Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Brent Sep 2016
Halina kayong lahat at makinig!
Magdikit-dikit at magkapit-bisig!
At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos
ng isang dakilang puting kandilang upos.

Dito sa ating liblib na barrio
Nakatago ang isang kandilang puti
Labis na mahaba;
ang pasensya
na tila kayang hintayin
ang walang hanggan.
Ngunit labis na manipis;
na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis.

Dumating ang araw na kinailangang sindihan
ang dakilang puting kandila
sapagkat nawala at napundi na
ang ilaw ng tahanan.

Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa
ay hindi sadyang nakapaso ang kandila
subalit ang nagsindi
ay 'di napigilang magalit,
pilit na pinutol ang kandilang puti
sa gitna at ito'y nangalahati.

Walang nagawa ang kandilang mayumi
kundi iiyak ang mainit nitong pagkit
ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag
buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag.

Ilang araw nangyaring muli
ang pagpasong hindi minimithi
ang kandilang puti'y
patuloy pa ring nangangalahati
ngunit ang liwanag sa barrio'y
sa kanya pa rin nanggagaling.

Dumating ang araw ng kandila
na hindi na maaring kalahatiin.
Unti-unting sumuko na rin
ang mahaba nitong mitsa.

Sa huling sandali,
ay hindi na nakapagpigil
ang mapanghimok na nagsindi.
Buong lakas na nag-ipon nang hangin
Buong pwersang sumigaw sa kandila.
Ang kandila'y 'di na nanlaban
at nagtuloy nang manghina.
At sa huling bulong ng nagsindi,
ang liwanag ng kandilang puti ay napundi.

Halina kayong lahat at makinig
Magdikit-dikit at magkapit-bisig
sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan
ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.
trying out a literary style for a contest. 3rd work that's in Filipino. Kinda deep and shallow at the same time.
leeannejjang Sep 2018
Huwag ka mag-alala.
Sa darating natin annibersaryo
Ipagsisindi kita ng kandila.

Para sa mga damdamin namatay
At emosyon naibaon ko na sa lupa.

Ipagsisindi kita ng kandila
Para makita mo ang liwanag
Sa mundong panadilim mo.

Ipagsisindi kita ng kandila,
Para maramdaman mo ang init na hindi mo na mararamdaman.

Ipagsisindi kita ng kandila,
Pero huwag mo ito hawakan.
Mapapaso ka lamang at sa huli
Ay papatayin mo lang ito para mapasaiyo.
Ace Jhan de Vera May 2016
Maligayang bati,
Sa aking pagsilang,
Walang bakas ng gunita,
Walang alaala ng nasabing araw.

Nagdaan ang mga taon,
Namulat sa katotohanan,
Na hindi marunong magpatawad ang mundo,
At hindi ito titigil na para lang sayo.

Nagdaan ang mga taon,
Ilang kaarawan ang lumipas,
Andiyan ang pancit,
At ang keyk na nakahanda,
Sa hapag kainan para pagsaluhan,
Mga ngiting di mabakas,
Nagpapasalamat sa biyaya.

Ngunit ito ang unang taon,
Kung saan maghahanda ako,
Hindi para sa iba,
Kundi para sa sarili ko.
At aanyayahan ko kayo,
Nawa'y sana'y makadalo,
Habang unti unti kong inilalapag,
Sa ating hapag, upang ating pagsaluhan.

Maghahanda ako,
Ihahanda ko ang sarili ko,
Na ang puso ko'y tatayuan ko ng pader,
Na papalibot dito,
Dahil pagod na kong masaktan,
At nahahapo na ang aking katawan.

Maghahanda ako,
Na ibaon ang bawat alaala.
Ang tamis nang bawat halik,
Ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan,
Mga labing bumubuhay nang aking kamalayan.

Ihahanda ko din,
Ang aking sarili,
Na unti unti nang humakbang,
Papalayo sa nakasanayan,
Kung ano ang aking kinamulatan,
Sa loob nang mga taong pinagsamahan.

Mga umagang iyong mukha ang bumubungad,
Sa aking mga mata,
Habang ika'y pinagmamasdan,
Sa taimtim **** paghihimlay,
Habang ako'y nagninilay nilay,
Eto na ba ang pagibig na hinihintay?

Kaya mahal sa aking kaarawan,
Kasabay ng pagihip ko nang kandila,
Magpapaalam na ako sayo,
Paalam na sa mga gabing kayakap kita,
Sa mga sandaling magkakapit bisig tayo sa ilalim nang mga bitwin,
Na kung saan langit ang saksi sa ating pagmamahalan,
Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan.

Pipikit ako,
At uulit ulitin ko ang mga salitang;
"Handa na ako"
At hihiling ng lakas ng loob,
At tibay ng sikmura,
Bibilang ako ng tatlo,
Isa,
dalawa,
Tatlo,
At sa aking pagdilat,
Hihipan ko ang kandila,
At magpapaalam na sayo.
Anak:
"Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla,
Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala
Tulang puno ng damdamin na ni nais ipabatid
At ang saknong ng pag-ibig Mo'y,
Siyang tutugma sa puso kong minsa'y naging sugatan."

Ama:
"Minsang ibinigay ko sa iyo ang pagkakataong
Unawain ang kahulugan ng kamusmusan.
Sa lupaing ugat ng iyong kaluluwa't
Siyang kanlungan ng mga pangako Ko't
Mga pangarap na laan sayo.
Bumangon ka, Anak
Ako ang Siyang sasagwan
Ako ang aabot sayo."

Anak:
"Sabay nating kinatha ang tula ng aking buhay;
Mga saknong at tugma na sarikulay,
Mga katagang baun-baon ko
Sa malayu-layong paglalakbay."

Ama:
"Pagal ka ma'y,
Nanahan pa rin sa puso ng bawat isa,
Di mo man tiyak ang katiyakan, natitiyak Ko
Na ang pag-ibig Ko'y, kailanma'y di ka iiwan.
Anak, hanggang sa huling tapon ng lupa
At huling tapon ng luha,
Hanggang sa huling liwanag
Ng itutulos **** kandila,
Hanggang sa huling pagpagpag mo
Ng sar't saring pangungulila,
Patuloy Kitang mamahalin,
Anuman ang mangyari."

Anak:
*
"Singbigat ng katotohanan
At ng pangarap na mala-kalawakan,
Ito ang huling handog ng makata **** anak:
Ang mabatid kong Ikaw ang buhay na eternal
At ako'y isang kathang Ikaw ang tinitingala --
Ikaw ang dinadakila.
Ama, ako'y malaya
Ikaw ang buhay, Ikaw ang agos
Ikaw ang tagumpay;
Gisingin Mo ang diwa
Ang bugso at alab ng damdaming hilaw
Ikaw ang masundan
Nang maihain nang patas
Ang pag-ibig **** umaapaw."

#041215 ‪
Convo namin ni Lord
President Snow Oct 2016
Sa pagsapit ng araw ng mga kaluluwa
Suman dito,suman doon
Kapag ba nagluto ako ng suman
Lalagkit ba ulit ang iyong mga tingin?
Kandila dito,kandila doon
Ipagtitirik mo rin ba ang puso
Na iniwan **** sugatan ng husto?
Bulaklak dito, bulaklak doon
Aalayan mo ba ako?
Tulad ng pagaalay ko sayo ng aking pagkatao?

Sa pagsapit ng araw ng mga kaluluwa
Sumalangit na nawa lahat sila
Ang nararamdaman ko rin para sayo,
Sumalangit na rin sana
Makalimutan ka na nawa
Madaliang paggawa mga bes hahahaha
(1:30 AM/ Brownout)

Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin
Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.

Ako’y nakakapaso
Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan,
Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Sa lipunang may mabigat na ginagampanan
Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.

Nilisan ko ang liwanag
Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan.
Ako’y Iyong tinubos
Sa mapanghusgang lipunan
May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla
Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo
Nang ako’y pagharian Mo.

Gamitin Mo ako,
Pagkat ang liwanag, ang katuturan
Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita
Nang sinuman..
Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro
At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.

Sukat ang buhay ko
Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta
Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito
Minsan pala’y nakapapaso rin ito
Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.

Sayang..
Kung ang ilaw ay nakakahon
Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin
Kung ang sarili’y hindi kikitilin
Nang magkaroon ng pangalawang buhay.

May ilang gagambala
Mga insektong hindi alam kung saan nagmula
Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag
At kung di lalakas ang alab,
Ako pala’y matutupok.

At sa hanging iihip,
Kung wala ang mainit na mga kamay
Na siyang yayakap at hahagkan sa akin
Ako’y maagang mahihimlay,
Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.

Ngunit ang alab na ito’y
Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan
Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon
Sisindihang muli,
Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon
Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan
Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.

Binibilang na ang oras
Bawat minuto’t segundo
Maaring mapagal at maagang tamlayin,
Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.

Ngunit bago maupos,
Ako’y may aabutin
Bawat sulok ay dadampian ng buhay
At magmamarka sa bawat haligi
Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.

(5/13/14 @xirlleelang)
inggo Sep 2015
Ako ay isang kandila na may sindi
Isang ihip lang ng alaala mo wala na akong silbi
Jose Remillan Sep 2013
Minsang ibinigay sa atin ang pagkakataong
Unawain ang kahulugan ng kamusmusan.
Sa lupaing ugat ng ating kakuluwa at
Kanlungan ng mga pangako at pangarap
Sabay nating kinatha ang tula ng ating buhay;
Mga saknong at tugma na sarikulay, mga katagang
Baon natin sa malayu-layong paglalakbay.

Pagal nga tayong nanahan sa puso ng bawat isa,
Di man tiyak ang katiyakan, natitiyak natin
Na ang pag-ibig, kailanman di tayo iiwan.

Mahal ko, hanggang sa huling tapon ng lupa
At huling tapon ng luha, hanggang sa huling
Liwanag ng itutulos **** kandila, hanggang
Sa huling pagpagpag mo ng pangungulila,
Patuloy kitang mamahalin, anuman ang mangyari,
Anuman ang mangyari.

Singbigat ng katotohanan at pangarap na kalawakan,
Ito ang huling handog ng makata **** kababata:
Ang mabatid kong ikaw ay mabuhay na eternal at
Malaya.
"Kakawat" is a Bicol word for "playmate." This poem tackles the images of childhood love, dreams, and promises.

July  18, 2013
Bacoor City, Philippines
KRRW Nov 2018
Unang gabi sa huling sandali
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika'y namamayani.


Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang tungo sa libingan
Nakapikit ngunit nakatingin.


Sumilip ang buwan sa kalangitan
Hudyat ng katapusan ng duyog
Tuluyang bumukas ang pintuan.


Lumiyab ang bawat alikabok
Mga alitaptap na dumadapo
Sa bawat sugat nangingimasok.


Buhok ay nagsimulang lumago
Sabay sa pag-ikli ng hininga
Nagpupumiglas sa bawat pulso.


Isang bulaklak na bumubuka
Dugo at ginto ang tanging dilig
Usbong sa hungkag at tuyong lupa.


Buto at laman ay nanginginig
Balat ay nagsimulang uminit
Halik ng apoy sa pulang tubig.


Umuungol sa bawat pagpunit
Likuran na may bagong pasanin
Ngipin na sukdulang nagngangalit.


Nakalutang sa payak na hangin
Kamay ang nagsisilbing kandila
Maglalakbay sa tulay na itim.


Isang sulyap bago kumawala
Ibinuka ang pakpak na pilak
Huling yugto ng pakikidigma.
Written
11 November 2018


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
JOJO C PINCA Dec 2017
tuluyan ka nang naupos tulad sa kandila.
unti-unting natunaw ang buhay mo.
dahan-dahan itong kinain nang imbing kamatayan.
isang pahingalay sa tulad mo'ng nagtiis
ng malubhang karamdaman.
buto't balat ka na lang at laging dumadaing,
buhay na patay kung ika'y pinagmamasdan.
sa wakas hindi kana maghihirap.
wala na ang kirot na saksakan ng lupit.
wala na ang sugat na bumubulok sa'yong likuran.
hindi kana mapapagod sa paghabol ng iyong hininga.
hindi kana pagpipistahan ng mga lamgam.
wala na ang diaper na kailangan palitan.
alam namin na pagod kana,
kailangan mo nang magpahinga.
paalam na sa mga tusok ng karayom
na hindi makita ang tamang ugat saiyong katawan.
paalam sa mabaho at mainit na ospital.
hindi na lilipas ang maghapon na puno ng bagut.
wala na ang mapapait na daing 'twing madaling-araw.
dumating na ang mga sundo,
kukunin ka nila at di na muling ibabalik.
tinatawag ka na ng hangin papalayo sa amin,
inagaw ka ng liwanag sa kalaliman ng gabi.
sa huling hantungan mo ay tatanawin kita.
aalalahanin ko ang kabataan ko na kasama kita.
babalikan ko ang lumipas na may lungkot at saya.
may mga umaga na hindi na darating,
pero may mga kahapon na 'pwede pang balikan.
walumpot-limang taon sa mundong ibabaw,
at marami-rami ka na ring narating.
siguro nga wala ka nang hahanapin pa,
sapat na marahil ang layo ng iyong nalakbay.
kaming mga naiwan mo hindi maglalaon
ay tutugpa din na gaya mo.
ang hindi lang namin alam ay kung kailan, paano at saan.
paalam po at salamat sa mga ala-ala.
alas-dose medya kagabi Disyembre 3, 2017 namatay ang tiya ko panganay na kapatid ng nanay ko.
Pabalik-balik ka
Hahakbang nang pakaliwa ,
Hahakbang nang pakanan.

Yapus-yapos ako ng aking kinahihimlayan
Balakid nati'y salaming
Bahagdan lamang ang kinalalagyan.

Puti ang daan patungo sa iyong tuntungan
Sumusulyap ka nga't
Mensahe'y kusang tanong
Tinipon at binahagi sa pagkatao.

Malabo ang salamin sa harap
Dito sa amin at sa kalye sa looban
Kung saan dinudumog ito
Ng mga kliyenteng
Buht sa iba't ibang pintuan.

Takipsilim na
Tangan-tangan ko ang susi palabas
Nang tumambad ka't
Ilang metro lamang ang distansya.

Nagtagpo ang pawang paningin
Bagkus kailangan na ring pigilan ng sandali
Nauna ka
Pagbaba ko'y hindi na muling nasilayan
Anumang aninag ng iyong *lihim na pagkatao.


Mayroong kumaway sa akin
Isang pamilyar na tauhan sa sarili kong kwento
Dati ko palang **** sa asignaturang Ekonomiks.

Tinugon ko ang pagtawag niya sa akin
Aba't ang oras ang huminto
Ninakaw ng kanyang katabi
Ang pagtingin buhat sa tumanggap ng pagtugon.

Naroon ka, hawak ang manibela
Ako'y nauupos na kandila
Ako'y hinahanging saranggola
Isang bulang hinihele ng musikang walang liriko.

Hindi ako naging epektibo sa kausap
Doon ang pasimula ng kwento
Hihintayin ko ang muling pagsirit
ng nanlilisik na araw
At ang lahat ay kapwa
Pausbong na ala ala na lamang.
Para sayo na sumisilip sa office ng firm namin.
Eugene Jan 2018
Pagkatapos kumain ay napansin ng ina ni Butchoy na agad itong pumanhik sa kaniyang kuwarto.

Dala ng pagkamausisa ay tinungo niya ang silid ng anak. Doon ay nakita niyang nagsusunog ito ng kilay gamit lamang ang isang pirasong kandila.

"Ang sipag naman ni Butchoy ko."

"Kailangan ko po mag-aral, 'Nay. Ayoko pong matulad sa ibang bata na palaboy-laboy at wala sa eskwela," aniya.

"Ganoon ba? Magbabago rin sila, anak" usisa ng ina.

"Kasi po ang batang tambay ay walang mararating sa buhay," sagot ni Butchoy. Napangiti na lamang ang ina.
Tamad man ito sa gawaing bahay, masipag naman sa pag-aaral.
041716

May mga bituing nais abutin,
Nangangalay ang diwa pagkat dapat habulin.
Ganoon pala ang pagtatagisan ng mga saranggolang itim,
Sisipatin ang isa't isa't may pandilig na patikim.

Ako'y musmos sa alok nitong ginintuang pangarap,
Dilubyo'y mabagsik bagkus may matinding yakap.
At doon matatagpuan ang haplos na hinahanap,
Ako'y alipin sa sahig na Langit ang sumusulyap.

Sa paglatag ng Liwanag na may bahaghari
Waring yuyukod siyang ulap na mapagkunwari.
At kanyang saplot, ihahanay nang sandali,
Saksi maging hanging nagtataingang-kawali.

Sa pagsalin ng hiningang latak ng kahapon,
Baon pala ang sakit hanggang dapithapon.
Ipipinta ang itsura ng sarong na maputi,
Siyang pupuri sa Langit na may bahid ng kayumanggi.

Tila baryang itinapon at nagkakalansingan,
Sa papag na mistulang may sawing kasintahan.
Mga tauha'y lalaban sa kuweba ng kadiliman,
At doon ang kandila'y panandaliang tatahan.

Babahagian ng yaman ang uhaw sa kalinga,
Hahagkan silang mga busal na walang isang salita.
Hanggang sa magkandiring muli sa saliw ng musika,
Silang tangan ang pising *may kakaibang mahika.
010717

(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.

Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.

Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.

Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.

Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.

At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.

Matulog ka na, Anak.

#010717 #SpokenWordsNiTatay
Bianca Tanig Nov 2016
"hindi pa pala ako handa"

yan, yan ang mga katagang binitawan mo sakin 'nung gabing ika'y nagpasya
nung gabing ika'y nagpasyang manatili na lamang tayo sa pagitan ng magkaibigan at hindi magka-sinta

parang isang hampas ng alon na lumunod sa'kin mula sa dalampasigan na tila nagpahinto sa aking paghinga,
tulad ng ihip ng hangin na pumapatay sa apoy ng kandila,
ang siyang pagbitaw mo sa mga salitang
"nasanay na ata akong mag-isa"

parang isang eksena sa isang pelikula na tila gusto **** palitan ng mga bagong linya,
na para bagang nais **** gawan ng panibagong wakas,
ang siyang pagsambit mo sa ilusyong hindi kapa ata handang may makasama

oo, ilusyon
ilusyon kong maituturing ang hindi mo na paniniwala sa minsang inakala nating walang hanggan
sa minsang inakala kong hindi mo bibitawan
at susukuan,
tulad ng  noo'y pagkapit mo sa mga palad ko sabay sabi ng "walang iwanan"

naalala tuloy nung minsang sinabi mo
na darating ang mga oras na magiging mahina ka
na baka maguluhan ka,
o matakot ka,

at sa mga pagkakataong 'yon,
ang sabi mo sa'kin,
sana 'wag kitang bibitawan
sana 'wag kitang  susukuan

sinubukan ko,
sinubukan ko naman
sinubukan kong ilaban
sinubukan kong ipaalala ulit sa'yo lahat ng mayroon tayo,
kung gaano katotoo bawat sandali at minuto sa piling mo

ngunit siguro nga'y tama ka sa minsang sinabi mo na lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan

na kahit gaano pa katibay ang pag-ibig na nasimulan at nabuo,
hindi ito magiging sapat para ilaban ang isang bagay na ikaw mismo ay bihag;

bihag sa isang rehas na kumupkop sa puso **** tila nasanay ng mag-isa

manhid na sa kahit anong pakiramdam at tila may mga nawawalang piraso

hindi alam kung saan naiwan o saan hahanapin,
hindi mawari kung gusto nalang hayaan o gusto pa bang buuin,
tanging tiyak na lamang sa ideyang hindi pa handang manindigan sa isang pag-ibig na minsang ginusto mo ring ilaban

hanggang dito na lang nga siguro tayo,

'hanggang dito nalang tayo",
tulad ng kantang likha niyo na hindi ko inakalang ako ang magiging bida dito

na para bagang isang bangungot na tila nagkatotoo ang "bigla" **** pagpili na manatili na lamang "sa pagitan" ng ikaw at ako at lisanin ang pagiging tayo

salamat,
salamat sa maiksing panahon ng pagpaparamdam mo sa akin ng walang hanggan

at sa pinaka-huling pagkakataon,
hayaan mo sana akong sambitin ang mga salitang to
hayaan **** ipabatid ko sa'yo ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong mangyari sakali mang pagtagpuin ulit tayo sa panibagong yugto

na kung sakali mang sa  panahong 'yon ika'y handa na,
handa nang magmahal muli ng buo at walang takot,

pakiusap,
yakapin mo ang pagkakataong 'yon para subukang muli ang pag-ibig na minsang naging atin

kung sa panahong 'yon ay may natitira pa
akong puwang dyan sa puso mo,

pakiusap, sa panahong 'yon ay ilaban mo na ako tulad ng minsang paglaban ko sa pag-ibig ko para sa'yo



"hanggang dito nalang tayo"
hanggang sa muli,
rebelde ka at ako ang iyong sundalo.
cleo Oct 2015
Akoy naglalakad sa pulang tela,
May naka palibot na bulakalak,
Sa gilid ay may kandila,
May mga upuan  na kulay pula,
May mga batanng naglalakad na sa akiy nangunguna,

Isang batang lalaki ang aking nakita,
May dalang singsing ang aking hinala,
Akoy maraming kasama at silay nakaayos na,
May lalaking nakabarong na tila may hinihintay pa.

Teka ako ata'y nahuli na sa byahe nila "bakit ako nalang magisa?",
Akoy namangha silay nakatitig na,
Mga mata'y   nanghihila ,
Kayat paa ko'y humakbang na.

Tila nakaramdam ako na di makahinga,
Ako'y nakaputi at may mahabang tela,
May hawak na bulaklak,
May nakatabon sa mukha.

Ayan na ako'y malapit na sa altar na aking pinipilit makuha,
Natigil ang mundo ko ng may magsalita "You may now kiss the bride" daw ang aking hinala.
Akoy nagulat pagkat ako'y may kaharap,
Papalapit ang mga labi na sa aki'y nangungusap,

Ngunit may biglang tumawag "Cleo, ika'y gumising na't mag almusal,
Buti nalang at ako'y nagising at natigil ang KASAL.
#kasal(wedding)#panaginip (dream)
Mel-VS-the-World Apr 2018
“Hayaan mo na lang ako matulog.”


Eto ang realidad,
Ng mundo,
Dahan-dahang pumapalibot sa atin,
Ano bang mali sa’kin?
Sobrang layo pa ng hinaharap,
At hindi ko maisip kung ano ba dapat ko maging.
Ano ba dapat **** gawin?
Marami nang nangyare,
At ano pa ba ang pwedeng maganap?
Magkukulong sa sulok,
At magmumukmok,
Naka-ilang hithit-buga na ng yosi,
Baka sakaling makalimot.
Naka-ilang bote na ng alak,
Pampakalma sa pusong kumakabog.
Hindi mo mapigil ang pag-tulo ng luha,
Isa-isang nawawalan ng kislap ang mga tala sa iyong mata.
Nawalan na ng liwanag ang buwan,
At ang araw ay hindi na sikat,
Naghalo ang amoy ng dagat at ulan,
Sumingaw mula sa mainit na lupa parang naagnas na katawan.
Lalabanan ba ang apoy?
O hahayaan lamunin ka at matupok?
Lalangoy ba kasabay ng mga alon?
O handa ka nang malunod at mabulok sa kailaliman?
Hanggang sa hindi na ma-iahon.
Marami ang nagtatanong,

“Mahalaga pa ba ang nakaraan?”

Kung ang hinaharap ay nagtatago sa likod ng kasalukyang puno ng kirot at hirap,
Hinagpis at galit,
Poot at pagkamuhi,
At sakit na walang lunas.

Mahalag ba ang nakaraan?
Maraming pagkakataon na ako ay lumipad,
Mula sa kalangitan, malaya ang diwang may pakpak,
Naglalangoy sa ulap ng kawalan.
Tanaw ko ang sanlibutan, nag-aaway,
Nag-papatayan, para sa ano?
Lupa? Pera? Para sa diyos na makapangyarihan?
Ngunit ang mahabaging diyos ay wala namang pakialam.
Wala naman dapat patunayan,
Wala naman dapat paglabanan.
Rinig mo ba ang ingay mula sa kabilang baryo,
Parang mga asong ulol, nagkumpulan at tumatahol.
Ako ay naglakad,
Saksi ang dalawang paa sa harapang pang-gagahasa ng mga higanteng buwaya; walang umalsa.
Natatakot sila.
Dahil sa mata ng nakararami,
Karahasan ang tama,
At hindi ang karapatan ng bawat isa.

Marami ng problema ang daigdig,
Dadagdag ka pa ba?
Iiwasan mo na ba o babalikan mo pa?
Pilit lumalayo,
Patuloy ang pagtakbo,
Ngunit hindi pa rin maabot ang dulo.
Hindi malaman kung saan patungo.
Dalhin mo ako sa lugar,
Kung saan mapayapa ang buhay,
At mayroong pag-ibig na tunay.
Dahil matagal nang may sindi ang nitsa,
Hihipan ko na ba?
O hahayaan na lang mamatay ng kusa parang paubos na kandila.

Dahil eto ang realidad,
Ng mundo,
Dahan-dahang pumapalibot sa atin,
Ano bang mali sa’kin?
Sobrang layo pa ng hinaharap,
At pagod na’ko magising,
Gusto ko na lamang umidlip at managinip,
Patungo sa paraisong ang ihip ng hangin ay malumanay,
At ang kulay ng paligid ay pagmamahal na dalisay.

“Hayaan mo na lang akong matulog. Kung sa aking pag-gising ay meron paring sakit, hayaan mo na lang akong matulog, dahil pagod na’ko magising.”

Hayaan mo na lang akong matulog.
Baka sakaling hindi ko na maramdaman ang sakit.

Hayaan mo na lang akong matulog.
Kahit ilang oras lang, iiwan ko ang mundong mapanakit.

Hayaan mo na lang ako.
Dahil gaya ng sabi mo,

“Sa sobrang hilig mo sa sleep, pwede ng ipalit ang pangalan mo sa salitang *ogip.”

Kaya hayaan mo na lang akong matulog,
Dahil pagod na’ko magising.
At ayoko nang magising.
Ito ang umagang
Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit.
Kung pwede bang manatili muna Sya
At ako'y hayaang pagmasdan
Ang kanyang kariktan.

Nais kong bumilad sa sinag ng Araw
At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay.
Nais kong malusaw ang bawat kamalian,
Ang bawat pagkukunwari.

Pagkat ayoko na..
Ayoko nang magpanggap pa..
Na kaya kong mag-isa
Mag-isa na wala ang mga kamay Nya --
Ang mga gabay Nya.
Na maging sa gabi'y
Nasisilayan ko pa rin
Ang kanyang anino sa aking pagpikit,
Ang nakasisilaw Niyang Liwanag
Na nagiging mitsa ng aking pagluhod.

Gusto kong huminto ang Araw,
At ako'y makita Nya..
Kahit isang iglap..
Kahit isang saglit lang..

Kung pwede lang,
Wag Mo akong iwan
Na sa gabi'y
Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas
At ako'y Iyong yakapin
Habang ang Iyong sinag
Ang magsisilbing lakas
Sa bawat pagbangon ko sa Umaga.

Sayo ako magsisimula,
At ayokong ito'y magwakas
Na para bang hinahayaan ko lamang
Na malimot ko ang lahat --
Ang lahat ng mga misteryong
Iyong ipinakita na,
Iyong ipanaranas na.

Ayokong dumating sa katapusan
Na ako'y walang muang
Na Ikaw ang aking Simula..

Ayokong magtagpo tayo
Sa gitna ng aking mga kamalian --
Mga kamaliang hindi ko itinama
Kahit na pinagbuksan Mo na ako
Sa panibagong Umaga.

Kung ang bawat araw na lumilipas
Ay siya ring mga pahina ng aking buhay,
Bakit pa..
Bakit ko pa hahayaang
Dilim ang magsilbing umaga?
Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat..
Kung landas ko nama'y
Kayang-kaya **** bigyang liwanag
At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata
Ay simbolo ng Iyong paghahari.

Lilikumin Mo ang lahat
Gamit ang Iyong Liwanag.
Ang Iyong mga Salita'y
Hindi na mangungusap pa,
Ngunit Ikaw na mismo ang darating.

At buhat sa Iyong bibig,
Ang lahat ay handa nang makinig..
Nang buong puso..
Na may tunay na pagpapasakop.

At ang lahat ng mga naggising
Buhat sa pagkakahimbing
At mga bangungot na tila walang katapusan
Ay sabay-sabay na babangon
At lalakad sa Liwanag na Iyong hain.

Masisilayan ko rin ang mga ngiti
Ng pagpupunyagi at tagumpay
Na walang balot ng anumang pagkukunwari,
Walang tampo't galit.
Kung saan hubad ang lahat
Ngunit tanggap Mo
Ang bawat kamalian.

Ang Iyong paghuhusga ay darating --
Darating nang patas;
Patas at pawang katotohanan.
Ang lahat ay darating sa katapusan,
At Sayo ay handang magpaubaya.

Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag
Ay kusang sisibol at uusbong
Nang may papuri
At hindi parang mga paupos na kandila
Na nauubusan rin ng lakas.
Ngunit sila'y tila mga tanim
Na Iyong dinidiligan sa bawat araw --
Mga ginintuang araw
Na hindi gaya ngayong kukupas din..

Balang araw, ang lahat ng salitang
Mamumutawi sa bawat labi'y
May iisang sigaw
May iisang palamuti na ibabandera
At susuko sa Iyong kabutihan.

Ang bawat nilalang
Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian
At hindi na..
Hindi na mauubusan pa ng Liwanag,
Ikaw mismo ang magkukusang
Punasan ang mga matang lumuluha,
Lumuluha buhat sa paghihintay..
Pagkat nariyan ka na..
Nariyan na ang Iyong kaligtasan.

Ikaw, sa bawat oras
Sa bawat sandali'y
Ikaw pa rin ang maging dahilan
Ng pagtibok ng aking puso
Ang magiging sigaw
Ng aking napapaos na lalamunan.

Ikaw ang maging dahilan..
Ng aking pagtaas ng kamay
At sa ere'y hindi Mo ako iiwan,
Ni hindi Mo ako kinalimutan..
Ikaw, ang Araw at Gabi..
Sayo ang aking papuri!
112615

Sa kwadradong hawla
Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit
Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina,
Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila.

Minsan sila'y naging malaya,
Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya
Tila martir ang minsang naging paslit,
Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa.

Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila,
Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan.
At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli,
Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali.

Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin,
Oras niya ngayong kabiyak sa salamin.
Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon,
Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
(Sabi ng Engineer namin, lahat ng sisiw, iiwan din ang nanay nila. Sa una, sunud-sunuran, pero tama nga siya. At matira matibay pa ang labanan.)

7:36 AM
KRRW Aug 2017
Putik
na nabuo
mula sa luha
at alikabok.



Bulaklak
ng damo
na tumubo
sa puntod.



Isang  munting
uod.



Isang butil
ng
pulang buhangin.



Bato
sa kabundukan
na tinutunaw
ng hangin.



Pulubi
sa daan
na namamalimos
sa mga
matang piniringan.




Asin
sa basong
walang takip.



Panyo
sa upuan
na pinakupas
ng tubig-ulan.




Munting ilaw
na sumisilip
sa silid-piitan.




Isang sulat
ng pamamaalam
na nakaipit
sa pintuan.



Pahina
ng kalendaryo
na nakaligtaang
pihitin.



Kandila
sa dilim
na nakikipaglaro
sa mga
anino.


Kabibe
sa tabing-dagat
na walang
laman.




Mga tunog
na walang
huni
at nagsisilbing
musika
para sa
mga bingi.



Hibla
ng buhok
sa ibabaw
ng gitara.



Antipara
na nakapatong
sa lamesa.




Pakpak
ng tutubi
na tinupok
ng gasera.



Isang tuyong
dahon
na sumabit
sa bintana.


Langaw
na nabitag
sa sapot
ng gagamba.



Kutsara
sa tabi
ng basag
na pinggan.



Mga basang
uling
sa hulmahan.



Katahimikan.



Usok
na humahalik
sa kalawakan.
Written
27 December 2014


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
06022021

Hayaan **** ilahad ng mga pahina ang misteryo ng nakalipas,
Ang mahikang bumabalot sa guhit ng mga palad
Na hinulma sa salamin ng liwanag,
Ang dugo ng kasaysayang naging pantatak ng kahapon, bukas at ngayon.

Ang pagsirit ng kandila sa lumalalim na gabi
Ay gaya ng pakikipagbuno ng kalangitan sa lumalagablab na araw.
Hindi man lamang napagod ang lumikha ng bahaghari,
Pagkat buhat sa simula hanggang dulo'y kaya nya itong pagmasdan --
Kaya nya itong sabayan hanggang sa pagtiklop ng mga ulap.

At gaya ng mga ibong malaya na walang humpay ang pagkampay patungo sa lilim,
Ay gayundin ang mga imahe ng putik na ginawaran ng damdamin.
Ang kanilang pakikipagsapalaran sa modernong makinarya ng paglusong at pag-ahon,
Na may dalisay na pagdinig sa lilim ng kapatawaran at kaligtasan.

Walang sinuman ang kayang kumitil sa mga paupos na kandila --
Silang ang pagluhod ay simbolo ng kalakasan at pagtitiwala.
Silang may dunong at sa bukal ng buhay ay may hiram na sandali.
Maliban na lang kung sya'y magpaubaya para lumisan nang walang paalam.
Ngunit kumatok man sila,
Ang huling habilin at pagsilip sa bintana sa hapag
Ay walang katiyakan pawang sa oras at magiging tahanan.

Di hamak na may kaalaman ang sining na paghinga ang naging buhay,
Kaysa sa mga yumuyukod na mga punong
Mayroong nalalagasan na mga pakpak sa bawat dapithapon.
Di gaya ng dagat na lumulunod sa sarili
Na hayag sa kalangitan ang pagkunot at paghinahon.

Ang pawis sa mga pisngi'y gaya ng mga butil ng perlas
Na higit pa sa mga ginto't dyamanteng ibinigkis para ikalakal.
Walang humpay ang pagkapa madatnan lamang ang liwanag
Sa iskinatang walang inihain kundi pait at karamdaman.

At katulad ng pagpapagal nito sa apoy upang mailimbag ang sarili'y
Kusang babalik ang mga ito sa hiningan ng sandali.
Kung saan wala nang ni isang mananatiling "misteryo,"
Kung saan lahad at hubad na ang lahat ng pagpapanggap.

At kung saan ang huling pahina ay pupunitin,
Ang himagsikan ay makikitil hindi nang panandalian lamang.
Magiging malaya ang pagpapaubaya ng mga kamay sa hangin,
Malaya ang mga pusong walang ibang nais kundi magpuri.
kingjay Apr 2019
Sa tag-init ay nagdidikdik ng asin
Sa tag-ulan ay kakainin ang bunga ng pananim
Ano ito ang nakatagong sakit
na ipinunla ng mga luha

Dahil sa hindi masabi sabi
ang sinta
kaya ba na muntik na gawin ang pangkukulam kay Dessa
Kasalanan na kaagad may parusa
Lumalalim na ang tampo sa kanya

Pagsuyo na pinag iingat-ingatan
ay punyal na nakatarak sa puso't isipan
Mas mabuti kung nakakalimutan
Ngunit sumpang ala-ala na bumabalik hindi nagtatahan

At kapag lasing na ay nagiging madaldal
Mahangin ang wika, sa kataas - taasan ay umaapaw
Kung mananahimik ay parang nakakulong sa bahagi ng mundo

Sa prusisyon ay hindi maglalakad
Ang luhang dumausdos sa pisngi ay wala ng makababakas pa
kahit patak man ng natutunaw na kandila
raquezha Feb 2019
Dae ibig sabihon
na tuninong
dae na maogma.

Dae ibig sabihon
na itom,
demonyo ka na.

Dae ibig sabihon na
habo mo sa tao,
mayo ka ng kwenta.

Kung dae mo siya
maintindihan,
respetohan mo
an desisyon niya.

Dae mo pwersahon
an sadiri mo
sa sarong tao.

Ako an tao
na mas gustong
hilingon an kinaban
sa mata kan taong
nasasabatan ko,
arog kan pagabot mo,
yaon ka nanaman
pinapagirumdum sako
na an buhay kan tao
halipot lang.

An duros na hali
sa langit pasiring
sa itom na háwak
asin nagsasakop sa
palibot kan kandila,
An makakan hanggan
sa madiklom
an palibot.

Hanggan sa pagpikit.

Tuninong na boses,
Magian na háwak,
Matagas na boot,
Magayon na numero,
asin kanta na dae
mo mapugolan itao
saimo kan mánlaén-láen
na tao.

Hanggang sa maghinghíng
saimo an kinaban nin:

"Maogmáng Compleaño, Ermano!"
Birthday Poem, Bicol Language, Poetry
Argumentum Jul 2015
Bonifacio

Sinlamig ng gabi
Ang tanikala sa aking kamay
Habang nakahiga
Sa aking hinimhimlayan

Singtamihik ng gabi
Ang aking paghabol ng hininga
Unti-unting naglalaho
Gaya ng kandila sa magdamag

Babangon sa tunog ng yapak sa kalayuan
Bawat yapak, dibdib ay bumibigat
Bubukas, lalangitngit ang rehas
Pipikit at lalaya ang hininga

Di alintana ng naghihingalong katawan
Ang sakit at lungkot na nalalasap
Sapagkat wala ng mas kikirot pa
Sa pagtamasa ng kamatayan sa sariling kadugo, katipan at kasama
Ito ang umagang
Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit
Kung pwede bang manatili muna Sya
At ako’y hayaang pagmasdan
Ang kanyang kariktan.

Nais kong bumilad sa sinag ng Araw
At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay
Nais kong malusaw ang bawat kamalian,
Ang bawat pagkukunwari..
Pagkat ayoko na..
Ayoko nang magpanggap pa..
Na kaya kong mag-isa
Mag-isa na wala ang mga kamay Nya
Ang mga gabay Nya
Na maging sa gabi’y
Nasisilayan ko pa rin
Ang kanyang anino sa aking pagpikit.

Gusto kong huminto ang Araw,
At ako’y makita Nya..
Kahit isang iglap..
Kahit isang saglit lang..
Kung pwede lang..
Wag Mo akong Iwan
Na sa gabi’y
Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas
At ako’y yakapin
At ang Iyong sinag
Ang magsisilbing lakas
Sa bawat pagbangon ko sa Umaga..

Sayo ako magsisimula,
At ayokong ito’y magwakas
Na para bang nalimot ko
Ang lahat ng mga misteryong
Iyong ipinakita
Iyong ipanaranas.

Ayokong dumating sa katapusan
Na ako’y walang muang
Na Ikaw ang aking Simula..
Ayokong magtagpo tayo
Sa gitna ng aking mga kamalian —
Mga kamaliang hindi ko itinama
Kahit na pinagbuksan Mo na ako
Sa panibagong Umaga.

Kung ang bawat araw na lumilipas
Ay siya ring mga pahina ng aking buhay,
Bakit pa..
Bakit ko pa hahayaang
Dilim ang magsilbing umaga?
Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat..
Kung landas ko nama’y
Kayang-kaya **** bigyang liwanag
At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata
Ay simbolo ng Iyong paghahari.
Lilikumin Mo ang lahat
Gamit ang Iyong Liwanag
At ang lahat ng mga naggising
Buhat sa pagkakahimbing
At mga bangungot na tila walang katapusan
Ay sabay-sabay na babangon
At lalakad sa Liwanag na Iyong hain.

Masisilayan ko rin ang mga ngiti
Ng pagpupunyagi at tagumpay
Na walang balot ng anumang pagkukunwari,
Walang tampo’t galit
Na bumabalot sa bawat katauhan
Kung saan hubad ang lahat
Ngunit tanggap Mo ang lahat
Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag
Ay kusang sisibol at uusbong
Ng may papuri at hindi parang
Mga paupos na kandila
Na nauubusan rin ng lakas.
Ngunit sila’y tila mga tanim
Na Iyong dinidiligan sa bawat araw —
Mga ginintuang araw
Na hindi gaya ngayong kukupas din..

Balang araw, ang lahat ng salitang
Mamumutawi sa bawat labi’y
May iisang sigaw
May iisang palamuti na ibabandera
At susuko sa Iyong kabutihan.
Ang bawat nilalang
Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian
At hindi na..
Hindi na mauubusan pa ng Liwanag,
Ikaw mismo ang magkukusang
Punasan ang mga matang lumuluha,
Lumuluha buhat sa paghihintay..
Pagkat nariyan ka na..
Nariyan na ang Iyong kaligtasan.

Ikaw, sa bawat oras
Sa bawat sandali’y
Ikaw pa rin ang maging dahilan
Ng pagtibok ng akibg puso
Ang maging sigaw
Ng aking napapaos na lalamunan.
Ikaw ang maging dahilan..
Ng aking pagtaas ng kamay
At sa ere’y hindi Mo ako iiwan,
Ni hindi Mo ako kinalimutan..
Ikaw, ang Araw at Gabi..
Sayo ang aking papuri!
Pusang Tahimik Feb 2019
Nang isilang ka'y kasama mo na ako
Kita ko ang tuwa sa mga magulang mo
Lahat ng kilos mo tinutularan ko
At kahit nasaan ka ay naroroon ako

Panahon ang nagturo sayo na mamulat
At sa unang pagkikita tiyak ang iyong gulat
Sa ilalim ng buwan sa gabing pagkagat
Naghahabulan tayo sa gitna ng gubat

May isang gabi lahat ng ilaw ay nakapatay
Ikaw'y nakipaglaro sakin ng walang humpay
Mga anyo ng hayop na likha ng iyong kamay
Sa harap ng kandila na sindi ng iyong inay

Sa gitna ng dilim ay di ka nag-iisa
Bagamat madilim hindi mo makikita
Halika sa liwanag at aking ipapakita
Ang aking anyo na dati mo nang nakita

Kahit saan ka magpunta ako ang buntot mo
Hindi mo lang pansin ako'y karugtong mo
Sumayaw ka at tutularan ko
Ngunit huwag sa dilim upang makita mo

Magbalik tanaw sa iyong ala-ala
Tuklasin ang aking talinhaga
Paalam tapos na akong magpakilala
Narito lamang ako lagi, aking paalala

JGA
JOJO C PINCA Nov 2017
may araw ang mga patay
e paano naman
ang mga buhay?
hindi na pala uso
ang nangangaluluwa
treat or trick na
ang "in" ngayon.
tara dalawin natin ang mga
mahal nating namayapa na
kahit ang totoo
hindi na sila
mabubuhay pa.
ang sementeryo na tahanan
ng mga bangkay
pag araw ng mga patay
nagiging pugad ito ng mga lasenggo,
mandurukot, imbi't tarantado
at parang mall na rin ito ngayon
kasi kumpleto: may Dunkin, Mcdo, Jollibee
at Pizza Hut na rin.
wag kalilimutan ang
bulaklak at kandila
linis lapida, papintura
pati na ang paglilipat
ng mga buto pero tandaan
lahat ng ito may bayad
sabi nila mahirap at mayaman
lahat mamamatay din
pero kahit sa huling hantungan
hindi sila magkapantay
kasi may nasa apartment
at may nasa memorial lawn.
051922

Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.

Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.

Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.

Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.

Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.

Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.

At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.

Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.

At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling  makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
Angel Mar 2018
Sa bawat patak ng luha
May bahid ng lungkot at saya
Lungkot dahil tayo ay wala na
Saya dahil alam kong masaya ka na

Siguro ay makikita pa rin kita
Sa aking panaginip at alaala
Lahat ng lungkot at saya
Ay nakatanim sa aking puso at isipan

Ang apoy sa kandila ay aking hinipan
Kasabay nito ang ating mga alaala
Na balang araw ay lilisan
Kasabay kong ibabaon sa lupa
Ang sakit na nadarama
Na hindi na mawawala

Hindi pa rin matanggap iyong pagalis
Nanglalamig ang aking pawis
Ang mukha ko'y hindi maipinta
Dahil sa ala-alang iniwan mo sinta
lua Mar 2020
ang mga salitang nais **** sabihin
natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga labi
natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga daliri
na tila'y kandila
tumutulo sa sahig
habang ang ilaw ng apoy nito'y sumasayaw sa hangin
lumalaki, lumiliit
at sa huli ay mawawala.
052120

Ito ang gabing
Ako mismo ang sisira sa pangako ko —
Sa pangako kong ililibing ko ang sandaling
Mistulang nabihag ang buo kong pagkatao
Natapos ang mga petsang hindi ko na mabilang pa.

Panaginip —
Ika-11 ng gabi, naggising akong muli
Nasilayan kita
Nasilayan ko syang humahakbang papalapit sayo
Natakot ako, siguro nga
Wala naman kasing nagbago.

Natatakot pa rin akong hindi tayo magtagpo
Sa aking paghihintay sayo.
Ni hindi ko maitali ang sarili sa pagsambit ko ng “oo.”
Siguro nga, nag-aabang pa rin ako gaya ng dati —
Siguro nga isa na lamang akong
Gamu-gamong alaala ng kahapon
Na sa paupos na kandila’y
Tuluyan na ring maglalaho.
Kaya ko'ng ipinta gamit ang mga salita
Buhok mo, ngiti, at ang 'yong buong mukha
Gagamitin, salitang pag-ibig, at ganda
Ipipinta kita gamit ang alaala

Kulang ang kulay at linya
Parang nagpipintang ilaw lang ay kandila
Bawat subok na lumikha
Kulang ang lahat kung ika'y wala

Mara...
Tumitigil ang mundo sa'yong tawa
Mara...
Di natatapos ang saya pag katabi ka

Gagawa ako ng kantang base sa 'yong larawan
Gamit ang tawa **** naka ukit sa'king gunita
Bawat galaw **** di ko mabilang
Pano ba titimbangin ang tuwa?

Kulang ang bilang at tugma
Parang sumasayaw na parehas kaliwa
Ang paa,puso, at kaluluwa
Kulang ang lahat kung ika'y wala


Mara...
Tumitigil ang mundo sa'yong mga mata
Mara...
Di natatapos ang saya pag kayap ka

Mara...
Tumitigil ang mundo sa'yong mga mata
Mara...
Di natatapos ang saya pag kasama ka


Nabulag sa tinig...
Takot nang umibig...
Nabulag sa tinig...
Itikom ang bibig.
kingjay Dec 2018
Kapag yumaman na uuwi ba sa San Arden?
Tatanggapin, pagkatapos na pinaghintay naging alipin sa kanyang mga kamay at yapos
At kung mangyari  ay huwag masyado madiin
dahil di pa naghihilom nang lubos

Tambakan ng lupa ang dasalin
para di lumingon o sumulong
Isulat sa libingan
"Bawal Pitasin amg Tutubong Bulaklak"
Upang tumaglay ng mabangong gayak

Nagliliyab ang mga kandila na nakatirik sa altar
sapagkat nakipagsundo sa diablo nang dahil sa mahal
Isinanla ang kaluluwa at ang dugo'y pantubos
Ikamamatay man nakakasiguro ang tambalan ay makaraos

Di ito ang paraan, mabubulok man ang katawang tao, ang isip sa Diyos lang
Mangamba sa tagubilin
Ang huling salita ay hindi mawawala sa puso't panimdim
Gumagabay sa araw-araw na gawain

Ano ang natira sa malawak na lupain?
Tila disyerto na lalong umiinit
Impyerno na sumibol sa kontinente ay
tumatawid ng karagatan
ginagapi ang bawat silid
aboutYv Jan 2022
Pitumpu’t Lima,
‘Yan ang taong nandito ka.
Ngayong upos na ang ‘yong kandila,
Ilaw mo’y ‘di na mapupundi pa.

Huling gabi mo na ngayon sa’yong tahanan.
Ngunit ang buhos ng ula’y parang wala ng katapusan.
Hindi ko alam anong gusto ng kalangitan,
Subalit bakit ito’y tila nakatatahan.

‘Di ko lubos maisip na sa kinabukasan,
Eto na ang huli kong masisilayan.
Kung gaano sana kalakas ngayon ang ulan,
Lahat ng ito’y hihina rin sa kinaumagahan.

O kay dagli ng iyong paghimbing
Sakit na ‘di mo mahahambing.
Sa kabila ng hirap na ‘yong dinaing
Lahat ng ito’y ‘di na sa’yo makararating.

Sa larangan ng sining,
Kami sayo’y nahuhumaling
Iba ang taglay **** galing,
Isa kang batikang itinuturing.

Sa mga obra **** iniukit,
Pasasalamat ang aming sambit.
Mga ala-ala ng bawat saglit,
sa puso’t isipa’y nakaguhit.

Hindi man kasing husay at talentado,
Larangang ito’y patuloy na isasabuhay ko.
Pinapangako ko, aking Lolo
Sandali nalang, Apo mo’y magiging arkitekto.

Kung kami ay maglalambing,
piging ang nakahanda sa’yong paggising.
Tiyak ngayon atensyon mo’y sa lola nakabaling
Kung mayroon lang kaming isang hiling,
Ito‘y muli kayong magkapiling.

— The End —