Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pia Montalban Aug 2015
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang mga butil ng bigas
Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay
Na bago pa man maitundos sa lupa
May paghahandang dapat na maisagawa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang kailangang palipasin
Ilang mga araw at linggong magdamag
Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo
Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y
Mahabang takipsilim ng pag-aabang
At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig,
Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may panahon ng paghahasa
Ng mga gulok, sundang at karit
May panahon ng paghahawan
May panahon ng paggapas at pag-aani
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may aangkin ng lupang kanila
Batid nilang may panahon ng paniningil
May panahon ng pag-ani ng karapatan
May panahon ng pagkapatas
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay
Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising
Ang oras ng pagtindig
Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
TJLC Oct 2014
Nauubos na siya
Bigyan mo ng oras para mapuno
Maghintay.

Nauubos na
Hindi mapigilang magduda
Maghintay.

Nauubos
Hindi mo na kaya?
Maghintay.

Ubos
Sige lang
Maghintay.

Kawalan.
Ano?
Maghintay
Glen Castillo Jul 2018
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Pag-ibig sa tatlong salita (IKAW,BAYAN at DIYOS)
Paul Diesta Jul 2015
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman
Kahit aking puso'y lubos ng sugatan
Punyal na tumarak dito sa 'king puso
Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo.

Kaysakit isipin kung bakit ganito
Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo
Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa
Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta.

Sabihin man nila ako'y isang tanga
Puso'y di nagsisi ng piliin kita
Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka
Kahit buhay ko pa ang bawiin nila.

Ulan man o bagyo, aking tatahakin
Aking iniirog wag mainip sa'kin
Maghintay ka lamang tanging panalangin
Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
Jey Oct 2015
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga. Isang araw, naisip na naman kita. Isang araw **** ginulo ang isip ko. Isang araw, binalik-balikan ko ang masasakit na alaala mo dahil isang araw, biglang iniwan mo ako.

Iniwan mo ako… at mula noon ilang araw akong wala sa sarili. Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka umalis. At kung bakit hindi ako ang iyong pinili. Ilang araw na akong nagbakasakali na maiisip **** ako na lang. Ilang araw na patuloy na umaasa sa pangakong babalik ka… “Babalik ako, bigyan mo ako ng isang linggo.” Ilang araw pa at naghintay ako, naghintay ako kahit alam ko na kung sino ang pinili mo.

Isang tanong na patuloy na gumugulo sa aking isipan. Isang tanong na hindi masagot nino man. Isang tanong na hindi ko makalimutan. Isang tanong na wala naman talagang kasagutan. Isang tanong, “Mahal, bakit mo ako iniwan?”

Hindi nga lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan. Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan. Puta isang buwan, ganyan, isang buwan nga lang naman. Marahil naging mabilis nga ang mga pangyayari pero ipapaalala ko lang sa’yo ikaw – ikaw ang naunang nagbukas ng pinto. Ikaw ang naunang nagsabi ng “Mahal, bakit di natin subukan?” At sumubok ako. Lumaban tayo.  Ngunit pagkatapos ng lahat ay ano? Wala, wala nga palang tayo.

Alam mo, ito na marahil ang pinaka-tangang nagawa ko sa buhay ko. Sa sobrang ganda at saya kasi parang pwede nang isulat bilang isang nobela, baka nga bumenta pa sa Wattpad eh at ititulo ko “Tinidor” o kaya “Alexa”? Haha.

Pero sa sobrang sakit din parang pang-soap opera. Kaya bakit ganun? Bakit parang ako lang ang nasaktan? Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmahal? Bakit ako lang? Bakit? Ah alam ko na… kasi hindi ako ikaw.

Hindi ako ikaw, ikaw na naging pipi sa pagsigaw na ako ang mahal mo. Ikaw na naging bulag sa pagtingin sa kung sino ang nandito. Ikaw na naging bingi sa mga salita niyang “hindi kita gusto!” Ikaw na pilit umiwas sa maliliit na eskinitang daan papunta sa puso ko. Ikaw na naging duwag sa pagtangkang sumabay sa daloy ng ilog na magdadala sa atin sa bukas.

Hindi ako ikaw. Ikaw na nagdulot lamang ng bagyo sa aking mga mata. Ikaw na nagdala ng lindol at bumulabog sa mundo ko. Nagdala ka lang ng buhawi ng hangin na paikot-ikot lang at kahit sinisira mo ang lahat, nahihigop mo pa rin ako.

Ikaw. Ikaw pa rin ang bumitaw. Ikaw pa rin ang bibitaw. Sa kabila ng lahat ng kasawiang dinala mo sakin. Oo. Ako na yung tangang nagmahal pa rin sa’yo.

Ako na ang mabibingi at sa kalaunan ay magiging pipi, sa pagsigaw na mahal kita. Ako ang magiging bulag sa pagtingin sa iba dahil sa’yo lang mahal, sa’yo lang ako susubaybay. Oo, ako. Ako naman ang magiging bingi sa mga salitang minsan mo na  din sinabi sa akin, “hindi ikaw ang gusto ko!” At ngayon alam kong, hinding-hindi yun magiging ako. Ako ang sisiksik sa maliliit na eskinitang daan sa puso mo. Ako na ang lalangoy at sasabay sa daloy ng ilog maging sa hampas ng alon kahit wala ka na sa bukas na kahahantungan ko. Oo, ako.

Ako na ang nagpakamartir na harapin ang matitindi **** hangin. Ako na ang trainer wheels sa iyong bike. Ako na ang band-aid sa bawat sugat na iniwan ni Alexa, mga halik sa sugat na magpapatigil sa dugo. Ako na ang unan **** sa gabi mo lang nakikita, sinasandalan tuwing pagod, may problema, mahihigpit na yakap tuwing luha’y di tumitigil.  Ako na yung huling stick sa pakete mo ng sigarilyo, inosente’t di ka sasaktan, pero iba pa rin ang pinili mo.

Masyado nang mahaba ito, kaya tutuldukan ko na. Kasabay ng pagtutuldok sa masasaya at mapapait **** ala-ala. Kasi ngayon ako naman ang napagod na maghintay. Ngayon puso ko na naman ang unti-unting namamatay.  Pero hindi ko ito hahayaan kasi mali eh, sabi nga ni Trixie, “nasaktan mo lang ako, pero hindi mo ako napatay.”

Hindi ako ikaw, ikaw na tanga kasi pinakawalan mo ako. Mayabang man kung maririnig nila pero oo gago, ang laki **** tanga dahil iniwan mo ako. ‘Wag kang hangal kung sasabihin **** hindi siya ang pinili mo kundi ang sarili mo dahil alam natin pareho at sa kanya ka pa din babalik. Ito lang ang masasabi ko sa’yo. Minsan subukan **** maging ako.” Para alam mo kung gaano kasakit. ‘Wag kang mabuhay sa parang. Sa parang sa’yo, pero hindi. Parang kayo, pero hindi. Parang mahal ka, tanga hindi.
Uni(berso)
1:05 AM
August 5, 2015

celestialdeity.wordpress.com
JT Dayt Dec 2015
Naghintay
Umasa
Ang isip kinukumbinsi
"Siguradong may darating pa,
Sige, maghintay ka"
Hanggang sa
Ilang oras na ang lumipas
Napagod
At gumive-up
Kaya ayun, naghanap na ng iba
Yung hindi niya gusto
Pero pwede na

Nakarating din naman
Kaso lang napagalitan
Sermon ang inagahan
Paano late na naman

May taxi pero may sakay
May taxi pero ayaw magsakay
Kaya nauwi sa jeep
Di man gusto
Nandyan naman para sa'yo

Di sa lahat ng pagkakataon
ang gusto mo ay available para sa'yo
At di sa lahat ng pagkakataon
dapat maghintay ng todo
Sermon ang almusal.
Nakakapagod ng maghintay,
Ilang linggo na rin ang nakaraan,
Pero lagi kong sinasanay
Ang puso ko sa’yo.
Iniisip na lang ang mga “baka”
Ang  listahan ng bakang...
Na baka may iba ka na
Baka naipagpalit na ako
Baka nagbago ka na
Baka kinalimutan mo na ako,
At higit sa lahat, baka nasanay ka na
nawala ako.
Baka ganito lang talaga ang ating wakas.
Kasi nasanay na ako sa mga ganitong bagay,
Kahit naman tawa at ngiti ang gusto **** iaalay,
Luha ang makikita **** dumadaloy sa aking pisngi,
Na minsa’y natago ko pa sa mga ngiti.
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Kung sa puso mo’y ako’y naging isang multo.
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero palayo lang tayo ng palayo,
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero nasaan na ikaw? Nasaan na ako?
Nasaan na nga ba ang oras ng “tayo”?
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero wala kang ginagawa para tumabi pa ako sa’yo.
Nasaan ba ang hustisya ng aking salitang may halaga?
Na sa oras kung magbigay ka sa akin ay wala?
A ‘yan na, sa sikat ng araw ng Abril,
Nagtatapos na ang buwan, nasaan ka ba?
Eto na naman ang ating mga mata,
Hindi na naman tayo magkikita.
Pinagkakaabalahan natin at hinihintay,
O baka ako lang. Ako lang.
Nawawala na ang mga dating salita na,
“Mahal na mahal kita,
At miss na miss na kita.”
Kasi oo, nasanay ka na,
At iniisip mo na,
Nasanay na rin ako.
Kung minsanang sabihin mo ito,
Nagdududa na rin ako kasi nasanay ka na.
Tunay nga ba na mahal mo ako?
Tayo nga ba? O baka pangalan lang ito.
"Us with benefits"? Bagong parirala ba ito?
Tunay nga ba na ako ang iyong hinahanap?
Na minsa’y wala ka sa aking tabi,
Umiiyak na ako, nagwawala na,
Mas pinili mo pang iligtas ang iba.
Sinasabi mo sa akin na,
“Alagaan mo ang sarili mo lagi ah.”
Pero ano nga ba talaga ang sinasabi mo?
Ikaw pa lang ang nagsabi sa akin na
Mabuhay na wala ka. Masakit, hindi ba?
Pero, hindi na ako  magdedepende lagi sa'yo.
Natutunan ko na ang aking pagkakamali.
Nasaan ka ba noong kailangan kita?
Nasaan ang oras nating dalawa?
Hinahanap kita, mahal kong multo.
Patay na nga ba? Saan ang libingan?
O baka hinahanap-hanap kung saan-saan,
Kasi alam ko buhay pa ito. Naniniwala ako.
Minsa’y umiyak sa mga gabi,
Hanggang sa hindi na. Hindi na.
Hindi ko nang ginusto na makita,
Ang mga litrato mo sa akin..
Kasi namimiss lang talaga kita.
‘di ko mabitawan ang aking nadarama,
Kasi malulunod ako sa isipan at luha,
Kahit ano pa mangyari, hindi kita bibitawan.
Hindi bibitawan ng basta-basta.
Heto na naman, minumulto ako.
Nasaan ka? Naririnig ko ang aking puso.
Kung wala ka lagi sa aking tabi.
Multo lamang ang kasama ko,
Ang multo mo sa aking puso.
(informal Tagalog poem)
011717

(Para sa lahat ng mga tumatakbo, mga napilayan at napaltusan. Para sa mga gusto nang huminto pero may humihila sayo pabalik na hindi mabuo-buo ang loob **** lumisan kasi pagod ka na rin sa katatakbo. Oo, ayos lang maging totoo't amining pagod ka na. Natakot kang humarap sa mundo pagkat napuno ka ng sari't saring mga isyu sa buhay mo, kaya akala mo walang saysay ang bawat salaysay. Akala mo, wala nang nais makinig sa bawat kwento **** tila paulit-ulit na lang. Akala mo, tuldok na at wala nang kasunod pa. Wala kang matakbuhan at lagi ka na lang tumatakas. Oo, nasanay ka na at akala mo ayos lang at tama yun. Nagtatago ka sa dilim at ayaw **** lumantad, natakot kang makita yung totoong ikaw kasi ayaw **** mahusgahan o makaani ng masasakit na salita. Natakot kang magtiwala ulit pero pag lumantad ka, doon ka lang pala makalalaya. Saksi ang lahat ng nilikha sayong pag-amin na hindi mo kayang mag-isa, na ayaw mo nang mamuhay nang may paglihim. Na gusto mo nang magbago at patuloy na lumaban -- lumaban nang patas at ayaw mo nang talikuran ang nakaraan. Na gusto mo nang harapin ang mga hindi matapus-tapos na mga isyu sa buhay mo -- mga isyung tila mga sundalong kalansay buhat sa nakaraang kailangan mo nang sugpuin. Oo, kaya mo. Oo, kaya Niya sa buhay mo. Buhay ka pa, humihinga ka pa. Kaya mo yan!)

Ayokong palipasin ang sandali nang pagpikit -- habang nakasandal ka sa kalangitan. Habang iniisip **** hindi mo Ako kayang abutin. Iniisip mo sigurong kinaligtaan Kita, na hindi na Kita tinitingnan pagkat mas pinili **** magtago sa dilim. Akala mo siguro'y hindi ko alam kung nasaan ka -- kung saan at paano mo isinantabi ang sarili mo kaya't hindi Ko maibuhos ang pagpapala Ko sayo. Oo, kasi umiiwas ka, umiilag ka at nilalayuan mo Ako.

Hindi Ako nakikipaglaro ng Tagu-taguan sayo kung saan ay ihahatak mo ang iyong sarili palayo sa Akin at itatatak sa puso't isipang hindi ka na pupuwedeng lumantad hangga't wala pa ang liwanag. Naghihintay lang Ako, naghihintay Ako kung saan mo Ako pinasandal at sa bawat melodiya't pag-indak ng mga ulap na wari mo'y nagtatago rin Ako, noon pa ma'y inilantad Ko na ang Aking sarili sayo. Hinihintay Kitang magpasakop sa Ilaw Ko, nang magkusa kang magpataya sa Akin gamit ang Aking mga yakap.

Pagkat hindi mo na kailangan pang magtago -- hindi mo na kailangang maghintay nang napakatagal para lamang masabi **** nahilom ka na. Ang paglantad mo ay siyang pagsuko mo at bagamat ito'y pagsuko, makinig ka: naging matapang ka na. Hindi mo na kailangang yumukong tangan-tangan ang hiya pagkat sa iyong pagpapakumbaba'y itataas Kita gamit ang aking Ngalan at titingala ka na. Matititigan Mo na rin Ako, makikilala mo na rin Ako.

Iba't iba man ang anyo Ko'y Ako pa rin ito. May ipinapaabot lamang Ako sayo nang mas maging malapit tayo sa isa't isa. Igagawad Ko sayo ang aking lakas kasabay nang pagbitaw Ko ng mga Salita. At kahit gabi na'y mag-iilaw at mag-aapoy ka pa rin pagkat ikaw na ang magiging taya. Ikaw na ang maghahanap sa mga nawawala't magbubukas ng pintuan para sa mga nagtatago't nagpabaon na sa dilim.

Wag **** tulugan ang dilim pagkat parating na ang Umaga kung kailan at kung saa'y mas magiging lantad na ang lahat. Babangon Ako hindi bilang Buwan na may pakislap na liwanag ngunit bilang Haring Araw at susugpuin ang dilim. Wala nang makapagtatago pa pagkat magiging hayag na ang lahat.

Kaya Anak, wag kang matakot at ngayon pa lang ay ihayag mo ang iyong sarili sa Aking liwanag -- sa Aking liwanag na papandong sayo at uutos sa dilim nang tuluyan mo nang masilayan ang iyong sarili -- ang iyong sariling may pagpupunyagi. Maghanda ka, malapit na ang pagdating Ko. Maghanda ka, magkakasama na rin Tayo.
untoldstory Mar 2017
Pangako.
Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali
Sa mga susunod na tinginan,
Ngiti,
Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok,
Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan,
Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita.

Maghihintay ako

Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya,
Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay.
Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit.

Nagsisimula palang ang paglalakbay,
Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo,
Pagsuko,takot?
Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot.

Mangangako ako sayo pero mangako karin saken

Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit.

Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian.

Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken.

Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw.

Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin.

Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod,
Sa ikatakda na ikay maging handa,
Maghihintay ako,pangako.
Kara Subido Nov 2015
Dis oras na ng gabi ngunit ikaw pa din
Ang bukod tanging laman ng aking isipan
Patawad na kung puro siya na lang lagi ang alam
Ng aking mga kwento.
Hindi ko kasi mapigilan mag buhos ng aking hinaing
Dahil alam mo hanggang ngayon kasi tandang-tanda ko pa din
Ang araw at oras kung kailan mo ako iniwan.

Anong gagawin ko sa mga salitang iniwan mo
Isa nga lang ba akong pangalan sa buhay mo?
Ano ba ang naging parte ko sa'yo?
Iba’t ibang tanong ang bumabagabag sa akin
Pero kung alam ko lang na sa ganito tayo hahantong;
Matagal ko nang pinatay ang natitirang posibilidad
Sa akin isipan na may mundo para lang sa ating dalawa.

Alam mo ba gabi gabi kong binabalikan ang
Matatamis nating alaala pero pilit ko din
Pinapaalala sa aking sarili na
‘’Itigil mo na ‘to’’
''Tama na 'to''
Gumising kana sa totoong estado ng buhay mo.
Maawa ka naman sa sarili mo.
Ikaw ang naging punot dulot nang gabi gabi kong
Pag-pupuyat hindi mo ma-itatanong pero walang araw
Na lumipas na hindi ako nagiging tambay sa'yong mga
Social media accounts.
Nagmamasid sa bawat post at update mo at tinatanong
Sa aking sarili ''Bakit nga ba ang manhid mo?''

Dahil hanggang ngayon
May kumakatok pa din sa puso ko umaasa na
Pwede pa.
Pwede pang ipiglaban.
Kahit matagal man ang abutin natin.
Ako'y handang maghintay.
Kahit mag muka na tayong gurang.
Okay lang.
Handa akong tiisin.

Pero alam mo ba nakakapagod din palang
Makipaglaro sa taong ayaw magpaawat
Handa na akong sumuko kahit noon pa naman
Alam kong malabo na maging tayo;
Malabo mapasa-akin ang puso mo.

Ayoko ng makipagsiksikan sa Evacuation Center
Pilit ka magbubuwis ng buhay mo para sa taong ‘yon
Panahon na para lisanin ang delubyo na ito
Hindi na ako dapat mag tagal baka
Pati ang aking sarili ay iwanan din ako.
Angela Mercado Oct 2015
Bakit 'di pa tanungin
ang aking ngala't numero
at 'di lang ang petsa't
anong sinabi ng ****?

Bakit 'di pa alamin
ang pintig ng puso kong
inip na inip
nang maghintay sa iyo?

Bakit hanggang tingin?
Bakit hanggang ngiti?
Aking pag-ibig,
sinta, batid
mo na ba rin?

Bakit umiiwas;
bakit natatahimik -
bakit sa tuwina'y
lagi kang walang imik?

Para kay seatmate
na 'di ako pansin.
'Di mabatid,
'di mabalingan ng tingin.

'Di mo ba alam na sa bawat
wanfort na ihinihingi
*ay naitatangay nang utay-utay
ang aking puso't damdamin?
more over callherangela.tumblr.com
One Sided Beat Feb 2016
Dumating na ang araw na aking kinatatakutan
Yung araw na di na tayo nagpapansinan
Hindi ko man to dapat nararamdaman
Pero sa sobrang pagmamahal di ko na to kaya pang pigilan

Alam ko naman na ako'y isang hamak lang na kaibigan
At hinding hindi mapapasayo kailanman
Alam mo ba kung bakit hindi ako nagbabago?
Kasi mahal kita. Oo, mahal kita. gago

Minura kita kasi kailanman di mo naman ako kayang mahalin
Minura kita kasi ang tanga mo para di ako pansinin
Ngayon ako itong nagpapakatanga kapapantasya sayo
Oo gago rin ako para maghintay sa pagmamahal mo
Sa mga taong one sided dyan, eto ang tulang bagay sa inyo. Kung di ka nya kayang mahalin, magmurahan na lang kayo! Pero matuwa ka, MU na kayo. Kayong dalawa kasi ay parehas na gago.
derek Jan 2016
Hindi ko alam kung mababasa mo ito.
Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko.
Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa
Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa?

Kagagaling ko lang sa isang bagyo
Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako.
Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli
nang makita ko ang matamis **** mga ngiti.

Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin
Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin.
Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita
Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa?

Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko
Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito
Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay
Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay?

Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan
Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan.
Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata.
Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala.

Sinulatan kita, makailang ulit
Para alam mo na ako yung nangungulit.
Kaso hindi ko alam kung bakit
Ni isang sagot, wala kang binalik.

Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal
Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman.
Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado
pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo.

Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko
Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo!

"Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo
"hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko
"Pagkat may iniibig na itong aking puso
"Pasensya ka na, patawarin mo na ako".

Matagal akong natulala sa aking nabasa
Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga.
Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko
"salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo".

Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito,
walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko.
Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako
Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo.

Hindi ko gugustuhing agawin ka.
Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba.
Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko
kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
032317

Saan ka na?
Mahal mo pa ba ko?
Ano bang nangyari?
Galit ka ba?
May nagawa ba ako?
Nagbago ba?
Wala na ba?

Sa dami kong tanong,
Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan.
Ang agang nawala yung sabi nating
Sana'y pangmatagalan.

Paalam, pero biglaan
Hindi ko naman inasahan
Na sa ikaapat na pagkakataon
Bibitaw ka, mauuna ka na naman.

Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali
Akala ko kakayanin ko pang maghintay
Sa bawat oras na walang pagkukunwari.
Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi?
Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli?

Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa
Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa?
Tinanong kita, kung may iba na ba?
Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba?
Bakit nga ba nawala ka?
Iniwan mo na ba talaga ako?

Naghintay ako ng paliwanag mo
Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako?
Isa lang naman yung hinihintay kong sagot,
Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot?

Tumatakbo na lang akong mag-isa;
wala ka na kahit sa anino man lang.
Hindi ka na nagparamdam pa,
Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang.

Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako
Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako
Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko.
Parang lahat nagbago na,
Pati ako, tila limot mo na.

Iniisip ko kung paano yung mga plano natin,
Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin.
Makakasama pa ba kita ulit?
Parte pa ba ko ng buhay mo?
O nasabi mo na lang na "tama na."

Pasensya, kasi hindi ko ata kaya
Ilang beses ka na kasing nawala
Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan
Bumangon naman ako pero lagi **** binabalikan.

Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo
Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo?
Gusto ko nang umuwi at makita ka
Pero wala ka na eh,
Wala na pati yung pagmamahal mo.

Babalik ka ba? May hinihintay ba ako?
Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko.
Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan
Na sana manatili ka naman
Na sana kahit ngayon lang naman.

Pero wala, naubos na ako
Wala na akong laban at talo na ako.
Oo, hindi ko tanggap lahat
Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat
Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya
Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga
Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo
Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako.

Nakakapagod na kasing iyakan ka
Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa.
Na ikaw na yung pinapangarap ko,
Pero hindi pa rin pala kita maabot.

Hindi naman kita pinakawalan,
Pero ba't mo ko binitawan?
Sana sinabi mo agad
Sana pinaliwanag mo
Kasi di ko maintindihan
Di kita maintindihan.

Pero kung may ibang sana akong hiling:
Kung aalis ka man uli,
Sana'y magpaalam ka man lang
*Sana sabihin mo, *para bumitaw na rin ako.
Hanzou Jul 2019
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa
Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa
Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito
Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko

Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa
Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa
Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga
Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka

Kung ano man ang nais na hilingin
Handa akong ito'y tanggapin
Kahit na magpakatanga sa lahat,
Ng pagkakatao'y aking gagawin

Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita
Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa
Handa naman akong maghintay sa isang tabi
Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini

Ikaw ang tanging lakas
Sandalang walang wagas
Para bang ako'y tinamaan ni kupido
Ang puso ko ay lagi ng ganado

Isipin man na ako ay nambobola
Isipin man lahat ng 'to sa umpisa
Isipin man na agad mabalewala
Isipin man na maloko sa salita

Hindi ko gagawin ang panloloko
Na ginawa sayo't pang-uuto
Mananatili lang akong nakagabay sayo
Handang pasanin pati lahat ng problema mo

Laging nakatitig sa maganda **** mga mata
Lahat ng pagod ay agad na nawawala
May mga bagay na madalas kuntento na
Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa

Patawad kung madalas ako'y madikit sayo
Patawad kung masyado akong makulit sayo
Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko
Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako

Salamat kahit wala kang ginagawa,
Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na
Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin
Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain

Nagdadalawang isip ka pa ba?
Seryoso ako, mahal na mahal kita
Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka
Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
Yule Mar 2017
noong una kitang nasilayan
inaamin kong hindi ikaw ang nais kong kamtan
ngunit habang tumatagal,
puso ko’t loob, sayo’y natuluyan

hindi ko rin alam kung bakit
dahil ba sa boses **** nakakahumaling?
o sa mga matatamis **** mga ngiti?
mistulang nawawala ang iyong mga mata
sa tuwing ito’y iyong gawin
di ko alam, pero simpleng titig mo lamang
ka’y laki na ng epekto nito sa akin
hanggang sa palagi na kitang hinahanap-hanap
aba’t ginayuma mo nga ba ako?

ngunit, kung ano't saya ang nadarama
ganoon din ang kapalit nito kapag nandyan ka
sa mga panahon na wala ka sa tabi
pasakit at dalilubho ang naranas
bakit ba hindi ko kayang sayo ay mawalay?
ngunit kailangan kong magtimpi at alamin
kung hanggang saan lang dapat ang hangarin

ngunit aking nagunita,
ikaw talaga ang natatangi sa puso, at tuwina
ngunit kung gusto ko ring makaalpas sa sakit
kailangan ika’y kalimutan
sa gayon ay baka matagpuan ang kalinaw

pero ang alaala ng kahapon ay sadyang bumalik
kahit saan man magpunta, ika’y naka-aligid
kung alam mo lang ang aking tinahak
pagod, at hirap – naranas upang sayo’y makalapit

ngunit ano ba pa ang magagawa?
sa una pa lang, nagmahal ng isang tala
at kung bigyan man ng pagkakataon
mas pipiliing sarili ay ibaon
lahat ng nararamdaman
na hindi mo rin kayang ipaglaban

dahil hindi mo rin naman ako mahal,
mas mahal mo ang iyong pangarap
at hindi ako yun, ito'y tanggap

sakim man sa kanilang paningin
ikaw lang naman ang gusto ko
ngunit, bakit? bakit…
ipinagkait pa sa akin ng mundo?
pero ito ang nagpapatunay
na kahit gaano pa ako kailangan na maghintay
para sayo'y hindi ako nararapat
dahil tunay nga ba ang aking intensyon?
o ginagawa lamang kitang desisyon?
tingnan mo nga, miski ako may pagdududa

kahit man ito’y pag-ibig natin ay isusugal
kahit gaano ko pa ipagsamo sa Maykapal
wala rin naman itong mahahantungan
hindi rin naman ako ang iyong kailangan

kaya't ito'y hahayaang dalhin ng langit,
kung saan mang lupalop ito'y dalhin
pinaubaya sa Maykapal,
antayin na lang maglaho
ito ang aking huling habilin,
bago kitang tuluyang iwan

pero ito'y mananatiling nakaukit
sa puso't isipan,
dahil kaya nga ba kitang kalimutan?

ito’y magsisilbing alaala
ng minsan nating pagsasama,
kahit sa panaginip lamang

ang ipagtagpo ang isang ikaw at ako,
ang mabuo ang salitang 'tayo' –
napaka-imposible…
napaka-imposible.

eng trans:
when I first saw you
I admit you're not the one I yearn for
but as time passes by
my heart, and mind – fell for you

I don't really know why
is it because of your alluring voice?
or because of your sweet smiles?
it's as if your eyes disappear
whenever you do this
I don't know but in your simple stares
it has a big impact on me
until I'm always looking for you
oh my, did you put a spell on me?

but in what happiness I felt
that's what I also feel whenever you're there
in times that you're not beside me
pain and dreading was experienced
why can't I stand being apart from you?
but I have to resist and know
to where I should stand in line

yet I've realized
you're the one that's always in my heart
but if I want to get rid of this pain
I have to forget you
by then I might find peace

but the memories of yesterday kept coming back
everywhere I go, you're there
if only you knew what I've been through
exhaustion, and rigor – I have to face to get close to you

but what can I do?
from the start, I've loved a star
and if given a chance
I'd rather choose to bury myself,
all these feelings
that you're not even willing to fight for

because you don't even love me,
you love your dream more
and it's not me, I've accepted it

it may be selfish in their eyes
you're the only one I want
yet, why? why...
did the world denied + you from me?
but this just proves
that no matter how long I have to wait
I'm not the one for you
because is my intention real?
or am I just making you a decision?
see? even I have doubts

even if I gamble this love of ours
even if I plea from the Creator
this will just go nowhere ++
I am not the one you need

that's why I'll just let the sky take this
wherever in the heavens this will be held
let the Creator take charge
I'll just wait for it to fade
this is my last will
before I will leave you

but this will remain etched
in my mind, and heart
because can I truly forget you?

this will serve as a memory,
of our once encounter
even if it's just in a dream

for you and me to meet,
to form the word 'us' –
it's so impossible,
**it's impossible
+ finding a translation I wanted for this was hard
++ even this //brainfart

suntok sa buwan (from ph; fil.)
lit.trans: hitting the moon; punching the moon
actual meaning: impossible

this was my entry for our "spoken poetry",
though none can relate...

pasensya na, mahal...
unti-unti, ako'y bibitaw na. | 170303

{nj.b}
Louise Jul 2016
(A tagalog poem)



Tyaka na lang kita papansinin,
kapag kaya na kitang bigyan ng isang
matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi
nangangamoy usok ng sigarilyo.
Tyaka na lang kita kikilalanin,
kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip.
Tyaka na lang kita tatawagan,
kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog
bago pa magpalitan ang araw at buwan.
Tyaka na lang kita iisipin,
kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo
at hindi ang maaari kong gawin sa sarili
oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto.
Tyaka na lang kita papakatitigan,
kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula.
Tyaka na lang kita kakausapin,
sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig,
sa oras na kasiyahan na ang nasa isip
at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid".
Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay,
kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso,
kapag ang isip at kalooban ko'y
muli nang nagkasundo.
Tyaka na lang kita hahalikan,
kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi.
Tyaka na lang kita yayakapin,
tyaka ko na lang hahayaan ang sariling
maranasan na iyong mahagkan,
kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras.
Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan?

At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako.
Patawarin mo ang kototohanan na
binubuo ako
ng kalungkutan at kaguluhan.
Patawarin **** kung minsan
kapag bumuhos ang luha
ko'y mas malakas pa sa ulan.
Isang araw, aawit ako
ng awit ng pananalig at katiyakan.
Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan.
Ngunit sa ngayon,
dasal ko'y patawarin mo muna ako.

Giliw, tyaka na lang kita iibigin...
kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
President Snow Dec 2016
Masama ba ang maging martyr?
Masama ba ang umasa sa wala?

Masama ba ang maghintay sa walang kasuguraduhan?
Masama bang sabihing nasasaktan pa rin ako?

Masama ba ang hilingin na sana ako ang kayakap mo?
Masama ba ang hilingin na sana ako ang nasa panaginip mo?

Masama ba ang hilingin na sana ako ang nasa likod ng pagtawa mo?
Masama ba ang hilingin na sana ako nalang siya?

Masama ba ang masaktan habang ikaw ay masaya?
Masama ba ang mahalin ka kahit may mahal ka ng iba?

Masama ba ang sabihing mahal pa rin kita kahit sorang sakit na?

Masama ba ang tawag doon?

*Kung ganun, sobrang sama ko pala.
Sobrang sama ko pala
Isabelle Apr 2017
pagod na ako
kakalakad palayo sa iyo
kakatakbo pabalik sa iyo
pagod na ako
maghintay ng kahit ano
maghintay ng anino mo
pagod na ako
sa mga paghingi mo ng tawad
at sa aking pagpapatawad
pagod na ako
pagod na ako sa iyo
pagod na ako sa sarili ko
Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko ngayon :(
Nakakapagod na kasi.
Ayoko ng kausapin ang sarili ko,
Nakakapagod ng kumapit sa sariling pangako.

Pagod na ako kahihintay sa pag-asa,
Kung sa dilim ng paligid ako'y nag-iisa.

Ayoko ng kumapit,
Kung sa akin ay walang kahit isang ninanais lumapit.

Pagod na akong maghintay,
Kaya gusto ko na lang mamatay.

Nakakapagod tunguhin ang liwanag,
Kung walang kahit isang nais na pakinggan ang aking paliwanag.

Nakakapagod ng magtago na parang aso,
Takbo nang takbo kahit walang atraso.

Ayoko ng bumuo,
Kung alam kong ang lahat ng ito'y guguho.

Nakakapagod ng magpursigi,
Kung ang mali ay ako na lang palagi.

Ayoko ng maghintay,
Ayoko ng maghintay.
Ayoko ng kumapit sa buhay.

Nakakapagod na. Ayaw ko na.
Lord, para kang driver ng shuttle. Sa bawat pagpara ng mga tauhan, humihinto ka. Ang bawat isa’y may tangang istorya at pawang may mga kakambal na destinasyon.

Sa dilim, tanging ang ilaw mo ang nagbibigay pag-asa sa mga tambay at naghihintay na pagkatao. Hindi mahalaga sayo kung matagal na silang nag-aabang o kararating lang nila sa tagpuan.

Hindi naman lingid sa aming kaalaman na diretso lamang ang daan; alam naming dumaraan Ka talaga sa amin at minsan ayaw lang talaga naming pumara. Kung malayo kami’t nasa eskinita pa; kami ang nararapat na maglakad patungo sayo at maghintay. Minsan nga lang mahuhuli kami sa oras, pero babalik ka naman para sa amin.

Hindi ka napapagod pagbuksan ng pinto ang bawat pasahero; kahit may lakas naman ang bawat isa. Isasara mo ang naturang pinto nang kami’y maging ligtas.

Matulog man ang isa sa amin, ang byahe’y isang hele. Minsan talaga malubak lalo sa tigang na kapatagan. Sa bawat alikabok at aspaltong sinsayaran; nananatili ka sa iyong pagmamaneho.

Minsan, mabilis ang takbo; minsan mabagal. Tulad ng bawat panalangin; minsan agapan **** sinusolusyunan; minsan naman, tinuturuan mo ang bawat puso kung ano ba talaga ang "paghihintay." Pero alam namin -- mabilis man o mabagal ang takbo; hawak Mo ang oras at tanging kaligtasan at kabutihan lamang ang alay Mo sa amin.

Sa pangunguna mo, salamat po pagkat may iisang direksyon ang biyahe. Alam namin ang patutunguhan buhat sa karatulang nasa salamin. Pag sinabi naming “Dito na lang,” muli kang humihinto at muli kaming pinagbubuksan para lumisan. Hindi ito paalam; bagkus, bukas ay sasakay muli at tayo’y magkikita sa lagi nating tagpuan.

“Alam mo kung nasaan ako; hihintayin Kita. Lord, salamat sa kaligtasan.”
Keithlyne Aug 2019
Hindi ako naghintay
nang pagkahaba-habang panahon
upang sa huli ay wala akong ibang gawin
kundi ang maghintay muli

hindi ako narito
upang tumambay lang nang sandali
dahil sa una pa lang ay
balak ko nang manatili

hindi ako umibig upang maging masaya

kung ang pagmamahal sayo ay
pagsaksak sa aking sarili,
walang bahala kong itututok
ang kutsilyo nang dali-dali

ganoon kita mamahalin

Sana'y sigurado kang mananatili
ang 'yong paghawak
pang matagalan.
Sana, Jade.
Jowlough May 2016
Dumaan saglit sa bilihan ng damit
Kahit sakto ang dala ay aking pinilit
Pagkat pawis ay malala dahil mainit
Sa pagkikitang ito lahat ay sulit.

Sa harap ng salamin maiging sinipat
Kung okay ang buhok at marapat
Konting talsik ng pabango sa kwelyo
Hindi muna ko maninigarilyo.

Upang ako'y perpekto sa pagdating
Lahat ay maayos sa iyong paningin,
hinahanap hanap ang 'yong awitin
Ng boses **** maliit ako'y bitin.

Nagmamadali at baka mahuli
Ayokong maghintay ka aking binibini
Kahit hasel sa lahat basta dumating
Sinira ang ipon para may pang sine.

Kamusta ka na? Kumain ka na ba?
Unti unting pinaplano ang sasabihin.
Sa paglalakad ako'y napapaisip
Ano ang uunahin, saan papupuntahin

Sa di kalayuan aking nakita
Maamo at maaliwalas **** mukha
Sabay nagising sa katotohanan
Sa noo ko ay biglang pinawisan.

Nang biglang nauntog sa totoo
Na ito ay panaginip lamang
Hawak ang lakas ng loob
Napalunok at parang..

Nabilaukan sa pagkakita
Sa kamay **** may humawak
Sa di bandang kalayuan
Pumatak ang luha ng uwak

At sabay bati ng kamusta
Habang hagkan ka at yapos
Ako ay kinakain ng sistema
Ng matinding pagseselos

At binalewala ang pagpapakilala
Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan
Sigaw ng puso'y nagaklas
Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
Ube Jam Dec 2016
Mahal, kaya ko pa
Kaya ko namang maghintay
kahit sa huling sagot mo pa'y
Ayaw mo na
Mahal, kaya ko pa
Ilang beses nang dumaan
Yung mga pagkakataong bitawan ka
Pero mahal, ayoko
Iba ka sakanila
Kung dati'y nahahayaan ko pa
Mahal, pasensya
Kung ikaw kasi ang pinaguusapan
talagang di ko kaya
ilang beses mo nang pinilit na lumayo ako sayo
ngunit di gagalaw tong mga paa ko
Kasi mahal,
Alam ko namang ayaw mo rin
Pinipilit mo lang naman sa sarili mo
na masyado pang maaga
na mali
kaya mo ko inilalayo sayo
Kaya magpapakatanga ako
Pwede bang hayaan mo ko?
Ikaw kasi yung unang pinaglaban ko
Di pa ba sapat na hayaan mo ko?
Sige, mahal
Ayos lang
Ipilit mo sa sarili mo
Ilayo mo ko,
Paghintayin ako
Mahal, kaya ko pa
Wag mo lang naman sanang ipilit na
ginagago kita
At kung naghihintay ka lang na sabihin kong
Di kita mahal
Pasensya,
Ako na mismong nanloko sa sarili ko
Kung ginawa ko man yon
Mahal,  ipilit mo nang lahat
Wag lang sa puntong umabot sa totoo kog nararamdaman,
Kasi mahal,
Tangina,
Mahal talaga kita
Kailanma'y hindi ako nagsawa
Hindi ako magsasawa
Na titigan ang masaya **** mga mata
Tingnan ang labi **** tumatawa
Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga
At tanawin ang nakabibighani **** mukha
Hindi ako magsasawa

Ilang araw man ang dumaan
Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan
Tila nga nalulusaw na ang kisame
Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi
Malaanan ka lamang ng oras
Kahit man lang sa isipan ko
At ang pananatili ng iyong mga bakas
Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko
Dahil kung merong pagkasugat
Kasunod agad nito ang peklat
Na mananatiling sa aki'y nakatira
At hindi na ito mabubura

Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa
Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon
Ang iyong mga di pagtugon

Kabisado ko na ang iyong mga galaw
Kagaya nang kung paano ko laging naaalala
Ang iyong pagtanaw
Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti
Kabisado ko ang iyong mga "hindi"
Kabisado ko na kung saan kita makikita
Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga
Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso
Tuwing nakikita ko ang sapatos mo
Itim at pula
Ang kulay kung saan lagi kitang naalala
Rinig ko na ang malakas na pagtibok
At agad akong nagtatago sa sulok

Hindi ako magsasawa
Magpapatuloy ako
At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo
Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo
Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko

Oo, masakit
Nasasaktan ako
Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako

Lumipas ang mga buwan
Sa aking puso ka pa rin nanininirahan
Sa dami ng unos na aking naranasan
Nahihirapan akong tumahan

Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako
Hindi ko alam kung paano nangyari ito
Biglaan nalang
Kagaya ng paglaho mo
Pagod na ako
Pagod na akong intindihin ang aking nadarama
Pagod na akong umasa
Pagod na akong maghintay sa wala
Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari
Mga bagay na hindi ko mawari
Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako
Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo
Pero nagkamali na naman ako
Dahil nakalimutan ko
Na hinding hindi pwedeng maging "tayo"
Dahil iba ang gusto mo
At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo
Dahil hindi tayo talo
Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit
Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit
Pagod na akong kumapit
Pagod na ako sa sakit

Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula
Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita
Pero bago matapos ang tulang ito...

Pakinggan mo ako
Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit
Pakinggan mo ang liriko ng aking awit
Pakinggan mo ang tono ng aking tula
Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata
Dahil maaaring ito na ang magiging huli
Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi
Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit
Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait
Dahil, sobra nang pait
Ayaw ko nang damhin
Ang mga sugat na dinulot nito
Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko
Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo
Ako lang pala ang kumakapit
Kaya tatapusin ko na
Ako'y bibitiw na
Nang sa gayo'y maging malaya ka na
Ileana Bendo Dec 2016
“Hindi kita iiwan, pangako yan”
Ito ang mga huling salitang binitawan
Binabalik-balikan ng aking isipan
Hindi na alam kung alin ang imahinasyon sa totoo
Pero ito pala ang totoo
Nagmahal ako ng todo at nadurog ako
Nadurog na tila isang salaming
Tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili **** gwapo ka
Matapos nito ay babalewalain

Maniwala ka sa’kin nagsimula kami sa magandang istorya
Isa akong prinsesang noon ay napaniwala ng tadhana
Nahulog sa matatamis niyang ngiti
Nahulog sa malalambing niyang mensahe
Nahulog sa kaniyang malamig na tinig
Nahulog ng walang sumasalo
Nadurog sa pagbitaw mo

At dahil na-ikwento ko na rin naman ang mga ito
Lubos kong ikasasaya kung mauunawaan mo ako
Sana maintindihan **** mahirap ang makalimot
Sana maintindihan **** sariwa pa ang sugat
Sana maintindihan **** hindi mabilis ang paghilom
Lalo na kung sa puso ang tama nito
Sana maintindihan **** ayoko nang mahulog
Dahil basag na basag na ako
Sana maintindihan **** hindi ko pa kayang
Muling magmahal

Sa takot na muling masaktan
Sa takot na hindi masklian ang labis kong pagmamahal
Sa takot na muling ipagpali sa iba
Sa takot na maiwan mag-isa
Naiintindihan ko namang handa kang maghintay
Na sa akin ka nakabatay
Pero tigilan na natin ‘to
Tigilan na natin ang kalokohang ito
Dahil hindi ko na kayang magpanggap
Na kaya ko na
hindi ko na kayang magpanggap
Na wala akong nararamdaman
Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako
Ang sakit sakit pa din
Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-asang yan
Dahil minsan na akong nilamon ng sistemang yan
Minsan na din akong tumambay
Sa lugar na tinatawag nilang ere
Ngayon pa lang sasabihin ko nang
Wala kang pag-asa

Siguro dahil hindi pa talaga ito ang panahon
At hindi ikaw ang inilaan ng panginoon
Siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo
Dahil kahi anong pili mo
Hindi nauutusan itong puso ko
for those who tried to flirt but--
Sitan Sep 2019
bem
akoy isang lalaking hindi madasalin
hiniling sa diyos na ikay mapasakin
handa sa ano mang ating tahakin
pangako na ang lahat ay ating kakayanin

tulang puno ng pagmamahal nililikha
nagmula sa puso lahat ng mga salita
ngunit kaakibat ng salita ang gawa
kahit ano mangyari hindi magsasawa

handang magbago ang tulad kong tarantado
patunayan lang na hindi isang gago
sadyang mamahalin ka ng buong buo
mula nang ikay mahalin handang magbago

isang binibining kumbagay mala-sining
minimithing mapapunta sa aking piling
mapaano ibibigay lahat ng hiling
pangarap ikay katabi sa bawat gising

sa bawat kwento mo na puno ng pighati
gagawin ang lahat para ikay ngumiti
mga kwentuhan na umaabot ng gabi
ang pag-ibig sayo ay lalong tumitindi

marapatin na bigyan ng pagkakataon
pag-ibig sayo aabot habang panahon
akoy nagbago at handa ng patunayan
ikaw ang mahal mula noon hanggang ngayon

marami man kontra sa ating pagsasama
handa ng patunayan na ito ang tama
ang kasiyahan ay laging ipapadama
papalitan ng saya lahat ng drama

siguradong sayo ay hindi nagkamali
ikaw talaga ang minahal at pinili
mga oras na kasama ka di mapakali
akoy handang mag-antay sayo basta palli

tutuparin ang pangakong di ka sasaktan
ano man ang mangyari di kita iiwan
siguradong ikaw lang ang paglalaanan
ng tunay na pagmamahal magpakailanman

ibibigay lahat ng iyong pangangailangan
mapa gamit o prutas maliban sa pakwan
susuportahan ka kahit anong larangan
ipaparamdam tunay na pagmamahalan

pinakaminahal marahil ay ikaw
kagandahan tilay mga perlas na hikaw
pagmasdan at marahil ikay masisilaw
iyong kausapin paniguradong siya'y
sabaw

marahil ito na ang aking huling saknong
handang maghintay sa sagot mo sa aking tanong
paumanhin sa tula kong usad pagong
paninidigan ko lahat hanggang sa kabaong
Marge Redelicia Jan 2014
Hindi ba umaabot sa langit
Ang mga panalangin
Na binubulong ko sa hangin?
Masyado ba Kayong
Malayo
Para makita
Ang mukha kong
Nalulunod sa luha?

Habang Kayo ay
Walang imik, walang kibo
Ako ay napupuno
Ng mga problemang walang solusyon
Ng mga tanong na walang sagot.

Pero sa aking pagsapit
Sa kailaliman, kadiliman
Doon ko lang natanto
Ang dahilan kung bakit
Ako'y tila inyong
Tinaguan, tinalikuran

Dahil sa inyong
Nakakabinging katahimikan
Ako ay nagising
Sa aking napakahabang idlip
Kung saan nilamon ako
Ng aking mga
Makasariling panaginip.
Namulat ang mga
Nagbubulag-bulagang kong
Mga mata sa
Katotohanan, kalayaan
Na nasa harapan
Ko lang pala.

Doon ko rin lang naalala
Na mahal Niyo pala ako
At walang ibang tunay na ligaya
Kundi mahalin din Kita
At tsaka,
Natuto na akong
Maghintay ng may
Karunungan at
Umindak sa sayawan
Sa kabila ng Inyong
**Nakakabinging katahimikan.
It feels great to be back after a long writing hiatus.
Anton Jun 2020
-Binibining_Enilra

nakatulala sa kawalan
malayang naglalakbay ang isipan
luha ay nagsisimula nang mag unahan
di alam kung dapat na bang punasan

bakit akoy lubusang nasasaktan?
di alam kung  ang hahantungan
tanging ikaw lang ang laman
kahit damdamin ko'y nahihirapan

Mahal,patawad ng ika'y aking nilisan
lubos ko itong pinagsisihan
di kona inisip kung ikaw ba'y masasaktan
basta't ang alam ko lang ito ang tanging paraan

simula ng umalis ka't di na nagparamdam
lubos akong nag nakakaramdam ng agam-agam
kung bakit hindi mo man lang nakuhang magpaalam

nahihirapan nakong unawain ka
lalo na yung mga panahong sayo'y balewala na
kinukulit kita ; sinusuyo
bakit tila mas lalo kang lumalayo

araw araw akong naghihintay iyong mensahe
na baka mabigyan moko ng oras na walang bayad at libre
kase alam ko hindi sayo pwede
subalit di na bale

Mahal naman kita,kaya
kaya kung magtiis para sating dalawa
kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal
lahat ay kaya kung isugal

dahil mahal kita!

ngunit isang araw nagising ang aking diwa
nagising na may luha na saaking mga mata
naisip na baka wala na talaga
walang nang pag-asang muling magbalik ka
kung paano tayo nagsimula tulad  nung umpisa

kaya mahal , patawad!
ako na yung unang sumuko
dahil hindi kona alam kung kakayanin ko pang labanan
ang tukso
di ko na alam kung may puwang paba ako dyan sa puso mo

ngunit ng dahil sa pinaggagawa ko
mas lalo lang palang naagaw ang aking trono
mas lalo ko lang palang sinasaktan ang sarili ko
umiiyak;lumuluha
labis akong nagdurusa

dahil kasalanan konaman
kung bakit pako nag desisyon ng hindi ka kasama
labis akong nagsisi kung bakit
iniwan kita

pasensya!
pasensya kung makapal ang aking mukha
nakuha ko pang humiling
na bumalik ka sa aking piling
na baka sakaling muli kitang mahagkan
kahit sa panaginip lamang

sana'y muli **** pakinggan ang aking panalangin
bumalik ka sana sakin
at muli akong tanggapin
dahil diko na alam ang gagawin
hindi ko na alam kung paano kakayanin
kung tuluyan na nga natin itong tatapusin.

mahal patawad kung ako'y naging makasarili
inisip na baka hindi talaga tayo sa huli
patawad kung lagi akong wala sa iyong tabi
patawad kung di kona kinayang manatili

sana'y palagi **** tatandaan na mahal kita..
kahit wala na tayong dalawa

#ManunulatPH
#Repost
Blank Canvas Feb 2016
Nakakapagod pala talaga
Nakakapagod umasa sa wala,
Maghintay nang walang kasiguraduhan,
Masaktan nang paulit-ulit
At paulit-ulit rin naman siyang walang pakealam

Nakakapagod pala talagang
Balikan 'yung nakaraan,
'Yung masasayang sandali na hiniling **** wag na sanang matapos,
'Yung mga araw na siya 'yung kasama mo noong namomorblema ka,
Na kahit masakit at ayaw **** maalala, nandiyan pa rin

Nakakapagod pala talagang
Saktan ang sarili
Baka kasi kapag ginawa mo 'yun, makausad ka
Kahit konti, kahit sandali, kahit papaano,
Kahit imposible

Nakakapagod
Pagod na ako
Tama na
Sobra na
Awat na
emeraldine087 Nov 2015
Masakit ang magmahal,
ang maghintay ng matagal,
para sa pag-ibig na pinapangarap,
laman ng panaginip at sigaw ng hinagap.
Maalat ang bawat patak ng luha;
mahapdi ang pag-agos sa aking mukha.
Bawat araw at gabi'y nag-aabang
na may pag-ibig mo'ng sambitin ang aking pangalan.
Ako'y isang bihag ng bulag na pag-asa.
Ang ibigin ka'y 'di ko naman sinasadya.
Ngunit ang sakit at ang kalunasan
ng aking paghihirap ay sa'yo lamang matatagpuan.

Oo, masakit ang magmahal, mapait ang umibig
sa isang tao'ng hindi kayang ibalik
ang aking pagsinta. Ngunit sa aking pagluha,
naninimdim, nadudurog at nag-iisa,
paulit-ulit pa rin na pipiliin na mahalin ka.
m i m a y Sep 2017
Isa, isa lang, isa lang naman ang gusto kong makasama.
Dito sa mundong pinaghalong lungkot at ligaya.
Yun ay IKAW.

Dalawa,  dalawang salita lang ang maibibigay ko.
Maibibigay kong rason para malaman mo.
Kung bakit ikaw,  ikaw ang gusto ko.
Dalawang salita na binubuo ng siyam na letra, MAHAL KITA

Tatlo,  tatlong salita lang naman ang ninanais ko.
Salitang nais kong marinig mula sa bibig mo.
Salitang habang sinasambit mo ay naguumapaw ka sa tuwa.
Salitang MAHAL DIN KITA

Ngunit apat,  apat na masasakit na salita.
Na tila ba'y pagtibok ng puso ko'y tumigil bigla.
Kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Nalaman ko,  nalaman ko lang naman na MAY MAHAL KANG IBA.

Lima,  limang salita ang paulit-ulit kong hinihiling.
Magmula ng malaman kong may iba ka ng kapiling.
Sana,  SANA IKAW AT AKO NALANG.

Anim,  anim na salitang patanong ang nasa isip ko.
Tanong na gumugulo sa puso't isipan ko.
Tanong na gustong malaman ang kasagutan nito.
ANONG BANG MERON SIYANG WALA AKO.

Pito,  pitong salita ang nais kong ipaalam sayo.
Pitong salita na sana'y magpabago ng isip mo.
Pitong salita na handa kong gawin para sayo.
MAHAL KITA AT HANDA AKONG MAGHINTAY SAYO.

Walo,  walong salita na pilit kong pinanghahawakan.
Walong salita na inaasahan kong matutupad,  hindi man kinabukasan.
DARATING ANG PANAHON NA MAMAHALIN MO RIN AKO.

Siyam,  siyam na salita na alam kong totoo.
Siyam na salita na binitawan ng kaibigan ko.
Siyam na salita sa na dumudurog sa puso ko tuwing naririnig ko ito.
WAG KA NG UMASA, MAY MAHAL NA SIYANG IBA.  

Hanggang sa sampu, sampung salita na nanggaling mismo sa bibig mo.
Salitang  nagmulat sakin sa katotohanang hindi talaga magiging tayo.
Salitang nagpagising sa natutulog na puso ko.
Salitang ITIGIL MO NA, HINDI MAGIGING IKAW ANG TAONG MAHAL KO.
Not good at making titles talaga. XD
inggo Dec 2015
Sa pila umasa ka na makakasakay ka na sa darating na jeep.
Pero sakto ikaw ung nasa likod ng taong huling makakasakay.
Ang saya mo pa kasi kala mo kasama ka.
Parang yung oras na akala mo kayo na para sa isa't isa.
Pero di ka na pala kasama sa jeep ng mga pangarap niya.
Naiwan ka.
Kailangan **** maghintay ng panibagong jeep.
Sa bagong jeep na yon ay mauuna kang sumakay.
Eksayted ka at masayang masaya dahil sa wakas makakauwi ka na.
Parang yung oras na gumising ka ng wala na sya pero magaan na ang lahat.
Bagong jeep ng pangarap na hindi na siya nakasakay.
Pauwi doon sa bahay na malapit ng mabuo muli.
Shan Coralde Dec 2015
Ako
Hindi ito isang tunay na kwento, hindi ito galing sa iba, ngunit sa akin lamang, isa itong imahinasyon na naisip ko, isang sitwasyon na inasam ko, isang mundo na magkasama tayo, ngunit kahit anong gawin ko, sa huli ay napaghiwalay tayo, wala akong maisip na pagtatapos na kung saan masaya tayong nagsasama, kung kahit ang simula nating dalawa ay hindi manlamang nag-umpisa.

Ako ay isa sa mga bilyong bilyong binatang umiibig, naghahanap, nag aasam, at nangagarap sa isang maliit na chansang sa akin ay may magmahal. Matagal man itong darating ako'y handang maghintay, basta't sa aking pag antay ika'y darating. Ayoko umasa, ayoko masaktan, ayokong umiyak, humagulgol na parang tanga sa loob ng kwarto ko. pero susugal ako kahit gusto kong sumaya, ngumiti, tumawa, at nais kang makasama. dahil nangako ka sa akin na tayo'y magsasama, maaring hindi ito mangyari dahil hindi tayo tinadhana, pero pipiliin ko ang masaktan bukas basta makakasama kita ngayon, siguro sa mata ninyo tatanga ako, pero kahit sino mang matalino, sa oras na inalay ng pag-ibig ang kamay niya, tayo ay isang mangmang na hindi na natuto sa paulit-ulit na naranasan natin at ng iba.

Kung kaya't makikiusap ako, sa diyos na may kapal, sa mundong umaastang kupal, na sa pag alis mo ika'y huwag nang tumalikod, upang sa buhay natin ang sakit ay ating malimot, kung kaya't nakikiusap ako, sa susunod na may dumating, ako'y iyong ibigin at ika'y aking mamahalin, Huwag mo akong iwan at ika'y aking sasamahan. Kung ito ay magagawa mo pangako ko sa'yo, lahat ito ay gagawin ko.
Second tagalog poem yo
President Snow Feb 2017
Tatawa,
Iiyak,
Tatawa,
Iiyak.

Nakakabaliw ang oras na 'to.
Yung oras na naaalala kita.
Nakakabaliw palang maging gan'to
Yung umaasa na balang araw babalik ka.

Nakakabaliw maghintay.
Yung ayaw pumikit ng mga mata.
Nakakabaliw na isipin ka, nakakalumbay.
Yung bumabalik na alala noong sinabi kong 'mahal kita'

Nakakabaliw umiyak.
Yung gusto mo na tumahan ngunit di magawa.
Nakakabaliw na ang puso ko'y iyong biniyak.
Yung utak ko'y may sira na ata.

Tatawa,
Iiyak.

Mababaliw nalang sayo paulit ulit.
I made this last week. I can't sleep tho. Heart breaks *****.
leeannejjang Oct 2019
Mahal, ikaw ba ay handa ng tanggapin ang aking pagsinta?

Mahal, maaari na ba natin hawakan ang kamay ng isa't isa?

Mahal, bakit tila may alinlangan sa iyong mga mata?

Ito ba ay dulot ng nakaraan hindi mo mabitawan?

Mahal, ikaw ang aking panalangin sa may Kapal.
Makasama ka sa bawat pagsikat at paglubog ng mga araw.
Sabay natin bibilangin ang mga tala at hihiling sa mga bulalakaw sa langit.

Mahal, ako ba ay hindi sapat sa para buuin ang puso **** sugatan?

Mahal, maari bang ang puso mo'y sa akin na lamang?

Mahal, handa ako maghintay na sana isang araw maging ako ang sagot sa iyong dasal.
jia Apr 2017
Ang sakit pala,
Na binabalewala mo lahat ng alaala.
Na hindi mo na ko kilala,
Ang sakit pala.

Ang sakit pala,
Na maiwang walang wala.
Na makuhanan rin ng pera,
Ang sakit pala.

Ang sakit pala,
Na maging estranghero ako sayo bigla.
Na maghintay ng walang napapala,
Ang sakit pala.

Ang sakit pala,
Na makita kang may kasamang iba
Na alagang alaga mo siya,
Ang sakit pala.

Ang sakit pala,
Na magmukhang tanga.
Na maloko habang nagmamahal ka,
Ang sakit pala.

Ang sakit pala,
Ng lahat ng dinarama.
Na dahil sayo kaya sinusulat ang tula,
Ang sakit pala.
Para sa'yo, gago.
040120

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan nga
Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo,
Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo,
Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo,
Mga pangakong ilaw mo sa dilim
Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin
Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap
Na sinusundan mo ng tingin.
Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay
Ay napapawi nito ang sakit
Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak
Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan —
Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian
At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman.
At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan
Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta
Hindi Basta-bastang buhay lamang
At nagtatago sa dilim.
Hindi ko hinayang madala ka ng dilim
Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim
At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig.
Huminga ka na may gayak,
Huminga ka nang May pag-asa.

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo
Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo
Ibuga mo ang iyong mga kamalian
Ibuga mo ang iyong mga kasalanan —
Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo
Pabalik sa kadiliman
Mga kasalanang minsan mo nang iniwan
Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan,
Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman
Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,”
Ngunit nariyan ka pa rin,
Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik
Tama na, tama na Anak.

Hinga, buga
Hinga buga,
Naghihingalo ka na
At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na
Naghihikahos ka na —
Ngunit wag **** isiping napapagod ako
Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan
Ay napapagod na rin akong gamutin ka.
Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka,
Na sa tuwing sinasabi ko sayong
Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo
Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi ****,
“Ama, narito na ako.”

Hinga, buga,
Hinga, buga
Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino
Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili
Ngunit buo ang aking pagpatawad
At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas
Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak
Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo
At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan
Naririnig ko na
Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing
Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita
Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig
Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba
Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam ****
Sanang alam ****
Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo,
Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang.
Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na
Nakauwi ka na sayong tahanan.

Hinga, buga,
Hinga, buga
Tayo na anak,
Sa akin ka na mamahinga.
Poti Mercado Oct 2015
Sa unang limang segundo, berde.
Sabi mo mahal mo. Sige, andar.
Sa susunod na dalawang segundo, dilaw.
Magmabagal ka muna.
Pagisipan mo kung tutuloy ka pa.
Sa huling segundo, pula.
Tigil na.
Wala na.
Maghintay ka nalang.
Magiging berde rin ulit yan.
Wag ka na mag-beating-the-red-light.
Pagbabayarin ka pa ng pulis at sasabihin sa'yong, "Nakita mo namang dilaw na yung ilaw, 'di ba? Ba't tumuloy ka pa?"
At ikaw naman 'tong nagbubulag bulagang sasabihing, "Akala ko po aabot pa ako."
Akala mo lang.
Akala mo kakayanin mo pa siyang habulin pero hindi na pala.
Akala mo maaabutan mo pa siya pero nakalayo na siya.
Akala mo.
Akala mo lang.
Pero mali ang iyong akala.
Sana.
Sana pala huminto ka na.
Sana pala hindi mo na hinabol.
Sana pala noong una palang, inalam mo na.
Sana inalam mo na, na di ka na niya mahal.
Kaya nung naging berde na yung ilaw, umandar na siya.
Pero nung umapak ka na sa gas upang habulin siya,
naging dilaw na yung ilaw.
Sana doon palang, tumigil ka na.
Sana doon palang, nagdahan-dahan ka na.
Pula na 'yung ilaw.
Tigil na.
'Wag mo nang pilitin pang habulin siya.
Pero ito ang sinasabi ko sa'yo,
Sa pagkakataong ito'y maging berde na muli,
Wag **** hintaying maging pula ulit ito.
Ang mga busina ng kotse sa iyong likod ang nagsasabi sayo, "Umandar ka na. Berde na ang ilaw. Ano pa ba ang ginagawa mo?"
Umapak ka sa gas, hindi para sa kanya.
Pero para sa sarili mo.

— The End —