,
To no one but Him..
As I seek the highest peak of who I really am..
No one has ever sought me to save me..
Like what the Rescuer has done, not in vanity.
Apr 27 · 337
Hudyat
Sy Lilang Apr 27
Ito ang umagang
Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit
Kung pwede bang manatili muna Sya
At ako’y hayaang pagmasdan
Ang kanyang kariktan.

Nais kong bumilad sa sinag ng Araw
At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay
Nais kong malusaw ang bawat kamalian,
Ang bawat pagkukunwari..
Pagkat ayoko na..
Ayoko nang magpanggap pa..
Na kaya kong mag-isa
Mag-isa na wala ang mga kamay Nya
Ang mga gabay Nya
Na maging sa gabi’y
Nasisilayan ko pa rin
Ang kanyang anino sa aking pagpikit.

Gusto kong huminto ang Araw,
At ako’y makita Nya..
Kahit isang iglap..
Kahit isang saglit lang..
Kung pwede lang..
Wag Mo akong Iwan
Na sa gabi’y
Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas
At ako’y yakapin
At ang Iyong sinag
Ang magsisilbing lakas
Sa bawat pagbangon ko sa Umaga..

Sayo ako magsisimula,
At ayokong ito’y magwakas
Na para bang nalimot ko
Ang lahat ng mga misteryong
Iyong ipinakita
Iyong ipanaranas.

Ayokong dumating sa katapusan
Na ako’y walang muang
Na Ikaw ang aking Simula..
Ayokong magtagpo tayo
Sa gitna ng aking mga kamalian —
Mga kamaliang hindi ko itinama
Kahit na pinagbuksan Mo na ako
Sa panibagong Umaga.

Kung ang bawat araw na lumilipas
Ay siya ring mga pahina ng aking buhay,
Bakit pa..
Bakit ko pa hahayaang
Dilim ang magsilbing umaga?
Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat..
Kung landas ko nama’y
Kayang-kaya **** bigyang liwanag
At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata
Ay simbolo ng Iyong paghahari.
Lilikumin Mo ang lahat
Gamit ang Iyong Liwanag
At ang lahat ng mga naggising
Buhat sa pagkakahimbing
At mga bangungot na tila walang katapusan
Ay sabay-sabay na babangon
At lalakad sa Liwanag na Iyong hain.

Masisilayan ko rin ang mga ngiti
Ng pagpupunyagi at tagumpay
Na walang balot ng anumang pagkukunwari,
Walang tampo’t galit
Na bumabalot sa bawat katauhan
Kung saan hubad ang lahat
Ngunit tanggap Mo ang lahat
Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag
Ay kusang sisibol at uusbong
Ng may papuri at hindi parang
Mga paupos na kandila
Na nauubusan rin ng lakas.
Ngunit sila’y tila mga tanim
Na Iyong dinidiligan sa bawat araw —
Mga ginintuang araw
Na hindi gaya ngayong kukupas din..

Balang araw, ang lahat ng salitang
Mamumutawi sa bawat labi’y
May iisang sigaw
May iisang palamuti na ibabandera
At susuko sa Iyong kabutihan.
Ang bawat nilalang
Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian
At hindi na..
Hindi na mauubusan pa ng Liwanag,
Ikaw mismo ang magkukusang
Punasan ang mga matang lumuluha,
Lumuluha buhat sa paghihintay..
Pagkat nariyan ka na..
Nariyan na ang Iyong kaligtasan.

Ikaw, sa bawat oras
Sa bawat sandali’y
Ikaw pa rin ang maging dahilan
Ng pagtibok ng akibg puso
Ang maging sigaw
Ng aking napapaos na lalamunan.
Ikaw ang maging dahilan..
Ng aking pagtaas ng kamay
At sa ere’y hindi Mo ako iiwan,
Ni hindi Mo ako kinalimutan..
Ikaw, ang Araw at Gabi..
Sayo ang aking papuri!
Apr 27 · 236
Walang Tugon
Sy Lilang Apr 27
Magsusulat na naman ako
Gaya ng dati --
Nagsusulat na naman ako
Para sayo --
Nagbabakasakali.

Ilang beses kong nilimot
Na ikaw ang aking unang panalangin,
Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y
Nalililimot ko ang 'yong pangalan
At wala akong ibang hangad
Kundi purihin Siya.

Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo,
Ay naroon tayo sa presensya Nya.
Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y
Tayo'y pinagigitnaan Nya
At wala tayong ibang dahilang pumarito
Kundi magpasakop sa Kanya.

Parang tayong mga ekstranghero
Sa mundo ng isa't isa.
Lilihis at lalayo,
Yan ang kusa kong pagsinta.

Siguro nga,
Hindi ako nakapaghintay
Pinangunahan kita..
At nakaraang taon di'y
Naging masaya ka na rin sa iba.

Nagsusulat ako --
Bilang aking pagtugon
Sa panalangin ko noong
Ikaw lang ang hihintayin,
Ang mamahalin.

At sabi ko pa nga sa'king sarili'y,
"Kung ikaw talaga,
Handa akong iwan lahat.."
Tila ba kaybigat ng aking panalangin
Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya.

Sana malaman **** --
Minsan kang naging paksa sa'king mga tula,
Ako'y naghintay nang ilang taon
Ngunit siguro nga,
Nauna akong sumuko --
Pagkat hindi ka naman tumugon.

Hindi ako nakaramdam
Ng anumang galit o tampo
Nang minsan mo akong iwan sa ere,
Matapos **** magtapat ng pag-ibig.
Nautal din ako noong mga panahong iyon,
At tanging dasal ko'y,
"Kung hindi pa natin panaho'y,
Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.."

Ni hindi ko alam kung saan nanggaling
Ang lalim ng ganoong panalangin,
Ang lakas ng loob kong humiling
At tinugon naman iyon agad ng Langit.

Ngayon lang kita ulit napagmasdan,
Nahagip ang puso ko gaya ng dati..
Alam ko, wala ka naman sa lugar
Para muling magtanong sa'kin
Pagkat iba na ang himig
Ng sarili kong damdamin.

At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli,
Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo --
Pagkat sa bawat oras
Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y,
Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo
Nang "Ikaw na,"
Hanggang sa muli nating pagsinta.
Jan 15 · 1.6k
Kalye
Sy Lilang Jan 15
01152021

Iaalay ko ang aking katha
Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin
At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili
Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin.

Malayang pagpili --
Pagpili sa hindi lamang gusto,
Ngunit pagpili sa kung ano nga ba
Ang tunay na nararapat.

Kaakibat ng pagpili,
Ay ang pagtimbang sa kung ano bang
Makabuluhan sa panglahat na kapakanan.
Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili,
Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan.

Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan
Naroon na ang lahat?
At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari
Ay sama-samang pumoprotesta
Sa kani-kanilang adhikain.

Minsan, gusto nating matahimik..
Tahimik na lumalaban
Hindi gaya ng mga nasa lansangan
At itinatali ang sarili
Sa kanilang nasanayang batas.

Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon,
O baka nalimot mo na ring
tayo'y demokrasya na ngayon
Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon..

Ano nga ba ang malinis na konsensya
Sa bayan kong dinungisan na ng pawis
Ng iba'ibang ganid na mga bansa?
O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman
Na tayo rin mismo ang sumira
At lumaspangan sa bandila nating
Noo'y dugo ang nasa itaas.

Sakim ang ating mga sarili
Pagkat tayo'y nauuhaw pa
Sa pansarili nating kalayaan.
Tayo'y walang ipinag-iba
Sa mga pailalim na bigayan
At pagsalo sa kaso ng iba,
Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban
Ng mga naging bihag sa selda.

Habang ang iba'y naghahalakhakan
At pawang mga hangal
Sa kanilang pagbalot sa sarili
Patungo sa bukas
Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay.

Susuong ka pa ba?
Kaya mo pa bang magbulag-bulagan?
Pero sa buhay na iyong pipiliin,
Piliin mo sana ang daang matuwid.
At paano mo nga malalaman
Ang mas higit sa timbangan
Kung ang iyong pamantayan
Ay sirang orasan at papel na ginintuan..

Nasayo ang hatol
Ang hatol kung saan ka lulusong
Kung saan ka makikiuso..
Jan 13 · 1.2k
Wishing Well
Sy Lilang Jan 13
Kasabay ng aking pagpikit
Ang pagsilip ko sa panaginip sa aking isipan.
Namumukod tangi ang Iyong kagandahan
At Ikaw ang nag-iisang kumikinang sa aking paningin.

Napapasilip ako
Sa likod ng lahat ng napakagandang palamuti,
Pagkat nariyan pala ang tunay na may-akda ng lahat.
Pagkat sa kabila ng naghihiyawang palakpakan,
Sa kabila ng mga ngiting bumabandera sa aking harapan --
Ang dahilan ng aking kalakasan.

Pagdilat ko'y tila bukang-liwayway na,
Hindi kumupas ang Iyong kagandahan.
Muli kong kinapa ang aking bulsa,
At muling naghagilap ng anumang umiingay sa aking kalupi.
Dahan-dahan kong pinakiramdaman
Ang magaspang na katauhang gawa sa pilak.
At buhat sa pagkakamulat,
Ay dahan-dahan akong pumikit
Na tila ba sumasabay sa unang pagpatak ng ulan.

Nangungusap sa aking konsensya
Ang tinig **** matagal ko nang hanap-hanap.
At sa naudlot na istorya sa entablado'y
Nagpatuloy ang aking paghahanap.
Hinahanap ko kung saan nagmumula
Ang tinig **** humihele sa akin
At nagbibigay galak sa puso kong
Uhaw sa malasakit at pag-ibig na tunay.

Nasaksihan ko ang paglisan ng bawat katauhang
Kailan lamang ay nasa akin ang pagtingin,
Ngunit ang lahat pala sa kanila'y
Syang palamuti at hindi tunay na kabahagi
Ng aking istorya.

Patuloy silang nalusaw
Gaya ng krayolang nilalaro ko sa apoy
Noong ako'y paslit pa lamang.
Na ang akala kong bubuhay sa pinipinta kong larawan
Ay hindi pala sapat sa magandang imaheng
Aking nasasaklawan sa aking imahinasyon.

Kusa silang naglaho na tila ako'y tinakbuhan lamang
At marahan akong napaluhod buhat sa aking kinatatayuan.
Gusto kong magsalita, gusto kong may masambit..
Gusto ko silang pigilan sa paglisan
Pagkat hindi ko ninais na mapag-isa
At patuloy na mangulila sa pagmamahal.

Kung pwede lang na sa gitna ng katahimikang ito'y
Kaya kong marinig ang sarili kong boses.
Kung pwede lang sa gitna ng aking paghihintay at pagsusumamo'y
Wag muna silang kumilos at aking mahanap
Ang tinig na akala kong susundo sa akin
Buhat sa paglimot ko sa aking sarili..

Namukod-tangi ang boses na aking hinahanap,
Naririnig ko na ang Kanyang mga yapak
Na tila ba patungo at palapit na sa akin.
Ngunit hindi ako makagalaw buhat sa pagkakayuko.
Ni hindi ko na masilayan pa kung sino ba ang paparating.
At dahan-dahan pa rin ang pagpadyak
Ng Kanyang sandalyas patungo sa akin.

At habang Siya'y lumalakad,
Ay dahan-dahan ding nagbago ang senaryo
Na aking kinalalagyan.
Narinig ko ang napakalakas na pagpaubaya ng alon,
Ang tunog ng kampanang magaan sa aking pakiramdam,
At ang mga humiheleng tila mga anghel
Na naging mitsa ng pagtatayo ng aking balahibo.

"Nasaan na nga ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
At muli kong narinig ang mga nagpupuring anghel
Na tila ba walang katapusan ang kanilang galak
At ako'y nadadala kung saan.

Hindi ko pa rin mabuksan ang aking mga mata
At wala akong masilayan maliban sa dilim
Na pilit kong nilalabanan at alisan.
Hinahanap ko pa rin ang tinig Nya
At nais kong tanggapin ang bawat salita mula sa Kanyang bibig.

Maya-maya pa'y narinig ko
Ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking, "Anak."
Habang ang aking kamay ay hawak-hawak pa rin
Ang pilak na muli ko sanang itatapon sa balon..

"Anak, halika na.. sabi ng doktor, may donor ka na raw.."
Sambit ng aking ina habang ako'y akap-akap
Sa kanyang mga maiinit na mga bisig.
Kusang tumulo ang aking mga luha
At sya nama'y humagulgol sa saya.

Walang salita ang sinambit naming dalawa,
Ngunit ang kanyang yakap ay humigpit.
At naramdaman ko ang kanyang mga luhang
Dumadampi sa aking balikat at sa aking damit.

At sa mga oras na iyo'y
Ang kanyang yakap ay higit pa sa lahat ng yakap sa mundo
Ang luha nya'y tila ba binabalot ng isang hiwagang
Nagpapakalma sa aking paghihirap.
Ang gaan ng aking pakiramdam,
Ang saya ng aking kalooban.

At doon ko natagpuan ang aking hinahanap,
At sa aking muling pagmulat
Kung saan may liwanag nang maaaninag,
Alam ko kung kanino na ako muling lalapit pa..
Alam ko, hindi ko man nasilayan ang lahat
Ngunit ang pakiramdam na iyo'y
Habambuhay kong nanaisin
At pasasalamatan.
Jan 12 · 1.3k
Parating Na
Sy Lilang Jan 12
Ito ang umagang
Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit.
Kung pwede bang manatili muna Sya
At ako'y hayaang pagmasdan
Ang kanyang kariktan.

Nais kong bumilad sa sinag ng Araw
At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay.
Nais kong malusaw ang bawat kamalian,
Ang bawat pagkukunwari..
Pagkat ayoko na..
Ayoko nang magpanggap pa..
Na kaya kong mag-isa
Mag-isa na wala ang mga kamay Nya --
Ang mga gabay Nya.
Na maging sa gabi'y
Nasisilayan ko pa rin
Ang kanyang anino sa aking pagpikit,
Ang nakasisilaw Niyang Liwanag
Na nagiging mitsa ng aking pagluhod.

Gusto kong huminto ang Araw,
At ako'y makita Nya..
Kahit isang iglap..
Kahit isang saglit lang..
Kung pwede lang..
Wag Mo akong Iwan
Na sa gabi'y
Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas
At ako'y Iyong yakapin
Habang ang Iyong sinag
Ang magsisilbing lakas
Sa bawat pagbangon ko sa Umaga..

Sayo ako magsisimula,
At ayokong ito'y magwakas
Na para bang hinahayaan ko lamang
Na malimot ko ang lahat --
Ang lahat ng mga misteryong
Iyong ipinakita na,
Iyong ipanaranas na.

Ayokong dumating sa katapusan
Na ako'y walang muang
Na Ikaw ang aking Simula..
Ayokong magtagpo tayo
Sa gitna ng aking mga kamalian --
Mga kamaliang hindi ko itinama
Kahit na pinagbuksan Mo na ako
Sa panibagong Umaga.

Kung ang bawat araw na lumilipas
Ay siya ring mga pahina ng aking buhay,
Bakit pa..
Bakit ko pa hahayaang
Dilim ang magsilbing umaga?
Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat..
Kung landas ko nama'y
Kayang-kaya **** bigyang liwanag
At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata
Ay simbolo ng Iyong paghahari.

Lilikumin Mo ang lahat
Gamit ang Iyong Liwanag.
Ang Iyong mga Salita'y
Hindi na mangungusap pa,
Ngunit Ikaw na mismo ang darating
At buhat sa Iyong bibig,
Ang lahat ay handa nang makinig..
Nang buong puso..
Na may tunay na pagpapasakop..
At ang lahat ng mga naggising
Buhat sa pagkakahimbing
At mga bangungot na tila walang katapusan
Ay sabay-sabay na babangon
At lalakad sa Liwanag na Iyong hain.

Masisilayan ko rin ang mga ngiti
Ng pagpupunyagi at tagumpay
Na walang balot ng anumang pagkukunwari,
Walang tampo't galit.
Kung saan hubad ang lahat
Ngunit tanggap Mo
Ang bawat kamalian.
Ang Iyong paghuhusga ay darating --
Darating nang patas;
Patas at pawang katotohanan.

Ang lahat ay darating sa katapusan,
At Sayo ay handang magpaubaya.
Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag
Ay kusang sisibol at uusbong
Nang may papuri
At hindi parang mga paupos na kandila
Na nauubusan rin ng lakas.
Ngunit sila'y tila mga tanim
Na Iyong dinidiligan sa bawat araw --
Mga ginintuang araw
Na hindi gaya ngayong kukupas din..

Balang araw, ang lahat ng salitang
Mamumutawi sa bawat labi'y
May iisang sigaw
May iisang palamuti na ibabandera
At susuko sa Iyong kabutihan.
Ang bawat nilalang
Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian
At hindi na..
Hindi na mauubusan pa ng Liwanag,
Ikaw mismo ang magkukusang
Punasan ang mga matang lumuluha,
Lumuluha buhat sa paghihintay..
Pagkat nariyan ka na..
Nariyan na ang Iyong kaligtasan.

Ikaw, sa bawat oras
Sa bawat sandali'y
Ikaw pa rin ang maging dahilan
Ng pagtibok ng aking puso
Ang magiging sigaw
Ng aking napapaos na lalamunan.
Ikaw ang maging dahilan..
Ng aking pagtaas ng kamay
At sa ere'y hindi Mo ako iiwan,
Ni hindi Mo ako kinalimutan..
Ikaw, ang Araw at Gabi..
Sayo ang aking papuri!
Jan 2 · 780
Simula
Sy Lilang Jan 2
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad,
Ayokong maniwala sa kapalaran,
Pagkat hindi na tayo mga batang
Nakikipaglaruan pa
Sa mga mumunti nating mga pangarap.

Sa bawat desisyong ating paninindigan,
Doon natin masasabing, kaya talaga natin.
Mahirap man makipagsapalaran
Sa mga nagtatagisang katauhan
Ngunit, isipin mo,
Hindi natin sila kalaban.

Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya,
Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng,
“Magandang umaga.”
O kung bakit minsan,
Nananatili tayong pagod na pagod
Na tila ba hinihila tayo ng Araw
Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang
Na magpapagal at hindi aani.

Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo,
Kundi iikot tayong may dahilan
At hindi tayo magiging pabalik-balik.
Tayo’y matututo sa bawat lubak,
Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko —
At tayong manananatili sa pagwagayway
Ng ating mga bandera,
Na hindi nagpapatangay
Sa mga mistulang diktador na mga alaala.

Magbibilang tayo ng araw,
Ngayong taon
Ngayong araw na ito,
Tayo’y magsisimula —
At hindi tayo magtatapos
Nang walang kabuluhan
Ang ating mga adhikain.

Tayo ay iisa —
Isa, dalawa..
Tatlo..
Tayo na —
At magsimula.
Jan 1 · 1.2k
Landas
Sy Lilang Jan 1
01012021

Magsusulat na naman ako
Gaya ng dati --
Nagsusulat na naman ako
Para sayo --
Nagbabakasakali.

Ilang beses kong nilimot
Na ikaw ang aking unang panalangin,
Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y
Nalililimot ko ang 'yong pangalan
At wala akong ibang hangad
Kundi purihin Siya.

Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo,
Ay naroon tayo sa presensya Nya.
Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y
Tayo'y pinagigitnaan Nya
At wala tayong ibang dahilang pumarito
Kundi magpasakop sa Kanya.

Parang tayong mga ekstranghero
Sa mundo ng isa't isa.
Lilihis at lalayo,
Yan ang kusa kong pagsinta.

Siguro nga,
Hindi ako nakapaghintay
Pinangunahan kita..
At nakaraang taon di'y
Naging masaya ka na rin sa iba.

Nagsusulat ako --
Bilang aking pagtugon
Sa panalangin ko noong
Ikaw lang ang hihintayin,
Ang mamahalin.

At sabi ko pa nga sa'king sarili'y,
"Kung ikaw talaga,
Handa akong iwan lahat.."
Tila ba kaybigat ng aking panalangin
Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya.

Sana malaman **** --
Minsan kang naging paksa sa'king mga tula,
Ako'y naghintay nang ilang taon
Ngunit siguro nga,
Nauna akong sumuko --
Pagkat hindi ka naman tumugon.

Hindi ako nakaramdam
Ng anumang galit o tampo
Nang minsan mo akong iwan sa ere,
Matapos **** magtapat ng pag-ibig.
Nautal din ako noong mga panahong iyon,
At tanging dasal ko'y,
"Kung hindi pa natin panaho'y,
Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.."

Ni hindi ko alam kung saan nanggaling
Ang lalim ng ganoong panalangin,
Ang lakas ng loob kong humiling
At tinugon naman iyon agad ng Langit.

Ngayon lang kita ulit napagmasdan,
Nahagip ang puso ko gaya ng dati..
Alam ko, wala ka naman sa lugar
Para muling magtanong sa'kin
Pagkat iba na ang himig
Ng sarili kong damdamin.

At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli,
Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo --
Pagkat sa bawat oras
Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y,
Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo
Nang "Ikaw na,"
Hanggang sa muli nating pagsinta.
Sy Lilang Jan 1
Let there be light in one's soul
As one awaits for his time,
That every thought involved
Becomes a move from the Spirit that flows.

As He hovers the face of the waters,
And as the wind listens to His breath,
Let one’s soul comes in unity
Naked and humbled by His Name.

Let there be a constant reminder:
To continue seeking the Light
For His righteousness covers
Even the darkest in his nights.

That when He speaks,
He is led in bended knees
Then He'll found his heart surrendered,
Consumed with a blaze like lighting and thunders.

To the weary soul that wanders away,
He will return like the prodigal son.
The arms of the Father, ready to embrace
No guilt and shame to hinder his race.

And in his breath of surrender,
Then He'll bestow purpose for one another.
For when the King calls him "new"
Then who can use his "past" to stumble him?

When one becomes anointed,
Who then can touch him?
Who can go against the will of God?
Who can stand before Him?

When the One who owns it all says, "let there be.."
Then those who are in chain will be freed --
Everyone will fall in one grace,
And One Name will take the glory!

And if He's the Voice of Truth,
Then whatever the soul obeys,
It becomes a delight to honor and exhalt —
A pleasing aroma to the King.
For as one seeks His heart,
His presence becomes one in him.

There will be visions and dreams,
Alive like a burning arrow,
It'll spread towards nations,
For what He once called "good"
Will proclaim His glorious "Great I Am"

He will go, together with His chariots of fire.
For when he activates his faith,
There's an army of God
And no darkness can destroy him.

The Lord is on high, the Lord is in us;
And as one lives in Him,
He will live forever and ever --
In Jesus' Name, one will find the power of "Amen."
Every “let there be” is bound to happen,
It’s like going back from the very beginning,
From the very reason of why and for whom we’re living..
This year, let there be Jesus in our lives!
We are never the same like yesterday —
We are one in Him and all by the grace of God!

Psalm 103:12
He has removed our sins as far from us as the east is from the west.

Genesis 1:1
In the beginning, God created the heavens and the earth.

John 1:1
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.
Oct 2020 · 985
Lilim
Sy Lilang Oct 2020
Umaga —
Oras na naman para bumangon
Para buhatin ang sarili
At akayin ito
Patungo sa walang kasiguraduhan.

Sa mga tala kagabi,
Aking pinagnilay-nilayan
Ang mga katagang pa-na-hon
Na sa mga oras na ito’y sisibol muli
Ang pag-asa buhat sa delubyo ng kahapon.

Tinitiis ko ang sinag ng tirik ng araw
Para bang hindi nya naisip
Na nasasaktan ako —
Na sa tuwing bubuksan ko ang aking bintana’y
Nariyan sya at tatambad sa akin..
Para bang walang nagbago,
Para bang hindi nya ako dinaya kahapon
O sa ibang araw pang lumipas.

Gusot ang damit ko,
Ni hindi ko man lamang nagawang plantsahin ang damit ko
Na para bang sinisigaw ko sa mundo na,
“Tama na! Pagod na pagod na ako!”
Pero nakatikom pa rin ang aking bibig
At pilit akong lumuluhod sa aking mga luhang,
“Wag muna, wag muna ngayon.”

Minsan na rin akong nakalasap ng tagumpay
Yung tipong minsang bumago sa kung sino ako ngayon,
Ito yung minsang alam ko namang may kapalit —
Yung panghabambuhay na..

Naniniwala pa rin akong pantay ang pagtingin ng Langit
Sa katulad ko at sa katulad nila
Kung ang ulan nga‘y
Sabay na babagsak sa dukha’t gintong kutsara,
Gayundin ang pag-asa.

Hindi ako mapapagod,
Hindi ako titigil na bumangon sa umaga
Hindi pa rin ako titigil sa pasasalamat —
At pagbubuksan ko pa rin ang Umaga.
Sep 2020 · 1.1k
Salamin
Sy Lilang Sep 2020
"Nandito ako"
"Hindi kita iiwan"
"Susuportahan kita"
"Nagtitiwala ako sayo"
"Kayang-kaya mo yan!"
"Laban lang!"

Paulit-ulit kong sinasambit sa'king sarili nang pabulong,
Tila nagdarasal ngunit ang totoo'y
Hindi ko na rin alam kung hanggang saan pa ba ang dulo.
-------------

Wala na naman akong laban sa ihip ng hangin,
Sa ihip ng panahon.
Wala na naman akong laban
At ang buo kong pagkatao'y
Kusang dudungaw sa aming bintana,
Hahagilapin ang araw,
Nasaan nga ba ang Silangan?

Gagayak ako nang walang patumpik-tumpik,
At sasabay ang agos ng tubig sa bawat butil ng aking luha,
Para bang humihinto na naman ang oras.
Walang kasiguraduhan na naman ang araw na ito.

Araw-araw ay nag-aayos ako ng uniporme ko,
At ayun, magbibilad sa initan gamit ang aking lumang motorsiklo.
Kukunin ang selpon sa aking bulsa, magpapa-load
At maghihintay ng sandamakmak na mga utos.

Minsan, napapagod ako
O sabihin na lamang nating madalas,
Na sa bawat pintuang kinakatok ko'y
Daig pa ako ng nangaroling
Sa bilang na mga baryang iaabot sa'kin ng tadhana.

Minsan iniisip kong
"Ganito na nga lang ba?
Paano ang bukas?
O may bukas pa nga ba?"

Minsan naman, nakaririnig ako ng masasakit na salita
Pero minsan parang mga bala na lamang itong
Hindi tumatagos sa aking ulirat,
"Manhid na nga ba ako?
Sabihin mo, Tadhana."

--------

Pinagmamasdan ko na naman ang mga kamay ng orasan
Kanina pa o hindi ko na malaman
Kung kelan yung huling "kanina,"
Naghihintay ako ng saklolo,
Kasabay ng huling kumpas ng mga kamay
Ng naiiwan kong kaibigang de-baterya..
"Dito na lang ba magtatapos ang lahat?"

Nagbibilang na lamang ako ng oras,
Ng hininga
At baka hindi na nila ako maabutan,
At doon ko huling nasilayan ang mga aninong iyon,
Wala na akong maintindihan..
Wala na akong marinig pa..
*Ito na marahil ang huli.
Hindi pa huli ang lahat,
Kaya mo pa --
Kaya pa natin.
Ituloy ang laban; ituloy mo lang.
Pangako, magtatagumpay tayo..
Kapit pa, kaibigan!
Sep 2020 · 273
The Race of One's Self
Sy Lilang Sep 2020
Faith isn't about competition,
We don't run this race to compare one's self to one another,
We don't run and bump each other.
We're not to offend those who fall and backslide,
We don't condemn people as the Spirit brings conviction.

But instead, we give a hand to the lost,
We should be building up each other
Instead of tearing each other down.

We run from the very beginning
'Coz we know what kind of battle we're facing,
And it's a battle against ourselves --
A battle with our own flesh
That will also soon die
And shall return into dust.

We live by grace
And we don't need to pretend we've never lied,
For in this world, everything is permissible
But not everything is beneficial.
So we choose our battle wisely,
We aim the target of not falling away
And remaining in what we've started --
Remaining in faith.

We fall and we rise;
But we are forgiven,
We are in Christ.
So we should no longer live in sin,
For sin has no hold in us
When Jesus becomes enough for us.

And like Jesus whose eyes are fixed to the Father,
We challenge ourselves each day,
To live a life with purpose,
With meaning and with hope --
That one day, we'll also rise
As what we always proclaim by faith;
We'll also rise as Jesus did!
Glory and honor and power to the One who we're exalting!
Aug 2020 · 1.2k
Ama
Sy Lilang Aug 2020
Ama
08292020

Nagbibilang na lamang ako ng oras
Upang ang bukas ay tuluyan nang kumalas
At kusang sumabay sa palakpakan
Sa entabladong nakatikom sa aking damdamin.

Ilang taon nang nakikibaka ang Iyong mga kamay
Sa modernong pagkatha at paglikom ng mga salapi.
At sa aming hapag-kaina’y ilang ulit na akong tinutukso
Ng mga matatamis na panimula sa telebisyon —
Na baka sakaling matikman ko rin
Ang hain nila sa sarili nilang hapag-kainan.

Minsan akong nangulila
Buhat sa kawalan nang may mga katanungang,
“Sino nga ba ang tama?”
Na sa paulit-ulit na pagtatapon ko ng mga ito’y
Ang mga ito rin ang sumasampal sa aking pagkatao.

Ngunit ang totoo’y:
Nilimot ko na ang mga katanungang iyon
Hindi ako sumabay sa agos ng galit
Na bumabawi sa aking paghinga
Na tila ba ako’y pagod na
At gusto ko na lamang manahimik mag-isa.

Nais kong sambiting
Hindi ako nagalit nang minsan mo kaming pinagtaksilan,
Inisip ko na lamang na iba ang latag ng kapalaran —
Iba ang laro sa loretang ito
At hindi ito madali —
Pero ito’y panandalian.

Siguro nga —
Iniisip **** saan nanggaling ang mga ito
Ang mga salitang tila ba hindi ko man lamang pinag-isipan
At tuluyan kong binitawan
Gaya ng pagbitaw mo para sa amin.

Pero gaya ng sambit ko —
Hindi ako galit,
Hubad ang aking emosyon
At umaapaw pa rin ang aking pagpapasalamat
Na sa mga oras na ito’y —
Hindi mo kami iniwan.

Higit pa sa pagpapabatid ko ng pasasalamat sa ito’y,
Nais kong ihagis ang aking mga kamay sa langit
Na tila ba higit pa sa nagagalak ang pakiramdam
Ang aking puso’y tiyak na ang grasyang alay ng Langit
Ang gumawad sa akin ng kalayaan.

Malaya akong piliin ang saya kesa sa galit,
Na parang paghihimay ng mga butil ng buhangin,
Parang imposible, di ba?
Pero naging posible
At wala na akong maihain pa
Kundi ang umaapaw kong pusong
Ginawang Malaya ng Maykapal.

Lubos ang aking pagsamba,
Salamat Ama.
Salamat sa dalawa kong ama at Ama.
May 2020 · 1.3k
Tula
Sy Lilang May 2020
05242020

Ikaw --
Ang tula sa'king gabi,
Ang tulang 'di isantatabi.
Next page