Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako,
Wala akong pinipili na kahit na sino,
Basta sa oras na ako ay makilala mo,
Sa oras na pinapasok mo 'ko,
Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan,
Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran.

Ako, ang sisira sa buhay mo,
Gagawin kong miserable ang utak mo,
Kapag nakilala mo ako,
Kahit saan ka pa magtago
Wala! Walang tutulong sayo!
Tandaan mo!
Lahat sila aayawan mo!
Guguluhin ko ang iyong mundo,
Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo,
Kahit ipagpilitan **** isarado ang bintana,
Papasok, papasukin kita-
Wala ka nang magagawa!
Sumuko ka na!
Kaibigan hinihintay na kitang sumama,
Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,
Kahit ilang beses **** hanapin-
Susi para makalabas sa suliranin,
Ikaw ay pilit kong aangkinin.

Pilit kitang aagawin,
Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin,
Makinig ka!
Halika na at sa akin ay sumama,
Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,
Patuloy ka lang kukutyain,
At patuloy ka lang paiiyakin,
Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa,
Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata,
At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,
Nabubuhay ako at mas lumalakas ako,
Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,
Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,
Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo.

Huwag kang magtangka-
Pagtakas ay wala kang mapapala,
Dahil kapag dinapuan na kita,
Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa,
Gilitan ng leeg, wala pa ring talab,
Susundan kita hanggang kabilang buhay
Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.
Ako, ang iyong kalaban,
Patago kitang sasaktan,
At unti-unti kitang pahihirapan,
Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan,
Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,
Mistulang buhay mo ay sisirain ko,
Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili,
At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili.

Tandaan mo, at laging isaisip mo,
Kakatok ulit ako sa pintuan mo,
Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo,
Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba,
At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema.
Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,
Na hindi mo ako basta malulupig,
Hangga't dala-dala mo ang aking mundo,
Hindi ako titigil sa'yo.

May panahon ka pa,
Makakatakas ka pa,
At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka,
Hindi ako kasinungalingan,
Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako.
Kung sinasabi **** peke ako,
Na dulot ko lang ay pagpapapansin,
Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing,
Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,
Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,
Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,
Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,
At hindi ako nakikipaglaro.

Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte.
Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo,
o maging ang mga kaibigan mo,
Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo,
Pakiusap ko!
Kung sakaling ako ay makilala mo,
Layuan mo ako,
Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap.
Makakatakas ka pa,
Makakatas ka.
Nabubuhay ako sa mundong ito,
Ngunit kaya niyo ako.
Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.

DEPRESYON.
~

✍: mula sa kolaborasyon nina PenSword at Lucifer
[Kevin V. Razalan || John Nelo San Juan]
Alex May 2018
Akala ko okay na ako...
Ngunit bakit parang biglang bumalik,
Kasing bilis ng isang kidlat, Kasing bagal mawala sa aking isipan,
Kaibigan nangaling sa dilim, akap akap ka hanggang mag gabi,

Sigaw ng isipan ay mawala kana,
Ngunit para saan pa kung hindi na ako magiging masaya,
Ako'y nasa isang bangkang lulubog sa ilog,
Sa pagkakataong ito'y wala nang sasagip sayo,

Mga matang dilat hanggang umabot ng alas tres,
Pabalik balik na kongklusyon walang sagot,
Gusto kong matulog sa kabila ng aking mga mugtong mata,
Gusto kong huminga pagkatapos kong isipin ang lahat,

Tama ba to?? O Mali??, Katotohanan o kasinungalingan??
Ano ba ang dapat kong gawin??
Ang lahat ng ito ay parang mga letrang nagkawatak-watak,
Kailangan mag ingat at baka mali ang masabi at magawa,

Akala ko'y ang aking boses ay isang sigaw,
Nagpagtanto ko ako ay mag isa sa kwarto,
Walang makarinig, Walang makakita, Walang makaramdam,
Akala ko talaga okay na ako....

— The End —