Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HYA Jan 2018
Kasalanan mo na kung matatamaan ka.

Isa.
Isang salita lang ang kaniyang binitawan
At siya naman ay agad **** pinaniwalaan

Dalawa.
Dalawang puso, noo'y nagmamahalan
Nawala ang isa kaya sarili ngayo'y ipinagsisiksikan

Tatlo.
Tatlong beses na siyang humanap ng kapalit mo
Magaling ka nga naman sa akademika ngunit sa pag-ibig ay sobrang bobo

Apat.
Apat na araw kang naghintay sa kanyang pagbabalik
Hanggang sa nakita mo siya kasama ng iba habang nakikipagtalik

Lima.
Limang opinyon ang iyong inilahad
Subalit bumabalik-balik pa rin ang iyong kamao sa kanyang palad

Anim.
Anim na segundo ang lumipas pagkatapos ng iyong paglipad
Sa kalangitan na totoong nakakakita sa iyong abilidad

Pito.
Pitong rosas ang kanyang ipinadala na siya raw ang nagtanim
Kahit ang mga ito'y pinitas niya lang sa inyong hardin

Walo.
Walong katotohanan lamang ang kanyang naisabi sa iyo
At sagot mo, "wala naman talagang perpekto"

Siyam.
Siyam na tala ang kanyang sinungkit para sa iyo
Ngunit sa iba, ang sinungkit niya'y...

Sampu.
Sampung tula na ang ibinahagi upang ika'y maliwanagan
Kaya, giliw, nakikita mo na ba ang ginagawa niyang kasalanan?
heeey

— The End —