Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"silid" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. Pinili kong maging pusong bato At hindi pansisinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw Kasi nung may ikaw Para akong baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi At Ayaw ko na non. Kaya araw araw akong magiging bato Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako. Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko Sa pagising sa umaga excited pa akong pumasok kasi ikaw ang makikita ko kuntento sa sandali HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko Ang gusto ay ang tumitig lang sayo   Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita Parang madilim na kwarto na ikaw lang Ang tanging ilaw na bukas Sa sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok akong magsalita pero lalayo kana tinatawag ka ng kaibigan mo kasi ang isang oras ay tapos na. “SANDALI” sabi ng prof. muling napinta ang ngiti sa labi dahil sa huling sandali sumulyap muli sayo.    Patapos na ang sandali At tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang hinihiling ko, Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano, Pero sa oras na yon unang lumabas ng silid ang propesor. dahil tapos na ang sandali Tapos na. Ang isang oras.
0
Oct 14, 2016
Oct 14, 2016 at 9:59 PM UTC
Isang Oras

65
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa...... Ano bang pakiramdam ng nahulog ka? Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala, Yung pakiramdam na parang kayo na, Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala. Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga? Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya, Masasabi mo bang balewala ka sa kanya? Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba? Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro, Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado Ngunit pano? Nakakalito, Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo. Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan, Ganap nang manatili yung paminsan minsan Dahil... Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag Para sa  mimahal ko, na di nahahabag Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap Sana’y wala ka nang di nalulumbay, Nang Sana’y di nalang ako nasanay, Kasi hinahanap hanap pa kita, Buti sana kung di kita madalas makita, Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid Tulad parin ako nong una, Umaasa, Mga iniwan **** alalala Andito pa nagmamarka, Papano ko mabubura Sanay makalaya, Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Sana’y Di Nalang Ako Nasanay

39
"No more questions? Let's move on to the next topic" Mula nang mawala ka, Sa bawat pagkakataong Banggitin iyan ng aking mga **** Napapatanga ako at itinatanong sa sarili, "Ganon lang ba kadali yun?" Sana kasing dali Ng paglipat ng pahina ng aking libro Ang paglipat ng puso ko mula sayo, pabalik sakin Sana kasing dali Ng pagbura ng marka ng lapis sa kuwaderno Ang pagbura ng alaala mo sa aking isipan Sana kasing dali Ng paglabas pasok ng mga **** sa silid Ang paglabas pasok mo sa aking mundo Sana pero hindi Dahil tila nasa bawat pahina ka ng aking libro Dahil tila marka ng bolpen ang pilit kong ibinubura Dahil tila nakalabas ka na ngunit pilit kitang inaanyayahang bumalik Kahit ilang pagsasanay, pagsusulit, at oral recitations pa Sana bumalik ka Pero hindi. "No more questions? Let's move on to the next topic" Paano nga naman kasi ako makakausad Kung isipan ko'y punong-puno pa rin ng katanungan
0
Feb 11, 2016
Feb 11, 2016 at 3:42 AM UTC
Classroom Hugot
Heto na naman ako Nag iisa sa silid Na binubuo ng apat na pader Naisipan kong umakyat Masdan ang alapaap na binubuo ng tala Kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan; Isang bote ng alak, At isang bote ng gamot na walang mabuting maidudulot Ang kamay ko ay napuno ng marka Hindi itim O asul Pero pula Sunod sunod na linya at paulit ulit Ang mga marka ay nagsimulang dumugo Napatingin ako sa ibaba Ang mga halaman at lupa ay naghihintay sa aking pagbagsak Sa buong buhay ko Ngayon lang nagmukang malambot ang aspalto
0
Jul 26, 2017
Jul 26, 2017 at 6:13 AM UTC
Paalam na.
Nandito nanaman ako sa isang silid, malungkot , nagiisip kung anong mangyayari sa paligid Bukas ba ay payapa muli ang isip o bibilis nanaman ang tibok ng dibdib Sa bawat nangyayaring karanasan sa buhay ko may mga bagay akong naiisip na lumalait sa sarili kong pagkatao, sa pagkatao kong , pagiging mahina , na puro salita walang gawa, sa pagkatao kong kulang sa tiyaga umaasa sa kasiyahan na napupunta sa wala...At Paglipas nang taon sa kolehiyo , nanatili parin akong talo sa pag angat , pinili ang kurso na hindi naman kasing bigat ng abogado, Oo inaamin ko naiwan ako sa larangan ng akademika , alam ko naman na ginawa ko tong landas na to para sumaya pero, Dati yon iba na ang nasa isip ko ngayon, sana pala pinagbutihan ko nung mga araw na nakakahabol pa ko Pero ngayon ,ito natupad nga ang mga pangarap ko sa sarili ko , Pero di ko naman naisip ang kapalaran na darating sa kinabukasan ko Ano nga ba ang magiging kinabukasan ko ? Kung sariling kaligayan nalang palagi nag nasa isip ko Palagi nalang bang ganto ang buhay ko o isang araw , babagsak ang katawan ko katulad ng pagbagsak ng utak ko Tuwing naiisip ang mga malalagim na nakaraan sa buhay ko Mula sa palangiting tao na nakikita nyo , Maganda lang tignan parang takip ng libro, Pero ang totoo ay iba ang nilalaman nito, Magulo ang takbo ng buhay ko , Pero salamat narin may mga tao na nagbibigay ng halaga at pagmamahal Upang magpursigi pa akong mabuhay dito sa mundo... Salamat Ina,Itay,Lolo,Lola, Kaibigan,Katunggali Salamat sa walang hupay na pag intindi sakin sa lahat ng galit , panunukso Pagmamahal , pakikisama at sa mga bagay na nakalagay dito sa memorya ko, Isa kayong tagapagligtas dahil kung wala kayo Wala rin saysay ang pagkatao ko...
0
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 2:02 AM UTC
Malungkot ang Kwento sa Silid

31
Mahal kita Di ko maintindihan Ako ay lagi **** iniiwasan Simula lang noong inamin ang pag-ibig na matagal ko sa iyo nilihim Bigay kong mga rosas sa akin ay ibinalik pati ang puso ko na aking inihati Nang hindi na sumugpong ang isang piraso Nalaman ko na kay sakit pala mabigo Tatlong beses nanalamin Hinanap ang sariling kapintasan Buo kong kalooban ay naranasan na madurog nang lubusan Ngayon nagmukmok sa loob ng madilim na kwarto Liwanag ng buwan ay tumungo sa silid at nakapagsulat ako gamit ang hinanakit Mahal, ang una kong salita na  magdudugtong ng aking pagsinta Kita, ang kasunod para malaman mo na ang saklaw ng aking mundo ay tayo lang dalawa Di magtatatapos sa tuldok ang mga huling taludtod at ang ningning ng estrelya ay susundo sa wikang pampag-ibig na puno ng mga ninanais Nais kong tanggapin mo ang aking pag-irog at malaman mo na sa iyo lang ito nakalaan Ikaw ang pinipintuho ng mga ulap at sa ibaba ako'y makikipagsapalaran Nais kong kipkipin mo ang mga rosas na minsan nahiya Dalawang puso natin na sabik Nais ko rin basbasan ito ng langit Gusto ko tumaglay ng katangian na sa iyong mga mata ay kagigiliwan Di man matipuno, may galaw sana akong magalang Nais ko sa isang kubo tayo ay mamituin Sa labas ng bintana, sabay natin ipanalangin na ang pag-iibigan ay pagpalain Tulad ng pananalamin ng mga letra gayun din ang pangyayari sa unang apat na saknong ay kabaliktaran ng aking mga kagustuhan At ang huling mga salita Ang Hiling sa Pasko na tula ko'y pakinggan
0
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 5:24 PM UTC
Hiling sa Pasko

38
Sa tili ay nagulat Oras na bumangon Tumatagistis ang pawis Nagsusumikap sa ilalim ng buwan Nang sa taggutom ang sikmura'y di magtiis Ilang linggo na ang lumipas at muli'y pasukan Di pagbabalik-skwela ang kinapapanabikan kundi ang hirang Ang makita na ngumiti, nagsisilundagan ang saya sa luksong-lubid Sa kumikinang na dilaw - ginto Sa pinto ng silid-aralan Ang pangalan ay sa talaan Sumambulat sa harapan, magiliw na klase at kaibigan Alas singko ng  hapon, bumuhos ang ulan Sa hintayan ay sumilong at doon din ang paraluman Ang tatlong estudyante sa likod niya ay di alam Nang isa ay hinipo ang makapal niyang buhok Tinawag na ang pangalan Sa tabi ay lumapit Ang winika ay baka mabasa ka ng mahalumigmig na  habyog ng hangin Inaabangan pa rin ang mga binata sa kung ano pang balak na gawin
0
Jan 9, 2019
Jan 9, 2019 at 5:30 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #46
Lagitik. Isang malutong na tunog na nagtatagal lamang ng wala pang isang segundo. Lagitik. At nahulog na ako sayo. Subalit ako lamang ay isang tahimik na babae. Nakaupo sa sulok ng ating silid-aralan. Hindi kita hinanap. Nakita mo lang ako at ginulo ang buhay ko. Lagitik. At napaibig mo ako. Tama sila, napakasarap magmahal. Ang mga araw na kasama ka'y tumatagal lamang ng isang lagutok sa sarap **** kasama. Lagitik. At nabago mo ang buhay ko. Lumipas ang mga taon at mahal parin kita. Walang pagbabago ngunit ikaw'y nagbago. Nalaman ko nalang na pinagpalit mo na'ko. Lagitik. At iniwan mo ako.
0
Aug 30, 2015
Aug 30, 2015 at 3:26 AM UTC
Lagitik
Kinikilig pati ang mga butuin Sa saliw ng iyong boses na malambing Nakadungaw sa bintana kahit lahat sila'y nakahimbing May kaba sa damdamin Paano bukas lahat sila'y magagalit? Si ama , hahabulin ka ng itak Natawa na lamang Ang mga braso ko'y hinatak Naglapit ang mga muka Muntik ng atakihin sa kaba Ang puso ko ata ay nahulog Nang si bantay ay umalulong Dali-dali ay nagtago Tinginan nati'y di pa rin nagbabago "Kailangan ko nang bumalik sa silid." ang wika ko Sabay dagling humalik sa sinta ko -Tula VII, Margaret Austin Go
0
Nov 21, 2014
Nov 21, 2014 at 2:51 AM UTC
Tula VII
(1:30 AM/ Brownout) Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan. Ako’y nakakapaso Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan, Sa apat na sulok ng silid-aralan, Sa lipunang may mabigat na ginagampanan Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao. Nilisan ko ang liwanag Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan. Ako’y Iyong tinubos Sa mapanghusgang lipunan May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo Nang ako’y pagharian Mo. Gamitin Mo ako, Pagkat ang liwanag, ang katuturan Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita Nang sinuman.. Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro At kung ang lakas ay hindi mula Sayo. Sukat ang buhay ko Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito Minsan pala’y nakapapaso rin ito Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao. Sayang.. Kung ang ilaw ay nakakahon Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin Kung ang sarili’y hindi kikitilin Nang magkaroon ng pangalawang buhay. May ilang gagambala Mga insektong hindi alam kung saan nagmula Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag At kung di lalakas ang alab, Ako pala’y matutupok. At sa hanging iihip, Kung wala ang mainit na mga kamay Na siyang yayakap at hahagkan sa akin Ako’y maagang mahihimlay, Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin. Ngunit ang alab na ito’y Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon Sisindihang muli, Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon. Binibilang na ang oras Bawat minuto’t segundo Maaring mapagal at maagang tamlayin, Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay. Ngunit bago maupos, Ako’y may aabutin Bawat sulok ay dadampian ng buhay At magmamarka sa bawat haligi Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa. (5/13/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
Ang Paghihimagsik ng Paupos nang Kandila

58
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid, Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip. Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan, Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan. Ano ang pipiliin? Ano ang susundin? Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin? Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay, Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan. Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab, Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan. Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita, "Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan, Ang katotohanang wala kang paroroonan. Ikaw na ninais ang siyang iginapos, Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos. Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay, Aking tinalikuran pag-asang hinihintay. Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan, Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan. Subalit matapos ang gabi ng panaginip, Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit. Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula, Sa aking paglabas, kinatatakutan nila. Sa aking paglalakad sa mundong umiikot, Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot. Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid, Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig. "Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw, Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw. Nagpatiluhod at doon ay nagnilay, Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay. Isang katauhan ang nababalot sa liwanag, Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay, Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot, Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot. Supot na naglalaman ng buhanging Kristal, Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya. Kukunin ba kita at titikmang muli? Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit? Ano ang gagawin ng isipang sabog, Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:57 AM UTC
Kristal

48
Nakahigang pilit na nagmamasid Sa madilim na apat na sulok ng silid Ang sakit ay hindi pa rin lingid Kahit na tiyak ang luhang nangingilid Binabalot ng malamig na kalungkutan Ang puso'ng di alam kung nahihirapan Humahanap ng kumot sa isipan Mainit na yakap sana'y masumpungan Heto na nga at nalulunod na ako At hininga'y kinakapos sa isipan ko Pakiusap sana'y panaginip na lang ito Sapagkat sa paglangoy pagod na ako Isipan ay lubos akong pinahihirapan Tila laging mayroong digmaan Sa silid ng nakabibinging katahimikan Ang isip ay matinding naglalaban Sumapit na ang umaga Ako'y wagi sa pakikibaka Sa kalabang sariling likha Ng isipang puno ng katha
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:17 AM UTC
Silid
Madasalin akong tao. Pagmulat pa lang ng aking mga mata sa aking unang hinga, sa pagbuka ng aking mga bibig, ngalan Niya na ang unang lumalabas, ngalan Niya na ang aking binibigkas. Sa bawat umagang gumising ako na wala ka sa'king tabi, mas lumalakas ang aking mga dasal. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng aking silid ang iyong mga alaala. Yung tipong aabutin ng ilang dekada bago aking malimutan ang tinig ng iyong mahihinhing mga salita. Ako'y madasaling tao. Sa ilang beses ko ng Isinigaw sa langit ang iyong mga ginawa para mapamahal ka sakin bakit tila aking pakiramdam hindi Niya ako naririnig? Sa ilang beses kong hiniling na makasama ka, sa bawat araw na nasa isipan kita, kulang pa ang mga senyales na ibinibigay Niya. Nakakatawa nga lang dahil hindi ko naman tinanong kung Pwede pa bang ika'y mapa sakin Pero bakit sumasagot na Siya agad Na parang hindi maaari? Pero itinutuloy ko pa rin ang aking pagdadasal at baka sakaling mapag bigyan. Hanggang sa umabot ako sa lugar na sa aking pakiramdam hindi naman sapat ang pagbulong ng dasal. Na hindi na sapat na iiyak ko na lang lahat sa mga paa ng imahe Niya. Na dapat siguro hindi lang saming dalawa ng Diyos ang aking mga hinihiling. Aking gagawing dasal Ang iyong pangalan hanggang sa mabingi ako sa bulong ng bawat santo. Hanggang sa masunog ang dila ko Sa Amen ng bawat pari ng simbahan. Hanggang sa malunod ako sa mga dugong luha na iniyak ng birhen. Kailangan ko lang na iparamdaman Nila na ako'y naririnig. Kahit ang aking mga pinaka tahimik na sigaw para sa pangalan Niya. Isisigaw ko ang bawat rason kung bakit labis na Minahal kita. Ngunit ako'y nagbabakasali lamang, alam kong hindi lang ako ang Kanyang anak pero sana kahit isang beses lamang sa milyong daan kong pagsabi ng pangalan mo sa Kanya, kahit isa lamang sa kung sino man ang nasa itaas; nagbabakasakali lang akong umabot sa langit ang aking mga dalangin. Hanggang sa mahalin mo ako magiging madasalin akong tao.
0
Jul 21, 2015
Jul 21, 2015 at 8:34 PM UTC
Kahit sino man ang makarinig

77
dilaw na dyaket ang suot mo noon habang ako ay nananahimik hindi makaimik at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon na sinasala ng kinulayang bintana kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga dilaw na dyaket ang suot mo noon at ang unang naitala sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga nang dahil sa bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin ako'y napatitig na rin napatitig sa dilaw na dyaket mo at hindi ko mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat nakakibit hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo napapaliit ang tikas ng iyong pagkatao hindi ko rin mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang anghel ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang anghel ika'y naging anghel sa aking isipan marikit na imahe sa aking kaloob-looban munting sigaw sa buong kalawakan o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw: nakikita mo ba? nakikita mo ba kung paano kita nakikita? nakikita mo ba kung paano kita sinasamba? nakikita mo ba kung paano kita sinisinta? oo, sinisinta, dahil munting anghel ko, o, mahal kita mahal kita, o, munting anghel ko mahal kita at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao mahal kita at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko mahal kita at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso at nais kong ako ay maging iyo at nais kong mahalin mo rin ako ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako natakot ako na kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay huhusgahan mo ako kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay magugulat ka at lilisanin mo ako kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang isang bulong na nagsasabing: o, munting anghel ko, mahal kita, o, munting anghel ko, pangarap kita, ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas at tuluyang mawala ka. maroon na dyaket ang suot mo kanina noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita ngunit may kasamang iba at siya'y ika'y inakbayan at ika'y siya'y nginitian at ako'y napaisip nang biglaan kayo ba? kayo ba? kayo ba? napakwento ang kaibigan ko: alam mo ba, ganun na nga sila na magdadalawang-linggo na. hindi naman sa nasaktan ako pero parang ganoon na nga. hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko pero parang ganoon na nga. hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo— pero parang ganoon na nga. ganoon na nga dahil kayo na nga kayo na kayo na kayo na. ganoon na nga dahil siya ang kasama mo hindi ako hindi ako hindi ako. siguro kung hindi ako natakot siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto ay mapapabalabal ko na ang iyong puso siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay ako na'y magiging iyo siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo ay mamahalin mo na rin ako ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako at ayan na nga, o, munting anghel ko, lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo at ayan na nga, o, munting anghel ko, baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko maroon na dyaket na ang suot mo ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 11:47 PM UTC
Dilaw na Dyaket

115
Pumikit Lasapin ang bawat saglit na lumalangitngit ang pawis sa inyong balat na magkadikit. Huwag niyong ipagkait sa apat na sulok ng silid ang kanilang karapatan masilayan ang inyong pagmamahalang saglit Igapang mo ang iyong mga nananabik na daliri sa pambalot ng kanyang laman, Sa bawat segundong inuudyok at kinikililiti ang iyong kasiping isiping siya ay isang anghel na ipinadala ng diyos ng dilim ng silid Manampalataya Manalangin na ang sandaling maglapat ang iyong labi sa kanyang katawan ay pang-matagalan Na ang pagsamba mo sa kanyang katawan ay magiging makatarungan Iyong lubusin ang pag-halo ng laway at pawis Tumingin sa pagkinang ng namumuong asing itinuturing **** bituin dahil sa bawat paglamas ng inyong dila sa isa't-isa, dahil sa pagdurugo ng labi, dahil sa panggigil at kagutuman at libog ng katawan at isipan Hangga't siya'y nagugutom at uhaw sa maling pagmamahalan– Kumapit Hayaan ang sarili maipit sa kanyang bisig sa tuwing pipilipitin niya ang iyong isip gamit-gamit ang kanyang mga matang nanlilisik sa pagnanasa at tamis na kay pait Ang kanyang mga mata na nagpapakita ng kaluluwa na umiiyak dahil hindi kayo para sa isa't-isa Iyong nahihinuha na pareho lang kayong dalawa, parehong kumakapit sa ideya na ang pakikipagkantutan ay paraan para mahanap ang pag-ibig na bumabalot sa mundo't umaakap Umakap Panghawakan ang alapaap at huwag kang kukurap para masilayaan ang pamumuo ng mga ulap sa kanyang mga mata, Ang pagbaha ng inyong mga kalooban dahil sa pagragasa ng inyong kahayukan Ngunit wag kang magpahinga. Hayaan mo siya ang mauna sa pagpapahinga, Ito ay senyalis ng pagkapagod at pagsuko sa kasiyahan na inyong tinatamasa Masasabi **** masalimuot ang karanasan na ito kahit nilubos mo ang pagkakataon na kayo ay nag-indakan sa bawat sulok ng silid na madilim na sa pagtapos wala na kayong ibang magawa kung hindi– Huminga Huminga ng malalalim bago umalpas ang inyong kamunduang pangsandalian At sa pagwaglit ng iyong hanging ibinuga, tanggapin sa sarili na libog lang ang inyong nadama
0
Feb 2, 2017
Feb 2, 2017 at 2:09 PM UTC
Pumikit

29
Hindi ang dalawang katawang lupa ang Nagniniig, nagsasanib ngayong gabi. Tangay ng Daluyong na pumapaindayog sa bawat Paghagod, pagkumpas sa ritmo at ritwal Ng pagsamba sa dambana ng laman, Katas at dahas ng magdamag, sabay Tayong lumalaya sa hangganan ng Pag-ibig ng mortal nating katawan. Hindi ang pag-ungol o ang malalim Na pagbaon ng mga kuko sa talim Ng bawat lihim ng silid na ito ang Hahadlang sa atin patungo sa wagas na Pag-ibig. Pakatandaan mo, lilipas ang Alindog at handog na kagandahan ng Katawang lupang kusang bumabalik, Humahalik sa paanan ni Kamatayan, Ngunit hindi kailanman ang wagas Na katotohanang sa gabing ito, hindi Ang dalawang katawang lupa ang Nagniniig, nagsasanib, kundi tayo, Bilang mga kaluluwa.
0
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 1:21 PM UTC
Talik
Ilan taon na din ang nakaraan Noong huli tayong nagmahalan. Mga batang sabik magmahalan Kahit ayaw ng magulang. Naaalala ko yung mga lihim natin Paghawak kamay sa silid aralan. Mga tinginan kasing tamis ng candy. Sulat na punong puno ng pagmamahalan. Ngunit kung gaano kabilis ang atin pagmamahalan, Ganoon din kabilis ang katapusan. Ilang taon na din ang nagdaan, Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan? Sa ating muling pagkikita, Ang mga puso'y sugatan. Takot magmahal dahil sa sugat na Iniwan ng iba. Handa na ba tayong suungin ang Pag-iibigan naudlot? Handa na ba tayong ipaglaban ang pagmamahalan ito? Andito lang ako maghihintay sa sagot mo.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 11:32 AM UTC
Handa
Kay dami nang hindi mo katulad ang sinarahan ko ng pinto Hindi labag sa aking kalooban na mag papasok kung sino-sino Para mag kalat, mang gulo, at bantayan ang mahalagang bagay sa akin Dahil alam ko na ikaw ang tahanan ko At nakalaan to para sayo Ikaw ang banyo na binabalik balikan ko na parang balisawsaw ako Ang kusina na nagsilbing lugar, para iluto ko ang putahe na mas matamis pa sa mga ngiti mo Ang silid kainan, kung saan lahat ng gusto mo ay inihain, dulot ng pagmamahal ko Ang sala, kung saan ang tinig ng halakhak at tawanan ay maingat na tinatabunan ang pintig ng puso, Ang aparador, kung saan nakatago lahat ng liham na dapat basahin mo At ang kwarto, kung saan bumubuhos ang luha, na naging takbuhan ko tuwing nalulungkot ako, Sabay mahigpit na yakap sa unan nang hindi ako bitawan nito Ikaw ang susi para mabuo ang tahanan ko, Isang katok lang ang tunog na gusto kong marinig galing sayo Kung pwede lang tanggalin ang pinto na nakaharang dito Ito'y gagawin ko Isang sulyap lang kahit may harang na matataas na bakuran na nakapaligid sakin ay masaya na ako Ipaalam mo lang na hinahanap ako ng mga mata mo dahil para sayo ito Gusto ko nang ipaalam sayo, Ang mga lihim, na wala nang espasyo para ipaglagyan pa Gusto ko nang ipaalam sayo, Na ikaw ang gusto ko, sya lang ang kailangan ko Gusto ko nang ipaalam sayo, Na tunay kang mahal nito At sana'y alam mo ang lihim ko, Na gusto kong ako ang maging tahanan ng puso mo
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 11:08 AM UTC
Lihim na Tahanan
limampung pulgada ang pagitan ng ating upuan limampung pulgada na tila parang isang kilometro ang distansyang kinakailangang tahakin upang maipatong ang braso sa pahirabang nakaumbok sa gitna ng ating luklukan, kung saan ang iyong braso'y nakapatong rin. apatnapung pulgada nang sumara ang ilaw kasabay ng aking mga mata kung saan sinakop tayo ng karimlang mas madilim pa sa kalagitnaan ng takipsilim ngunit ako'y nakatayo, naglalakad na patungo sa'yo – mga kamay na kinakapkap ang malalambot na pulang ulo sakaling ako'y mahulog dahil ang ninanais kong sumalo sa akin ay apatnapung pulgada pa ang layo. (tatlumpu, dalawampu, sampu) bawat tapak na nanatiling tahimik, maingat. (siyam, walo, pito) natatanaw kita sa halip ng dilim kung saan wala talagang makita, makilala. (anim, lima, apat) para bang lahat ng puso sa silid ay nagsabayan sa pagsigaw. (tatlo, dalawa, isa) nasa tabi na ki– bumukas ang mga ilaw, kasabay ng aking mga mata; pumalakpak ang lahat. Limampung pulgada pa rin ang pagitan ng ating upuan.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 8:31 AM UTC
limampung pulgada
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw. Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon. Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya" Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya. Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
0
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 9:54 PM UTC
Ang Paglubog ng Araw
Paano kaya? Mahal ko ang pilipinas. Sobra. Mahal ko ang bansang aking kinalakhan. Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko! Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa? Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan. Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila. Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika. Paano kaya? Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata. Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin. Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin. Paano kaya? Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw. Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan. Paano kaya? Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan. Paano kaya? Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman. Paano kaya? Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito? Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa. Alam kong katangi tangi parin ito. Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa. Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat. Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay. Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at  kahit may taning na ang buhay. MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
0
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 1:39 AM UTC
Sa Kabila

28
dahan-dahan **** itaas ang kamiseta kong iyong nilamog, nilasog, nilukot-lukot kurutin mo ang kaluluwa kong tunay na alay sa iyo unahin mo ang aking labi bumulong sa pagitan ng mga halik dila'y umiindak sa sariling ritmo mahal kita, akin ka, mahal, halika paibabang mga halik, hihinto sa leeg isa-isang taluntunin ang mga bituin sinag sa aking balat, iyong intindihin idampi ang mga daliri sa aking dibdib himurin ito, kilitiin, at ipadama ang sansinukob na sa atin lamang lapnos ng iyong mga halik ay hahanap-hanapin animo bakas ng iyong papalayong yapak kabog ng puso'y umuugong sa silid hihigpitan ang kapit sa iyong buhok at susunggaban ang iyong labing sabik na sabik naghahalo tayo na parang makulay na pintura kaanyuang magkasalungat ay ating pinag-iisa inihahain ang sarili, punong-puno ng tiwala sirain mo ako sa pinakamagandang paraan isalin mo ang iyo, huwag mabahala
0
Oct 17, 2015
Oct 17, 2015 at 2:51 PM UTC
unang sayaw
Putik na nabuo mula sa luha at alikabok. Bulaklak ng damo na tumubo sa puntod. Isang  munting uod. Isang butil ng pulang buhangin. Bato sa kabundukan na tinutunaw ng hangin. Pulubi sa daan na namamalimos sa mga matang piniringan. Asin sa basong walang takip. Panyo sa upuan na pinakupas ng tubig-ulan. Munting ilaw na sumisilip sa silid-piitan. Isang sulat ng pamamaalam na nakaipit sa pintuan. Pahina ng kalendaryo na nakaligtaang pihitin. Kandila sa dilim na nakikipaglaro sa mga anino. Kabibe sa tabing-dagat na walang laman. Mga tunog na walang huni at nagsisilbing musika para sa mga bingi. Hibla ng buhok sa ibabaw ng gitara. Antipara na nakapatong sa lamesa. Pakpak ng tutubi na tinupok ng gasera. Isang tuyong dahon na sumabit sa bintana. Langaw na nabitag sa sapot ng gagamba. Kutsara sa tabi ng basag na pinggan. Mga basang uling sa hulmahan. Katahimikan. Usok na humahalik sa kalawakan.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:22 AM UTC
Lakbay-Diwa
Marahil walang isang salita ang makakapag-bigay linaw Sa kadilimang taglay ng tuwina, sa aking labi, tila nawawala ang ilaw Mga mata'y malayo ang tanaw ngunit hindi nito saklaw ang pagitan Higit na malawak at binabalot ng panglaw, sa paggising ay salat sa iyong galaw At oo, tila nagkakaiba ang wika na kilala ng ating mga dila, kaya't iaalay na lamang ang buwan at araw sa'yo, aking mahal, pati na rin aking diwa Mula sa sulok ng aking silid at sa isip na puspos ng suliranin, isinusulat itong munting tula sa buwan ng aking wikang kilala Mga kamay ko'y ipinagdiriwang na mayroong ikaw at ikaw ay akin, ipinagbubunyi ang buwan ng ikaw puso'y tatangis hangga't ika'y makapiling
0
Aug 15, 2022
Aug 15, 2022 at 8:38 AM UTC
Buwan Ng Ikaw