Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
MM Oct 2018
May uri ng kalungkutan na mas malalim sa kirot
May uri ng sakit na hindi alam kung paano iibsan
Pilitin mang iiyak ay walang papatak na mga luha

Subukan man ang pagpalahaw ay walang lalabas na mga salita
May mas mataas na uri ng kalungkutan
At ito ang pinaka-ayoko sa lahat
Tayo'y muling inabot ng bukang-liwayway,
lumbay at pighati sa hangin natangay.
Ikaw ang tanging balakid ng kalungkutan,
kaharutan ng iba'y huwag pamarisan.

Sa musika ng buhay ay iindak,
sa langit dadalhin habang ika'y kahamagan.
Lahat ng walang kasiguraduhan, sayo magiging tiyak,
ikaw ang nag-iisang liwanag sa dagim na kalangitan.
Tumingin ako sa kalangitan
hawak ang aking sigarilyo
nakita ang ganda at kinang ng mga bituin
habang inaalala ang lahat ng ala-ala na ating pinagsaluhan
Ngiti sa aking mukha ay kasing kinang ng bawat bituin sa langit
ngunit biglang itong napalitan ng kalungkutan
na tila ba natabunan ng ulap ang bawat tala sa kalawakan
nang maalala ko na nasa piling ka na nya ngayon
ang pangako **** makakasama kita hanggang sa aking huling hininga
para bang bula na bigla nalang naglaho at naging isang malaking imahinasyon.
Sabi nga nila ang mahalin ka ay magbibigay sa akin ng sobrang pighati
ngunit mas nanaisin ko nalang ibigay ang huli kong hininga para sabihing mahal kita.
Mahal kita, Subalit paano ko nga ipapadama sayo ang aking pagmamahal
kung sinuko mo nalang ako ng basta ang mga yakap nya ang bumabalot sayo ngayon.
kaya ito ako ngayon nagiisa sa gabing malamig at madilim
tanging unan lamang ang kayakap at kasama
unan na puno ng mga luha na dulot ng iyong pagalis sa aking piling
pipilitin ko nalang maging masaya habang ikaw ay masaya kapiling sya
Salamat sa magagandang ala-ala na iyong naipadama kahit paano
Salamat sa lahat at paalam aking iniibig.
Nexus Aug 2019
Pagdating ko pa lang
Akoy agad ng tinangihan
Maka ilang ulit pinagpasahan
Isa, dalawa  hangang lima
Hangang akoy nag kaisip na.

Sa aking kamusmusang balot
Ng hirap at kalungkutan,
Sa mulat kong kaisipan akoy naiwanan
Kamusmusang nawala
Napalitan ng trabahong pang matanda

Kaya kung minsann para bang may mga karayum na tumutusok saking dib dib
Mga ala alang mahirap balikan
Karanasang hindi makalimutan
At tanging alaala na lang ang natitirang katibayan sa hirap na pinagdaanan

Ang mundung ito’y malawak
Napakaraming tanong na hawak
Tanong na nagtagal na,
Tanong na wala pang kasagutan
At saan nga ba ako magsisisi
Ang hindi pag hanap sa katanungan?
O
ang hindi pag harap sa naka umang na kasagutan?

Lumalalim na ang usapan
At baka mamaya buong buhay na ni eric ang ating pag usapan.

Kaya………..

Umpisahan  natin sa simula
Sa paraan kung paano tayo  nagkaplaitan ng unang salita,
Sa lugar kung saan
Tayo unang nagkita,
At kung kelan natin natutunan pahalagahaan ang isat-isa.

Kwentuhang walang patid mula sa nakaraan at  karanasan
Mga tawanang mistulang
Walang katapusan
Kahit na abutin ng kalhating buwan ang message ko bago mo ma replyan

Sabi nila,kapag nahanap
Mo na daw ang tunay na pag-ibig
Ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa.
Kaya't langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin Ng kusa

Minsan akoy nagtakat
Nagtanong
Saang sulok ng langit kaya ikaw naroroon?

Malapit ka kaya sa araw?
Na mahirap puntahan at matanaw?

O marahil nasa tabi ka lang ng buwan, na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay iyong  mimasdan.

Pero maaari ding ika'y kapiling ng mga bituin na napakaraming nais mang angkin.


San kita makikita?

Sa mga panahong hindi pa
tayo muling nagtatagpo,
O
Sa mga panahong ikaw sakin ay napakalayo

Kaya kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may sabwatan
Sa pag iibigang ito
Matagal na pala kita dapat niligawan

Dahil Bumaliktad man ang mundo,
Mawala man ang lahat sa tabi mo, Mamamahlin kita  na kayang
Ihinto ang oras,
Para lamang maibigay sa iyo at maipamalas.

Upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ng tadhana
Akoy magiging mabuting kabiyak at kapag nasisilayan kay magagalak at sisikaping kayang ibigay ano mang  hilingin at kailanganin

Kayat sa wakas eto na.

Dumating na ang inaasam na pagkakataon
Puso ko'y tinatambol
At tiyan koy ina alon
at tadhana'y tila naghamon

Isang importanteng okasyon
Ang magaganap
Ngayong bakasyon
Na magiging okasyon
Ninyo taon taon
Dalawang taong nag mamahalan
Pag iisahin ng may kapal
Mag pakailanman
Jeyd Jan 2020
Kahit mga tao tayo'y iwan
Iyong pagisipan na kahit kailan
Ang kalungkutan
Ay di lilisan.
#idk
HAN Jan 2018
Isang laban na parang sa Mactan.
Hahayan kahit na ako'y masugatan
Wag mo lamang akong iwan.

Handa makipapatayan
Sa kanya na aking naging kaagaw.
Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw

Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay.
Ilang siglo na ang ating nilakbay.
Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw

Talunan matapos ang labanan.
Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan.
Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw.

Uuwing luhaan,
Hahayaang kainin ng kalungkutan
Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
Have you ever tried to fight for someone until death but that someone already gave up? That someone has already been inlove to other?
MarieDee Nov 2019
Ang lungkot at pakiramdang kay pait,
pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit
Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot
ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot,
mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot

Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?”
Ilan man ang dumaan at nakilala,
Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta.
Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim
pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim
mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan,
biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan.

NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya,
na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama,
ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya,
patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na.

At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana,
ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.
tagalog
Tila ramdam ko na ang sakit pag nawala ka.
Mga salitang binibigkas ng labi **** maganda,ngunit bakit ang mga kataga ay nakakadurog na.
Tila simpling pamamaalam,ang hatid ay sobrang kasakitan.
Di mapigilan mata ay maluha,kahit anong pigil ito ay kusang babagsak,
tila ba may sariling buhay na pati puso ay kanyang nararamdaman.
Mga alaalang kaysarap balikan,mga ngiti at tawa mo na dati’y parang isang magandang ritmo.ngunit alaala na ngayon ay nag bibigay bigat sa pakiramdam ko.
pagkat alaala ay d na kayang balikan.
Mga ngiting gustong gusto ko laging napapakingan.
Mga halakhak na kaysarap pagsaluhan.
Ngunit ngayon isa na lamang alaalang hindi na kayang makamtan.
Dahil sa iyong pamamaalam at pag lisan ,pati aking kaligayahan at puso’y sabay dinala sayong paruruuon.
Bakit sa dinami-rami ng pweding baunin,bakit puso ko pa ang yung naisip.
Kurtlopez Mar 2021
Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan
Sa bawat halakhak may nakakubling puot
Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip
Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Sa dako paroon aking hinihintay ang pagsilay muli ng araw
Dahil ang bukas lagi may bagong pag asa
Wag magpakulong sa mga kasalukuyan ala ala
Patuloy na humayo at wag kalimutang lingunin ang bakas ng kahapon
leeannejjang Feb 2018
Mali ng sinabi ko ayos lang ako.
Habang unti unting kinakain ng kalungkutan ang puso ko.

Sa isang madilim na sulok
Madalas ako umuupo.
Mga anino nagpapalakas
Sa imahinasyon ko.

Nilalakasan ko ang tugtog sa radyo.
Pinipilit mabingi sa mga kantang
Nilalabanan ang bulong ng hindi ninyo nakikitang nilalang.

Tama na.
Tumigil na kayo.
Bakit ako.
Pinapaalis ko sila.
Pero ayaw nila tumahimik.

Tapusin mo na.
Tumalon ka na.
Lagi nila binubulong ang mga salitang yan sa akin.
Gising man ako o tulog.

Sino ba sila?
John AD Jul 2019
Nakakasawa na ang klima ng panahon sa aking utak
Pabalik-balik na ala-ala sa nakaraan
Nagmistulang Pawis ang Luha kong tumatagaktak
Palihim sa ilalim ng kaulapan sa aking isipan,

Nagiisa na lamang madalas , Di masilayan ang sikat ng araw
Katog na aking Dibdib , Uhaw parin sa pagmamahal
Tag-ulan nga ba sa kagubatan o inulan ako ng kalungkutan sa Tahanan?
Kinakalaban nga ba ako ng aking Isip , o Sadyang Hindi ko na kayang buksan ang Pinto ng kinabukasan?

Tahan na o Tara na sa Tahanang Katakataka ang Puhunan
Kaibigan kong pinagkakatiwalaan , Di nila ako Maramdaman!At
Madalas o Minsan ako'y nagiging sisa ,
Madalas din o Minsan ako'y Nagiisa,

Kapag ako'y nagiisa , nakakagawa ako ng Lubid sa aking isipan
Paano kaya kapag iniwan ko na ang Mundong ito?
Makikita ko na kaya ang Kulay ng "Buhay ko"
O Magdidilim lang muli ang Kulay ng "Buhay ko".
Patawad sa mga Ginagabambala ko
Tuwing Humihingi ako ng tulong sainyo
Minsa'y inisip ko na  aabala ko kayo,
"Nilalason ako ng isip ko o sadya nga bang totoo"
May mga oras na pagagalitin mo ako at gagawin mo akong hindi ginustong galit,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Mayroong mga malupit na salita na maaari **** sabihin na hahantong sa akin masaktan at magdadala sa akin ng kalungkutan,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga hindi matalinong pagpapasya na iyong ginawa na biguin ako,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga pagkilos na maaaring aksyon mo na mag-aalala sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng mga sandali kung saan mo ako maiiyak at dadalhin mo ako sa luha,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng hindi mapagpapatawad na mga pagkakamali na idinulot mo sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga kasinungalingan na sinabi sa akin kung saan sinubukan mo ang aking tiwala sa iyo,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Sa buhay may mga paghihirap, argumento, at mga hamon na dapat nating tiisin,
ngunit kahit ano pa ang mangyari, nais kong malaman mo na, "I will always love you," ngayon at magpakailanman!
Clar Vernadine Apr 2020
Ngayon alam ko na ang tadhana,
ang dahilan ng paghanga,
ang dahilan ng paniniwala,
at ang dahilan kong bakit 'yung tayo nawala.

Tinadhana tayong magtagpo,
tinadhana ang salitang "tayo" para sa ikaw at ako.
Tinadhana tayong magbago.
Tinadhana rin tayo para sumuko.

Ganyan kagaling ang tadhana,
hindi mo alam kong mali ba o tama,
pasasayahin ka pero kaakibat ay luha.
Masakit man pero dapat paghirapan,
dahil di lahat ng relasyon napupunta sa kasiyahan,
'yong iba'y walang sawang kalungkutan.

Tanggapin na natin ang katotohanan
na magmamahal ka pero masasaktan ka,
magpapahalaga ka pero iiwanan ka rin niya,
pasasasayahin ka pero paaasahin ka.

Tanggapin na natin,
na wala talagang tamang relasyon sa inyong dalawa,
na magmumukha ka lang kawawa pag iniwan ka niya,
na magluluksa kana naman sa kaniyang pagkawala.

Tanggapin na natin,
ay oo nga pala di mo pa pala kayang tanggapin,
na 'yong dati niyong relasyo'y naging hangin,
kasabay nang pagguho ng inyong mga hangarin.

Hindi mo pa pala, kayang tanggapin
na matagal ka nang pinaglaruan,
at di naman talaga pagmamahal ang kaniyang naramdaman.
Kurtlopez May 2023
Bibilang ng lima
upang sarili'y mapakalma
sabay bugtong-hininga
mga luha'y nagsitulo na pala
dahil hindi na kinaya ang sakit na dala,

akala nila wala akong problema
akala ng iba ako ay masaya
akala nila wala akong iniinda
nasanay kasi silang lagi kang nakatawa
nasanay kasi silang lagi kang masaya
nasanay kasi sila na ganyan ka,


napakahirap na sitwasyon
hindi nila alam na saking pag ngiti
sa loob nito'y pighati
iniisip ng iba na nagbibiro lang ako
iniisip nila na hindi ito totoo
pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito,

dinadaan ko nalang sa pagpapatawa
upang ang iba'y mapasaya
ngunit sakabilang banda
ay may salitang nag nanais na "ako naman sana."

nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko
ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko
sakabila ng aking pagtawa
ay may lungkot na dinarama,

ginawa ko naman ang lahat,
ngunit bakit hindi parin sapat
hindi ba nila nakikita
o ayaw lang talaga nila bigyang halaga,

siguro nga talagang walang nagmamahal sakin
dahil walang umiintindi
sa aking pag inda
lunod na lunod na ako sa kalungkutan
labis-labis na akong nahihirapan,

puso ko'y hirap na
Ayoko ng magpanggap pa
magpanggap na masaya ako
sa harap ng iba
dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya,

ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan
biktima ng kahibangan
biktima ng kapighatian
biktima ng pusong mapanlinlang
at biktima ng isip na nais ng lumisan,

hindi ko na kilala kung sino ako,
hindi ko na kilala ang sarili ko
kailan ba ako makakatakas dito
sa higpit ng kadilimang
bumabalot sa isip ko

alam kong hindi ko na kaya
pero kakayanin ko pa
kakayanin kong muling
makatayo sa sarili kong mga paa
upang masolusyonan
ang aking problema

kakayanin kong lumaban
dahil ayaw kong maging talunan
at hinding hindi ako magiging talunan
kakayanin kong labanan ang lungkot
upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot,

alam kong may kwenta
akong tao dito sa mundo.
alam kong may nagmamahal
pa sa akin ng totoo
alam kong ang Diyos ay
lagi kong kasama sa lahat ng dako
alam kong Sya ay laging nasa tabi ko
alam kong yayakapin
nya ako sa bawat pighating ito!

hindi ako magpapalamon sa aking depresyon
lalaban ako kahit problema'y
kasing lakas ng alon
lilipas din ang hapti ng kahapon
hindi man ngayon
ngunit darating ang bukas
at itong kalungkuta'y magwawakas.
Virgel T Zantua Aug 2020
Sino ang magpapatuloy sa paglaban... Kung ang bawat pangako ay walang laman... Laging pamamaalam ang katapusan... Kung wala na ang magagandang dahilan... Ang katotohana'y walang kabuluhan... Di maitatama kahit pagsisihan.

Ang pagmamahal ay walang pupuntahan... Sa gitna ng liwanag at kadiliman... Kupas na ang kulay ng bawat larawan... Kung kasawian ang dulot ng nakaraan... Saan makikita ang katahimikan... Kung ang damdamin ay walang kalayaan.

Tunay na mapaglaro ang kapalaran... Ang nakatakda ay di matatakasan... Sa bawat hinanakit at kasawian... Ang pagluha'y hindi maiiwasan... Tulad ng kwento ito'y may katapusan... Ang pag-ibig at galit ay may hangganan.

Ano nga ba ang kulay ng kamatayan... Kung puti ang para sa kapayapaan... Itim ang kulay ng hangin sa kawalan... Alin nga ba ang tunay na mas magaan... Ang tibok ng puso na may kasiyahan... O ang katotohanang may kalungkutan.
John AD Jun 2018
Lumalala nanaman ang aking isip , kakaisip,
Kailan ba ako matututong makisalamuha sa mga tao?
Palagi ko nalang sinisilip ,
Ang bawat laman ng kanilang mensahe habang humihigop sa isang baso

Ng kape na mainit,dagdag kaba sa sarili kong hindi ko maipinta
Sa sarili kong nagpapagaling pa,
Wala akong lagnat , Hindi nga lang marunong kumalma
Ang utak ko'y pagod na pagod na sa mga ideyang kakaiba at di ko alam kung san papunta

Ang isip ko na di ko mapakalma,
Nararamdaman ba nila , o patuloy paring humahalakhak
Sa kalagayan kong patay na patay na,
Kaya minsan ayaw ko ng kasama, di ko kasi maipaliwanag sa kanila na

Ako'y biktima lamang ng kalungkutan ,
Biktima ng nakaraan at kasalukuyan
May mga bagay lang talaga na madalas kong makalimutan,
madalas ding matandaan , (ako'y nagpapagaling pa at dahang-dahang nagpapakalma)
Tag-Ulan
Roninia Guardian Aug 2020
Limang taon ng nakakalipas Simula nang ika'y aking makita
Bakas parin sa aking labi ang saya ng unang beses kitang makasama
Na tila ba'y ako na ang pinakamasayang dilag sa mundong ibabaw
At ang aking kasiyaha'y talaga namang nag-uumapaw

Nagtapos akong Ikaw ang aking gusto
Nagpatuloy sa pakikipagsapalaran ng Ikaw ang gusto
Saksi pati ang mga kaibigan ko
Pagkat ikaw lang ang tinitibok ng aking puso

Sa paglipas ng panahon patuloy kong pinanghawakan
Pangako sa sariling ikaw lamang ang aking aabangan
Pagkat ako'y sobrang naniwala sa salitang "ITINAKDA"
Dahil iyon ang aking hiniling sa Poong Lumikha

Puso ko'y isinara para magmahal ng iba
Pagkat ikaw lang talaga ang sa puso ko'y nagpapasaya
At kahit sa larawan lang kita nakikita
Aba'y 'di ko alam kung bakit ang puso ko'y tila nababalot ng mahika.

Ngunit isang araw nagbago ang lahat
Nang may isang balitang sa puso ko'y nagbigay sugat
Ang kaligayaha'y napalitan ng kalungkutan
Ngayo'y 'di ko na alam kung paano ko pa panghahawakan

Panghahawakan pa ang aking pangako
Na ikaw lang ang hihintayin ko
Pagkat ikaw lang ang kaligayahan ko
Dahil ikaw ang "Leleng Ko"

Ngunit paano pa aasa
Kung sa Simula naman pala'y wala ng PAG-ASA
At ang puso ko'y akin lamang sinisira
Pagkat ang aking minamahal ay may ibang sinisinta.

Alam kong hindi lang ikaw ang lalaki
Ngunit puso ko'y ikaw ang pinili
Kaya kahit kapalit nito'y pighati
Patuloy parin kitang mamahalin

Sabihin man ng ibang ako'y tanga
Pasensiya na ngunit wala akong magagawa
Pagkat ako'y tao lamang
At 'di napipigilang magmahal.

Kaya hanggang sa huli, ako'y may isang hiling
Pagkat alam kong ang tamang panaho'y darating
Na tayong dalawa'y pagtatagpuin
"Sana sa pagkakataong iyon, sayo'y wala ng pagtingin , pagkat 'di ko kayang madurog aking puso
Habang ika'y masaya sa taong iyong gusto."
Michael Joseph May 2018
hinahanap pa rin kita
sa bawat araw na lumipas
mga gabing kayakap ang lamig
sa mga nakatagong larawang kupas
pinamarisan ng mga alaala
nakapinid sa’king damdamin
hinahanap pa rin

ang mga haplos at yakap
nakakulong sa mga kahapong
naglaho kasabay ng mga ulan,
at sa pag tila ng mga patak
ay siyang pag-agos ng aking luha
para sa mga alaalang
hinahanap kita

sa simoy ng tag-ulan
sa mga bakas ng agos ng luha
sa malamig na hanging dulot
ng mga madidilim na ulap
at sa mga naiwang alaala
hinahanap kita

kahit saan man mapunta aking mga paa
sa pag-iisa at sa paghahanap-karamay
sa walang hanggang agos ng kalungkutan
hinahanap pa rin
ang mga alaala
ng kahapong

hahanapin din
sayo.

Michael Joseph Aguilar Tapit
04/07/2017
This is an entry for my post-baccalaureate degree in Creative Writing. I am planning to take a new step in poetry.
JD May 2018
Dati-rati kanta lang yan
Kantang pinaka pinanghuhugutan
Magdadala sayo ng kalungkutan
Magbibiga'y ng bigat sa kalooban.

PAGSUKO isang salita
Na nagpabago sayo ng sobra
Simula ng iniwan ka nya
Naging mas matibay kana.

PAGSUKO, nag iiwan ng mga katanungan
" Bakit nya ba ako iniwan? "
"May nagawa ba akong mali para iyong saktan?"
"Bakit di mo sagutin ang lahat ng yan?"

Puro ka lang salita
Hindi mo pala magagawa
Iniwan mo ko basta basta?
Kasi ano? Kasi sabi mo nahihirapan kana?!

Napakadami **** dahilan
Pero PAGSUKO lang pala ang kahahantungan
Bakit di ka lumaban?
Mas pinili **** ako'y saktan.

Simula ngayun wag kanang magpapakita
'Wag kanang babalik pa
Kasi iba na ako alam mo ba?
Di mo na ko mapapaikot sa'yong mga salita.
Napagod sa mga panandaliang pagbalik
Sa agarang paglisan na akala mo'y sabik
Napagod sa mga pagpansin na puro kalokohan
Sa mga salitang walang kasiguraduhan
Maaari bang kumawala
Ang pusong napagod na
Sa bawat sakit, kalungkutan at pait
Pagod na sa pag-alala sa nakaraan
Utang na loob
Ipatikim mo naman ang salitang “pagtahan”
Eugene Oct 2018
Nagsisimula nang humakbang ang aking mga paa,
Ilang sandali na lamang ay masasaksihan ko na,
Na mararamdaman ko na ang pakiramdam na tayong dalawa ay magiging isa,
At habambuhay na itatatak sa puso na tayong dalawa ay magkasama.

Sa suot kong kulay puting kasuotan ako ay nakangiti,
Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa iyong tabi.
Hindi ko mapigilang mga luha ay umagos mula sa aking pisngi,
Ito na nga ang pinakakahihintay kong pinakamasayang sandali.

Parang kailan lang nang una kitang masilayan,
Dito sa dalampasigan ay mag-isa kang nag-aabang habang ang mga mata ay nasa karagatan.
Naka-upo sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan,
Malalim ang iniisip at hindi ko maarok ang kailalaliman.

Nang ika'y lapitan, sa mga mata mo'y pansin ko ang kalungkutan,
Ako ay natigilan pagka't hindi ko alam kong nararapat bang tuklasin ang iyong pagkakakilanlan,
O hahayaan na lamang kitang pagmasdan o basta na lamang kitang iwanan.
Ngunit nang ika'y magsalita, nangyari ang kabaligtaran at doon nagsimula ang ating mahahabang kuwentuhan.

Sinong mag-aakalang sa isang tulad ko ikaw ay pakakasal?
Konserbatibo at mahiyain na ang tanging alam ay mula sa kabihasnan?
Hindi katulad **** Inglesero, palabiro, at hindi mabilang ang kapintasan?
Pero kinalaunan, lumabas din ang natatago **** kabaitan at kasipagan.

Ilang hakbang na lamang ang lapit ko sa iyo,
Pero humahagulgol ka na, inuunahan mo na naman ako!
Magkagayunpaman, mahal ko ang isang tulad mo,
Dahil sa iyo, nabuo ang isang tulad **** ikaw at ako!
Hindi sa ayokong maging masaya
Hindi sa ayokong makaahon sa lusak
na iba ang nagdala
Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili
yan ang akala nila.

May mabuti kang pamilya,
ilang daang tropa
magandang suporta

Sabi ng lipunan,
madali lang sumaya,
gumalaw ka, sumayaw ka,
sumulat ka ng kanta.

Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa

Depresyon ay hindi kathang isip.
Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan,
madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw.

paano paano yan ang tanong nila.
mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila.

ngunit di nila alam,
sa likod ng mga biro,
ay lungkot ang pinagmulan
sa likod ng mga tawa,
ay mga sigaw "ang sakit sakit na!"
sa likod ng mga talon at palakpak  
ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan
kung pwede lang
kung maari lang
araw araw hiling ko lang ay
makaahon sa kalungkutan

kung tatanungin ako ulit,
wala kong kasagutan.
Hindi sa ayoko ng kasagutan,
hindi sa ayoko lunasan.

Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban.
Wag nio ko husgahan,
sinubukan ko,
binigay ko ang kaya ko
pero kapag nakikita ko na ang panalo
bigla na lang ulit  itong lalayo

ngaunit hanggang andito ako,
hanggat nakikipaglaban ako alam ko
sa sarili ko may pag asa pa ako.
at ikaw rin!
alam kong malalim ang pinanggalingan
alam kong ilang beses mo ding sinubukan
alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo
MALI
Hindi ito ang magpapatumba sayo.
Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo.
Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas
sa bawat pagsubok ng isa pa
lahat yun napagtagumpayan mo na.
kung hanggang kelan hindi ko alam
ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa
andun ka buhay ka lumalaban ka.
Walang tiyak ang bukas
pero wag lang mag alala
HINDI KA NAG IISA
Nightkeeper Oct 2018
Ang kalungkutan ko
ay siyang humahatak
sa pag-ibig ****
pumapalayo.
mahal, nais ko lang malaman mo na andito pa ako.
Michelle Samson Sep 2017
Ang lingid sa kaalaman,
Ngiting pinta sa larawan,
Ay balot ng kalungkutan
na mahirap unawaan

mapaglubid ng buhangin,
ang mata at ang pagtingin,
sa nabasag na salamin
unti-unting uukitin.
one of my tagalog works; actually this was our assignment in Filipino lol
unknown Mar 2020
sa ilalim ng mga ngiti sa aking labi,
ay may nakatagong lungkot at pighati,
naguguluhan sa mga desisyong pinipili,
patuloy na pagku-kuwestiyon sa sarili.

pilit inaalam kung ako ba'y may importansya,
sa mga taong tinulungan kong magkaroon ng pag-asa,
lubos ang pagbibigay at aking isinakripisyo,
ngunit bakit tila wala naman yatang epekto?

pipilin lamang sa oras ng pangangailangan,
babalewalain sa oras na hindi mabigay ang kanilang kailangan,
ganito ba talaga ang mundo?
kilala ka lang kapag kaya **** ibigay ang kanilang gusto?

hindi nila nakikita ang aking kalungkutan,
dahil hindi naman nila gustong malaman,
at sino ba naman ako para magreklamo?
isang taong tumulong sa kanilang bumagon sa mundong magulo.
ig: seluring
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
Taltoy Feb 2018
Gago, di ko na alam,
Ako'y sadyang nawindang,
Di ko kayang bitiwan,
Ako'y nalulungkot ng tuluyan.

Di ko talaga alam bakit?
Bakit? Bakit? Bakit nga ba?
Bakit nga ba di ako maalis sa aking isipan aking sinta?
Bakit nga ba tila luluha ako nung nakita kita.

Alam kong utak ko'y kumitid,
Iniwan ang katalinuhan pati prinsipyo,
Alam ko sa sarili kong ito'y aking mali,
Subalit di ko kayang bitiwan, sadyang mahapdi.

Sa kauna-unahang pagkakataon,
Ako'y parang di maka-ahon,
Sa lalim ng kalungkutan,
Sa lalim ng aking isipan.

Di ko na alam anong susunod,
Ano pa nga ba ang susunod na kaganapan,
Ng kwentong malato pa sa katapusan,
Ano ba ang susunod na tunggalian?
Ang kitid na ng utak ko. Diyos ko, saklolo. Ano na bang nangyayari sa aking mundo?
JL Nov 2020
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!!
By: Lovely Joy / September 2020

Ilang araw at buwan na rin ang dumaan
Mga araw na pinagdaanan at naranasan
Na nagbigay ng aral, pasakit, kalungkutan
Pero nangibabaw pa rin ang kasiyahan
Salamat sa alaala at nakaraan, kaibigan.

Kalahati ng aking tula'y naabot na rin
Ilang piyesa, ilang titik, ilang salita na ang nabitawan
Pakiramdam ko mauubusan na ako ng letra
Pero handa naman akong maubusan
Kung ang paglalaanan ng aking pagiging makata ay IKAW.

Naalala mo pa noong huling tinanong kita ng "Ayaw mo na maayos?"
Ni isang salita wala akong narinig mula sa'yo.
Sabi natin noon, laban lang tayo hanggang dulo
Siguro nga eto na yung dulo.
Siguro oras na... oras na...
Susubukan kong kalimutan ka na
Kahit sobrang sakit sa akin ang talikuran ka.
Bibitawan ko na ang natitirang "sana"
At pakakawalan ko na ang paniniwalang "baka.”

Dapat ko ng tanggapin na hindi tayo para sa isa’t-isa
Sabi nga sa isang kanta, pinagtagpo pero hindi itinadhana
Natatagpuan pero nakatakda ring umalis.
Merong babalik, at meron din na maglalaho na lang.
Oo nga't mahal kita..... mahal...pa... kita...
Mahal kita, pero siguro tama na.
Love your self. ♥♥♥
Gamaliel Jan 2021
///
Paano ko pa sasabihin kung kailangan ko ng limutin? Pati panahon na aking inaasahan, aking kalaban. Malayo ka. Malaya ka.

Bakit hindi na lang ako? Siya ba ang itinadhana sa iyo? Masaya ako para sa iyo. Dalangin ko ang kaligayahan mo. Pero bakit hindi na lang ako? Mapait ang panlasa ko. Nasasaktan ang puso ko. Kalungkutan ang baon nito. Itatago at iingatan na lang mga ngiti mo. Hindi ko na alam kung saan ako patungo.

Alam ko, mag-aalala ka para sakin. Alam ko, malulungkot ka para sa atin. Huwag na. Ako na lang para sa ating dalawa kaya awat na. Huwag mo sanang isipin na isang kasalanan. Hindi ko rin naman malaman. Basta na lang naramdaman. Gusto ko namang iwasan. Gusto ko namang pigilan. Ano bang dahilan? Mayroon ka bang kasagutan? Paano, mauuna na ako sa katapusan.

Tiyak ko, lubos ka niyang pahahalagahan. Nakikita ko naman ang inyong pagmamahalan. Mas madalas man na ako ang lisan at ang pag-ibig ko ay di suklian, marami na rin ang aking iniwan at tinalikuran. Nawa'y ang lahat ng ito ay di mo na maranasan. Kung maipapangako niya lang sana na di ka sasaktan at pababayaan. Oo, kusang-loob na bibitaw, kahit pa pumanaw.

Alam ko, isa lang naman akong kaibigan. Hinahanap ko lang rin naman ang mga kasagutan. Parehas natin gustong maintidihan. Alam ko, ako'y iyong papakinggan. Tulad ko sayo, ikaw, ay aking kaibigan. Wag mo muna akong talikuran. Maari kayang dahan-dahan? Ngiti ka muna at ako'y pagbigyan.

Hindi ka mawawala sa aking hiraya kahit papunta ka at mananatili sa piling niya. Kung bakit ba naman sa pagkakalayo nating dalawa kita unang minahal at ninais na makasama. Kung bakit ba naman sa iyong pananahimik natuto ang puso ko na umibig nang may pananabik.

Ikaw naman ang mauna sa ating dalawa. Dito na lang muna ako, tatahan at magpapahinga. Maghihintay pa rin sayo at hindi susuko. Kapag dumating ang panahon na mangulila ang iyong puso, bumalik ka sakin na tumatakbo at nagmamadali. Sabay na tayong magsisimulang muli at iiwan itong ating dulo.
Simula sa Dulo
Twelve Aug 2017
heto nanaman,
ang oras na kinakatakutan,
na ako’y bibitawan,
sa araw na kasalukuyan,
na ikaw ay na sa kalungkutan.

heto na ang wakas
mayroon pang konting oras,
para bigkasin sayo ng malakas,
mamahalin kita kahit wala ng bukas

subalit ang sakit ng damdamin,
kailangan kayanin,
dahil wala na ang dati,
pero narito parin ako parati.
#tagalog #lungkot
Lianne Guevarra Apr 2020
Mahal, napakasarap sa pakiramdam ko noon ang isipin na tayong dalawa ay aabot sa panibagong taon.
Ngunit hindi pa pala ito sigurado.
Dahil sa pagwawakas ng taong 'yon,
Ay siyang pagtatapos na rin pala ng ating relasyon.
Mahal, hindi ko inakala.
Hindi ko inakalang magagawa mo kong iwan.
Hindi ko inakalang magagawa mo kong saktan.
Hindi ko inakalang ang huling araw ng taon, ay huling araw na rin ng pagsasama natin sa isang relasyon.

Mahal, bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako inayawan?
Mahal ika'y aking inasahan,
Sa mga pangakong iyong binitawan.
Ikaw ang dahilan ng aking kaligayahan.
Ikaw ang dahilan ng aking paglaban.
At sa di ko inaasahan,
Ikaw rin pala ang siyang dahilan ng aking kalungkutan.
Ano ba ang dahilan ng pagsuko mo sa ating pinagsamahan?
Dahil ba meron ka ng bagong kaligayan,
O bagong kasintahan?

Umabot ang ilang buwan at nagkukulitan parin tayo.
Binibigyan mo ko ng motibo na ika'y babalik.
Teka, binibigyan mo nga ba ako?
O ako lang talaga ang nagbibigay ng kulay sa bawat kilos na ginagawa mo?
Mahal, babalik ka pa bang talaga?
o hindi mo lang talaga ako maiwan dahil may kailangan ka pa?

Mahal, sabihin mo na ako na ang nagmamakaawa.
Dahil ayoko nang masaktan at umasa pa.
Ayoko nang umiyak muli sa parehong dahilan.
Parehong dahilan ng iyong paglisan.
Paglisan na kahit ilang buwan na ang lumipas, ay hindi ko magawang limutan.

Mahal, paano na ang mga plano natin?
Paano na ang mga pangarap natin?
Paano na ang mga pangako natin?
Paano na ang mga memorya natin.

Mga memoryang nagsisilbing matinding kalaban para sa akin,
Dahil hindi ko ito magawang lisanin.
Sapagkat ang mga ito na lamang ang natira,
Memorya nung mga panahong ikaw pa ay akin.

Naalala ko bigla,
Kung saan tayo unang nagkita,
Kung saan tayo unang nagkakilala,
Kung saan tayo unang nagsama,
Kung paano tayo nagsimula,
Kung paano tayo nagmahalan na tila ba wala ng hangganan.

Pero sa hindi ko inaasahan,
Ikaw rin pala ay lilisan,
Ang mga pangako rin pala ay mabibitawan,
Masakit man sabihin ang huljng katagang ito,
Ngunit, paalam na mahal ko.
Francisco Ocampo Mar 2020
Ikaw pala yan, yung taong palangiti at palaging masaya.
Ikaw pala yan, yung taong kalungkutan ay halos hindi makita.
Pero tila ba nagbago na yung taong nakasanayan nila.
Saan napunta yung ngiting kayang makapagpasaya ng iba?

Yung dating masigla at makulay, ngayo'y napapalibutan ng kadiliman.
Tuwing babalikan ang kahapon, masasabing isa kang liwanag na walang hangganan.
Ngunit anong nangyari at parang pagod na pagod ka?
Hindi na nga ba maibabalik yung dating sobrang saya?

Iyong mga mata ay napagod na, kakahanap sa kalutasan para sa iyong mga katanungan.
Ang iyong boses ay halos mapaos na,  kakasagot sa mga katanungan na "ayos ka lang ba".
Sa bawat gabi na ika'y nag-iisa, hindi mo man sabihin alam ko'y meron kang pangamba.
Takot na baka bukas ikaw nalang mag-isa, o takot na baka sumuko ka nalang bigla.

Hindi man tayo sobrang magkakilala, pero gusto ko lang sabihin na sana marunong ka din magpahinga.
Walang masama kung ika'y magpapabida, pero huwag kalimutan na ikaw ay mas mahalaga.
Bilang isang paalala, mga katagang ito'y aking iiwanan na.
Ikaw na nagpapanggap, kamusta ka na?
Meruem Dec 2019
May isang munting alupihan,
Na naligaw sa aming tahanan.
Lingid sa kaalaman ng iilan,
Siya ay may dalang kalungkutan.

At nang lumaon nga siya ay napaluha,
At siya ay napapunas ng kanyang luha,
At napapunas, at napapunas,
At napanunas, at napanunas....................
December 17, 2019 - 05:55

Abot nga ba ng ibang kamay niya yung mukha?
John Emil Oct 2017
Hiling kong makasama ka
Kahit di na tayo humihinga
Mahal pa rin natin ang isa't isa
Nang may pinanghahawakang pangako
Kalungkutan ay di madarama
Sapagkat saya at tuwa
Ang tangi kong gagawin sinta
Nang hiling ko matupad sana
Makasama ka sa tuwina
Prince Allival Mar 2021
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan
Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik.
Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba?
Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit.

Nalulunod ako sa mga luha
sa bawat oras ng pagkadapa,
Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati;
'Sang pinsala dulot ng pag-ibig
na nawaglit lang ng bigla
Nasa'n ka na nga ba?
Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali.

Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal,
At sa pagdating ng hating-gabi,
ginagapos ng lubid ng karimlan:
Walang mahagilap na dahilan
sa paglayo mo mula sa 'king piling,
Bukod-tanging kahapon na lamang
ang aking sinusubukang gunitain.

Subalit gulo ang s'yang aking batid,
pait ang s'yang aking lasap;
Ni walang kapayapaan,
ni bigkis man lang ng galak.
Tayo sana'y habangbuhay na, ba't ka pa lumisan?
Nasa'n  ka na nga ba?

At kung hindi ka pa rin darating,
sa panahong mundo na'y magdidilim,
Maghihintay pa rin ako sa 'yo
hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
JOJO C PINCA Nov 2017
Ang kandungan mo ang kanlungan ko,
Ito ang huling hantungan ng aking mga kalungkutan.
May kakaibang kapayapaan ang sumasaakin
Sa tuwing ikaw ay aking inaangkin.
Ikaw ang simboryo ng aking santuaryo,
Hindi ko kailangan ang rosaryo sapagkat ikaw
Lang ang nag-iisa kong misteryo dito sa aking Beaterio.

— The End —