Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Uanne Feb 12
Ikaw at ako
alam kong wala namang tayo.
Sino ba ang talo?
Hulaan natin kung sino.

Isip ko'y nalilito
ano ba ang gagawin ko?
Mananatili o lalayo?
Alam ko namang malabo.

Di na lang kikibo
Hahayaan na lang siguro
kahit di naman talaga sigurado
Kung magiging tayo.
Ikaw. Ako. Walang ikaw "at" ako.
02.12.19
khartlopez Feb 5
Bakit ako nasasaktan ng ganito?
kasi seryoso ako
kahit di mo tanto
kahit di mo man madama
seryoso ako sayo
kahit magmukha man akong tanga
seryoso ako sayo,
at alam mo kung anung mas nakakatanga?
di kita kayang tigilan
kahit masakit na.
Gusto ko kitang kalimutan
Gusto kitang iwasan
Nagawa ko ba?
Hindi ba hindi
Kasi hindi ko kaya mawala ka
Alam kong hindi ko na ito mababago,
Kaya ang damdamin ko nalang ay aking itatago;
Kung sa iyo parin ay nahuhumaling,
Tungkol diyan ay hindi na ako sisinungaling
Kahit na ako'y iyong pinaasa
At sayo'y walang natamasa,
kagustuhan ko sa iyo
Ay kailanma'y hindi magbabago
Umaasa parin ako na sana
" Balang Araw "magustuhan mo rin ako ..
Danica Tuquero Mar 2018
Sa pag sapit ng dilim ako'y nanabik sa iyong pagbabalik
ngunit  nang sipatin bukana ng bintana puso ko'y napunit
nang aking maalala wala ka na nga pala, oo tama wala na,
wala na ang dating dalawa na pinag-isa, wala na ang dalawa,
na laging magkasama.

Sa pag sapit ng dilim tanging panaghoy 'ko ang bumabasag sa tahimik na mundo
mundo na dati ay tayo, mundo na binubuo ng matatamis na oo,
mundo na akala ko'y ikaw at ako hanggang sa dulo
dulo na agad na winakasan nang panandaliang tukso

Aking ginugunita mga alaala na nilipas na ng panahon,
panahon na sayo lang umikot, mga oras na nais 'kong malimot ngunit ano mang pilit patuloy sa pag ikot, yaring mga mundo na kahit katiting sa puso mo sana'y nariyan ako, sana'y ako rin ay naiisip mo.

Ngunit para saan nga ba ang tula na ito? Kung ang puso mo'y nakahanap na ng katagpo
katagpo na sabi mo ay bubuo ng iyong pagkatao, na kahit alam **** naririto pa ako at nasasaktan sa mga sinasabi mo ay patuloy ka pa rin sa mga litanyang "pasensya na di ikaw ang problema marahil hindi tayo para sa isa't isa" at doon natapos ang limang taong pagsasama na punong puno ng mga pangakong napako dahil lang sa isang gabi na nagpabago sa yugto ng ating kwento.

Kwento na ikaw at ako ay di na maaaring magtagpo.
para sa mga taong naniniwala sa mga pangako na akala ay totoo, kahit ang hubad na katotohanan ayaw pa rin itigil ang ilusyon na siya at ikaw ay di na maaring magtagpo!
Cesca May 2017
Akala ko nakamove on na ko.
Hindi pa pala.
Nakita lang kita.
Bumalik bigla lahat ng ala ala.

Bakit mo pa ko pinakawalan?
Bakit mo pa ko iniwan?
Sagutin mo lahat ng tanong ko.
Dahil baka mabaliw ako ng tuluyan.

Paano ka nakamove on ng ganun kabilis?
Habang yung mga nararamdaman ko sayo hindi parin umaalis.
Andaya mo naman! Ikaw masaya habang ako nagdudusa pa.
Pwede bang tayo na lang ulit? tayo na lang ulit.

Bumalik ka dito para ayusin lahat ng ito.
Lahat ng mga sinira mo.
Akala ko ikaw na ang bubuo sakin.
Pero ikaw rin pala ang sisira sakin.
Umaasa ako
Umaasa na may pag-asa tayo
Umaasa na nagbabakasakali
Umaasa na maging tayo

Mahirap umasa
Pero sa totoo lang
Aasa ako para sayo
Baka pwede...

Sa isang sulyap ng ngiti mo
Natutunaw ang puso ko
Pilit na itinatago ang nararamdaman
O tila manhid ka lamang

Ngunit nakakapagod
Nakakapagod na habulin ka
Na bigyang saysay ang mayroon tayo
Ano nga ba ang mayroon tayo?
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Sana iyong maisip
Ang aking nararamdaman
Hindi maipagkakaila
Ang nararamdaman ko ay tunay

Kung para sayo wala lang ito
Para saakin ito ay isang pangarap
Pangarap na hindi kailanman matutupad
Pangarap na tila isang impossibleng pagkakataon

Isang pagkakamali ang mahulog sayo
Ako man ay umaasa pa rin
Ngunit iba ang iyong gusto
Alam kong hindi ako at hinding hindi magiging ako

Kakaiba ang turing mo saakin
May konting aliw at kilig
Pero hindi lahat ay totoo
Kasinungalingan ika nga

Pagpasensyahan mo na
Ikaw ang aking natipuhan
Hindi ko ito sinasadya
Wala ito sa plano
Angel Agaton Dec 2015
Masakit pa rin pala
Nang aking maalala
Ang unang araw kung san tayo'y nagkakakilala
At sinabi mo 'Ate dito ka ba?'

Sobrang sakit pa rin pala
Nang aking maalala
Ang mga salitang nabanggit mo na 'gusto kita'
Pero mas lalong masakit nang malaman ko na ikaw ay meron ng iba.

Ngunit ako si tanga at di sumuko
Dahila ako'y nangako na kakayanin ko
Kakayanin kong makita at matiis na meron kang iba
Habang ako, ito nagluluksa.

Masakit pa rin pala
Nang aking balikan itong mga matatamis na alaala
Na lahat ay nangyare na sa nakaraan,
At kailangan ng harapin ang kasalukuyan

Kasi hanggang ngayon, ang sakit sakit pa rin pala.
Dahil di ko matanggap na siya ang pinili mo at di ako
Pero pangako kakayinin ko,
Kasi mahal kita, at iyon lang ang masasabi ko.
Dedicated to gra :)

— The End —