Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa malamig na umaga
At nag yeyelong gabi
Nais ko sanang humigop ng mainit na kape
Sa nag babagang tanghali
At mainit na hapon
Kape namang malamig dulot ng yelo

Asukal , gatas o kahit pa barako
Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko
Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon
Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo
May kasamang saya kapeng  ihaharap mo

Kagaya ng buhay natin pareho
May matamis , mapakla at kahit pa mapait
Basta mula ito sa iyong puso
Ay lugod kong tatanggapin

Tanggapin mo sana itong kape ng buhay
Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla
May kapaitan mang taglay
Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay

Kaya sinta , samahan mo ako nawa
Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi
Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay
Na may saya ,  lumbay at sakit
Ngunit pinatamis at hinalo
Ng tunay na pag-ibig
This poem is for a  friend ! Bless you guys always

(Inaayos ko palang to)
Angel Tomas Sep 2015
Naaalala ko pa ang araw na una kong masilayan ang ngiti sa iyong mukha.
Para bang biglang nagliwanag lahat ng tala sa langit.
Para bang isang eksena sa isang pelikulang patok sa takilya.
Para bang kaya ko atang sumulat ng ilang pahina ng paglalarawan at paghahalintulad nito sa mga bagay na aking hinahangaan.
Para bang bumilis ang pintig ng puso kong matagal nang nakaupo’t nananahimik.
Para bang maraming sumasabog na magagarang kulay sa paligid, sa aking katawan.
Para bang kilala ko ata ‘yung ganitong tagpong naglalaro sa aking isipan.
Para bang alam ko rin ata ang kahihinatnan ng lahat.
Para bang hindi ata sa akin ang matamis na pag kurba ng iyong labi.
Para bang lahat ng ito ay isang pagnanais sa isang pangarap na lipas na.
“Para saan?” Tanong ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa iyong labi.
Para bang nakita kong sinindihan ang aking mundo at panuorin ‘tong gumuho sa harapan ko.

“Para sakanya.” Hindi sa’yo, sa kanya.
Para sa'yo.
inggo May 2016
hindi ko alam
wala akong magawa
ang bigat sa pakiramdam
gusto ko na itong mawala

mahal kita
hindi ko ipagkakaila
ngunit wala akong magawa
kundi pumayag na itigil na

kahit ayaw kong itigil
damdamin hirap ipigil
hindi ko naman gusto ito
kasi ikaw ang gusto ko

sobrang sakit sa akin
pag-ibig ko'y hindi tanggapin
pinili ko pa rin na ika'y intindihin
ngunit mas lalo pa kitang gusto makapiling

bawat pag iwas sa iyo
ay katumbas ng lalong pagkamiss
kaunting sulyap sa pagdaan mo
ay bumabalik agad lahat ng ala-alang matamis

bawat pag-alala sa mga nakaraan
pinapalitan ang tamis ng pait
bumibigat ang aking pakiramdam
puso'y kumikirot sa sobrang sakit

hayaan **** mahalin lang kita
lilipas din ito at mawawala
at kung sakaling babalik ka
sana ikaw pa rin ang aking sinta
Para sa isang kaibigan ko na nahihirapang mag move on.
Eugene Oct 2015
Kailan mo itatama ang isang pagkakamali?
Kung ang pagkakamaling itatama ay ikinukubli?
Kung ang ikinukubling tao ay hindi katangi-tangi?
Kailan naging katangi-tangi ang isang pagkakamali?

Kailan?

Kailan mo sasabihing mali ang magmahal?
Kung ang minahal mo'y dala-dalawa't masaya?
Kung masaya ka sa piling niya, pa'no ang isa?
Kailan naging pagmamahal ang magmahal ng dalawa?

Kailan?

Kailan mo lilinisin ang mantsa sa iyong damit?
Kung ang damit mo'y gutay-gutay, punit-punit?
Kung pinunit nang iyong pag-ibig ang sakit?
Kailan nga ba naging matamis ang mapait?

Kailan?

Kailan mo babaguhin ang iyong nakasanayan?
Kung tuluyan ka nang iwan at tumira sa lansangan?
Kung lahat ng iyong minamahal ay kusa kang iwan?
Kailan mo itatama ang iyong pagkakamali?

Tanong ko sa iyo, kailan?
StrayRant Jul 2017
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba.
Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya.
Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita.
Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang
nangingilid sa iyong mga mata.
Hindi ko na kaya!

Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot.
Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot.

Tama na! Tama na! Tama na!
Tahan na aking sinta.
Ako sana’y unawain.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka.
At iyong nasungkit ang matamis kong oo.

Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis.
Heto ako ngayo’t litong-lito.
Sana’y hindi nagmadali.
Sana’y natutong maghintay.
Sana’y walang taong nadamay.

Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama,
Ngayon ko lang napagsama-sama.
Ang mga himutok ng aking saloobin.
Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok.
Sana’y walang inaalala.
Sana’y hindi kinokonsensya.

Sa tingin ko ay ito ang tama,
Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay.
Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan.
Aking irog, ako man di’y nahihirapan.

Ang higpit ng iyong pagkakahawak,
Siyang sumasakal sa akin tuwina.

Iiwanan kita dahil ayoko na.
Oo! Ayoko na!
Tatapatin kita aking sinta,
Hindi ko na kaya!
Hindi na ako masaya.

Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala.
Nawawala sa sarili.
Nawawala sa landas na aking dapat tahakin.

Sadyang kay mura pa ng aking edad
Upang sumuong sa ganitong realidad.
Nadala lang marahil ng matinding emosyon.
Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto,
Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan.

Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon.
Hindi para sa iyo ngunit para sa akin.
Aking kaibigan ako sana’y patawarin.
Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin.

Ang hirap! Napakahirap!

Sa dalawang taong ating pinagsamahan,
Hindi kita malilimutan.
Aking pagsusumamo na sana’y
Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan
Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan.
At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan.

Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na.
Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay.
At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya.

Sinta alam kong ito’y sadyang masakit.
At sa pagtatapos nitong aking talata.
Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan.
Sinta, ako sana’y palayain mo na.

Iniwan kita hindi dahil ayoko na.
Iniwan kita dahil mahal kita.
Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo
ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong
matatamasa sa piling ng iba.
solEmn oaSis Oct 2020
ang kaakit-akit
**** bating-
pangwakas
ang siyang wagas
na nagdala ng madamdaming
mga katanungan
mula sa iyong puso patungo
sa iyong kasintahan,
gamit ang ibabaw ng
mga matikas na alon...
walang pasubali na ipinahayag mo
ang iyong pangmatagalang
paglalarawan sa marami,
bagaman ang mundo
ng magkabilang dako
ay pansamatalang natutulog na
... ang kagandahan niyon
ay mananatiling gising pa rin.
Dahil siya ang natatangi **** daigdig
at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig!
At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula
Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag
habang heto si Ako...mananatili ring tapat
at gaya niya na di nakakalimot sa akin!
Kaya naman sa iyo aking mahal,
Malayo ka man sa akin ngayon,
lagi pa rin namang merong "tayo"
Maulap man ang papawirin
Ating babagtasin
ang araw at sinag nito
hanggang sa isang kabilogan
na lang ng buwan
ang aking pananabikan at bibilangin ko!
Sa pagsapit niyon
matamis na katahimikan
ang siya nating mabubuo!
tanging sa ating pagniniig
nang may buong kasabikan
ang mga himig na maririnig!
mula sa simula hanggang
sa ang wakas ay magsilbing hudyat
na sa langit nating inaasam
ay magigisnan ang malakidlat
na tilamsik ng ating pagsusuyuan
Di-kapara ng naunang magsing-irog
mula sa bukana ng talon ay nahulog
at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog
pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog!
patutunayan nating Hindi tayo
ang tipong mauuwi sa TaLiwaS
dahil sa katunayan nga mahal ko
sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT
labo na nananahan sa pagitan ng tukso
at ng bahay na inaakala nilang
panghabang-buhay na tahanan!
Transferring my feelings
of longingness
from formal norm
into a tagalog love-poetry
Hawak ko ang tintang bilang ang kulay
Pero di pa ganoon kabihasa,
Di gaya Mo.

Posibleng maiguhit ko ang langit
Pero paiba-iba ang istilo nito
Nagbabagong bihis ang ulap
Pagkat hinihihipan siya ng hangin.

Kukuha ako ng litrato
Para lamang makuha ang detalyadong anyo
At saka ko titingnang muli
Unang tingin, pangalawa, pangatlo
Ako'y nabibighani.

Maaaring magaya ko ang mukha
Pero pag ako'y titingala't sisilip
Hindi rin pala magtatagpo sa iginuhit.

Itatapon ko ang lahat
Maging mga mamahaling kagamitan
Pagkat hindi abot-langit
Itong istilong tila pangmakasarili
Hindi pasado sa panlasa ****
Panglangit din ang batayan.

Ako'y bilib Sayo
Pagkat sa pagsuyod ng panaho'y
Hindi Mo nauulit ang larawan ng langit
Panibago araw-araw,
Mula ulo hanggang paa nito.
Walang kupas, walang katulad
Gaya Mo, Eksperto sa Larangan ng Sining.

Ako'y mapaluluhod, sasayad sa lupa
Ihahain ang palad
Hanggang sa kalyo na ang mga ito
Pagkat ginagamit Mo na,
Gamit na gamit Mo.

Hindi Ka napapagod sa paghalo ng kulay
May lungkot at saya ang timpla
Pahiwatig mo'y ganyan ang buhay,
Pabagu-bago ang, Ikaw lang hindi.
At markado Mo ang araw,
Saulado Mo ang lahat,
Pagkat Ikaw ang Tagalikha
Oo, Ikaw, Ama.

Gusto kong magmana Sayo,
Sa guhit **** hindi ko makuha-kuha,
Sa istilo **** walang katulad,
Pagkat iba ang Iyong paningin,
Iba ang pag kumilos ang Iyong mga kamay,
Lahat kayang hulmahin, lahat kayang baguhin.
At ako'y isang hanging bula,
Maglalaho't liliparin ng bukas,
Bagkus ang bukas ay habambuhay Sayo,
Salamat sa matamis na kahapon, ngayon at bukas.
Pat Sep 2015
Minulat ko ang aking mga mata

Bigla na lang naisip kita

Sana’y sa araw na ito

Kahit saglit lang, maisip mo rin ako

Pilit kong sa daan iwasan ka

Ngunit, maya maya’y nasa harap na kita

Ganito ba magbiro ang tadhana?

Pinaglalaruan ang damdamin, wala nang nangyayaring tama

Nakaraan kong ika’y kasama

Burahin ko man ay hindi mawawala

Tila hangin, ito’y balik ng balik

Iyong ngiti, sa aki’y parang matamis na halik

Kay daming masasayang alaala

Pag mulat ng mata’y ito’y wala na

Lahat ng ito pala’y isa lamang panaginip

Galing sa damdamin, pawang likha

Lamang ng kathang isip
032816

Ikaw ang siyang umaga,
Ikaw ang takipsilim at gabi.

Lilihis man ang pagkatao,
Ako'y saksi sa matamis **** mga ngiti.
Nahilom na ang pusong tigang,
Ang pusong niyupi't binulsa't itinapon.
Pero ang pintig nito'y musika pa rin
Sa alon at agos ng kahapon at ngayon.

Ikaw ang alalay ng bagong umaga,
Ang umaga mo nama'y iba
At ang paggising ay kaylayo.

Paulit-ulit man ang mensaheng hindi maisulat-sulat,
Ni hindi maibig ng pusong may yurak.

Hawak mo ang gitarang may ibang sinusuyo,
Nagmimintis ang ngiting
Kailan lamang sa akin ang agos.
Pagkakataon, siya nga namang dibuho na lang
Lanta na ng bulaklak sa disyertong palapag.
madrid Oct 2016
Mahirap ibigay ang tiwala
Kung minsan na itong nabalewala
Oo, alam kong nasaktan ka niya
Pero tatandaan **** hindi ako siya

Dahil hindi ako tanga, at hindi uto-uto
Bata man ako'y alam ko ang totoo
Malambing sa salita, ngunit salamin ba sa gawa
Matamis ang galaw ngunit matalas ang dila

Takot at hiya, di mapagkakaila
At hindi masisi sa mga paniniwala
Pagkat ito ang nakagawian, mulat sa sakit
Kaya't malakas man sa labas ay mahina parin ang kapit

Saan makikinig, kanan o kaliwa?
Ubos na ang sarili, wala na sa diwa
Walang patunay na magaganap
Walang korteng tatanggap

Isa, dalawa, tatlo
Ako ba ang kinakatok mo?
Mga tanong na walang sagot
Sadyang daan lang ba at kalimot?
You can never really be
100% sure of the future.
Nothing can and will
Be set in stone.
Doubt is acceptable,
With reservations.
Pixel Sep 2022
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu
Sana sa pagdilat makalimot na ko…

Isa, dalawa, tatlo
Tatlong araw mula nang magkakilala tayo
Hindi batid kung ano ba ang pakay mo
Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo
Sabi ko, "Hindi ako magpapauto."

Apat, lima, anim
Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin
Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin
Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo
Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako."

Pito, walo, siyam
Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago
Biglang lumamig ang iyong pakikitungo
Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko
Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo."

Sampu
Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo
Isa lang ang tapat at naging totoo
Ngunit nagbubulag-bulagan ako
Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo."

Gaya ng sabi ko
Pagbilang ko nang sampu
Sana makalimot na ako
Ngunit heto pa rin ako
Naniniwala sa mga matamis **** pangako
Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
Eugene Dec 2015
Naalala ko noong tayong dalawa pa.
Ikaw at ako ay laging magkasama.
Magkahawak ang kamay at hindi nag-iisa.
Walang makakapaghiwalay dahil tayo ay iisa.

Kahit munting kubo lamang ang ating tahanan,
Puno naman ng pagmamahalan ang buong kabahayan.
Walang pag-iimbot, walang pinagdududahan.
Pagka't nasa gitna ang Diyos sa ating puso at isipan.

Aliw na aliw kang ako'y pagsilbihan, tinalikuran ang karangyaan,
Sumama sa akin sa kabukiran, at pinagsaluhan ang matamis na pag-iibigan.
Payapang namuhay malayo sa mapanghusgang mata at mapang-aping bayan.
Nagbungkal, nagtanim, nag-araro at nagdilig sa lupa upang gawing ating sakahan.

Ngunit malupit ang tadhana at tayo ay pinaghiwalay.
Ninakaw ang ating kabuhayan at ika'y nilapastanganan,
Ng mga hayok sa laman, pinagpiyestahan ang iyong katawan,
Hanggang sa dugo mo'y dumaloy sa tigang na lupa at ako'y iniwan.
aphotic blue Aug 2017
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
©aphoticblue
Sa ilalim nitong mga ngiti at tawa,
ay isang pusong nangungulila
na puno ng mga hikbi at dalita.

Kailan kaya kita muling makita?
Kailan muli masilayan matamis **** tawa?
Kailan ulit kita mayakap aking sinta?
Ilang oras nang nakatutok
Ang aking largabista sa iyong bintana.
Iniintay ko ang oras na ikay dumating.
Nagtatago sa dilim upang di mo mapansin
ang madilim na aninong nag-aabang.
Naka ilang ikot din ang mga kamay ng orasan
at sa wakas ay pumasok ka na sa iyong kwarto.
Di mo ba napapansin na sa iyo’y may nakatingin?
Pinanood kita at pinagmasdan ang iyong bawat kilos.
Mayamaya’y dumungaw ka sa bintana
upang namnamin ang matamis na simoy ng hangin.
Sinunggaban ko ang pagkakaton.
Itinapat ko ang lente ng largabista sa iyo.
Pinagmasdan kong maigi ang iyong mukha
Nakatutok  na ang lahat sa sentro ng aking atensyon.
Ikaw.  
Perpekto na ang lahat.
Isang kalabit ng daliri.
Magkikita kayo ng tadhana.
Ernie J Trillo Sep 2018
Ang higanteng tulyasi,
tila bulkan, humihilab sa init,
sumusuka ng kumukulong putik at singaw,
bumubuga ng bulang panis.
Subalit ang mga serbidor at weyter
ng panginoong naluklok
ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako
kung paanong ipinaparada
bilang obra-maestrang sopas na manok
ang gabundok na naiipong ipot
ng kanilang hinirang
at ng kanyang mga ministrong kampon.

Dusa nating pinagbabayaran
ang pagsulong ng bulag na katapatan
at laganap na kamangmangan
sumusuong sa martsang hindi nauunawaan
habang sanlaksa’y kay daling naniwala,
panloloko’t manloloko ay sagana
isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis -
sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip
isang malaking karnabal
ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso
mga nakakatawang bistadong manggagantso
at mga saksing bulaan -
na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan -
at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan -
patung-patong na kasinungalingan
kumpul-kumpol na tungayaw at murahan
mahihiya ang mga alamat ng bayan
at pabula ng nakaraan.

Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan
ng mabahong tae,
mangmang na nag-iisip sa bibig,
tinimplahan ng santambak
ng mabantot na kawalan
ng konting katalinuhan
at pakundangan,
- isang lugaw ng bigas na plastik, panis
adobong sa mga pilyong uod, ay matamis.
isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip
ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan

At ako, isang napilitang anino,
binihag ng isang tampalasang multo
inilibing sa pambayaning nitso
at sanlibong mapangsanib na espiritu
sa Kaharian ng mga Pangako
pawang napako, at mga pag-asang naglaho,
ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako
sa walang puknat na pagpururot ng nguso
na kapag ang mundo’y tinatanong ako,
- Siya ba ang hinirang ninyo?

Hiyang-hiya ako . . .
Randell Quitain Sep 2018
sa ilalim ng mga dumaraang ulap,
kasabay ng mga walang kabuluhang numero,
ay hindi maglalahong panatilihin,
ang ningning na ito para sa'yo,
tulad ng liwanag ng buwan;
minsan ay masela't matamis.
kingjay Dec 2018
Ipipinta sa sahig ang mga  rosas at hihigaan upang malaman ang pakiramdam na maihagis sa kaniyang dibdib
Sa matamis na ngiti na nang-aakit
Lahat kayang ibigay kahit na higit pa kaysa pag-ibig
Para maipabatid ang katindihan

Ang pagsasanib ng di katanggap-tanggap na uri ay wala na makapag-aalis
Dininig ang pakiusap
Katawan ay instrumento
Tinubuan ng sungay gaya ng kambing

Kinain ang liwanag ng araw upang makipaghasik ng lagim
Ito'y sariling imahinasyon
Gaya ng nalalapit na paggunaw ng mundo sa tuwing may eklipse

Haharanahan nang dumungaw at mahinhin na hilain ang kurtina
Kung maririnig ang boses niyang malambing
Makukumpleto ba ang araw at habang-buhay alalahanin?
Nanakawin ang sandali sa palatakdaan ng oras?

Sumpain na lang, sapagkat pinairal ang kapusukan
Paulit-ulit na dinarasal hanggang sumigaw
Kung hindi ibibigay ay tatalikod
Makipagsanduguan sa pulang hari

Binigo ng sentro ng daigdig
kaya ayaw na maglala ng susunod na panahon
Sa hungkag na kalawakan
Nabubulok ang katuturan
Ang malumanay na  pananalita ay nagmamaliw
kingjay Aug 2019
At sisimulan sa pag ani
ng mga ala ala
Magtatagpo sana sa dalampasigan  kung saan dumadampi ang mahalumigmig na hangin
Dapuwa hindi giginawin

Nakatalukbong ang isang binibini
Mga kanyang  salita'y tumaktak sa wari
Sapagkat hindi maisabi
O hirang hindi kailanman naging makasarili
Ang pag ibig minsan kailangan bumaba ang Hari

At ganap na  hari sa luklukan
Walang makapagpapatalsik ni anumang may buhay
Wala rin isinilang sa mundong ibabaw
ang makapagpahabag

Ngunit ito ba'y kahantungan ng lahat
Ang pinalad na maging reyna ibang palasyo binagtas
Magdiwang na ang lahat
Ano ba ang magagawa sa Maharlikang angkan

Ngayon ay tumatanda kasabay ng panahon
At naging kadena ang mga matamis na kahapon
Ang samyo ng bukid ay parang usok na sanhi ng pagkahika't hapo
psyche Mar 2016
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatangggapin mo pa ba?
Ako?
oo.
tanga lang eh noh?
oh tapos tatawa tawa ka?
Kung sabagay…
Hindi kita masisissi.
Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya
Sa ibabaw ng alapaap
Sa yakap na mahigpit
Sa kamay na minsang nakatagpo ng
Palad
Palad na handang dumamay
Palad na handang umakay sa matarik na bundok
Binuo ng mga daliring handang takpan
Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na
Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo
hindi.. hindi kita masisisi
dahil hindi naman ikaw nag nakadama
ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang
ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko.
Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting
Ipininta ng bawat tawang ibingay
Sa mga simpleng kantang inialay.
hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban
nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon.
Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang
Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo
At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka
Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay.
Hindi.. hind kita masisisi
Dahil hindi mo ramdam
Ang kirot na humiwa dito..
Nung araw na sinabi nyang
“Ayokona”
Ayokona?
Walang eksplenasyon ni walang pasubali
Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at
Sinabi kong tama na
Tama ka nga siguro
Ayaw mo na..
Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang
Wala na. tapos na. ending na.

Tapos
Isang araw
Bigla syang kumatok, sabi
“sorry”
Tanginamo. Para san pa?
Ako pa rin daw..
ako parin daw.

Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatanggapin mo pa ba?
Ako?
oo.

pero di gaya ng dati
hindi
na
ako
tanga.
Hindi na...
Mon Sep 2015
Puso'y nakalaya na
Sa mahabang panahong
Pagkakabaon sa lungot at paghihintay
Sa piling mo.

Isang matamis na paalam
Ang sasambitin ko
Para sayo

Nawa'y maging masaya
Ating mga puso
Dahil alam kong
Mas may nararapat para sa'yo
Limang taon na akong naghihintay
Sa puso mo'y magkaroon ng kaunting espasyo
Pag-asa'y unti-unting namamatay
Sabihin mo
Kailan ba dapat huminto?

Kung may araw na sa gabi?
Kung ubos na ang buhangin sa disyerto?
Kung matamis na ang tubig-dagat?
Kung ayaw ng magluto ni Spongebob ng Krabby Patty?

Dahil hindi ako titigil
Hangga't hindi pa nauubos ang nakaimbak kong "Kaya ko pa!"
Hangga't hindi pa napapatunayan kung may forever ba
At hangga't makalimutan ko na ang paghinga
When Is The Right Time to Stop?

I've been waiting for five years
To have even just a little space for me in your heart
Hope is slowly fading away
Please tell me when to stop

Till sun shines at night?
Till there is no sand left in the desert?
If the ocean's water is already sweet?
If Spongebob doesn't want to make krabby patty anymore?

Because I won't stop
Till I could say "I still can!"
If it is not yet proven uf there is really a forever
Till I forget how to breathe
Louie Clamor Mar 2016
Bakit nga ba nangyayari ang mga bagay bagay?
Di ba may mga basehan,
Na kung saan laging may mga kailangan

Kailangan **** huminga
bago ka mabuhay
Kailangan **** mawala
bago ka mahanap
Kailangan **** pumasa
bago ka makapagtapos
Kailangan **** tumawa
bago ka maging masaya

Kailangan.
Ang dami **** kailangan.

Ako rin. Puro kailangan
Kailangan ng ganito
Kailangan ng ganyan

Kailangan ko ang iyong mga ngiti
Kailangan ko ang pag gapos ng iyong mga bisig
sa napakalamig na gabi
Kailangan ko ang iyong matamis na oo
na walang kailan ma'y pagsisisi
Kailangan ko ang iyong kaunting oras
Araw't gabi, sa bawat sandali

Paumanhin, kay dami kong kailangan
Simple nga lang ba?
Na ikaw ang sanhi
Ikaw na aking kailangan
Pero mahal, isa lang naman talaga
Isa lang ang hinihingi
Kailangan ko..
Kailangan ko ang ating pagmamahalan
Sana'y kailanganin mo rin.
Matias Dec 2018
Sisimulan natin ang storya sa tatlo kami,
Siya, Si iyun at Si ako
Tinitimpla mo parang kape
Siya, siya Yung nagmimistulang asukal sa buhay mo
Siya, diba tapos na siya? Bakit bumabalik ka pa?
Siya?, siya na pinapaasa mo at ginagamit mo.
Siya, yung nagiging pangraos mo kapag nangngati ka.
Paano naman si iyun?
Si iyun yung nagmimistulang creamer sa buhay mo.
Isang palamuti kumbaga.
Isang nagbibigay kulay sa mata ng karamihan
Paano naman si ako?
Ako yung mapait, ako yung bitter kung tatawagin.
Ako yung pinaka-importante yun ang iyong sabi.
Anong sabi? Bitter ako?
Oo bitter ako, kasi hindi mo alam na mas better ako.
Eh paano kung ang siya ay nawala?
At yung si iyun ay wala naroon?
Pwede bang gampanan ni ako yung dalawang yun?
Pwede ka naman magkape kahit barako lang
Walang creamer, walang asukal
Pero may pait para magising ka naman.
Pero diba ang kape ngayon ay mas tinatangkilik
Kung mas matamis at mas makulay?
Dahil ang kape ngayon ay halos wala ng kape.
Pero babaliktarin ko ang epekto ng kape sayo
Magigising ka kapag wala ng ako
Kabahan ka na kapag wala ng ako
Benji Feb 2017
Dudungaw ka sa ikabuturan ng kahapon
Upang matagpuan ang sariling naghihikahos
Na makita ng iba ang ningning
Na kailanman di umilaw ng dilaw.

At sa bawat oras hahanap hanapin
Ang dating tanglaw ng bawat kahapon
Ang mainit na sikat ng haring araw,
Ang matamis na halik ng ulan.
Sapagkat lahat ay nauwi sa wala
Kaya ako'y uuwi at tutula
Claudee Mar 2020
may kakaibang hangin na dala ang paskong bitbit mo

unos yata ng umaalong dagat sa di kalayuan

ilang buwan na lang at babalik tayo sa pagdala mo ng matamis na pasko

salamat sa pagbating alay mo noong ika'y lihim na mahal

ngunit tapusin na lang natin ang pagtawid dahil iba na'ng isip mo

sa dulo ng karagatan, seth, yayakapin ka para sa nagdaang pasko

pero sa ngayon, lumisan muna at hayaang humikbi ang pusong di ko na iiwan
10/02/19
Agust D Mar 2020
bawat segundong lumilipas ay iuukit
serye ng alaalang nakakaakit
lahat ng ito'y iguguhit
kahit ang luha na'y napupunit

lumalalim ang huwad na panaginip
mapaglaro't malilikot na kathang isip
eksena't larawang nabuo sa isang idlip
pilit inaalala't sinusundan ang ihip

binabagtas ang hirayang aguhon
walang depinisyon, walang direksyon
waring nakatali sa matamis na kahapon
pilit kumakawala sa paraang kay hinahon

hinahanap ang liwanag sa dilim
dilim na kumukubli sa isang lihim
sa iyong paglisan, ikalabing-anim
nawa'y makita ka sa takipsilim
Hiraya ng Pag-ibig
O neal bandong Jun 2016
"Pinili"

Kung sisimulan ko man sa umpisa ay parang sobrang haba
At baka abutin man ako dito ng umaga
Kaya sisimulan ko nalang nung pinili mo siya

Oo tama! Oras narin para ilabas itong simpleng tula na matagal ng nakatira dito sa puso ko
Na mas pinili mo yung taong sinayang lang ang oras mo
Kay sa dun sa taong nandiyan lang sa tabi mo
Handang ibagay ang buong araw sa iyo
Pero mas pinili mo yung taong sinayang lang ang ang pagmamahal mo
Kay sa dun sa taong nandiyan lang sa tabi mo
Na handa kang mahalin ng totoo
Pero mas pinilo mo yung taong yun kay sa dun sa taong naghihintay lang ng matamis **** Oo

At bago matapos ang aking simpleng tula na matagal ng nakatira dito sa puso ko
Ako'y nagpapasalamat sayo
Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko
Salamat dahil kahit sa unting oras na ibinigay sa ating dalawa ay naramdaman ko ang pagmamahal mo
Salamat sayo.
Paula Martina Apr 2020
Dumating sa aking buhay na hindi inaakala
Gayunpaman maiituring kita na isang biyaya
Isang biyayang sobra sa aking nagpaligaya

At sa  tuwing kausap kita,
Ngiti sa mukha ay hindi maipinta,
Marahil ang boses mo ay parang musika,
Kaya't puso'y laging naaalala ka.

Lilipas ang mga araw at buwan,
Tayo ay magkakatampuhan,
Ang dami ring taong sa ating buhay ay lumisan,
Pero ako, dito lang ako di kita iiwan

Salamat ika’y natagpuan
Binigay ka man sakin ng hindi inaasahan
Iyon ay hinding hindi ko pagsisisihan
Sa hirap at ginhawa mahal, nandito lang ako ako’y iyong maaasahan

Dito ka lang sakin,
Hinding hindi kita bibiguing pasayahin
Ikaw at ikaw lang ang pipiliin
Kung alam mo lang kung gaano kita dinadalangin

Tumingin man sa madaming bituin
Wala nang iba pang hihilinginin
Dahil sa aking paningin ikaw na ang pinaka magandang bituin

Itigil mo na ang panliligaw mo
Sapagkat ika’y sinasagot ko na ng aking matamis na oo
i gave this to him, the time he asked me to be his girlfriend. we made it official last december 6, 2019!! my greatest blessing, indeed.
Kent Nov 2020
Ako ay nanaginip kanina
Tayong dalawa ay magkasama
Magkahawak nang kamay sa kalsada
Nagtititigan sa mga mga mata

Hindi kita iiwan kahit kailan
Sa aking sinabi siya ay nasiyahan
Ang mga katagang iyon ay nagmarka sa kanyang puso't isipan
At gayun din ang aking naramdaman

Nung tayo ay umuwi
Binigyan mo ako ng matamis na halik sa pisngi
Humingi ako uli
Ngunit ang tatay mo ay nandiyan kaya binigay mo ay matamis na ngiti

At nang sumikat ang araw
Ang nasa isip ko pa rin ay ikaw
Sa sobrang saya ako'y napahiyaw
Sa sobrang saya ako'y napasayaw

Tayo'y muling nagtagpo
Sa tagpuan king saan kita sinusundo
Sa lugar kung saan kita unang sinuyo
Sa lugar kund saan nagsimula itong kwento

Tayo ay muling namasyal
Sa lugar di ganun ka spesyal
Ngunit napapadama ang pagmamahal
Sa isa't isa na umaapaw

Hahaha!!Nakakatawa talaga
Tila bang nakalimutan ko na
Na ako ay makakalimutin ng sobra
Ito ay isang panaginip lang pala
Bakit ba nakalimutan ko?
Mister J Sep 2017
Ilang linggong puro nakaw ang sulyap sa'yo
Ilang araw na walang hinangad kundi pansinin mo
Ilang beses nang nilalapitan at pilit na nagsusumamo
Ilang beses pa bang magpapapansin para sa atensyon mo?

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula
Hindi ko rin alam kung lahat ba ng ito ay tama
Ang tanging pinanghahawakan ay ang lakas ng loob
Ang aking hiling ay tanging maging sa'yo

Sa bawat araw na hinirang ng Maykapal
Sa bawat pintig ng puso, ngalan mo ang sinisigaw
Sa impyernong ito na ating ginagalawan
Ikaw ang tanging langit sa aking buhay na kawalan

Ako'y sa'yo, nais kong malaman mo
Ako'y sa'yo, sana'y pagbigyan ako
Ako'y sa'yo, hayaan **** ibigin kita
Ako'y sa'yo, sa lungkot at sa ligaya

Tanging sa'yo, lumipas man ang mahabang panahon
Tanging sa'yo, sa bawat pagdapa at sa bawat pagbangon
Tanging sa'yo, magunaw man ngayon ang mundo
Tanging sa'yo, at sa'yo lamang ang puso ko

Ikaw ang ilaw sa madilim kong landas
Ang parolang gabay sa bagyong malakas
Ikaw ang laman ng damdaming puno ng lakas
Ikaw din ang kahinaan, ang pag-ibig na wagas

Tandaan mo na kahit saan man mapunta
Kahit saan mapadpad at ako man ay maligaw
Sa libong tula at liham na aking isusulat
Tanging ngalan mo ang laman, tanging ikaw

Ang gusto lang makamit ay ang 'oo' **** matamis
At mamahalin kita sa habang buhay ng labis-labis
Hindi man perpekto, magkaron man ng mga mintis
Basta't ikaw ang kasama, lahat ng problema'y matitiis

Ako'y sayo, aking uulit-ulitin
Ako'y sa'yo, ika'y kukulit-kulitin
Ako'y sa'yo sa hirap at ginhawa
Ako'y sa'yo, dahil mahal kita
Second Tagalog poem. Feels a bit rushed though.
Franz Jan 2017
‘Para **’.
‘Yan ang sambit ng mga pasahero
sa t’wing sila’y magpapaalam.

Magpapaalam sa tapat na tsuper,
na sila’y nalalapit nang magpaalam.

Ngunit sa kaso ko, ipapaalam ko sa’yo,
Na ako’y magpapaalam na.

Sa tinagal ng aking pagsabit sa dunggot nitong hawakan,
Sa likod nitong pampasaherong dyip na sa kasagutan mo’y
pupunta,

Mas pipiliin kong bumitaw na lamang at masugatan.
Kaysa patuloy na mangawit sa dulo ng dyip na iyong minamaneho,

Tangay ang daan-daang mangingibig.
Bawat isa, sabik sa patutunguhang destinasyon mo.

Walang kaalam-alam na isa lamang ang maaring
parangalan,
Ng banayad at matamis **** ‘Oo.’

Ngunit sa bawat pagtapak sa silinyador ng jeep,
Sa bawat pagpihit ng kambyo,

Ang aking kamay, katawan, binti, at kaluluwa,
ay unti-unting nawawalan ng sigla,

Hanggang sa mabatid ng aking makitid na pag-unawa,
Na ito na ang hangganan, at wala na akong kawala.

Kaya bago ako bumitaw sa aking kinakapitang pulungan,
Nais kong ipa-alam, na ako’y magpapaalam.

Ibinuka ko ang aking nag-aatubiling bibig,
at ang mga salitang nakulong sa aking lalamunan,
tumakas at nagpaalam.


"Para, para sa inyo…
Ay hindi. Para sa’yo."
JOJO C PINCA Nov 2017
Kung ang bunga ng isang makata ay tula
humihingi ako ng paumanhin
sapagkat mapakla
at hindi matamis ang sa akin.

Gusto ko sanang saysayin
sa paraang patula
ang buhay mo at dalita
na tulad sa bulaklak
ay nalanta nang ikaw ay dahasin
ng mga puting dayuhan.

Ikaw ang Sisa na nabaliw
sa paghahanap ng iyong Crispin at Basilio,
Babaylan kang hinubaran ng dangal
sa harap ng madla,
subalit ikaw din ang Gabriela
na nag-armas at lumaban.

Inang Bayan ko
na sakbibi lagi ng lumbay
kailan mo kaya makakamtan
ang tunay na kalayaan
na kay tagal mo nang inaasam?

Wala kang maasahan
sa mga anak **** hangal
na parang birhing matimtiman
na laging nakaluhod
sa paanan ng dayuhan;
mga putang walang kahihiyaan
na ibenibenta lagi ang puri mo't dangal.
jia Feb 2021
ang mabagal na takbo ng ambon
'tila ba ay may ibang pahiwatig
katawan ay unti-unting inahon
sapagkat sayong mata ay naantig.

sa bilis ng bugso ng bagyo
na nagpaikot sa aking tingin,
kusang pumunta patungo sayo
at sa balikat mo ako ay 'yong diniin.

mumunting butil ng luha ang umagos
habang yakap ang tanging inalay.
naisin mang sumigaw ngunit paos
tanging sa hawak mo lamang ako hihimlay

kaya't sa huling patak ng rumaragasang ulan,
hinanap kita pero huli na ang lahat.
para kang tubig ambon na sa akin lamang dumaan,
matamis sa una ngunit sa huli'y umalat.
AUGUST Feb 2019
"Pusong Binihag"

ninakaw ng ulap ang abot langit na galak
inaagaw ng hangin ang iyong halimuyak
wag mo sanang ipagdamot ang iyong yakap
at sana'y itangay ng iyong pakpak sa alapaap

mga ngiti mo na sa akin ay nagbihag
at sa bawat tingin ako'y nalalaglag
sa nararamdaman kong di maipaliwanag
ng damdamin nating unti unting nalalaglag

nakukulong sa silid ng pagibig
hindi makatakas sa lalim ng 'yong titig
na kung may ano sa gitna ng dibdib
habang ikaw lang at ako ang nasa paligid

habang hawak ang malambot **** mga kamay
mahigpit kong sinisiguradong hindi ka mawawalay
pagkat
dito sa aking bisig taimtim na humihimlay
ang aking mahal na nagbibigay buhay

sa halik ng matamis **** labi na sadyang nakakalasing
o kay hirap umamin, o kay hirap magsinungaling
tinatangay ng malamig **** tinig na musika sa akin
ganto pala kasarap kapag dininig ang panalangin

ganto pala kasarap na tinupad mo aking hiling
ganto pala kasarap kung ikaw lang ang kapiling
ganto pala kasarap na ikaw ay dumating
ganto pala kasarap......
na ako ay iyo at ikaw ay akin
pagibig tagalog mahal ikaw puso
Di ko alam paano magsimula,
Di ko rin kasi alam kung paano "ito" nagsimula.
Kung paano mo ginising
ang puso kong himbing na himbing.
Kung paano mo ginawang makulay
ang boring kong buhay.

Saglit lang ang panahon na tayo'y nagkakilala
Pero sa panahon na yon pinaramdam mo sakin pa'no maging masaya,
Pinaramdam mo sakin kung pa'no tumawa
sa likod ng mga problema.
Binigyan mo ng kahulugan
ang buhay kong walang pakinabang.
Binigyan mo ako ng rason
para gumising at bumangon
sa umaga, at inaasam kong marinig
ang matamis **** tinig,
masilayan ang mga ngiting **** daig pa ang araw
sa pagbigay ng liwanag na sa akin at pumukaw.

Di ko na alam paano paano to tapusin,
Basta't ang alam koy ayaw ko muna to'ng tapusin.
Joshua Feb 2019
Naalala ko pa yung araw na napagdesisyunan kong kumain sa McDo.
Kasi wala lang, trip ko lang.
Hindi naman ako gutom, hindi rin pagod.
Pero nag-McDo ako.

Noong panahong yun,
Saka ko lang narealize yung sinasabi nilang "Self Worth."
Pahalagahan ang sarili, mahalin.
Bagay na hindi ko nagawa sa nakaraan.
Kaya ayun, nagwakas, natuldukan.
Paano naman nga ba kasi magpapahalaga sa iba
Kung sarili ko nga di ko mapahalagahan.

Umorder na ko ng fries at Big Mac
Syempre kasama ang paborito kong McFloat.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagnguya
Nung nagtanong ka
"May nakaupo na po ba?"
Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha
Umiling nalang ako.
Nagtataka rin kasi ako bat sa harap ko pa naisipan **** umupo.
Yun pala, wala na talagang pwesto sa McDo.

Binasag mo ang katahimikan sa pagpapakilala mo sa akin.
Bigla atang lumamig ng hangin
Lalo na nung nakita kong nakangiti ka sakin.

Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan.

Ikaw ang nagsilbi kong Happy Meal
sa araw-araw na paggising ko.
Hindi ko na kailangan ng Happy Meal toy
Kasi makasama ka lang enjoy na ako.
Ikaw yung chicken fillet na
sa sobrang lambot ng pisngi mo nanggigigil ako.
Ikaw yung Hot Fudge na mas matamis pa
sa Dairy Milk kasi sobrang sweet mo.
At para kang gravy ng McDo
na hanggat di ubos yung ulam magrerefill ako.

Hanggang isang araw, inaya mo ko mag-McDo.
Masaya akong sumama kasi minsan lang yun.
Ako naman ililibre ng taong madalas ilibre ko.
Feeling ko tuloy sasagutin mo na ako.
Nagpresenta kang ikaw na o-order
At ako nang bahala sa uupuan.
Hindi ko alam bakit pagkaupo ko palang
Nakaramdam na ko ng kalungkutan.
Natakot ako bigla sa di malamang dahilan.

Buti dumating ka na, at
Buti nakangiti ka.
Ngunit ako ay nagtaka na
Ang pagkaing binili mo ay hindi para sa dalawa.
Agad **** sinabi saken na saglit lang,
May pupuntahan ka lang.

Pagkaalis mo, kinain ko na ang binili mo.
Pero nagulat ako
Matapos kong i-angat ang burger na inorder mo.
"Hindi pa pala ako handa."
Nakasulat sa sticky note na nilagay mo.
Di ko alam ano ibig **** sabihin
Kaya nagdecide akong ikaw ay hintayin.
Mahal, sabi mo saglit.
Pero bakit hindi ka na bumalik?
Iniwan mo na ako.
Iniwan mo gamit ang isang sticky note,
Kasama ang favorite kong McFloat.
Enero Kinse, Dos mil Kinse
Sa Villamor umindak daan-daang estudyante
Paglapag ng eroplanong Sri Lankan
Mga sasalubong naghiyawan
Pagbukas ng pintuan ng sasakyang lumilipad
Skull cap ng Santo Papa ay nilipad
Pagpanaog sa hagdan ng eroplano
Sinalubong ng mga sundalo at ng Pangulo
Pinatugtog himno ng ating bansa
Ganundin ang himno ng Vatican sa Roma
Dalawang batang ulila sa kanya sumalubong
Matamis na pagbati sa kanya ibinulong
Sa Pope Mobile na walang panangga sumakay
Ang Supremo ng Simbahan todo ngiti at kaway
Kahit gabi na kayraming tao bawat daanan
Hanggang sa Apostolic Nunciature na pagpapahingahan.

-01/16/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 316
Ang binuo nating samahan
Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan
Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag
Lahat iyan ay aking iingatan

Hindi na nagpapansinan
Wala na rin ang matamis na titigan
Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan
Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan

Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata
Ay mapalitan ng pagtinging naiilang
Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman
Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan

Hindi kailanman mangyayari
Na sa iyo ay aking masabi
Ikaw ang nais makatabi
Ikaw lang ang sambit ng mga labi

Hindi ko alam Kung kailan nagsimula
Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata?
Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw
Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw?  

Tuksuhan dito,  tuksuhan doon
Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon
Isang araw sa aki'y may nagtanong
"Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon?

Naisasala ng imahinasyon
Pinapangarap subalit di lubos maisip
Umabot tayo sa bangin ng limitasyon
Mayakap ka,  hanggang dito na lamang ba sa panaginip?

— The End —