Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Apr 2017
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.

Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?

Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.

Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.

Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.

Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.

Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Naisipan ang kahalagahan ng oras sa buhay, dahil ang mga nakalipas na, di na pwedeng balikan pa.
Angela Mercado Sep 2016
//
Umahon ang buwan mula sa kanyang pagtulog. - sabik na sabik sinagan ang sanlibo't isang nayong naghihintay sa kinang niya.
Madilim at malamig; makapal ang mga ulap sa langit. Higit ang pagnanais sa kanyang pagdampi.

At siya'y lumiwanag.
Kumislap.
Ang kinang ng sigurado sa alon-along pagtatanong-tanong.

Ang nag-iisang tiyak sa langit ng duda.

Buong gabi niyang niyakap ang mga pueblong hitik sa pangamba. Winalis ang takot na dala ng langit na obskura.
Buong gabi niyang tangan ang bawat pulgada ng bahala.

Hanggang sa bumangon ang araw mula sa kanyang paghimbing
- sagisag ng kanyang muling paggilid.

Sa gilid.

Sa gilid ang kanyang pedestal.

Ano ang laban sa kinang na hatid ng araw? Lunduyan ng liwanag, sastre ng pagtitiyak.

Sa gilid ang kanyang pedestal.

Pagkat alam ng buwan na iba ang kislap niyang hatid - kinang na kikinang, ngunit 'di maglililimlim.
Kinang na pupuno lamang sa langit ng dilim; sa gilid

ang kanyang pedestal.

Pagkat iba panghabambuhay na paghalik sa pandaliang pagtangan;
na iba ang gusto
sa kailangan.
Mga paningin nating laging nagkaka-bunggo,
pilit man itong pigilin kusa pa ring nag-tatagpo
ginagala ang mata sa bawat sulok ng kwadro,
upang ito ay itago ngunit sayo pa rin sa huli dumadapo.

Bilanggo ang aking mga salita
gawa ng paralisado kong dila
tuwing ikaw ay malapitan kong nakikita.

Bibig ko ay mga matang malaya
upang mangusap at mag-pahayag ng mga
salitang di ko kayang masambitla
sa tuwing mata nati'y nag-kakabangga,
nag-hihimutok ang damdamin kong nag-babaga.
Kate Burton Dec 2016
Ang hirap simulan
Hindi ko alam paano uumpisahan,
Sisimulan ko sa hindi pag pansin,
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari

Kaya ko
Kaya kong mawala ka sa isip ko
Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari
Kunwari kaya ko

Masaya ako na kaibigan kita
Na kaibigan lang kita
Masaya ako na kasama kita
Kahit alam kong may mahal ka ng iba

Sisimulan ko sa hindi pag pansin
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari
Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya
Kunwari hindi ako nasasaktan

Kunwari hindi ko nalang nakita,
Kunwari wala tayong pagkaka intindihan,
Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako,
At kunwari, hindi ako nasasaktan

Eto na ako at kinakaya ko
Lahat ng sakit at pait na natatamasan
Mawawala rin sa aking damdamin at isipan
Wag mo akong kaawaan

Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya
Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa
Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon

Hindi mo ako minahal
Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili
At tila paulit ulit din akong sinasaksak
Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso

Sisimulan ko sa pag kukunwari
Kunwari hindi ko nalang nakita
Kunwari hindi ako nasasaktan
Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
Alice Aug 2018
Ano…
“Ano ang pakay mo dito sa mundo?”
Iyan ang unang tanong niya sa akin.
Naniniwala ako na ako ay nandito upang mabuhay,
Upang sa mundong ito ay magbigay ng sariling kulay.
Ngunit hindi ko alam ang rason kung bakit
Ako dito sa lupa ay ibinaba ng langit.

Sino…
“Sa iyong palagay, sino ka?
Sino ka upang mabuhay nang kasama sila?”
Hindi ko alam kung sino ako sa mundong aking kinabibilangan.
Ang tanging alam ko lang ay ang aking pangalan.
Ngunit ako ay may karapatan
Na maging tao dito sa mundong aking ginagalawan.

Bakit…
“Bakit ka umiiyak?
Tila mababaw ang iyong luha, sabi mo ay malakas ka.”
Tama ka, siguro ako nga ay mahina.
Huwag kang mag-alala, ang ulan ay titila.
Itinatanong mo kung bakit mga luha ay pumapatak.
Minsan, ang langit din naman ay umiiyak.

Saan…
“Saan ka tutungo?
Kahit saan ka magpunta, ang lupa ay guguho.”
Hindi ko alam ang mga tatahakin na daan.
Nais ko lamang na makahanap ng tahanan,
Tahanan na gigising sa aking puso’t isipan.
Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan?

Kailan…
“Kailan ka ba magigising?
Dahil minsan, daig mo pa ang isang lasing.”
Gising ako at mulat ang aking mga mata,
Pagod na pagod na akong maging bulag pa.
Pinapatulog tayo ng mundo sa pamamagitan ng mga kanta,
Mga kantang may lason upang hindi na magising pa.

Paano…
“Paano mo gagawin ang lahat ng iyon,
Kung pati ang iyong sarili ay hindi sumasang-ayon?”
Gagawin ko dahil kaya ko; susunod sa mga aral,
Gagawin ko dahil kaya ko;  basta kasama ko ang Maykapal.
At sa aking huling sasabihin, ako ay aamin:
Ang aking kausap ay ang tao sa salamin.
wizmorrison Oct 2018
Ang sarap hindi na bumalik sa kung saan ka nanggaling. Ang lupang nagbigay sa akin ng kunting ligaya ngunit puno ng masasakit na alaala. Ilang luha ang nilabas nitong hapong mga mata? Ilang impit at sakit nitong pusong nagdurusa?

Haggang kailan ako maggitiis? hanggang kailan ito matitikis? Mga tao sa paligid ay mapanuri, mapanghusga't mapanglait. Unti-unti kang sinasakal, bawat mali'y laging maturingan. Pangako ko sa Maykapal na gawa nila'y babaunin at pati buto ko sa libingan ay hindi sila malimutan.

Itong kirot ewan ko hanggang kailan ito, gagawin ko na lang itong isang malaking hamon at inspirasyon.

@Wizards_Pen
Wala, naglalabas lang ng sama ng loob. Yakang-yaka ko 'to. Fighting!!
dannyjoe May 2019
Kayod para sa kakarampot na barya.
Sirbisyong kalabaw ngunit binipisyo ko’y wala.
Ang hanap buhay ko’y ikinabubuhay ko pa kaya,
O para sa mga taong minamaledukado ang tulad kong dukha.

Katamaran ay katumbas ng kahirapan bintang ng konyong bulaan.
Hindi tamad ang tulad kong madalas niloloko at napagkakaitan.
Ang kawalan ko ng oportunidad ang syang tunay na dahilan.
Maledukadong tulad ko’y walang luwalhati sa lipunan.

Pagmasdan ang bayan tila nagpapasakop-sakupan.
Sa lawak ng dagat tila walang mapangisdaan,
Sa lawak ng lupa tila walang matirhan.
Ang tulad kong maledukado’y saan ma’y tila walang karapatan.

Ang kahirapan nawa’y sa tulad ko ay wag isisi.
Ang buhay sa aking paghahanap buhay ay nais din mapanatili.
Sa kasaganahan ay nais ko din makibahagi,
Ngunit ako’y maledukado at sa lipunan ako’y basurang masasabi.
Chi Jul 2017
May mga klase ng pagmamahalan
Pagmamahalan na sinimulan ngunit hindi hanggang huli
Pagmamahalan na sinimulan at hanggang huli
May pagmamahalan din naman ng katulad ng atin
Hindi naman sinimulan ngunit, subalit, datapwat, kailangan tapusin
Dahil kahit paulit ulit kong isugal ang puso ko
Alam ko sa huli talo pa din ako dahil hindi lang naman oras at panahon ang kalaban ko
Pati na din ikaw at siya na mahal mo
Gusto ko man ipagsigawan na mahal kita
Mahal kita kahit nakaakibat dito na ayoko na
Mahal kita kahit alam kong siya pa din ang pipiliin mo sa aming dalawa
Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita --- kahit walang tayo
Ay mali, ikaw lang pala at ako
Kasi sa simula palang wala naman akong matatawag na tayo
Walang tayo na pinaglalaban ko
Walang tayo na dapat tapusin ko
m i m a y Sep 2017
Isa, isa lang, isa lang naman ang gusto kong makasama.
Dito sa mundong pinaghalong lungkot at ligaya.
Yun ay IKAW.

Dalawa,  dalawang salita lang ang maibibigay ko.
Maibibigay kong rason para malaman mo.
Kung bakit ikaw,  ikaw ang gusto ko.
Dalawang salita na binubuo ng siyam na letra, MAHAL KITA

Tatlo,  tatlong salita lang naman ang ninanais ko.
Salitang nais kong marinig mula sa bibig mo.
Salitang habang sinasambit mo ay naguumapaw ka sa tuwa.
Salitang MAHAL DIN KITA

Ngunit apat,  apat na masasakit na salita.
Na tila ba'y pagtibok ng puso ko'y tumigil bigla.
Kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Nalaman ko,  nalaman ko lang naman na MAY MAHAL KANG IBA.

Lima,  limang salita ang paulit-ulit kong hinihiling.
Magmula ng malaman kong may iba ka ng kapiling.
Sana,  SANA IKAW AT AKO NALANG.

Anim,  anim na salitang patanong ang nasa isip ko.
Tanong na gumugulo sa puso't isipan ko.
Tanong na gustong malaman ang kasagutan nito.
ANONG BANG MERON SIYANG WALA AKO.

Pito,  pitong salita ang nais kong ipaalam sayo.
Pitong salita na sana'y magpabago ng isip mo.
Pitong salita na handa kong gawin para sayo.
MAHAL KITA AT HANDA AKONG MAGHINTAY SAYO.

Walo,  walong salita na pilit kong pinanghahawakan.
Walong salita na inaasahan kong matutupad,  hindi man kinabukasan.
DARATING ANG PANAHON NA MAMAHALIN MO RIN AKO.

Siyam,  siyam na salita na alam kong totoo.
Siyam na salita na binitawan ng kaibigan ko.
Siyam na salita sa na dumudurog sa puso ko tuwing naririnig ko ito.
WAG KA NG UMASA, MAY MAHAL NA SIYANG IBA.  

Hanggang sa sampu, sampung salita na nanggaling mismo sa bibig mo.
Salitang  nagmulat sakin sa katotohanang hindi talaga magiging tayo.
Salitang nagpagising sa natutulog na puso ko.
Salitang ITIGIL MO NA, HINDI MAGIGING IKAW ANG TAONG MAHAL KO.
Not good at making titles talaga. XD
Miss Emma Writes Jul 2019
Pusong sugata'y naging sunud-sunuran,
Inakalang ito ang gusto ng kapalaran,
Ang pag-ibig kong lubos,
Unti-unting naubos at natapos.

Nagbago ang ihip ng hangin,
Itinaboy ka papalayo sa akin,
Ngunit masisisi ko ba ang hangin?
Kung ayun din naman pala ang iyong hangarin.

Hangganan ay nakalimutan,
Sapagkat wala nang patutunguhan,
Marahil ang alaala'y babalik,
Ngunit hindi na muling mananabik.


Kaya aking sinta,
Malaya ka na.



7/19/20
President Snow Jun 2017
Babalik ka pa ba?

Ilang makukulimlim na araw na ang nagdaan
At ilang malalamig na gabi na ang lumipas
Ngunit narito pa rin ako
Nakaupo sa pinangakong tagpuan
Binibilang ang bawat oras na wala ka
Humihiling at bumubulong sa hangin na sa bawat paglingon ko ay katabi na kita
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nga bang lumuha ang nga ulap
Kasabay ng aking pagiyak
Dahil sa nararamdaman kong pighati at pangungulila sa iyo

Hinhintay mo rin ba ako tulad ng paghihintay ko sayo?
Nasaan ka na ba?

Babalik ka pa ba?
Hintay po hindi ****** HAHAHAHAHAHA
Siguro nga tayo ay napaglaruan ng tadhana

Dalawang tao na nagkatagpo ngunit hindi para sa isa't isa

Hanggang kailan ko ba sasabihin sa sarili kong " Tama na"

Kung wala nang natitira pang pag asa

Hilingin ko man sa bathala na tayo'y muling magkita

Ngunit ang buong daigdig ay tutol sa ating dalawa

Kaya anong saysay ng pagluha at paglaban pa

Kung ang buong mundo ay sumuko na sa ating dalawa


Sa tuwing sasakay ako ng tren ikaw ang sasagi sa isipan ko

Sa bawat buhos ng tao hinihiling na ang pares ng mga mata mo ang matatagpuan ko

Ngunit kahit anong dasal at daing pa ang sambitin

Tila ba ito ay bitin at mananatiling kulang parin

Oo nga, tayo ay tinalikuran na ng buong mundo

kaya ang natitirang pinanghahawakan ko ay ang bakas at ang alaala mo



//iana
Neil Harbee Dec 2017
Kinain ng kadiliman ang buong daigdig
Saksi ang mga kabundukan at karagatan
Sa kung paanong natakpan ang araw na siya noong naghahari sa langit
Nagkalat sa buong lupain ang pait
Ang sakit
Dahil ang gabi dulot lang lagi ay kasawian
Ang gabi'y hindi isang kaibigan
Ang gabi'y hindi titigil hanggang ang kaisa isang tala na hawak mo ay kumupas na nang tuluyan
Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao
At oo
Sirang sira na ang taong sumulat ng binabasa mo
Sumasabog ang ulo na tila pagputok ng bulkan
Pumapatak ang luha na tila pagbuhos ng ulan
Ngunit lahat ng ito ay nakatago
Gaya ng kayamanan na nakadeposito sa bangko
Na kayang kaya ilabas ngunit mas piniling ipunin ng husto
Ipunin ang mga delubyo
Delubyo na animo'y itinanim sa dibdib ng isang demonyo
Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao
At walang sinuman ang makakasaksi nito
Dahil ang dilim ay inipon ko
At ang buhay ay kikitilin
Ang hininga ay lalagutin
Ang sarili ay papatayin
At lalong walang makakasaksi na sinuman
Dahil walang pakialam sa aking gabi ang sambayanan
Lahat ay nahihimbing sa kanilang kinaroroonan
At sa wakas
Nandito na ang wakas
P.S. Di po ako suicidal haha
kenny Jul 2018
Librong matagal na binuksan sa madla,
Ngayon ay ipipinid ko na,
Maraming salamat sa pagbasa ng aking mga obra,
Sa inyong aking mga taga suporta.

Ngunit ngayong gabi wawakasan ko na,
Hindi na kailanman masisilayan pangalan ng may akda,
Hindi ko na kayang sumulat pa,
Sapagkat kadilima'y tuloyan ng nakapasok sa puso ng manunula.

Nahihirapan ilimbag itong huling tula,
Kahit alam kong dito'y walang magbabasa,
Ito na ang huling tulang aking isusulat,
Paalam ito'y iaalay sa inyong lahat.

'Wag ka sanag tumigil sa paglikha,
'Wag **** hayaang mawala ang tinta ng iyong pluma,
Gawin **** inspresyon ang pagsasara ng aking libro,
Ipinapangako kong ako'y gagabay sa'yo.

Hindi man kita lubosang kilala,
Ngunit ibibigay ko sa iyo ang aking dugo upang ika'y makasulat pa,
Maraming salamat,
Ako'y magpapaalam na.
Jud May 2019
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita
Saan na kaya? Sana'y bumalik kana
Hininitay ka na niya
Matagal Tagal naring  ikay nawala
Nalilibang kana ata?

Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito
Alak Droga Sigarilyo Ito  ang mga hawak mo
Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo


Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ilang bundok na ang kanyang inakyat
Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na
Habang ikaw ay naaaliw
Bulong niya'y, oh aking giliw
Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako.

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak
Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak
Niyakap ka niya at sinabing
Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong  bukas

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ikay hinahabol niya
Bamalik ka na daw sakaniya
Basahin mo ulit ang kanyang mga salita
Dahil ang mundong Ito ay mawawala
Ngunit ang kanyang salita ay mananatili

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Pagmamahal na walang hanggan
Mamahalin ka hanggang katapusan
Kahit di tayo'y karapatdapat
Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Oh Diba ang Hirap makawala?
Ang Hirap ng walang ama
Kaya't Tara na at bumalik sakanya

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap.
Kay Tagal rin bago ka na hagilap
Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap
Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama.

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa.
Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay
Para sa aming buhay
God loves you so much! ❤️
Jose Remillan Sep 2013
May mga  tibok na tumututol, nililigalig
Ang daloy ng damdaming nag-uumapaw.
Wala itong ano mang kaugnayan sa likas
At samut-saring kulay ng buhay at pag-ibig.
Ito ang ninanasa ng sugatang kaluluwa.

Ang araw na ito ay tampok na simula
Ng muling pagtibok ng isang puso.
Tila muling pagsilang --- pagtalikod sa kahapon;
Isang bukang-liwayway, bagong-bihis na layon,
Nanunuot itong balintataw ng buhay
Upang mahalagilap ang sarili,
Ngunit hindi upang angkinin, manapa'y upang
Salungatin ang kinagisnang saysay ng pag-ibig.
Ang araw na ito ang tampok na simula.
This superb translation of my poem "September Seventeen" was done by my dear teacher and inspiration, Prof. ROLANDO A. BERNALES, Ll.B., Ed.D. A former provost of University of Makati and a rising pillar of Philippine literature, Prof. Bernales was awarded by the prestigious Carlos Palanca Memorial Awards for his short story entitled "Taguan." Prof. Bernales is a textbook author, writer, education consultant, public intellectual, professional photographer, and a poet. His works can be accessed through this site: http://www.rabernalesliterature.com/?cat=392

Maraming salamat po sir sa kamangha-manghang pagsasalin-talinghagang ito!
Mabuhay po kayo at ang wikang Filipino!
J Sep 2016
Nagniningning nanaman ang mga bituin,
Nandyan nanaman ang buwan na nakatingin sa atin,
Madaling araw na pero hindi pa ako makatulog,
Walang ibang naririnig na tunog kundi ang puso kong kumakabog.

Walang tigil kang tumatakbo sa aking isipan,
Hindi mapapagod ngayon, bukas at kahit kailan,
Heto ako nakangiti at dinadama ang bawat salita,
Sa dalawang salitang binitawan mo "Mahal kita"

Simula nang narinig ko ang mga ito mula sayo,
Dalawang salita na dati'y masakit ngayon ay naging paborito,
Siguro nga may mga oras na mahirap at kumplikado,
Ngunit mahal ko eto ang tatandaan mo.

Ipinapangako ko kay tadhana ika'y ipaglalaban,
**At kahit kailan hinding hindi ka susukuan.
Pangako
elea Feb 2016
Babalik ako sa kung saan tayo ay mga bata pa
Nag lalaro, tumatakbo, tumatawa
Walang iniisip na problema
At may mga ngiting walang katumbas
Na nakikita sating mukha.

Isang umaga ang hindi ko nalimutan
Yung araw na nalaman ko na ikaw ay may pag tingin pala,
Tumingin ako sayo
Napatingin sa mga ngiti mo
Na parang nakuha ang inaasam asam niyang regalo sa pasko
Habang ika'y ay bahagyang yumuko at umiiwas na makita ko
Mga mata natin ay nag tagpo
Diko alam aking sasabihin
Gusto ko itanong sayo kung bakit ako,
Ngunit walang salita ang lumalabas sa mga labi ko.

Ilang umaga ang nagdaan na palaging tumitingin sa langit at ngumingiti sa araw
Pumipikit at dinadama ito na parang na sisilaw sa angkin nitong ningning
Iniisip kung ikaw ay makikita.
Kaya't dali daling papasok sa eskwela
Tingin doon, tingin dito
"Nasan ka ba" ang tatlong salita na laging sinasambit tuwing hinahanap ka.

Tuwing tayo ay nag kakasalubong
Parang may kuryente na sa katawan ko'y tumatakbo.
Ngingiti tayo sa isa't isa
Na parang mga batang binigyan ng sorbetes
At natuwa sa kung gaano ito katamis.

Tatapusin ko na itong tula na aking ginawa
Ito nga pala ang isa sa magagandang bagay na nangyari saking pag kabata.
Limang taon na ang nakalipas .
May mga tao talaga sating pag kabata na minsan tayong pinasaya.
"Crush" isang salita pero mapapangiti ka ng abot tenga.
-pbwf-
Camille Avila Mar 2016
Lumipas na ang mga araw
Kasabay nito ang ating alaala
Ngunit hindi pa rin mawala wala
Ang iyong imahen sa aking isipan


Matang nakakaakit,
Labing mapula,
Magagandang ngiti,
At boses na napakasarap pakinggan


Lahat ng ito'y gustong makita't maranasan muli
Ngunit ako'y naguguluhan,
Tama bang naisin ko lahat ng ito
Kung ako naman ang lumayo.
Danice Feb 2019
ako'y pupungas-pungas
ngunit pinili ang mata'y isarado
pinilit matulog, nagbabakasakaling
ang payapang panagip ay bumalik;

ako'y nasa lugar na nais
sa lugar na lahat ay tunay,
sa lugar kung saan walang madla,
sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama
sa likod ng ngiting pinapakita.

nakaupo sa pino
ngunit puting buhangin,
pinagmamasdan ang tulog na ulap
sa likod ng mga kumikinang na bituin,
at pinapakinggan ang tila walang sigla
na hampas ng alon sa dalampasigan

isip ko'y binabaha
ng mga salitang hindi mailabas,
sa tahimik na lugar na nais
nagtanong sa sarili,
"mayroon pa bang saysay
itong buhay na walang halaga?"
kahel Dec 2016
Nandito tayo sa unang parte na di ko alam kung paano naiwasto
Hinihintay ang inaasam na pagbalik mo
Tulad ng aso na nag-aabang sa paguwi ng kanyang amo
Ikaw ang kalakasan at siya ding kahinaan ko
Daig ko pa ang isang tanga sa pagiging uto-uto

Nandito tayo sa iisang bangka ng ating paglalakbay
Ako yung nagsasagwan ngunit ikaw yung unang nangalay
Kaya pala nanlalamig na parang isang bangkay
Ang mundong nilisan ay hindi na maipapantay
Bulaklak na sabay itinanim ay simula ng mamatay

Nandito na ako at hawak ang libro, ililipat na sa huling pahina
Ang mga sigaw na naging mga bulong na sa hina
Hirap na tiniis at pighating matagal ng gustong kumawala
Nagwawala, nawawala, na parang ibong na sa hawla
Dalawang pusong pagod, na kailangan ng mag-pahinga at huminga
Pag-ibig kong tunay, sayo inialay
                                             o irog kong mahal    
                                             na siyang aking buhay pag-ibig ko
                                             Sayo ay di maglalaho sapagkat
                                             minamahal kitang totoo.
                                             Ngunit bakit mo ako sinaktan ng lubos
kulang ba ang pag-ibig na ibinuhos?
Ngunit bakit kailangan mo aking iwanan,
Saan nagkulang at ika'y nagkaganyan?
Puso ko'y nagdurusa at umiiyak
Dahil sa sakit na aking kaakibat
Nasan ka na upang punasan ang luha,
Na tumutulo dahil sa sakit na nadarama
Nais kong ibalik lumipas na taon
Upang hilumin ang sugat ng kahapon
ngunit maibaalik pa ba ang noon
Kung baon na sa limit ngayon?
Kung kaya lang nating saluhin ang bawat hinagpis,
Ang bawat sentimong
Tinutunaw ng humahagulgol na kalangitan.
At kung kaya lang natin syang sabayan
Sa mga gabing tinutukso na sya ng antok,
Tinutuklaw papalayo sa nais nyang direksyon.

Ngunit hindi sya magpapaubaya’t
Mananatili syang gising
Na parang naghihintay ng panibagong panimula —
Ng bagong punlang ihahasik at ihahabilin sa kanya
Ng tinuturing nyang “mahiwaga.”

At balang araw ay darating ang kanyang gantimpala,
Pagkat walang ibang naging saksi
Sa bawat butil na isinisilang
Na sya mismo ang nakikiramay.

At sa bawat burol
Ay nauubusan na rin sya ng dahilan
Sa kanyang pagtatago at pakikipaghabulan.
Pagkat sya na rin mismo ang nagiging libingan
Ngunit sya’y tatahan at maghahanap ng tahanan.

Patuloy ang kanyang panlilimos,
Patuloy ang kanyang pagkauhaw,
Ngunit patuloy din syang umaahon —
Yayakapin ang sarili’t tatahan.
Kevin V Razalan May 2020
Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako,
Wala akong pinipili na kahit na sino,
Basta sa oras na ako ay makilala mo,
Sa oras na pinapasok mo 'ko,
Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan,
Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran.

Ako, ang sisira sa buhay mo,
Gagawin kong miserable ang utak mo,
Kapag nakilala mo ako,
Kahit saan ka pa magtago
Wala! Walang tutulong sayo!
Tandaan mo!
Lahat sila aayawan mo!
Guguluhin ko ang iyong mundo,
Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo,
Kahit ipagpilitan **** isarado ang bintana,
Papasok, papasukin kita-
Wala ka nang magagawa!
Sumuko ka na!
Kaibigan hinihintay na kitang sumama,
Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,
Kahit ilang beses **** hanapin-
Susi para makalabas sa suliranin,
Ikaw ay pilit kong aangkinin.

Pilit kitang aagawin,
Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin,
Makinig ka!
Halika na at sa akin ay sumama,
Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,
Patuloy ka lang kukutyain,
At patuloy ka lang paiiyakin,
Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa,
Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata,
At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,
Nabubuhay ako at mas lumalakas ako,
Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,
Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,
Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo.

Huwag kang magtangka-
Pagtakas ay wala kang mapapala,
Dahil kapag dinapuan na kita,
Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa,
Gilitan ng leeg, wala pa ring talab,
Susundan kita hanggang kabilang buhay
Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.
Ako, ang iyong kalaban,
Patago kitang sasaktan,
At unti-unti kitang pahihirapan,
Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan,
Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,
Mistulang buhay mo ay sisirain ko,
Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili,
At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili.

Tandaan mo, at laging isaisip mo,
Kakatok ulit ako sa pintuan mo,
Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo,
Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba,
At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema.
Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,
Na hindi mo ako basta malulupig,
Hangga't dala-dala mo ang aking mundo,
Hindi ako titigil sa'yo.

May panahon ka pa,
Makakatakas ka pa,
At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka,
Hindi ako kasinungalingan,
Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako.
Kung sinasabi **** peke ako,
Na dulot ko lang ay pagpapapansin,
Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing,
Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,
Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,
Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,
Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,
At hindi ako nakikipaglaro.

Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte.
Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo,
o maging ang mga kaibigan mo,
Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo,
Pakiusap ko!
Kung sakaling ako ay makilala mo,
Layuan mo ako,
Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap.
Makakatakas ka pa,
Makakatas ka.
Nabubuhay ako sa mundong ito,
Ngunit kaya niyo ako.
Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.

DEPRESYON.
~

✍: mula sa kolaborasyon nina PenSword at Lucifer
[Kevin V. Razalan || John Nelo San Juan]
Sa malamig na umaga
At nag yeyelong gabi
Nais ko sanang humigop ng mainit na kape
Sa nag babagang tanghali
At mainit na hapon
Kape namang malamig dulot ng yelo

Asukal , gatas o kahit pa barako
Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko
Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon
Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo
May kasamang saya kapeng  ihaharap mo

Kagaya ng buhay natin pareho
May matamis , mapakla at kahit pa mapait
Basta mula ito sa iyong puso
Ay lugod kong tatanggapin

Tanggapin mo sana itong kape ng buhay
Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla
May kapaitan mang taglay
Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay

Kaya sinta , samahan mo ako nawa
Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi
Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay
Na may saya ,  lumbay at sakit
Ngunit pinatamis at hinalo
Ng tunay na pag-ibig
This poem is for a  friend ! Bless you guys always

(Inaayos ko palang to)
Jose Remillan Nov 2013
Panginoon mo ang
Panganorin. Bertud
Ka ng hubad na diwata.

Likhang-isip, halukipkip
Ng wika, pedestal ng
Luha, ikaw itong kalahatan

Ng kasalatan ng unawa't
Awa ng hangal na madla.
Samut-saring anyo't samyo

Ng opyong bumabawi ng
Bait at hinanakit sa buhay
Ngunit masugid na patrong

Naghahasik ng biyaya
Sa anyo ng

bote
pakete
lata
spaghetti
langaw
lumot
bangaw
ipis
lotion
co­ndom
burak
darak
barya
kariton
prosti
sutana
artista
politiko
pul­is
tsismis

                       atbp.
Harvard University
Boston, MA
November 3, 2013
sa pagtanda ko, nais kong ikaw ang kasama
sa pagtanda mo, nais na ika'y alagaan ko
sa pagtanda ko, nais kang pagmasdan
sa pagtanda mo, kamay ko'y iyong tangan

kung maari lamang bumalik, sa panahon na ika'y nilisan
kung maari lang sumilip, sa panahong ika'y iniwan
ngunit panahon ay lumipas na, na sadyang kay bilis
at sa buhay ng isa't isa, tayo'y nga nakaalis

subukan ko kayang tumalikod mula sa hinaharap?
subukan ko kayang mukha mo ay mahanap
subukan ko kayang lumakad pabalik
sa huling pagkakataon na siniil ng halik

palad mo ba'y bubuksan pa upang hawakan aking kamay?
dibdib mo ba'y bakante at maaari pa bang sumanday?
maaari pa kayang mangarap ng muli?
Kahit nawala at lumisan ng sandali?
Taltoy Feb 2018
Taong dalawang libo't labimpito,
Sa ika-14 ng Pebrero,
Ako sayo'y nagtapat,
Mga kinikimkim, isiniwalat.

Ang sabi ko noon,
Hinahangaan kita,
Ang sabi ko noon,
“sayo ako'y nahalina”.

Ang sabi ko pa,
Mas mabuting iyong isawalangbahala,
Ngunit isang mali ang ‘king inakala,
Inakala kong ako'y madededma.

Sa isang taong nagdaan,
Ano kaya ang nagbago?
Sa isang taong nagdaan,
Sino ka na nga ba sa paningin ko?

(Mag-ingat at Iyo sanang ipagpaumanhin ang mga susunod na kataga ay rated SPH, sobrang patay huya. Ahahahah)

Sayo, may sasabihin akong sikreto,
Alam mo bang hulog na hulog na ako sa'yo?  (Haaaaaaayst)
Di ko na alam kung ang lahat nga ito'y paghanga,
Dahil ngayon, ika'y minahal ko na yata.


Alam kong tila maling sabihin ang katagang “mahal”,
Sapagkat walang nakatitiyak ng tunay na kasagutan,
Ngunit sa isipan ko, di ka na matanggal,
Ano pa ba ang kahahantungan?

Sa isang taong lumipas,
Di ako nagsisi,
Sa isang taong lumipas,
Nagpapasalamat ako sa mga nangyari.

Sa simple kong pagtatapat,
Nang damdamin koy aking isiniwalat,
Pinatay man ako nga kaba,
Ayos lang, bastat para sayo sinta.

Ang isang taon koy naging makulay,
Ang isang taon koy napuno ng katuturan,
Ang isang taon koy nabigyang buhay,
Sa muling pag pintig ng puso kong nasayo na nang di ko namamalayan.

Mapait man ang katotohanan,
Walang “tayo” sa kasalukuyan,
Subalit puso ko'y tumitibok parin para sa'yo,
Kaya kung papayagan mo, maaari ba kitang masuyo?
Pintig, pintig ng puso kong umiibig
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Pauline Celerio Nov 2016
Alaala ng alapaap
Ang naglahong mga pangarap
Sa dapithapon na umaga
ng kawalan ng pag-asa.

Alaala ng alapaap
Ang bawat pangungusap
Na sa dugo ay inukit
At buhay ang kapalit.

Alaala ng alapaap
Ang mga bugso ng damdamin
Ang mga pusong lumalaban
Para sa iisang adhikain.

Ngunit sa bandang huli
Sa paglipas ng panahong mahaba
Tanging ang alapaap
Ang tunay na umaalala.
A poem in my mother tongue. In memory of all those who were unjustly killed during the Philippine Martial Law. #MarcosNOTahero
Random Guy Nov 2019
patawad
sa mga tulang
nagpanatili pa sa'yo
o sa kung ano man ang meron tayo

patawad
sa muling pagbukas
ng matagal ng saradong pinto

patawad
sa paulit-ulit
na pagsaksak sayo
ng mga salita at letra
na sinusulat ko

patawad sa pagsulat pa nito

pero sana maintindihan mo

na ito na lamang ang kaya kong gawin
upang mawala ang sakit
na dinulot din naman nating dalawa

ito na lamang ang naging gamot
sa mga sugat na nadama
noong una kang nawala
at ngayong patuloy kang nawawala

ngunit huwag kang magalala
wala naman akong gustong dugtungan
sa mga bagay na tapos na
at alam kong mali
at alam **** mali

kaya patawad sa pagsulat pa nito
at paulit-ulit na patawad
sa pagsusulat pa ng paulit-ulit
kagaya nito
Agust D Jul 2021
kumusta, kaibigan?
halika't pakinggan
ang istoryang dapat **** malaman
sana ako'y iyong paniwalaan
dahil hindi ito kathang isip lamang

hindi ko alam kung kailan 'to nag-umpisa
ano, bakit, o paanong nangyari, limot ko na
bigla nalang nakaramdam ng lungkot at pagkabalisa
patagong pagtangis sa gabi'y aking iniinda

habang ako'y nakatulala sa tala
tinatanong ang mga bakit kay Bathala
may mga boses na nang-aabala
hindi makita-kita, sino kaya sila?

pagkagising sa umaga'y nariyan na naman sila
kasabay ng aking almusal ay ang prisensiya nila
ngunit meron akong naisip na ideya
sa wakas ay matatahimik na siya

sa paglubog ng araw sa kanyang kanlungan
kasunod nito ang paglaya ko sa bilangguan
ingay na naririnig, nawala na rin nang tuluyan
ngunit kasabay nito ang aking paglisan

kaibigan, sana'y iyong maunawaan
sa pagtatapos ng aking istorya
ako'y tunay na naging maligaya
ang aking buhay gumaan't guminhawa
kasabay nito ang pagtahimik nila

sa pagkupas ng aking larawan
kasabay ng pagpatak ng ulan
aagos ang lagaslas ng dalampasigan
at ako'y tutungo sa paraisong kalangitan

kaibigan, ako'y hindi lumisan sa mundo dahil ginusto ko
kundi para ito sa ikakatahimik ko
Mga Tulang sinulat sa Dilim
Austine May 2014
Kumusta na raw tayo, ang tanong nila
Ewan, malay ko kung kumusta na nga ba
Tayo

Simpleng tanong na hindi ko alam ang sagot
Ano nga bang nangyari sa
“Tayo”?

Inisip ko ang nakaraan
Pinagmasdan bawat pagpatak ng ulan
Hinanap ang kislap
Ngunit tila hindi pa rin sapat
Upang mawari ko ang sagot
Sa tanong na bumabalot
Sa ating mga puso
Na pulos nagbabalatkayo

Kumusta na tayo?
Anong nangyari sa magandang kahapon?
Bakit sa aking muling paglingon,
Ikaw na rin ay nakatalikod?
Hindi ba’t iyong sinabi
Na sa piling ko ika’y mananatili?
Bakit sa bawat paglakad mo
Ikaw ay palayo nang palayo?
Hindi ba may usapan tayo
Na sa akin ka patutungo?
Nasaan na ang mga pangako
Na sinabi **** di mapapako?

Kumusta na tayo?
Ikaw lang ang sagot.
Eunoia Aug 2017
Iibahin ko muna ang pinapaksa ko ngayon
Ayoko muna bumatay sa naging biktima ng sitwasyon
Doon muna ko pupwesto sa kabilang dako
Kung saan naging dahilan ng pagluha mo

Una nagagalit ka sapagkat iniwan ka niya
Nagbago ka sapagkat sinaktan ka niya
Ngunit kasalanan ba ng mahal mo iyon?
Kung ang dating pagmamahal niya'y bigla na lang naglaho

Ang pagsusulit tuwing natatapos ang isang Markahan
Ay may pagpipiliang inilalaan  "A,B,C,D" Apat na letra, ngunit iisa lamang ang dapat bigyang halaga

Ngunit tandaan mo sa larangan ng pag ibig ay dalawa lamang ang makikita
Yun ay ang salitang
"Mahal ko pa"
"Hindi ko na Mahal"
Mahirap pumili, Mahirap sumugal
Sapagkat nakatayo ka sa gitna kung saan sinasabing
"Baka naman meron pa"
Ja Oct 2017
“Change is the only constant thing in this world.”
‘Yan ang sabi nila
Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang
Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan
Papasok sa eskwelahan upang matuto
Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay
Mga bagay na lumiliit at lumalaki
Mga gusaling nagsisitaasan
Mga paniniwalang binabago ng panahon
At mga damdamin na noo’y binubuo tayo
Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo.
Oo, alam ko.
Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to.
Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya
Andiyan sila
Makikinig siya
Makikinig sila
Ngunit sa susunod ay wala na
Mga pangakong binitawan
Nasaan na?
Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila?
Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin
Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin
Maaring andiyan sila
Oo andiyan sila
Inuulit kong andiyan sila
Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon  walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na
Maglaho na parang bula
Na parang hindi sila nangakong parating makikinig
May dalawang klase ng pagbabago
Mga pagbabagong magpapatag sa’yo
Merong wawasakin ang buo **** pagkatao
Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili
Tatayo ka gamit ang sarili **** paa
Dahil ikaw lang meron ka
Oo. Sarili mo lang ang meron ka
Kaya ikaw, oo ikaw.
Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago
Kagaya ko
Handa ako change
Pinaghandaan ko ‘to
Tinatanggap ko
Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.
Tahimik na kalangitan
Buo ang mga ulap
Maaliwas, o kay sarap pagmasdan
Maliwanag, walang dilim na maaninag

Mga ibong humuhuni malaya't maligaya
Linilibot ang kalangitan punong puno ng kalayaan, sinasariwa ang preskong hangin'g bigay ng kalikasan.

Sanay inyo ring marinig ang mga huni ng mga ibong nawalan ng tirahan,
Sa pagputol nyo sa kanilang pinapangalagaang tahanan.
Na sa bawat pagbuka ng bibig ay ramdam ang bigat na kanilang dinadala't, dinaranas
Sana'y pagbigyan kahit minsan lamang
Ang hiling ng bawat nilalang.

Ang buhay ng tao ay tulad din ng mga ibon sa kapaligiran, malayang pumili,malayang maglakbay, malayang piliin ang gustong tahakin sa kani-kanilang buhay. ngunit may ibang ipinagkaitan labag man sa kanilang kalooban tuloy padin ang laban tungo sa magandang kinabusan.

Sana'y imulat nyo ang inyong mga mata
Pakingan ang mga hinaing ng mga taong pi'lit makamtan ang magandang umaga. Ngunit may narinig ka ba? Hindi ba't wala?! Hirap man, pagod, at walang makain. Pero ito ba ang basihan? upang sila'y pagkaitan ng pag-asa.

Tulad din ng mga ibon sa malawak ng karagatan, gaano man ito kalawak, gaano man sila katagal maghanap,
Magtyaga't, maghintay, magtiwala ka lang dahil ang bukas ay hindi natatapos ngayon, kundi magsisimula pa lang ulit bukas.

Humayo ka't ipagaspas ang iyong pak-pak, lumipad ka't abotin ang iyong mga pangarap. Lipad munting ibon huwag kang huminto't ibangon muli, ang minsan mo ng nasirang tahanan

Tulad din ng isang ibon, maging malaya ka't maging masaya.
Karen Nicole Feb 2018
maaaring ako'y nahihibang na,
dahil alam ko namang wala akong pag-asa
ngunit ano ang aking magagawa,
kung sa masilayan ka lamang ako'y masaya na?

nang dahil sayo muli kong naramdaman,
ang mga paru-paro sa aking tiyan
at ang mga ngiting hindi ko man lang namamalayan,
kapag ika'y dumadaan sa isip ko paminsan-minsan

hindi nais na mailang ka,
kaya nama'y pagtingi'y ginawang sikreto
sinubukan ko rin ang lumayo, baka sakaling damdamin ko'y magbago
ngunit alam naman natin na ito ay malabo,
kasing labo ng minimithi kong "ikaw at ako"
walang titulo, parang tayong dalawa.
Saudade Aug 2016
Naaalala mo pa ba?
Minsan din tayong naging masaya.
Nagsimula sa pagkakaibigan,
Nauwi sa walang pansinan.
Naaalala mo pa ba?
Mga panahong sabi natin ay tunay tayong magkaibigan,
Walang kamalay malay na mauuwi sa pagkakasakitan.
Naaalala mo pa ba?
Sabi mo noon maging ang mga bituin ay sumasangayon sa atin.
Ngunit hindi nila nasabi na hindi ka para sa akin.

Naaalala mo pa ba?
Mga kalokohang napag-uusapan,
Ngayon ay hindi magawa kahit banggitin ang iyong pangalan.
Naaala mo pa ba?
Sinabi kong lagi lang akong magiging andiyan,
Lingid sa aking kaalaman na ako pala ang maiiwan.
Naaalala mo pa ba?
Na minsan din tayong naging magkaibigan,
Sana hindi na lang nauwi sa pagmamahalan,
Marahil ngayon ay nagtatawanan.
Maaalala mo pa ba?
Kung ako'y nagawa mo nang iwan,
Siguro'y kailangan na ding kalimutan.
Maaalala mo pa ba?
Kung ikaw ay akin nang bibitawan,
Sapagkat pati ang ating pagkakaibigan ay iyo na atang nalimutan.
Maaalala mo pa ba?
Humihilingin na maalala mo parin sana.
President Snow Feb 2017
Tatawa,
Iiyak,
Tatawa,
Iiyak.

Nakakabaliw ang oras na 'to.
Yung oras na naaalala kita.
Nakakabaliw palang maging gan'to
Yung umaasa na balang araw babalik ka.

Nakakabaliw maghintay.
Yung ayaw pumikit ng mga mata.
Nakakabaliw na isipin ka, nakakalumbay.
Yung bumabalik na alala noong sinabi kong 'mahal kita'

Nakakabaliw umiyak.
Yung gusto mo na tumahan ngunit di magawa.
Nakakabaliw na ang puso ko'y iyong biniyak.
Yung utak ko'y may sira na ata.

Tatawa,
Iiyak.

Mababaliw nalang sayo paulit ulit.
I made this last week. I can't sleep tho. Heart breaks *****.
jorge padre Jan 2015
maliwanag ang aking paligid
ngunit ang isipan ko'y madilim
ang iyong tanglaw lang ang makakapigil
sa tuluyang muling pag-idlip
ng aking mga panalangin

ngunit palayo ka nang palayo
naghihingalo ang pagkutitap ng aking mga pag-asa
bumalik ka naman minsan
ipagpatuloy ang nasimulan
'wag mo akong iwanang
hinahabol ang aking hinga
sa iyong mga salita

— The End —