Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tuyong" poems
Unang gabi sa huling sandali Nag-aagaw ang ilaw at dilim Katahimika'y namamayani. Nakatayo sa gilid ng bangin Isang hakbang tungo sa libingan Nakapikit ngunit nakatingin. Sumilip ang buwan sa kalangitan Hudyat ng katapusan ng duyog Tuluyang bumukas ang pintuan. Lumiyab ang bawat alikabok Mga alitaptap na dumadapo Sa bawat sugat nangingimasok. Buhok ay nagsimulang lumago Sabay sa pag-ikli ng hininga Nagpupumiglas sa bawat pulso. Isang bulaklak na bumubuka Dugo at ginto ang tanging dilig Usbong sa hungkag at tuyong lupa. Buto at laman ay nanginginig Balat ay nagsimulang uminit Halik ng apoy sa pulang tubig. Umuungol sa bawat pagpunit Likuran na may bagong pasanin Ngipin na sukdulang nagngangalit. Nakalutang sa payak na hangin Kamay ang nagsisilbing kandila Maglalakbay sa tulay na itim. Isang sulyap bago kumawala Ibinuka ang pakpak na pilak Huling yugto ng pakikidigma.
0
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
ELUSIDASYON / GARGUWALYO (Gargoyle Terza Rima 1)
Sa tag-init tayo nagkatagpo dala ang uhaw nais mapawi ang pagkatuyot sa tag-araw mga lalamunang di nadadaluyan hanap ay tubig, mga umiibig sa lamig sa daloy ng awit ng mga Ipil at sa mga aalalang nabuo sa bawat paglagok, sa bawat isa mga alaalang nabuo sa tag-araw. alaala pa ang pagpalakpak ng mga dahon minsan lang masiyahan sa pagpapalit-panaog ng tag-araw at tag-ulan panga-pangakong binuo sa ilalim ng araw pinagdarasal ng mga kahapon di pa rin nalilimot, mga tuyong ugat ng mga pusong sawi sa pag-ibig na tubig sa tag-init minsan lang magkaniig dahil ikaw at ako ay minsan ng nanirahan dito bumuo ng mga alaaalang impit na itinago sa ilalim ng mga punong saksi sa mga uhaw na puso, sa marahang pag-indayog ng mga dahong maririkit sa bawat pag-ihip ng hanging mainit sa katawang binalot ng mga sala at sa bawat pagbabalik sa alaala ikaw pa rin ang tanging nakikita sa bawat paglampas ng liwanag sa maririkit na butas ng kahapong sa ilalim ng ipil nakatago Heto na naman ang tag-init hudyat ay muling pag-udyok sa uhaw na pusong may pangangailangan tuyot ang daloy sa bawat paghinga sa bawat pag-ihip  kulang ang haplos bawat hagod ay paos. Alaala ka sa mga sinag ng araw umaalpas sa mga dahon ng ipil mga hapong napawi ang init ng tag-araw nakakulong pa rin sa mga alaala sa ilalim ng punong puno ng pagmamahal sa kahapon at ako na di pa rin nagsasawa sa ilalim ng mga Ipil maghihintay sayo Sa Ilalim ng mga Ipil Michael Joseph Aguilar Tapit 04/11/2016
0
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:34 PM UTC
Sa Ilalim ng mga Ipil
hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nabasa sa ulan may mga panahong dahil sa aking katangahan biglang bumuhos ang napakalakas na ulan may mga pagkakataong sinasadya din magpaulan wala gusto ko lang kailangan ba laging may dahilan? simula nang araw ay makulilim na langit ang bungad ang payong na isinantabi pagdinila ko'y walang ulan na nangyayari nagbibiro na naman ang langit sa panahong gusto kong magbabad at maglakad sa ilalim ng ulan hindi lumapat sa tuyong lupa na siyang aking apak
0
Jul 29, 2019
Jul 29, 2019 at 12:13 AM UTC
Ulan
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
Putik na nabuo mula sa luha at alikabok. Bulaklak ng damo na tumubo sa puntod. Isang  munting uod. Isang butil ng pulang buhangin. Bato sa kabundukan na tinutunaw ng hangin. Pulubi sa daan na namamalimos sa mga matang piniringan. Asin sa basong walang takip. Panyo sa upuan na pinakupas ng tubig-ulan. Munting ilaw na sumisilip sa silid-piitan. Isang sulat ng pamamaalam na nakaipit sa pintuan. Pahina ng kalendaryo na nakaligtaang pihitin. Kandila sa dilim na nakikipaglaro sa mga anino. Kabibe sa tabing-dagat na walang laman. Mga tunog na walang huni at nagsisilbing musika para sa mga bingi. Hibla ng buhok sa ibabaw ng gitara. Antipara na nakapatong sa lamesa. Pakpak ng tutubi na tinupok ng gasera. Isang tuyong dahon na sumabit sa bintana. Langaw na nabitag sa sapot ng gagamba. Kutsara sa tabi ng basag na pinggan. Mga basang uling sa hulmahan. Katahimikan. Usok na humahalik sa kalawakan.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:22 AM UTC
Lakbay-Diwa
Sapat nang bendisyon Ang luha sa'yong  mga Mata upang maging Karapat-dapat ang mga Tuyong talulot ng rosas Na matagal **** ikinubli Sa aklat niya ng mga tula. Marahil, lumipas na nga Ang inyong panahon. Ngunit ang bawat kataga Na minsan niyang inialay Sa'yo ay hiwagang lalang Ng puso, may ritmo ng Pagsuyo, may samyo ng Bagong pangako. Ipako Man ng oras ang ala-ala't Alat ng luha na dumadaloy Sa'yong magkabilang pisngi, Ang mga talulot na ito'y Patuloy na magbibihis ng Bagong pag-asa, lalaya mula sa Siniphayong ligaya, mananahan Sa bawat pahina.
0
Nov 11, 2013
Nov 11, 2013 at 10:46 AM UTC
Talulot
Tumatalbog-talbog sa sahig ng aking mga ala-ala ang bola ng jackstone ng até at sipang tingga ng kuya paroo’t parito ang mga trumpo’t yoyo sa mga tumpok ng inipong alabok ng kabataan kong inihian ng kahapon upang maging kalamay at putu-putuhan - na waring napanis na sa paminggalan ng kompyuter at tuluyang ibinaon sa puntod ng mga cellphone. Sa kamposanto ng mga ala-ala nagmumulto pa rin ang kahirapan di na kailanman matatakasan sa bawat lagok, mainit na humahagod sa lalamunan ang mga tagpo sa mga dula’t pelikula sa pinagpugarang bahay na ngayo’y nagiba na:           pagkatapos ng maghapon:           itutulak mo ang kaning mahalimuyak           - isinaing ng Inay ang kinandang-laon           inutang pa sa taga-Quezon           wala kahit kapirasong tuyong maisabay           walang iba, tanging ikaw,           masarap nang sawsawan at sabaw.
0
Oct 4, 2017
Oct 4, 2017 at 1:40 AM UTC
Kapeng Barako III
082021 Inuusig niya ang mga talang kumikinang At tumatabon sa mga parating na bulalakaw. Ang mga mata ng santelmo’y Hindi na lagim ang ibinubuntong hininga Kundi liwanag na humahabol Sa bawat paghikab nang nakatihaya. Hati-hati sila sa papag Sa kung sino ang taya sa pagsilang ng araw At sa pinintang dilim Na hindi na bangunot ang pasalubong Kundi pag-asang makapagsalu-salong muli Sa hapag-kainan sa panibagong kalendaryo. Habang nagniningas ang mga baga’y Guguhitan nila ang pisngi ng bawat isa Gamit ang bawat kwentong agimat ng kahapon. At mapupuno ng halakhakan ang bawat kurtina Na para bang sila’y nasa entablado Ng sarili nilang istoryang sila rin ang nagbigay-buhay. Ang bawat butil ng bigas Ay katumbas ng pawis na alay nila sa palayan Habang ang kirampot na tuyong walang sawsawan Ay sining na makulay sa kanilang mga mata. At sila’y magtatampisaw Sa putikan ng kanilang hanapbuhay At ni isa sa kanila’y ni minsa’y Di ginambala na ang bukas ay magiging sakuna. Isa, dalawa, tatlo.. Sunud-sunod ang mabibilis na butil Na ni isa’y di mailagan. Ang mga butil ng palay Ay nagmistulang mga basura sa lansangan Na nilalangaw at pinag-aagawan Ng mga itim na ibong gahaman sa kapangyarihan.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:11 AM UTC
Palay at Abo
Isang araw na nang naulila ay hindi lumalabas ng kwarto Sa kulungan pinagdudusahan ang kasalanan - ang mahuli sa pagkagising at nang hindi nabantayan hanggang sa pagtilaok ng mga manok para matiyak ang kaligtasan Nagdalamhati ang nagtipon sa misa ng patay Tuyong lupa ay nadiligan ng luha nang ibinaba ang kabaong sa ibinungkal na lupa Ibinaon ang pagdaramdam pati ang pagsisi sa kasarilihan Huling mga salita ay sariwa pa sa pandinig "Agosto, buwan na madalas dalawin ng bagyo" Ang papel na kinuha ay siyang rekwerdo Ama na nagpalaki ay huwaran sa mga pamilya Labing isang taon inalipin ng pag-ibig At sa kanyang pagbalik panibagong bukang-liwayway sa marahas na buhay ay tumingkad Ganap ng abogado - Reyna ng kanyang pangarap ang binibini Nang sinadya na dumaan sa kanyang bakuran Nakita sa bintana, isang manliligaw kasama ang buong angkan Hinayaan ang pagmamahal na maghintay Datapawa't may mali sa natatanaw Hindi na masiyahin ang dilag
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:34 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #52
May mga kurabkutab sa daghan na minaulang sa Bulos kan daing sagkod na siram. Mayo ining kinaaram sa natural Na pagruso kan mga kolor sa buhay o pagkamoot. Saro ining kamawotan kan langkag na kalag na taros ning lugad. Ngonian liwat minapoon an paghiro kan puso na Danay nang daing untok. Liwat na pagkabuhay---liningwan an nakaagi; Nakahuyom na liwanag sa imaaga na ladawan ning pagmawot; Sarong hararom na hurop-hurop sa pagsusod kan pagkatawo, Bako sa tuyong magkaigwa, kundi Tumang sa kinatudan na paghiling sa Pagkamoot, ngonian minakmukna nin kinapunan.
0
Oct 10, 2013
Oct 10, 2013 at 4:43 PM UTC
Septiembre Disisiete
"Hindi ka pa napapagod, O di kaya'y nagsasawa? Sa ating mga tampuhan? Walang hanggang katapusan." Kaya pala paulit-ulit **** pinapatugtog ang kantang ito, Pag kasama ako. Kasi sawa ka na sa ating mga alitan at tampo. Kaya pala wala na ang tamis. O sabihin **** ako'y iyong namimiss. At wala na ang mga lambing **** "Babe, wala bang kiss? :( " Tayo yung long term "lovers" Na ngayon ay parang "strangers" Ang relasyon natin parang isda, Kasi "tuyong-tuyo" na. Ako yung kanta na noon, favorite mo. Ngayon, hindi na. Dati enervon natin ang isa't isa, Ngayon stress, at totoo, Nakakapagod na. Mali nga ako na pinipilit ko pa 'to. Mali na lumalaban pa ako. Hindi na ito yung dating ikaw at ako. Kaya sige, Tama ka. Tama na..
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 5:53 AM UTC
"Tama ka, Tama na"
Akala **** hindi mo na makikita pa kahit kailan. Ngunit iniluwa siya ng gabi. Unang beses sa mahabang pagkakataon, kinumbinsi mo ang sarili at kinumbinsi siyang samahan kang maglakad ng mabagal sa maiksing kalsada. Hindi siya pumalag. At sa dulo, inalis niya ang tuyong dahong nakasabit sa buhok mo. At gaya ng dati, hindi siya magpapaalam. Ibabalik mo siya sa gabi, ika labing isang minuto makalipas ang alas onse, iniisip kung sinong magmamay-ari sa kanya balang araw. Uuwi kang mag-isa, wala nang traffic sa EDSA, wala na ring lumbay. Sa iyo ang huling halakhak pero ngingiti ka na lang at magbubuntong hininga.
0
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 6:32 AM UTC
labing-isa:labing-isa
Lahat tayo ay pantay-pantay sa isang kamay ngunit sa mundong ginagalawan tayo ay nag-aaway away para sa isang tagumpay kahit ang ibang tulad mo ay matapakan wala ka ng pakialam makamit lang ang inaasam-asam, pagtakbo ng matulin pagsisid ng malalim paglipad ng mataas mas mataas pa sa lipad ng mga ungas nag-uunahan sa isang pwesto isang pwesto na walang trono, na kung saan ang mga tao ay wala ng modo, lahat ng nasa baba ay inaapakan parang tuyong dahon tuyong dahon na handang ibaon sa lupa, handang sigaan hanggang maging abo na lang, kamusta ka? isang malaking tanong masaya ka pa ba sa karangyaan na mayroon ka ngayon? nakalimutan mo na atang maging tao? maging tao o kahit man lang magpakatao? o tumuring ng isang tao. sa iyong pagtakbo ika'y madadapa sa iyong pagsisid ika'y malulunod, at sa iyong paglipad ika'y babagsak kung gaano ka katulin mas masakit ang pagkadapa, kung gaano ka kalalim mas mahirap maka-ahon pa at kung gaano ka kataas mas masakit ang pagkabagsak lahat ng bagay ay may kabaligtaran baligtarin mo na ang mga bagay na dapat baligtarin dahil mas mahirap ang iyong sasapitin kapag di mo naagapan ang iyong tatahakin.
0
Feb 26, 2018
Feb 26, 2018 at 11:19 PM UTC
Accept mo
lamyos ng dampi ng ginaw sa tuyong balat ng nilikhang kanina pa ay naghihingalong kumakampay sa gilid ng dagat sa gitna ng disyerto sa loob nitong lunsod na kayraming pangako bigo nilalasap ang pabagu-bagong init-lamig ng malungkot na ihip ng hangin-usok may ibinubulong na mensahe nagmula pa sa kung saang daigdig pumapaimbulog sa kalawakan parang naglalaro tumatawag nakikipag-away nanunukso naghahagilap ng kaunting pansin na wari ba ay kasing kulay ng bahaghari kahit na walang inilimos na tubig-ulan kahit na sadyang kaydilim ng sanlibutan
0
Aug 10, 2020
Aug 10, 2020 at 8:43 AM UTC
Pulubi
Sa pag lubog ng araw, Nakatutok ang mga mata sa abot-tanaw. Sa pagsilip ng mga bituin Sa kalangitang dumidilim At paghaplos ng malamig na hangin Sa basang pisngi At tuyong labi Unti-unting nakakain ng masalimuot na nakaraan ang matamis sanang kinabukasan. Ngunit sa pagpahid Ng katas ng nawalang pag-asa Ay bagong kislap Sa aking mga mata Muling tatanaw, Ngunit ngayo'y Sa pagsikat ng araw.
0
Mar 12, 2020
Mar 12, 2020 at 10:18 AM UTC
Tingala