Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2018
Lumalala nanaman ang aking isip , kakaisip,
Kailan ba ako matututong makisalamuha sa mga tao?
Palagi ko nalang sinisilip ,
Ang bawat laman ng kanilang mensahe habang humihigop sa isang baso

Ng kape na mainit,dagdag kaba sa sarili kong hindi ko maipinta
Sa sarili kong nagpapagaling pa,
Wala akong lagnat , Hindi nga lang marunong kumalma
Ang utak ko'y pagod na pagod na sa mga ideyang kakaiba at di ko alam kung san papunta

Ang isip ko na di ko mapakalma,
Nararamdaman ba nila , o patuloy paring humahalakhak
Sa kalagayan kong patay na patay na,
Kaya minsan ayaw ko ng kasama, di ko kasi maipaliwanag sa kanila na

Ako'y biktima lamang ng kalungkutan ,
Biktima ng nakaraan at kasalukuyan
May mga bagay lang talaga na madalas kong makalimutan,
madalas ding matandaan , (ako'y nagpapagaling pa at dahang-dahang nagpapakalma)
Tag-Ulan
John AD
Written by
John AD
  480
 
Please log in to view and add comments on poems