Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
w Nov 2016
21
Duwag ka pero salamat
Salamat dahil hindi mo ako hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya
Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang
Sa mga matatamis na salita na hanggang salita lamang
Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang
Sa mga masasayang kwentuhan na hanggang ala-ala na lang
Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos
Dahil duwag ka
Dahil andyan ka at andito ako
Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan
Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka...at duwag ako
Oo, duwag din ako
Duwag ako katulad mo
Nakakahilo ang pagitan nating di natin kayang bitawan ng pangakong baka balang-araw ay magdikit din ang daliri at mabatid kung may kuryente bang dadantay sa umaasam na puso...dahil duwag ka at duwag ako
Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan
Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa dalawa nating mga paa
Na andyan ka at nandito ako
Malayong-malayo
Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin;
Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang mga mata mo
Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit ng matagalan
Dahil duwag ka at duwag ako
At ito ay isang pekeng pangarap
Tapos na ang giyera
Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan
Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan
Tapos na.

Pipiliin ko nang maging masaya
Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan
Ako ng kalakasan
Maghahanap ako ng kapayapaan

Kapayapaan na yayakap saakin
Sa mga takot na dinanas ko
Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi
Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin

Kapayapaan na pupunas
Sa mga luha na di na natutuyo
Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala
Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko

Magkakaron ako ng kapayapaan

Ngunit bakit hanggang ngayon
Na tapos na ang giyera
Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon?

Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala
Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili
Hanggang sa mawala?

Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan
Ay bumabalik parin ang sakit
Na dinanas ko habang nasa piling mo?

Ngunit ang dating nakaraan
Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit
Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan

Bumabalik yung nakaraan na
Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan
Naging matigas ang ulo't sumunod
Sa mga pusong pagal

Nasaksihan ng araw at buwan na
Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip
Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan

Ngunit sa isang pikit ko
Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya"

Simulan natin sa "Siya"

Simula nung araw na iyon
Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin
At tila naging digmaan sa isipan ko
Tila naging parusa sa puso ko

Ang dating "tayo"
Ay unti-unting naglaho
At nagbago
At naging "kayo"

Doon nagsimula ang digmaan
Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig
At binomba ito

Pinosas mo ito at ikinulong
Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam
Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa

Nagmamakaawang pakawalan

Sumulat ito ng kanta
Umawit gamit ang natitirang pintig
Sumulat gamit ang natitirang dugo

Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit
Ngunit walang nakakarinig sakanya

Naghihingalo para sa natitirang lakas
Umawit ulit siya muli

Hanggang sa marinig siya ng Maykapal

Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas

Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan
Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na

Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera
Possible na ang kapayapaan

Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko
Handa na akong kumalimot
Handa na akong tumalikod
Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan

Magtatapos ako sa "Ikaw"

Mag-isa ka na
This piece is meant to be spoken
Ayin Azores Aug 2018
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.

Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.

Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?

Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.

Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.

Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.

Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”

At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.

At nahanap mo ako.

Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang  ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.

... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.


At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
AUGUST Jan 2019
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo
Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso
lagi kitang inaalala malayo ka man sakin
Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin

Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap
Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap
Mga pangako at sumpaan paano na matutupad
Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad

Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo
Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo
Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni
Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni

Sinagot ma’y marami paring Katanungan
Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan
Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan
Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan

Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan
Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan
Tunay nga na ang pagibig may isang diwa
Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita

Andito lang ako, Malayo parin ang distansya,
Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya
Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya
Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya

Kahit wala ka.....

Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik
Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik
Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik
Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik

*Para sa mahal kong si Reina
Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
XIII May 2015
Ang pag-ibig
Para yang negosyo
Namumuhunan ka
Investment kumbaga

Ang pag-ibig
Para yang lotto
Tumataya ka
Sumusugal sa walang kasiguraduhan

Ang pag-ibig
Parang negosyo
Minsan nalulugi
Kaya minsan, kailangan magsara

Ang pag-ibig
Parang lotto
Madalas talo
Pero muli ka pa ring tataya
Daniella Torino Jun 2017
Naaalala ko
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.

Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.
Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggagalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.

Tapos heto,
hinahanap pa rin
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang paghahanap ay kasunod ang kawalan.

Ngunit,
ako'y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba.

Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at sasabihing:
“ikaw ang dulo, gitna, at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang ilang libong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.
Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.

Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang PAG-IBIG mo.
bartleby Aug 2016
Patawad,
Sa lahat ng mga bagay na nawala
Sa mga oras na nasayang
Sa mga tawanan at kwentuhang hindi na mauulit
Sa mga luhang hindi alam kung kailan titigil
Sa mga pagkakataong pinalipas

Totoo nga
Hindi sapat ang pagmamahal
Kailangang paghirapan at pagtrabahuan
Pero paano mo nga ba masasabi na mahal mo talaga ang isang tao?
Kung puro sakit na lang ang nararanasan

Hindi sapat ang pagmamahal
Sa dinami-dami ng dahilan para umalis ka sa isang relasyon, bakit ka nga ba nananatili?
Dahil sa pagmamahal na pinanghahawakan mo?
Pero paano kung yung ka-isa isang dahilan kung bakit ka nananatili ay nararamdaman mo nang unti-unting nawawala?
'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo at ang minamahal mo o nagmamahal sa'yo
'Wag **** hintayin dumating sa punto na wala nang matira sa inyo pareho
Hindi tama ang "ibigay mo ang lahat"
Tandaan mo na bago ka magmahal ng ibang tao, kailangang buo ang sarili mo

Sa isang relasyon, dalawang tao ang dapat na nagtutulungan
Hindi isa lang
Hindi isa lang ang masaya
Hindi isa lang ang umiintindi
Hindi sapat na "gagawin ko 'to para mapasaya siya"

Siguro nga, mahirap talagang magmahal
Pero ganun naman talaga diba?
Pag para sa taong mahal mo, lahat kakayanin mo
Pero sapat nga ba yun?
Hindi.
Dahil paano ka magmamahal kung ikaw mismo ubos na?
Paano ka magbibigay kung ikaw mismo wala na?

Hindi ka nagmamahal para buuin ang isang taong wasak
Hindi ka nagmamahal para baguhin ang isang tao
Hindi ka nagmamahal para may maipagyabang ka sa mga kaibigan mo
Hindi ka nagmamahal para waldasin ang pera ng magulang mo

Nagmamahal ka para sa ikabubuti ng pagkatao mo at ng minamahal mo
Nagmamahal ka para malaman mo kung bakit ka talaga nandito sa mundong 'to
Nagmamahal ka para maging masaya, hindi para maging miserable
Dahil kung gusto mo lang din naman maging problemado, maraming problema ang Pilipinas na pwede **** atupagin

Kung nagmamahal ka na lang para masaktan at makasakit, hindi na yan pagmamahal
Ang pagmamahal ay hindi katumbas ng pagpapakatanga
Oo, may mga bagay na magagawa mo lang dahil sa pag-ibig
Pero kung magpapaka-tanga ka na rin lang, hindi mo ba mas gugustuhin na matuto at malaman ang mga mas importanteng bagay sa mundo?

Totoo nga, there's more to life than love
Hindi mo kailangan madaliin ang pag-ibig dahil marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo
Marami ka pang makikilala
'Wag **** paikutin ang mundo mo sa isang tao na walang kasiguraduhan na magtatagal sa buhay mo

Bakit hindi mo muna buuin ang sarili mo hanggang sa dumating ang taong magmamahal sa'yo na kapantay ng pagmamahal na kaya **** ibigay?
112415

At kaya nga ayokong mag-lotto,
Kasi naaalala kong walang pag-asang manalo,
Mabuti pa si Chito,
Hindi nauubusan ng liriko.

At ayokong umasa sa roleta,
Kasi ako yung tipong sigurista,
Hindi naman ako dumaraan sa peryahan,
Moderno nga pala sa'ming bayan.

Hayaan mo, hindi ako mag-aaksaya ng barya,
Papel lang kasi siyang humahagkan sa bulsa.
Sandali, pagkat hindi ako mayaman,
Hindi ka kasi mabibili ng ginto't dyamante sa tindahan.

Paumanhin, wala naman kasi akong pera
Hindi ako magtataya sayo,
Lotto ka nga eh, walang kasiguraduhan.
Napdaan ako sa Lottohan, pero hindi pa ako nakaranas magtaya. Wala rin akong interes, kahit lahat pa magtaya.
lovestargirl Jun 2015
Isa, dalawa, tatlo, hindi sigurado.
Ngayon o bukas man, hindi ko alam.
Dadating o hindi, paniguradong mali.

Dahil sa bawat kalkulasyon,
walang tanging nakakaalam,
Sa kung anong nararamdaman.
Dahil sa isang bagay na hindi tiyak,
paniguradong walang may alam.

Naghihintay ng walang kasiguraduhan,
sa isang sagot na matagal ng inaasam,
at sa pagibig na matagal ng kinasasabikan.
President Snow Nov 2016
Ikaw at ako, tayo
Magkahawak kamay na naglalakbay
Sa mahiwaga at walang kasiguraduhan na mundo
Magiliw na nakatingin sa taas, upang mga tala ay magsilbing gabay

Magkasabay nating nilakbay ang gabi
Di alintana ang mga nakikita sa paligid
Walang pakielam sa mga sabi sabi
Walang makakapigil sa mga pusong umiibig

Ngunit habang nagalalakbay
Unti unting bumibitaw ang 'yong kamay
Unti unting lumuluwag ang 'yong hawak
Unti unti, habang ako'y nabibiyak

Ikaw at ako ay pinaglaruan ng tadhana
Tayo na niloko at pinaikot ng mga tala
Tayo na pinaniwala ng kalawakan
Tayo na na umasa sa walang hanggan

Ang mga pangakong walang hanggan
Lahat sila'y naging kasinungalingan
Ang dating naglalakbay na "tayo"
Ay nawala, naging mag isa, naiwan nalang ang "ako"
No forever. No forever. No forever hihi <3
aL Jan 2019
Pagpuna ng makatarungang nilalang sa kabila ng lahat ng mga kahabagan ng buhay. Maaaring tanging yaman na maituturing ng iyong tainga na nabibingi na sa karahasan at ingay ng iyong paligid na nilalakaran.

Naging libangan na ng iyong mga paa na tumayo sa maling lugar. Masasanay narin ang iyong katawan na maging haligi na lamang ay iyong mga paa. Sa mapangaping buhay na wala nang kasiguraduhan.

Nakaakbay ang kaybigan **** kalungkutan, mula sa paggising hanggang sa pagidlip ng mga mata **** pilit na tinatago ang hapis ng mga luhang maari mo sanang ilabas, ibahagi at iluha sa aking harapan.

Ako naman ay naghihintay, iyo ako ay tunay na mangiibig, sa iyong pagsibol, sa iyong pamumulaklak at sa iyong pagkalanta, sa kahit anong oras na iyong mapagpasyahan. Ano man ang mangyari ako ay maaari **** sandalan.

Ang pagmamahal ay tulad ng isang anino, maaari **** palaging madadala, ngunit kung ang iyong desisyon ay magkulong sa dilim, ako ay wala nang magagawa. Tanging mananatili siguro ay pagtingin kong nakatatak sa kanyang isipan.
waiting like a fool.
Gwyn Biliran Nov 2016
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta.
Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga.
Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan.
Hanggang kailan ito magtatagal?
Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan.

Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman.
Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan.
Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta.
Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta.
Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit.
Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit.

Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya.
Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama.
Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka.
Halika sa mga bisig ko, mahal.
Panahon natin ay di na magtatagal.
Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit.
Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin.

Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot.
Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap.
Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali.

Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian.
Tayo ay alon at dalampasigan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan.
Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
alvin guanlao Jul 2011
may diskusyon na galing sa nakaraan
tungkol sa pagsisisi sa naganap na hiwalayan
ang higit na pagmamahal ay sadyang maparaan
nagbalik itong muli ng di namamalayan

kung sa hinaharap ay walang kasiguraduhan
bubusugin kita ng pagibig sa kasalukuyan
at kung tayo at panahon ay magkasubukan
hihintayin kita upang sa dulo'y magkatuluyan

ang pagulit sa kawangis ng kahapon ay ligaya
ito ang dahilan sa sarap ng muling pagsasama
huwag maglilikot pagka't di na magagaya
ang inayos na daan papunta sa iisang kama

sa di mapigilang kabaliwan at kalokohan
sa dalas **** maubos ang aking pisi
at kahit hirap sa pagsunod sa aking kagustuhan
ikaw pa rin ang pipiliin at di magsisisi ♥
For your eyes only lang to mahal, wag mo na ipost sa wall mo ok? ^^
030317

Oo, totoo --
Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako,
Na aakyat pa sa tuktok ng bundok
Para isigaw ang pangalan ko,
At doo'y ihayag ang nilalaman
Ng damdaming nagsisidhi,
Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan.

Mahal kita --
Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas
Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro
Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan.

Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig,
Hindi ko alam kung matatapos ba
Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita"
Pagkat hindi ito isang antigong alahas
Na susuotin lamang sa mga piling okasyon,
Pagkatapos ay itatago sa kahon,
At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon.

Sabi sa kanta,
"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga"
Pero ang sabi ko nama'y
Tirik man ang araw sa pagtawa
O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak,
Hindi ako mauubusan ng dahilan
Para mas mahalin ka pa.
Mahal, kaya ka pala mahalaga
At kaya pala mahalaga --
Ngayon, ngayo'y alam mo na.

Kukunin ko ang mga agiw
Sayong mga lumang gunita,
Pilit kong wawasakin ang mga pader
Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa.

Sa paulit-ulit **** pagsambit,
Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito
Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo
Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay --
Masanay sa bawat pagbigkas mo
Kahit pa sabi ko noo'y ayoko
Kahit pa gusto kong itanggi
Kahit pa gusto kong limutin.

Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo
Sapat na sakin ang pag-intindi mo
Minsa'y di ko maintindihan sa telepono,
Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko
Pero alam ng puso ko:
Narinig ko.

Sa mga kamaliang pilit nating binabayo,
Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan,
At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap,
Doon ko nakitang kaya pala --
Kaya pala nating magpatuloy
Sa paghawak sa kamay ng bawat isa
At kahit pa malayo sa isa't isa'y
Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta.

Minsan di'y nagtanong ako,
Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo?
Bakit kailangang hintayin pa kita?
Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal?
Ba't nga ba minamahal kita?

Mapupuno ako ng bakit
Pero itatapon ko ang mga ito,
Ayoko nang malunod sa pangambang
Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho
O baka malimot ng isa sa atin
Ang iniingatang "mahal kita"
Tatalon ako sa walang kasiguraduhan
Tatalon ako --
Oo, alam kong nahuhulog ako
Nahuhulog sa walang katapusang
"Mahal kita."

Hindi ko gamay ang misteryo nito
Hindi ko mabatid ang mga nakasulat,
Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
Pero ililibot kita,
Sa aking nakaraan,
Sa aking ngayon
At sa aking bukas --
Pagkat hindi tayo nabigo
Ayokong biguin ka.

Kailanman hindi mabubura,
Hindi maglalaho
Para sa nag-iisang ikaw.
Sana magkusa ang araw sa pagbangon,
At bukas makalawa'y maririnig ko na
Ang hinihintay kong "Mahal kita."
kiko Oct 2016
Nung isang gabi tinanong mo ko
“Bakit mo ko mahal?”
sa totoo lang hindi ko din alam.
puno ako ng damdamin pero ayoko sa emosyon
ayoko sa sakit
ayoko sa mahal.

ayoko na mahal kita.
ayoko din na hinahanap-hanap ko ang mga bisig mo.
sana’y akong mag-isa, akin lang ang sarili ko.

Itong kakapiranggot na pagpapahalaga sa puso ko ay para sakin lang.
bakit ko ibibigay sayo na mapagdamot sa pagmamahal?
isa ka ding takot sa pag-ibig,
takot magpapasok,
takot magbigay dahil walang kasiguraduhan kung maibabalik.
nalalasahan ko sa aking dila ang lungkot tuwing tumitingin ako sa iyong mga mata.

Tuwing nasisilayan ko ang iyong anyo, pakiramdam ko ay kilala kita.
hindi ko alam ang pangalan ng mga mahal mo
at hindi ko alam ang mga bagay na mahalaga sayo,
pero kilala ko ang pagpanglaw ng ilaw sa bawat kurap ng iyong mga mata,
kilala ko ang unti-unti **** pagkaubos.
Isa kang imahe na pinta ng sakit at lungkot at pangungulila
napakadilim ngunit napakaganda.


Kilala kita.
Nakikita kita sa salamin kapag nakakalimutan ko kung ano na ako sa aking paningin.

Siguro alam ko na pala kung bakit kita mahal.
Kung bakit kita gusto mahalin.

Ang yumi mo ay hindi bagay sa dilim.
Kailangan mo ng saya,
ng halaga.

Madilim din ang mga ulap sa aking mga mata
sinta,
pero malinaw pa ang aking paningin
at alam ko kung anong kintad ng kulay ang bagay sayo.
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan
Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot
Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid
At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan
Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag
Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka

May mga bulalakaw na nagpakita.

Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo
Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato
Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa
Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka
Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa
Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik

Sabay-sabay tayong pumikit.

At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa
Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!"
At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling
Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin
Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan
At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan:

"Kailan kaya ulit mangyayari 'to?"

Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong
Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo
Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa
Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya
Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata
Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan,

Tayo ay masaya.

Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang
Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito
—Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga,
Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay,
Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito—
Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan

Sa huling pagkakataon tumingala tayo.

Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan
Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin
Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo
Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit
Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga
At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata

Hanggang sa huling bulalakaw,

Kaibigan,

**humiling ka.
Read more of my works on: brixartanart.tumblr.com
(1:30 AM/ Brownout)

Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin
Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.

Ako’y nakakapaso
Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan,
Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Sa lipunang may mabigat na ginagampanan
Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.

Nilisan ko ang liwanag
Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan.
Ako’y Iyong tinubos
Sa mapanghusgang lipunan
May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla
Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo
Nang ako’y pagharian Mo.

Gamitin Mo ako,
Pagkat ang liwanag, ang katuturan
Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita
Nang sinuman..
Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro
At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.

Sukat ang buhay ko
Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta
Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito
Minsan pala’y nakapapaso rin ito
Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.

Sayang..
Kung ang ilaw ay nakakahon
Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin
Kung ang sarili’y hindi kikitilin
Nang magkaroon ng pangalawang buhay.

May ilang gagambala
Mga insektong hindi alam kung saan nagmula
Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag
At kung di lalakas ang alab,
Ako pala’y matutupok.

At sa hanging iihip,
Kung wala ang mainit na mga kamay
Na siyang yayakap at hahagkan sa akin
Ako’y maagang mahihimlay,
Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.

Ngunit ang alab na ito’y
Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan
Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon
Sisindihang muli,
Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon
Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan
Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.

Binibilang na ang oras
Bawat minuto’t segundo
Maaring mapagal at maagang tamlayin,
Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.

Ngunit bago maupos,
Ako’y may aabutin
Bawat sulok ay dadampian ng buhay
At magmamarka sa bawat haligi
Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.

(5/13/14 @xirlleelang)
Anonymous Rae Jun 2016
Nakita ko ang sarili kong naglalakad sa pasilyo ng kawalan at makaraa'y sinisid ang karagatan ng katanungan, nasaan ako? hinanap ko ang  kasagutan, mapa o daan sa bawat ingay na binibigkas ng mga tao sa paligid ko. At kahit nasanay na'y natigilan ako, pero kasi hindi pwede 'to.

Nabuo ko na naman ang pangalan mo.

pasensya na pero sa tuwing ako'y nawawala sa landas o nararamdaman kong lumalayo ako binibigkas ko ito sa pag asang ibabalik ako nito sa kaharian na gawa sa mga ngiti at tawa mo na mag-isa kong binuo o simpleng papunta lang sa tabi mo.

Naliligaw ako, hindi ko alam kung saan pupunta o kung may paroroonan man lang ba, pero patuloy akong maglalaboy at tatakbo sa realidad na gusto na kita, tatakbo sa nararamdaman pero lilingon paminsan minsan dahil umaasa ako, kahit walang kasiguraduhan, hinahanap mo rin ako dala ang isang lampara. Umaasa ako na ikaw nga ang mapa, ibubulong ko sa hangin ang mga salita kasabay ng isang malalim na buntunghininga.

*"Asan ka na?"
I tried, thank you hello poetry :)
jeranne Feb 2017
Itong tula na ito ay para sayo -- hindi man magkatugma, pero gusto ko ay basahin mo ito. Hindi ko alam kung ako'y may pagasa ba sayo, dahil ako ay nalilito kung sino ba ang gusto mo. Ako ba o yung babaeng tinutukoy nila? Walang kasiguraduhan kung sino. Hindi ko maiwasang hindi umasa, hindi ko rin maiwasan na mawalan ng pagasa.

Nawawalan na ako ng dahilan para umaasa pa, umasa na maging tayo. Ang hirap pag walang label, hindi mo alam kung anong meron sainyo, at katulad ng nararamdaman ko ngayon, nalilito at hindi alam ang gagawin.

Gusto ko nang bumitaw, ngunit ako'y natatakot na ang puso mo ay ako ang sinisigaw balang araw. Nasa gitna ako ng "letting go" at "don't let go" hindi naman kasi tayo close at ang mahirap pa pangalan lang ang alam ko tungkol sayo.

Gusto ko sanang umamin sayo, ngunit ang ikinakatakot ko ay baka ma-reject ako. Ako'y kinakabahan na may halong hiya, kaya wala akong lakas na umamin na **crush kita.
:((
Pong Panugao Jan 2012
Paano nga ba sinusukat ang pag-ibig?
Ito ba'y depende sa tagal o oras nay ginugol?
O kaya'y sa dami ng regalong Natamo?
Ibig sabihin ba'y di mo ako minahal kahit paano?

Pinili kitang mahalin sa lahat ng nilalang
Hindi naman Ito isang karangalan Kung titignan
Ginusto kita kahit walang kasiguraduhan
Ginusto kita kahit pagtingi'y saakin lamang

Tama,oo sayo ito' ISA lamang Laro
Isang pagkakataong ang puso mo'y malibang,makalayo
Ako'y walang pangambang sumugod sa apoy
Sunog na tutupok sa aking puso't pagkatao

Lahat ng nangyari ay aking ginusto
Ang mapalapit sayo sa bawat segundo
Ang makilala ka sa anumang paraang alam ko
Ang maging bahagi ng buhay kahit saglit lamang Ito

Alam kong sa una, ikaw ay bukal na nagsabi
Hindi ikaw yung pumapasok sa isang relasyon
Na ako'y di dapat umasa sa iyong paglahok
Na ang pagmamahal na aking hinandog ay maibabalik ng lubos

Kahit paulit ulit sa isip ko'y sinasambit
Na ako'y di masasaktan ni katiting
Noong sinabi **** ako'y wag Munang mapalapit
Ang puso ko'y tumigil ng paulit ulit

Pinilit kong ngumiti Gaya ng pangako
Na ang iyong sagot ay matatAnggap ng lubos
Kahit pa ba ang luha ko'y dumadausgos
Ang aking puso ay hinawi ng unos

Gusto kita gusto kita bakit ba di mo makita
Matulungan lamang kita ako na ay masaya
Kundi man ako ang sayoy magpaligaya
Kung alam kong ikaw ay masaya puso ko'y panatag na

Bakit di mo ako pinayagan na sa iyoy umalalay
Ako'y gamitim **** saklay na gagabay sayong paa
Matulungan lang kita sukdulan na ang ligaya
Ngayon lahat ay wala na ako mgayoy nagiisa
Miru Mcfritz Jan 2019
Sa mga oras na to,
Hindi ko maitatanggi sa sarili ko
na nasasaktan ako ng sobra sobra.

hindi ko man alam
kung kailan ko ulit
mararanasan mahalin
ulit ako ng katulad mo.

sisiguruduhin ko naman sa sarili ko na malalaman mo na
hangang sa huli pagkakataon hindi na ko nag mahal pa simula nung nawala ka sa buhay ko.

dahil katumbas ng mga
binitawan kong mga salita
ay inalay ko ang bawat pag mamahal ko sa mga letra bumuo ng mga kahulugang mahal kita

kung mahirap man at kumplekadong mundo ang nasa
sitwasyon kinahaharap ko
ngayon habang mag isa kong
hinaharap ang lahat ng
pasakit na ito

sa tuwing maririnig ko ang
sarili mo na itinatanong ito
ano kaya ang ginagawa mo
sa mga panahon mag isa lang tayo

sa panahon hinahanap din
natin ang sarili sa kung saan
at kailan ba darating
ang katapusan ng pagtataguan
ng nararamdaman

kapag handa na ang tadhana at pagkakataon magkasalubong
ang ating mga landas sana sa panahon na yon sana kahit
ako nalang ang nag mamahal sayo

kahit sa malayo
kahit pasikreto
kahit hindi mo alam
kahit sa mahirap na paraan

mamahalin parin kita
kahit wala ako kasiguraduhan
paninidigan ko to sa kahuli hulian.
Bianca Tanig Nov 2016
"hindi pa pala ako handa"

yan, yan ang mga katagang binitawan mo sakin 'nung gabing ika'y nagpasya
nung gabing ika'y nagpasyang manatili na lamang tayo sa pagitan ng magkaibigan at hindi magka-sinta

parang isang hampas ng alon na lumunod sa'kin mula sa dalampasigan na tila nagpahinto sa aking paghinga,
tulad ng ihip ng hangin na pumapatay sa apoy ng kandila,
ang siyang pagbitaw mo sa mga salitang
"nasanay na ata akong mag-isa"

parang isang eksena sa isang pelikula na tila gusto **** palitan ng mga bagong linya,
na para bagang nais **** gawan ng panibagong wakas,
ang siyang pagsambit mo sa ilusyong hindi kapa ata handang may makasama

oo, ilusyon
ilusyon kong maituturing ang hindi mo na paniniwala sa minsang inakala nating walang hanggan
sa minsang inakala kong hindi mo bibitawan
at susukuan,
tulad ng  noo'y pagkapit mo sa mga palad ko sabay sabi ng "walang iwanan"

naalala tuloy nung minsang sinabi mo
na darating ang mga oras na magiging mahina ka
na baka maguluhan ka,
o matakot ka,

at sa mga pagkakataong 'yon,
ang sabi mo sa'kin,
sana 'wag kitang bibitawan
sana 'wag kitang  susukuan

sinubukan ko,
sinubukan ko naman
sinubukan kong ilaban
sinubukan kong ipaalala ulit sa'yo lahat ng mayroon tayo,
kung gaano katotoo bawat sandali at minuto sa piling mo

ngunit siguro nga'y tama ka sa minsang sinabi mo na lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan

na kahit gaano pa katibay ang pag-ibig na nasimulan at nabuo,
hindi ito magiging sapat para ilaban ang isang bagay na ikaw mismo ay bihag;

bihag sa isang rehas na kumupkop sa puso **** tila nasanay ng mag-isa

manhid na sa kahit anong pakiramdam at tila may mga nawawalang piraso

hindi alam kung saan naiwan o saan hahanapin,
hindi mawari kung gusto nalang hayaan o gusto pa bang buuin,
tanging tiyak na lamang sa ideyang hindi pa handang manindigan sa isang pag-ibig na minsang ginusto mo ring ilaban

hanggang dito na lang nga siguro tayo,

'hanggang dito nalang tayo",
tulad ng kantang likha niyo na hindi ko inakalang ako ang magiging bida dito

na para bagang isang bangungot na tila nagkatotoo ang "bigla" **** pagpili na manatili na lamang "sa pagitan" ng ikaw at ako at lisanin ang pagiging tayo

salamat,
salamat sa maiksing panahon ng pagpaparamdam mo sa akin ng walang hanggan

at sa pinaka-huling pagkakataon,
hayaan mo sana akong sambitin ang mga salitang to
hayaan **** ipabatid ko sa'yo ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong mangyari sakali mang pagtagpuin ulit tayo sa panibagong yugto

na kung sakali mang sa  panahong 'yon ika'y handa na,
handa nang magmahal muli ng buo at walang takot,

pakiusap,
yakapin mo ang pagkakataong 'yon para subukang muli ang pag-ibig na minsang naging atin

kung sa panahong 'yon ay may natitira pa
akong puwang dyan sa puso mo,

pakiusap, sa panahong 'yon ay ilaban mo na ako tulad ng minsang paglaban ko sa pag-ibig ko para sa'yo



"hanggang dito nalang tayo"
hanggang sa muli,
rebelde ka at ako ang iyong sundalo.
061616 #AM #SirFrancisHouse

Lumang musika sa bagong umaga,
Nangungulit na insekto, kriminal naman akong ituring.
Kinamusta ko ang kapalaran sa'king palad,
Tila ako'y nabubuwal sa landas na walang kasiguraduhan.

Naging sagrado't taimtim ang pagsuyo ko sa Langit,
Sana'y matamnan ng Kanyang brilyante ang pusong humihikbi;
Gaya ng ulap na kampante, gaya ng bantay na tumatahol
At gaya ng pagbulong ng makina ng sasakyan na siyang tambay.

Naglalaro ang isip -
Nakikipagpatintero sa tadhanang nanglilisik.
Minsan, mas mabuti pa ang Diktatoryal kaysa Demokrasya
Pagkat ang kalayaan ay nakakapanting-hininga
At higit sa lahat, ako'y napapatid ng mga hangal na oportunidad.

Paulit-ulit akong nagbabalot ng kagamitan
Nagbabaon ng mga kailangan sa pagbalik sa piniling saltahan.
Pero ako'y paulit-ulit ding nauuhaw -
Nauuhaw sa tubig na siyang kinasanayan
Ang tubig na wika ng aking kasaysayan.

Hindi ako mag-aatubileng iparada ang sarili sa kalsada,
Na harangin ang mga sasakyan kahit ako'y masagasaan pa.
Kung ganito ang pag-ibig na siyang may martir na ideolohiya,
Nais kong maging luwad na siyang hamak na sasalo
sa pagbusina sa nag-aalimpuyong pagsinta.

Ang kariktan ng sandali'y walang maikukumpara,
Kahit pa ang pagdadalamhati ng bawat oras na may kahati.
Hindi ko man mapisil ang tadhanang nasasakdal,
Pag-asa ko'y ipinipihit sa bahagharing nangako
At siyang hindi mapapako -
Ang huling sandali, nailagak na't naipako.
Ilang buwan na ang lumipas
Nang gisingin ako ng agos  ng tubig sa dalampasigan
Puti ang buhangin
At kumakapit sa kayumanggi kong mga balat
Ang halik ng Haring Araw.

Laking-gulat ng lahat nang anurin ako
Ng napakalakas na hangin patungo sa Isla
At doon bumungad sa akin ang Pitong Karagatang
Mitsa ng aking pagbangon sa kasalukuyan.

Naghilamos ako sa maalat na tubig
At doo’y naging kakulay ko ang kanilang lahi
At inangkin nila ako
Gaya ng isang parte ng isang pamilya.

Bumukod ako sa pag-aakalang iba ako at iba sila
Hanggang sa ang ako ay para sa kanila pala
Nagbunga ang pagbuhos ng Langit ng kanyang kasiguraduhan
At doon ako'y hindi na isang dayuhan
At alipin ninuman.

Kinuha ko ang kurtina sa aking bintana
At tinapon ko sa aking likuran
Kasabay ng paniniwala kong babalik ang Araw
At ako'y muling aagusin ng napakalakas na alon kagaya noon
At sana --
Sana nga makabalik na ako
Sa aming tahana'y
Babalik na ako.
Blank Canvas Feb 2016
Nakakapagod pala talaga
Nakakapagod umasa sa wala,
Maghintay nang walang kasiguraduhan,
Masaktan nang paulit-ulit
At paulit-ulit rin naman siyang walang pakealam

Nakakapagod pala talagang
Balikan 'yung nakaraan,
'Yung masasayang sandali na hiniling **** wag na sanang matapos,
'Yung mga araw na siya 'yung kasama mo noong namomorblema ka,
Na kahit masakit at ayaw **** maalala, nandiyan pa rin

Nakakapagod pala talagang
Saktan ang sarili
Baka kasi kapag ginawa mo 'yun, makausad ka
Kahit konti, kahit sandali, kahit papaano,
Kahit imposible

Nakakapagod
Pagod na ako
Tama na
Sobra na
Awat na
G A Lopez Mar 2020
Nakakatakot na ang mamuhay sa mundo ngayon.
Ang nasa isipan ay baka kinabukasan,
Hindi na makakabangon, walang kasiguraduhan.
Laganap na ang mga nakakamatay na sakit,
Mga sakit na walang lunas
At kaunti lang ang nakakaligtas.

Mayroon pa ring sakit sa lipunan
Na hanggang ngayo'y hindi pa rin naaagapan.
Ang hindi pagkakapantay-pantay, Kahirapan at kamang mangan.
Dulot nito'y pagbagsak ng ating Inang Bayan.


Lahat ay isinisisi sa gobyerno
Kanilang buhay na sila mismo ang nagplano.
Bakit ka gagawa ng isang bagay na sa huli ay iyong pagsisisihan?
Hindi dahilan ang kahirapan
Upang gumawa ng kasamaan.


Dahil sa salot na sakit,
Maraming nagtatanong kung "bakit"
Panay ang pag-aalala
Hindi na mapakali sa kanilang mga lungga.
Utos ng pamahalaan ay binabalewala.


Tahimik ang kalsada
Walang sasakyang pumaparada
Ang mga pamilihan ipinasara.
Ang mga tao'y nagsisiwelga
Dahil daw ito'y pang aabuso at hindi pagpapahalaga.


Halos wala nang makitang tao sa mga bahay-sambahan
Ani nila'y ayaw mahawaan.
Naniniwala pa rin ako sa kasabihang,
Kung ayaw, may dahilan
Kung gusto'y, maraming pwedeng paraan.


Tanong kaibigan,
Bakit mo iiwan ang pagsamba?
Bakit ka mangangamba?
Ang Panginoong Diyos ang pinakamakapangyarihan
Siya ang sagot sa lahat ng ating kabalisahan.
Ang buong tiwala'y ibigay sa Panginoong Diyos na siya dapat nating pagkatiwalaan.
Allan Pangilinan Nov 2018
Sapagkat ngayon ay matututo tayo sa mga bagay na 'di natin maintindihan,
Kakapit tayo sa mga talinhagang kahit ang mga pilosopo ay hirap sa pagpapaliwanagan.
Susubok at susugal sa bukas na walang kasiguraduhan,
Sabay aasa sa pangako ng isang tunay na hinaharap na makakamtan.

Dahil ang damdamin ay nakaalpas na sa paghangad,
Ngayo'y may sinusundang tahakin na mas marapat.
Saya at ligaya para at ng sa iba sa isipa'y nailapat,
Mga naisin at mithiin ay nauunawaang hindi agad-agad.

Ngayon ay marapat na mabuhay sa kasalukuyan,
Damhin ang ligaya, kalungkutan, at lahat ng sa gitna'y mararamdaman,
Sa buhay, sarili natin ang ating tangan,
Balang araw, kung anuman, ay ating mahahagkan.
Cepheus Jun 2019
Tinanong ako ng palubog na araw,
"Bakit narito kang muli?
Sa sampung beses mo akong dinalaw,
isa lamang doon ang may dala kang ngiti."

Natawa ako sa katotohanan
Oo nga, hindi ko maikakaila
"Ika'y aking tinititigan,
kaya lamang mukhang may luha ang aking mga mata."

Tila nanginig ito sa halakhak
Alam n'ya ang kasinungalingan
Na kinumpirma ng isang patak,
dalawa, tatlo... hanggang 'di na mapigilan

Binigyan n'ya ako ng maraming kulay bilang sagot
Pilit pinapakita ang ganda sa kabila ng lungkot
Ngunit ang tanging nakikita ay ang lungkot sa likod ng ganda
Ganoon nga siguro talaga kapag nasasaktan ka

Lumisan ako nung lumubog na s'ya
Ngunit iniwan n'ya ang kasiguraduhan
Na naroon lamang s'ya
Upang aking balikan

Umaasang sa aking muling pagbabalik
Ang isa sa sampung beses ay maging dalawa
At madagdagan pang hitik
"Oh haring araw, nawa'y magdilang anghel ka."
040120

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan nga
Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo,
Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo,
Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo,
Mga pangakong ilaw mo sa dilim
Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin
Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap
Na sinusundan mo ng tingin.
Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay
Ay napapawi nito ang sakit
Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak
Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan —
Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian
At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman.
At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan
Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta
Hindi Basta-bastang buhay lamang
At nagtatago sa dilim.
Hindi ko hinayang madala ka ng dilim
Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim
At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig.
Huminga ka na may gayak,
Huminga ka nang May pag-asa.

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo
Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo
Ibuga mo ang iyong mga kamalian
Ibuga mo ang iyong mga kasalanan —
Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo
Pabalik sa kadiliman
Mga kasalanang minsan mo nang iniwan
Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan,
Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman
Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,”
Ngunit nariyan ka pa rin,
Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik
Tama na, tama na Anak.

Hinga, buga
Hinga buga,
Naghihingalo ka na
At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na
Naghihikahos ka na —
Ngunit wag **** isiping napapagod ako
Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan
Ay napapagod na rin akong gamutin ka.
Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka,
Na sa tuwing sinasabi ko sayong
Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo
Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi ****,
“Ama, narito na ako.”

Hinga, buga,
Hinga, buga
Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino
Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili
Ngunit buo ang aking pagpatawad
At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas
Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak
Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo
At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan
Naririnig ko na
Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing
Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita
Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig
Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba
Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam ****
Sanang alam ****
Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo,
Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang.
Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na
Nakauwi ka na sayong tahanan.

Hinga, buga,
Hinga, buga
Tayo na anak,
Sa akin ka na mamahinga.
Aira G Manalo Oct 2015
Alam mo bang gising pa ako hanggang ngayon
Nagbibilang ng mga taon
Kung ilang beses kitang makikita na umaalis at dumarating
Kung ilang beses kong isusulat ang mga pangarap nating tutuparin
Isa, dalawa, lima o labing-isa
Paulit-ulit na muling pagkikita
Nasasabik, nalulumbay, maligaya at malungkot
Ilang beses sa isang taon na mamaluktot
Isa, dalawa, lima, labing-tatlo
Nakatanaw sa langit, sa dagat, sa mundo
Pabalik-balik ang isip sa mga sandaling naririto
Maghihintay paulit-ulit, kahit sampu o labing-walo
Aalis, aasa, darating, maliligayahan
Ihahanda ang damdamin sa walang kasiguraduhan
Ikaw, ako, tayo
Ang magdidikta sa mundo
Kung saan, paano at sino pero hindi ang kailan
Kung bakit, kanino, pero hindi ang dahilan
Ikaw, ako, tayo
Ang magsasabi sa mundo
Na ikaw at ako ang pipili sa isa't-isa
Tayo ang hahawak, hindi ang tadhana
Sa simula, gitna, dulo at pahabol na kapitulo
Ikaw lang at ako ang magsasabi sa mundo
Na araw-araw akong maghihintay
Sa pagsikat man o paglubog ng araw
Na taon-taon akong aasang babalik
Ang dahilan kung bakit patuloy na umiibig
Hindi isa, hindi dalawa, hindi dalawampu't walo
Kundi paulit-ulit hanggang tayo na sa dulo
zee Aug 2019
dito lang tayo sa gitna
kung saan lahat ng bagay
ay walang kasiguraduhan;
magulo at kumplikado dahil
walang nais na kumawala;
natatakot na may mawala
at 'di rin magtagal
hindi rin makaangal dahil
may posibilidad na mangyari
ngunit hahayaan na lang ba natin
na ang takot ang maghari sa'tin?
subalit tila wala na ata akong magagawa
ikaw na ang nagpasya.
ito na lang ang natatanging paraan—
pipigilan ang nararamdaman,
magkukunwaring walang alam,
magbubulag-bulagan sa katotohanan
upang manatili ang pinagsamahang iningatan.
ang nais lang nama'y ika'y nandito—
nasa sa'king tabi at kapiling ko.
kaya't sana'y walang magbabago
dahil nandito lang naman
ako para sa'yo,
kaibigan ko.
Louie Clamor Mar 2016
Nang makilala kita tila nagbago,
Nagbago ang mundo ng pagkabigo.
Isang rosas na puno ng ganda
Ang halimuyak ng bulaklak
Nang lapitan ka'y, dibdib kumaba

Mahal ba kita?

Isang tanong na bumagabag sakin isipan
Isang tanong na hudyat ng hindi kasiguraduhan
Gayunpaman, ika'y ikinilala
Tumagal ang panahon
Ako'y sigurado na.

Mahal na kita.

Isang pangungusap
na kumakausap at nakikiusap
at humihingi ng isa pang pangungusap
Na tila isang salita lamang
ang kailangan palitan.

Mahal din kita.

Nakakatuwa na sa isang salita
ay mababago na ang tunay
at kung ano ang pakay
Ika'y lumapit, yumakap
Nagsalita ang iyong bibig,

"Mahal sana kita."

Tanggap ko at maghihintay ako
Tawagin mo man akong martir
Pero mahal, hanggang sa huling dako
Wag sana mahuli at mahuli ng ibang tao
Hanggang sa aking huling paghinga

Mahal parin kita.
JK Cabresos Mar 2016
Isang minuto,
kahit isang minuto lang,
para matitigan ko pa ang kislap
ng iyong mga mata,
isang minuto,
isang minuto lang,
pipilitin ko lang maramdaman
ang pintig ng iyong pusong
sumigaw ng mahal mo ako,
isang minuto,
isang minuto pa
para tanggaping imposibleng
maging tayo.

Oo, mahal kita,
susulitin ko ang bawat minutong
hawak-hawak ko pa
ang iyong mga kamay,
mahal kita,
at patuloy kitang mamahalin
hanggang sa maubos man ang tinig
o ang ating himig,
mahal kita
at sana'y minahal mo rin ako.

Isang minuto,
isang minuto lang bago ako umalis,
isang minuto
para mahagkan ka muna,
isang minuto para masabi sa'yo
ang bawat katagang nakaukit
sa pinakakasulok ng aking puso,
mga katagang nais maipabatid
itong nahihikahos na damdamin,
mga emosyong mahirap ipaliwanag,
at bawat bugso ng gunitang
nasa bahaging ang meron lang
ay ikaw at ako,
pero walang tayo,
mga gunitang kahit ilang takipsilim
man ang lumipas,
di pa rin kayang mabura
o kahit man lang
matangay ng mga luha.

Mahal kita,
at patuloy kitang mamahalin,
dito sa mundong walang kasiguraduhan,
ako'y maghihintay pa rin,
isang minuto,
isang minuto lang
bago ako bumitaw,
oo, bibitaw ako,
pero di ibig sabihing di na kita mahal,
iiwan ko lang ang puso ko,
bibitaw ako dahil
kahit gaano  pa kasakit
ang makita kang masaya sa piling ng iba,
hangad ko lang
ang iyong kaligayahan sa piling niya,
lalayo ako para lumaya ka,
lalaya ka at lalayo papalapit sa kanya,
pero isang minuto lang,
oo, isang minuto pa,
at pagkatapos nito'y kakalimutan na kita.
VJ BRIONES Aug 2018
Tula: Takbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit hindi ko alam ang lugar
Kahit walang kasiguraduhan
Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan
Para lang matakasan ang lahat
O ang nakaraang gustong lipasan
Tatakbo ako ng malayo
Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din
Na may nakalagay na
bawal dumaan dito
Marami nang namatay dito
Hindi ako matatakot
Hindi ako hihinto
dahil Tatakbuhan ko ito



Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Para makadiskubre ng bagong daanan
Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan
Kahit abutin pa ng magpakailanman
Abutin ng gabi
,madaling araw
,o kinabukasan pa yan
Tatakbo parin ako
Kahit Tulog na ang lahat
Nagpapahinga at nananaginip
Ng mga pekeng pantasya
at ako ay tumatakbo pa
Gising sa katotohanan at realidad
Hindi parin tumitigil
madadaanan ang mga nagtitinda
sa kalsada ng balot at iba pa
Dahil may gusto kong takasan
May gusto kong puntahan
Kaya ako tumatakbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit mauhaw pa at matuyuaan
ng lalamunan
Hahanap ako ng tubig
Para mabigyan ng bagong sigla
At manatiling malakas
sa takbo ng buhay
Hindi ko ipapakita
na ako ay pagod na
Hinihingal
Hinahabol ang hininga
Hindi na ako magpapahinga
Iinom lang ako
at ipagpapatuloy ko ang aking takbo
Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran
Mabasa ang aking buong kasuotan
Dahil tatakbo ako
Hindi ako hihinto
Hindi ako mapapagod
Hindi ako magpapahinga
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo


Ayoko nang tumakbo
Gusto ko nang magpahinga
Pagod na ako
Hihinto na ako
Dito lang nalang ako
At Haharapin
Hindi tatakasan
Hindi tatakbuhan
Dahil marami na akong nalampasan
na lugar
kalye,
Kanto,
Kalsada,
Nalampasang pagsubok,
problema,
Hamon,
Pagod,
Na aking hinarap sa aking pagtakbo
Hihinto
At
tatayo
at magiging handa
Para sa pagdating ng bagong simula
Handa na ako
Handa na ako
Hindi na ako tatakbo
Bakit nga ba tayo sumusugal?
Sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.
Sa mga bagay na di natin hawak ang kalalabasan.

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Sa mga bagay na gusto nating makamtan,
Pero sa bandang huli ay pwede tayong masaktan.

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kahit alam na nating wala nang pag-asa
Ay pinipilit pa rin nating umasa pa.

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kailangan pa bang idilat tong mga mata,
Para lang mamulat sa katotohanan?

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kahit alam natin na tayoy pwedeng mabigo,
At masaktan ang buo nating pagkatao?
Kasi mas iniisip natin ang posibilidad
Na tayoy maging maligaya,
Yung ramdam mo ang tagumpay,
Yung abot mo na ang pangarap mo sa buhay.

Kung di ka susugal,
Kailan pa?
Kung di ka susugal,
Talo ka na.
Miru Mcfritz Jan 2019
ayoko maniwala sa pag mamahal
hindi rin ako naniniwala sa
pang matagalan
ayoko maniwala sa mga ganyan
bagay na wala naman kasiguraduhan.

hindi ako naniwala sayo,
sakanya, maski sa sarili ko
at maging sainyo
hindi mo na kailangan
mag bigay ng proweba para
utuin ako at paniwalain ako.

ayoko maniwala sa mga
nararamdaman na lalo
nagpapagulo sa isip ko
kung bakit biglang nag babago
ang lahat ng bagay sa mundo.

hindi ako maniniwala.
at mas lalong hindi ako
naniniwala na nagparamdam
ang mga ganito na hindi
maipaliwanag kung paano
sumibol ang nararamdaman
ko para sayo.

ayoko maniwala kasi
ayoko naman talaga maniwala.

hindi naman totoo to kasi
hindi naman talaga kasi totoo to.

kaya tama na ang pag uudyok
sakin na totoo ang lahat.
tama na kung pwede lang
pakiusap lang sana.
hanggat maaari
hanggat maaga pa
hanggat kaya ko pa

kung pwede lang
wag mo nalang sabihin sakin.
patunayan mo nalang
na totoo ang lahat ng hindi
lang sa salita kundi sa gawa


para maniwala ako,
m i m a y Sep 2017
Ano nga bang mas mahalaga
Ang pagkakaibigan natin o ang ibigin ka
Mga bata palang tayo ikaw na talaga
Sa isip at puso ko ika'y nag-iisa

Gusto mang aminin ngunit hindi kaya pa
Wala ring kasiguraduhan pag-ibig ko'y masusuklian ba
Ayoko rin namang masira pagkakaibigang nabuo na
Na noon pa may iniingatan ko na

Kaya't ginawa ko'y ireto ka sa iba
Baka sakaling malimutan ka
Natutuwa akong makita kang masaya, kahit nasa piling ka na ng iba.
Ngunit hindi maiwasang lumuhang magisa

Tama nga bang ibinigay kita sa iba
O dapat na bang ipaglaban ka
Dahil puso ko'y nahihirapan na
Nahihirapan ng makita kang masaya sa yakap ng iba

Kaya heto na aaminin ko na
Ang matagal ko ng dinarama
Kaibigan ko pasensya  kana
Mahal lang talaga kita.
Another TP, same subject
JK Cabresos Feb 2016
Isang minuto,
kahit isang minuto lang,
para matitigan ko pa ang kislap
ng iyong mga mata,
isang minuto
para marinig ko pa ang boses
mula sa mapang-akit **** mga labi,
isang minuto,
isang minuto lang
para maramdaman ko pa
ang pintig ng iyong pusong
sumisigaw ng mahal mo ako.

Oo, mahal kita,
susulitin ko ang bawat minutong
hawak-hawak ko
ang iyong mga kamay,
sa mga panahong
nanatili ka pa ring matatag
sa di natin napagkakasunduang
mga bagay-bagay,
mahal kita,
at patuloy kitang mamahalin
hanggang sa maubos man ang tinig
o ang ating himig,
basta pangako,
kailanma'y di maglalaho
itong aking pag-ibig.

Isang minuto,
isang minuto lang bago ako umuwi,
isang minuto para masabi sa'yo
ang bawat katagang nakaukit
sa pinakakasulok ng aking puso,
mga katagang nais maipabatid
itong nagsisidhing damdamin,
mga emosyong mahirap ipaliwanag,
at bawat bugso ng gunitang
nasa bahaging ang meron lang
ay ikaw at ako,
tayo,
at wala ng iba,
di natin kailangan ng kanilang opinyon,
para lumigaya.

Mahal kita,
at patuloy kitang mamahalin sinta,
dito sa mundong walang kasiguraduhan,
nakakasiguro kang minamahal kita,
di kita bibitawan,
di kita pababayaan,
sasamahan kita
maging sa gitna man ng ulan,
isang minuto lang,
oo, isang minuto pa,
at pagkatapos nito'y mas mahal na kita.
Copyright © 2016

— The End —