Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Amethist Jude Oct 2016
Ang saya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip

Ang saya matulog
Para lang akong nahuhulog
Nahuhulog sa ideyang tayo
Pero di masasabihing totoo

Pagtulog na mag-isa ka
Sa panaginip kasama ka
Naka-ngiti,
Magkahawak ng kamay,
Nakatawa.

Pagkagising mag-isa ka.
Nakahiga sa kama
Malungkot,
Walang kayakap,
Marahil na nagdurusa.

Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo,
Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo.
Naniwala at nagpaloko
Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro

Minsan gusto ko nalang matulog
Kase nakakapagod na mahulog
Mahulog sa kalungkutan
Mahulog sa kasawian

May oras na ayoko nang gumising,
Sa tulog kong mahimbing.
Dahil alam kong kapag ako'y namulat,
Gugustuhin ko ulit sumulat.

Sumulat ng aking nararamdaman,
Sumulat ng bagay na ipinaparamdam,
Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman
At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman.

Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod
Mapapagod sa nararamdaman
Mapapagod sa katangahan
Mapapagod sa kabiguan

Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog
Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan
Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog
Dahil malinaw na ito'y isang katangahan

Sa susunod na pagtulog
Sana hindi na ikaw ang laman
Ng panaginip
At Laman ng puso't isip

Dahil masaya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip
Mala-slam poetry ang nais ko pero fail
090316 #AlphabetsOfLove #SpokenWords

Nag-aral ako't rumolyo ang panahon
Nagbilang ng taon, nabihag ng pag-ibig Niyang pabaon.
Naghalungkat ako ng mga mumunti Niyang Katha
Sa tarangkahang puno
Ng higit pa sa dalubhasang mga Salita.
At heto --
Heto ang Bukas na Liham
Ng pag-ibig ng isang tunay na Mandirigma.
Para sa lahat ng nanghihina't nasawi ng tadhana,
Para sa lahat ng humuhugot
Sa sandamakmak na nagdidilimang mga eskima
Heto, heto nga pala ang ABAKADA ng Pag-ibig.

----

A-alalayan Kita't baka mahulog ka't masaktan pa ng iba. Baka magpasalo ka na naman sa mga bolerong nanunungkit ng pag-ibig -- silang susungkit ng mga bituin para sayo, silang haharana sayo ng kilig, silang magsasabing maghihintay sayo kahit pa sa magkabilang mundo -- silang magdudulot lamang ng matinding pait sa puso mo pag hindi ka pa handa, pag hindi ka pa nahilom at pag hindi pa panahon. Oo, silang muling gugusot ng pagkatao mo.

B-abalikan Kita, hindi dahil Ako ang nang-iwan. Pakiramdam mo kasi'y wala ka nang halaga; yung tipong iniwan ka na ng lahat sa ere't kaunti na lamang ay pabagsak ka na -- yung wala ka nang matakbuhan pa, yung paikut-ikot na lang, yung takbo ka na lang nang takbo -- hanggang sa mapagod ka na lang. Mapapagod at kusa kang hihinto -- yung bibitiw ka na, yung aayaw ka na, yung titigil ka na, yung wala ka nang pakialam. Kaya't --

K-akalingain Kita, di gaya ng pag-ibig na minsang nagpaluha sayo. Nang nasisilayan Kitang magdamagang umiiyak. At kasabay ng bawat teleseryeng pinapanood mo ay luluha ka't hahagulgol ka sa isang sulok. Paulit-ulit sa bawat alaala, parang lirikong sinasabayan mo sa bawat hugot na pasan-pasan mo. Na lahat na lang, tila ba'y konektado sa kanya. Na wala ka nang mapanghawakan pa. Iiyak ka na naman ba? Pero --

D-aramayan pa rin Kita, hindi lang sa mga pagkakataong sawi ka; pero pati sa mga oras na gusto mo siyang balikan. Doon ay papagitna Ako at pipigilin Kita. Gusto kong makita yung totoong ikaw, yung dapat sanang ikaw -- yung ikaw na kahit wala siya'y buo ka pa rin. Yung hindi mo malilimutang mahal -- mahalaga ka para sa Akin.

E-h nasasaktan ka na. Ganyan ba ang pag-ibig na gusto mo? Na siya na ang nagiging mundo mo? Na halos wala ka nang kibo sa roletang dapat sana'y para sayo? Ganyan ba, ganyan ba ang totoong nagmamahal? Na hahayaan **** malugmok ka't madungisan ang sarili ng paulit-ulit at miserable **** nakaraan? Na hindi ka na kikilos, na parang wala ka nang balak bumangon at salubungin ang araw. Na parang hahayaan mo na lamang manlamig ang kapeng itinimpla sayo ng mga higit pang nagmamahal sayo. Pero --

G-agamutin Kita. Lahat ng mga sugat at pasang idinulot sayo ng nakaraa'y pawang aalisin Ko. Ako mismo ang kukuha ng bulak at Siyang papahid at dadampi sa bawat kirot at hapding naiwan sayo ng minsang ipinaglaban mo. Ako mismo ang iihip sa bawat nangigitim at sariwang mga pantal at peklat na bumabalot at kumukubli sa dapat sanang ikaw. Handa Ako at kaya Ko -- kaya kong alisin ang lahat --

H-anggang sa makabangon kang muli't maranasan mo ang pagbabagong ganap. At mapagtanto **** hindi naman siya kawalan sa pagkatao at pagkatawag mo. Masakit man pakinggan pero oo, hindi siya ang buhay mo. Uulitin ko: hindi siya ang buhay mo. Tumingin ka sa mga mata Ko. Pagkat oo, buo ka pa rin at walang nagbago sa paningin Ko sayo.

I-iyak ka paminsan pero ang lahat ay mananatiling alaala na lamang; luha mo'y sasaluhi't pupunasan Ko. Bibilangin Ko ang bawat butil na walang humpay na dumarampi at darampi pa sayong mga pisngi, higit pa sa matatamis na pangako niyang napako na rin kalaunan. Oo, napako ang lahat -- napako ang lahat sa Akin.

L-umaban Ako at patuloy Kitang ipinaglalaban. Tiniis ko ang bawat matitinik na hagupit sa mga balat Ko; maging mga pangungutya ng mundo. Para sayo -- para sayo, lahat ay ginawa Ko na; lahat ay tinapos Ko na at lahat ay iginapos Ko na. Pagkat --

M-ahal Kita at hindi Ako magsasawang patunayan yan sayo. Walang anumang bagay sa mundo na makapagtitibag at makahihigit sa pag-ibig Kong laan sayo. Mahal Kita at mas mamahalin pa -- higit sa mga araw na bilang, higit sa mga oras na ninakaw ng dilim pagka maaga ang takipsilim, higit sa kaibuturan ng dagat na wala pang nakalalangoy -- higit sa mga panahong pipiliin **** mahalin na rin Ako.

N-i hindi Kita iiwan, ni hindi pababayaan. Kaya -- wag ka sanang matakot na buksang muli ang puso mo, pagkat ni minsan -- ni minsa'y hindi Ko naisip na biguin ka. At hindi Ko naisip na paasahin ka gamit lamang ang mga salita, pagkat kalauna'y darating Ako para sunduin ka. Totoo ang bawat pangako Ko at lahat ay para sa ikabubuti mo, kaya't panghawakan mo ito -- hindi gaya ng pagsalo ng tubig gamit ang mga kamay mo. Pero hindi, hindi masasayang ang pag-ibig mo.

O-o, naiintindihan Kita, na nahihirapan kang magtiwalang muli dahil sa sobrang nasaktan ka na. Hindi Kita minamadali at hindi Ko ipipilit ang pag-ibig Ko sayo. Hahayaan Kita -- hahayaan Kita kasi gusto kong kusa ang pagtitiwala't pagmamahal mo. At --

P-apasanin Kita. Gaya ng isang Inahing naglilimlim sa kanyang mga inakay, gaya ng isang Inahing hahagis sa kanila sa himpapawid gamit ang sariling mga pakpak. At Gaya ng isang Inahing sasalo at papasan sa kanila pag nahulog silang muli -- hanggang sa makalipad sila -- hanggang sa makalipad kang muli. At buhat sa ereng pinagtambayan, buhat sa ereng pinagkatakutan mo'y, ngayo'y makakaya mo na. Kahit na sabi mo'y naputulan ka na ng pakpak; kahit pa sabi mo'y hindi ka na muling makalilipad pa. Mali, mali ang paniniwala **** yan pagkat --

R-aragasa ang pagpapala't ibubuhos Kong ganap ang Sarili Ko sayo. Ayokong iniisip **** hindi mo na kaya ang buhay; ayokong mawalan ka ng pag-asa dahil lang umasa ka sa maling tao o maling mga bagay o mga sitwasyon. Sabi mo pa nga, wala nang saysay ang buhay mo. Sabi mo nga, hindi mo na kaya. Oo --

S-asabayan Kita -- sasabayan, hindi lamang sa pag-abot ng mga pangarap mo. At sa bawat lubak na madarapa ka, tandaan **** narito Ako't aagapay sayo, kahit ilang beses ka pang matisod sa pagtalikod o pagkatalisod ay handa pa rin Akong saluhin ka -- sasaluhin at payayabungin.

T-atayo Ako sa harap mo at Ako ang magsisilbing harang sa bawat balang ikaw ang puntirya. Manatili ka lang -- manatili nang may buong pananampalataya at Ako -- Ako ang gagawa ng mga bagay na imposible sa paningin mo -- mga bagay na mistulang imahinasyon mo lang; mga bagay na binaon mo na sa limot pagkat huminto ka, huminto ka dahil napagod ka. Pero tapos na, tapos na ang panahon ng kapaguran. At ngayo'y --

U-nti-unti **** mararamdamang kusa na ang pagyapak mo kasama Ako. Na kaya mo na pala, na nakahawak ka na rin sa mga kamay Ko; na hindi ka na bibitaw pa. Pagkat, kailanma'y hinding-hindi Kita binitawan. Oo, hindi Kita hinila noon pagkat ayokong napipilitan ka pero matagal na -- matagal na akong nakahawak sayo; hindi mo lang napapansin o hindi mo Ako nagagawang tingnan.

W-ag kang mag-alala't alam ko ang kapasidad mo - kung kailan mo kaya at kung kailan hindi. Alam kong minsan mahina ka, pero maging mahinahon ka.

Y-ayakapin Kita, Anak; at kung iiyak kang muli, pwede bang sa mga bisig Ko na lang? Ikaw ang tanging Yaman ko't alay Ko sayo ang lahat. Mahal Kita, at ito'y walang hanggan.

---
Ngayon, magtatapos Ako
Magtatapos ako kahit na sarado pa ang puso mo
Kahit na may iba ka pang mahal sa ngayon
Kahit tila naririndi ka na sa pagkatok Ko
Kahit pa pinagsasarudahan mo Ako
Kahit pa ayaw mo pa Akong tanggapin
Kahit pa sabi mo'y hindi ka pa handa
Kahit pa sambit mo'y sa susunod na lang
O kahit pa sigaw mo'y tumigil na Ako
Pero hindi, ayokong magtapos ng ganito.
Magtatapos Ako't maghihintay sa sagot mo
At sana, sana'y dugtungan mo ang liham ng paanyaya
Dalawang letrang magkatulad lang
Dalawang letra lang ay sapat na
At ito -- ito na marahil ang pagtatapos
Na Ikaw ang Simula.
Jeremiah Ramos Jun 2016
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig?
Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito.
Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko,
Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo,
'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula
Hindi pa rin ba sapat,
na nakilala kita?
Para maintindihan ang pag-ibig?

Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula.
Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan,
Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam.

Hindi ako makahinga,
Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong,
Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig?
Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating.

Kung ang pag-ibig ba ay...
Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon?
Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo.
Ang pag-ibig ba ay...
Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay?
Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap?
Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan.
Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig.
Natakot ka at nabighani.
Ang pag-ibig ba ay...
Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses?
Ang mga guhit sa braso mo?
Ang mga natuyong luha mo?

Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba?

Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro?
Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan?

Natatakot ako,
Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan,
Mapapagod ako at susuko.
Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro,
Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko,
Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan.

Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig,
Limang beses akong nagkamali.
Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig,
Ang ano, bakit, kailan, at paano.
Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan.

Pangako,
Sa sandaling maramdaman natin 'to.
Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
Probably my last love poem, I'm gonna take a break writing about love for a while.
AL Marasigan Apr 2017
Una, napakaganda ng mga simula, ng mga umagang puno ng kaba, hinahanda ang sarili sa mga posibleng pagpapakilala. Hinahasa ang mga ngiti, ang mga galaw, ang mga paglakad sa harapan ng iyong mga kaklase. Tinatanggap ang mga matatalim na tingin habang naghihintay sa bawat salitang lalabas sa kaluluwa **** malapit nang sumabog, mga taingang naghihintay, naghahandang makinig…

Pangalawa, magiging kampante’t komportable ka, iisipin na ang buhay ay ganun lang kadali, na ang bawat simula’y pagpapakilala lang ng sarili na pagkatapos **** magpakilala ay makikinig ka nalang. Iniisip na ang kaginhawaan, galak at takot sa simula ay mananatiling sa’yo.

Pangatlo, mapapagod ka. Na ikaw ay gigising ng mas maaga, papalitan ang dugo ng iba’t-ibang uri ng likido, sa pagbabasakaling ang simula ay mananatili hanggang sa dulo. Ikaw ay unti-unting susuko.

Pero pang-apat, ang daan tungo sa tagumpay ay di dapat kalimutan at sukuan di’ba?

Subalit panglima, ang tagumpay ay di palaging may sementadong daanan, na ang lahat ng bagay ay di perpekto. Na ang langit na narasanan mo nung simula ay di mananatiling ganoon hanggang sa dulo na ito’y posibleng maging blankong espasyo na lamang. Matatakot kang punuin ito ulit.

Pang-anim, maghanda ka sa paglipad. Unti-unting buuin ang mga pakpak gamit ang mga balahibong parte ng iyong mga simula.

Pangpito, lisanin ang lumbay, ang galit, gamutin ang mga sugat sa’yong mga pakpak. Unti-unting abutin ang araw kahit na ito’y iiwanan kang abo, susubukang pabagsakin.

Ito ang pangwalo, maghanda kang bumagsak, mahulog, masaktan.

Pangsiyam, masakit ang mahulog, bumagsak, umasa. Ngunit gawin mo itong lakas, lagyan mo ng pwersa ang bawat pagaspas ng mga pakpak ng iyong simula. Oo, di tayo handa na mahulog, bumagsak, umasa, at walang kahandaan sa mga ganitong bagay.

Pero pangsampu, huwag kang susuko, magaling na ang iyong mga pakpak, tapos na ang paghahanda. Subukan mo nang lumipad muli sa langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay bumuo sa’yong pagkatao. Liparin mo ulit ang blankong espasyo, lagyan ng mga bagong simula, buksan ang mga nakakandong daanan, abutin ulit ang tagumpay, subukan muling lumipad, at pag ika’y muling nahulog, abutin ulit ang langit, lipad lang.
Inspired by Juan Miguel Severo's  "Sampung Bagay na Natutunan ko sa mga Umiibig"
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.

May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.

Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.

Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.

Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.

Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.

Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.

Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.

Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.

Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.

Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!

(6/28/14 @xirlleelang)
012917

Naisip kong magpatangay sa hanging kumot sa aking paggising. Naisip kong hamunin ang araw ng mga talatang pasalaysay at huminto gamit ang panalangin.

Isa, dalawa, tatlo: oo, ito na ang ikatlong araw nang tayong ipinalipad sa iba't ibang dako -- patungo sa bawat sulok ng mga pangarap at doo'y sabay-sabay nating maitataas ang Kanyang Ngalan.

Di ko kayang amuhin ang bawat petsa sa kalendaryo para lang maggising tayo't muling mabuo. Di ko kayang sipulan ang ulap na kukumpas sa kalangitang hindi naman nagbabago.

Sa bawat pangarap na minsang natabunan ng ating mga mapapait na nakaraan -- mga pangarap na ni minsa'y di sumagi sa isipang mabubuo natin nang sabay; oo, posible palang maitagpi-tagpi ang bawat istorya para sa mas malaki pang larawang ni minsa'y di natin nasilayang mag-isa.

Marahil napuno tayo ng takot na muling humakbang sa bukas pagkat nahihila tayo ng dilim. Marahil kinain tayo ng sakit, kirot at alalahanin kaya naman tila kayhirap nang lakaran ang tubig ng pagpapala. Pero kahit na -- kahit na lumubog pa tayo sa kumunoy ng distansya't walang kasiguraduha'y may iisa pa rin tayong di dapat na bitiwan -- na patuloy tayong kumapit sa iisang Ngalang titingalain natin hanggang sa Kanyang pagdating.

Siguro nga mapapagod tayo pagkat taksil ang landas o ang pagkakataon pero hindi pa ba ito sapat na dahilan para muling masubok at tayo't tuluyang magpasakop? Kung ang lupa nga'y kayang sakupin ng mga dayuhan lang; ano pa't ang puso't buhay nating tanging hiram lang? Kakatok hindi ang pangarap bagkus ang may dala ng mga ito; ilapit mo ang mga kamay sa puso at doo'y mabubuksan ang pintong may sagot sa mga hiling at dasal mo. Mabuhay si Kristo! Buhay Siya sa iyo!
Para sa mga kaibigan ko sa Brave Heart! Mabuhay si Lord sa puso ng bawat isa!
Poti Mercado Jan 2018
Puno ng init ang unang higop ng kape
Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat
Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok
Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig
Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi
At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais

Ngunit sino ba ang iyong kape?
Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas?
Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog?
Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya?
Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait?

Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo
Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya
Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman
Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso
Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay
Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata
Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo

Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw
Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata
Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi
Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay
Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal
Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas
Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
Robert Biene Mar 2018
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko
Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko
Sinulat ko to kahit di mo gusto
Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo
Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya
Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan
Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko
Sinulat ko to para sayo, aking sinta.

Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan
Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot
Di ka ba napapagod
Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot
Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya
Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto?
Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay.

Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha
Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama
Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan
Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana
Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya
Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan
Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang
Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay

Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya
Handa kang hintayin kahit gano man katagal
Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita
Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta.

Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap
Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay
Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso;
Para sa lalake di uso ang laro

Sa bawat bigkas na taludtod
Pangako sayo di mapupudpod
Puso **** naupod napagod
Di na mauulit ang pagkakataon na iyon
Sayo'y di kahit kelan mapapagod
Intidihin ka sa bawat pagkakataon
Respeto at pangunawa ang aahon
Para sa panahon sa muling pagkakataon
Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
102516 #Manila

Ililiyad ko ang mga kamay
Pakanan at pakaliwa
At hindi ako mapapagod,
Hindi ako mangangalay.

Tangan ko ang sari't saring mga bagahe
Iba't iba ang sukat
Batay sa kapasidad ng bawat isa.
Pero sila rin ang pumili;
Kailanman, di ko sila diniktahan.
May ibang kaya nila, may ibang hindi
May ibang nang-iiwan,
Ikaw na raw ang bumitbit.

Lilipad ako, higit pa sa agila
Lilipad ako pero hindi ako kakampay.
May engkwentro sa ere,
May digmaan sa himpapawid.

At hindi ako paiihip
Kahit pa taliwas ang hangin.
Ako'y tutuloy lang --
Makalalapag din ako,
Kaya't hintayin mo sana.
J Sep 2016
Nagniningning nanaman ang mga bituin,
Nandyan nanaman ang buwan na nakatingin sa atin,
Madaling araw na pero hindi pa ako makatulog,
Walang ibang naririnig na tunog kundi ang puso kong kumakabog.

Walang tigil kang tumatakbo sa aking isipan,
Hindi mapapagod ngayon, bukas at kahit kailan,
Heto ako nakangiti at dinadama ang bawat salita,
Sa dalawang salitang binitawan mo "Mahal kita"

Simula nang narinig ko ang mga ito mula sayo,
Dalawang salita na dati'y masakit ngayon ay naging paborito,
Siguro nga may mga oras na mahirap at kumplikado,
Ngunit mahal ko eto ang tatandaan mo.

Ipinapangako ko kay tadhana ika'y ipaglalaban,
**At kahit kailan hinding hindi ka susukuan.
Pangako
Magandang umaga
Yan ang bungad pagbangon sa kama

Kain na
Ang sarap pakinggan tuwing napapasin na ako'y gutom na

Pahinga ka muna
Hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka aking sinta

Mahal kita
Mga salitang hindi nakakasawang marinig mula sa kanya

Tulog na
Lumipas ang isang araw na masaya sa piling ng isa't-isa.

Mga salitang sa akin ay nagpapasaya
Simpleng mga salita na sa akin ay mahalaga
Jor Jan 2015
I.
Sabi nila tama na ang pagpapakatanga,
Sabi nila sa'yo'y ako'y wala namang halaga,
Sabi nila hangga't maaari layuan na kita,
Pero anong magagawa ko, ikaw parin talaga.

II.
Tatanggapin ko ang mga paratang nila,
Tatanggapin ko lahat ng mga sinasabi nila,
Tatanggapin ko kahit ang sakit masabihan ng "tanga".
Wala na akong pakialam pa sa sasabihin nila.

III.
Darating din ang araw na mapapagod ako,
Mapapagod din ako sa kamartiran ko.
Darating din ang panahon na magsasawa ako,
Magsasawa ako sa mga katangahan ko sa'yo.
Tumambad sa akin ang rehas
Na may tuklap-tuklap na nakaraan,
Minsa’y puti, ngayo’y sinag na ng araw.
May mga banderitas ding panlayag
Siyang simbolo ng mainit na pagbati.

Nakaririnig din ako ng padyak ng mga paa
Sabik sa halik ng lupaing hindi naman pag-aari.
Ang pagtatampisaw sa putikang
May sirit ng pagmamadali.
Ang pagkalampag ng pintuang walang tirahan
At ako’y maiiwan, nakatali sa silyang lupain.

Sampung minuto raw
Sampung minuto ring tumatagas ang mga alaala
Sampung minutong pagiging saksi ng ebolusyon
Ng waring walang himpil na pagtatantya ng pagkakataon.

Nilalatag ko nang paulit-ulit
Ang mga kwento ng bawat katauhang kasapi sa kwento
Sa kwento nilang paulit-ulit na binabasa
Buhat sa matatapang na mga matang
Hindi ko man lamang masuyo.

Nililingon ko sila sa aking paghihintay
Ako’y hindi kilala, bagkus binabalikan.
Malaya ko silang pagbubuksan,
Yayapusin ng buo kong pagkatao.

Hindi ako mapapagod sa pagkukutya sakin ng kalsada
Sa’king mga pagal na mga paang rumorolyo.
Patuloy kong iindahin ang bawat misteryo ng lubak at patag,
Maihatid lamang sila, sa panibagong kwento ng paglisan.
013017

Hindi ako humihingi ng bago sayo
Pero inabutan mo ako ng blangkong papel
Siguro nga, siguro nga wala kang sinabing magsulat ako
Pero heto ako't isinasatitik pa rin ang bawat tulang naging misteryo sa puso ko.

Hindi ako humingi ng espayo sayo
Pero binigyan mo ako ng patlang --
Mga patlang na hanggang ngayo'y walang sagot
Mga patlang na hindi ko alam kung laan ba sakin
O sinadyang ipadaan lamang sa mga kamay ko
Para lang may maisulat ako ngayon.

Hindi nawalan ng tinta ang panulat ko
Pero tila naubusan ito ng dahilan para magsulat sa mas marami pag mga pahina --
Mga pahinang hindi ko alam kung pinunit mo na rin ba
Hindi ko alam kung ginusot mo na ba
O baka naman ipinadaan mo na sa apoy
At oo, natupok na ang lahat
Pero sariwa pa rin sa akin ang bawat linya ng talata
Siguro nga, siguro nga hindi ko kabisado
Sa kung papaano ako nagsimula
O paano ako nagtapos sa piyesang iyon
Pero ang alam ko -- ayoko na.

Ayoko na -- ayoko nang bumalik sa umpisa
At halukayin na naman ang nakaraan
Yung katulad ng dating magmumukmok ako sa sulok
Sasabay ang luha sa pagpatak ng ulan
Sasabay ang takot sa kulog
Sasabay ang galit sa kidlat
At wala -- wala na naman ako.

Ngayon, naisip kong sa dulo magsimula --
Sa dulo kung saan ay bago na ang lahat
Oo, hindi naman nabubura ang sakit
Pero kaya itong lagpasan
Malalagpasan kasi pinalipas na ang panahon
At hinilom na ang lahat --
Oo, napatawad na kita.

Sabi nila, nasaktan na raw ako ng sobra
Wag ko na raw balikan kasi nga baka di ko na kayanin
Tama na raw, kasi nakakaawa na raw ako
Ano raw bang meron sayo na minahal kita
May mas magmamahal pa raw sa akin
Mapapagod lang daw ako
Sasaktan mo lang daw ako.

Pero alam mo, iba ang sabi Niya --
Na patawarin kita
Na binura Niya na ang lahat ng sakit sa puso ko
Na wag akong magtanim ng sama ng loob
Na pinalaya Niya na ako
Na higit na magtiwala ako sa Kanya
Na muli akong magtiwala sayo
Na wag akong matakot magmahal muli
Na wag akong matakot masaktan
Na lagi kitang ipanalangin.

Sa totoo lang, hindi ko alam
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng dahilan
Kasi pag tinanong mo ako kung ba't kitang mahal,
Wala akong masasagot sayo --
Basta, basta mahal kita
At mas mahal ko Siya --
Doon Niya tayo ipinagbuklod ng pag-ibig Niya.
Eugene May 2016
Nakayanan **** mag-isa,
Nalagpasan **** hindi lumuha,
Bakit sasabihin **** pagod na ako?

Hinarap mo ang bagyo,
Nilangoy mo ang delubyo,
Ngayon, sasabihin **** pagod na ako?

Sinangga mo ang naglalakihang sibat,
Inilagan mo ang sunod-sunod na bala,
Bakit ngayon, napapagod ka?

Tinakasan mo ang dilim,
Hinabol mo ang liwanag,
Ngayong matatag ka na, saka ka pa mapapagod?

Isipin **** hindi lang ikaw ang tao sa mundo,
Alalahanin mo ang pamilya't kaibigan mo,
Sila rin pasan-pasan ang bigat na dala mo.

Buong buhay ka mang mapagod,
Basta't sa Diyos huwag kang tatalikod,
Dahil Siya ay laging nasa iyong bakod.
Ang bawat salitang bibitawa’y
Mistulang mga butil ng ulan.
Dahan-dahang tutuksuhin ang damdaming
Hindi mawari kung saan nga ba lulugar.

At unti-unting magtatago at maglalaho,
Gaya ng mga imahe sa panaginip
Na minsa’y nagigising na lamang --
Kupas na ang mga alaala.

Naglaho at nagbago,
Tulad ng gabing mapanlinlang.
Tulad ng pag-aalinlangan
Kung bubuhos na ba ang unang patak ng ulan
O mananatili’t makapaghihintay
Kung sino ang taya; kung sino ang handa na.

Hindi ko lubos maisip
Na ang tadhana pala ay may katapusan,
At ito’y matagal nang dumaong
Sa kawalan ng tiwala.

At gaya ng mapanuksong dahong
Sumasalo sa luha ng langit,
Siya rin pala'y bibigay at mapapagod --
Mapapagod at lilihis hanggang pangako'y mapako.

Naubusan ang bawat katauhan
Ng sandatang  mas masakit pa sa ligaw na bala.
Hindi na rin nila naggawang humanap ng paraan
Para likumin ang minsang mga butil
Na ngayo'y karagatan na.

Naubusan na rin ng mga salitang maibibigkas
Pero minsan din naman nilang sinambit,
Na “ako’y handa na."
Nagtuturuan at nagtutulakan,
Kung sino ba ang may sala.
Ang rosas na alaala, ngayo'y tinik na sinusuka.

Humahampas ang agos ng nakaraan
Sa mga pusong nanamlay habang naghihintay.
Marahil, napagod nga sila
O talagang naubos na ang alas
Sa kani-kanilang mga baraha.

Naulit nga lang ba ang nakaraan?
O ito ang katapusan ng kanilang sumpaan?
Pagkat minsan na ring nalumbay
Buhat sa distansyang pumagitan sa kanila
Ngunit sa pagitan ng “oo” at “hindi,”
Hindi na nila nagawang sumabay.

Ang bigat na kargo ng isa’y
Hindi na kinayang pasanin ng isa pa.
At sa sabay na pagtalikod
Ay namutawi ang poot at tampo.

Hanggang sa dulo ng sinasabi nilang “simula”
Ay naging hangganan na.
At naputol ang pulang lasong itinali nang sabay.
Sabay nga silang nangarap,
Ngunit sabay din silang naubos.
inggo Nov 2015
Ako'y hindi mapapagod sa paglalakbay
Kahit pasmado na ang magkahawak nating kamay
At kung pagod ka na sakin ay pwedeng sumalabay
Magsasama tayo sa panghabangbuhay
VJ BRIONES Aug 2018
Tula: Takbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit hindi ko alam ang lugar
Kahit walang kasiguraduhan
Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan
Para lang matakasan ang lahat
O ang nakaraang gustong lipasan
Tatakbo ako ng malayo
Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din
Na may nakalagay na
bawal dumaan dito
Marami nang namatay dito
Hindi ako matatakot
Hindi ako hihinto
dahil Tatakbuhan ko ito



Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Para makadiskubre ng bagong daanan
Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan
Kahit abutin pa ng magpakailanman
Abutin ng gabi
,madaling araw
,o kinabukasan pa yan
Tatakbo parin ako
Kahit Tulog na ang lahat
Nagpapahinga at nananaginip
Ng mga pekeng pantasya
at ako ay tumatakbo pa
Gising sa katotohanan at realidad
Hindi parin tumitigil
madadaanan ang mga nagtitinda
sa kalsada ng balot at iba pa
Dahil may gusto kong takasan
May gusto kong puntahan
Kaya ako tumatakbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit mauhaw pa at matuyuaan
ng lalamunan
Hahanap ako ng tubig
Para mabigyan ng bagong sigla
At manatiling malakas
sa takbo ng buhay
Hindi ko ipapakita
na ako ay pagod na
Hinihingal
Hinahabol ang hininga
Hindi na ako magpapahinga
Iinom lang ako
at ipagpapatuloy ko ang aking takbo
Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran
Mabasa ang aking buong kasuotan
Dahil tatakbo ako
Hindi ako hihinto
Hindi ako mapapagod
Hindi ako magpapahinga
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo


Ayoko nang tumakbo
Gusto ko nang magpahinga
Pagod na ako
Hihinto na ako
Dito lang nalang ako
At Haharapin
Hindi tatakasan
Hindi tatakbuhan
Dahil marami na akong nalampasan
na lugar
kalye,
Kanto,
Kalsada,
Nalampasang pagsubok,
problema,
Hamon,
Pagod,
Na aking hinarap sa aking pagtakbo
Hihinto
At
tatayo
at magiging handa
Para sa pagdating ng bagong simula
Handa na ako
Handa na ako
Hindi na ako tatakbo
Chi Jul 2017
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon
Nagbabakasakaling malilimutan ka rin
Ginawa na ang tamang desisyon
Na sarili naman ang bibigyan ng pansin

Sinusubukang kalimutan ang mga alaala
Na magpapabalik ng aking dadamdamin
Idinilat ko na ang aking mga mata
Sa mga bagay na maari kong sapitin

Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama
Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata
Sinubukan ko
At pilit na sinusubukan

Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan
Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala
Lugar na aking kinamumuhian
Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat

Mahal, hihintayin kita
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Hihintayin ko kahit imposible naman ito
Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako
Maghihintay ako

Ngunit mahal, hindi ko maipapangako
Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod
Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako
Dahil mahal, tao din ako

Gusto ko din na pahalagahan ako
Gusto kong mahalin ako
Yun nga lang gusto ko galing sayo
Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo

Kaya mahal, maghihintay ako
Habang minamahal ko ang sarili ko
Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa
Sana mahal, maintindihan mo
Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
Andrei Corre Aug 2021
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman
'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin
Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'?
Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na
Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin
Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang
Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang,
Sabay ang galaw ng ating katawan
Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan

Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo:
Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo
At sa mapupula **** labi ko narinig ang
Sinabi ****: ganiyan din ang nararamdaman ko
Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi
Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi
Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa
Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba
O kahit pareho pa tayong nakapalda
Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y
Maputulan ng hiniga

Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala
Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa
At mas maingay pa ang bulungan
Kaysa awit ng banda
O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa
Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo
Mapapagod din sila

Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga
Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko
Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa
Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga

Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal
Pero huwag ka sanang mabibigla
Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit
Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat
Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula
Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad
Ng agos na pilit kong nilabanan
At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang
Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan
Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan
Sa walang hanggan nating habulan
Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang
Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa

Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam?
May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha
Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang
Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw
Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw
Ang dalaga noong una't huli kong sayaw
Na alam kong imposible nang balikan
Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na
Lahat ng 'yon ay tunay
At mahal kita, maniwala ka
Kahit ako pa ang unang bumitaw

#
2017 spoken poetry piece
Bryant Arinos Aug 2017
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na.
Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala.
Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako"
Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo.

Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa.
Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama.
Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho.
Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama?

Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa.
Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa"
Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita.
Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa"

Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko.
Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo.
Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya.
Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na.

Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na.
At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
sabi nga nila sa umpisa lang masaya
at nag daan na ang umpisang iyon
heto na tayo ngayon sa away bati
pilit inuunawa ang isa't isang may mali

sabi nga nila mag babago din 'yan
hindi ko inakala na mangyayari iyan satin
pero nandito tayo ngayon nag tataka
bakit tila hindi na maintindihan ang isa't isa

sabi nga nila mapapagod ka din
ang pinakakinakatakutan ko sa lahat
at heto na tayo sa pinakakinakatakutan ko
tila ika'y unti unti ng napapagod saakin

sabi nga nila iiwan ka din niyan
mahal, umaasa ako sa mga pangako **** sinambit noon
pero kung hindi mo na talaga kaya
baka pwede namang kayanin mo pa, parang awa mo na

kayanin mo na mapatunayan natin sa lahat na tayo ay hindi lang basta basta
kasi tayo ay hindi kabilang doon sa mga sinasabi nila
at tayo'y handang sumubok kahit na paulit ulit nalang ang nangyayari
na tayo ay muling babalik sa umpisa na laging masaya dahil sobrang mahal natin ang isa't isa

baka lang naman pwede mahal ko, baka lang naman..... sana
JOJO C PINCA Dec 2017
tuluyan ka nang naupos tulad sa kandila.
unti-unting natunaw ang buhay mo.
dahan-dahan itong kinain nang imbing kamatayan.
isang pahingalay sa tulad mo'ng nagtiis
ng malubhang karamdaman.
buto't balat ka na lang at laging dumadaing,
buhay na patay kung ika'y pinagmamasdan.
sa wakas hindi kana maghihirap.
wala na ang kirot na saksakan ng lupit.
wala na ang sugat na bumubulok sa'yong likuran.
hindi kana mapapagod sa paghabol ng iyong hininga.
hindi kana pagpipistahan ng mga lamgam.
wala na ang diaper na kailangan palitan.
alam namin na pagod kana,
kailangan mo nang magpahinga.
paalam na sa mga tusok ng karayom
na hindi makita ang tamang ugat saiyong katawan.
paalam sa mabaho at mainit na ospital.
hindi na lilipas ang maghapon na puno ng bagut.
wala na ang mapapait na daing 'twing madaling-araw.
dumating na ang mga sundo,
kukunin ka nila at di na muling ibabalik.
tinatawag ka na ng hangin papalayo sa amin,
inagaw ka ng liwanag sa kalaliman ng gabi.
sa huling hantungan mo ay tatanawin kita.
aalalahanin ko ang kabataan ko na kasama kita.
babalikan ko ang lumipas na may lungkot at saya.
may mga umaga na hindi na darating,
pero may mga kahapon na 'pwede pang balikan.
walumpot-limang taon sa mundong ibabaw,
at marami-rami ka na ring narating.
siguro nga wala ka nang hahanapin pa,
sapat na marahil ang layo ng iyong nalakbay.
kaming mga naiwan mo hindi maglalaon
ay tutugpa din na gaya mo.
ang hindi lang namin alam ay kung kailan, paano at saan.
paalam po at salamat sa mga ala-ala.
alas-dose medya kagabi Disyembre 3, 2017 namatay ang tiya ko panganay na kapatid ng nanay ko.
Twelve Oct 2017
Para tayong isang sasakyan,
na tatakbo ng maayos sa umpisa,
at kapag naggamit na ng husto,
nagiging palyado.

ngunit hindi doon natatapos
ang istorya nating dalawa
kung saan tayo sumakay
patunggo sa desisyon
nating magkaugnay

maglalakbay tayong dalawa
ng walang panggamba
hanggang gabi ata umaga
tayo parin ang magkasama

pero darating yung oras
na masisira ang isang parte
na kailangan baguhin o ayusin
para umandar uli ang sasakyan ng buo

hanggang makalipas ang biyahe
na nagsilbing ala-ala ng mga kasiyahan
at kapighatian
mapapagod din ang makina
at doon tayo’y baba
dagliang sampay ng kamay sa balikat
na wala man lamang konsepto ng
pag-iingat.

itong bulalakaw ng halik
at ang haba ng tarima.
ang sikhay ng dagat ng
pag-agos ay hindi mapapagod kailanman, sapagkat
ang daluyong ng bawat sandali
ay mistulang hangin sa bukas
na mga bintana. inaalis ang bigat
ng panaginip at ikinikintal
ang gaan ng
pag-gising nang muli

sa iyong

piling.
Para sa imoha.
100921

Ilang beses pa ba tayong magpapaliguy-ligoy?
Pagkat sa pagitan ng paghahasik ng dilim
At sa pagsilang ng araw ay doon tayo magsisipag-sulpotan?

Hindi ba tayo mapapagod?
At hanggang kailan ba natin ito kayang ipagpatuloy?
Ganitong estado ng pamumuhay rin ba
Ang nais nating ipagmalaki't ipasa sa ating mga anak?

Pandemya nga lang ba?
O kahit hindi naman gipit
Ay ito na ang pamamaraan natin?
Kaninang madaling araw, may pumasok sa aming bakuran. Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi ata namin namalayan. Wala man kayong nakuha ngayon, sana dumating kayo sa puntong hindi na maging madilim ang inyong mga paningin. Sana hindi mangyari sa inyo ang mga bagay na inyong kinasanayang gawin. Sana matuto rin kayong maging patas sa kabila ng hindi pagiging patas ng panahon. At tandan n'yo, hindi lang kayo ang hirap sa buhay.
Umaga —
Oras na naman para bumangon
Para buhatin ang sarili
At akayin ito
Patungo sa walang kasiguraduhan.

Sa mga tala kagabi,
Aking pinagnilay-nilayan
Ang mga katagang pa-na-hon
Na sa mga oras na ito’y sisibol muli
Ang pag-asa buhat sa delubyo ng kahapon.

Tinitiis ko ang sinag ng tirik ng araw
Para bang hindi nya naisip
Na nasasaktan ako —
Na sa tuwing bubuksan ko ang aking bintana’y
Nariyan sya at tatambad sa akin..
Para bang walang nagbago,
Para bang hindi nya ako dinaya kahapon
O sa ibang araw pang lumipas.

Gusot ang damit ko,
Ni hindi ko man lamang nagawang plantsahin ang damit ko
Na para bang sinisigaw ko sa mundo na,
“Tama na! Pagod na pagod na ako!”
Pero nakatikom pa rin ang aking bibig
At pilit akong lumuluhod sa aking mga luhang,
“Wag muna, wag muna ngayon.”

Minsan na rin akong nakalasap ng tagumpay
Yung tipong minsang bumago sa kung sino ako ngayon,
Ito yung minsang alam ko namang may kapalit —
Yung panghabambuhay na..

Naniniwala pa rin akong pantay ang pagtingin ng Langit
Sa katulad ko at sa katulad nila
Kung ang ulan nga‘y
Sabay na babagsak sa dukha’t gintong kutsara,
Gayundin ang pag-asa.

Hindi ako mapapagod,
Hindi ako titigil na bumangon sa umaga
Hindi pa rin ako titigil sa pasasalamat —
At pagbubuksan ko pa rin ang Umaga.
Paulo May 2018
Sabik na sabik sa bawat sandali na makita ka
Puso kong galak na nagsusumayaw sa tuwa
Mga mata kong nangungusap binabanggit na sana'y ikaw na nga
Ang tanging iibigin at sa puso ay sana di na mawaglit pa

Ika'y nakatalikod ng biglang lumingon
At ako ay nabighani na para bang wala ng kahapon
Sabay sigaw ng aking pangalan
Ako naman ay tumungo at ika'y nilapitan

Sa bawat pagdaan ng araw tayo'y nagkakausap
Mga mata kong di maipaliwanag ang kislap
Ako naman tong sobrang tuwa at laging nagsisikap
Upang mapasaya ka at balang araw ay mayakap

Gitara't awitin para sa unang akyat ng ligaw
Tsokolate at rosas para sa ikalawang dalaw
Ililibre ka ng paborito **** mangga at isaw
Lahat ng yan di ako mapapagod gawin

Umaasa sa matamis na oo na isasagot mo sakin
Mangangakong hindi ka sasaktan at lolokohin
Sa lahat ng kaibigan at magulang ay ipapakilala
Irerespeto kita ng taos puso at walang pagdududa

Ngunit lahat ng yan ay tila nagbago
Dumating ang isang umaga at ika'y biglang naglaho
Hindi nag paalam kung saan patutungo
Hanggang ngayon eto ang aking pusong nagdurugo

Ako ay di magsasawang mag hintay sa iyong pagbalik
Umaasang sayong pisngi ako'y makakahalik
At igugugol lahat ng oras at sandali
Di na mag dadalawang isip at mag aatubili.
Naranasan mo na bang umibig tas bigla nalang syang naglaho't hindi nag paalam? Check this out. By yours truly
Katryna Mar 2018
Sinong makakapagsabi na kaya ko palang iaalay ang kantang ito sayo.

Nakalimot ako,
Masyado kong nilunod ang mga oras ko kakaisip sa mga pighating dala ng imahinasyon ko.

Nilamon tuloy di lang ng pagkatao ko kung hindi pati ang puso ko.
Nakalimutan kong ikaw pala ang nagpapatibok nito.

Sabi nga sa kanta, "this heart it beats, beats for only you".
Pero nasaan ako?

Ito, nilulunod ko ang sarili sa mga luhang hindi mapawi pawi.
Nakalimutan ko na bago sya o sila dumating, ikaw ang unang lumapit.
Nakalimutan ko na bago ako sa kanila umasa, hiningi ko muna sayo ang mga bagay na aking natatamasa.
Nakalimutan ko na bago ako sa kanya o sakanila kumapit, kamay mo muna ang unang kumalinga.
Nakalimot ako, na bago ako manlimos ng atensyon nya, o nila
Binigay mo ito ng buong buo.

Oo alam ko, naging matigas ako.

Ilang beses mo na akong niyakap pero pilit akong pumipiglas.
Oo alam ko, na sa tuwing nag iisa ako at lahat ng tao ay tinalikuran ako.
Ikaw ang kahit hindi ko nakikita pero alam ko, andyan ka lang sa tabi ko.

Inaalay ko ang kantang ito, dahil oo tama ang mga liriko nito.
Hindi ko kaya ng wala ka.

Ikaw na nagsilbing hanging payapa sa puso kong binabagyo ng galit,
pangamba
at kung ano ano pa.

Ikaw na nagsisilbing huling hininga ko,
huling pag asa ko.

Pakiusap, wag kang mapapagod na yakapin ako.

Isayaw, ang puso ko hanggang muling matutong magmahal.
Isayaw, ang puso ko, tulad ng puso mo na walang ibang alam kung hindi ang magpatawad.

Isayaw, ang pagkatao ko,
At ibalik ako sa dating ako.

Patawad nakalimot ako.
Published last October 1, 2017. Christian life program
021924

Itikom aking bibig
Nang Sayo’y mamahinga.
Isip ko’y Iyong pagharian
At muling awitan ng Iyong pagsinta.

Ilang dekada na’y
Nanatili Kang tapat —
Ni hindi ka nagkulang,
Ikaw ay naging sapat.

Paano nga ba ako hihinto?
Kung Ikaw ang aking Kalakasan.
Bakit nga ba ako mapapagod?
Kung Ikaw rin ang aking uuwian.

Tatahan ang aking mga mata,
Pagkat Ikaw ang aking Tahanan.
Ikaw ang Simulang
Walang katapusan.

At balang araw,
Sa isang kurap
At sa isang iglap lamang —
Ang lahat ay alaala na lamang.
Llanerarjay Oct 2018
Alam ko tong daan na to,
Daang patungo sa'yo.
Daang paulit ulit na lalakarin,
Makita ka lang, ang laging hangarin.

Paa'y di mapapagod sa paglakad,
Hindi mapipigilan na kahit na sino man.
Ako sana'y iyong mapatawad
Sa mga pagkukulang ko noon paman.

Hinahanap-hanap ang mga ngiti mo
Ngiti **** nagbibigay ng saya sa katulad ko.
Gustong-gustong marinig yung boses mo.
Boses **** tila magandang awit sa mga tenga ko.

Kaya't kahit gaano man kalayo, gaano man katagal
Hindi mapapagod ang pusong magmahal.
Kahit ano pang pagsubok ang harapin sa daan,
Makita ka lamang, mahawakan at mahagkan.

Gustuhin man nila akong lumakad palayo sa'yo.
Lagi ko paring tatahakin ang daang patungo sa'yo
Hindi mo na kailangang sabihin...
"Lumayo ka na sa akin."
Darating ang araw, mapapagod ang sarili--
Maghintay.
Magmahal.
Umintindi.
Magbakasakali.
Ako'y kusang hihinto.
Pero hindi ang puso.


(You don't have to utter words
"Stay away from me."
For someday I will grow weary
Of waiting.
Of loving.
Of understanding.
Of hoping.
Myself, it will stop.
But the heart won't.
For you.
Euphrosyne Feb 2020
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na.
Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala.
Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako"
Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo.

Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa.
Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama.
Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho.
Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama?

Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa.
Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa"
Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita.
Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa"

Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko.
Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo.
Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya.
Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na.

Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na.
At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
Kmo Jun 2017
Tulad mo'y isang ulap
Pilit kong pinapangarap
Kahit mataas at mailap.

Pilit kong inaabot,
Mahawakan at maitago
Dahil ayaw na sayo'y malayo.

Init ng araw aking titiisin
Kahit matuyuan pa ko ng pawis.

Di ako mapapagod sa pagkakatayo
Mangawit man ang binti ko.

Di ako hihinto sa paghihintay sayo
Matusta man ang kulay ko.

Gagawin kong lahat para ika'y sumaya
Dahil ayokong makitang umiiyak ka

At maglaho na lang tuluyan
Sa paningin kong bigla.
Katryna Mar 2018
Heto nanaman ako, 
binabagtas ang daan papunta sayo.

Nagbabakasakaling makakahanap ng katahimikan mula sa paborito kong pwesto.

Paulit ulit akong pumupunta dito.

Paulit ulit kong sinasambit ang mga salita ko at paulit ulit **** naririnig sakin ang pag susumamo.
Paulit mo ring inaangat ang mukha kong nakalugmok sa aking mga palad
At paulit ulit mo ring pinupunasan ang aking mga pisngi na walang pawis na dumadaloy ngunit mga luha.

Paulit ulit mo rin pinaparamdam sakin ang iyong mga bisig na walang ibang alam gawin kung hindi ang kumalinga.
Ang iyong mga mata na walang ibang alam gawin kung hindi ang maghanap ng nawawala at hindi ng mga wala.

Ang iyong mga tenga na walang sawang makinig sa mga bagay na alam mo na
at hindi sa mga bagay na gusto mo lamang marinig tulad ng iba.

Ilang beses na akong nagdasal,
nagmakaawa,
nakipagpalitan ng mga hiling
pero hindi ka nagsasawang makinig.

Nag aantay ng mga susunod kong hakban kahit alam **** hindi ko pa kaya.

at walang sawang magbigay ng mga gabay na kung madalas ay hindi napapansin dahil may ibang pakay.

Sa pagdami ng iyong bisita alam ko magiging abala ka sakanila
ngunit alam ko na ang aking dasal ay meron pa rin namang puwang sa iyong tenga.

Sa araw na ito hindi ka mapapagod magpunas ng mga luha ko.
Maglapat ng ulo ko sayong balikat.
Makinig sa walang sawa kong mga hinaing.

Dahil sa mga oras na to,

Walang ibang laman ang aking puso kung hindi tula at papuri para sayo.
Joe Feb 2020
Gusto kita.
Sa mga oras na ito
Pero hindi sa mga susunod,
Maaaring mahalin na kita
O pwede ring may iba na ulit akong gusto.

Magulo ako, Oo alam ko
Pasensya kana kung ganito ako
'Di ko ito ginusto
Takot lang ako sa nararamdaman ko

Nais ko lang na maging handa.
Maging handa sa
Panibagong sakit at kirot
Na maaari kong maranasan muli
Pag nagmahal ako
Pero kung sakaling lumalim ang pagtingin ko sa iyo
At ika'y aking mahalin
Sana 'di pa huli
Hindi pa huli ang lahat
Dahil ayokong magsisi sa huli.

Alam ko na darating ang oras
Oras na mapapagod ka,
Susuko ka, maghahanap na
Ng iba.
Ngunit sa kabila ng mga oras na iyon
Umaasa akong babalik ka
Kahit imposible na.

Ilang beses kitang nasaktan
Umiyak ka,
Iniyakan mo ako.
Ang swerte ko.
Pero ang tanga ko.

Sa haba ng panahon
Naghintay ka,
Umaasang maging posible
Yung mga bagay na imposible
Ilang araw, linggo, buwan at taon pa
Ang kaya mo?

Ayokong dumating ang panahon
Na magsawa ka at mapagod ka
Pero ayoko din maging makasarili
Malaya ako,
Malaya ka.
Ngunit,
Sino ako para pagbawalan ka?
Pagbawalan ka na 'wag kang mapagod.
Sino ako para saktan ka?
Sino ako para mahalin mo ng sobra?

Isa ako sa mga taong maswerte
Ang swerte ko dahil,
may nagmamahal sa'kin.
At hindi ko na kailangan manlimos ng pagmamahal sa iba
Dahil ibinigay mo na ang lahat.
Sobra sobra pa.

Gusto kita noon
Pati narin ngayon.
Ayokong mahulog sayo
Kaya pinipigilan ko.
Hindi ka mahirap mahalin
Pero natatakot ako.

Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon.
Kung kaya mo pa.
Konti pang panahon,
Para maging handa at
Maging buo yung
nadurog kong puso noon.

Sana lang di pa huli ang lahat.
Sa panahon na ako ay handa na.
At sa oras na mahal na kita.
Bryant Arinos Jan 2019
darating talaga sa punto na mapapagod sa inyo ang isa,
ang maiiwan ay di alam kung san ang puputahan,
walang lugar na kabibilangan.

ilalaban ng naiwan ang lahat,
pipiliting buohin ang mga bagay na wala na.
iipunin ang lahat ng lakas masabi lang ang bawat sana.

tila nakaraan lang ay ayos pa ang lahat,
naiguguhit pa ang litrato ng bawat ngiti.
ngunit nagdesisyon ang isa na itigil na ang kasiyahan.

natapos ang lakbay nating dalawa nang walang rason.
gusto **** lumaya? hindi na masaya? ayaw mo na?
mali... baka ayaw mo lang talaga simula palang nung una.

— The End —