Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pintig" poems
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila. Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama. Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo. Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay. Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay. Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal. Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan. At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban. Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin. Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay. Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa. Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka. Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
0
Feb 19, 2016
Feb 19, 2016 at 8:21 PM UTC
Pangungulila

Continue reading...
14
Salamat kaibigan, hndi mo ‘ko iniwan Ikaw ay aking karamay at aking sandigan Malayo pa ang tinig ay iyo nang naririnig Alam mo ang pintig ng aking puso at dibdib Bigat ay iyong inako upang ako ay makatayo Inalalayan ang aking bisig, lakas ay iyong tinig Ikaw ay parang isang estrangherong hindi naghihintay ng kapalit Saan ako makakahanap ng isang tulad mo sa isang saglit? Kung sa paraang ito ay pinapakitang iniibig, Bulag na ang hndi makakita, at manhid na ang hndi makadama Oh kaibigan, nag-iisa ka
0
Jan 31, 2015
Jan 31, 2015 at 3:27 PM UTC
Salamat Kaibigan (Tagalog)
Tapos na ang giyera Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan Tapos na. Pipiliin ko nang maging masaya Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan Ako ng kalakasan Maghahanap ako ng kapayapaan Kapayapaan na yayakap saakin Sa mga takot na dinanas ko Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin Kapayapaan na pupunas Sa mga luha na di na natutuyo Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko Magkakaron ako ng kapayapaan Ngunit bakit hanggang ngayon Na tapos na ang giyera Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon? Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili Hanggang sa mawala? Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan Ay bumabalik parin ang sakit Na dinanas ko habang nasa piling mo? Ngunit ang dating nakaraan Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan Bumabalik yung nakaraan na Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan Naging matigas ang ulo't sumunod Sa mga pusong pagal Nasaksihan ng araw at buwan na Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan Ngunit sa isang pikit ko Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya" Simulan natin sa "Siya" Simula nung araw na iyon Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin At tila naging digmaan sa isipan ko Tila naging parusa sa puso ko Ang dating "tayo" Ay unti-unting naglaho At nagbago At naging "kayo" Doon nagsimula ang digmaan Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig At binomba ito Pinosas mo ito at ikinulong Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa Nagmamakaawang pakawalan Sumulat ito ng kanta Umawit gamit ang natitirang pintig Sumulat gamit ang natitirang dugo Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit Ngunit walang nakakarinig sakanya Naghihingalo para sa natitirang lakas Umawit ulit siya muli Hanggang sa marinig siya ng Maykapal Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera Possible na ang kapayapaan Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko Handa na akong kumalimot Handa na akong tumalikod Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan Magtatapos ako sa "Ikaw" Mag-isa ka na
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 10:33 AM UTC
Araw ng Kalayaan

73
Umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso,  tanging hangad lamang ang kagandahan mo. Sinta ko ano pa ang aking magawa, kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na? Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t, panaho’y balikang ikaw’y malaya pa? Bihag ka na ngayong walang kalayaan,  hawak ang mundo mo ng lilong nilalang Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan, at ang yamang pakpak, dustang tinalian.  Paano O! Sinta yaring abang buhay? Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay. Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay, Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay. Subalit nasa kong lumawig sa mundo, sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko. At ikaw O! Sintang namugad sa puso, napanagimpan kong pinaghintay ako.  Sa harap ng hirap na di masawata, tanging asam ko’y lalaya ka Sinta. At itong pagtiis ay alay ko Mutya, mula sa puso kong nagdadaralita. Maghihintay ako sa pagkakahugnos, sa tanikala **** higpit na gumapos, sa kalayaan na lubhang nabusabos, at mariing dulot, galak na di lubos. Ang aking paghintay akay ng pag-asa, lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa. At ang dukhang pusong batis ng dalita, tila pinagyakap ang pag-asa’t luha. O! aking minahal ako’y maghihintay, kahit walang hanggang paglubog ng araw. Magtitiis ako sa gabing mapanglaw, hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway. Yaong sinag nito’y ganap na tatapos,  sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos. Sinag na tutuyo sa luhang umagos,  niring mga matang namumugtong lubos. Yaong pamimitak ng mithing umaga, araw na mabihis ng mga ligaya, ang buhay kong abang tinigmak ng luha, mula sa kandungan niring Gabing luksa. Maghihintay ako sa gitna ng dusa,  kapiling ang munting kislap ng pag-asa. Magtitiis kahit sanlibong pagluha, hanggang sa panahong muli kang lalaya. Maghihintay akong di hadlang ang pagal,  kahit ang panaho’y lalakad ng bagal. Magtitiis ako pagkat isang tunay itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal. Maghihintay kahit dulong walang hanggan, na pagdaralita’t mga kapanglawan Kahit di tiyak kong muling sisilang, ang bukang liwayway na tanging inasam. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 28, 2019
May 28, 2019 at 6:21 AM UTC
Bukang Liwayway na Hinihintay

69
kasalanan bang umibig, nang walang hangganan? hindi nagpipigil, laging handang lumaban? kasalanan bang umibig, kahit batid na masasaktan? paulit-ulit mang matalo, lalaban hanggang sukdulan? kasalanan bang umibig at bigyan ka ng mga tula, tingin mo'y nakakakilig - kahit ang mga mata mo'y 'di ko pa nakikita? kasalanan bang umibig, kapag ikaw ang nagpapangiti sa bibig, nakulayan ang bawat pintig ng pusong naghahanap ng hilig? kasalanan bang ang hilig ay ikaw na tamang-tama? boses mo'y nakakanginig, kahit hindi ko pa naririnig. kasalanan bang ang hilig ay ikaw na perpekto. tila ginawa ka ng Diyos na hindi maaabot. kasalanan bang ang hilig ay makita ka nang harapan? upang hindi lang sa panaginip na ako'y nasasaktan. kasalanan bang ang hilig ang isipin na ikaw ay tama? hanap-hanap ang iyong titig na pananakit lang naman ang tema?
0
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 12:10 AM UTC
maaari ka bang tanungin?
*Puso'y tumibok, Hindi hinimok. Kusang sumibol, Hindi naghabol. Naramdaman ang pintig, Binuhay ang pag-ibig. Nagmahal ng buong puso, Umibig ng totoo. Ngunit.. Hindi sinuklian. Hindi ipinaglaban. Ipinagpalit sa iba, Iniwang mag-isa. Luhaan ang mata, Damdami'y nagdusa. Piniga't sinaktan, Nawalang saysay ang ipinaglaban. Kaya... Nagmukmok sa kuwarto, Nagkulong, nagtago. Sarili'y inilayo, Nanlumo, tuliro. Tulala't mga mata'y mugto, Hindi kinakausap ibang tao. Nabaliw, nagpakatanga. Nagmahal na nga lang, nasaktan pa. Subalit.. Buhay mo'y mahalaga. Pamilya mo'y naririyan pa. Sarili mo'y nilikha, Nang isang Diyos na mapagpala. Maging matatag ka, Kalimutan ang sakit at magsimula. Matuto ka, Magbalik loob sa Kanya...*
0
Oct 16, 2015
Oct 16, 2015 at 12:01 PM UTC
Nagmahal, Nasaktan, Nabaliw, Natuto
Bakit 'di pa tanungin ang aking ngala't numero at 'di lang ang petsa't anong sinabi ng **** Bakit 'di pa alamin ang pintig ng puso kong inip na inip nang maghintay sa iyo? Bakit hanggang tingin? Bakit hanggang ngiti? Aking pag-ibig, sinta, batid mo na ba rin? Bakit umiiwas; bakit natatahimik - bakit sa tuwina'y lagi kang walang imik? Para kay seatmate na 'di ako pansin. 'Di mabatid, 'di mabalingan ng tingin. 'Di mo ba alam na sa bawat wanfort na ihinihingi *ay naitatangay nang utay-utay ang aking puso't damdamin?*
0
Oct 7, 2015
Oct 7, 2015 at 8:44 AM UTC
Para Kay Seatmate
Kahulugan  ng kaibigan Ano ng ba para satin Karamay da lahat ng oras Ating siyasatin Minsan ako'y nalugmok Siya  sakin ang umahon. Karugtong ng buhay ko Ikaw ang pintig ng puso ko Pagmamahal na hindi ko natamo Pinasibol mo sa puso buhay ko SALAMAT na kataga kulang pang Ipuri sayo. Munting sulat ko ay iyong basahin Tanging hiling ko'y wag kang mag bago sakin Nag uumapaw na galak ng puso ko Sana'y iyong madama rin.
0
Mar 2, 2014
Mar 2, 2014 at 7:53 PM UTC
KAIBIGAN
#032116 Tutugon iyong kamay Sa musikang natural na naririnig. Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y Turo na yan nila Ma'am at Sir -- Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso At saka umawit ng Lupang Hinirang. Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan, Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta. Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito, Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo. Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin. Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas. Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap. At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa. Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika? O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang? Para sa higit na salapi't oportunidad. Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan? Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa? O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula? Taglay mo pa ang pagmamahal, Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo? May kumpas pa ba sa puso mo Ang kislap ng watawat? Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito? O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino? Masasabi mo pa ba't matatayuan Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?" Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan? Walang Pilipinas, kung walang Pilipino. Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako, Walang Pilipinas kung wala tayo. Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 11:08 AM UTC
Lupang Hinirang
Naulit na naman ang paalam (poetman_24) Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito ngunit pagkatao ko'y laging ganito, namutawi na naman ang paalam sa aking puso bakit pag-ibig kayhirap **** matamo? Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas nagbabadya nang pagpatak na walang wakas, wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas. Bakit naman ganyan ang pagsubok mga tinta'y naghihimutok, ano ba ako sa pintig nang pagtibok ako ba'y sawi sa bawat paglunok? Hindi pala sapat ang likha kong tula kaya lulukutin ko na lamang ang talata, mauuwi na naman ang aking bigong diwa sa 'di matatawarang luha. Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin nasasayang lamang ang taglay na damdamin, nais kong isuko ang pagkatha sa hangin sana masagot pa ang aking panalangin. Makatang walang taglay na panulat mga tinta'y mantsa sa'king balat, nasasawi ako nang hindi ko alam isa ba akong tampalasan? Kung masasaktan ka sa aking piling layuan mo na lamang ako giliw, itanim mo na sa akin ang pasakit tatanggapin ko kahit anong pait. Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala at alalahanin na ikaw ay may halaga, kalimutan mo na lamang ako sinta kung 'yan ang palagay **** tama. Babalik na muna ako sa sa karimlan itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan, ililibing ko na lamang sa diwang hagap na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 1:13 AM UTC
Naulit na naman ang paalam
Sa labing-apat na araw na nakilala kita Minahal ka ng buo Puso'y napahinto, natulala Dahan-dahang bumilis ang bawat pintig At sa bawat pintig na ginagawa nito Dala'y dugo na umaasang sana mahalin ako Namumulang pisngi Namumulang labi At kagaya ng dugo sa katawan Akoy pinaikot-ikot, ikot, ikot... Hanggang sa maubos ang enerhiya Na baon-baon mula ulo hanggang paa At sa dahon ng saging ako ay ibinalot Na parang betamax Iniluwa ng hindi nasarapan Ikinamuhi dahil sa lasa 'Di ko alam kung ako'y tanga o nagmamahal lamang At kung alin man ako sa dalawa Hindi na mahalaga dahil alam kong mahal kita Sa labing-apat na araw na nakilala kita, Pinaglaruan mo ako At kagaya ng mga bata sa lansangan Ako ay naging kalsada At ikaw, ikaw ang trak Na piniling di pansinin ang mga butas sa ibabaw ng dibdib Dinaanan lang Hinayaang bukas Nakabilad sa araw At sa pagbuhos ng ulan Tinulungang lunurin ng tubig na may dalang putik Sa labing-apat na araw na nakilala kita Minahal ka ng buo Nang walang halong pag-aalinlangan Na di inisip kung mahal din ba ako o hindi Pero sa ating munting panahon Nalaman ko na ikaw ay isang relihiyon Na piniling isantabi ang agham At ako, kagaya ng lahat ng bagay sa mundo mo Ay isang bersikulo lamang ng iyong bibliya Na kung hindi maintindihan Gagabayan ang sariling kamay At ibubuklat ang mga kasunod na pahina Mahal, sa labing-apat na araw na nakilala kita Pagod na akong maging kalsada Ayaw ko nang maging parte ng iyong bibliya At higit sa lahat Hindi ako ang iyong dugo Na gagawing betamax at ibebenta Kapalit sa kapirasong salapi Mahal, hindi ako iyon At ngayong tapos na ang labing apat na araw Magiging mahalaga ako para sa akin Nasaktan, nadurog Pero noon 'yon! Mula ngayon tatanggi na ako Tatanggi akong masaktan Tatanggi akong paglaruan Tatanggi akong gamitin At higit sa lahat tatanggihan na kita Lilimutin ko ang iyong pagkatao gaya ng paglimot mo sa akin. Masakit, pero kaya. Matagal, pero kailangan.
0
Sep 13, 2015
Sep 13, 2015 at 12:17 AM UTC
Dugo, Kalsada, Bersikulo

62
Mahilig akong manood ng pelikula Sisiyasatin ko ang bawat balangkas Panonoorin mula sa simula Papunta sa kasukdulan ng kwento Hanggang sa katapusan ng kwento Isa sa paborito kong kategorya nito Ay ang pag-ibig Napakasayang manood ng pelikulang pag-iibigan ang tema Dahil kahit minsan ay katulad din ito ng nararanasan natin Magsisimula sa pagpapakilala Sa “ako nga pala si..” “At ako naman si..” Sabay ngiti na tila titigil ang mundo Bibilis ang pintig ng puso At mapupuno ang tiyan na tila nakalunok ng sangkatutak paruparo At nanirahan sa ilalim ng mga kalamnan mo Napakatamis ng mga simula Ang mga panahong ang mga mata Ang nagsisilbing daluyan Ng enerhiya na nagpapasabay ng tibok ng puso niyong dalawa Ang mga panahong ang mga kamay Ang nagsisilbing hawakan sa pinakamalayong paglalakbay Kikiligin ka sa simula Magpapatuloy sa kasukdulan Magpapatuloy Sa “Bakit hindi mo agad sinabi?” Sa “Bakit ka nagsinungaling saakin?” Sa “Ano bang nagawa ko sa’yo” Sa “Saan ba ako nagkamali?” Matututunan mo na ang pag-ibig pala ay nagbabago Ang dating matamis ay naging mapait At tila isang kape na dating kumukulo sa init Ay nanlamig bigla Sa di inaasahang panahon At sa katapusan ay makikita mo ang dulo Ang pagpapaalam Ang mga salitang “Hanggang dito na lamang tayo” Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan Ay naabot niyo pa rin ang dulo At kahit na masakit ay tatanggapin mo Dahil ang katotohanan ay Ang pag-ibig ay nagwawakas Mahilig ako sa mga kwento Dahil dito umiikot ang mga pelikulang sinusubaybayan ko Ang simula, kasukdulan at pagtatapos Ang paborito kong istorya Ay ang pag-ibig Pag-ibig Na nagsimula sa pagpapakilala Sa pagtanggap ng katotohanan na hindi ko kakayanin mag-isa Sa pagsambit na ikaw lamang ang kayang magligtas sa kaluluwa kong ligaw Hindi man puno ng tamis Pero puno nmn ng tunay na pagsinta Ng totoong nagmamahal Ang mga mata niyang magbabantay saakin Sa tuwing ako’y nag-iisa’t nasa panganib Mga labi, na hindi mo man nakikita ang ngiti pero ramdam ang pagmamahal sa tamis ng salitang sinasambit Mga kamay, na hindi nagsisilbing hawakan, pero gabay At sa tuwing naliligaw na ako’y andyan ka pra itama ang aking landas Pag-ibig Na ang kasukdulan ay Naganap sa krus Kung saan ipinakita ang tunay na kilos ng pagmamahal; Sakripisyo Kahit na hindi ako nararapat sa pag-ibig mo’y Ibinigay mo ang lahat Para lamang maibalik ang ako, na minsan nang naglibot papalayo Sa kasabikan na mahanap ang dulo Kasama ang mundo pero nagkamali ako Ang mundo ay iiwan kang lagalak Sa kalsada Humahanap ng titirhan Humihingi ng makakain At nanlilimos ng ng salapi Pero ikaw ang pumulot saakin Sa pagkaalipin ko sa mapanlinlang mundo Iniangat mo ako sa kahirapan ko Kahit na tila kapeng nanlamig ako Ay hindi mo isinantabi Pinaranas mo ang tunay na pag-ibig Na hindi kayang ibigay ng kahit sino At tulad ng mga pelkulang paborito ko Hilig kong sinusubaybayan ang kwento Ang paborito kong kwento ay ang pag-iibigan nating dalawa, Panginoon. At magtatapos ito sa… Mali. Hindi pa rito nagtatapos ang kwento
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 1:18 PM UTC
PELIKULA

94
061217 Hayaan **** makisabay ang iyong kagaanan sa himpapawid Nang ang bawat hibla'y makatikim ng tagumpay. Pagkat ang iyong baluti'y sagisag ng pagkakaisa At ika'y titingalain sa iyong pagliyad Patungo sa pinakataas-taasang bughaw naming kalangitan. Balutin mo ng dunong ang moog na salinlahi At ika'y gumayak Kasabay ng pagkurap ng haring araw. Wag **** itikom ang panaghoy sa katotohanan Habang ang bulong mo noo'y Maging hayag na sa pitong libong pinagmanahan At maraang mapagyaman ang Perlas ng Silanganan. Ipag-isa mo ang tatlong bituing ipinaglihis ng kadiliman Hindi bilang isang taksil sa lipunang mapanghasik ng lagim. Igapos mo ang kabuuan na tila isang dalisay na karagatan At iyong tabunan ang mga patak ng dugo Sa tigang at umaalingasaw na sistema ng bayan. Sa iyong lubid, kami'y kakapit Habang ang himagsika'y sing-bagsik ng leong May matalim na pangil sa pakikipaglaban. Ang kamandag mo'y tagos sa puso't kaluluwa, Dugtong sa bituka ng kasaysayang may bantog na pag-alala. At sa bawat pintig at pag-indayog ng iyong himig, Ang lahat ay magpakumbaba. Gisingin mo ang diwang nahimbing sa kababalaghan Siyang dulot ng sakim na mekanismo't maitim na pamamaraan. Lapag sa puso at sa sahig ay papagpag ng paninindigan Taas-noo ang aming pagpapatirapa para sa nag-iisang sandigan. Ikaw ang bakas ng aming pinagmulan, Ang ugat ng lakas, dunong at prinsipyo Ng mga supling mo, o Inang Bayan.
0
Jun 13, 2017
Jun 13, 2017 at 8:50 AM UTC
Ipinag-isang Tatlong mga Bituin
"Oo", ang sagot ko, dalawang taong hatid sundo. Mga araw na hindi sigurado kung ano ba talaga tayo. "Oo", ang sagot ko, Buong buhay ko Ngayon lang ako naging sigurado 'Di ko maiikakait pintig ng puso. "Oo", ang sagot ko, Salamat dahil hanggang sa dulo Hinintay **** tumibok muli ang puso Di ka napagod, di ka huminto. "Oo", ang sagot ko, Mga matatamis na pangako Mga araw na ikaw lang at ako Tunay ngang pag-ibig ang nakita ko sa'yo.
0
Apr 24, 2015
Apr 24, 2015 at 4:10 AM UTC
"Oo"
080416 Ilang beses na akong sumusulat ng tula, Nagbilang ng talatang puno ng metapora, At naglaan ng kuwit sa humihingal na mga pangungusap. Ilang beses na akong humukay ng alaala, Mabigyang buhay lamang ang reporma ng katha, Makaniig  lamang ng puso ang mga mambabasa. Ilang beses na akong nagtapon ng papel, Naubusan ng tinta't napurulan ng panulat. Ilang beses ko nang sinabi saking sariling "Hihinto na ako sa sa pagsusulat." Bagkus sa bawat pintig ng puso'y Tanging Ikaw ang pamagat. At sa bawat pagsalin ng lenggwahe ng damdami'y Ni hindi masilayan ang binagtas ng pusong marupok na. Ilang beses na akong nagtula, Pero paulit-ulit ang tugma, Ikaw at Ikaw pa rin ang pamagat.
0
Aug 4, 2016
Aug 4, 2016 at 9:17 PM UTC
Ikaw pa rin ang Pamagat
Isang bagay,isang mithi na gusto ko Mga bagay na ika'y magpapaligaya sa aking tuwina Ngiti **** aking sinusulyapan Pintig ng aking puso ikaw ang siyang hinahanap Dalangin na kay tagal kang hinintay Ngunit sa paglisan mo ako'y nalulumbay Hayaan mo maiparating ang aking munting hiling Pinapanalangin na ako'y mahalin Kahit sa sandali'y ikaw ay mahalin Lubos na dinadasal sa Maykapal Na ika'y patnubayan Mahalin mo ang sarili mo at maging masaya
0
Feb 6, 2013
Feb 6, 2013 at 7:17 AM UTC
Panalangin
Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ng malaya ang mga salita Na hindi mabigkas ng mga labing tikom Sapat ang tinta nitong pluma Pamalit sa takot na pumipigil sa sarili Kung may pluma lamang ang puso Hindi na kailangan pang pagtakpan ng ngiti ang bawat sakit May buhay ang plumang ito Alam niya ang kanyang silbi, ang maghatid ng katotohanan Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ang bawat pagkakataong nais niyang tandaan Mga alaala na dala ng kasaysayan Kung may pluma lamang ang puso Maipaparating niya ang bawat pintig Ng ligaya o sakit Malaya ang plumang ito Walang magbabawal kung ano ang dapat at hindi Walang pipigil sa pagkawala ng tunay na kulay ng bawat pintig nito Kung may pluma lamang ang puso Ito'y susulat ng tula na magsasabing ikaw lamang ang magiging papel na nais nitong sulatan Kung may pluma lamang ang aking puso, Ikaw ang nanaising maging papel Malaya ang plumang ito at ikaw ang kanyang pinipili Buhay ang tinta ng plumang ito At sa iyo, bilang papel, nailathala ang pinakamagandang kasaysayan ng pag-ibig Na binigyang buhay ng isang pluma at papel
0
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 4:33 PM UTC
Pluma at Papel
010717 (Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.) Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing. Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya. Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan. Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang. Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin. At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko. Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako. Matulog ka na, Anak. #010717 #SpokenWordsNiTatay
0
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
Mahimbing na Pagsilang

11
Sa bawat paghakbang ng paang maputik, anaki'y malugmok ang katawang impis. Hindi iniinda ang ngawit ng bisig, sa bawat paghampas ng pulpol na karit. Mata'y pumapait sa agos ng pawis, di ramdam ang init sa katawang manhid. Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik, tila sumasaliw sa pintig ng dibdib. Tinig ng sikmura'y parang humihibik, lalong gumagatong sa hapo at sakit. Pilit pinapawi sa tuwing iihip, ang simoy ng hanging tila umaawit. Sa gitna ng hirap na pinagdaanan, ang tanging hiling sa Poong Maykapal. Nawa'y didiligan ang sangkalupaan, at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay. Sapagkat sa munting pawis-magsasaka, sanlibong sikmura ang pinapasaya. Ang tinik sa paang nakapanghihina, Sanlibong katawan ang pinasisigla. Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat, hindi iniinda kahit naghihirap. Para may mahain sa mumunting hapag, at pagsasaluhan na mayroong galak. Ang iba'y inisip kung anong lutuin, ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain. Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin, ang mga nagtanim salat sa makain? Ganito ang buhay ng may gintong kamay, na puno ng lipak, marumi't magaspang. Subalit malinis ang pusong tinaglay, bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay. Sila ang bayaning dapat na purihin, sandata'y palakol, tumana'y suungin. Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim, katumbas ang bungang gumigintong butil. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 29, 2019
May 29, 2019 at 8:24 AM UTC
Gintong Kamay
Kay dami nang hindi mo katulad ang sinarahan ko ng pinto Hindi labag sa aking kalooban na mag papasok kung sino-sino Para mag kalat, mang gulo, at bantayan ang mahalagang bagay sa akin Dahil alam ko na ikaw ang tahanan ko At nakalaan to para sayo Ikaw ang banyo na binabalik balikan ko na parang balisawsaw ako Ang kusina na nagsilbing lugar, para iluto ko ang putahe na mas matamis pa sa mga ngiti mo Ang silid kainan, kung saan lahat ng gusto mo ay inihain, dulot ng pagmamahal ko Ang sala, kung saan ang tinig ng halakhak at tawanan ay maingat na tinatabunan ang pintig ng puso, Ang aparador, kung saan nakatago lahat ng liham na dapat basahin mo At ang kwarto, kung saan bumubuhos ang luha, na naging takbuhan ko tuwing nalulungkot ako, Sabay mahigpit na yakap sa unan nang hindi ako bitawan nito Ikaw ang susi para mabuo ang tahanan ko, Isang katok lang ang tunog na gusto kong marinig galing sayo Kung pwede lang tanggalin ang pinto na nakaharang dito Ito'y gagawin ko Isang sulyap lang kahit may harang na matataas na bakuran na nakapaligid sakin ay masaya na ako Ipaalam mo lang na hinahanap ako ng mga mata mo dahil para sayo ito Gusto ko nang ipaalam sayo, Ang mga lihim, na wala nang espasyo para ipaglagyan pa Gusto ko nang ipaalam sayo, Na ikaw ang gusto ko, sya lang ang kailangan ko Gusto ko nang ipaalam sayo, Na tunay kang mahal nito At sana'y alam mo ang lihim ko, Na gusto kong ako ang maging tahanan ng puso mo
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 11:08 AM UTC
Lihim na Tahanan
#050116 Nasisilaw ang puso Sa tangan **** Liwanag Nayayanig ang diwa't damdamin Lagpas-Langit ang pasasalamat. Puno ng hiwaga Ang pag-ibig **** alay Hindi matutumbasan Ang kalinga **** grasya. Buhay Mo'y isinuko sa Krus Salita Mo'y bukam-bibig ng kaluluwa. Ako'y sakupin Mo, ang buong pagkatao Ako'y kalingain Mo ng kadakilaan Mo Ako'y alalayan Mo, Yakap Mo ang sasalo Ako'y baguhin Mo, palitan Mo ng bago. Sa kahit anong pagkakamali, Sa kahit anong pintig ng sandali Ikaw ang Gabay na Siyang magwawagi! Daplis ng ulan o bagyong nagkukunwari Hahawiin **** lahat, buhos ang Sarili Sabi Mo'y talikuran ko na ang dati. Madilim ang landas, siyang hindi patas Mantsyang nagdaan, sa bago'y kaltas Walang tugon, mundong nagmamataas Tanging Ikaw, daang Mataas. Hindi madali ang pagbabago Puso ba'y sa Kanya'y sambit ay "oo" Si Hesus lamang, sagot sa delubyo Kalma lang kaibigam wag paaapekto!
0
May 3, 2016
May 3, 2016 at 10:07 AM UTC
Sandalan
Naaalala ko pa ang araw na una kong masilayan ang ngiti sa iyong mukha. Para bang biglang nagliwanag lahat ng tala sa langit. Para bang isang eksena sa isang pelikulang patok sa takilya. Para bang kaya ko atang sumulat ng ilang pahina ng paglalarawan at paghahalintulad nito sa mga bagay na aking hinahangaan. Para bang bumilis ang pintig ng puso kong matagal nang nakaupo’t nananahimik. Para bang maraming sumasabog na magagarang kulay sa paligid, sa aking katawan. Para bang kilala ko ata ‘yung ganitong tagpong naglalaro sa aking isipan. Para bang alam ko rin ata ang kahihinatnan ng lahat. Para bang hindi ata sa akin ang matamis na pag kurba ng iyong labi. Para bang lahat ng ito ay isang pagnanais sa isang pangarap na lipas na. “Para saan?” Tanong ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa iyong labi. Para bang nakita kong sinindihan ang aking mundo at panuorin ‘tong gumuho sa harapan ko. “Para sakanya.” Hindi sa’yo, sa kanya.
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 11:46 AM UTC
Hindi sa'kin
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi. Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon. Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig. Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa. At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da… Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas. Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha. Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan… Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
0
Oct 3, 2016
Oct 3, 2016 at 11:16 AM UTC
DuDa(a dagli)

9
#112915 #12:28PM Naglisawan ang mga katauhang nakaputi At siya’y mistulang diwata Sa kanyang putong at pamato. *“May kuwit ang Langit * Siyang puspos sa pangako – Pangakong may habilin Sa naudlot na pagtatapat. At sa pagniningas ng simboryo’y Ako ang ‘yong katipang sabik, At may bantayog na pagsinta.” Paimpit ang tibok ng puso Habang sayad ang telang puti sa lupa, Mistulang palamuti ang mga rosas Sa pulang salawal ng papag. “Naging maselan ang puso Sa tagal ng paghihintay. Bagkus ito’y maiksing ihip ng hangin, Tanging hiram sa Tagapagbigay ng Buhay. Hindi mahinuha Ang bigkas ng bawat pintig, Ako’y Kanya bagamat inilaan sayo.” “Paumanhin, pagkat minsa’y naging duwag, Duwag akong sa bangin ng pagsuyo Pagkat baka ang huli’y maging pauna. At hindi sapat ang pagsinta Kung wala ang basbas ng Ama.” “O tamang panahon, salamat sa Kanya! Ito’y ipinagtirapa nang ilang ulit. Kung ang pagtugon ay plantsado, Ilang butil ang buhos ng Langit, Sagot sa nakaluhod na pagnilay. Siyang Barandila sa pusong tigang – Sumuyo sa’ki’t bulong iyong ngalan.” “Anumang dagok sa nakaraan, Ang ngayo’y walang katumbas. Minsan hinayaang magpatibuwal Ang pangakong laan sayo. Pagkat pag-ibig Sinta’y Hindi pa hitik sa bunga. Kaya kahit anong pagpalahaw ng damdamin, Tinakpan ito’t di nais na magkayabag.” “Dalpak man ang mga paa, Damdamin ko nama’y tiyak. Kanyang isinulat ang pag-iibigan natin, Siyang patotoo sa tunay na nakapaghihintay.” Yayariin ang detalye’t estilo Ang dunggot ng tuldok, Doon lamang sa ikalawang pagbabalik. Mula sa Langit na Siyang Tagapagkatha.
0
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 8:03 PM UTC
Telegrama sa Altar

50
Saglit lang ang ligawang nangyari. Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali. Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali, Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali. Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi, Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi. Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi, Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti. Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi, Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki, Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki, Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini. Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti, Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati? Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi, Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi. Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi. Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili. Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati. Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi. Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi, Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi, Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
Tamis ng Kahapong Pag-ibig