Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
Pluma Apr 2015
Kling Klang....  Kling.. Klang..

Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan,
Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan.

Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan;
Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan,
Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan,
At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran.

Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan,
Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan,
Maruming damit, gusgusing katawan,
Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran.

Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman,
Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan.
Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan,
Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan.

Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan.
Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan.
Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan;
Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan.

Ilang minuto pa'ng nakakaraan,
Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan,
Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan.

Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan?

Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan
Ang unti-unting nagsipatakan.
Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan -
Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan,
Isang taon pa lamang ang nakakaraan!

Dugo'y nag-unahan sa pagpatak,
Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan.
Babae'y nanghina't nagsumamo
Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa *anghel
sa tiyan nito.

Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay;
Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan.
Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban.

Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan.
Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian.

Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan,
Ang naging usap-usapan sa pamayanan.
Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan.

Sa gitna ng pighati't panlulumo,
Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay.
Tunog ng madamdaming dalamhati.
Musikang malumanay,
.......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay.


*
Kling Klang... Kling.. Klang..
Bells and their ironies.
Zal Feb 2018
Umikot ang mundo
Sumilip na ang buwan
Lumiwanag na ang mga tala
At pumikit na ang mga ulap
Pero, heto ako nakatulala sa apat na sulok ng kwarto

Mahal! Napapagod na ako
Napapagod na akong kakaisip kung mahal mo ba ako
Kaya sana na man, sana nandito ka at marinig mo ito
Sana madama mo ang mga saltiang "MAHAL KITA, SOBRA"
Sana makita mo ang pangalan mo dito nakaukit sa puso ko

Kaya mahal, sinta, darling, babe, baby, honey, love, sweetheart, asawa ko, buhay ko, mine, moo, yam
Sana madinig mo ang sasabihin ko
Na ang tulang ito ay para sayo
Kahit abutin man ako ng dekada dito kakahintay
Sasabihin ko pa rin MAHAL KITA

Hayaan mo nang lumuha ako kasama ng ulan
Hayaan **** mawalan ako ng tinig kakasabi sayo ng MAHAL KITA
Pero, teka, Mahal, mahal mo ba ako?
Ay wag! Wag mo nang sagutin. Kasi alam ko, ALAM KO NA!

Umikot ang mundo
Sumilip na ang buwan
Lumiwanag na ang mga tala
At pumikit na ang mga ulap
Pero patuloy pa rin akong nagpapakatanga

Ha,ha,ha! Tanga ng kung tanga
Pero, hayaan **** sabihin ko sayo
Mamatay man ang ilaw,
Dumilim man ang kalangitan
Mahal pa rin kita
Teka, teka nga
Sino nga ba ang Mahal ko?

Pakisabi naman oh!
Pakiusap, mahalin nya ako pabalik
Kasi ang sakit, sobra
Sa sobrang sakit, hindi ko parin maiwasan na mahalin  sya
Na mahalin sya ng sobra na kahit ang paghinga nakalimotan ko
Kaya sana na man, please lang pakisabi nyo sa kanya
MAHAL NA MAHAL KO SYA

At sana sa huling pagpatak ng mga luha
Ang huling salitang maririnig mo
Ang huling hangin naakukuha ko
At ang huling pagtibok ng puso ko para sayo

Umikot ang mundo
Sumilip na ang buwan
Lumiwanag na ang mga tala
At pumikit na ang mga ulap
Pero, MAHAL PA RIN KITA
Eugene Oct 2018
"Anak, ilang oras na lang, aakyat ka na sa entablado. Proud na proud ako sa iyo, anak" wika ng kaniyang ina habang inaayos ang suot niyang toga. Isang matamis na ngiti naman pinakawalan ng binata at niyakap nang mahigpit ang ina.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya.

Ang araw na magtatapos na siya sa kolehiyo.

Ang araw na pinaka-pinanabikan niyang dumating sa buong buhay niya.

"Anak, mauna ka na muna roon sa unibersidad at ako ay susunod na lamang. May tatapusin lang ako rito sa ating tahanan. Hindi puwedeng hindi maganda ang iyong ina kapag akay-akay kitang nagma-martsa,"  Isang halik sa pisngi ang iginawad ng ina sa anak.

Lumipas pa ang dalawang oras, isa, at hanggang sa naging tatlumpung minuto na lamang ay hindi pa rin nakikita ng binata ang kaniyang ina. Kabadong-kabado na siya nang mga sandaling iyon.

"ROGEN! ROGEN!" sigaw ng isang tinig. Hinanap ni Rogen ang pinanggalingan ng tinig at doon ay nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang hingal na hingal na tumatakbo patungo sa kaniya.

"Bakit tila hapong-hapo ka, Arwan?" aniya.

"Ang--ina. Ang-- iyong ina! isinugod sa ospital ang iyong ina,"  agad namang kumaripas ng takbo si Rogen, suot-suot ang togang mayroon siya upang puntahan ang pinakamalapit na ospital sa kanilang bayan nang marinig ang tungkol sa ina.

Habang tinatakbo ang daan patungo ay hindi napigilan ni Rogen ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Nang marating ang ospital ay agad niyang pinuntahan ang information desk. Sinabi ng nars na nasa emergency room ang kaniyang pakay at hindi pa nakakalabas ang doktor.

Pinuntahan niya ang emergency room at doon ay natagpuan niya ang sariling kausap ang kaniyang amang matagal niyang hindi nakita.

"Rogen, anak," agad siyang niyakap nito. Hindi naman nakapagsalita si Rogen dahil ang puso at isipan niya ay nasa kaniyang ina.

"Anak, patawarin mo ako kung ngayon lamang ako nakauwi at hindi ko inasahang sa muling pagkikita namin ng iyong ina ay aatakihin siya ng kaniyang sakit sa puso," mulagat ang mga mata ni Rogen nang marinig ang salitang iyon. May sakit ang kaniyang ina at hindi niya alam? Inalalayan siya ng kaniyang ama na umupo at doon sinabi sa kaniya ang lahat.

"Anak, graduation mo ngayon. Kabilin-bilinan ng iyong ina kanina bago siya atakihin ng kaniyang sakit na kailangan **** daluhan ang pagtatapos mo. Wala man siya o nasa tabi mo man daw siya ay dapat personal **** abutin ang diploma mo at ang medalya **** apat na taong mo ring pinaghirapang makamit," patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ng kaniyang ama habang siya ay humahagulgol na. Ang medalyang iyon sana ang sorpresa niya sa kaniyang ina pero mukhang nalaman na rin niya pala ito.

"Mayroon ka na lamang sampung minuto upang bumalik sa unibersidad at kunin ang iyong medalya at diploma, anak. Ako na ang bahala sa iyong ina. Alam kong bibigyan pa siya ng Panginoong makita ang medalya at diploma mo. Tuparin mo ang bilin niya, Rogen."

Kahit mabigat sa kalooban ay pinahiran ni Rogen ang kaniyang mga luha at tumayo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginantihan niya ang yakap ng kaniyang ama at mabilis na tumakbo palabas sa ospital .

Sampung minuto na nang makalabas siya sa ospital.

Siyam na minuto nang pumara siya ng masasakyan at dali-daling sumakay dito.

Walong minuto nang magsimulang umandar ang dyip.

Pitong minuto nang biglang bumagal ang usad ng mga sasakyan.

Anim na minuto nang iabot ni Rogen ang bayad sa drayber at naghintay pa ng isang minuto.

Limang minuto at hindi na nakatiis si Rogen. Bumaba na ito ng dyip.

Apat na minuto na at hindi na niya ramdam ang init nang mga oras na iyon maging ang mga nakabibinging busina ng mga sasakyan sa kalsada.

Tatlong minuto na at nasa tapat na siya ng unibersidad. Ang lahat ay nasa loob na ng convention hall.

Dalawang minuto na at kailangan niyang magmadali dahil dinig na dinig na niya ang pagtawag sa mga apelyido ng magsisipagtapos na nagsisimula sa letrang "B".

Isang minuto na at sa wakas narating din niya ang convention hall. Tamang-tama lang dahil buong pangalan na niya ang tinawag ng EMCEE.

"Batobalani, Ujuy Rogen, MAGNA *** LAUDE!"

Basang-basa na ng mga luha ang togang suot ni Rogen nang mga sandaling iyon pero taas-noo pa rin siyang naglakad upang umakyat sa entablado. Nanalangin sa isipang sana ay huwag munang kunin ang kaniyang ina.

Nang makaakyat ay binati siya ng mga naroon at isinabit sa kaniya ang kaniyang medalya.

"Everyone, let us hear the message of success to our first ever Magna *** Laude of West Visayas University - College of Education, Rogen Ujuy Batobalani!"

"Isang maikling talumpati lamang po ang aking ibibigay sa kadahilanang hindi ko po nakasama ang aking ina rito sa entablado upang magsabit sa akin ng aking medalya. Nasa emergency room po siya ngayon at nag-aagaw buhay." muli na namang pumatak ang kaniyang mga luha.

"Sa aking ina, nais kong malaman mo na walang araw na hindi ko inihahandog ang mga gantimpalang nakamit ko sa unibersidad na ito. At itong medalyang ito at ang diplomang kukunin ko ay para sa iyo. Para sa walang sawang pag-suporta mo sa akin. Para sa araw-araw **** pagpapaalala sa akin na ang buhay ng isang tao ay parang isang mahabang tulay na may iba't ibang uri ng balakid sa daang kailangang suungin, at lagpasan ng may lakas ng loob, tiwala, at malakas na kapit sa ating Panginoon upang makita ang dulo nito. Walang hanggan ang aking pasasalamat sa iyo, mahal kong ina. Mahal na Panginoon, maraming salamat din po at nagkaroon ako ng isang inang katulad niyang mabait, maalalahanin, maalaga at mapagmahal. Alam Niyo po ang iniiyak ng aking puso at nawa ay Iyo po itong pakinggan."

Ang hindi alam ni Rogen, matapos ang maikling talumpating iyon ay siya namang pagtigil ng tibok ng puso ng kaniyang ina sa ospital.
poetman24 Oct 2017
Naulit na naman ang paalam
(poetman_24)

Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito
ngunit pagkatao ko'y laging ganito,
namutawi na naman ang paalam sa aking puso
bakit pag-ibig kayhirap **** matamo?

Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas
nagbabadya nang pagpatak na walang wakas,
wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas
napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas.

Bakit naman ganyan ang pagsubok
mga tinta'y naghihimutok,
ano ba ako sa pintig nang pagtibok
ako ba'y sawi sa bawat paglunok?

Hindi pala sapat ang likha kong tula
kaya lulukutin ko na lamang ang talata,
mauuwi na naman ang aking bigong diwa
sa 'di matatawarang luha.

Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin
nasasayang lamang ang taglay na damdamin,
nais kong isuko ang pagkatha sa hangin
sana masagot pa ang aking panalangin.

Makatang walang taglay na panulat
mga tinta'y mantsa sa'king balat,
nasasawi ako nang hindi ko alam
isa ba akong tampalasan?

Kung masasaktan ka sa aking piling
layuan mo na lamang ako giliw,
itanim mo na sa akin ang pasakit
tatanggapin ko kahit anong pait.

Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala
at alalahanin na ikaw ay may halaga,
kalimutan mo na lamang ako sinta
kung 'yan ang palagay **** tama.

Babalik na muna ako sa sa karimlan
itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan,
ililibing ko na lamang sa diwang hagap
na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
Karl Gerald Saul Sep 2013
Minsan sa buhay natin,
kahit alam natin na tag-araw,
may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw.

Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan,
May ilan naghahanap na punong masisilungan,
ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan,
pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan.

May mga nakahandang armas na payong naman ang iba,
ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa,
na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin,
na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain.

Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak,
may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak,
may mga batang masayang naglalaro habang naliligo,
na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero.

Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao,
Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo.
ang mga patak nito'y sadyang maliliit -
kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit.

Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid,
Saan ka dito sa aking mga nabanggit?
Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan,
Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
George Andres Jan 2017
kailan ba nabuhay ang mga manunulat?

sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy.

kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti

ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit?
dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal.

kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay.

ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.'
ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman,
ang hindi lumingon

sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas
para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho.
pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo

kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon?

ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso?

kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya?

kailan ba nabuhay ang isang eskribo?

sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso.

mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita
papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo
nabuhay siya nang dumating ka
nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina
upang magliyab siya
oo ikaw na irog niya

nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
PoemsFor....
1916
JK Cabresos Sep 2016
Isusulat kita.
Sa huling araw na masilayan ko
ang tamis ng ‘yong mga ngiti
at sa mapang-akit
**** mga labi.

Isusulat kita.
Habang nakikita ko pa
ang aking sarili
sa kislap ng ‘yong mga mata,
bago ka lumisan,
dahil matagal pa
ang ‘yong pagpihit
mula sa ibang daigdig.

Isusulat kita.
Sa mga titik at letrang
namumutawi sa aking bibig,
hindi ko hahayaang
malusaw na lamang
sa pagtakbo ng oras,
mabaon sa limot,
patungo sa karimlan.

Isusulat kita.
Habang tanaw pa natin
ang mapula-pulang sunset
na kakulay ng puso nating dalawa
at kayakap kita.
Yayakapin kita.
Hanggang sa magbubukang-liwayway
ang tanaw nating takipsilim.
Yayakapin pa kita.
Sana.

Isusulat kita.
Sa kailaliman ng gabi,
sa dilim,
sa nagsisidhing damdamin,
kung saan sinag lang ng buwan
ang tanging namamasadan,
at ang kayakap ko na lang
ay ang mga basang unan.

Isusulat kita.
Kasabay ng pagpigil
sa pagpatak ng luha
habang nakikita
ang ‘yong mga hakbang
paakyat sa bus dahil uuwi ka na.
Habang ang sinasakyan
ko namang dyip
ay papalayo ng palayo sa ‘yo,
ihahataid na
kung saan ako ngayon
ay iniisip ka.

Isusulat kita.
Ikaw ang ipaloloob
nitong aking akda,
bawat berso, bawat tugma,
ikaw ang nasa isip,
ang iisipin ulit
hanggang sa tumunog bukas
ang naka-set kong alarm
at magising na lang
na nasa malayo ka na.
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa
Mga papeles na nagpatung-patong na
Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula.
At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa.
Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga.
Dahil crush niya daw si Justin Bieber
At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel.
Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga.
Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler.

Tangina.

Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga
Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala
Kaya hayan at napagalitan ka pa.
At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo
Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo.

Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko
Ay may kakaibang dalang saya.
Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan.
Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang.
Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa.
Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA.
Himala!
Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya.


Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan
O kaya sa dyip ay makasabit man lang.
Basta makauwi ka lang.

Nakakasabik pa rin ang ideya
Na ang bawat pag-uwi
Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti
Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti.

Mayroong yakap na nakaabang
Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan
Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan.
Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan.

Nakahain na rin ang hapunan.
“Mahal, ano ba ang ulam?”
Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan.
Simulan natin sa simpleng kamustahan.
Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
Kasabay ng aking pagpikit
Ang pagsilip ko sa panaginip sa aking isipan.
Namumukod tangi ang Iyong kagandahan
At Ikaw ang nag-iisang kumikinang sa aking paningin.

Napapasilip ako
Sa likod ng lahat ng napakagandang palamuti,
Pagkat nariyan pala ang tunay na may-akda ng lahat.
Pagkat sa kabila ng naghihiyawang palakpakan,
Sa kabila ng mga ngiting bumabandera sa aking harapan --
Ang dahilan ng aking kalakasan.

Pagdilat ko'y tila bukang-liwayway na,
Hindi kumupas ang Iyong kagandahan.
Muli kong kinapa ang aking bulsa,
At muling naghagilap ng anumang umiingay sa aking kalupi.
Dahan-dahan kong pinakiramdaman
Ang magaspang na katauhang gawa sa pilak.
At buhat sa pagkakamulat,
Ay dahan-dahan akong pumikit
Na tila ba sumasabay sa unang pagpatak ng ulan.

Nangungusap sa aking konsensya
Ang tinig **** matagal ko nang hanap-hanap.
At sa naudlot na istorya sa entablado'y
Nagpatuloy ang aking paghahanap.
Hinahanap ko kung saan nagmumula
Ang tinig **** humihele sa akin
At nagbibigay galak sa puso kong
Uhaw sa malasakit at pag-ibig na tunay.

Nasaksihan ko ang paglisan ng bawat katauhang
Kailan lamang ay nasa akin ang pagtingin,
Ngunit ang lahat pala sa kanila'y
Syang palamuti at hindi tunay na kabahagi
Ng aking istorya.

Patuloy silang nalusaw
Gaya ng krayolang nilalaro ko sa apoy
Noong ako'y paslit pa lamang.
Na ang akala kong bubuhay sa pinipinta kong larawan
Ay hindi pala sapat sa magandang imaheng
Aking nasasaklawan sa aking imahinasyon.

Kusa silang naglaho na tila ako'y tinakbuhan lamang
At marahan akong napaluhod buhat sa aking kinatatayuan.
Gusto kong magsalita, gusto kong may masambit..
Gusto ko silang pigilan sa paglisan
Pagkat hindi ko ninais na mapag-isa
At patuloy na mangulila sa pagmamahal.

Kung pwede lang na sa gitna ng katahimikang ito'y
Kaya kong marinig ang sarili kong boses.
Kung pwede lang sa gitna ng aking paghihintay at pagsusumamo'y
Wag muna silang kumilos at aking mahanap
Ang tinig na akala kong susundo sa akin
Buhat sa paglimot ko sa aking sarili..

Namukod-tangi ang boses na aking hinahanap,
Naririnig ko na ang Kanyang mga yapak
Na tila ba patungo at palapit na sa akin.
Ngunit hindi ako makagalaw buhat sa pagkakayuko.
Ni hindi ko na masilayan pa kung sino ba ang paparating.
At dahan-dahan pa rin ang pagpadyak
Ng Kanyang sandalyas patungo sa akin.

At habang Siya'y lumalakad,
Ay dahan-dahan ding nagbago ang senaryo
Na aking kinalalagyan.
Narinig ko ang napakalakas na pagpaubaya ng alon,
Ang tunog ng kampanang magaan sa aking pakiramdam,
At ang mga humiheleng tila mga anghel
Na naging mitsa ng pagtatayo ng aking balahibo.

"Nasaan na nga ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
At muli kong narinig ang mga nagpupuring anghel
Na tila ba walang katapusan ang kanilang galak
At ako'y nadadala kung saan.

Hindi ko pa rin mabuksan ang aking mga mata
At wala akong masilayan maliban sa dilim
Na pilit kong nilalabanan at alisan.
Hinahanap ko pa rin ang tinig Nya
At nais kong tanggapin ang bawat salita mula sa Kanyang bibig.

Maya-maya pa'y narinig ko
Ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking, "Anak."
Habang ang aking kamay ay hawak-hawak pa rin
Ang pilak na muli ko sanang itatapon sa balon..

"Anak, halika na.. sabi ng doktor, may donor ka na raw.."
Sambit ng aking ina habang ako'y akap-akap
Sa kanyang mga maiinit na mga bisig.
Kusang tumulo ang aking mga luha
At sya nama'y humagulgol sa saya.

Walang salita ang sinambit naming dalawa,
Ngunit ang kanyang yakap ay humigpit.
At naramdaman ko ang kanyang mga luhang
Dumadampi sa aking balikat at sa aking damit.

At sa mga oras na iyo'y
Ang kanyang yakap ay higit pa sa lahat ng yakap sa mundo
Ang luha nya'y tila ba binabalot ng isang hiwagang
Nagpapakalma sa aking paghihirap.
Ang gaan ng aking pakiramdam,
Ang saya ng aking kalooban.

At doon ko natagpuan ang aking hinahanap,
At sa aking muling pagmulat
Kung saan may liwanag nang maaaninag,
Alam ko kung kanino na ako muling lalapit pa..
Alam ko, hindi ko man nasilayan ang lahat
Ngunit ang pakiramdam na iyo'y
Habambuhay kong nanaisin
At pasasalamatan.
RL Canoy May 2019
Sa bawat paghakbang ng paang maputik,
anaki'y malugmok ang katawang impis.
Hindi iniinda ang ngawit ng bisig,
sa bawat paghampas ng pulpol na karit.

Mata'y pumapait sa agos ng pawis,
di ramdam ang init sa katawang manhid.
Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik,
tila sumasaliw sa pintig ng dibdib.

Tinig ng sikmura'y parang humihibik,
lalong gumagatong sa hapo at sakit.
Pilit pinapawi sa tuwing iihip,
ang simoy ng hanging tila umaawit.

Sa gitna ng hirap na pinagdaanan,
ang tanging hiling sa Poong Maykapal.
Nawa'y didiligan ang sangkalupaan,
at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay.

Sapagkat sa munting pawis-magsasaka,
sanlibong sikmura ang pinapasaya.
Ang tinik sa paang nakapanghihina,
Sanlibong katawan ang pinasisigla.

Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat,
hindi iniinda kahit naghihirap.
Para may mahain sa mumunting hapag,
at pagsasaluhan na mayroong galak.

Ang iba'y inisip kung anong lutuin,
ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain.
Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin,
ang mga nagtanim salat sa makain?

Ganito ang buhay ng may gintong kamay,
na puno ng lipak, marumi't magaspang.
Subalit malinis ang pusong tinaglay,
bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay.

Sila ang bayaning dapat na purihin,
sandata'y palakol, tumana'y suungin.
Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim,
katumbas ang bungang gumigintong butil.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
Ang tulang pastoral na ito ay sumasalamin sa mga pinagdaanan ko noon sa kinalakhang bukirin.
RLF RN Oct 2015
GABI (Night)*

Ayan nanaman si araw,
iniwan nanaman niya ako.
Tinapos nanaman niya
ang maghapon sa paglubog.
Tinanggal nanaman niya
ang liwanag sa paligid ko.
At iniwan nanaman niya akong
nakatanaw sa malayo, sa tabi ng bintana,
minamasdan ang pagpasok ng dilim,
hinahanap ang buwan at mga bituin.

Ang tanawing ito ang nagpapa-alala sa akin
na “There is always light, even in the darkest times”.
Kasabay ng pagpasok ng dilim
ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Nasaan si Paulo? ang tanong ko sa sarili ko.
Hinahanap ko nanaman siya,
sa tuwing sasapit ang ganitong oras.
Kailan ko kaya siya ulit makikita?
Kailan kaya kami ulit magkakasama?

Lumipas nanaman ang isang maghapon
na hindi ko nasilayan si Paulo.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin,
kasabay pa rin ang mga munting luha
na patuloy lang sa pagpatak habang
iginuguhit ko ang kanyang mukha sa aking isipan,
habang ninanais ko na mahawakan
ang kanyang kamay sa sandaling iyun.
Nangiti na sana ako, kaso pagdilat ko,
ako lang pala mag-isa ang nandito, at
kathang isip ko lang ang lahat.

Napabuntong hininga ako ng napakalalim,
at sa paglabas ko ng hangin sa aking katawan
naisipan ko nalang na pumikit ulit at manalangin.

“Ama, kung anuman po ang Inyong
ginawang plano sa amin ay Siya pong masusunod
at malugod ko pong tinatanggap.
Alam ko po na may magandang dahilan ang lahat
ng nangyayari sa amin na ayon sa Inyong kagustuhan.
Ang dasal ko lang po ay Nawa sana
tulungan Ninyo kaming makita at malaman
ang dahilan ng lahat ng ito.
Bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at sapat
na pananampalataya upang kumapit pa,
huwag sumuko at hawak kamay na harapin
ang pagsubok na ito. Hayaan Nyo po kaming
patuloy na manalangin, gawing sandalan ang isa’t-isa,
at gawin Kayong sentro ng aming pagmamahalan
sa kabila ng lahat. Amen. ”

At tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata
sa pagtulog, nagbabakasakaling kahit
sa panaginip man lang ay mahagkan ko siya at makasama.
Desirinne Feb 2017
Sa bawat pagpatak ng ulan
May mga taong wasak at luhaan
Mga luhang umaagos kasabay ng patak ng ulan
Mga kirot na nais takpan

Ako'y parang ulan
Umiiyak kapag nabibigatan
Napupuno kapag nahihiapan
Sa likod ng bawat kaligayahan
May mga damdaming napaglalaruan
At mga taong iniiwang sugatan

Tama na ang isang iyak
Sapat na ang mga patak
Dahil magiging maayos rin ang lahat
Mahahanap mo rin ang taong tapat
Na magmamahal sayo ng sapat

Sa pag agos ng ulan sana agusin na lahat
Ng sakit at kirot  dahil yun ang nararapat
Ako'y nagbago at natuto dahil sayo
Nagbago dahil sa sakit na naranasaan sayo

Pagtapos ng iyak ng lagit
Alam kong may sisinag na araw
Ngi-ngiti ulit sa langit
Kasabay ng ulap ng bughaw
2/28/17
m i m a y Sep 2017
Isa, isa lang, isa lang naman ang gusto kong makasama.
Dito sa mundong pinaghalong lungkot at ligaya.
Yun ay IKAW.

Dalawa,  dalawang salita lang ang maibibigay ko.
Maibibigay kong rason para malaman mo.
Kung bakit ikaw,  ikaw ang gusto ko.
Dalawang salita na binubuo ng siyam na letra, MAHAL KITA

Tatlo,  tatlong salita lang naman ang ninanais ko.
Salitang nais kong marinig mula sa bibig mo.
Salitang habang sinasambit mo ay naguumapaw ka sa tuwa.
Salitang MAHAL DIN KITA

Ngunit apat,  apat na masasakit na salita.
Na tila ba'y pagtibok ng puso ko'y tumigil bigla.
Kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Nalaman ko,  nalaman ko lang naman na MAY MAHAL KANG IBA.

Lima,  limang salita ang paulit-ulit kong hinihiling.
Magmula ng malaman kong may iba ka ng kapiling.
Sana,  SANA IKAW AT AKO NALANG.

Anim,  anim na salitang patanong ang nasa isip ko.
Tanong na gumugulo sa puso't isipan ko.
Tanong na gustong malaman ang kasagutan nito.
ANONG BANG MERON SIYANG WALA AKO.

Pito,  pitong salita ang nais kong ipaalam sayo.
Pitong salita na sana'y magpabago ng isip mo.
Pitong salita na handa kong gawin para sayo.
MAHAL KITA AT HANDA AKONG MAGHINTAY SAYO.

Walo,  walong salita na pilit kong pinanghahawakan.
Walong salita na inaasahan kong matutupad,  hindi man kinabukasan.
DARATING ANG PANAHON NA MAMAHALIN MO RIN AKO.

Siyam,  siyam na salita na alam kong totoo.
Siyam na salita na binitawan ng kaibigan ko.
Siyam na salita sa na dumudurog sa puso ko tuwing naririnig ko ito.
WAG KA NG UMASA, MAY MAHAL NA SIYANG IBA.  

Hanggang sa sampu, sampung salita na nanggaling mismo sa bibig mo.
Salitang  nagmulat sakin sa katotohanang hindi talaga magiging tayo.
Salitang nagpagising sa natutulog na puso ko.
Salitang ITIGIL MO NA, HINDI MAGIGING IKAW ANG TAONG MAHAL KO.
Not good at making titles talaga. XD
Austine May 2014
Kumusta na raw tayo, ang tanong nila
Ewan, malay ko kung kumusta na nga ba
Tayo

Simpleng tanong na hindi ko alam ang sagot
Ano nga bang nangyari sa
“Tayo”?

Inisip ko ang nakaraan
Pinagmasdan bawat pagpatak ng ulan
Hinanap ang kislap
Ngunit tila hindi pa rin sapat
Upang mawari ko ang sagot
Sa tanong na bumabalot
Sa ating mga puso
Na pulos nagbabalatkayo

Kumusta na tayo?
Anong nangyari sa magandang kahapon?
Bakit sa aking muling paglingon,
Ikaw na rin ay nakatalikod?
Hindi ba’t iyong sinabi
Na sa piling ko ika’y mananatili?
Bakit sa bawat paglakad mo
Ikaw ay palayo nang palayo?
Hindi ba may usapan tayo
Na sa akin ka patutungo?
Nasaan na ang mga pangako
Na sinabi **** di mapapako?

Kumusta na tayo?
Ikaw lang ang sagot.
013017

Hindi ako humihingi ng bago sayo
Pero inabutan mo ako ng blangkong papel
Siguro nga, siguro nga wala kang sinabing magsulat ako
Pero heto ako't isinasatitik pa rin ang bawat tulang naging misteryo sa puso ko.

Hindi ako humingi ng espayo sayo
Pero binigyan mo ako ng patlang --
Mga patlang na hanggang ngayo'y walang sagot
Mga patlang na hindi ko alam kung laan ba sakin
O sinadyang ipadaan lamang sa mga kamay ko
Para lang may maisulat ako ngayon.

Hindi nawalan ng tinta ang panulat ko
Pero tila naubusan ito ng dahilan para magsulat sa mas marami pag mga pahina --
Mga pahinang hindi ko alam kung pinunit mo na rin ba
Hindi ko alam kung ginusot mo na ba
O baka naman ipinadaan mo na sa apoy
At oo, natupok na ang lahat
Pero sariwa pa rin sa akin ang bawat linya ng talata
Siguro nga, siguro nga hindi ko kabisado
Sa kung papaano ako nagsimula
O paano ako nagtapos sa piyesang iyon
Pero ang alam ko -- ayoko na.

Ayoko na -- ayoko nang bumalik sa umpisa
At halukayin na naman ang nakaraan
Yung katulad ng dating magmumukmok ako sa sulok
Sasabay ang luha sa pagpatak ng ulan
Sasabay ang takot sa kulog
Sasabay ang galit sa kidlat
At wala -- wala na naman ako.

Ngayon, naisip kong sa dulo magsimula --
Sa dulo kung saan ay bago na ang lahat
Oo, hindi naman nabubura ang sakit
Pero kaya itong lagpasan
Malalagpasan kasi pinalipas na ang panahon
At hinilom na ang lahat --
Oo, napatawad na kita.

Sabi nila, nasaktan na raw ako ng sobra
Wag ko na raw balikan kasi nga baka di ko na kayanin
Tama na raw, kasi nakakaawa na raw ako
Ano raw bang meron sayo na minahal kita
May mas magmamahal pa raw sa akin
Mapapagod lang daw ako
Sasaktan mo lang daw ako.

Pero alam mo, iba ang sabi Niya --
Na patawarin kita
Na binura Niya na ang lahat ng sakit sa puso ko
Na wag akong magtanim ng sama ng loob
Na pinalaya Niya na ako
Na higit na magtiwala ako sa Kanya
Na muli akong magtiwala sayo
Na wag akong matakot magmahal muli
Na wag akong matakot masaktan
Na lagi kitang ipanalangin.

Sa totoo lang, hindi ko alam
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng dahilan
Kasi pag tinanong mo ako kung ba't kitang mahal,
Wala akong masasagot sayo --
Basta, basta mahal kita
At mas mahal ko Siya --
Doon Niya tayo ipinagbuklod ng pag-ibig Niya.
LAtotheZ Aug 2017
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan
Habang sumasayaw ang ulap sa bintana
Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto
Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo.
Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon
Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon
Preparado ang lahat, nakisama ang panahon
Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon
Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba
Asan na pala sila? Anong oras na ba?
Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel
Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel
Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na
Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka
Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan
Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan

Liwanag. Oo sya ang aking liwanag.
Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag
Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian
Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan
Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan
Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan
Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan
Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan
Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon
Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon
Anong oras na? Alam kong alam mo na
Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na
Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa
Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita
Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa
At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa

Written: 08/01/2014
Taltoy Apr 2017
Bakit nga ba hindi?
Bakit nga ba hindi at hindi oo?
Bakit nga ba hindi ang naging sagot ko?
Bakit nga ba hindi kahit gusto ko?

Bakit nga ba hindi kahit nagbabakasakali?
Bakit nga ba hindi? pwede namang siguro?
Bakit nga ba hindi ang naging kasagutan?
Bakit nga ba hindi? di ko rin maintindihan.

Sa relasyon, maraming maaaring mangyari,
Pagkat ang nais ko'y iyong ikabubuti,
Kahit man masakit, yung ang pinili,
Piniling kasaguta'y maging hindi.

Pinairal ang utak bago damdamin,
Pinag-isipan ang gagawin,
Kahit na naging labag sa'king saloobin,
Pagkat sa kasalukuyan, ito'y aanhin?

Oo nga may kasiyahan,
Makasama ang hinahangaan,
Ngunit ano ang susunod?
Pagpatak ng luha? pagkapagod?

Ito'y ninanais, ngunit hindi pangangailangan,
Di biro, di pangkaraniwan,
Di sa lahat ng oras, tamis at saya ang dala,
Baka magkamali't ika'y masaktan pa.

Kahit na ikay mahal ko na,
Kahit na "tayo" ay ninanais na,
Kahit na ako'y may tyansa,
Pagkat di kailangan, wag muna.

Dahil ang lahat ng bagay ay may takdang panahon,
Takdang panahong inilaan ng Panginoon,
Dahil kung ikaw nga talaga at ako,
Hahayaan ko nalang na ang panahon at tadhana ang bumuo.
matagal nang naisulat ngayon lang isinawalat
Rhon Epino Apr 2018
Buwan ang nakatitig saakin
Yakap ang lamig ng hangin
Kandong ng puting buhangin
Tangay ng alon ang damdamin

Ramdam ang pag iisa
Gabing walang kasama
Dala ang mga alaala
At tanging mga alaala

Naghangad at nag asam
Umasang aakayin ng lumbay
Papawiin ng daluyong
Ang pusong napagod maghintay

Naglakbay ang mga mata
Naghanap ng makakasama
Ngunit isang pagkakamali pala
Ang libutin ang dilim na nag iisa

Mas lalong sumidhi ang inggit at pag aasam
Pagtingala'y tala ay ngumiti sa mga ulap
Paglingo'y lupa ang yakap ng dagat
Lumuha, sapagkat, halik ang dampi ng liwanag ng buwan sa dilim ng gabi
Sabay sa pagpatak ng ulan
Ang pagpatak ng luha
Sumigaw ng walang pag aalinlangan
Sabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan

Tumayo't inihampas ang galit na kamao
Sabay sa pagbato
Ng mga tanong, kung ano at paano
Paanong lahat ay nagbago

Binuhay ng lamig ng ulan
Alaalang matagal nang humimlay
Alaalang akala'y patay
Ngunit nahimbing lang pala ng lumbay

Sumariwa ang mga alaala
Magmula ng unang magkita
Hanggang sa patapos na
Hanggang matapos na

Isang halik mula sa kinatatayuan mismo
Isang halik na nakapagpabago
Ng ayoko muna sa salitang oo
Isang halik kung paanong naging tayo

Isang halik na bumuhay sa buong pagkatao
Ay s'ya rin palang papatay sa kanyang mundo
Dahil ibang tao na ang pumawi
Sa tuyo nyang mga labi

Tumangis.
Inihakbang ang mga paa patugo sa nagngangalit na alon
Lulubog at di na muling aahon.

En el mar me encontrarás
Sa dagat mo ako matatagpuan.
masakit kapag sila na lang yung dating kayo
NGA Oct 2020
Umuulan na naman,
Natutuwa ba o nalulungkot ang langit?
Walang nakakaalam,
Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit.

Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha,
Pilit nanunumbalik masasayang alaala.
Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo,

Sa ulan din pala magkakalayo.
Lakad at takbo sa gitna ng ulan,
Mabasa o magkaputik ay hindi alintana.
Bugso ng ulan ay biglang dumahan,

Payong ang nakita pagkatingala.
Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata,
Iyan ang naaalala sa unang pagkikita.
Tila bang tayo ay nasa koreanobela,
Damang-dama ang pagiging bida.

Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan,
Kwento nating dalawa ay may hangganan.
Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan,
Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan.

Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka.
Basang-basa at putikan, hindi alintana.
Mga hikbi ko ay hindi mapatahan,
Kasabay nang pagbuhos ng ulan.

Payong mo'y hindi na matanaw,
Wala na, tuluyan ka nang bumitaw.
Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita,
Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
Crissel Famorcan Oct 2017
Sa wakas! Nariyan na ang matagal Kong hinintay
Sa mahabang panahon, mailalabas ko na ang tinatago Kong lumbay
Dumating na ang bagay na aking pinaghandaan
At yun ay ang pagbuhos ng maganda at malakas na ulan
Oo Alam Kong ****** kung pakikinggan
Pero epektibong pampagaan ng bigat kong nararamdaman
Nakatutuwa kasing pagmasdan ang nag uunahang patak nito sa lupa
Animo'y naghaharuta't naghahabulang mga bata
Maganda rin ditong isabay ang pagpatak ng mga luha
Pagkat sa ilalim nito, walang makakakita
Masayang pakinggan ang musikang gawa ng ulan
Na nagbibigay sa puso ko ng konting kapayapaan.
Ng konting katahimikan.
Ngunit sa paglisan ng bagay na minsang nagbigay sayo ng saya,
Kaakibat din ang epektong sadyang nakapangangamba
Pagkat sa pagtatapos ng ulan ay may baha
Sa pag alis ng mahal mo nama'y mayroong mga luha
Kung paanong sa bagyo ang bahay ay nasisira
At sa paghampas ng hangin, ang mga puno'y nagwawala
Ganoon din ang puso mo, ngunit wala kang magawa
Pagkat siya ang bumitaw sa higpit ng iyong kapit
Siya ang umayaw sa pilit **** paglapit
Siya ang sumuko sa pagmamahal ng tapat
Samantalang ikaw handa pa ring patawarin ang lahat.
Katangahan.
Yan ang pinairal mo sa matagal na panahon
Yan pa rin ba hanggang ngayon?
Imulat mo ang iyong mata
Sa pagpapanggap nila,huwag kang padadala.
Amo
082021

Nabibilang lamang sa aking mga daliri
Ang mga buwan na tiniklupan ng mga ulap
Nang sa’king mga bisig,
Ang yakap mo’y nagmistulang kumot
Sa balat kong sumisigaw sa alat
At anghang ng aking pakiramdam.

Sa titig mo’y ako’y nakalilimot
Na ang pangalan ko’y nagbagong bihis na rin.
At kasabay ng paglilipat silid at bubongan,
Ay ang paglisan ko sa unang tahanang
Humagkan sa aking pagkakakilanlan
At bumuhos sa akin nang di masukat na pagmamahal.

Ang mga ngiti **** pumapawi sa’king paghihintay
Sa maghapong masuklian naman
Ang pansamantala kong pangungulila’y
Nagsisilbing matatamis na tsokolateng
Hindi naman pala nakamamatay.

At sa ganitong pagpatak ng mga segundo
Na parang mga barya sa alkansya mo,
Ang tanging hangad ko na tunay na pag-aaruga’y
Iyong pabaon na araw-araw kong sasalubungin at pagbubuksan.

Nakalimutan ko na rin atang humanap pa ng iba
Di gaya ng panata ko noon sa mga rehas
Kung saan gusto kong kumawala.
Pagkat sa’yo pa lamang ay abot-langit na
Ang aking mga ngiti’t pagsintang
Lulan ng iyong mga hagkan
At walang pag-imbot na pag-aalaga’t pagkukusa.

Kung kaya ko lamang pigilan ang sarili
Buhat sa pagtikom ng aking bibig
Ay nais ko sanang ipagsigawan
Sa apat na sulok ng ating tahanan
Ang pangalan **** ni minsa’y hindi ko naintindahan.

Bagamat sa bawat pagkilos mo’y
Hindi ko maipagkakailang
Ako’y tunay mo ngang mahal at pinakaiingatan.

Hindi na ako manlilimos pa,
Ng pagmamahal o atensyon sa mga tauhang
Lilisan sa kani-kanilang panahon at kagustuhan.
At pipiliin kong masanay na makipagsayawan
Sa mga mata **** tanging lilim ang laan sa akin.

At kung ito man ang una’t huling sulat
Na ikaw mismo ang pumataw ng mga kahulugan
Ay hayaan mo ring masambit kong
Sa araw-araw, ikaw ang nanaisin ko pang makapiling.
Para sa aking amo..

Nagmamahal,
Luna the Frenchie
072821

Hayaan **** magsimula ako
Kung saan ang mga salita'y wala pang ugat
Kung ang lahat ng salitang ibinibigkas,
Ipinipintig ng puso't damdamin
Ay nagmumula Sa'yo.

Gusto kong sabihin Sa'yo nang harapan
Lahat ng nararamdaman
Gusto kong sambitin
Yung bawat tugma ng salita
Na pilit na kumakapit, kumakalas, gustong kumawala
Sa katauhan kong hindi alam
Kung saan nga ba papunta.

Hindi ko masilayan kung saan nga ba ang mga bituin
Ngunit siguro ako na ang Norte'y mararating din.

Sa paglalakad ko,
Patuloy na nangungusap ang Iyong mga matang
Hindi ko pa nasisilayan.
Ang mga mata **** luha'y ibinubuhos ng kalangitan
At sa bawat pagpatak nito'y
Pilit kong iniaabot ang bawat butil
At sinasabi ko sa sariling,
"Balang araw, wala ng luhang matitira pa."

Maging sa pagkilos ng mga bituin
At pag-ihip ng hangin,
Ay masasabi kong panandalian lamang ang mga ito.

Wala Akong gusto at iba pang hangarin
Kundi paliwanagin ang mga nakikita ng iyong mga mata.
Gusto Kong patuloy kang tuamakbo,
Patuloy kang mangarap
Kahit na pakirtamdam mo'y ikay nag-iisa.

Ngunit sa paniniwala **** iyon
Ay dahan-dahan Kitang aakayin at tutulungan --
Tutulangan papunta.. Patungo tayo
Sa pangarap Kong laan sa'yo.

At kung Ako..
Kung Ako man ang pinipili mo,
Hayaan **** ika'y bihisan ko --
Bihisan nang walang pag-aalinlangan.
Yung pag-aalinlangan mo sa sarili **** hindi mo kaya,
Yung pag-aalinlangan **** wala nang pag-asa,
Na 'yung sinimulan mo noo'y tapos na.

Pagkat sa bawat pahina,
sa bawat letrang inihahagis sa Akin patungo sa'yo
Na para bang ito'y pulang laso
Na patuloy Kong ikinakabit sa puso mo --
Sa puso **** patuloy na lumalayo..
Patuloy na nanganagmba
Sa kinabukasang hindi mo naman makita.

At sa kurtina ng Liwanag
Kung saan masisilayan ang tronong kumikintab
Ginto at pilak at kung anu-ano pang makikinang ay balewala
Pagkat sa presensya Mo'y tanging lahat
Ay masasabi kong may lunas na.
Ang liwanag ng Iyong pagtitiwala sa akin
Ay nasilayan ko na.

Salamat, salamat Ama.
Salamat Panginoong Hesus
Dahil sa krus tayo'y nagtagpo.
Patungo ako, tumatakbo sa kung saan man --
Sa kung saan mang lupalop na hindi ko maintindihan
Na lahat ng bagay sa mundo'y patuloy na dumadampi sa akin
Patuloy na pinipilit na sila yung makita 'ko.
Na sila 'yung magliwanag sa mga paningin ko.
Ngunit sa pagku-krus ng ating landas,
Ay masasabi kong,
"Masaya ako, guminhawa ang buhay ko,"
Yung pangarap Mo, sana ay pangarap ko na rin..
Yung kagustuhan Mo, sana magustuhan ko rin..
Sa na'y maisunod ko ang mga yapak ko..
Patungo Sa'yo.
Nagsimula akong mag-record ng spoken word poetry after devotion.
Lahat impromptu; lahat random at kung ano lang ang masambit ko. Yun na yun. Salamat, Panginoon!
Agust D Jul 2021
kumusta, kaibigan?
halika't pakinggan
ang istoryang dapat **** malaman
sana ako'y iyong paniwalaan
dahil hindi ito kathang isip lamang

hindi ko alam kung kailan 'to nag-umpisa
ano, bakit, o paanong nangyari, limot ko na
bigla nalang nakaramdam ng lungkot at pagkabalisa
patagong pagtangis sa gabi'y aking iniinda

habang ako'y nakatulala sa tala
tinatanong ang mga bakit kay Bathala
may mga boses na nang-aabala
hindi makita-kita, sino kaya sila?

pagkagising sa umaga'y nariyan na naman sila
kasabay ng aking almusal ay ang prisensiya nila
ngunit meron akong naisip na ideya
sa wakas ay matatahimik na siya

sa paglubog ng araw sa kanyang kanlungan
kasunod nito ang paglaya ko sa bilangguan
ingay na naririnig, nawala na rin nang tuluyan
ngunit kasabay nito ang aking paglisan

kaibigan, sana'y iyong maunawaan
sa pagtatapos ng aking istorya
ako'y tunay na naging maligaya
ang aking buhay gumaan't guminhawa
kasabay nito ang pagtahimik nila

sa pagkupas ng aking larawan
kasabay ng pagpatak ng ulan
aagos ang lagaslas ng dalampasigan
at ako'y tutungo sa paraisong kalangitan

kaibigan, ako'y hindi lumisan sa mundo dahil ginusto ko
kundi para ito sa ikakatahimik ko
Mga Tulang sinulat sa Dilim
John AD Mar 2019
Lungkot ng sistema , Pag-gising sa umaga tulala ang eksena
Nakasanayan na ang pagpatak ng tubig sa mata, Basang-basa na ang tela
Pinipilit ko kasing punasan ang sakit , pagkalumbay , dala ng kalungkutan
Alaala mo na di mawawala,lumipas man ang panahon dala dala ko ito sa libingan

Kahapon lang ngiti mo'y hindi maipaliwanag , yun na pala ang huli nating pagkikita
Di man lang ako nakapagmano at nakahalik sa iyong mga noo , hanggang mawalan na ng hininga
Ang Nais ko pa naman sana maabutan ka ng magiging apo mo sa hinaharap , upang makita mo sila
Pero huwag magaalala , ituturo ko naman lahat ng bagay na natutunan ko sayo lola

Paalam lola , Hindi ko man lang nasulit na ika'y makasama
Wala na tuloy magkwkwento sakin nung ako'y bata pa
Wala ding kasabay kumain kapag ako'y magisa na
Nakakalungkot pero kailangang tanggapin , ang buhay natin ay sakanya

Salamat , Alam kong maaliwalas na ang iyong pakiramdam
Nakatakas ka na kasi sa parisukat na mundo na kasuklam-suklam
Payapa na ang sistema , darating din kami dyan

Ang mga rosas ay nalanta , at may uusbong muli na maganda...
RIP Lola Rose
Sep 24 1955 - March 3 , 2019
M e l l o Aug 2019
pilit na ngiti
ang iginawad ko sayo
sabay sabi ng pangalan mo
nanginginig na mga kamay
nakatago sa likod ko
ang mga daga sa loob ko'y
nagwawala
ganito ang epekto mo sa sistema ko
hindi lang halata
ayaw ko kasing makita mo
kung gaano ako kahina
pagdating sayo
ang mga kalamnan ko
na halos nanamlay
nang makita ang mga ngiti mo
kahit asiwa
marinig ang boses mo
maliban sa telepono
andito ka sa harapan ko
puso ko'y kabado
utak ko na blangko
kung ano sasabihin ko
ang boses kong pagal kasi nerbiyoso
hindi ko alam kong ano gagawin ko
habang naglalakad tayo
tinatanong mo ako
kung kamusta na ba ako?
ang sagot ko sayo ay
ayos lang ako pero
kung alam mo lang
hindi ako sigurado sa sagot ko
matatawa ka at sasabihin **** nagbibiro ako
sana nga biro lang ang lahat ng 'to
sa sobrang seryoso ng nararamdaman ko
natatakot ako para sa sarili ko
nahuhulog ako ng sobra sobra sayo
hindi ko alam
kung kaya kong bumangon
sa kababagsakan kong bangin ng emosyon
na sobrang lalim na para bang pati katinuan ko
kaya nitong higopin pati kaluluwa ko
Ah sobra na
hindi ko man lang naisip kong
pareho ba tayo nang nadarama?
sana naman umamin ka
pipilitin ko na lang itatago ang lahat ng 'to
baka sakali hanggang sa dulo ng buhay ko
maiibabaon ko sa likod
ng pagpapanggap ko
na sinabi kong ayos lang ako
nung kinamusta mo
mga ngiting pilit na nakikita mo
kay tagal kong ininsayo
sa harap ng salamin
habang walang tigil sa pagpatak
ang mga luha ko
I wrote this for my friend. Aug. 12
Louise Sep 2024
Kasabay ng iyong pagpikit
ay ang imbay ng aking katawan,
pag-alon ng mga balikat at pagkibit.
Kasabay ng iyong pagtalikod
ay akma akong aapak at papalakpak,
dahan-dahang papalapit sa entablado.
Kasabay ng iyong pagkukubli ng damdamin
ay ang pag-muwestra ng tadhana sa akin,
pag-gabay tungo sa kung ano ang tuwid.
Kasabay ng pagtago ng nadaramang totoo,
ay ang siya ring paghahanap ko ng sagot
sa wari’y hindi mo masagot na tanong.
At kasabay ng pagsasara nitong kurtina,
ay ang paghinto sa pagpatak ng luha
at ang ating maligayang paglaya.
At kasabay ng pagdidilim nitong entablado
ay ang kaliwanagan na di nahanap sa’yo
at ang aking pagsuko para sa teatro.
At kasabay ng kanilang hikbi at palakpakan
ang pinakahihintay na pag-uwi sa kawalan
at pagsalubong sa sarswela na naman.
Taltoy Sep 2017
Kay raming naalala,
Sa pagpatak ng madaling araw,
Nadarama'y pangungulila,
Sa mga panahong dumalaw.

Karamihan ay nagsasabing,
Ang bawat bagay sa mundo ay hiram,
Kaya ang bawat panahon ay bigyan ng natatanging turing,
Dahil baka ito'y lumipas nang di ka nakapagpaalam.

Gusto ko ulit balikan,
Gusto ko ulit maranasan,
Ngunit di na maaari,
Katotohana'y di na mababali.
Ako'y nangungulila sa mga panahong masaya kahit wala akong maintindihan.
Crissel Famorcan Oct 2017
Madilim ang paligid at umiiyak ang langit
Ibinuhos ko sa tahimik na paghikbi
ang lahat ng kinikimkim na galit
Sa lahat ng humusga at sa aki'y lumait
At sa mga lalong nagpabigat ng bitbit kong pasakit,
Hinayaan kong bumaha ng luha sa munti kong silid
Habang minamasdan ang mga larawan ng nakaraan
Doon sa isang gilid,
Hinayaan kong kumawala
Ang nagpupumiglas na mga luha
Na itinago ko ng panahong napakahaba
Sa loob ng kulungang ako mismo ang gumawa
Kulungang ako mismo ang lumikha.
Tapos na ang panahon ng pagpapanggap
Panahon na upang harapin ko ang reyalidad.


Patila na ang ulan at paubos na ang luha
At sisiguraduhin kong sa pagpatak ng mga huling butil nito lupa,
Ay uusbong ang bagong simula
Uusbong ang bagong "ako"
Sa aking pagtahan ay kasabay ang pagbabago
Sa pagtila ng ulan,muling sisilay ang magandang araw
Na magbibigay ng kulay sa mundo kong kay panglaw
Sa aking pagtahan haharapin ko ang aking kinatatakutan
Sa aking pagtahan haharap akong mas palaban
Sa aking pagtahan muli akong ngingiti
Sa aking pagtahan,kakalagin ko ang tali,
Taling pumipigil sa aking aking paglago
Sa aking pagtahan ay uusbong ang isang bagong "ako"
Sa aking pagtahan,hindi na ako muli pang magpapatalo
Tandaan mo yan: Itaga mo pa sa bato!
Chit Jul 2020
Sabi na eh
Kahit anong gawin natin
O kahit wala tayong gawin
Mauuwi sa ganito ang lahat

Lagi mo silang pipiliin
At lagi mo akong iiwan
Ngunit kung ganunpaman
Nais ko pa ring malaman mo

Matagal ko nang nakita
Ang taong para sakin
Yung nga lang
Hindi sya nakalaan sakin

IKAW YUN.

Ikaw yung una sa lahat
Unang kilig
Unang lambing
Unang kirot saking dibdib

Ikaw yung hinanap ko
Sa piling ng iba
Kaya hindi naging tugma
At nauwi rin sa wala

Ikaw yung hinayaan kong mawala
Dahil alam kong may iba pang magpapaligaya sayo
Dahil alam kong hindi ako magiging sapat

Subalit umasa pa rin ako
Sa mga "gudmornings at gudnights"
Sa mga "musta ka at whats for lunch"
Sa mga "work kn at ingat pag uwi"

Kagaya ng pag-asa
Sa pagpatak ng ulan sa tag-init
Sa init ng araw sa panahon ng ulan
Sa presidente para maging disente

Haaaayyyy
Hindi bale na
Ganun talaga eh
Hirap kalaban ni tadhana

Naiisip ko na ngang humingi ng tulong
Kay Thor ng Avengers
Kay Superman at Batman
Kay Ding at Darna

Pero kagaya nila
Alam ko at alam mo
Na itong merong TAYO
Ay isang pantasya lang.
Pusang Tahimik May 2020
Mabilis na bumabaha ang pagpatak ng bawat sandali
Bagamat bumubuhos ang takot at panghihina sa sugatang katawan
Pilit kong iniangat ang aking kanang kamay
Hawak ang kapirasong tangkay ng kahoy
Itinutok ko iyon sa bagay na nasa aking harapan
Magkahalo at magulo ang emosyong nagtatalo sa aking isip
Hindi ko maunawaan kung ito ay galit, takot, pagsisisi, panghihinayang o pagkasuklam.
Ngunit isa lamang ang nabuong hinahangad ko
Ang dalhin sa aking kamatayan ang bagay na ito!

Ngunit bumasag sa akin ang masakit na realidad
Ako'y mahinang nilalang at walang silbi!
At kahit punuin ko ang mundo ng aking luha
Hindi mababago ang katotohanang iyon!

Napakasakit at nainit na mahapding tumatagos sa aking puso
Ang katotohanang may kasabay na pangungutya at panlalait!
"Hanggang sa huli talunan pa rin ako...
Hanggang sa sarili kong panaginip napakahina ko pa rin"

Kasabay ng pag patak ng sandaling nawawala ang kamalayan
Bumukas ang itim na pintong lumitaw sa kawalan
Isang kabayong itim na may sakay na may dalang karit ang lumabas
Ako'y sinusundo na pala ni kamatayan

Ang liwanag sa aking paningin ay unti-unti nang napapaparam
At ang mga ala-alay bumabalik na tila namamaalam
Ang tanging hinihiling ay sana'y maka balik pa sa mundong ito.
Kung papalaring magising sa aking mundo bago ako pumarito.

Kwentong Panaginip - Umpisa ng Huli(Intro)

JGA
Story. Kwentong katha.
Ekzentrique Feb 2020
Di pipigilan
ang puso
na tumangis

Ang luha
sa pagpatak
nang dahan-dahan

Ilalakad pa rin
ang mga nanginging na paa
kahit masakit

Imumulat ang mga mata
habang lumuluha
at tinitingnan ka papalayo

Bubuksan ang kamay
lalo na't hindi
na hawak ang iyong palad

Hahagkan ang hangin
sa pagbabakasakaling
ika'y babalik

Titingnan ka na lang
sa malayo
at ngingiti

Sa pagkakataong iyon
alam kong ika'y
masaya sa kanyang piling

Hindi na pipilitin
at alam kong
ika'y di para sakin

At lalaging sasabihin
na kung hindi lang din ikaw
ay huwag na lang

Sa muling pagtatagpo
sa huling pagkikita
sa huling hininga
ikaw...
Alam ko namang kasalanan ko ang lahat. Hindi mo deserve ang lalaking katulad ko. Tatanggapin ko na mas magiging masaya ka sa piling ng iba. Pakiusap. Ayaw ko na ulit na masaktan ka.
Anne Maureen B Apr 2018
Tulala, nag-iisip, , kinakabahan
Di malaman kung paano ka ulit pakikitunguhan
Napapangiti tuwing naaalala ang nakaraan
Ang nakaraan na tuwang tuwa sa aking katangahan

Saksi ang langit kung paano tayo naging masaya
Masaya sa piling ng isa't isa
Na kung paano mo ako turuan ng iyong mga aral
Ang mga aral na nagsasabi sakin na maging marangal

Napailing na lang ako kasabay ng pagpatak ng likido
Ang likido na nagpatunay na wala na ang ikaw at ako
Ang gumising sakin na hindi na mababalik ang tayo
Hindi dahil sa ikaw ay malayo kundi dahil ikay nalayo
Taltoy Jan 2018
Isang araw na napakaganda,
Malamig na klima pagmulat ng mga mata,
Pagpatak ng ulan na tila musika,
Mistulang himig na kay tamis sa tenga.

Ano pa ba ang kukumpleto?
Sa umagang matatawag kong "perpekto",
Ano pa ba ang pupuna?
Kung wala namang pagkukulang na nakita.

Isang dilag na may kasuotang itim,
Ang nasagi sa aking paningin,
Kagandahang hindi ko mawari,
Ang sa utak ko nanatili.

Hindi maalis sa aking isipan,
Ang katauhan sa likod ng kasuotan,
Kulay na itim at iyong kagandahan,
Timplang sakto, tapos ang usapan.

Ako'y nagulantang nang nakasalubong ka,
Nabigla sa aking nakita,
Nakalimutan paano magsalita,
Pag-iisip ay di na maitama,

Ang talang matagal ko nang tinitingala,
Ngayon ay kumikinang, di ko na makita,
Talang nais kong maabot,
Pina-igting na damdamin ang naging dulot.
MM Jan 2021
maingay ang mga mata,

anumang hindi kayang banggitin ng labi o ng pagkumpas ng mga kamay,

kayang iparating ng mga mata

ng mga luhang nagingilid, nagbabadya ng pagpatak

ng pagkasingkit at pagkapugto nila na tila magdamag ang hinagpis

ng pamumula na paalala ng sakit na pinipilit mang ikubli ng labi o pagkumpas ng mga kamay

ay hindi maitago ng maingay na mga mata
l May 2016
ngunit mahal,
kahit ilang beses pa na na ako'y iyong
gaguhin, saktan, iwanan,
o kahit pa gawin akong tanga -

sa pagpatak ng gabi,
sa aking pag-iisa,
mga sandaling tayo'y magkasama,
ang lagi kong inaalala.
G A Lopez Dec 2019
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan.
May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan.
May mga katotohanang masakit malaman.
Kaya mananatiling tahimik
Tikom ang bibig

Unti unting naiipon ang poot sa aking puso.
Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok.
Na para bang nabalutan ng tinik
Dahil sa paulit ulit na pananakit.

Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak.
Nakisabay pa ang mga ulap
Kumulog at kumidlat
Mga mata ko'y pagod na muling dumilat

Pamilyar sa akin ang gabing ito
Marahil, nakagawian ko na
Ang umiyak gabi gabi
Magkulong, magmukmok
Hanggang sa abutan ako ng antok.

May mga gabing ayoko ng mag umaga
May mga umaga na gusto ko ng mag gabi
May mga araw na gusto kong umulan
Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
Felice Apr 2019
Aaminin kong may kasalanan ako
Subalit ako ba ay masisisi mo?
Kung s'yang puro pagdududa ang puso
Sa isang gaya **** parang ‘di seryoso

Totoo ba ang pagmamalasakit mo
Dahil sa t'wing pagpatak ng alas otso
'Yong tatanungin kung nakauwi ba 'ko
At kukumustahin din ang s'yang araw ko

Totoo ba ang iyong mga pangako
Na 'kaw ay ang taong maaasahan ko
Sa oras na nahihirapan na ako
At 'di ko na kinakaya pang tumayo

Ngayong sa panahong ika'y kailangan
Bakit abutin ka ay tila kay hirap?
Wala na ang mga pangakong binitaw
At akong nasa ere ay 'yong iniwan

Bakit ba ako laging namamalimos
Kahit iyong lang katiting na atensyon
Masyado yatang nakampante ang puso
Na 'di ko namalayang ika'y naglaho
Wrote this after I ended my connection with someone I used to like. This is the last poem I created about him. I hope that he's already happy right now.
Eugene Aug 2017
Nakatulala ka at nakatingin sa repleksiyon ng iyong sarili sa bintana ng iyong silid.

Luhaan. Parang gripong patuloy sa pag-agos ang iyong mga luha.

Nagwala. Pinagbabasag ang mga bagay na mahawakan mo.

Inihagis mo ang silya sa bintana at nagkalat ang mga bubog sa sahig.

Napaluhod. Hindi inalintana ang bubog na iyong niluhuran.

Kinuha mo ang isang piraso ng bubog sa sahig. Hinawakan mo nang mahigpit. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha mo hanggang sa bigla mo na lamang itinarak iyon sa pinakagitna ng iyong dibdib.

Ibinaon mo pa nang ibinaon hanggang sa magsilabasan ang mga pulang likido mula roon at sa iyong bibig. Hindi ka pa nakuntento ay padapa **** ibinagsak ang sarili sa sahig at tuluyang naibaon ang bubog sa iyong dibdib.

Nang dahil sa pag-ibig, buhay mo ay wala na.

— The End —