Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
President Snow Mar 2017
Noong araw na sinabi mo saakin ang salitang “Gusto kita”, nayanig ako.
Hindi ko alam pero nayanig ng sobrang tindi ang pagkatao ko. Hindi ko alam ang isasagot kasi nga diba natulala ako. Pakiramdam ko, lumutang ako sa langit. Yung tipong ayoko na umalis. Araw araw mo saakin pinaparamdam ang mga salitang binitawan mo. Gusto kita. Araw araw **** pinaparamdam ang kasiyahan saakin.

Pero, bakit? bakit bigla ka nalang naglaho? Ewan ko ba kung may nagawa ako, pero feeling ko naman wala. Sinanay mo ako sa salitang “Gusto kita” pero bakit bigla ka nalang nawala? Hanggang isang araw, bumalik ka. Hindi ko alam pero bigla ko nalang ulit naramdaman ang pagyanig nang sa wakas, sinabi mo ulit.
Naisip ko na panahon na siguro para umamin kaya sinabi ko ang mga salitang “mahal kita”. Sinabi mo ulit ang mga salitang “Gusto kita” pero hindi lang pala yun ang gusto mo sabihin. Sa ating pag uusap biglang umulan ng sobrang lakas. Aalis na sana ako ngunit bigla mo akong hinigit at sin among “Kakausapin muna kita”. Ngumiti ako dahil alam kong ang sasabihin nya lang naman saakin ay ang mga salitang “Gusto kita” pero mali. Sa pagbuhos ng ulan naramdaman ko ang lamig.


Naramdaman ko ang lamig ngunit mas naramdaman ko ang muling pagyanig. Akala ko sasabihin nya ang salitang “gusto kita” o kaya sa wakas ay masasabi nya na ang “mahal din kita” pero hindi. Niyanig mo ako muli. Niyanig mo ako sa ilalim ng ulan dahil sa anim na salita na sinabi mo.

“Ginusto lang kita pero hindi kita minahal”.
XIII Jun 2015
Ehem ehem!
Mic test, mic test
Ayan gumagana ang mikropono
Siguro naman makikinig kayo sa sasabihin ko

'Di ako nandito para makipagtalo
Kung sino mas gwapo, ako o si Piolo
'Di ako naghahanap ng gulo
'Di naman kasi ako palalo

'Di ako nandito para makipag-away
Nais ko lamang mag-aksaya ng laway
Pati na rin bumuhay ng patay
Na sa bawat isa sa atin ay nakaratay

Kasi sinabi nila na naiburol na ang mga salita
Nailibing na kasama ng mga tekstong sa eskwelahan ay ginawa
Hindi na nga daw naaayon ngayon
Sa tinutuntungan nating henerasyon

Pero, saglit, teka!
Pakinggan mo, ang ganda diba?
Kung paano magtugma ang mga salita
Kung paano magtugma ang mga letra

Kasi sabi nila ang korni tumula
Na namatay na lahat ng bayani, kasama ang mga makakata
Na hindi na uso 'to, hindi na tayo bata
Na nauuto ng mga **** na gumawa ng talata

Pero ano ba ang fliptop, ano ba ang rap?
Hindi ba nagmula din ito sa parehong ugat?
Walang kwenta ang melodiya kung walang liriko
Hindi masasabing awitin, kung walang mensahe ito

Kaya ito ang subukan mo
Isulat mo sa papel ang nararamdaman mo
Ang sarap sa pakiramdam na mailabas ang mga ito
At bumuo ng isang kwento

Gamit ang mga salitang akala mo'y walang kwenta
Magiging himig ang bawat pagtutugma
Ang iyong kwento ay magiging tula
Na mananatili kahit ikaw ay wala na
Jor Jun 2016
I.
Patawad at salamat sa tula;
Kasi ikaw lang ang natatakbuhan ko,
Kapag mabigat ang damdamin ko.
Kapag pakiramdam ko; iniwan na ako ng mundo.

II.
Patawad at salamat sa tula;
Kasi ikaw ang kumalinga sa akin,
Sa tuwing ako’y lumuluha,
At sa tuwing ako’y may naisip iparating.

III.
Patawad at salamat sa mga salita;
Kung ika’y nagiging panakip-butas.
Sa tuwing ako’y tahimik sa sulok,
Ngunit may gustong ibulaslas.

IV.
Patawad at salamat sa’yo;
Kung hindi dahil sa iyo,
Baka tuluyan ko nang di maipahayag--
Ang aking sarili gamit ang tula sa mundo.
Kasabay ng aking pagpikit
Ang pagsilip ko sa panaginip sa aking isipan.
Namumukod tangi ang Iyong kagandahan
At Ikaw ang nag-iisang kumikinang sa aking paningin.

Napapasilip ako
Sa likod ng lahat ng napakagandang palamuti,
Pagkat nariyan pala ang tunay na may-akda ng lahat.
Pagkat sa kabila ng naghihiyawang palakpakan,
Sa kabila ng mga ngiting bumabandera sa aking harapan --
Ang dahilan ng aking kalakasan.

Pagdilat ko'y tila bukang-liwayway na,
Hindi kumupas ang Iyong kagandahan.
Muli kong kinapa ang aking bulsa,
At muling naghagilap ng anumang umiingay sa aking kalupi.
Dahan-dahan kong pinakiramdaman
Ang magaspang na katauhang gawa sa pilak.
At buhat sa pagkakamulat,
Ay dahan-dahan akong pumikit
Na tila ba sumasabay sa unang pagpatak ng ulan.

Nangungusap sa aking konsensya
Ang tinig **** matagal ko nang hanap-hanap.
At sa naudlot na istorya sa entablado'y
Nagpatuloy ang aking paghahanap.
Hinahanap ko kung saan nagmumula
Ang tinig **** humihele sa akin
At nagbibigay galak sa puso kong
Uhaw sa malasakit at pag-ibig na tunay.

Nasaksihan ko ang paglisan ng bawat katauhang
Kailan lamang ay nasa akin ang pagtingin,
Ngunit ang lahat pala sa kanila'y
Syang palamuti at hindi tunay na kabahagi
Ng aking istorya.

Patuloy silang nalusaw
Gaya ng krayolang nilalaro ko sa apoy
Noong ako'y paslit pa lamang.
Na ang akala kong bubuhay sa pinipinta kong larawan
Ay hindi pala sapat sa magandang imaheng
Aking nasasaklawan sa aking imahinasyon.

Kusa silang naglaho na tila ako'y tinakbuhan lamang
At marahan akong napaluhod buhat sa aking kinatatayuan.
Gusto kong magsalita, gusto kong may masambit..
Gusto ko silang pigilan sa paglisan
Pagkat hindi ko ninais na mapag-isa
At patuloy na mangulila sa pagmamahal.

Kung pwede lang na sa gitna ng katahimikang ito'y
Kaya kong marinig ang sarili kong boses.
Kung pwede lang sa gitna ng aking paghihintay at pagsusumamo'y
Wag muna silang kumilos at aking mahanap
Ang tinig na akala kong susundo sa akin
Buhat sa paglimot ko sa aking sarili..

Namukod-tangi ang boses na aking hinahanap,
Naririnig ko na ang Kanyang mga yapak
Na tila ba patungo at palapit na sa akin.
Ngunit hindi ako makagalaw buhat sa pagkakayuko.
Ni hindi ko na masilayan pa kung sino ba ang paparating.
At dahan-dahan pa rin ang pagpadyak
Ng Kanyang sandalyas patungo sa akin.

At habang Siya'y lumalakad,
Ay dahan-dahan ding nagbago ang senaryo
Na aking kinalalagyan.
Narinig ko ang napakalakas na pagpaubaya ng alon,
Ang tunog ng kampanang magaan sa aking pakiramdam,
At ang mga humiheleng tila mga anghel
Na naging mitsa ng pagtatayo ng aking balahibo.

"Nasaan na nga ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
At muli kong narinig ang mga nagpupuring anghel
Na tila ba walang katapusan ang kanilang galak
At ako'y nadadala kung saan.

Hindi ko pa rin mabuksan ang aking mga mata
At wala akong masilayan maliban sa dilim
Na pilit kong nilalabanan at alisan.
Hinahanap ko pa rin ang tinig Nya
At nais kong tanggapin ang bawat salita mula sa Kanyang bibig.

Maya-maya pa'y narinig ko
Ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking, "Anak."
Habang ang aking kamay ay hawak-hawak pa rin
Ang pilak na muli ko sanang itatapon sa balon..

"Anak, halika na.. sabi ng doktor, may donor ka na raw.."
Sambit ng aking ina habang ako'y akap-akap
Sa kanyang mga maiinit na mga bisig.
Kusang tumulo ang aking mga luha
At sya nama'y humagulgol sa saya.

Walang salita ang sinambit naming dalawa,
Ngunit ang kanyang yakap ay humigpit.
At naramdaman ko ang kanyang mga luhang
Dumadampi sa aking balikat at sa aking damit.

At sa mga oras na iyo'y
Ang kanyang yakap ay higit pa sa lahat ng yakap sa mundo
Ang luha nya'y tila ba binabalot ng isang hiwagang
Nagpapakalma sa aking paghihirap.
Ang gaan ng aking pakiramdam,
Ang saya ng aking kalooban.

At doon ko natagpuan ang aking hinahanap,
At sa aking muling pagmulat
Kung saan may liwanag nang maaaninag,
Alam ko kung kanino na ako muling lalapit pa..
Alam ko, hindi ko man nasilayan ang lahat
Ngunit ang pakiramdam na iyo'y
Habambuhay kong nanaisin
At pasasalamatan.
Jandel Uy Mar 2017
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim,
   Ikaw na nakakapit sa patalim:

Di ba nasusugat ang porselanang palad
    Na kasing lambot ng puwit ng sanggol?

Sa matalim na kutsilyong kinakapitan
      Ano mang oras hahatulan ng lipunan?

At sa higpit ng piring mo sa mata,
     Pasasaan pa't mabubulag ka na

Ikaw na babaeng gumigiling-giling,
   Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi

Ang sugatan **** puso'y walang gamot
    Ngunit ang kandungan mo'y sagot

Sa mga problema ng mga lalakeng–
      Naghahanap ng panandaliang saya.

Ikaw ba, babaeng hubad,
   Naranasan mo na ba ang lumigaya?

Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo?
     Balita ko'y di ka na niya kilala.

Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya
   Na pinagkakasiya ang padala **** barya?

Naalala mo ba ang bilin sa 'yo
     Ni Karla na siyang una **** bugaw?

"Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo
      Ang sasabihin ng Inay mo.

Sasampalin ka niya, di ng palad niya,
     Kun'di sakit na dama ng isang Ina.

At iyon ang pinakamasakit
    Sa lahat ng puwedeng sumakit."

Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili
   Kung saan ka nagkamali?

Kung ilang liko ang ginawa
     Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba

Na pinamamahayan ng mga paniking
     Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos

Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili,
     Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang

Ang buhay nila sa dilim,
    Pasasaan pa't nasanay na rin.

Ikaw na isang mabahong lihim
   Ng mga mister na may misis na bungangera

Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag
     Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing.

Ikaw na pantasiya ng karamihan,
   Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan

Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli,
      Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo,

O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas
      Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ******?

Saan ka na ba nakapuwesto ngayon?
    Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora?

Ilan na ba ang napuntahan mo?
  Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog?

Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque?
      Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo

Kahit na alam ninyo ng Diyos
    Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno.

Ikaw na babaeng walang pangalan,
   Ano ba ang itatawag ko sa 'yo?

Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid
  O sa mga artistang iniidolo mo?

Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne
    Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui

Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe
    Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina

Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot
   Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo?

Ikaw na babaeng marumi,
  Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta?

Wala ka nang kawala sa dilim,
     Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga
        at  magpapasalamat sa biyaya.

Ikaw na babaeng bukod tangi,
   Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo.

Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi
    Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
Bryant Arinos Aug 2017
Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan,
tinutukan ng baril, tinakot bago pinatakbo.
Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit sa gatilyo.

Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay
isang pamilya ang ninakawan ng kaaway.
Anong motibo mo sa pagpatay?
Anong gusto mo bakit ka pumapatay?

Nasa posisyon ka pero bakit mali ang paggamit mo sa kapangyarihan mo?
Ikaw ang naaangat pero bakit ikaw pa tong namiminsala sa bansa mo?
Nasa mas mataas kang upuan at kalagayan pero bakit tingala ka pa rin ng tingala?
Halatadong di mo pinapansin, ay mali, halatadong wala kang pake sa mga taong nahihirapan sa baba.

Tapos ka na ba sa ginagawa mo?
Ilang pamilya na ba ang nabawasan mo ng bilang?
Ilang sanggol na ba ang hindi naisilang ng tama dahil sayo?
At ilang pangarap na ba nagnawala kasama ng nangangarap nito?

Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa bansa ng pilipinas?
Matagal na tayong nahihintay ng kapayapaan pero kasabay rin nito ang paghawak ng baril sa kanang kamay.
Pakiramdam ko ang kalayaang mamili ay nawala na sa kamay nating lahat
Dahil mismong kagustuhang mabuhay di natin makuha.

Wag nang hintayin na bumaliktad pa ang bandila ng Pilipinas

Bangon Kabataan
Gising Kababayan
itigil na ang patayan
****-usap subukan naman nating magmahalan.
Wretched Jul 2015
Madasalin akong tao.
Pagmulat pa lang ng aking mga mata
sa aking unang hinga,
sa pagbuka ng aking mga bibig,
ngalan Niya na ang unang lumalabas,
ngalan Niya na ang aking binibigkas.
Sa bawat umagang gumising ako
na wala ka sa'king tabi,
mas lumalakas ang aking mga dasal.
Umaalingawngaw sa apat na sulok
ng aking silid ang iyong mga alaala.
Yung tipong aabutin ng ilang
dekada bago aking
malimutan ang tinig ng iyong
mahihinhing mga salita.
Ako'y madasaling tao.
Sa ilang beses ko ng
Isinigaw sa langit ang iyong mga
ginawa para mapamahal ka sakin
bakit tila aking pakiramdam
hindi Niya ako naririnig?
Sa ilang beses kong hiniling
na makasama ka,
sa bawat araw na nasa isipan kita,
kulang pa ang mga senyales
na ibinibigay Niya.
Nakakatawa nga lang dahil
hindi ko naman tinanong kung
Pwede pa bang
ika'y mapa sakin
Pero bakit sumasagot
na Siya agad
Na parang hindi maaari?
Pero itinutuloy ko pa rin
ang aking pagdadasal
at baka sakaling mapag bigyan.
Hanggang sa umabot ako
sa lugar na
sa aking pakiramdam
hindi naman sapat ang
pagbulong ng dasal.
Na hindi na sapat na
iiyak ko na lang
lahat sa mga paa ng imahe Niya.
Na dapat siguro
hindi lang saming dalawa ng Diyos
ang aking mga hinihiling.
Aking gagawing dasal
Ang iyong pangalan
hanggang sa mabingi ako
sa bulong ng bawat santo.
Hanggang sa masunog ang dila ko
Sa *Amen
ng bawat pari ng simbahan.
Hanggang sa malunod ako
sa mga dugong luha
na iniyak ng birhen.
Kailangan ko lang
na iparamdaman Nila
na ako'y naririnig.
Kahit ang aking mga pinaka
tahimik na sigaw para sa pangalan Niya.
Isisigaw ko ang bawat rason
kung bakit labis na
Minahal kita.
Ngunit ako'y nagbabakasali lamang,
alam kong hindi lang ako
ang Kanyang anak
pero sana
kahit isang beses lamang
sa milyong daan kong pagsabi
ng pangalan mo sa Kanya,
kahit isa lamang sa
kung sino man ang nasa itaas;
nagbabakasakali lang akong umabot
sa langit ang aking mga dalangin.
Hanggang sa mahalin mo ako
magiging madasalin akong tao.
Ang sarap sa pakiramdam
Na pag wala ako sa iyong harap ako'y iyong hinahanap hanap,
Na isa ako sa iyong pangarap,
Na lagi akong nasa iyong puso at isip,
Na sa gabi gabi ako ay nasa iyong panaginip.

Pero lahat ng yan ay biro lang.
Ito'y mga kathang isip ko lang.
Ako ay isang taong sa ilusyon at mga imahinasyon nabubuhay.
Posibleng mangyari itong mga bagay na to sa tunay kong buhay
Pero ayoko pa dahil masyado pa akong bata at kailangan ko at kailangan pa ako ng may ari ng aming bahay.
Mas gugustuhin ko pa silang mahalin kesa sa mga ilusyon at imahinasyon na tulad binabanggit ko kanina
Na hindi pa dapat muna.
Sila…
Ang aking mga magulang.
k e i Jul 2020
“minahal mo ba talaga ako?”

pakawala ko sa buntong-hiningang tanong. higit isang taon ding namalagi sa isipan ko.

“minahal mo man lang ba ako?”

pag-ulet kong tanong nang manatili siyang tahimik. iniangat ko ang mga mata ko para tignan siya. isang taon na mula ng huli naming pagkikita. iba na ang gupit ng buhok niya ngayon. mas nagmukha siyang seryoso dahil don.

ilang minuto pa ang lumipas bago siya sumagot. nanatili ang tingin niya sa labas.

“minahal kita. higit pa sa alam mo. marahil, higit pa sa naparamdam ko.”

“pero bakit ganon? ikaw yung huli kong inisip na manghuhusga, pero sayo pala mismo manggagaling.”

“ikaw yung higit na pinagkakatiwalaan ko sa lahat, pero ikaw rin yung bumali” matipid siyang ngumiti. ramdam ko yung pait. walang emosyon sa kaniyang mga mata.

napailing ako. eto nanaman. mga salitang pinakawalan namin nungg gabing natapos kami-ang kaibahan lang, sa personal ngayon at hindi sa tinig lang.

“mali ka. hindi mo ko minahal. hindi ako, kundi yung bersyon ko sa isip mo. hindi ako, kundi yung ako na nabuo mo sa imahinasyon mo.”

“minahal kita. sobra-sobra. kaya lang, nagbago ka. nung una, paunti-unti, hanggang sa pakiramdam ko, ibang tao na yung nasa harap ko. siguro dahil, nalingat ako, dahil di ko binuhos lahat ng atensyon ko.” saglit niya kong binigyan ng tingin na parang nahihirapan.

“dahil di naman siya nawala talaga diba? sabi mo noon, may mga pagkakataong magkasama tayo pero siya yung iniisip mo.”

hindi siya makasagot, pero bakas sa mata niya na tama ako. nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. matagal na yon. ayos na rin ako. sadyang iba pa rin pala kapag harap-harapang sabihin sa’yo.

“pero hindi naman ganun ang pagmamahal. hindi naman porket nagbago, dapat nang sukuan. kase lahat naman nagbabago. kahit ikaw, narasan ko ang ilang beses **** pagbabago. pero kahit ganun, pinili ko pa ring manatili. para sa’yo. para sa’tin”

“patawad. alam kong ako yung naging dahilan kung bakit umalis ka noon, alam kong napagod ka. pero hindi ko inakalang ganun-ganun mo lang ipagpapalit. na ganun ka kabilis magkakaroon ng bago.”

“hindi kita pinagpalit! hindi ko tinapon yung isang taon!”

mabilis kong kinalma ang sarili ko. ganitong ganito rin yung mga sinabi niya noon. ganun pa rin pala ang tingin niya. na binasura ko lang lahat. na parang mas mabigat pa yung naramdaman niya sa isang beses na pinili ko ang sarili ko kaysa sa kung paano niya pinaramdam na kahit ako yung naroon para sa kanya, kahit kailan di magiging sapat.

“bago ako umalis, sinabi ko sayo kung bakit. umasa akong ipapaintindi mo kung bakit nagbago yung pakikitungo mo, umasa ‘kong mapapansin **** nasasaktan na ako. umasa akong pipigilan mo ko, na sasabihin **** 𝘢𝘺𝘶𝘴𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 ‘𝘵𝘰. pero niisang salita, wala akong narinig. malamang iisipin ko, wala lang lahat nang ‘yon. kase hinihintay mo lang naman talaga kong umalis diba? ayos lang sayo kung manatili ako o hindi. ako kase yung nasa tabi mo. sanay ka na kamong iniiwan. sinubukan ko naman eh. sinubukan kong maging iba sa kanya base sa mga kwento mo tungkol sa kanya. kahit ang hirap. pero kahit ano namang gawin ko, ganun pa rin iniisip mo. na mawawala ako. kaya wala na rin akong ibang magawa kundi lumisan. kase sa pananatili ko, naubos ako. naubos na ata lahat ng isasakit bago pa man ako magpaalam. kahit nung nasa tabi mo pa ko, wala na akong maramdaman. kaya hindi mo ako masisisi kung mabilis. gusto ko lang namang mawala yung pagkamanhid. kasi kung may nakuha akong explanasyon o kahit isang salita galing sayo, alam **** hindi na ko tumuloy sa kabilang dako ng pinto, na mas pipiliin kita ulet-handa akong isantabing muli yung sakit.”

may ilang luhang nagpumilit na tumakas sa gilid ng mga mata ko. agad ko ring pinunasan ang mga ito. bigla nanaman bumalik ang mga ala-ala na akala mo hindi taon ang lumipas, parang kahapon lang. kasabay nito ang panandaling panunumbalik ng sakit.

“naniwala ako sayo nung sinabi **** ako lang. na walang iba. pero ang sakit nung ilang linggo lang pagtapos natin, may iba na agad sa tabi mo. may iba ka na agad kasama’t kayakap. may iba nang nagpapangiti sayo.”

kita ko ang pagkuyom niya sa kaliwa niyang kamay gaya ng ginagawa niya dati sa tuwing may bumabagabag sa kanya.

“tapos na tayo nun. gaano katagal ba dapat akong magluksa? kahit naman nung nasayo pa ako, mabilis mo ring binawi yung sayang pinaramdam mo nung una. na una pa lang, kahit ako na yung naroon, kasama mo pa rin siya sa isip mo. minahal mo lang ako kase ako yung nasa tabi mo. kaya wag mo akong sisihin kung ginusto kong sumaya ulet.”

“sana binungad mo na agad yun nung humingi ulet ako ng isa pang pagkakataon. hahayaan naman kita. kung nalaman ko lang ‘yon, hindi na kita ginulo pa. pinatay ko na dapat lahat ng naipong pag-asa sa utak ko, na pwede pa.”

“ang malas ko lang talaga, pagdating sayo, kaya kong itigil lahat. nung ginusto **** bumalik ako, umaahon na ko paunti-unti eh. kahit paano, nakakahinga na ko ulet. lahat sila sinabing wag na kitang pansinin, na sarili ko naman muna sa pagkakataong ‘to. akala ko mali lang sila ng paghusga, kase hindi ka nila kilala katulad ng pagkakakilala ko sayo. wala eh, nagparamdam ka lang, naapektuhan nanaman ako. pagdating sayo, ang tanga-tanga ko. ganun na lang kita kamahal. hindi lang isang beses; umulet pa ko. ayun lang naman kase yung kailangan ko, yung marinig na gusto mo pa, na gusto **** ayusin.”

“inaayos naman na natin nu’n diba? nagiging masaya na tayo ulet. nakikita ko kung pa’no mo sinusubukang bumawi. kaso wala, nung malaman **** sinubukan kong kumilala ng iba hindi mo matanggap. traydor ako, sabi mo. at sa pagkakatong yun, ikaw naman yung nang-iwan. akala ko wala na akong mararamdaman. na ayos lang, nangyare na ‘to, naulet lang, nalampasan ko na ‘to. pero hindi, mas masakit pa pala. tangina sobrang sakit. kase ayun na yung hinihingi ko, tapos binawi nanaman kung kelan hinding-hindi ko inaasahan. tangina.”

“siguro nga kaya hindi naging maayos ‘to kase hindi ko inayos yung nakaraan. hinayaan kong sundan ako ng multo niya, hinayaan kong saniban ng nakaraan yung kung anong meron tayo. na hanggang ngayon hindi pa rin ako tuluyang makalaya.” mahinang sabi niya. ramdam ko yung pagsisisi sa boses niya.

“sana naiayos mo na yun ngayon. sana mas maayos ka na ngayon. sana mapatahimik mo na yung mga memoryang patuloy na humahabol sa’yo. sana naghihilom ka na. sana, hindi na maranasan ng mahal mo ngayon yung naranasan ko.”  

sa loob ng isang taon, natutunan kong tanggapin lahat-mula sa mga memorya hanggang sa pa’no kami nawakasan, kung pa’nong di naman siya talaga naging akin lang. hindi naging madali pero kinailangan. sa huli, wala naman talaga akong magagawa. nangyari na yung mga pangyayari. nagkapalitan na ng mga masasakit na salita. naubos na namin ang isa’t-isa.

“nung tuluyan nang nawala yung tayo, wala akong naging iba at wala nang susunod pa. mas gugustuhin ko na lang na mag-isa. kase yung sakit na dala-dala ko bago pa man kita nakilala, hindi ko namalayang naipasa sayo. sobra sobra na yung pinsalang nadulot ko. tama na. ayos na yung ako na lang yung nagdurusa.”

“-alam kong kahit ga’no ko pa gustuhing ibalik yung oras para itama lahat ng nagawa kong mali, hindi na pwede. said na. siguro hanggang doon lang talaga tayo. sa ganito siguro talaga tayo maiuuwi. tama na.” pagpapatuloy niya.

sa puntong ‘to, naiyak na rin siya. kumuha siya ng panyo at pinunas sa kanyang mukha.

“baka nga. baka hindi talaga pwede.” bulong ko.

tinignan ko ulet siya, sa kahuli-huling beses. ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan, nakatingin pareho sa kawalan. siya ang naunang tumayo sa kinauupuan.

“alam kong hindi mabubura ng ilan mang ‘patawad’ kung ganito kita sobrang nasaktan. pero gusto ko lang ulit humingi ng patawad.”

pinanood ko ang palayo niyang pigura hanggang isa na lang siyang maliit na tuldok at tuluyang nawala. pinakiramdaman ko ang sarili ko. humingang malalim.

isang taon na yung lumipas. halos ganito rin yung nangyari noong gabing iyon. ang pagkakaiba lang, noon, mas pinapangunahan kami ng emosyon. isang taon na pero ngayon ko pa lang talaga patuloy na maibabaon. kinailangan kong marinig ulet. ngayon, totoo ngang tapos na. wala na. natuldukan na.
Una, akong natutong magbilang ng saya sa dagat,
Habang ginagawa kong kwintas ang mga puka shells
Sa dalampasigan.


Natutu akong lumaban sa sigalot ng buhay,
Sa pagtalon habang ang mga rumaragasang alon
Ay ginuguho ako.

Ang   hangin
Ay bumubulong sa akin ng uyayi
Dinuduyan ako upang mahimbing.

Natuto akong magbawas ng kalungkutan
Sa mga tuyom
Sa baybayin.

Natuto ako ng kolektibong paggawa
Sa pagmasid sa mga mangingisda sa paghugot
ng lambat mula sa dagat
Na taglay ang isang araw na huli
at hatiin sa kanila
Nang pantay-pantay.

Umuwi sila sa kanilang pamilya na may
Kasiyahan sa kanilang dalang
Paghahatian sa paminggalan.

O kay sarap sa pakiramdam
Tuwing huhubarin ko ang aking tsinelas
At namnamin ang mapipinong buhangin sa aking mga paa.

At sa tuwing ako ay nakakaranas ng kasalatan
Akin lang alalahanin-
Ang mga araw ng aking pagbibilang  sa dagat.
LucidLucy Mar 2017
May mali sa nangyayare sa buhay ko.

Bakit nagiisa lang ako?
Tama ba tong ginagawa ko?

Ginagawa kong dahilan yung pagkawala mo.

Ganito ba dapat ang maramdaman ko?
Para akong matutuluyan sa kahibangan ko.
Isang pitik pa, isang kanta, isang malupit na alala.
Kung matitimbang lang ang luha, siguro aabot na yung akin sa tonelada.
Nakakatawa. Wala atang makakatapat sa narating nating dalawa.


Hindi ko gusto tong estado na to.


Ayokong kalimutan lahat ng masayang alaala.


Sa lahat ng pagkakataon na namuhay ako magisa.
Para sa lahat ng sama ng loob na sumabog at di ko natantya.
Sa lahat ng gawain mo na anlakas magpaasa.
Yung ngiti **** tagilid pero nadadale pa din ako.
Yung balbas mo na ambilis tumubo.
Sa dalawang pusa na palagi **** alaga.
Nung mga oras na kailangan ko ng kasama tapos di ka nawala.
Sa katangahan at kababawan ko na naniniwala na nandyan ka pa.
Para sa lahat ng sakit na kailangan ko daanan mag isa.
Lahat ng dating tropa na di na nakakakilala.
Nakataas ang kamao ko pero nakaangat yung daliri sa gitna.


Minsan ang sarap mawalan ng pakialam, ng pakiramdam.
Yung mamuhay na parang dumaan ka lang.
Ang sakit magmahal tapos sasaktan ka lang.
Ang sakit magmahal tapos iiwan ka lang.

Di ako galit sayo.
Di kita papa salvage sa kanto.
Di ko ipagkakalat kung san kiliti mo.
Gusto ko lang mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.
Kasi isang taon na, ikaw pa rin laman ng poetry page ko.

Sana isang beses makita ko na lang na masaya na tayo pareho.
Yung tipong pag naalala kita, nakangiti ako nagkekwento.
Ang hirap nga pala talagang kalimutan.
Yung minsan may taong kumilala sayo bukod sa sarili **** magulang.

Ang hirap umasa na may dadating pang iba.
Ang sakit na kasi nung minsang binigay mo yung puso mo sa kanya pero iniwan ka din nya.
Kanya kanyang dahilan, kanya kanyang pinaglalaban.
Kung di din naman tayo magkasama sa huli bakit kailangan pa natin pagusapan.
Nalulungkot ako, di ko itatanggi.
Pakiiwasan mo na lang mag post na masaya ka palagi.
Matagal pa siguro to maghihilom.
Nakakaawa yung susunod kasi naka kandado na yung puso kong mamon.
Yun ay kung meron pang susunod.
Waiting for the healing.
Eunoia Aug 2017
Hindi, Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo sa harap ng madla
Hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng tula  
Pero sige magsisinungaling  pa ako, magsinungaling pa ako hangga't mapaniwala ko ang lahat maski ang sarili ko
Magsisinungaling pa ako hangga't maputol na ang dila ko sa kasalanang ginagawa nito

Itatangi ko sa lahat na sumali ako dito upang mailabas lahat ng hinanakit ko
Itatangi ko sa lahat na napudpud ang lapis ko habang binubuo ang tulang ito
Itatangi ko sa lahat na ilang papel ang nasayang ko sapagkat nabasa lamang ito ng luhang dahilan ng pagngiti mo
At magsisinungaling at magsisinungaling pa ako hangga't makita na ng lahat ang salitang 'SISI' sa ginagawa kong pagsisinungaling

Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil minahal kita sinasabi ko lamang nagsisisi akong naniwala ako sa malakas na ulan
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil nakilala kita sinasabi ko lamang nagsisisi ako dahil nagpatangay ako sa malakas na hanging habagat
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa paglapit mo sinasabi ko lamang nagsisisi akong lumingon ako sa bintana
Ngunit mahal kahit kailan hindi ko itatanging nagsisisi akong Umasa ako sa akala ko'y Ulang magtatagal ayun pala'y dumaan lamang

Masakit sa pakiramdam maalala ang paghila mo sa aking kamay sabay sabing "halika at magtampisaw tayo" Habang bumubuhos ang malakas na ulan suot pa natin ang uniporme nating dalawa
Naririnig ko ang halakhak mo Habang masayang tumatalon dinadama ang mumunting butil ng ulan

Samantalang ako'y nakatingin sa kamay nating magkahugpo at sa hindi inaasahang pagkakataon nabanggit sa harapan mo ang katagang nakakubli sa aking puso
"Mahal Kita" ngunit ngiti lamang ang sinukli mo
"Mahal Kita" ngunit yakap lamang ang ginanti mo
"Mahal kita" ngunit ang sinabi mo lamang ay "halika umuwi na tayo"

Lumipas ang mga araw at narinig ko nanaman ang halakhak mo
Nilusong ko ang malakas na ulan upang mahawakan mo ulit ang kamay ko
Habang masaya kang lumulundag sinasalo ang butil ng ulan na siyang pumapatak sa mukha mo
Ngunit mahal nadurog ako ng makita kita sa ulan,

Nadurog ako sapagkat kamay ng iba ang hawak mo ngunit hindi katulad ng saatin nakatitig ka sa mata niya habang dinadama ang ulan
"Mahal kita" nginitian mo siya
"Mahal kita" inakap mo siya
"Mahal kita" ngunit sinabi **** "Mahal din kita"

Tumigil ang ulan ngunit hindi ang pagdurugo ko
Nilisan ko ang lugar kung saan nabasa ako
Umuwi ako sa bahay inaapoy ng lagnat at tinanong ni Nanay "bakit hindi nasuspinde?"

Tinitigan ko siya ng diretso sa mata sabay sabing
"Daang ulan lang naman daw po"
Oo tama!, daan lamang malakas ngunit hindi magtatagal
malakas ngunit nakakapinsala
Daan lamang pala

Sana hindi na lang ako nagpahila
Sana hindi na lang ako umasa
At sana pala'y nagdala ako ng payong nang sa gayon ay hindi na ako namomroblema kung paano maiiwasan ang patak nitong malakas na ulan
My first ever piece of Filipino Spoken Word Poetry
kiko Oct 2016
Nung isang gabi tinanong mo ko
“Bakit mo ko mahal?”
sa totoo lang hindi ko din alam.
puno ako ng damdamin pero ayoko sa emosyon
ayoko sa sakit
ayoko sa mahal.

ayoko na mahal kita.
ayoko din na hinahanap-hanap ko ang mga bisig mo.
sana’y akong mag-isa, akin lang ang sarili ko.

Itong kakapiranggot na pagpapahalaga sa puso ko ay para sakin lang.
bakit ko ibibigay sayo na mapagdamot sa pagmamahal?
isa ka ding takot sa pag-ibig,
takot magpapasok,
takot magbigay dahil walang kasiguraduhan kung maibabalik.
nalalasahan ko sa aking dila ang lungkot tuwing tumitingin ako sa iyong mga mata.

Tuwing nasisilayan ko ang iyong anyo, pakiramdam ko ay kilala kita.
hindi ko alam ang pangalan ng mga mahal mo
at hindi ko alam ang mga bagay na mahalaga sayo,
pero kilala ko ang pagpanglaw ng ilaw sa bawat kurap ng iyong mga mata,
kilala ko ang unti-unti **** pagkaubos.
Isa kang imahe na pinta ng sakit at lungkot at pangungulila
napakadilim ngunit napakaganda.


Kilala kita.
Nakikita kita sa salamin kapag nakakalimutan ko kung ano na ako sa aking paningin.

Siguro alam ko na pala kung bakit kita mahal.
Kung bakit kita gusto mahalin.

Ang yumi mo ay hindi bagay sa dilim.
Kailangan mo ng saya,
ng halaga.

Madilim din ang mga ulap sa aking mga mata
sinta,
pero malinaw pa ang aking paningin
at alam ko kung anong kintad ng kulay ang bagay sayo.
emeraldine087 Mar 2015
Bakit nga ba ang hirap sabihin sa'yo
Ang pilit na sinisigaw ng puso ko?
Ano ba'ng kinakatakot at iniiwasan ko?
Iniiwasan ko ba'ng magmahal at masaktan
O ang magmahal ng lubusan?
Kung iba ba ang mahal ko
Pagtingin ko pa rin kaya'y ganito?
Bakit ba kasi sa lahat ng tao'y sa'yo ko pa
Naramdaman ang ganito'ng klase ng saya?
Ang kakaibang pakiramdam
Na wala na'ng iba pa ako'ng kailangan?
Sa tinagal-tagal ng panahon na tayo'y magkakilala
Bakit kailanga'ng ngayon ko lang madama
Na sadyang hindi na sapat na kaibigan lang kita?

Kung sana kaya ko lamang ipaalam sa'yo,
Kung sana naririnig mo ang bulong ng aking puso,
Wala na sana'ng hihigit pa
Sa saya ng puso ko'ng patuloy na umaasa--
Na sa isang sulok ng panahon
Bukas, makalawa o maaaring ngayon
May katuparan ang pangarap ko
Na higit pa sa kaibigan ang maging pagtingin mo.
Alay ko sa aking Lolo Emmy na nagturo sa akin ng tunay na kahulugan ng pagiging makata...
VJ BRIONES Dec 2015
Paano sumulat ng magandang tula?
Kailangan bang ito'y may sukat at tugma?
Paano kung hindi makita ng diwa?
Ang tula ba ay ginawa para mabale-wala?
Mga salitang hindi masabi sa iba, kaya sa pagsulat na lang idadaan gamit ang tinta.
Mga gumugulo sa aking isipan, kailangan isulat para mailabas ang aking mga nararamdaman.
Pakiramdam na hindi kayang intindihin ng iba, kaya idadaan na lang sa pagsulat ng tula.
Tula na makakarelate ang iba.
Tula na matatamaan sila
Tula na may simpleng salita,
Tula na babalikbalikan ng iba.
ngunit ako, babalikan mo pa ba?
collab poetry with my friend "RENZ Omana"


"nag post ako ng isang maikling salita sa fb tapos nagcomment siya hanggang nakabuo kami ng isang makatang tula"
Jungdok Jan 2018
Minsan ako'y napapaisip,
Kung bakit pa ako pumapasok sa eskwelahan,
Pumapasok ba ako para mag-aral?
Eh pakiramdam ko wala naman akong natututunan,
Kabisado ko lahat, ngunit ni isa, wala akong naiintindihan.
Bakit pa ako nag-aaral?
Para ba sa ito aking kapakanan?
Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit wala naman talaga akong natututunan?
Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit ito ang dahilan ng aking kalungkutan?
Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit nalilimutan ko na magkaroon ng mga kaibigan?
Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit nasasakripisyo na ang aking kalusugan?
Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit kayo at hindi ako nasisiyahan?
Kayo lang ang natutuwa sa mga matataas kong marka,
Ang mga grado at papuring aking natatamasa, hindi sapat para gawin akong masaya
Nasasakal na ako, gusto kong makahinga
Nakaka-pagod mag-aral lalo na't hindi ko naman gusto ang aking ginagawa
Sinasagad ko ang aking sarili, para kayo't maging
Puyat na puyat,
Pagod na pagod,
Bagsak na ang katawan
At ginagawa lang nilang katatawanan ang aking kapaguran
Hindi nila pinahahalagahan ang aking nararamdaman,
Tao rin ako napapagod, nasasaktan.
Sana maisip niyo rin na gusto kong mag-aral, mag-aral ng hindi napipilitan
Gusto kong mag-aral ng may natututunan
Ayokong maging basehan ang aking mga marka ng aking pagkatuto
Gusto kong pumasa hindi lang dahil basta't kabisado ko at may naipasa
Gusto kong pumasa dahil ako'y may natutunang mga aral na aking dadalhin hanggang sa aking kamatayan.
Bakit pa ako nag-aaral?
Dahil naniniwala akong may makikita akong pagbabago, may makakatagpong **** na babago ng aking pananaw tungkol sa totoong kahulugan ng edukasyon at pagkatuto.
Wretched Jun 2015
Ito na naman tayo.
Parehong sitwasyon,
ngunit ibang pangyayari.
Walang nakakaakala satin
na aabot ulit tayo dito.
Nagmahal ako ng babaeng
hindi na ko pwede mahalin muli
dahil sa mali ang panahon.
Saka na lang din naman
ako natauhan na
maling ito ang aking naging desisyon.
Siguro nga mali
na muli kitang minahal
ng mas higit pa sa aking inaakala.
Hindi naman kita masisi
kung siya talaga
ang iyong pipiliin.
Sino nga ba naman ako?
Pinili ko na lang na sabihing
mamahalin pa rin kita
kahit hindi ako mapasaiyo.
Kakayanin kong
maging masaya ka
sa piling niya.
Hahayaan kita maging masaya
habang onti onting namamatay
ang mga rosas na nais
kong ialay sa iyo.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang sinasakal ako
Ng inyong mahihigpit na yakap.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang nasusunog ako
Sa init ng inyong pagtitingan.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipakikita.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipamumukha.
Gusto kita maging masaya
pero 'wag mo sana ipaparamdam
na mas minahal mo siya.

Akala ko'y tanggap ko na ang katotohanan.
Hindi ako ang iyong tunay na mahal.
Hindi ako ang nais **** makasama.
Hindi ako. Hindi ako.
Hindi ako nanininiwala
na hanggang dito na lang ito.
Dahil umasa muli ako
Noong hinalikan kita
At sinabi ****,
"tumigil ang puso ko"
Umasa muli ako
noong tinitigan mo ko
Sabay sabing "alam ko ang gusto ko"
Na ako ang pinili **** isama
sa iyong paguwi
noong araw din na nakasama mo siya.
Sa walong beses
Na sinabi ko sayong "mahal kita"
Pakiramdam ko'y
Walong beses muli akong binuhay.
Walong beses kong narinig
ang mga anghel kasabay
ng iyong pagsasalita.
Sa bawat halik mo
na dumampi sa aking mga labi,
naramdaman ko ang iyong nasabi.
"Alam ko ang gusto ko"
Alam ko ang gusto ko,
At 'yon ay ikaw.
Habang magkadikit
ang ating katawan,
tumigil ka pansamantala.
Tinitigan ko lang
ang iyong mga mata
na tila tinatawag ako ng mga ito.
Ng bigla **** sabihin,
"Kakayanin na kaya natin ngayon?"
Wala ng ibang pumasok sa isip ko
kundi, ayoko ng palagpasin
ang pagkakataon na ito.
Kusang lumabas sa aking mga bibig
ang mga salitang,
"Kakayanin na natin ngayon.
Pipilitin natin.
Hindi kita iiwan.
Hindi na muli kita iiwan."
Alam kong ito ang gusto ko.

*June 23, 2015
11:56 am
Alam kong gagawin ko ang lahat para mabawi ko ang bawat luhang iniyak mo para sa akin. Pangako ko sa iyo na iyon na ang huling beses na ako'y iiyakan mo.
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo.
Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko.
Dahil pagod na ako.
Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita.
Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita"
Mahal kita hindi dahil mahal mo ako.
Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot.
Na pag sinabi kong mahal kita,
mahal kita at yun na yun.

Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa.
Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid.
Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid.
Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim.
Mahal ko ang kalangitan at
ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig.

Dahil nung dumating ka,
huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko.
Binulag mo ako.
Wala akong makita.
Nabingi ako.
Hindi ako makarinig.
Akala ko tama lang ito,
na ganito ang pakiramdam ng pag ibig.
Nakakaadik. Nakakabaliw.
Ikaw lang ang gusto ko.
Ikaw lang ang isusulat ko.
Tinuring kitang diyos.
Sinamba at pinaubaya sayo lahat.
Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat.

Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo.
Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo.
Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan
Mahal mo ako sa kadahilang alam * hindi kita sasaktan
Mahal mo ako dahil alam * ibibigay ko lahat sa iyo
Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo
Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang
-- Yun lang pala ang habol mo.

Kaya hindi, ito na ang huli
Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta
Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko
-- at ng aking mga tula.
Kaya paalam na sa iyo, Mahal Ko
Ten Mercado Mar 2021
sayaw, Eriko

isayaw mo lahat ng
sinabi niyang “mahal kita”
na pakiramdam mo’y totoo
nung mga panahong
umaalis kayo ng
isang araw kada-linggo
kasi dinadayo ka pa niya
sa Maynila

sayaw, Eriko

iindak mo at
isigaw mo sa mikropono
ang pabulong niya pa
noong unang sinabi,
“ako na lang,
iingatan naman kita”
sa maulan na gabi na ‘yun
noong iniiyakan mo
pa ang mga pangyayari
na kinagigitnaan mo

isayaw mo, Eriko

itawa mo lang ang sinayaw
niya sa sala mo
noong gabi na ‘yun
mashed-potato lang kuno
‘di ba?

halakhak, napamahal
ka sa mukha niyang
parang pinigang tuwalya noon
hindi naman siya guwapo
gaya ng lagi niyang sinasabi

umaray ka, Eriko

nasipa ka ng katabi mo,
pero naalala mo lamang
ang mga oras na nagsisipa
ka ng bato sa Makati
habang naglalakad kayo,
at kinukwento niya
ang pamumuhay niya noon
sa malayong lugar,
pawis na pawis kayo
pero ngiti niyo’y abot langit

talon, Eriko
palakpak

ilang buwan na rin ang lumipas
noong huli kayo nagkausap
binati mo siya ng
maligayang kaarawan,
kahit ang araw mo nun ay
malayong-malayo sa maligaya,
kapos sa saya,
kapayapaa’y nahahanap
mo lamang pag nandiyan ang
barkada

kalma,
inom ng tubig,
Eriko, kawayan ang bote ng alak,
pero huwag kang lalaklak

hinga,

ipanalangin mo na lang na siya’y
maging masaya,
dahil alam mo naman na
iyon ang tama.
10/8/18
Kailangan ko lang ilabas kasi nakita ko tong picture sa Facebook. Inaamin ko madalas sumasayad sa isip ko to. Sino ba naman ang hindi maiisip to kung marealize mo kung gaano ka kahelpless at powerless na baguhin ang paligid mo. Sino ba naman ang hindi makakaisip na baka may mas magandang lugar para sa ating lahat na kung saan masaya tayo. Yung feeling of guilt kung bakit ako nasa loob ng kotse, naka-aircon tapos may batang kakatok sa bintana mo at siya ay walang makain, tapos pag inabutan mo magsasabi padin ng "Thank you po.", sabay bibili ng sundae sa Mcdonald's. Tangina lang diba, kasi bata lang din sila at gusto nila maenjoy ang buhay. Tapos, magmaneho ka lang sa Quezon ave, may kakatok sa bintana mo humihingi pagkain or limos. Tingin ka sa Quiapo may mga matatandang nanlilimos, tapos, masayang masaya pagka binigyan mo ng pagkain, nakakaputangina. Nung nag Davao kami, yung mga nagbebenta ng perlas dun alam **** isang kahig isang tuka ang buhay nila, isang tingin mo lang alam **** sobrang hirap ng buhay. Nakakagago pala talaga ang pakiramdam ng pribelehiyo no? Kasi andun ka lang para mag lamyerda at gumastos ng madaming pera. Yung feeling na nagiinstagram ako ng walang kakwenta-kwentang bagay tapos may namamatay sa gutom sa ibang lugar, may naaabusong ofw sa middle east, yung mga nasa Mindanao napapagitnaan ng gulo. Yung nakikita **** sales lady sa SM na alam **** todo kayod para kumita ng pera sa Maynila pero tangina hindi nabibigyan ng tamang benepisyo at kontraktwal padin. Ang swerte ko. Ang sarap ng buhay ko. Sa sobrang sarap, napakaunfair na at nakakagago na dahil di ko din masabing ayaw ko ang buhay ko, pero ayaw ko din ang mga nakikita ko. Ang labo no? At bilang isang ordinaryong tao, wala kang magagawa para matulungan sila na maglalast sakanya. Hanggang abot ka lang ng barya kasi di mo pwede isacrifice sarili **** kapakanan para sa iba. Dahil ganun na ang mundo ngayon, sarili ko muna bago iba. Pero masisisi mo ba yung pagiisip na ganun kasi may kanya kanya tayong mga problema na dulot ng pagiging myembro ng society? Duwag tayong lahat. Duwag na tumulong sa abot ng makakaya natin kasi takot tayo na baka tayo naman ang mapunta sa ganung kalagayan kapag binigay natin ang lahat. Tulad ko, pasuicide suicide pa pero duwag akong gawin, hanggang sagi lang sa isip ko, tangina ko eh no? Dahil yung nakakatulong lang talaga yung may tunay na tapang. Katulad ni Mother Teresa ang daming tinulungan at inalagaan, pero ironic dahil nawala ang paniniwala nya sa Diyos dahil sa nakita nya nasobrang hirap na dinadanas ng mga taong inaalagaan nya. Putangina ng Mundo. Bakit ba tayo nandito? Pagtapos nito balik na ko sa normal. Tangina nyo.
ESP Oct 2015
i.
Init ng araw sa iyo'y nakatapat
Init ng pakiramdam'y akala mo
Sa araw na ito nanggagaling
Ito pala'y sa awiting pinapakinggan
Kabagabagabag.

ii.
Lumamig na kape
Ng dahil sa erkon
Lumamig na damdamin
Nag iba na ang hangin

iii.
Pagsasayang ng oras
Akala ay magsasama na
Tayong ligaw ngunit
Parehas ang daan
Ngunit maghihiwalay rin sa huli
Kinabukasa'y maghihintay muli

iv.
Salamat sa halos anim na buwan
Masyado akong nasaktan
Sa mga nasambit **** mga salita
Ng iyong bibig
Na hindi nagsisinungaling.

v.
Isang gabing puno ng musika
Isang gabi ng hiyawan
Kantahan
At hiyawan ulit
Palakpakan
Kantahan
Di makakalimutan
Ang sandali
Sa uulitin

vi.
Mga malulungkot na kanta
Nakapagpapaligaya sa aking tenga
Malulungkot na kanta
Masasayang nota
Pinagsama
Akala mo parang tanga
Hindi, hindi.

vii.
Kung gustong magpatuloy
Burahin ang nararamdaman
Kung gustong mabuhay
Burahin siya sa iyong isipan
Jor Jun 2015
I.
Noong makita ko s'ya parang tumigil ang mundo ko.
Tila parang lahat ng bagay nag-slow mo.
Anong pakiramdam ‘to?
Ba’t parang ang bigat ng katawan ko?


II.
'Di ko mapigilan napangiti nalang,
Teka sino ba 'to?
Sino ba ang magandang nilalang na 'to?
At parang na-love at first sight yata 'ko?


III.
Ba’t kapag nariyan s'ya biglang 'kong naduduwag.
At kapag ngumingiti s'ya'y katawan ko'y nabubulwag.
Ganoon ba talaga ang epek n'ya sa akin?
'Pag s'ya'y nakikita tila parang aatakihin?


IV.
Gusto ko s'yang lapitan pero 'di ko magawa.
Gusto kong magpakilala pero nauudlot bigla.
Nakakainis din ang mga kaibigan n'yang parang utot.
Biglang nalang sulpot ng sulpot.


V.
Nang ako ay pauwi siya ay nakasabay,
Gusto ko sanang tabihan kaso baka sumablay.
Nauunahan ng takot at kaba.
Baka kasi gusto n'ya lang kasi mapag-isa.


VI.
Walang mangyayari kung maduduwag ako
Kailangan ko labanan ang takot at kaba na ito
Nang ako ay palapit na biglang may umakbay sa kanya
At 'di pa nakuntento humalik pa sa pisnge n'ya.


VII.
“'Di pwede 'to!” ang sigaw ko sa sarili ko.
Pero walang nagawa at tumalikod nalang ako.
Magdamag nag-mukmok sa madilim na kwarto.
Pinagsisihan ang pagiging torpe ko.
Unang tulang nabuo't naisulat ko noong ika-10 ng Abril taong 2014)
JT Dayt Nov 2015
Nagalit ako sa’yo kasi feeling ko nabigo ako
Naghangad lang naman ako ng ikabubuti mo ...
Pero choice mo kasi yun kaya wala akong magagawa
Kahit pinagpipilitan kong choice ko ang tama ...
Ang dami ko rin namang pangugumbinsing ginawa
Kaso wala naman akong napala

Pabalik na ko, papunta ka palang
Pero hindi naman lagi yang makatotohanan
Lalo na kung iba yung gusto **** daanan

Pero alam mo natutunan ko?
Wag ipilit sa iba ang ayaw nila
Sa huli kasi pag ginawa ko,
Ako lang ang masasaktan ng todo

Kaya sige, gamitin mo ang panahon
Para hanapin ano ang gusto **** gawin
Maging Malaya ka sa pagpili ng daan
Wag magpadala sa gusto ng karamihan

Wag kang mag-alala napatawad na kita
Kita mo nag-uusap na tayo, di ba?
Namimiss na nga kita, eh.
Pag uuwi ako ng weekday, wala ka.

Galingan mo sa trabaho
Hindi yan madali, pero sana kayanin mo.

Matagal ko ng gustong sulatan ka,
Iparating sayo ang nadarama
Kaya sana kahit papaano
Gumaang ang pakiramdam mo.
Na malaman ang nararamdaman ko ...
Sa pamamagitan ng liham na ito
*sister's personal letter
inggo May 2016
hindi ko alam
wala akong magawa
ang bigat sa pakiramdam
gusto ko na itong mawala

mahal kita
hindi ko ipagkakaila
ngunit wala akong magawa
kundi pumayag na itigil na

kahit ayaw kong itigil
damdamin hirap ipigil
hindi ko naman gusto ito
kasi ikaw ang gusto ko

sobrang sakit sa akin
pag-ibig ko'y hindi tanggapin
pinili ko pa rin na ika'y intindihin
ngunit mas lalo pa kitang gusto makapiling

bawat pag iwas sa iyo
ay katumbas ng lalong pagkamiss
kaunting sulyap sa pagdaan mo
ay bumabalik agad lahat ng ala-alang matamis

bawat pag-alala sa mga nakaraan
pinapalitan ang tamis ng pait
bumibigat ang aking pakiramdam
puso'y kumikirot sa sobrang sakit

hayaan **** mahalin lang kita
lilipas din ito at mawawala
at kung sakaling babalik ka
sana ikaw pa rin ang aking sinta
Para sa isang kaibigan ko na nahihirapang mag move on.
bartleby Dec 2015
Ang ganda na sana ng tugtugan
Ang yabang ko pa
Abang na abang ako sa kantang patutugtugin nung kuya sa caf
Ayun, "Forevermore" ng Side-A
"Ay putang ina"
Solid.
Kahit may pagkain sa harap ko.
Ang sakit pala.
Ang hina ko pala.
Isang kanta lang, hindi ko kinaya.
Oa para sa iba.
Pero para sa'kin?
Iba.
Masakit.
Hindi ito yung mga oras na kaya ko maging matapang.

Isang kanta lang, hindi ko kinaya.
Bakit ba ako nasasaktan?
Bakit ang lala?
Mahal mo pa ba sya?
Mahal mo ba talaga ako?
Ang sakit pala.
Ang hina ko pala.

Ang yabang ko pa.
Akala ko napakatatag ko.
Pero hindi pala.
Isang kanta lang, hindi ko kinaya.
Bakit kasi hindi mo ako hinintay?
Pinanindigan ko ba talaga pagiging "laging late" ko?
O sadyang kailangan ko lang talagang masaktan nang ganito?

Isang kanta pero ibang sakit ang dulot sa'kin.
Isang kanta mula sa nakaraan mo na labis na nagpapasakit sa ngayon natin.
Madaling sabihing lumipas na yun.
Pero mahirap ding pilitin ang sariling 'wag mapaisip
Ano kayang iniisip mo nung narinig mo rin yun?
Naalala mo ba lahat?
Naalala mo ba sya?

Nanghihinayang ako.
Bakit ba hindi kita noon nakilala
Nung hindi pa ako ganito kahina
Nung kaya ko pa magmahal nang buong buo
Hindi tulad ngayon na puno ng takot

Nang tignan mo ako sa mata
At sinabing mahal mo ako
Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko
Masaya at masakit
Sabay.
Lalo akong nahirapan.
Hindi ko na alam.

Sa bawat araw na dumadaan
Mas minamahal kita
Ayaw na ayaw kong nawawala ka sa tabi ko
Maya't maya hinahanap kita
Akala ko ganun ka din
Kaya lang nasasakal ka na pala
Hindi ko namalayan
Sobra na pala
Paano ba talaga magmahal?
Bakit kung hindi ako kulang, sobra naman?

Ngayon hindi ko na alam paano ka kakausapin
Paano kikilos
O magsasalita kapag andyan ka
Pakiramdam ko lahat ng gawin at sabihin ko,
Mali.
Sobra.
Kulang.
Ewan. Paano ba?
Siguro nga ganito talaga kapag nagmamahal.
Masakit.
Kumplikado.
Uubusin lahat ng lakas mo.

Ibibigay ko ang gusto at kailangan mo.
Pero sana sabihin mo
Kung sawa ka na
Kung ayaw mo na
Kung kaya mo pa
Kung mahal mo ba ako
Kung mahal mo pa ba ako
Kung mahal mo ba talaga ako
Kaya ko tiisin lahat
Hanggang alam kong may pinanghahawakan ako
Pero kung wala na,
Handa naman akong magpatalo
Handa akong masaktan
Maging masaya ka lang

Sanay naman kasi ako
Alam kong mahirap akong mahalin
Hirap din akong mahalin ang sarili ko
May mga bagay na sadyang hindi nababago
Pero kung tunay kang nagmamahal, matatanggap mo
Matitiis mo
At kahit hirap ako
Ginagawa ko
Hindi ko isinusumbat
Gusto ko lang malaman mo
Na ganito ako magmahal
Uubusin ko ang sarili ko

Sana maubos na rin lahat ng sakit na 'to
Hindi ko alam na ganito ang epekto ng isang kanta
Isang kantang magsasampal sa akin ng katotohanan
Na walang madaling paraan para magmahal
010717

(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.

Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.

Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.

Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.

Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.

At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.

Matulog ka na, Anak.

#010717 #SpokenWordsNiTatay
Jeremiah Ramos Nov 2016
-
Sinabi ko sa sarili ko
Na huwag ka nang hanapin sa unang pagkakataong mapansin ko na nawala ka.
Ngunit nahanap pa rin kita.

Nahanap kita sa katahimikan,
Ang bulong **** nagpagulo sa minsang kalmadong isip,
Dahil sa'yo nalaman ko hindi lang pala multo ang puwedeng nagpaparamdam sa dilim.
Naroon ka rin sa likod ng mga masasayang alaala.
Nahanap pa rin kita kahit ilang beses na akong nangakong magiging masaya muna ako.

May kanya-kanyang paglalarawan sa'yo ang iba't-ibang tao,
Maaring sa iba, isa kang demonyo, kathang-isip, salita, o isang panandaliang bisita.
Pero sa lahat ng bagay na inilarawan sa'yo, hindi ko alam kung bakit itinuring kitang kaibigan.

Dahil siguro tuwing pag-uwi ko, 'pag wala ng mga tao
kahit gaano man ako kasaya o kapagod,
nandiyan ka.

Nag-aabang, nag-aantay, naiinip
Hinihintay akong mag-kwento.

Ikaw ang tipo ng kaibigan na hinahanap-hanap din pagkatapos bitawan.
May mga araw na napagtatagumpayan kong huwag kang isipin ngunit may mga araw din na nagbabalik nanaman ako sa simula.
Dahil sa huli, ay uuwi din ako at hahanapin kang muli sa katahimikan.
At sa bawat paalam mo, muli nanaman kita maaalala

Minsan, napakahilig **** magtago tuwing kasama ko na ang mga kaibigan ko,
Pakiramdam ko rin naman wala silang balak na kilalanin o pakinggan tayo
Kaya patuloy ka lang magtago,
Hindi nila kailangan malaman na buhay ka,
Hindi nila kailangan malaman na nandiyan ka,
Hindi nila kailangan malaman na totoo ka.

Hindi ko alam kung kailan ka aalis,
Hindi ko alam kung gusto ba kitang umalis,
Pero kung sakaling dumating man ang araw na 'yon,
Huwag ka nang magpaalam pa.
Tula tungkol sa depresyon.
J De Belen Feb 2021
Gusto mo kape?
'O gusto mo tayo nalang,puwede
'O Teka,biro Lang
Pangako kape lang talaga,Tara na
Ano bang gusto **** lasa?
Matamis ba?
Para kahit sa pagtimpla nalang ng kape ko ibabawi yung lasa ng nais ko sa iyo'y ma-ipadama
Gusto mo ba'y Matabang?
'Yung wala ng lasa
'Yung wala ng pag-asa
'Yung kulang sa timpla
Dahil napagod na.

'O baka Gusto mo naman
'Yung sakto lang
'Yung kahit may gusto kang iba
Ako'y patuloy paring aasa
At kahit mangawit man ng sobra
At magpawis man ng kakaiba sa kakahintay,
Sa akin ay ok lang
Kahit ako'y kaibigan lang naman,Mahal
Basta ikaw
At kung ang sagot sa lahat ay pag-papakatanga
Sigurado ako ang nangunguna.

'O baka gusto mo ng 3 in one?
'Cause you want me to be your number one fan
Just like my favorite man
Superman
Spiderman
And maybe a man of mine
Nako ano ba yan!
Ano ba talaga gusto **** lasa?
Ayoko ng manghula pa
Kaya sabihin mo na
Para di nako mahirapan pa na
Ipagtimpla ka pa.

Ah alam ko na!
Gusto mo rin ba yung lasa tulad ng aking pag-timpla?
'Yung nag-kakasalubong yung tamis at pait ng kapeng barako
Oo
Kapeng barako
Parang tayo
Kapag ang mga mata nati'y nag-tatagpo na akala mo naman ay may salitang tayo
Kung nakakapag salita lamang ang ating mga mata
Sigurado
Bistado
Aminado  na gusto natin ang isa't-isa.

Pero
Teka,Kape lang ba 'to talaga?
'O meron pang iba?
Sabihin mo na
Para hindi na ako umasa pa na mahulog ka pa.
Tara kape pa
Para makasama pa kita
Ang sarap lang ma-upo kasama ka sa ating tambayan
Kasabay sa pagtanaw sa ating kalawakan.

'O kay sarap sa pakiramdam noong sandaling  ika'y aking mahagkan
At batid kong ito'y panandalian lamang, Kaya
Tara kape lang
Kahit walang aminan
Dahil alam ko naman na
Tayong dalawa'y malabong mag-katuluyan.

— The End —