"tangan" poems
Nakabibinging katahimikan
Nakaririnding paninindigan
Ikaw
aking Ulan
Mabanggit nino man
Hindi masilayan
Pag-ibig hanggang laylayan
Hinati ng kasalanan
Ala-ala nating tangan
Tangan-tangan ng nagmamahalan
Ikaw, aking Mahal
Nawa'y magpagal.
Jul 11, 2016
Jul 11, 2016 at 10:21 AM UTC
Ako’y modernong karpintero
Sa henerasyong baon sa utang,
Hindi pa man isilang,
Ang kamalaya’y limot at simot na.
Puros kalyo ang latay
Sa pares na kamay
Na ang sigaw ay pagbabago
Diktahan man kahit demokrasya pa,
Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika.
May direksyon ang pagdisenyo
Pahalang sa kapwa-tao,
Samantalang ang kabila’y
Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa
Patungo sa ulap at bituin
Kung saan naroon raw ang Maykapal.
Narito ako sa kanilang tagpuan
Tatawid sa kalyeng hindi masilayan
Bingi sa sanlibutan
Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman.
Narito ako,
Sa sentro’y may hanap-hanap
Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin.
Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan
Ramdam maging sa tadyang
Na akin daw ay pinagmulan.
Kung mararapatin lamang
Ng lupang minsa’y naging gintong bayan
Na pang-habambuhay siya’y lisanin
At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag.
Walang karapatan ang takipsilim na uminda
Pagkat ang Haring Araw
Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal,
Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan.
Niyapos ko ang buhok
At pinahid sa mansanas, sa mangga’t
Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan.
Ako’y tumakas
Tangan ang sandata ng buhay;
Pakuwari ko’y walang himagsikan
Ang siyang muling sisiklab
Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man.
Puting papel at plumang walang tinta
Ang iniwan sa akin ng Ama
Hindi ko mawari sa paanong paraan ba
Maililimbag ang isusulat nitong pluma.
Ngunit ang tukso
Na madungisan ang pahinang puti
Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari,
Alam ko, balang araw
Mapupunan ito, hindi ng salita
Bagkus ng larawang sa sansinukob
Ay hahagkan ang bawat nilalang
Itatas muli ang bandila -
Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago.
(5/23/14 @xirlleelang)
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
Tangan ang mga halik mo
Sa aking palad umaagos
Ang damdamin minsan ay umalab
Parang sigarilyong nauupos
Dahan-dahang nauubos
Kaya nga bang balikan ang kahapon
Binaon na natin sa kahon
Katulad ng mga dahon
Nalanta at di na makaahon
Kaya pa nga bang ibalik ang kahapon
Sa saliw ng mga puso natin
Ngayon ay uhaw sa pagsintang
Naudlot ng pagkakataon
-Tula III, Margaret Austin Go
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 5:24 AM UTC
Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong natikman
ang sarap ng mga putaheng
hinahanda niya sa hapag-kainan
Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong nasilayan
ang ngiti niyang nakapapawi
ng pagod at kalungkutan
Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong narinig
ang mga salitang mahal kita
mula sa ina kong tangan
Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong naramdaman
ang higpit ng kanyang yakap
at haplos na kinagigiliwan
Sampung taon...
kay tagal na panahong nagdaan
wala na muling natikman, nasilayan, narinig at naramdaman,
pagmamahal ng isang ina na kinasasabikan.
Happy Mother's Day Mama. Mahal na mahal kita.
May 24, 2011
May 24, 2011 at 6:46 AM UTC
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.
May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.
Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.
Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.
Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.
Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.
Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.
Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.
Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.
Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.
Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!
(6/28/14 @xirlleelang)
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 1:09 AM UTC
Pabalik-balik ka
Hahakbang nang pakaliwa ,
Hahakbang nang pakanan.
Yapus-yapos ako ng aking kinahihimlayan
Balakid nati'y salaming
Bahagdan lamang ang kinalalagyan.
Puti ang daan patungo sa iyong tuntungan
Sumusulyap ka nga't
Mensahe'y kusang tanong
Tinipon at binahagi sa pagkatao.
Malabo ang salamin sa harap
Dito sa amin at sa kalye sa looban
Kung saan dinudumog ito
Ng mga kliyenteng
Buht sa iba't ibang pintuan.
Takipsilim na
Tangan-tangan ko ang susi palabas
Nang tumambad ka't
Ilang metro lamang ang distansya.
Nagtagpo ang pawang paningin
Bagkus kailangan na ring pigilan ng sandali
Nauna ka
Pagbaba ko'y hindi na muling nasilayan
Anumang aninag ng iyong lihim na pagkatao.
Mayroong kumaway sa akin
Isang pamilyar na tauhan sa sarili kong kwento
Dati ko palang **** sa asignaturang Ekonomiks.
Tinugon ko ang pagtawag niya sa akin
Aba't ang oras ang huminto
Ninakaw ng kanyang katabi
Ang pagtingin buhat sa tumanggap ng pagtugon.
Naroon ka, hawak ang manibela
Ako'y nauupos na kandila
Ako'y hinahanging saranggola
Isang bulang hinihele ng musikang walang liriko.
Hindi ako naging epektibo sa kausap
Doon ang pasimula ng kwento
Hihintayin ko ang muling pagsirit
ng nanlilisik na araw
At ang lahat ay kapwa
Pausbong na ala ala na lamang.
Jul 3, 2014
Jul 3, 2014 at 7:12 AM UTC
Umaapaw ang puso ko
Sa pagibig na alay mo
Kalakip ng aking halik
Sinulid ang ibinalik
Aanhin ko ang sinulid?
S'an ko ito isisilid?
Bakit dulo lang ang hawak?
Saan ang kabilang hatak?
Ano ang nais **** itakda?
Ikaw ba ay may iniakda?
Aanhin ang sinulid?
Tastas ba aking damit?
Ako ba ay magtatahi?
Seda ba ang ihahabi?
Magluto nga'y di ko magawa
Magtahi't humabi pa kaya?
Sa aking pangungulit
Sagot ang iyong hirit
Sa iyong winika
Ako'y napayapa
"Sa tatahakin ng ating pagiibigan
Tyak masalimuot ating pagdaraanan
Agam agam ay pawiin
Pagaalala ay hawiin
....Dahil ang dulo ng sinulid AKO ang may tangan"
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:36 AM UTC
15 Ikalabingwalong kaarawan na
Ng binukot na prinsesa
16 Ang pagiging dalaga niya’y ganap
Isang prinsipe ang ihaharap
17 Panahon na upang lumabas sa palasyo
Humarap sa mga mamamayan at mga dayo
18 Ngayong nasa harapan na ng madla
Ipakikilala sari-saring mga binata
19 Tangan ang mga regalo
Sa prinsesang sinusuyo
20 At pagtunog ng mga tambol at plawta
Si Dara’y makikisayaw na
21 Sa mga lalaking napupusuan
Na sa mga pagsubok idadaan.
-06/23/2012
*Gintong Lupa Series
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:58 PM UTC
(1:30 AM/ Brownout)
Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin
Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.
Ako’y nakakapaso
Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan,
Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Sa lipunang may mabigat na ginagampanan
Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.
Nilisan ko ang liwanag
Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan.
Ako’y Iyong tinubos
Sa mapanghusgang lipunan
May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla
Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo
Nang ako’y pagharian Mo.
Gamitin Mo ako,
Pagkat ang liwanag, ang katuturan
Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita
Nang sinuman..
Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro
At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.
Sukat ang buhay ko
Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta
Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito
Minsan pala’y nakapapaso rin ito
Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.
Sayang..
Kung ang ilaw ay nakakahon
Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin
Kung ang sarili’y hindi kikitilin
Nang magkaroon ng pangalawang buhay.
May ilang gagambala
Mga insektong hindi alam kung saan nagmula
Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag
At kung di lalakas ang alab,
Ako pala’y matutupok.
At sa hanging iihip,
Kung wala ang mainit na mga kamay
Na siyang yayakap at hahagkan sa akin
Ako’y maagang mahihimlay,
Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.
Ngunit ang alab na ito’y
Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan
Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon
Sisindihang muli,
Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon
Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan
Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.
Binibilang na ang oras
Bawat minuto’t segundo
Maaring mapagal at maagang tamlayin,
Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.
Ngunit bago maupos,
Ako’y may aabutin
Bawat sulok ay dadampian ng buhay
At magmamarka sa bawat haligi
Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.
(5/13/14 @xirlleelang)
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
#041716
May mga bituing nais abutin,
Nangangalay ang diwa pagkat dapat habulin.
Ganoon pala ang pagtatagisan ng mga saranggolang itim,
Sisipatin ang isa't isa't may pandilig na patikim.
Ako'y musmos sa alok nitong ginintuang pangarap,
Dilubyo'y mabagsik bagkus may matinding yakap.
At doon matatagpuan ang haplos na hinahanap,
Ako'y alipin sa sahig na Langit ang sumusulyap.
Sa paglatag ng Liwanag na may bahaghari
Waring yuyukod siyang ulap na mapagkunwari.
At kanyang saplot, ihahanay nang sandali,
Saksi maging hanging nagtataingang-kawali.
Sa pagsalin ng hiningang latak ng kahapon,
Baon pala ang sakit hanggang dapithapon.
Ipipinta ang itsura ng sarong na maputi,
Siyang pupuri sa Langit na may bahid ng kayumanggi.
Tila baryang itinapon at nagkakalansingan,
Sa papag na mistulang may sawing kasintahan.
Mga tauha'y lalaban sa kuweba ng kadiliman,
At doon ang kandila'y panandaliang tatahan.
Babahagian ng yaman ang uhaw sa kalinga,
Hahagkan silang mga busal na walang isang salita.
Hanggang sa magkandiring muli sa saliw ng musika,
Silang tangan ang pising may kakaibang mahika.
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 9:21 AM UTC
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.”
― Mother Teresa
May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin.
Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko?
Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa?
Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.
Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 3:31 AM UTC
#112614
Sinigaw niya ang oras
Buhat sa rehas na puno nang aral
Tumugon ako't nabigla
Pagkat bumantad ang iilang madla
Dahan-dahang nilipad ng mga paa
Patungong langit naman pala
Ngunit naroon pala
Ang anino **** may liwanag.
Tila ako'y tangan ng hangin
Doon sa 'di inaasahang tagpuan
Tumalisod ang puso
Mabuti't nagising
Tuloy lang ang lakarin.
Sa pangalawang pagkakataon
Winaldas ko ang pagod
Hindi patungo sayo
Pero sa kabilang ibayong babagtasin.
Heto na naman,
Parang itim at puti na lang sila
At ikaw ang tanging may bahid ng kulay
Kumidlat nga't hanggang sulyap na lang
Parang wala namang ibig sabihin.
Magulong usapan, hindi nga ba?
Ang lupon nila'y nilagpasan ko
At sa kauna-unahang pagkakataon
Ang hangi'y nag-ibang ihip
Ngalan ko pala'y iniihip nito.
Pangalawang beses
Ang eksenang nakalimbag
Wala na namang kibuan
Ang lapad ng balakid
Mula sayo patungo sakin
Simple lang naman,
Wala namang nararapat na sambitin.
Paulit-ulit nga
Marahil walang letrang
Kinukumpas ng kampana
Magulang usapan nga ba?
Marahil hindi,
Pagkat minsa'y di na kailangan ng salita.
Nov 27, 2014
Nov 27, 2014 at 11:16 AM UTC
Sa'yo ko ito unang naunawaan.
Ang paghalik ng pluma sa
Papel ay hindi sapat upang
Humalik ang katotohanan
Sa katarungan, dahil tangan
ng puso ang tinta at talinghagang
Nakakubli sa wagas na pag-ibig
Sa kapwa at kay Bathala.
Ang tinig ng mga batas ay
Tinig ng mga sibilisasyon at
Rebolusyon ng mga sikmura
Laban sa makina, ng makina
Laban sa mahika ng salapi at
Pighati ng lumang simoy. Nawa,
Sa pagimbulog mo sa tugatog ng
Himpapawid patungo sa paghahanap
Ng katotohon, alalahanin mo ang
Mga piraso ng iyong sarili na naiwan sa
Akin: "Tanging sa hiwaga lamang ng
Pag-ibig matatagpuan ang lalim ng lohika."
Ito ang iyong bilin.
Ito ang aking habilin.
Oct 7, 2013
Oct 7, 2013 at 1:01 AM UTC
#102216 #PortBarton
Bata pa lang ako,
Pinagmamasdan na kita.
Sariwa sa kamusmusan,
Puno ng mga tanong na "bakit?"
Ba't ayaw **** magpakita?
Na kailangan Mo pang magtago sa mga ulap;
Na hindi ko maabang-abangan
Ang eksaktong pagsikat at paglubog Mo.
Ba't Mo ako sinusunog?
Na sa t'wing naglalakad ako,
Sinasaktan mo ang mga balat ko.
Na hindi ka nagsasabing
Magdala ako ng payong o kapote.
At ba't lagi mo akong ginigising?
Na hudyat ng pagbibilang ng panahon,
Na kailangan ko pang bumangon
At buhayin ang sarili't umahon.
---
Di Ko na kailangang magpasikat sayo
Pagkat hindi na lihim ang Liwanag Ko.
Ilang lugar na rin ang pinasuyod Ko sayo --
Sa Norte at Sur, buhay ang presesya Ko.
"Walang kupas at walang katulad,"
Yan ang sambit mo.
Ika'y Aking saksi;
Sa iba't ibang pagbunyag Ko ng Aking Sarili --
Sa iba't ibang katauhang may sari't sari ring kwento:
Silang simpleng manggagawang
Lakas ay Sa'kin ang paghugot.
Isabit Mo ang bawat larawan
Sa dingding **** Aking ipinagtitibay.
Nais Kong mailawan
Ang bawat madilim **** espayo.
Madilim man, nakikita Kita.
---
Ikaw ang Pag-asa;
At Sayo dumadaloy ang lahat.
Kakatok ang Iyong Sinag sa butas-butas kong mga haligi.
Pangako mo'y pasalubong
Kaya't ako'y sabik sa pagdating Mo.
Sasalubungin kita saking pagbangon
At bubuksan ang aking mga bintana,
Bilang pahiwatig
Na nais kong taglayin ang Ilaw Mo.
Bukas ang pintuan ko Sayo;
Ikandado Mo ako, tangan ang di papupunding Liwanag --
Yan ang pagpapasakop ko;
Saklawan Mo sanang ganap ang hain ko.
Gagayak ako sa Iyong saglit na pamamaalam
Na siyang susubok sa Ilaw na pinaiwan Mo sakin.
At may galak akong magsisindi sa bawat poste,
Ng gaserang may purong langis.
Iihipan ko ito sa aking pahinga,
At sadyang ang dilim
Ay tamang pansamantala lamang.
---
Tiyak ang oras mo
At singhaba ng araw ang pasensya mo.
Nagbabalik akong may hubad na sandalyas --
Marumi ako pero saking pag-uwi,
Dito rin pala ang paghuhugas.
Pinagmamasdan ko ang putik sa mga paa ko
Maging ang alikabok sa mga palad ko --
Pawang nakuha ko sa trabahong
Bansag saki'y tagautos.
Pansin ko, ang dumi-dumi ko pala;
Kailangan ko nang pagpagan ang sarili;
At pawang ang lahat pala'y
Di ko makikita nang wala Ka.
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:07 AM UTC
Tangan ko ang pag-ibig **** pangako
Tangan ko ang durog kong puso
Tangan ko ang basang panyo
Tangan ko ang nawawalang ako
Tangan ko ang sirang pangarap
Tangan ko, ngayon sadyang kay hirap
Tangan ko ang pag-asang ikaw
Tangan ko, pag-ibig kong uhaw
Bibitaw na ako, siguro nga, tama na
Bibitaw na ako, wala ng saysay pa
Bibitaw na ako, ayaw ko ng talaga
Bibitaw na ako, sana kaya ko nga...
Bibitawan na ang pag-ibig sa iyo
Bibitawan na ang mga tangan ko
Bibitawan na at palalayain ka
Bibitawan upang maging ako, lumaya na...
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:58 AM UTC
010717
(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.
Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.
Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.
Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.
Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.
At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.
Matulog ka na, Anak.
#010717 #SpokenWordsNiTatay
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
Leron, leron sinta
Kay tagal kong hinanap
Sa lahat ng sulok, sa lahat ng kanto.
Bawat bulong, bawat banggit
Baka sakaling maituro sa akin
Ang pangalan mo.
Buko ng papaya
Natatangi sa 'king paningin
Ikaw ang dahilan
Kung bakit may kaba sa dibdib
May tamis ang ngiti
May kislap ang mga mata.
Dala-dala'y buslo
Nilalaman nito'y puso
Pusong minsan nang nabigo
Ngunit pinatibok **** muli
Tangan ng aking mga kamay
Nanganganib na ibigay
Sa 'yo.
Sisidlan ng bunga
Duyan ng mga pangarap
Mga alaalang ipipinta pa lamang
Sa hinaharap na sana'y
Sasalubungin ko
Na kasama ka.
Pagdating sa dulo
Matapos ang lahat ng dasal
Pananalangin sa Maykapal
Nakabitin sa gilid ng bangin
Handa nang mahulog
O matagal nang nahulog?
Nabali ang sanga
Pumutok ang bula
Natunaw ang tuwa
Nabasag ang pag-asang
Pinanghawakan
At iningat-ingatan.
Kapos kapalaran
Minalas lang ba
O sadyang malas na talaga?
Malupit ang tadhana.
Sa gulong ng palad
Parang laging nasa ibaba.
Humanap ng iba
Hindi ngayon, hindi bukas
O kahit sa susunod na linggo
Pero balang araw
Magtatapos din
Sa masayang wakas.
May 8, 2015
May 8, 2015 at 1:20 PM UTC
#070716 #9:58PM #FarmElNido
Nagmamasid siya't dinudungaw ang Gabi
Kung may pahiwatig ba't titikom na ang bibig
Ang Mambubuwal ng matabang na tubig.
Nakakasilaw at nakakagulat
Ang sining ng di kontroladong pagkuha ng larawan,
Ang paglilok sa palapag ng nagtatalsikang bato,
Tangay pati ang ayaw magpapitas na mga bulaklak.
Tanging siya na lamang ang may kislap
Pagkat kalahi niya'y kumupas nang sila'y mang-iwan.
At sa pagpagaspas ng pakpak na may lihim,
Tangan nya ang sariling may liwanag sa dilim.
Jul 9, 2016
Jul 9, 2016 at 12:39 AM UTC
Cinta bukan melulu soal siapa yang lebih dulu. Yang telah lama singgah bisa jadi sama rapuhnya dengan yang sekedar lalu-lalang.
Cinta bukan melulu soal detak jantung yang berdegup kencang, bukan melulu soal pupil yang melebar. Yang telah kehilangan nafasnya bisa jadi yang semenjak dahulu telah menyimpan asa.
Cinta bukan melulu soal hukum tawar-menawar. Saat sudah kehabisan apa yang ditawarkan, terkadang cinta dengan naifnya tetap menyambut dengan tangan terbuka. Persetan dengan hukum ekonomi, yang memberi kurang bisa jadi telah memberi seluruh yang mereka miliki.
Cinta bukan melulu soal mengabaikan ketidaksempurnaan. Justru cinta menerima seutuhnya, segala kesempurnaan maupun ketidaksempurnaan. Setiap gores dan luka, bukalah mata dan terimalah mereka dengan utuh. Yang terlihat baik bisa jadi membuatmu menutup mata atas keburukan mereka.
Cinta bukan melulu soal apa yang terlihat, karena bisa jadi indera kita dibuatnya luluh lantak di hadapannya.
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 11:13 AM UTC
Kagabi, napanaginipan ko ang
Unang pagtatangka nating
Abutin ang langit. Tumatakbo
Tayo sa isang malawak na
Parang, tangan ang huling
Saranggolang iaalay natin sa
Panganorin ng tag-araw.
Doon, panginoon natin ang
Kalayaan, kaya nilimot natin ang
Bilin ng mga nakatatanda.
Sabay nating
Tinaboy ang ambon,
Tinawag ang hangin,
Tinaas ang saranggolang
Huling saksi na ikaw ay umibig
Sa isang ako.
Kagabi, napanaginipan ko ang
Huling pagtatangka nating abutin
Ang langit. Wala na ang malawak
Na parang, naparam na ang
Bawat bakas ng ako na umibig
Sa isang ikaw...
Oct 17, 2014
Oct 17, 2014 at 4:39 AM UTC
Umahon ang buwan mula sa kanyang pagtulog. - sabik na sabik sinagan ang sanlibo't isang nayong naghihintay sa kinang niya.
Madilim at malamig; makapal ang mga ulap sa langit. Higit ang pagnanais sa kanyang pagdampi.
At siya'y lumiwanag.
Kumislap.
Ang kinang ng sigurado sa alon-along pagtatanong-tanong.
Ang nag-iisang tiyak sa langit ng duda.
Buong gabi niyang niyakap ang mga pueblong hitik sa pangamba. Winalis ang takot na dala ng langit na obskura.
Buong gabi niyang tangan ang bawat pulgada ng bahala.
Hanggang sa bumangon ang araw mula sa kanyang paghimbing
- sagisag ng kanyang muling paggilid.
Sa gilid.
Sa gilid ang kanyang pedestal.
Ano ang laban sa kinang na hatid ng araw? Lunduyan ng liwanag, sastre ng pagtitiyak.
Sa gilid ang kanyang pedestal.
Pagkat alam ng buwan na iba ang kislap niyang hatid - kinang na kikinang, ngunit 'di maglililimlim.
Kinang na pupuno lamang sa langit ng dilim; sa gilid
ang kanyang pedestal.
Pagkat iba panghabambuhay na paghalik sa pandaliang pagtangan;
na iba ang gusto
sa kailangan.
Sep 12, 2016
Sep 12, 2016 at 12:28 PM UTC
#102516 #Manila
Ililiyad ko ang mga kamay
Pakanan at pakaliwa
At hindi ako mapapagod,
Hindi ako mangangalay.
Tangan ko ang sari't saring mga bagahe
Iba't iba ang sukat
Batay sa kapasidad ng bawat isa.
Pero sila rin ang pumili;
Kailanman, di ko sila diniktahan.
May ibang kaya nila, may ibang hindi
May ibang nang-iiwan,
Ikaw na raw ang bumitbit.
Lilipad ako, higit pa sa agila
Lilipad ako pero hindi ako kakampay.
May engkwentro sa ere,
May digmaan sa himpapawid.
At hindi ako paiihip
Kahit pa taliwas ang hangin.
Ako'y tutuloy lang --
Makalalapag din ako,
Kaya't hintayin mo sana.
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:02 AM UTC
Sapagkat ngayon ay matututo tayo sa mga bagay na 'di natin maintindihan,
Kakapit tayo sa mga talinhagang kahit ang mga pilosopo ay hirap sa pagpapaliwanagan.
Susubok at susugal sa bukas na walang kasiguraduhan,
Sabay aasa sa pangako ng isang tunay na hinaharap na makakamtan.
Dahil ang damdamin ay nakaalpas na sa paghangad,
Ngayo'y may sinusundang tahakin na mas marapat.
Saya at ligaya para at ng sa iba sa isipa'y nailapat,
Mga naisin at mithiin ay nauunawaang hindi agad-agad.
Ngayon ay marapat na mabuhay sa kasalukuyan,
Damhin ang ligaya, kalungkutan, at lahat ng sa gitna'y mararamdaman,
Sa buhay, sarili natin ang ating tangan,
Balang araw, kung anuman, ay ating mahahagkan.
Nov 10, 2018
Nov 10, 2018 at 10:48 AM UTC
#050116
Nasisilaw ang puso
Sa tangan **** Liwanag
Nayayanig ang diwa't damdamin
Lagpas-Langit ang pasasalamat.
Puno ng hiwaga
Ang pag-ibig **** alay
Hindi matutumbasan
Ang kalinga **** grasya.
Buhay Mo'y isinuko sa Krus
Salita Mo'y bukam-bibig ng kaluluwa.
Ako'y sakupin Mo, ang buong pagkatao
Ako'y kalingain Mo ng kadakilaan Mo
Ako'y alalayan Mo, Yakap Mo ang sasalo
Ako'y baguhin Mo, palitan Mo ng bago.
Sa kahit anong pagkakamali,
Sa kahit anong pintig ng sandali
Ikaw ang Gabay na Siyang magwawagi!
Daplis ng ulan o bagyong nagkukunwari
Hahawiin **** lahat, buhos ang Sarili
Sabi Mo'y talikuran ko na ang dati.
Madilim ang landas, siyang hindi patas
Mantsyang nagdaan, sa bago'y kaltas
Walang tugon, mundong nagmamataas
Tanging Ikaw, daang Mataas.
Hindi madali ang pagbabago
Puso ba'y sa Kanya'y sambit ay "oo"
Si Hesus lamang, sagot sa delubyo
Kalma lang kaibigam wag paaapekto!
May 3, 2016
May 3, 2016 at 10:07 AM UTC
080216
Ayoko sanang sagutin
Pero gusto kitang marinig.
Naiinis ako
Pagkat nilalampaso ang puso ko.
Pagkat wala lang sayo,
Pero heto ako't tila iniibig ka pa rin.
"Hello"
Sa tagal ng panaho'y
Ngayon lamang ulit.
Natatameme ako pagkat walang masambit.
Tangan ko ang matatamis na alaala,
Subalit dumadampi ang sakit
Tumatagos higit pa sa damdamin,
Ang iyong walang paalam na paglisan.
Yung boses **** tila walang emosyon,
At doon tumigil ang tibok ng puso.
Hindi ko alam ba't hinahayaan ka
Ba't ako'y tila umaasang
Baka may pangalawang pagkakataon pa.
Alam ko namang iba na ngayon,
Walang malalim na dahilan.
Wala kang dahilan
Bagkus puso ko'y tila naghihintay.
Nagtataka ako sa mga tanong mo
Nagtataka ako sa pag-uusisa mo.
Natatakot akong mahulog sayo,
Pagkat alam ko kung gaanong sakit na ang natamo
At sa ngayo'y
hindi ko na ata kakayanin pang muli.
Aug 2, 2016
Aug 2, 2016 at 9:36 AM UTC