Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
Stephanie Aug 2018
Para sa Pusong Iniwan
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Umuulan na naman pala
Basa na naman ang kalsada
Malamig na naman ang dampi ng hanging nagmumula sa bukas na bintana
Gabi na rin pala, nalipasan na nang gutom,
Nakapatay ang ilaw sa kwarto, pero maya’t mayang binibisita ng liwanag ng kidlat
ang malungkot na gabi
Ang hirap pala ngumiti kung may luhang dumadampi sa mga pisngi
Nakakatawa kasi eh. Buti pa ang kidlat bumibisita
Buti pa ang kidlat, may hatid na liwanag, tapos yayakapin ka ng kakaibang lamig ng haplos ng hanging dala nito
Mabuti pa ang ulan, bumubuhos na parang malayang-malaya
Bumubuhos kasama ng mga luha
Bumubuhos kasama ng mga sakit na iniwan
Bumubuhos kasabay ng pagluha ng pusong iniwan.

Umaga na naman pala
Buti nalang nagising ng maaga
Haharap sa mesa, at kagaya ng nakasanayan, magtitimpla ng mainit na kape
Tatangkaing gisingin ang diwa, susubukang palitan ng init ang hatid na lamig ng gabi
Iba talaga ‘pag hinahatid ka ng sariling paghikbi sa kapayapaan ng mundo ng mga panaginip
Doon kung saan walang sakit, yung bang walang imposible
Heto na naman, panibagong araw
Araw-araw kong nasisilayan ang sigla ng sikat ng araw pero bakit dama pa rin yung dilim kinagabihan
Hindi pa rin matanaw ang liwanag
Tinangay mo kasi
Sinama mo sa pag-alis
Bakit naman kasi ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam

Tanghali na pala
Oras na ng kain.
At tulad ng dati, inaaya pa rin nila ko kumain
At tulad ng dati, tumatanggi pa rin
Kasi alam ko pupuntahan mo ko tapos sabay tayong kakain
Dun sa dati, sa paborito natin
Tanghalian na pala
Pero imbis na sa pagkain ay sa telepono ako nakatingin
Hindi man aminin pero sa loob loob ko’y naghihintay pa rin
Para sa iyong “kumain ka na ba?” o “Puntahan kita, kain tayo”
Hingang malalim, yung may kasamang matinding damdamin

Ilang tanghalian pa at malilimutan rin kita

Malilimutan ko rin yung ningning sa’yong mga mata kapag kausap kita
Yung mga biro **** corny pero tatawanan ko pa rin kasi habang binabanggit mo yun, natutuwa  ako
Natutuwa ako na kasama kita
Natutuwa ako na kausap kita
Natutuwa ako kasi akin ka
Natutuwa ako kasi ang cute mo, para kang batang masayahin
Natutuwa ako kasi magkasama tayo
Natutuwa ako kasi solo natin ang bawat sandali
Natutuwa ako kasi ikaw yan at mahal kita

Yun. Tumpak! Mahal pa rin kita.


Matagal na rin pala.
At hindi na tulad ng dati
Memoryado ko na lahat ng pasikot-sikot ng pagkatao mo
Ginawa kasi kitang mundo ko
Mahirap.
Masakit.
At para lang malaman mo, hindi kita kinabisado na tila mga salita sa paborito nating kanta para lang limutin
Mahirap.
Masakit.
Hindi naman kasi kita ginawang mundo para lang lisanin
Pero hindi naman talaga kita nilisan, mahal.
Ikaw yung nang-iwan
Ikaw yung sumuko
Ikaw yung bumitaw
At matagal na rin pala
Nung sinabi mo sakin na “Malaya ka na” alalang-ala ko pa. Yun yung panahon kung kalian ayaw kong lumaya. Ayaw kong lumaya sa pag-ibig mo. Gusto ko masintensyahan ng habang-buhay na pagkakulong dyan sa puso mo, sa buhay mo.

Pinilit ko kumapit pero kinalagan mo ako, pangako, pinilit ko pero pinalaya mo ako

Matagal na rin pala
Mahirap pa rin.
Masakit pa rin.
Ako nalang ang hinihintay. Siguro’y panahon na.
Para sarili ko naman yung palayain ko
Hindi naman siguro kailangang pilitin
Hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging parte na rin ng pagkatao ko
Pero para sa ikalalaya ng pusong iniwan
Para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan
Sisimulan ko na…..                makalimot.

Pero teka…


Umuulan na naman pala.
Wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala


Maaalala na naman kita.
I just have every pain and smiles enough to write this piece, not necessarily the experiences. Perhaps, with all my heart
Sy Lilang Mar 2017
032317

Saan ka na?
Mahal mo pa ba ko?
Ano bang nangyari?
Galit ka ba?
May nagawa ba ako?
Nagbago ba?
Wala na ba?

Sa dami kong tanong,
Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan.
Ang agang nawala yung sabi nating
Sana'y pangmatagalan.

Paalam, pero biglaan
Hindi ko naman inasahan
Na sa ikaapat na pagkakataon
Bibitaw ka, mauuna ka na naman.

Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali
Akala ko kakayanin ko pang maghintay
Sa bawat oras na walang pagkukunwari.
Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi?
Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli?

Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa
Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa?
Tinanong kita, kung may iba na ba?
Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba?
Bakit nga ba nawala ka?
Iniwan mo na ba talaga ako?

Naghintay ako ng paliwanag mo
Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako?
Isa lang naman yung hinihintay kong sagot,
Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot?

Tumatakbo na lang akong mag-isa;
wala ka na kahit sa anino man lang.
Hindi ka na nagparamdam pa,
Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang.

Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako
Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako
Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko.
Parang lahat nagbago na,
Pati ako, tila limot mo na.

Iniisip ko kung paano yung mga plano natin,
Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin.
Makakasama pa ba kita ulit?
Parte pa ba ko ng buhay mo?
O nasabi mo na lang na "tama na."

Pasensya, kasi hindi ko ata kaya
Ilang beses ka na kasing nawala
Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan
Bumangon naman ako pero lagi **** binabalikan.

Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo
Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo?
Gusto ko nang umuwi at makita ka
Pero wala ka na eh,
Wala na pati yung pagmamahal mo.

Babalik ka ba? May hinihintay ba ako?
Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko.
Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan
Na sana manatili ka naman
Na sana kahit ngayon lang naman.

Pero wala, naubos na ako
Wala na akong laban at talo na ako.
Oo, hindi ko tanggap lahat
Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat
Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya
Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga
Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo
Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako.

Nakakapagod na kasing iyakan ka
Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa.
Na ikaw na yung pinapangarap ko,
Pero hindi pa rin pala kita maabot.

Hindi naman kita pinakawalan,
Pero ba't mo ko binitawan?
Sana sinabi mo agad
Sana pinaliwanag mo
Kasi di ko maintindihan
Di kita maintindihan.

Pero kung may ibang sana akong hiling:
Kung aalis ka man uli,
Sana'y magpaalam ka man lang
*Sana sabihin mo, *para bumitaw na rin ako.
Leonoah Apr 26
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Nath Rye Jan 2016
Isang pinto ang nasa aking harapan.

Pintong gawa sa kahoy. Limang tao ang lapad ng pinto, at dalawan' tao ang taas nito. Dahan-dahan 'kong hinawakan ang nakausling parte.

Hinila ko. Ang bigat.

Isang engrandeng *ballroom
ang itinatago ng pintong aking pinasok. Ang una talagang mapapansin ay ang magarang wallpaper na yumayakap sa pader. Sa pinakaharap, may hagdanan na tila hari't reyna lang ang maaring gumamit. Sa bawat dulo ng hagdanan, may mga nakapatong na gintong mga dekorasyon- mga anghel at mga hayop na makikita lamang sa panaginip. Pero, mapapatingala ka talaga sa larawan ng Diyos at mga anghel na sumasakop sa buong kaitaasan ng ballroom.

Ang amoy naman, amoy ng mamahaling pagkain.
May mga lamesa at mga plato para sa mga nais kumain

Ang unang yapak ko sa loob ay sinalubong ng mga tingin mula sa mga tao sa loob. Lahat sila'y magkamukha...

magkakambal kaya?

Nilapitan ako ng waiter. May dala-dalang alak.
"Ser, gusto niyo po ba ng-"
"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"
Lumabas lang ang mga salita sa aking bibig. Di na ako nakapaghintay.

"Ah... ser, kung gusto niyo po ang kasagutan sa tanong niyo, sigurado akong may makakapagpaliwanag sayo nang mas maayos."

At sabay siyang umalis.

Inikot ko ang ballroom. Kinausap ko ang mga tao. May mga sumasayaw, may mga kumakanta, at mayroon pang mini magic show. May mga nakabarong, iba nama'y naka tuxedo.

Naging masaya ang mga usapan, hanggang itinanong ko ang tanong ukol sa kanilang pagiging magkamukha. Pinapasa-pasa lang nila ang tanong sa mga ibang nasa ballroom. Ika nga, "hindi nila mapapaliwanag nang mabuti."

Ano naman ang napakakumplikadong paliwanag na ito?

Lahat ba, naitanong ko na?

Nanlaki ang aking mga mata. May nakita akong nag-iisa sa dulo ng kwarto. Mukhang matalino. Nilapitan ko.

"Sarap ng pagkain."

Binigyan niya 'ko ng tingin ng pagkagulat.

Makalipas ang ilang segundo, nagsalita na rin siya.

"Ganyan ka ba talaga nagsisimula ng isang conversation?"

"Di eh. Pero masarap naman talaga. Kinailangan ko lang ilabas ang matinding damdamin ko para sa handa."

Tawanan. Pero desperado na 'ko. Gusto ko nang malaman kung bakit.

"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"

"Ah.... ikaw ay tulog ngayon. Nananaginip ka lang. Ang bawat tao rito'y indibidwal na parte ng iyong sarili. Ang iba't-iba **** personalidad, nag anyong-tao."

"Ha?"
Ginagago ako nito, ah.

"Subukan '**** kurutin ang 'yong sarili. Di siya masakit, di ba?"

Tiningnan ko ang braso ko. Kinurot ko, yung masakit talaga.

Wala akong naramdaman.

"Gets? Ako ang parteng nais tumulong sa iba, sa kapwa-tao."

".... Maniniwala muna ako sayo, ngayon. Pero, ibig sabihin ba'y ang lahat ng personalidad ko'y pantay-pantay?"

"Hindi. Ang mga taong nasa itaas ng hagdan, sila ang pinakamalalaking parte ng 'yong sarili. Kaya sila ang mga pinakamakapangyarihan dito sa ballroom."

"At pwede akong umakyat doon?"
Gusto kong umakyat.

"Handa ka bang tanggapin ang iyong sarili? Pa'no kung puro mamamatay-tao pala ang mga nasa itaas? O magnanakaw? O sinungaling?"

"Edi ok, tanggap ko naman na di ako perpekto."

Pero sa isipan ko, natakot ako. Nakakatakot makita ang mga masasamang parte ng sarili mo, na naging sarili niyang tao.

"Edi umakyat ka. Panaginip mo 'to. 'Di akin."

"Sige, salamat pare."

"Geh."

Inakala ko na ang huli niyang sasabihin ay may relasyon sa pag-iingat, o pagkukumbinsi na 'wag na 'kong umakyat. Pero dahil sa isang "geh" na sagot niya, nahalata 'kong wala na akong makukuhang impormasyon kung di ako aakyat.

Nasa harap na ako ng hagdanan. Kung nakatayo ka pala rito, parang nakatitig ang mga gintong dekorasyon sa 'yo.

Isa-isa kong inakyat ang mga hagdan, at sa taas, may nakita akong apat na tao.
  
Yung tatlo, nakikinig at tumatawa sa biro ng isa.

"Hi...?"
Wala naman akong ibang masabi, e.

Bigla silang tumahimik at napatingin sa 'kin.
Alam na siguro nila kung sino ako, dahil nilapitan nila ako at nakipag-kamay.

"Alam mo na ba ang lugar na ito? May nagsabi na ba sa 'yo?"

"Oo. Sabi sa 'kin ng isa na kayo raw ang mga pinakamalaking parte ng aking personalidad."

"AHHH! Mali siya! Nasa impiyerno ka na ngayon. Masama ka kasi eh."

Napatingin lang ako sa kanya.

"Joke lang, 'wag naman masyadong seryoso. Edi madali na lang pala! Sige, pakilala tayo!"
Ngumiti naman ang apat.

Nauna yung tatlo.

"Ako ang parte **** responsable. Alam mo ang mga responsibilidad mo, at maaga mo tinatapos."

Wow. Responsable pala ako.

Ang pangalawa.
"Ako naman ang parte **** madasalin. Malakas ang tiwala mo sa Diyos, kaya mahilig ka magdasal."
Grabe, banal pala ako?

Ang pangatlo.
"Ako naman ang parte **** mahilig sa sports. Mapa-boxing man o swimming, o basketball. Lagi kang handa."
Parang yung bodybuilder ko lang na klasmeyt ah. Napatawa ako.

At ang pang-apat, at ang lider:
"Ako ang parte ng sarili mo na nais makatulong sa ibang tao. Handa kang magpatawa kung kailangan, pero kaya mo naman ring magseryoso. 'Di ka nang-iiwan. Tunay kang kaibigan."

Pero yung tao kanina yung nais makatulong sa ibang tao.... baka ito yung sinungaling. Bahala na.


"Kayo ang pinakamalaki? Natutuwa naman ako."
Nagtawanan lahat.

"Pero may isa pa. Ang pinakamalaki talaga sa lahat."

"Saan?"
Saan nga ba talaga?

"Dito. Halika. Bago ka magising. Para makilala mo."

Pumunta yung pang-apat sa isang dulo ng kwarto. May pinindot siya. May maliit na butas na nagpakita sa pader. Madilim. Nahirapan akong pumasok. 'Di na sumunod ang apat.

Sa gitna ng kwarto, may isang tao. Isa. Nag-iisa, kasama ng mga libro at papel.

"Ikaw ang pinakamalaking parte?"

Tumingin lang siya sa 'kin.

"Ikaw ba talaga? Ano naman sinisimbolo mo?"

"Ako ang katahimikan. Ang katahimikan sa iyong loob. Matatag ang puso mo, at kahit marami kang kinakatakutan, hindi ito nagiging hadlang sa 'yo. Ako ang nagbibigay buhay at enerhiya sa lahat ng mga personalidad mo."

*At ako'y napatahimik. Katahimikan pala ang pinakamalaking parte.
It's 3:44 am woooooooo I started at 3. ps this is in tagalog/filipino. thank you
w Nov 2016
18
Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan
Pero ang pinaka nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto
Puno ng tunog at salita
Puno ng biruan at tawanan
Pero ramdam **** nag-iisa ka
Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka
Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang
Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
Nakakapagod ano?
Nakakapagod magkunwaring masaya
Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa
Pero alam naman natin
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya
Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam
Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa
Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
Alam ko,  pagod ka narin
Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
Sa mundong malawak at mapaglaro
Sa mga tulang isinulat pero walang laman
Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig
Sa mga matang blanko na walang ningning
Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang
Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon
Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load
Talaga namang nakakapagod ang mundo
Minsan nga nakakagago
Itulog nalang natin 'to, ano?
Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat
Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit
Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban
Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso
Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo
Yung bang dalawang klase ng pagkabigo
Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin
At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot
Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats
Nganga kung nganga
Nada kung nada
Itlog kung itlog
Pero hindi pa tapos ang kwento
Malayo pa ang lalakbayin
May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya
Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din
Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas
Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw!
Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon
Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso
Habang wala pang tugon mula sa itaaas
Salamat sa oras na tibok ng puso
Kakapit muna ako kay Captain Yoo
Sa seryoso pero nakakakilig na ugali,
Sa swabe niyang mga the moves,
Sa grabehan niyang mga titig,
At sa mala-fairytale nilang storya,
Captain, ako nalang please!
Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo
Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.
JK Cabresos Sep 2012
Sino ba naman ako para magpakitang muli sa'yo
at sabihing sorry sa lahat ng aking nagawa?
Sino ba naman ako para humingi ng pagkakataong
maibalik pang muli ang mga nangagdaang panahon?
Sino ba naman ako para magparamdam muli
at sabihin sa'yo, na miss na miss din kita?
Sino ba naman ako para mahalin kang muli
at susubugang ibalik ang 'yong pagtinging nawala?
Sino kaya ako? Sino ba naman ako?

Ayos lang na magalit ka sa'kin, okay lang talaga! Promise 'yan.
Sapakin mo 'ko kung gusto mo, wala akong imik pa rin,
wala akong pakialam,
kasi ang alam ko pinaghintay kita ng matagal,
sinaktan kita ng matagal, iniwan kita ng matagal,
matagal na matagal, kasi mali lahat ng inakala ko.
Sabi ko, "You're too good for me",
tama! Oo, kaya nga siguro mahirap lumapit
at sabihin lahat ng nararamdaman ko noon.
Pero sino ba naman ako para humingi pa
ng isa pang pagkakataon na ibigin mo?
sino ba naman ako?
Kundi isang tao lang na wala ng silbi na sa'yo.
Okay, tanggap ko na, tanggap ko na lahat,
pero tanong lang,
May chance pa ba ta'yo?
May chance pa ba na maibalik ko ang nakaraang
inukit natin sa isang bato?
I think it's too early pa para magparamdam muli.
Pero teka lang, wait.....
tanong ko muna, bago matapos 'tong tula,
mahal mo pa rin ba ako?
O kaya'y,
hanggang ngayon ba'y may gusto ka pa rin
sa isang pahamak na katulad ko?
At sinasabi mo lang ba na wala na para
masaktan mo rin ako?
Please lang naman o, try to answer lang.
Kahit anong isasagot mo,
I will accept it naman.
© 2012
HYA Feb 2018
Pumara ako ng jeep sa tapat ng kanto
Kinausap ko ang sarili at nagmukhang tonto
Pagpasok ko sa loob ay doon ko natanto
Na iba't ibang uri pala ang mga ito

Una, ang babae na tinatawag ako upang kunin ang bayad
At sino ba naman ako upang hindi pumayag?
Binilang ko ang pera at ito'y nagkakahalaga ng sampu
Subalit ang naisukli sa kanya'y piso

"Manong, kulang po ng dalawa ang sukli niyo
Baka lumalabo na po ang pananaw mo
Manong, maaari ko bang kunin ang dalawang piso
At nang makababa na po ako?"

"Nako,  iha. Tumaas na ang presyo ng pamasahe ngayon
Lalo at magiging luma na ang bagong taon
Hindi mo ba narinig sa balita, iha?
Halika at aking ipapakita ang ebidensya"

Tumahimik ang babae at bumaba
Mukhang siya pala ang may malabong mata
Minsan kasi sa buhay,  magtingin tingin din sa kaliwa
Dahil kapag puro kanan lang,  iyan ay magsasawa

Hindi nagtagal, may nagbayad na naman
Ngayon, ang pera ay may malaking laman
"Manong, sayo na ang sukli
Para makabili ka naman ng gusali"

"Gusalina (gasulina) ba kamo, iho?
Huwag na, ito ang sukli mo
Makakaya naman ng bulsa ko
Heto na, iyan naman ay talagang dapat sayo."

Napaisip ako nang bigla
Nakakalungkot kasi talaga
Kahit buo yung ibinigay mo
Kapag ayaw niya, isasauli parin sa iyo

Nagpatuloy ang aming biyahe nang tahimik
Hanggang ang isang segundo'y pumitik
Bumaba ang isang mama nang hindi nagbayad
Kahit ang pera naman niya ay kanina pa sumasayad

Inireklamo namin siya kay manong
Siya ay aming tinanong
Kung bakit ang mama ay kaniyang pinabayaan
At hindi rin niya pinagalitan

"Para saan pa? E yun ang gusto niya
May mga tao talagang lalapitan ka lang, hindi ba?
Kapag sila ay may kailangan sa iyo
At kapag tapos na, sila ay lalayo

Kaya pabayaan mo na sila
Nakatulong ka naman,  iyon ang mahalaga
Huwag mag-alala,  nandyan naman si karma
Naghihintay lamang upang kunin sila"

Napatahimik kaming lahat at ngumiti
Sana, ang mga taong kagaya ni manong ay manatili
Maputi ang budhi at kapuri-puri
Sa mundong alam natin ay sari-sari

May napansin akong binatang hindi mapakali
Kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyayari
Gusto na niya raw na bumaba
Ngunit napapangunahan siya ni kaba sa pagsasalita

Baka may sabihin ang iba tungkol sa kaniya
Baka magiging katawa-tawa siya
Baka ang lahat ay titingin
At baka mas lalo siyang maliliitin

Magsasalita na sana ako ngunit ako'y naunahan
Ng isang babae doon sa aking kanan
Naglahad siya ng iba't ibang ideya na hindi ko naisip
At ang nakabuka kong bibig ay sadyang tumakip

Nga naman. Bakit ka pa kumakapit?
E wala naman sa iyo ang pumipilit
Kung ayaw mo na, bumitaw ka na
At ang kapit ay huwag ng higpitin pa

Narinig ko ang pag-uusap ng dalawang estudyante
Tungkol sa matematikang nagpapapabebe
Ayaw daw magpaintindi kahit ano ang kanilang pilit
Kaunti nalang at sila na ay magagalit

Meron pa ang linyang nakahilera na ayaw magkonekta
Walang magawa kahit sobrang lapit na
Kaya namang ngumiti sa isa't isa
Ngunit silang dalawa ay puro lamang salita

Isa pa tong linyang padaplis na isang beses lamang nagkatagpo
Pagkatapos ng nakaraan ay patuloy ng lalayo
Hanggang makakalimutan ang mukhang nakita
Hanggang lumabo ang mga inipong alaala

Pero kung hindi mo naman naiintidihan, babalik ka parin sa matematika
Kapag mababa ang iyong grado, siguradong malilintikan ka
Kung titingin sa papel, walang ibang malalaman kung hindi ang pangalan
Aasa nalang sa katabi at makikipagsabwatan

Tumawa kaming lahat sa kanilang pag-uusap
Habang ang simoy ng hangin ay nilalasap
Nagrepresenta ang isang pasahero na sila'y tulungan
Upang hindi na nila dapat pang makipagsabwatan

Kapag ang isa ay dadagdagan mo isa, ito ay magiging dalawa
Subalit hindi ganito kasimple ang lahat ng problema
Maghihirap ang iyong utak sa kakaisip sa sagot
Hindi mo nalang mamamalayan na ikaw na pala ay napapanot

Meryenda, almusal, tanghalian at hapunan
Susunod muli ang umagahan
Kung ganyan ang kadali ang buhay
Siguradong madali tayong mamamatay

Kasi walang magpapatapang sa ating mga kalooban
Puro madadaling bagay lamang ang ating masasaksihan
Kaya magpasalamat nalang sa kahit anong ibinigay ng Maykapal
Dahil kung hindi, sigurado.  Ikaw ay makapal.

Nagsimula na silang magturo sa dalawa
At ang kanilang mga bibig ay talagang nanganga
Ngunit nakita ko na kinakailangan ko na palang bumababa
At hindi na rin ako nag-atubiling bumayad at pumara

Araw-araw, iba't ibang uri ng tao ang nakakasalamuha
Kaya parating ngumiti at huwag lumuha
Dahil ngayon ay araw ng mga puso
Tayo na at magdiwang dahil tayong lahat ay may puso
piyesa para sa Araw ng mga Puso
Pero february 19 na! HAHAHA pero it's better to be late than never, nga diba?
kha Feb 2019
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
Eugene Oct 2018
"Ilabas ninyo ang kuya namin!" sigaw ni Mon.

"KUYA! Kami to mga kapatid mo!" sigaw naman ni Jef.

Halos magambala na ang mga kapitbahay sa kalye Casa dahil sa ingay ng pagsisigaw ng magkakapatid. Mahigit sampung taon na rin nilang hinahanap ang kanilang nakatatandang kapatid. At may nakapagsabi sa kanilang nasa kalye Casa lamang ito at kasama ang tunay nitong mga kapatid.

"Anong problema ninyo ha? Nakakaistorbo na kayo sa kabilang at sa kalye rito. Sino ba hinahanap niyo ha?" lumabas ang isang matangkad na lalaki at nagsalita sa kanila.

"Alam naming nandito ang kuya Regie naman. Ilabas niyo siya!" sigaw ni Mon.

"Walang Regie dito. At sino kayo? Ni hindi ko nga kayo kilala e," sagot ni ng lalaki.

"Kilala ka namin at ikaw ang nakatatandang kapatid namin. Magkakapatid tayo sa ama. Ikaw si kuya Ryan," wika ulit ni Mon.

"Ah ganun ba? Bakit hindi ko yata alam? Sino bang tatay ang tinutukoy mo?" takang-taka ang mukha ni Ryan nang sabihin nito na magkapatid daw sila sa ama.

"Hindi ikaw ang sadya namin dito. Ilabas mo ang kuya namin!" wika ni Jef. Agad siyang nakipagpatintero upang makapasok sa loob ng bahay. Pero napigilan ito ni Ryan.

"At anong karapatan mo, ninyo na pumasok sa bahay ko? Kayo ba ang may-ari?" mataas na ang boses ni Ryan nang mga sandaling iyon pero nanatili pa rin siyang mahinahon dahil ayaw niyang gumulo pa. "Ang mabuti pa ay umuwi na lang kayo. Walang Regie dito. Nagkamali kayo ng pinuntahan."

"Hindi kami aalis dito. Alam naming nasa loob ang kuya namin. Ilabas niyo siya?" nagpupumilit pa rin si Mon at bigla na lamang niyang iwinaksi ang kamay ni Ryan na nakaharang sa pintuan ng kaniyang bahay. Hindi naman hinayaan ni Ryan na makapasok ito at doon ay ibinuhos na ang kaniyang galit.

"SUBUKAN NINYONG MAGPUMILIT PA NA MAKAPASOK! Ipapa-barangay ko na kayong lahat!" halos kita na ang mga ugat sa leeg ni Ryan sa pagsigaw nito sa kanila. Pero hindi pa rin natinag ang magkakapatid.

"Wala kaming pakialam kung iyan ang gusto mo!" bulyaw naman ni Mon.

Magsisimula na sana ang matinding kaguluhan sa pagitan ni Ryan at ng magkakapatid nang isang boses ang kanilang narinig.

"Sino ba ang hinahanap ninyo ha?" wika nito at mula sa likuran ni Ryan ay nakita nito ang kaniyang kapatid na inaalayan ng isa pa niyang kapatid. Mangiyak-ngiyak naman ang magkakapatid na Mon at Jeff nang makita ang pakay nila.

"Kuya! Kuya Regie!" magkasabay na tawag nila sa pangalan nito.

"Sinong maysabi sa inyo na lapitan ang kuya Ron ko ha?" sigaw naman ng isang binata na nakaalalay kay Ron.

"Hayaan mo muna sila Anghel," saway nito sa kapatid na patuloy pa rin sa pag-aalay kay Ron.

"Kuya, ako ito, si Mon at kasama ko si toto Jef. Kuya, miss ka na namin. Uwi na tayo, please!" nang mga oras na iyon ay nanatiling walang emosyon si Ron sa mga salitang kaniyang naririnig.

"Hindi ako si Regie at lalong hindi ako ang kuya ninyo. Wala akong kapatid na Jeff at Mon. Anghel lang at kuya Ryan ang mayroon ako. Kaya, pakiusap umalis na kayo rito!" wika ni Ron.

"Kuya, bakit? Ano ba ang nangyari? Anong ginawa niyo sa kuya namin ha?" nagtatakang tanong ni Mon nang mapansin sa iisang direksyon lang ito nakatingin.

"Bulag ang kuya Ron namin. Naaksidente siya. Kaya kung maaari ay lisanin niyo na ang bahay namin dahil hindi ito makabubuti sa kaniyang pagpapagaling. Pakiusap," sagot ni Anghel.

"Kuya. Alam naming ikaw iyan. Ikaw si kuya Regie namin. Ikaw ang tumulong sa amin nang mga oras na kailangan ka namin at nandito na kami upang kami na ang mag-alaga sa iyo. Please bumalik ka na sa amin. Nakikiusap kami kuya Regie. Kuya Ryan, payagan niyo na po kaming iuwi kuya namin," parang gripong sunod sunod sa pag-agos ang mga luha ni Mon.

"Walang isasama! Hindi niyo siya kuya. Kuya namin siya! Umalis na kayo rito!" bulyaw ni Anghel. Naitulak ni Anghel si Mon at muntik na itong matumba. Nang makabawi ay sinuntok niya si Anghel sa mukha at nakipagsuntukan na rin ito kay Mon. Pilit namang nakikinig at nakikiramdam si Ron sa mga pangyayari.

"ITIGIL NINYO 'YAN!" sigaw nang sigaw si Ron pero tila walang nakakarinig. Panay naman ang awat ni Jef at Ryan kina Mon at Anghel. Hindi na nakatiis si Ron at muli itong sumigaw.

"TITIGIL KAYO O AKO ANG AALIS!" lahat ay napalingon kay Ron at maagap na bumalik si Anghel sa tabi ng kaniyang kuya upang pigilan ito.

"Sorry, kuya," pagpaumanhin ni Anghel.

"Kayong dalawa, Jeff at Mon, pakiusap. Ayaw ko ng gulo. Umuwi na kayo dahil walang Regie sa pamamahay na ito. Hindi ko kayo kilala at lalong wala akong matandaang tinulungan ko kayo bago pa ako maaksidente. Kaya, umuwi na kayo!"

Hindi naman nakapagsalit sina Jef at Mon. Mabibigat ang mga paang nilisan nila ang bahay na iyon na patuloy pa rin sa pag-iyak dahil nabigo silang iuwi ang kanilang kuya Regie.

Habang papalayo naman ang magkapatid ay doon na bumigay si Ron at hindi na napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Ang totoo ay kilala niya sila ngunit ayaw na niyang matali pang muli sa nakaraan. Masaya na siyang malaman na ang kaniyang mga step brothers ay nasa mabuti nang kalagayan. Kahit sa kaloob-looban ng kaniyang puso ay sabik din itong mayakap sila pero naipangako niya sa kaniyang sarili na kalimutan na niya ang kaniyang pinagmulan at ang mga taong naging bahagi ng kaniyang nakaraan. Nais niyang ituon na lamang sa kaniyang tunay na mga kapatid ang pagmamahal na hindi niya naiparamdam sa mga ito buhat nang sila ay nawalay sa isa't isa.
Hai naman unko ki jo iss deh ko amaratwa dekar...
Iss jagat me shaurya ki ziwit kahani ** gye hai...
Hai naman unko ki jinke saamne bauna haimalya...
Jo dhara par gir pade par aashmani ** gye hai...
hai naman unko....

Likh chuki hai vidhi tumhari veerta k punya leke...
Vijay k udhgosh geeta k kathan tumko naman hai...
Sindoordaano ki gathao desh hit pratipatth yaowank dapan
tumko naman hai...
Bahan k bishwas, bhai k sakha, kul k sahare, pita k vrat k falit
Maa k nayan tumko naman hai...
Ki hai naman unko ki jinko mrityu paakar hui paawan...
Sikhar jinke Charan chukar or maani ** gye hai...

Ki hai naman unko ki jinke saamne bauna himalaya...
Jo dhara par gir pade par aashmani ** gye hai...
hai naman unko....
Copyright© Shashank K Dwivedi

email-shashankdwivedi.edu@gmail.com
Follow me on Facebook - https://www.facebook.com/skdisro
c a e Jul 28
“minahal mo ba talaga ako?”

pakawala ko sa buntong-hiningang tanong. higit isang taon ding namalagi sa isipan ko.

“minahal mo man lang ba ako?”

pag-ulet kong tanong nang manatili siyang tahimik. iniangat ko ang mga mata ko para tignan siya. isang taon na mula ng huli naming pagkikita. iba na ang gupit ng buhok niya ngayon. mas nagmukha siyang seryoso dahil don.

ilang minuto pa ang lumipas bago siya sumagot. nanatili ang tingin niya sa labas.

“minahal kita. higit pa sa alam mo. marahil, higit pa sa naparamdam ko.”

“pero bakit ganon? ikaw yung huli kong inisip na manghuhusga, pero sayo pala mismo manggagaling.”

“ikaw yung higit na pinagkakatiwalaan ko sa lahat, pero ikaw rin yung bumali” matipid siyang ngumiti. ramdam ko yung pait. walang emosyon sa kaniyang mga mata.

napailing ako. eto nanaman. mga salitang pinakawalan namin nungg gabing natapos kami-ang kaibahan lang, sa personal ngayon at hindi sa tinig lang.

“mali ka. hindi mo ko minahal. hindi ako, kundi yung bersyon ko sa isip mo. hindi ako, kundi yung ako na nabuo mo sa imahinasyon mo.”

“minahal kita. sobra-sobra. kaya lang, nagbago ka. nung una, paunti-unti, hanggang sa pakiramdam ko, ibang tao na yung nasa harap ko. siguro dahil, nalingat ako, dahil di ko binuhos lahat ng atensyon ko.” saglit niya kong binigyan ng tingin na parang nahihirapan.

“dahil di naman siya nawala talaga diba? sabi mo noon, may mga pagkakataong magkasama tayo pero siya yung iniisip mo.”

hindi siya makasagot, pero bakas sa mata niya na tama ako. nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. matagal na yon. ayos na rin ako. sadyang iba pa rin pala kapag harap-harapang sabihin sa’yo.

“pero hindi naman ganun ang pagmamahal. hindi naman porket nagbago, dapat nang sukuan. kase lahat naman nagbabago. kahit ikaw, narasan ko ang ilang beses **** pagbabago. pero kahit ganun, pinili ko pa ring manatili. para sa’yo. para sa’tin”

“patawad. alam kong ako yung naging dahilan kung bakit umalis ka noon, alam kong napagod ka. pero hindi ko inakalang ganun-ganun mo lang ipagpapalit. na ganun ka kabilis magkakaroon ng bago.”

“hindi kita pinagpalit! hindi ko tinapon yung isang taon!”

mabilis kong kinalma ang sarili ko. ganitong ganito rin yung mga sinabi niya noon. ganun pa rin pala ang tingin niya. na binasura ko lang lahat. na parang mas mabigat pa yung naramdaman niya sa isang beses na pinili ko ang sarili ko kaysa sa kung paano niya pinaramdam na kahit ako yung naroon para sa kanya, kahit kailan di magiging sapat.

“bago ako umalis, sinabi ko sayo kung bakit. umasa akong ipapaintindi mo kung bakit nagbago yung pakikitungo mo, umasa ‘kong mapapansin **** nasasaktan na ako. umasa akong pipigilan mo ko, na sasabihin **** 𝘢𝘺𝘶𝘴𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 ‘𝘵𝘰. pero niisang salita, wala akong narinig. malamang iisipin ko, wala lang lahat nang ‘yon. kase hinihintay mo lang naman talaga kong umalis diba? ayos lang sayo kung manatili ako o hindi. ako kase yung nasa tabi mo. sanay ka na kamong iniiwan. sinubukan ko naman eh. sinubukan kong maging iba sa kanya base sa mga kwento mo tungkol sa kanya. kahit ang hirap. pero kahit ano namang gawin ko, ganun pa rin iniisip mo. na mawawala ako. kaya wala na rin akong ibang magawa kundi lumisan. kase sa pananatili ko, naubos ako. naubos na ata lahat ng isasakit bago pa man ako magpaalam. kahit nung nasa tabi mo pa ko, wala na akong maramdaman. kaya hindi mo ako masisisi kung mabilis. gusto ko lang namang mawala yung pagkamanhid. kasi kung may nakuha akong explanasyon o kahit isang salita galing sayo, alam **** hindi na ko tumuloy sa kabilang dako ng pinto, na mas pipiliin kita ulet-handa akong isantabing muli yung sakit.”

may ilang luhang nagpumilit na tumakas sa gilid ng mga mata ko. agad ko ring pinunasan ang mga ito. bigla nanaman bumalik ang mga ala-ala na akala mo hindi taon ang lumipas, parang kahapon lang. kasabay nito ang panandaling panunumbalik ng sakit.

“naniwala ako sayo nung sinabi **** ako lang. na walang iba. pero ang sakit nung ilang linggo lang pagtapos natin, may iba na agad sa tabi mo. may iba ka na agad kasama’t kayakap. may iba nang nagpapangiti sayo.”

kita ko ang pagkuyom niya sa kaliwa niyang kamay gaya ng ginagawa niya dati sa tuwing may bumabagabag sa kanya.

“tapos na tayo nun. gaano katagal ba dapat akong magluksa? kahit naman nung nasayo pa ako, mabilis mo ring binawi yung sayang pinaramdam mo nung una. na una pa lang, kahit ako na yung naroon, kasama mo pa rin siya sa isip mo. minahal mo lang ako kase ako yung nasa tabi mo. kaya wag mo akong sisihin kung ginusto kong sumaya ulet.”

“sana binungad mo na agad yun nung humingi ulet ako ng isa pang pagkakataon. hahayaan naman kita. kung nalaman ko lang ‘yon, hindi na kita ginulo pa. pinatay ko na dapat lahat ng naipong pag-asa sa utak ko, na pwede pa.”

“ang malas ko lang talaga, pagdating sayo, kaya kong itigil lahat. nung ginusto **** bumalik ako, umaahon na ko paunti-unti eh. kahit paano, nakakahinga na ko ulet. lahat sila sinabing wag na kitang pansinin, na sarili ko naman muna sa pagkakataong ‘to. akala ko mali lang sila ng paghusga, kase hindi ka nila kilala katulad ng pagkakakilala ko sayo. wala eh, nagparamdam ka lang, naapektuhan nanaman ako. pagdating sayo, ang tanga-tanga ko. ganun na lang kita kamahal. hindi lang isang beses; umulet pa ko. ayun lang naman kase yung kailangan ko, yung marinig na gusto mo pa, na gusto **** ayusin.”

“inaayos naman na natin nu’n diba? nagiging masaya na tayo ulet. nakikita ko kung pa’no mo sinusubukang bumawi. kaso wala, nung malaman **** sinubukan kong kumilala ng iba hindi mo matanggap. traydor ako, sabi mo. at sa pagkakatong yun, ikaw naman yung nang-iwan. akala ko wala na akong mararamdaman. na ayos lang, nangyare na ‘to, naulet lang, nalampasan ko na ‘to. pero hindi, mas masakit pa pala. tangina sobrang sakit. kase ayun na yung hinihingi ko, tapos binawi nanaman kung kelan hinding-hindi ko inaasahan. tangina.”

“siguro nga kaya hindi naging maayos ‘to kase hindi ko inayos yung nakaraan. hinayaan kong sundan ako ng multo niya, hinayaan kong saniban ng nakaraan yung kung anong meron tayo. na hanggang ngayon hindi pa rin ako tuluyang makalaya.” mahinang sabi niya. ramdam ko yung pagsisisi sa boses niya.

“sana naiayos mo na yun ngayon. sana mas maayos ka na ngayon. sana mapatahimik mo na yung mga memoryang patuloy na humahabol sa’yo. sana naghihilom ka na. sana, hindi na maranasan ng mahal mo ngayon yung naranasan ko.”  

sa loob ng isang taon, natutunan kong tanggapin lahat-mula sa mga memorya hanggang sa pa’no kami nawakasan, kung pa’nong di naman siya talaga naging akin lang. hindi naging madali pero kinailangan. sa huli, wala naman talaga akong magagawa. nangyari na yung mga pangyayari. nagkapalitan na ng mga masasakit na salita. naubos na namin ang isa’t-isa.

“nung tuluyan nang nawala yung tayo, wala akong naging iba at wala nang susunod pa. mas gugustuhin ko na lang na mag-isa. kase yung sakit na dala-dala ko bago pa man kita nakilala, hindi ko namalayang naipasa sayo. sobra sobra na yung pinsalang nadulot ko. tama na. ayos na yung ako na lang yung nagdurusa.”

“-alam kong kahit ga’no ko pa gustuhing ibalik yung oras para itama lahat ng nagawa kong mali, hindi na pwede. said na. siguro hanggang doon lang talaga tayo. sa ganito siguro talaga tayo maiuuwi. tama na.” pagpapatuloy niya.

sa puntong ‘to, naiyak na rin siya. kumuha siya ng panyo at pinunas sa kanyang mukha.

“baka nga. baka hindi talaga pwede.” bulong ko.

tinignan ko ulet siya, sa kahuli-huling beses. ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan, nakatingin pareho sa kawalan. siya ang naunang tumayo sa kinauupuan.

“alam kong hindi mabubura ng ilan mang ‘patawad’ kung ganito kita sobrang nasaktan. pero gusto ko lang ulit humingi ng patawad.”

pinanood ko ang palayo niyang pigura hanggang isa na lang siyang maliit na tuldok at tuluyang nawala. pinakiramdaman ko ang sarili ko. humingang malalim.

isang taon na yung lumipas. halos ganito rin yung nangyari noong gabing iyon. ang pagkakaiba lang, noon, mas pinapangunahan kami ng emosyon. isang taon na pero ngayon ko pa lang talaga patuloy na maibabaon. kinailangan kong marinig ulet. ngayon, totoo ngang tapos na. wala na. natuldukan na.
HYA Jan 2019
Pssst! Hi, miss. Ang ganda ng suot mo ngayon a?
Tama na yata ang pagtimpla mo ng koloreto sa iyong mukha
Pssst! Miss, dito ka lang. Marami akong maibibigay
At kasama na doon ang kaligayahan na walang humpay

Oy, miss! Saan ba ang ***** mo?
Maaari mo naman ako sakyan--- ang sasakyan ko
Oy, miss! Ako'y iyong pakinggan
Bakit? Sawa ka na bang gawing laruan?

Sapagkat habang minamasdan ko ang iyong mga mata
Unti-unti nang nawawala ang sansinukob ng mga tala
Nag-umpisa na ring mamatay ang mga bulaklak
Kasabay ng unti-unting paglalaho ng iyong halakhak

Miss, magkano ba ang kapalit ng isang oras mo?
Sumagot ka, lalaki ako at hindi ako nagpapatalo
Ang ikli pala ng saya mo, miss, grabe nakikita ko na
Ang hindi ko dapat nakita sa aking paghinga

Kung maaari sana ay itapon mo na ang iyong antipas
Kinulayan mo pa ang nabubulok na bahag-haring umaatras
Kahit sa katunayan ay kumukupas na ang totoo **** kulay
At tila'y pinalitan ng isang anyo na nananamlay

Oy, miss! Kaunting ngiti naman diyan, sige na
Ipakita mo sa akin kung gaano kahaba ang iyong dila
Mukha naman din yatang magaling ka sa mga palabas
Kung mabibili kita, miss, sa kwarto ay hindi ka na makakalabas

Teka, bakit hindi nalang natin simulan? Maghubad ka na
Tanggalin mo na sa iyong katawan ang mga makukulay na tela
Unahin mo ang mga pambaba at pagtapos ay ang pang-itaas
Ngayon, mag-uumpisa na akong gamitin ka nang hindi patas

Simulan natin sa iyong mukha
Tanggalin na natin ang magulong koloreteng sumabay sa luha
Lalo na itong pulang kulay na dinikit mo sa iyong labi
Na para bang gusto **** maghagkan sa kanto dito sa tabi

Pagkatapos ay ang iyong alahas na hindi naman kumikinang
Na tila ba ay binili mo sa mangmang sa gumagapang
Mga ganito lang naman pala ang kaya **** bilhin
Magkano ka ba? Ang babayaran mo sa mga diyan ay ating hatiin

Dito naman tayo sa damit na iyong isinusuot
Ipakita mo sa akin sa iyong mga peklat na kumukulubot
Ang isa bang ito ay ang nakuha mo noong ginahasa ka?
Tama ako, ano? Hindi? Talaga? E bakit lumuluha ka?

Huli, sa iyong mga sapatos
Para sa paa mo palang malaki na ang iyong gastos
Saan ka na ba dinala ng iyong paa sa paglalakad?
Naabot mo ba ang ibang bansa habang ika'y kinakaladkad?

Baka nakalimutan **** nawawala na ang katarungan
Sa iyong katawan, sa iyong utak at pagkakakilanlan
Miss, tanong ko'y kaya mo pa bang maging matapang
Habang ginagapang sa kalsadang sangalang-alang?

"Miss, ang ganda mo ngayon."
"Miss, ang ganda ng hubog ng iyong katawan."
"Miss, parang masarap ka naman."

Miss, miss! Tumingin ka sa akin.
Ito na ang huling pagkakataong ika'y tatanugin
Miss, magkano ka ba talaga?
Ang limang oras, makakaya mo ba?
sad to say, this is still currently happening

know your worth, ladies
sarrahvxlxr Sep 2016
Kumatok ka sa mundo ko at pinapasok kita
Nagpanggap ako na hindi ko alam na sa unang sulong mo pa lang,
Balang araw ay uurong ka rin—maglalakad palabas.
Pero mali ako—mali ako sa parteng dahan-dahan kang aalis—tumakbo ka.
Parang pananahimik ng paborito kong kanta
Pero ang paborito kong kanta ay maaari kong ulitin
Kung sa unang pagkakataon ay hindi ko siya nabigyang-pansin.

Hindi mo naintindihan na hindi lahat ng pagmamahal
Ay maaari lamang patunayan sa mga salitang "mahal kita."
Mahal kita hindi man sa paraang ginusto **** marinig
Pero mahal kita sa mga lumipas na gabing hinehele tayo ng mundo
Habang nakikinig sa mga puso nating nagdadabog hindi dahil sa galit
Kundi dahil sa tindi ng hampas ng ating mga damdamin.
Mahal kita hindi sa paraang tenga mo lang ang magsasaya.
Mahal kita kahit nung panahong gininaw ka sa lamig ng damdamin ko.
Mahal kita nung isang araw na dumaan ka sa harap ko—dumaan ka lang.
At tinakasan ang titig ng aking mga mata.
Mahal kita nung sandaling 'yon na parang hindi mo na ako ginustong makita.

Kumatok ka sa mundo ko at pinapasok kita
Hinawi natin ang kalawakan para pag-ibig naman natin ang mangibabaw.
Nahiya pa nga noon ang mga bituin dahil sa kinang ng ating mga damdamin—
Kinang na nagpabulag sa atin sa katotohanang
Sa dinami-dami naman ng bagay na ikagagaling ng ating pagtatapos
Ay talagang sa panggugulat pa.
Para tayong bitin na kwento—natapos na pero gusto mo pa.

Kaya hanggang ngayon, dinadalaw pa rin ako ng patay nating relasyon.
Hindi lang sa gabi pero sa umaga, sa tanghali, sa hapon—
Sa bawat oras na 'yung paglimot natin sa isa't isa ay parang larong taya-tayaan—
Hindi mahuli taya kundi mahuli tanga.
Pero, oo, tanga na kung tangang ninanais ko pa ring higitin
'Yung damdamin mo pabalik sa 'kin.
Tanga na kung tangang na'ndito pa rin ako kung sa'n mo 'ko binitawan.
Tanga na kung tangang nagkulang ako.
Wala nga sigurong pagkakamali ang maitatama pa.
Ang tanging magagawa ko na lang ay 'wag na 'yun ulitin pa.

Kaya,
Kumatok ka naman ULIT sa mundo ko para papasukin ULIT kita.
'Wag ka naman muna humakbang palayo.
Gumawa ULIT tayo ng panibagong alaala.
Magkasama naman nating pakalmahin 'yung bagyong idinulot natin sa isa't isa.
Samahan mo naman ULIT akong humiga sa karagatan
Habang ipinaparinig mo ULIT sa 'kin 'yung kwento kung paano ka natutong lumangoy
Sa sakit, sa hirap, sa lahat ng ibinabato ng mundo sa 'yo.
Ikwento mo naman ULIT sa 'kin. Lahat. Makikinig na ako.
Kumatok ka naman ULIT sa mundo ko para papasukin ULIT kita.
Kumatok ka naman ULIT sa mundo ko para papasukin ULIT kita.
(a spoken word piece)
Sy Lilang Jan 2017
011717 #SpokenWords

Sabi ko noon, hindi na ako magsusulat pa -- na hindi na ako mag-aalay ng tula para sayo. Na ang huling piyesa ng tula ay ipinalipas ko na rin noong isang taon, ipinatikom sa dagat na bumubura ng bawat larawang binigkis sa buhanginan -- noong isang taong napagmasdan ko ang pagbagsak ng bawat dahon ng alaalang dinumog at pinunit ng hangin.

Akala ko yun na ang huli, nang bigkasin ko sa mismong harapan mo ang bawat malayang mga tugmang naikatha buhat sa lalim ng sugat nang palihim na pag-ibig -- ngunit walang lihim na hindi nabubunyag kaya marapat na rin sigurong mailathala ang damdamin sa bawat dahong muling pausbong bagamat hindi ko pa rin alam kung aabutan ba ito ng taglagas.

Akala ko yun na ang huling pakikipagtagisan ko sa bawat salitang may mensahe ng pagbitaw. Akala ko kakayanin kong bumitaw agad, bumitaw nang kusa at tuluyan nang maihihimlay ang bawat tula sa mismong pinagtuyuan ng bawat dahong bumabagsak.

Ilang beses na kitang ipinaubaya sa Kanya pero paulit-ulit kang bumabalik -- ni hindi ko alam kung dapat bang sisihin ko ang tadhana o talagang kailangang kong tanggaping parte ito ng pagpapasakop at pagpapaayos ko sa Kanya. Paulit-ulit kitang kinatatagpo sa panaginip na halos magtaka ako kung bakit.

Napuno ng listahan ng ngalan mo ang mga petsa sa kalendaryo kung ilang beses kang naging bisita sa aking pagtulog at paghimbing. Hindi naman ako kumakatok sa aking unan at kumot para masilayan ka -- masilayan kung posible bang maharap kita at hindi na ako urong-sulong pa.

Paulit-ulit tayong ipinagtatagpo kung saan una tayong nagkita at nagbitaw ng mga pangakong uunahin natin Siya at doon din natapos ang bawat panimulang may matatamis at mabubulaklak na pagsasalarawan ng mga salitang "kung tayo'y tayo talaga." Pero paulit-ulit kitang hindi ipinagkakait sa Kanya kasi alam kong para sa Kanya ka naman at hindi ako ang makapagsasabing ang bukas ay laan para sa atin ng may iisang pintuan.

Hindi ko maaaring ilibing nang buhay ang bawat alaalang naging parte ng kung sino ako ngayon, mga nakaraang sabi nila'y dapat daw ay daanan ko lang at wag pagtambayan. At kung hihimayin ko ang bawat yugto, hindi ko alam kung kaya bang paluputan ang mga ito ng metaporang pampalasa sa bawat linya ng tula.

Hindi ko alam kung magkakasya ito sa puso **** ni minsa'y hindi mo nagawang pagbuksan. Inilatag ko na sa Kanya ang lahat kasama ang pagpapatawad ko sayo, kasama ang bawat panalangin ko para sa ikatataas Niya sa buhay mo -- mga panalanging para sa ikatatag ng pananampalataya mo, para sa ikalalalim ng relasyon at pundasyon mo sa Kanya.

At hindi, hindi ko lubos maisip na ganito ang paraan Niya para sa paghilom ko -- na mismong pinagtatagpi-tagpi niya ang bawat tauhan sa paligid ko para lang maharap kita.

Ilang beses akong umiwas na may sumbong sa kalangitan na sana nga dumating na ang panahon -- yung panahon na kaya ko na at kaya mo na rin. Nag-iwasan tayo na waring naglalaro ng Patintero at nakakapagod nga -- nakakapagod makipaglaro kasi hindi naman natin ninais na makipaghabulan sa wala na.

Pinili kong bitiwan ka pero hindi ko binitiwan ang paghihintay ko sayo -- naghihintay akong marinig lang mula sayo na ayos ka lang.

At oo, ayokong nakawin ang mga oras at sandali na laan para sa paglago mo sa Kanya. Noon pa man, yun na rin ang tanging dasal ko sa Kanya. At kahit sa pagbitaw natin nang paulit-ulit, mas minamahal ko Siya. Oo, mas matimbang ang pag-ibig Niya para sating dalawa kaya nga't mas mainam na mag-ipon na lamang hindi ng mga pangamba, bagkus ng mga panalanging kalugud-lugod sa Kanya pagkat iisa lang ang ating Ama.

At kahit pa, kahit pa hindi ko masuri sa aking sarili kung ito na ang huling piyesa, hindi pa rin ako bibitaw sa pagsusulat. Maubusan man ng pagdanak ng tinta ng aking pluma'y patuloy akong makapagsusulat.

At hindi matatapos ang mga tula na may ganitong pangwakas. Hindi ko rin alam kung kailan ito madudugtungan at kung dapat bang ihanay ko na sa ibang istilo ang bawat katha.

Gayunpaman, ang bawat tinta ng bawat kataga'y iisa lang ang diin -- isang mensaheng hindi ko kayang sambitin, hindi kayang sambitin nang harapan kaya't katulad ni Rizal, mas nanaisin kong ganito ang maging istilo ng mapagdamdaming paghihimagsik. Isang mensaheng hindi ko kayang bigyang pamagat at mananatiling isang alamat --- alamat na hindi ko wari kung makakarating ba sayo o hindi.
Sasarhan ko na ang plumang may umaapaw na pagbulong ng lahat, pagkat ngayon: ikaw naman sana ang magsulat. Ngayon, ikaw naman sana ang magbigay ng pamagat -- isang pamagat kung may "tayo" pa nga ba sa huling mga linya o tutuldukan na lang ba natin ito at lilikha ng panibagong kabanata.
HYA Nov 2017
Hala! Nakalimutan ko
Ano nga ba yung sagot nito?
Mababagsak na naman
May laman ba itong aking isipan?

Kahit paulit-ulit na intindihin
Wala talaga kahit na pilitin
Jusko, estudyante ba ako?
Siguro, sa pag-aaral ay dapat ng huminto

Oy, parang may sagot si katabi
Sisilipin ko nga nang kaunti
Kokopyahin ko na rin pala
Baka ako ay may pag-asa pa

Hinay-hinay lang, baka mahalata
Katabi, maawa ka sa tulad kong maralita
Maralita sa kaalaman
Maralita sa katalinuhan

Ngunit huwag kang mag-alala
Sapagkat aahon ako
Hindi man ngayon
Ngunit pagdating ng panahon

Hindi ako magaling sa ganitong larangan
Subalit ito ang magpapatibay sa ating pagkakaibigan
Kaya, katabi, pakopya naman diyan
Babawi ako sa susunod na pasukan

Ang paaralan ay hindi nagsusuri ng talino
At kundi ang pagkamasunurin mo
Patawad kung bobo ako sa mga ganitong uri ng bagay
Baka malapit ka ng dumayo sa sarili kong lamay

Yung totoo, nagsisikap naman ako
Para kahit papano, may masagutan akong numero
Nasanay na sa mga mababang marka
Ang buhay ko ay totoong may talim na

Kaya, katabi, pakopya naman dyan
Ang ganitong uri ng sitwasyon ay minsan lang naman
Kasi minsan lang din naman tayo nagkakatabi
Kaya pokopyahin mo ako kahit na kaunti

Kung pwede lang sana na maipakita ang sariling talento
Siguro ang pagkaperpekto ay noon ko pa natanto
Ay, walang namang perpekto
Sa mundong napupuno ng demonyo

Demonyong nakatira sa langit
Kasama ang mga anghel na lalong pumapangit
Kapag hindi nasusunod ang kanilang mga gusto
At ang mga sungay, hanggang ngayon ay nakatago

Katabi, huling pangongopya nalang ito
Sige na. Matatapos na ang huling minuto
Hindi na mauulit, hindi 'to isang pangako
Katabi, pwede bang mangopya sayo?

Tatlongpung segundo nalang
Labing-isang segundo nalang
Katabi, salamat
Isang segundo nalang


Maipasa na nga.
This note and poem are not related.

A new member of the family! Even though you're still in your mom's tummy, I already love you. I'm an only child but I have cousins whom I am close with and here you areeee! Welcome to this wicked life and don't worry,  we will protect you no matter what.

♥ I'm gonna let her/him read this when he/she grows up ♥
Anonymous Sep 2015
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagkakakila
Sa una’y wala tayong pakialam sa isa’t-isa
Pero dumating din tayo sa puntong magkausap sa telepono mula gabi hanggang umaga

Tandang-tanda ko pa kung paano mo ako pinakilig ng iyong mga salita
Kung paano mo ako pinakilig sa bawat tingin mo sa aking mga mata
Akala ko sa libro at pelikula lang nangyayari ang ganoong mga eksena
Ngunit mali pala, pati sa totoong buhay nadadama pala

Tanda mo pa ba kung paano natin gamitin ang oras
Ang oras na tila limitado ay kailan man ‘di natin hindi inabuso
Kahit pa may pagsusulit sa klase kinabukasan
Pinipili natin na magusap at maglakad hanggang tayo ay pagsabihan

Tanda mo pa ba kung paano mo ako niyakap habang ako’y humahalaklak
Kung paano mo rin ako niyakap noong ako naman ay umiiyak
Tanda mo pa ba kung paano mo sabihin na mahal mo ako
‘Di pa ‘ko naniwala dahil aminado ka na ikaw ay sadyang mapagbiro

Tanda mo pa ba kung paano natin iniwan muna saglit ang barkada
Para lang sabay tayong bumili ng fishball o monay doon sa may kanto ng kalsada
Kay tagal nating naglalakad para lang dayain at mapahaba ang oras ng pagsasama
Pagbalik nama’y iilang piraso lamang ng fishball at monay ang dala

Tanda mo pa ba noong tayo’y magkasama sa gabi at naglalakad
Kamay mo ay nakakapit sa aking baywang sa pag-aalalang baka ako’y mawala
Kahit pa maglakad sa umaga, kamay mo ay nasa aking likod
Kahit saan mo man ilagay, tila lagi **** sinasabi ay “Lakad ka lang, andito ako.”

Tanda mo pa ba noon kapag may miting ng sabado sa eskuwela
Lagi tayong pumapasok ng mas maaga, isang oras bago ang natatakda
Ngunit hindi sa eskuwela ang ***** kundi sa parke nang makapaglaro saglit
Tapos pagbalik sa eskuwela ay tayo na lang pala ang wala sa silid, dahil nahuli pa rin.

Tanda mo pa ba noong tayong dalawa ang nag-representa
Tayong dal’wa ang lumahok para sa titulo at karangalan ng eskwela
At nang manalo’y lahat nagalak at sinabi na
Tayo muli ang lalalok para sa susunod na laban sa makalawa

Nakilala tayo sa ating galing, pati na rin sa kilig na ating inihatid.
Kaya naman pag sa kompetisyon, tayo ay naghigpit.
Ang dating magkasama sa lahat at magkakampi,
Ngayo’y biglang naging magkatunggali.

Tayo ngayon ay kinumpara sa ibang magkasintahan
Bakit raw sila pagdating sa grado sa eskwela ay okey naman?
Bakit raw sila ay parang walang pakialam sa kung anong kalalabasan
Ngunit tayo ay tila naguunahan

Kanya-kanyang labanan, kanya-kanyang istratehiya
Kanya-kanyang napalanuhan, kanya-kanyang talunan
Nagsarili at ‘di na namansin pa
Para bagang dalawang taong ‘di magkakilala

Nabalot ng yabang ang ating mga isip
Ngunit ang puso nati’y nanatiling tahimik
Hindi umimik kahit isang saglit
Kaya naman isip lang ang namalagi’t naghari

Tanda mo pa ba kung paano tayo noon?
Tanda mo pa ba kung ano ang meron?
O nakalimutan mo na kung ano ang mga sinabi mo sa akin noong okey pa?
Dahil ‘di ka sumagot noong sinabi kong, “patawad” at inamin ko ring mahal kita.

Unang beses kong sinabi sa iyo ang mga salitang iyon.
Unang beses sa buong pagsasama natin ng isang taon.
Ngunit nang binanggit ko hindi ka man lang tumungo
Kundi pinabayaan **** katahimikan ang mag-ingay para sa’yo.

Natatandaan mo na ba pagkatapos ang lahat ng aking pagpapa-alala?
Natatandaan mo na ba kung paano sumibol at nawala
Ang pagsasamang puno ng pangako at pag-asa
Natatandaan mo na ba?

Kung sakali man na talagang nalimutan mo na,
Pasensya sa ingay kong ito kasi ako hindi pa.
Hindi ko malimutan sapagkat sariwa pa.
Sariwa pa lahat ang pangyayari kahapon na dahilan kung ba’t may luha ngayon sa’king mata

Kung talagang nalimutan mo na,
Lahat ng ginawa natin, malungkot man o masaya,
Utang na loob, pwede ba ako’y turuan mo sana
Kung paano limutin ang lahat ng alaala.

Kahit na hindi na matago ang sugat na nameklat na,
Peklat na kahit Sebo de Macho ay hindi kaya,
Basta mabura lang alaalang nagdulot ng sugat na peklat na
Okey na sa akin iyon, okey na.

Okey na, oo. Kasi ‘di naman talaga peklat ang dahilan
Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ako ay lumuluha
Eh ano naman kung may peklat ako di ba?
Wala pa rin naman kasing papantay sa sakit na nadarama

Sakit na muntik na akong malagutan ng hininga
‘Di ako nagbibiro sapagkat sa bawat pag-iyak at pag-singhot ko
Naninikip ang aking dibdib, nagdidilim ang aking paningin
Hindi ako makahinga

Tanda mo pa ba, noong tayo’y muling nag-usap
Tila ba gusto ko muling magpakilala
Akala ko kasi isang pag-uusap para muling makapagsimula
Yun pala, usapang pangwakas na.

At doon na huminto lahat ng masasakit na mga alaala.
Ngunit hindi huminto ang paghihinagpis ko bawa’t gabi, kada umaga.
Kaya naman hinihingi ko ang tulong mo kung ‘di mo na naaalala
Dahil kailangan kong malimutan ang lahat ng tanda ko pa.
kha Nov 2018
na ikaw ang inuna kahit ako ang iyong huli.
sinta, maaari bang masimulan nating muli?
parang tangang ikaw ang pinili
hinayaang makulong sa iyong tali

lahat ng aking alinlangan ay isinantabi
pinagkatiwala ang buong sarili
akala ko'y hindi ako nagkamali
ngunit nagsabi ka ng "sandali,"

"sandali, hindi ako lilisan
ngunit sandali, ako pala'y nalilito minsan
sandali. makinig ka muna. sandali lang.
hindi yata kita napupusuan."

hindi mo naman kasalanan
na ang sakit ay hindi man lang maibsan
hindi mo naman kasalanan
na madali akong palitan

hindi mo naman kasalanan
na hindi ako ang nakatuluyan
hinding-hindi mo rin kasalanan
na hindi ako kawalan

hindi mo kasalanan, mahal
na ang boses ko'y garalgal
at kapag ako'y hinihingal
kapag sinisigaw ang aking pagmamahal

at paghihintayin pa kita ng matagal
pahihintulutan kang maging pagal
ang usad sa akin ay laging mabagal
kaya hinding-hindi ka susugal

hindi mo kasalanan
ang aking mga kasalanan.
kaya't ako'y iyo nang iwan
sa sarili **** tahanan.
Jey Oct 2015
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga. Isang araw, naisip na naman kita. Isang araw **** ginulo ang isip ko. Isang araw, binalik-balikan ko ang masasakit na alaala mo dahil isang araw, biglang iniwan mo ako.

Iniwan mo ako… at mula noon ilang araw akong wala sa sarili. Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka umalis. At kung bakit hindi ako ang iyong pinili. Ilang araw na akong nagbakasakali na maiisip **** ako na lang. Ilang araw na patuloy na umaasa sa pangakong babalik ka… “Babalik ako, bigyan mo ako ng isang linggo.” Ilang araw pa at naghintay ako, naghintay ako kahit alam ko na kung sino ang pinili mo.

Isang tanong na patuloy na gumugulo sa aking isipan. Isang tanong na hindi masagot nino man. Isang tanong na hindi ko makalimutan. Isang tanong na wala naman talagang kasagutan. Isang tanong, “Mahal, bakit mo ako iniwan?”

Hindi nga lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan. Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan. Puta isang buwan, ganyan, isang buwan nga lang naman. Marahil naging mabilis nga ang mga pangyayari pero ipapaalala ko lang sa’yo ikaw – ikaw ang naunang nagbukas ng pinto. Ikaw ang naunang nagsabi ng “Mahal, bakit di natin subukan?” At sumubok ako. Lumaban tayo.  Ngunit pagkatapos ng lahat ay ano? Wala, wala nga palang tayo.

Alam mo, ito na marahil ang pinaka-tangang nagawa ko sa buhay ko. Sa sobrang ganda at saya kasi parang pwede nang isulat bilang isang nobela, baka nga bumenta pa sa Wattpad eh at ititulo ko “Tinidor” o kaya “Alexa”? Haha.

Pero sa sobrang sakit din parang pang-soap opera. Kaya bakit ganun? Bakit parang ako lang ang nasaktan? Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmahal? Bakit ako lang? Bakit? Ah alam ko na… kasi hindi ako ikaw.

Hindi ako ikaw, ikaw na naging pipi sa pagsigaw na ako ang mahal mo. Ikaw na naging bulag sa pagtingin sa kung sino ang nandito. Ikaw na naging bingi sa mga salita niyang “hindi kita gusto!” Ikaw na pilit umiwas sa maliliit na eskinitang daan papunta sa puso ko. Ikaw na naging duwag sa pagtangkang sumabay sa daloy ng ilog na magdadala sa atin sa bukas.

Hindi ako ikaw. Ikaw na nagdulot lamang ng bagyo sa aking mga mata. Ikaw na nagdala ng lindol at bumulabog sa mundo ko. Nagdala ka lang ng buhawi ng hangin na paikot-ikot lang at kahit sinisira mo ang lahat, nahihigop mo pa rin ako.

Ikaw. Ikaw pa rin ang bumitaw. Ikaw pa rin ang bibitaw. Sa kabila ng lahat ng kasawiang dinala mo sakin. Oo. Ako na yung tangang nagmahal pa rin sa’yo.

Ako na ang mabibingi at sa kalaunan ay magiging pipi, sa pagsigaw na mahal kita. Ako ang magiging bulag sa pagtingin sa iba dahil sa’yo lang mahal, sa’yo lang ako susubaybay. Oo, ako. Ako naman ang magiging bingi sa mga salitang minsan mo na  din sinabi sa akin, “hindi ikaw ang gusto ko!” At ngayon alam kong, hinding-hindi yun magiging ako. Ako ang sisiksik sa maliliit na eskinitang daan sa puso mo. Ako na ang lalangoy at sasabay sa daloy ng ilog maging sa hampas ng alon kahit wala ka na sa bukas na kahahantungan ko. Oo, ako.

Ako na ang nagpakamartir na harapin ang matitindi **** hangin. Ako na ang trainer wheels sa iyong bike. Ako na ang band-aid sa bawat sugat na iniwan ni Alexa, mga halik sa sugat na magpapatigil sa dugo. Ako na ang unan **** sa gabi mo lang nakikita, sinasandalan tuwing pagod, may problema, mahihigpit na yakap tuwing luha’y di tumitigil.  Ako na yung huling stick sa pakete mo ng sigarilyo, inosente’t di ka sasaktan, pero iba pa rin ang pinili mo.

Masyado nang mahaba ito, kaya tutuldukan ko na. Kasabay ng pagtutuldok sa masasaya at mapapait **** ala-ala. Kasi ngayon ako naman ang napagod na maghintay. Ngayon puso ko na naman ang unti-unting namamatay.  Pero hindi ko ito hahayaan kasi mali eh, sabi nga ni Trixie, “nasaktan mo lang ako, pero hindi mo ako napatay.”

Hindi ako ikaw, ikaw na tanga kasi pinakawalan mo ako. Mayabang man kung maririnig nila pero oo gago, ang laki **** tanga dahil iniwan mo ako. ‘Wag kang hangal kung sasabihin **** hindi siya ang pinili mo kundi ang sarili mo dahil alam natin pareho at sa kanya ka pa din babalik. Ito lang ang masasabi ko sa’yo. Minsan subukan **** maging ako.” Para alam mo kung gaano kasakit. ‘Wag kang mabuhay sa parang. Sa parang sa’yo, pero hindi. Parang kayo, pero hindi. Parang mahal ka, tanga hindi.
Uni(berso)
1:05 AM
August 5, 2015

celestialdeity.wordpress.com
M e l l o Jul 2019
Simpleng aya lang pero alam ko na kung ano ang naglalaro sa isip mo.

Ano na? Sasama ka ba?
Wag kang mag-alala hindi ako magtatanong kung
"open minded ka ba?"

Kung matagal na tayong magkakilala
alam na alam mo na kung ano ang aking sadya.

Umpisahan natin sa simpleng kamustahan,
madalas pag ako nag-aya malamang matagal tayong hindi nagkita
Saan ba tayo magkakape?
Ayos lang ba sayo
kung d'yan lang sa tabi tabi?
Pero alam kong mas maganda
ang usapan natin sa loob ng magandang café
pero pag wala tayong budget
baka naman pwede na iyong nescafé?
Ano ba mayroon sa pagkakape?
At bakit tila ba napakaimportante?
Ang tanong ano ba ang iyong forté?
Oh natawa ka mali pala ang aking sinabi
Ang ibig sabihin ko ay ano ba
ang gusto mo sa kape?
Malamig o maiinit?
Latté ba o yung frappe ang gusto mo
okay na ko sa brewed o americano
sorry medyo lactose intolerant ako
kaya bahala ka na mamili ng gusto mo
may kwento ako habang ika'y namimili
kwentohan kita tungkol sa mga taong
minsan ko nang inaya o di kaya'y nag-aya sakin na magkape
at sana mabasa niyo din ito
alam niyo na kung sino kayo dito,
wag kayong kabahan sa pagkat
ang inyong mga pangalan ay hindi ko
ipaglalandakan masyado akong concern sa pagkakaibigan natin
baka ako ay inyong biglang iwanan wag naman.


Simulan natin ang kwento sa kaibigan kong mga lalaki,
special 'tong dalawa kasi kakaiba
yung isa ang lakas ng loob niyang ayain ako
nang makapasok kami sa café
akala ko magkakape kami
akala ko lang pala yun
aba'y pagkapasok umorder agad ako ng kape
pero siya'y umorder ng tsokolate
loko 'to na scam ako
habang yung isa well,
ako yung nag-aya medyo matagal na din kaming hindi nagkita
kaya naman ako'y nabigla bagong buhay na daw siya
at umiiwas magkape sabi niya
gusto pa daw niyang matulog
nang mahimbing mamayang gabi
kaya ayun tsokalate din ang pinili
Ano?
Alam mo na yan kung sino ka d'yan.

Kinakabahan ka na ba?
Ikaw na kasunod nito.

May dalawa pa akong kaibigan
na lalaki,
pareho silang pag nag-aaya magkape
kailangan ko pang bumyahe
yung isa mailap at andyan lang
sa makati
at yung isa kailangan ko pang mag mrt kasi nakatira siya sa quezon city
sobrang weird lang ng isa kasi
yung bagong flavor sa menu nang café
tinatry niya parati
banggitin ko yung nasubukan niyang
flavor sa teavana series ng SB
Hibiscus tea with pomegranate
nasabi mo lasang gumamela
at yung matcha & espresso fusion
na nagmadali kang umuwi pagkatapos **** uminom
Hulaan mo kung sino ka rito?


Lipat tayo sa mga kaibigan
kong mga babae
pero bago ko simulan ang kwento,
madami akong kaibigang babae na sobrang mahilig din magkape
pero pasintabi sa mga lalaki
may gusto lamang akong ipabatid
pag kaming mga babae
ang magkakasamang magkape
pag ikaw ang nobyo ng isa dito'y
malamang lovelife ninyo ang topic
wag mabahala kapatid kasi
madami dami din naman kaming
napag-uusapan maliban sa lovelife niyong medyo kinulang
minsan may nangyayari pang retohan
pero lahat yun biro lang baka mapagalitan
pag ang topic na yan ang hantungan
kung ikaw ay nasa tabing mesa lang
malamang mapapailing ka na lang
sa mga topic namin na
punong puno ng kabaliwan
minsan pinaguusapan pa namin
kung sino yung couple
na naghiwalayan kamakailan, inaamin ko
songsong couple kasama sa usapan.

Dalawang grupo 'tong kasunod.

Eto yung mga kaibigan ko na kung kami'y magkape puro deep talks ang nangyayari,
mga bagay sa mundo na hindi mo akalain nakakagulo sa taong akala mo hindi pasan ang mundo.
Mabibigat na usapan na may kasamang konti lang naman na iyakan
sama ng loob, pagkabigo at sobrang pagka stressed sa trabaho.
Ilang mura ang maririnig mo
pag sensitive ka at hindi nagmumura
hindi ka kasama dito.
Eto yung deep talks na walang tulogan
alam mo na yan part ka dito
mga usapan na kung iyong pakikinggan ay
masasabi mo sobrang weird naman
ang mga topic ay everything
under the sun yun nga lang dudugo tenga mo sa technical terms at englishan.

Eto yung grupo ng deep talks yung topic ay puro pangarap, eto yung deep talks na masasabi kong very inspirational at educational. Hindi tulad ng naunang grupo
sa ganitong usapan madami kang malalaman.
Dito lalabas ang mga katagang
"Wag mo kasing masyadong galingan"
at yung "baka hindi mo ginalingan"
Sasakit ang tiyan mo kakatawa at sasakit mata mo sa kakapigil ng iyong luha eto yung genres ng deep talks na may humor, drama, slice of life, at shoujo.
Mga usapang trabaho katulad nang parang naging monotonous at routinary na ang buhay:
Need mo lang ng new environment?
Mag bakasyon ka?
Career growth?
Feeling stagnant?
At
Mga usapang gigil sa ganitong mga tirada:
Ilang taon ka na?
Kelan ka mag-aasawa?
May boyfriend ka na ba?
Nagpapayaman ka ba?
Bakit si ano may ganito na ikaw kelan?
Naka move on ka na ba?

Ano asan kayo d'yan?
Wala ba?

May grupo din na sila laging nag-aayang magkape, mga kaibigan ko na ang usapan lagi ay magkita
sa ganitong oras ay palaging
hindi sumasakto ang dating
Pag eto yung kasama ko puro usapan namin ay mga memories noong elementary
minsan lang magkakasama pero ang samahan solid naman ang lalakas mag kulitan o ano kelan ulit tayo pupunta ng mambukal?
Sino na ang ikakasal?


Sa sobrang dami kong nabanggit
muntik ko nang makalimutan ang dalawang babae na 'to
pag kami nagkikita bakit puro ako yung napupurohan sa asaran
ang layo namin ngayon pero sana
pag-uwi ay magkakape ulit tayong tatlo
sobrang dami ko nang baong kwento malamang yung isa dyan isang maleta ang hila niyan
sagot ko na ang kape pero pakiusap
hayaan niyo muna akong makaganti.


Ang dami ko nang naikwento pero hindi mo ba naitanong
kung saan nanggaling ang pagkahilig
ko sa kape? Walk through kita sa buhay ko, mahilig magkape ang papa ko, mas naunang nakatikim ng kape ang kapatid ko, yung isa hindi mo mapipilit magkape at madalas magsimsim ang mama ko sa kape ko.

May mga tao din akong nakasama magkape, may mga sobrang ganda ng topic. Dali na kwento mo na. May mga taong tatanungin ka din kong ano ba ang hilig mo pati pagsusulat ko kinakamusta ako.
Hindi lahat alam na nagsusulat ako yung iba na may alam, kabahan kana alam **** andito ka.

Salamat sa pagbabasa, ngayon lang ako lumabas para isama ka sa obra na 'to.
Asahan mo na marami pang kasunod na iba,
nakatago lang sa kahon kung saan memoryado ko pa.


Lahat nang naikwento kong tao mahalaga sa buhay ko, yung iba nakilala ko lang nang husto dahil sa simpleng salita na "kape tayo"
Alam mo na kung bakit importante sakin ang pagkakape?
Alam mo na ang aking sadya?
Kung hindi pa baka hindi mo pa ako kilala. Handa akong magpakilala sayo, makinig sa kwento mo. Nag-aalala ka na baka isulat ko?
Sasabihan kita ng diretso kung oo.
Hindi mo pa ba ako nakasama magkape?
Ngayon pa lang inaanyayahan kita, taos puso kitang iniimbitahan.

"Kape tayo"

Sana sumama ka.
Poetry appreciation piece for my family, friends & coffee buddies
Euphoria Feb 2016
Paano naman ako,
Sa mga oras na naisip **** iwan ako?
Hindi mo ba napagtanto
Nasasaktan din naman ang puso ko
Dahil sa agwat at oras na tayo'y pinaglalayo.

Sinta, paano naman ako?
Hindi mo man lang ba naisip na ako'y nahihirapan din
Sa walang humpay na pagbulong na lamang sa hangin
Ng mga salitang gustong sambitin
Habang sa mga mata mo'y ako ang nakatingin.

Mahal, paano naman ako?
Sa mga oras na lumilipas na tayo'y magkalayo
Hinahanap ang yakap at halik na mula sayo
Ang mga oras na maaaring magkasama tayo
Ngunit sa panahon nalang pinaubaya ito.

Sabihin mo, paano naman ako?
Ako na alam **** sinira ng kahapon
Nabahiran ng kasinungalingan at poot, nababasag sa pagdaan ng taon
Paano naman ako mabubuo,
Kung kahit ikaw dinurog ako at hindi naging totoo?
Ang sugat ng kahapon ay patuloy na gagambala sa gunita.
George Andres Jul 2016
Ewan ko ba kung bakit
Sa pag-ibig may politika
Kung sinong mas may kapangyarihan sa puso mo
Kung sinong kayang bayaran yang mga ngiti mo
Kung sinong may kakayahang patahanin yang luha mo
O paagusin nang walang patumangga
Ano nga bang kapangyarihan ko?
Kundi makinig at makisimpatya-simpatyahan
Punasan ng mahimulmol na panyo ang mga pisngi mo
O ngitian at kulitin ka para di mo naman maisip ang mga problema mo
Ano nga bang kakayahan ko kumpara sa kanya
Kung binigay ko na lahat ng karapatang ari para sa'yo
Ano bang laban ko kung siya ang may hawak ng property rights mo?
Hindi ba krimen na ang tawag kung magnanakaw ako ng tingin sa'yo?
Pero bakit di ka pa nakukulong sa puso ko kung ilang beses mo na akong pinapatay?
Bakit ba wala akong lakas na gumanti sa tuwing sinasaktan ka niya?
Dahil ba sa nakapanghihinang pakiusap mo?
Sa malakas na pagtutol ng mga mata mo?
Maraming dahilan yan kaibigan.
Pero dahil politika ang pag-ibig, siya ang binoto mo at hindi ako
Siguro dahil siya nga ng napusuan **** kandidato.
O sadyang walang dating ang pagpapapansin ko
O dahil masyado mo na akong kilala na di mo nais na maging isa ako sa tatakbo
Nais **** siya naman ang maglingkod sa'yo
Kasi hindi ko alam, ang sabi mo kasi mahal mo siya
Alam mo ba ang salitang yan?
Sapat upang magpaguho ng mga buhay at kinabukasan
Hindi ko, ngunit mo
Pinalampas mo ang pagkakataong
Paglilingkuran kita na parang isang prinsesa
Kung ano ka naman talaga
Naiinis ako sa tuwing pinagmumukha ka niyang pulubi at walang silbi
Ikaw naman nililito mo siya
Binabato ng mga paratang
Tama na
Mahalin mo rin siya ah
Kasi di naman siya maluloklok kung di mo pinili
Pinili mo yan
Magdusa ka
Kahit pa mahal kita
Eh kung sa di mo ko nakikita
Ni binilugan sa balota
Paano ko pa ba ipakikilala ang sarili ko?
Kailangan bang masabing kayo upang mabigyan siya ng kapangyarihan sa'yo?
Pwede naman kitang paglingkuran kahit di ako pinili mo
Pwede naman kitang mahalin kahit kelan ko gusto
Kaya kong gawin lahat 'yon

---

Kahit walang pondo kundi ang puso ko
Kasi independent party ako
At ang katotohanang walang tayo
Di magiging tayo
Na sinampal mo sa aking mukha noon pa mang naging magkaibigan tayo
Tanggap ko
Wala naman akong hinihinging kapalit
Gusto ko lang masaya ka sa napili mo
At sana panindigan niya ng pagpapahirap sa damdamin mo
Kasi tangina kinuha niya lahat ng binigay **** buwis at pawis
Di man lang nagtira upang mabigyan ako

Pero sige na
Tama na'to
Wala nakong maramdaman
Isang kasinungalingan
Paalam na
Sana magtagal pa ang termino
Administrasyong binuo ng pag-ibig niyo
52916
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
poetman24 Oct 2017
Naulit na naman ang paalam
(poetman_24)

Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito
ngunit pagkatao ko'y laging ganito,
namutawi na naman ang paalam sa aking puso
bakit pag-ibig kayhirap **** matamo?

Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas
nagbabadya nang pagpatak na walang wakas,
wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas
napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas.

Bakit naman ganyan ang pagsubok
mga tinta'y naghihimutok,
ano ba ako sa pintig nang pagtibok
ako ba'y sawi sa bawat paglunok?

Hindi pala sapat ang likha kong tula
kaya lulukutin ko na lamang ang talata,
mauuwi na naman ang aking bigong diwa
sa 'di matatawarang luha.

Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin
nasasayang lamang ang taglay na damdamin,
nais kong isuko ang pagkatha sa hangin
sana masagot pa ang aking panalangin.

Makatang walang taglay na panulat
mga tinta'y mantsa sa'king balat,
nasasawi ako nang hindi ko alam
isa ba akong tampalasan?

Kung masasaktan ka sa aking piling
layuan mo na lamang ako giliw,
itanim mo na sa akin ang pasakit
tatanggapin ko kahit anong pait.

Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala
at alalahanin na ikaw ay may halaga,
kalimutan mo na lamang ako sinta
kung 'yan ang palagay **** tama.

Babalik na muna ako sa sa karimlan
itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan,
ililibing ko na lamang sa diwang hagap
na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
inggo Aug 2015
Lagi ka na lang nasa isip
Sa gabi mangungulit ka sa panaginip
Ayaw mo ba ako matulog?
Eh halos mahulog
Na ang cellphone sa mukha
Kakatingin sa picture **** nakakamangha
Walanghiya ang iyong mga mata
Nakakabighani, parang diwata
Nahihibang na ata
    Ako pag ang labi mo'y mayroong kalungkutan
Nais kitang hagkan ng may katagalan
Hanggang sa maramdaman mo ay saya
Dahil nandito lang naman ako talaga
Kahit ini-SMALL ka nila
IniiBIG naman kita
ang tulang ito ay para sa isang kaibigan na umiibig
AL Marasigan Jul 2016
1:40 am,
Ganitong oras mo ‘ko sinagot
Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako
Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi
Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal
Matagal ko na ‘tong pinaghandaan
Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko
Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko
Pero ngayon, ito na.
Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip
Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog.
Ito din yung oras kung
kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman.
Ito rin yung araw
kung kalian kita unang nakita.
Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiti mo
Nung tinanong mo ‘ko kung
kailangan ko ba ng tulong
sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga ****
Tandang-tanda ko pa….
Na hirap akong makatulog
kasi nga
di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y
Magiging kaklase ko
Kaya naman
Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun
Araw-araw
Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako
Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras
Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon.
Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip
O ito ba’y kathang-isip na lamang
Masaya ako!
Hindi, Mali
Sumaya ako simula noon
Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito
Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na
TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA
Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang
Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig.
Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka
Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang *“Mahal kita”

Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay
Si tadhana ang may pakana*
Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang
Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am
Ay di pala talaga para sa’kin
Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog
Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses
Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay
Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang
Ang akala kong perpektong panaginip
Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang
Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot
Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam
At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang
“Tapos na tayo”
1:40 am
Nagising ako sa isang panaginip
Panaginip na purong kadiliman na lamang
Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang
Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat
Kaya maghanda ka na,
Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan
Para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal
O kung minahal mo ba talaga ako
Pero ngayon, ito na….
1:40 am
Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan.
Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’
Kaya naman ako’y
Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay,
Gising na ako, gising na gising.
Masaya, masayang-masaya!!
Kahit wala ng ‘TAYO’

Time Check: 1:41 am
Spoken Word Piece.
Copyrights Reserved.
                                                         -Alenz Marasigan

— The End —